Chereads / #AnrekwitedLav / Chapter 8 - VII.

Chapter 8 - VII.

"Grabe ka loves di mo man lang ako pinansin" maktol ni Aeron habang naglalakad kami sa mall.

"Eh malay ko bang ako yung tinatawag diba?" Sabi ko naman.

"Kahit na" sabi niya sabay nagpout siya.

Shemayy!! Ang gwapo niya.. Ito na naman! Napangiti na lang ako. Kinikilig akoo! Nyemas! Heart naman! Pwede bang tama na! Wag ka namang tumibok ng mabilis.

"Loves" tawag niya sa akin.

I feel so much butterflies in my stomach. Tokwa!

"Hmm?" Tanong ko.

"Ano nga pa lang ginagawa mo dito sa mall?" Tanong ni Aeron.

"Wala. Gala lang."

"Eh ano pa lang ginagawa mo kanina dun sa bookstore?"

"Nagtitingin lang ng Otakuzine Issue 100"

"Ahhh." Sabi niya sabay nag-nod pa siya.

Bigla siyang huminto at hinarap niya ako sa kanya sabay hinawakan yung dalawa kong kamay.

Nagulat ako. Pabilis ng pabilis yung heartbeat ko.

Bigla siyang tumingin sa mata ko. Tokwa! Ano ba 'to? Shemayyy!!

At nag-smile siya sa akin.

A-ano.. Hindi na ako makahinga, rinig na rinig ko na yung heartbeat ko.

"Loves" sabi niya.

"A-ano?"

"Pwede ko bang hawakan yung kamay mo habang naglalakad tayo?" Tanong niya.

"H-ha?"

Tapos naramdaman ko na lang hawak niya yung kamay ko habang naglalakad kami.

Two words to define my feeling right now: Kinikilig ako.

Gusto kong tumili at sumigaw sa sobrang kilig!

"Loves" sabi ni Aeron.

Bigla kaming napahinto sa tapat ng isang malaking tarpaulin.

Napabitaw ako sa pagkakahawak ng kamay namin ni Aeron.

Namilog ang aking mata at...

"Waaaaahhhhh!! Aeron!!! CARDCAPTOR SAKURA THE MOVIE!!"

"Oo nga" sabi niya ng nakangiti.

Parehas kasi naming favorite yung Cardcaptor Sakura.

"Waaaaahhhhh!! I love it!!!! THE SEALED CARD!!" sigaw ko ulit.

"Sabay tayo manuod ah?" Sabi ko kay Aeron.

"Syempre naman Loves!" Sabi ni Aeron.

"Waaaahhhh!! I love you Aeron!! Thank you! Thank you talaga!!" Sigaw ko habang nakayakap sa kanya.

Pagka-alis ko ng yakap sa kanya, napatingin ako sa kanya.

"S-sorry napasobra yata yung pagka-excite ko. Hahaha" sabi ko.

"H-hindi okay lang naman" sabi ni Aeron.

"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Ah oo nga pala! Sa Animé Convention"

"Animé Convention?! Meron dito?" Tanong ko.

"Oo, actually. Doon talaga ako pupunta ngayon eh"

"Tara na pala!"

Hinawakan ko na yung kamay niya at akmang aalis na nang....

Sila Collin yun ah?

Apat silang naglalakad...

Si Collin, si Anshel, si Ricky at si Zanne.

Ang cool nila tingnan! Napapatingin nga yung ibang tao sa kanila eh.

Ang gwapo nilang magpipinsan! Akala mo mga model na naglalakad sa mall! Syempre REYEZ eh.

Teka, madadaanan nila kami.

Nakita ko naman na inaagaw ni Collin yung phone ni Anshel.

At nilagpasan LANG nila ako.

Nilagpasan nila ako?

Nilagpasan talaga nila ako!

So, ganun? Nag-college lang kami hindi na nila ako kilala?! Childhood friends ko pa man din sila!!

Bakit di ako pinansin nila Collin? Kahit si Anshel lang! Bestfriend ko pa man din siya! Mula High School kami di kami mapaghiwalay niyan. Buset!

Pagkalagpas nila... Eh? Kasama pala nila si.....

"J-julri?"

Napatingin siya sa akin.

"Kierzelle" sabi niya sa akin ng nakangiti.

Sabay naglakad na din palayo.

"Waaaahhh!! Aeron!! Nakita mo yun? Pinansin ako ni JULRI!!! Ang gwapo niya diba???!! Pogi siya diba?" Sabi ko kay Aeron.

"Di naman" sabi niya sabay tanggal ng pagkakahawak ko ng kamay sa kamay niya at naglakad palayo.

Anyare dun?

"Oy! Aeron! Hintayin mo ako!" Sigaw ko.

