Napatingin ako sa paper bag na binigay niya sa akin bago siya umuwi ng bahay nila.
"Suot mo yan bukas ah? Wash day naman eh" sabi niya
"Try ko"
"Please" sabi niya sabay nag-pout siya
"Oo na. Umuwi ka na" I said while giggling
"Sunduin kita bukas ah. Sabay tayo pasok"
"Bahala ka nga"
"Bye!"
"Sayonara!"
*****
"COUPLE SHIRT AGAIN?!" sigaw ko kay Collin habang nagmamaneho siya papuntang school dahil sinundo niya nga ako.
"Oo. Ako mismo ang nag-design niyan. Hahahaha"
"Infairness! Ang galing mo mag-design!"
Ang ganda talaga ng design. Astig! White shirt siya tapos ang naka-burda sa akin ay chibi ng isang girl na nakapanda na sumbrero tapos kay Collin ay ganun din kaso boy naman yung kanya.
Pero.....
"BAKIT NGA COUPLE SHIRT 'TONG SUOT NATIN?!" sigaw ko sa kanya
"Wala lang! Hahahaha!! Trip ko lang!"
"Buset ka Collin!!!"
Pagkarating tuloy namin sa school pinagtitinginan kami. Kaynis!! Pag nagselos lang talaga yung "My loves" ko. Masasapak ko 'tong si Collin eh!!
As if naman magseselos si Aeron! Imposible!!
Anrekwited nga! Anrekwited love ang tawag diyan!
Oo. Tanga ka talaga Kierzelle. Magmamahal ka na nga lang, one sided pa!
Sorry na. Buti sana kung napipigilan ko 'tong nararamdaman ko eh, ginawa ko na. Dahil alam kong pag pinagpatuloy ko ito masasaktan lang ako.
February 25 na ngayon. Malapit ng matapos ang Love Month. Leap year ngayon kaya may pang 29th day ang February.
"Pag leap year, girl dapat ang umaamin sa gusto niyang guy" minsang nasabi ni Mam Alexa sa amin.
Pagkapasok namin ni Collin ng room. Nakatingin na naman sa amin yung mga kaklase ko.
Ano ba yan?! Lagi na lang silang nakatingin sa amin ni Collin. Ganun ba ka-gwapo yung kasama ko? O dahil na naka-couple shirt kami?
Masasapak ko na talaga si Collin to the moon and back ehh!
Umupo na ako sa upuan ko sa kaliwa ni Aeron at sa kaliwa ko naman umupo si Collin.
"Konnichiwa" sabi sa akin ni Aeron habang nakangiti
I flashed a smile.
"Why're you frowning?" Tanong niya
"Wala" sagot ko
"Zelle, labas lang ako ah" sabi sa akin ni Collin
"Bakit ka nagpapa-alam sa akin?" Tanong ko
"Wala. Baka kasi ma-miss mo ako eh. Hahaha"
"Lumayas ka na! Hindi kita mamimiss no!" Sabi ko kay Collin
"Ouch naman, babe!" Sabi ni Collin
"Babe ka dyan!" Sabi ko
"Ayaw mo ng babe? Hon na lang pala. Labas lang ako Hon!" Sabi ni Collin
Hon daw? Buset na Collin!
Pagkalabas ni Collin inub-ob ko yung mukha ko sa armchair.
"Loves" sabi ni Aeron
Takte namang endearment yan oh! Sa dinami-rami naman bakit kasi yan pa ang napili niya?
Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya. At naiinis ako sa kaisipang yun. Ilang beses ko na ba sinabing ayokong ma-in love? Ayoko. Lalo na kay Aeron Shaun Takeshi.
Tinaas ko yung ulo ko at tumingin ako kay Aeron.
Heart beat! Wag ka namang bumilis!
"Bakit Aeron?" Tanong ko sa kanya
Nagkaroon kami ng eye-to-eye contact.
Bigla siyang kumurap.
"A-ano may dumi ka sa may cheeks mo" sabi niya
"Oh talaga?" Sabi ko tapos pimunasan ko yung dalawa kong cheeks
"H-hindi naman natanggal" sabi niya
Teka, why is he stuttering? Anong nangyayari sa kanya?
