Chapter 4
Pagkarating namin sa cafeteria, bumili si Collin ng dalawang shake.
Nung iaabot na niya sa akin yung shake na para sa akin may biglang nakabangga sa kanya kaya.....
"Natapon!" Tahimik kong sigaw.
"Hala! Sorry!" Sabi ni Collin.
Huhuhu! Nakaputi pa naman ako. School uniform eh. Buti na lang uwian na.
"Tara punta tayo ng mall. Bibilihan kita ng damit"
"Ha? Ano...wag na. Uwian naman na eh."
"No. Di ako papayag. Isipin mo na lang tumatanaw lang ako ng utang na loob. Please.. let me do this for you" sabi niya.
"Tsk. Ayoko ng ganito eh pero sige na nga. Ang hirap mo namang tanggihan. Ang gwapo-gwapo mo naman kasi eh"
"Yan naman!"
Pumunta na kami ni Collin sa mall at pumasok sa Janella Oujo-sama Boutique.
Alam kong mahal ang mga damit dyan kasi si Tita Janella ang owner na barkada ni Tito Jin.
"Dito ka bibili ng damit?" Tanong ko.
"Hindi. Sa kabilang boutique kaya nandito tayo"
Inirapan ko lang siya. Naghintay ako dun sa sofa sa medyo entrance ng boutique. Ganda talaga dito, pink na pink.
Maya-maya din dumating na si Collin.
"Suot mo na 'to" sabi niya sabay abot sa akin ng isang shirt.
Pagkatapos kong magpalit lumabas na ako ng fitting room at nakitang kong nag-aantay si Collin doon.
Teka, nagpalit din siya? Nakatalikod kasi siya eh.
"Oy! Collin!"
Humarap siya sa akin at nag-smirk (?)
Teka!
"COUPLE SHIRT 'TO?!"
At ayun nga pinilit niyang suotin ko yun dahil no choice daw ako. No choice naman talaga ako. Sukat ba namang naiwan ko yung Black Card ko sa bahay eh. Kaynis! Pero infairness, ang galing mamili ni Collin ng Couple Shirt. Kulay pink kasi siya at yung akin kasi babaeng naka-wedding gown na chibi tapos sa kanya lalaking naka-suit na chibi din.
KAWAII-DESU!!
Kaso nauuwi na ako at nagugutom na ako.
"Uwi na tayo" sabi ko.
"Sayang naman yung t-shirt kung uuwi na tayo agad." He said.
"Gala tayo? Please kahit sandali lang" He added.
Bat ba hindi ako makatanggi kay Collin? Kainis!
"Sige! Trip ko din naman! Mag-arcade tayo ah?"
"Sabi mo eh!"
"Hontouni Arigato!!!"
"IKIMASHO!!" sigaw naming dalawa.
-**-
Nag-laro naman kaming dalawa sa dance revo. Yung sabay kami. Natutuwa ako! Waaahhh!!! Ang saya pala nito! Ngayon ko lang na-experience to. Nahihiya kasi ako kasi yung ibang tao tumitingin diba!
Pag napapatingin ako kay Collin nginingitian niya lang ako. Eh? Bakit ako yata pawis na pawis na tapos si Collin ni isang tulo ng pawis wala? Napatingin ako sa kanya sumayaw. Grabe ang graceful naman! Yakang-yaka niya yung sayaw! Ang ganda tingnan sa kanya. Ang gwapo niya lalo tingnan.
"Ang cute naman nilang couple"
"Sana ganyan din kami ng boyfriend ko"
"Ang saya naman tingnan yung mag-couple na yan"
"Look ang cute ng shirts nila!"
"Ang cute-cute nila tingnan!!"
"Taga-Mickersh College sila oh!"
"Oo nga noh?! Cute naman nila!"
Aish! Nakapalda pa nga pala ako. Siomai!
"Sus! Magbe-break din yan! Walang forever" sabi ng isang lalaki.
Aba't! Ang bitter ni kuya!
Pagkatapos naglaro kami ng Car Racing. Paunahan kami. Waaahhh! On earth! Bakit kasi hindi ako marunong mag-drive! Pagtingin ko sa screen ni Collin 1st siya samantalang ako pang 7th. Waaaahh!!! Ang galing niya!!