"AERON!" sigaw ko ulit sabay tumakbo ako.

Kaso.. natapilok ako at natumba..

Tofu yan! Nakakasira naman 'to ng poise!

"Ano ba yan! Ang clumsy naman! Hahahaha. Here, let me help you" sabi niya sabay inabot ko yung kamay niya.

"Bakit ka bumalik Collin?" Tanong ko sa kanya nang makatayo na ako.

"Sabi kasi nila pansinin daw kita." Sabi ni Collin at tumuro kila Anshel at sabay-sabay silang nag-wave sa akin except kay Julri na nagbabasa na ng hawak niyang libro.

"Kaya, Konnichiwa Kierzelle-chan" sabi ni Collin ng nakangiti then he kissed my forehead at lumakad na siya palayo.

O-okay. What's that? Bigla na lang ako napangiti.

Biglang may nag-text sa akin.

~*~

FROM: Anshel Nicomi

Pagpasensyahan mo na yang si Collin. Di ka pinansin kanina. Wag ka daw namin pansinin sabi niya. Tapos inaagaw pa niya yung phone ko para daw di kita mai-text. Hahahaha. Batukan mo na lang pag nagkita kayo sa school. Hahaha. Pero at least di ka niya natiis diba? Pinansin ka pa rin niya. Sige, best friend! Ingat ka!

P.S. Nagseselos yata si Collin. XD//

~*~

Napangiti na lang ako. Adik talaga tong lalaking to!

--**--////

"Loves, sorry. I walked out" sabi ni Aeron.

"O-okay lang naman" sabi ko.

"Tara na sa museum?" Tanong niya.

"Tara!" Sabi ko sabay hinawakan ni Aeron yung kamay ko.

Tuwing hahawakan talaga ni Aeron yung kamay ko o kaya tawagin niya lang ako ng "loves" may kakaiba akong nararamdaman. Biglang kakabog ng mabilis yung puso ko tapos I feel tight knot in my stomach. Yung sobrang sarap at saya lang sa pakiramdam.

Eh tokwa! Ano pala yung naramdaman ko kay Collin kanina? Crush ko siya ganun?

Nag-ikot-ikot na kami ni Aeron dun sa Animé Convention.

Ang ganda dito! Andaming statue ng mga animé tapos yung nga history nila! Nagpicture-picture ako sa museum ng iba't ibang anime na nakyutan ako.

"OGM!!! Tsubaki and Kosei! Moeeee!! Ang cutieeee nilaaa!!"

Tapos naglakad na naman ulit kami ni Aeron.

"Waaahhh!!! Statue ng Ouran High Host Club Members!! Kyoya-babe!!"

"Aeron! Picturan mo kami dali! Buong Host Club ah!" Sabi ko sabay abot sa kanya ng phone ko. Nakangiti niya namang kinuha ito at pinicturan kami.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"OhMy!! Merchandise ng Attack on Titan!! Waaahhh!"

"Wait lang ah! Bibili lang ako!" Tuwang-tuwa kong sigaw kay Aeron. Natatawa na nga siya sa akin eh.

"Sige, bibili din ako" Nakangiti niyang sabi.

"Talaga?! Bili tayong T-shirt!"

Ang design ng T-shirt na binili ko ay chibi ni Eren sa harap tapos may Wings of Freedom sa likod. Color black yung kulay ng shirt.

"Ano sayo?" Tanong ko kay Aeron.

"Si Armin" Ngumiti siya ng malawak. "Ang gwapo niya kasi dito" sabi niya ng parang kinikilig-kilig pa.

Hahaha. Ang cutieee niya.

Mamaya pa ay...

"Waahhhh! Statue ni Syaoran at Sakura!!" Sigaw ko sabay nilapitan ko kaagad at hinawakan.

"Astig nito!!" Tuwang-tuwa kong sabi kay Aeron.

"Sabi na eh, matutuwa ka dito. Hahaha" sabi at tawa niya.

Ang sarap pakinggan ng tawa niya. It makes my heart pound.

"Tara, selfie tayo dito" sabi niya.

"Gagawin ko itong profile picture sa FB" sabi niya habang nakangiting tinitingnan yung picture namin.

"Ikaw din ah? Gawin mong profile pic 'to" sabi niya sabay tingin sa akin.

"Ha?"

At ayun nga nandirito kami ngayon sa pinakamalapit na internet shop sa mall para palitan yung profile pic KO. Gusto daw niya bago siya makauwi napalitan na namin yung mga DP "NAMIN". Para parehas daw kami.

Nilagyan niya pa ng caption na "At the Animé Convention with My LOVES"

Anak ng tokwa talaga!

Pagkadating ko sa bahay di na ako nagbukas ng FB. Bahala na yung mga comments.

To be continued...