Hahawakan ko na ulit sana yung cheeks ko nang...
"Let me" sabi niya
Linapit niya ng konti yung mukha niya sa akin.
The beating of my heart is getting abnormal. Yung tipong hihiwalay na yata siya sa physical body ko.
Yan na hahawakan na niya yung cheeks ko...
Malapit na...
Kaunti na lang....
Malapit na malapit na....
Ayan n—
"Hon! Chocolate bar para sayo!" Sigaw ni Collin at hinarang pa talaga niya yung chocolate bar sa pagitan ng mukha namin ni Aeron.
Nabigla tuloy ako pati si Aeron.
Kaya si Aeron napaupo ng maayos ng wala sa oras.
Kinuha ko naman kay Collin yung chocolate bar na inaabot niya.
"S-salamat Collin. Nag-abala ka pa" nasambit ko ng wala sa oras.
"No prob basta ikaw Hon!"
Fuschia kasi! Gusto kong sapakin to the moon and back si Collin!
"Asdfghjkl@#$%&&*-zxcvbnm" bulong ni Aeron
Ano kaya yun? Di ko naintindihan. Tsk! Sayang naman!
["Hon,hon. Ang corny naman ng endearment na yun. Parang ewan lang" bulong ni Aeron]
--**--
Pagkatapos nun nag-aral na lang ako ng lesson namin sa Math.
Shemay naman! Bakit kasi pinanganak ako ng walang talino sa Math! Kaynis!!
"Ughh! Kainis naman! Paano ba 'to?" Sabi ko
"Ano ba yun loves?" Tanong ni Aeron
"Eh ano kas---"
"Ano ba yun Hon?" Tanong ni Collin
"Eh kasi di ko maintindihan kung paano iso-solve yung 3 unknowns. Nalilito ako"
Tapos sabay nilang tiningnan yung notes ko at sabay silang nag-solve sa kani-kanilang armchair.
Mga wala pang 2 minutes natapos ng mag-solve si Aeron kaya...
"Ah ganito yan loves.. First things first. You have to balance both equation. Gets?" Sabi ni Aeron
I nod.
"So, what do you want to cancel out? The x, y or z?" Tanong ni Aeron
"Uhmmm... Y na la—"
"No. Mali yan. Ganito yun hon. Ang unang mong gagawin ay humanap ka ng variable na pwedeng makansel yung kaparehas niyang variable. Tap—" sabi ni Collin
"Ganun nga! Ano bang mali yung sinabi ko sa kanya?" Pahayag ni Aeron
"Mali kasi yung pagkakapaliwanag mo ng first step" inis na sabi ni Collin
"Anong mali doon? Mas madali pa nga yung tinuturo ko sa kanya eh. Naka-highlight yung bawat step!" inis din na sabi ni Aeron
"Antagal kasi nagsasayang ka lang ng oras!" - Collin
"At least mas maiiintindihan niya ng maayos! Not like you na ang bilis masyado ng step!" - Aeron
Napapalakas yata yung sigawan nila. Napapatingin kasi yung ibang mga blockmates namin sa part namin eh.
"Naintindihan mo naman Hon diba?" Tanong ni Collin sa akin
"Loves, tell me. Sinong mas naintindihan mong paliwanag? Yung explanation niya o yung explanation ko?" Tanong naman sa akin ni Aeron
Napakamot na lang ako ng slight sa ulo ko.
"A..ano actually... wala pa akong naiiintindihan sa mga paliwanag niyo. Bigla kasi agad kayong nagtalo. Kay Shannen na lang ako magpapaturo. Excuse me" sabi ko sabay tayo at pumunta kay Shannen.
Pagkaupo ko sa tabi ni Shannen tumingin ako sa pwesto nila Aeron at Collin. Tumingin ng masama si Collin kay Aeron tapos si Aeron naman inirapan si Collin.
Natutuwa ako. Hahahaha.
Baka kasi magka-developan yung dalawa.
Pag nagkataon sad life ako. Huhuhu.
Pero wag naman sana, sayang naman yung lahi ng Reyez. Char!
To be continued...