Nag-ulit ako mag-laro ng Car Racing. Waaahhh! Liko! Liko! Bakit ayaw?! Iniikot ko naman yung manibela ah!! Waaaahhh!! Pang-7th lang ulit ako.
"Wahahahaha. Di marunong mag-drive" tawa ni Collin.
"Kainis ka!"
"Okay lang naman na hindi ka marunong mag-drive dahil ako naman ang magda-drive papunta dyan sa puso mo" banat ni Collin.
"Hahahahahahahahaha!!! Ang corny mo Collin!! Buset ka! Hahahaha!!"
Pagkatapos namin mag-arcade pumunta muna kami sa Servanda's Kitchen.
Hala baka nandito sila Mommy at Tito Jin! May gala kasi ulit sila eh.
Sana po wala....
Pagkapasok sa Servanda's....
"Kierzelle?"
Nak ng tupa!
"Tita Kershelle. Hello po" sabi ko sabay beso sa kanya.
"Cute! Tara na d--"
"Uy! Kierzelle! My favorite.... Ano ba? Favorite... Favorite Kid!" Sabi ni Tito Mico spouse ni Tita Kershelle.
"Hahahaha. Baliw ka Walty"
"Mahal mo naman!"
Ang cute naman nila talaga!! Actually sila ang owner ng college namin "MicKersh College". Paborito raw ako ni Tito Mico kasi halos kapangalan ko daw si Tita Kershelle. Hahahaha. Baliw niya talaga eh no?
"Uy! Sino 'to? Boyfriend mo?" Tanong ni Tito Mico sabay turo kay Collin.
"T-teka! Shi! Si Collin oh" Sabi ni Tito Mico kay Tita Kershelle.
"Ay oo nga! Kayo ah! May date yata kayo eh!! Sige pala una na kami" sabi ni Tita Kershelle.
"Collin! Galingan mo ah!" Sabi ni Tito Mico.
Binatukan naman ni Tita Kersh si Tito Mico.
"Anong galingan?" Tanong ni tita.
"Wala yun, Shi" sabi ni tito sabay tumawa.
"Ang cute nilang dalawa tingnan no?"
Bigla akong napalingon kay Collin.
"Oo nga eh. Sobrang swerte nila sa isa't isa" sabi ko.
Ginulo naman ni Collin yung buhok ko.
"Balang araw, mahahanap mo rin si Mr. Right mo" sabi niya sa akin ng nakangiti.
Pagkatapos namin kumain napagpasyahan na rin naming umuwi.
"Saan nga pala yung bahay niyo?" Tanong ni Collin habang nagmamaneho siya sa Roman Road.
"Ah. Diyan kami sa Venus St." Sabi ko.
"Oh? Magka-street pala tayo?"
"Diyan din bahay mo?"
He nod tapos niliko na niya sa Venus St. yung kotse niya.
"Saan yung bahay niyo dito?" Tanong niya.
"Ayan yung malaking pink na bahay"
Napatingin siya sa akin na tila nagulat.
"Diyan?"
"Oo. Bakit?"
"Kina Tita Rie yang bahay na yan ah?"
"Kilala mo si Mommy?"
"Mommy mo si Tita Rie?"
"Oo" I said with amusement tone.
"Oh glad! My dad is Nico Reyez"
Napa-jaw dropped ako.
"Ha? OMG! Anak ka ni Tito Nico?"
"Yeah!!"
"Waaaahh!! Small world!"
"Eh, bakit Diaz ang sinabi mo kanina?"
"Surname ni Mommy"
"Bakit hindi mo ginamit yung Reyez?"
"Masyado na kasing sikat. Hahahaha"
"Ah! Kaya pala doon tayo pumunta sa Boutique ni Tita Janella! Mommy mo kasi yung owner!"
"Yeah. You hit it!"
"Si Tito Mico. Kaya pala..."
"Oo. Kaya kilala ako ni Tito Mico."
"Small world talaga. So, your full name is Jan Collin Lei Diaz Reyez"
"Yup!"
Pagkahatid sa akin ni Collin umuwi na din siya.
To be continued...