Nakahiga ako sa higaan ko ngayon at nakatingin sa kisame habang naaalala ko si Aeron. Yiiiihh! Kinikilig talaga ako.
Ngayon ko lang naramdaman 'to. Alam ko sa sarili ko na nagkakagusto na ako kay Aeron. Pilit ko mang isipin na wala akong nararamdaman sa kanya di ko magawa.
At kung alam niyo lang! Ayaw kong maramdaman ito! Ayokong mahulog sa kanya. At alam kong walang patutunguhan itong nararamdaman ko.
MALI ITO!
WALA DAPAT AKONG MARAMDAMAN SA KANYA.
Pero fuschia naman...
.......sino bang taong ang kayang kontrolin ang nararamdaman niya para sa isang tao?
Whooosssshhhh!!!
"~Heart beat! For my heart beat!~"
Napalabas ako ng kwarto dahil nagandahan ako sa tugtog.
"Tito Jin! Anong kinakanta mo?"
Napahinto siya sa paglalakad. Pababa na sana siya ng hagdan eh.
"Uh? Di mo alam yun? Seryoso ka ba dyan?"
"Hindi eh."
"Kanta yun ng paborito mong KPop group eh. Na-LSS lang ako kasi kanina pa pinapatugtog ni Gelyn. Parang bata pa rin. Na-adik sa mga ganyan. Muntik na nga yata niyang makalimutan na asawa niya ako eh"
"Hahahaha. By the way ano pong pamagat nung kanta?"
"Breaking News yata? By SHINee"
"Oks! Thanks Tito Jin! San ka nga pala pupunta?"
"Ah, may gala yung barkada eh."
"Asan si Tita Gelyn?"
"Nasa labas na hinihintay ako. Hahaha. Nasan nga pala mommy mo?"
"Na kay kila Tito Troy po yata kasama si Dad. Baka sumama din po siya sa gala niyo."
"Sige pala. Bye! Excited na ako!"
"Hahaha. Bakit po?"
"Makikita ko ulit si Akai-chan. Hahaha. Sige bye!"
"Hahaha. Ingat po!"
Buti pa sila..... kahit sobrang dami ng pinagdaanan nila noon.... successful na ang lovelife nila ngayon.
Haysss! Ako kaya?
-**-
Kinabukasan 1pm pa ang pasok ko pero pumasok ako ng maaga para magpasa ng requirement. Mga 12:00 nasa school na ako.
"Uhhhmmm.... excuse me" Napatingin ako sa kumakalabit sa akin.
Wooaahh! Ang gwafffuu!!
"A-ano yun?" Tanong ko
"Alam mo ba kung saan yung Room 237?"
"Ha? Bakit po?"
Siomai! Di pa naman ako marunong magpaliwanag ng direksyon mas gusto ko yung hinahatid mismo sila sa kinaroroonan nila.
"Doon kasi room ko nang 1pm"
"Oh? Talaga? Sakto dun din yung room ko ng 1pm. Kaso.... uhmmmm... magpapasa pa kasi ako ng requirement. Hintayin mo na lang ako, sandali lang naman ehh"
"Okay lang naman"
-**-
"Salamat Mam Alexa. Sige po" sabi ko sabay lumabas na ako ng Faculty Room.
"12:30 pa lang ang aga pa" sabi ko sa lalaking gwapong nasa harap ko.
"Ako nga pala si Kierzelle Sakura Manangan Kawai ..Ikaw?" Sabi ko ng nakangiti sa kanya
"I'm Jan Collin Lei Diaz"
"Hello, Collin"
"Papasok na ba tayo?" Tanong ko
"Ha? Bahala ka."
"Kain muna tayo. Please..." sabi ko sabay nagpout ako sa kanya
"Hahahaha. Sige na nga." Sabi niya ng nakangiti
"Ang gwapo mo kamo" sabi ko sa kanya
"Ang straightforward mo naman masyado. Hahaha"
Pumunta kami sa isang cafeteria sa labas ng school at bumili ng maraming pagkain.
"Yan lahat ng kakainin mo?" Tanong niya
"Oo. Masama ba? Palibhasa ikaw kasi isang cup noodles lang"
"Anong masama sa limang siomai, isang order ng fries, isang hotdog sandwich, dalawang slice ng cake, sampung cheese stick, limang kwek-kwek, dalawang chocolate sundae at dalawang boteng tubig?"
"W-wala naman." Sabi niya ng nakangiti
Pagkatapos kumain naglakad na kami papasok ng school.
"Nabusog ako" sabi ko
"Sino ba namang di mabubusog sa dami ng kinain mo? Hahaha" sabi niya sabay tawa ng malakas.
"Baliw!" Sabi ko
"So? Anong course mo?" Tanong ko sa kanya
"Of course! Hahaha" sabi niya sabay hagalpak ng tawa
Sinasabi ko na nga ba na mali na binigyan ko siya ng isang chocolate bar eh.
"Ano nga?!" Pasigaw kong tanong
"Accountancy!" Sabi niya
"Ahhh.." sabi ko sabay nod
"Ah-I love you like a love song baby! Ah-I love like song baby! Hahahahahahaha"
"Buset ka Collin! Ang kulet mo!"
"Kierzelle" sabi niya ng seryoso
"Ano?"
"Mukha ka ba?"
"Bakit?"
"Kasi isa kang malaking pimple! Hahahahaha!"
Aba! Kanina pa to ah!
"Collin"
"Oh?"
"Mukha ka ba?"
"Bakit?"
"Kasi isa kang malaking pimple na may nanâ! Hahahahahaha"
"Ha? Hahahahahaha!!"
"Hahahahaha!!"
At tumawa kami pa kami ng pagkalakas-lakas pinag-tiitingnan na nga kami ng mga ibang students eh.
"Kierzelle, napanuod mo na ba yung Cardcaptor Sakura?"
"Oo bakit?"
"Napanuod mo yung episode ng kinuha nila yung Change na Card"
"Ah, oo"
"Yung bumanat si Syaoran kay Meiling. Tapos kinikilig-kilig pa si Meilin tapos pagharap niya ulit kay Syaoran. Kumakalmot-kalmot na siya. Hahahahahaha!!!!"
"Ay oo nga!!! Hahahaha!! Ang epic nun!!! Grabe!! Naloka ako kay Syaoran eh"
"HAHAHAHAHA!!!" sabay naming tawa habang papasok ng room
Tumahimik yata yung room. Napatingin ako sa mga kaklase ko nakatingin sa aming dalawa ni Collin.
Ehh?
"Sorry po sa istorbo" sabi ko
"May bago nga po pala tayong ka-block mate si Jan Collin Lei Diaz" sabi ko
"Hello po" sabi ni Collin
Tapos umupo na ako sa upuan ko. Sumunod naman si Collin sa akin.
Ehh? Bakit ako pa lang yung nasa left line ng upuan namin at si Aeron? Asan sila Kheyq?
Tapos kumaway sila sa akin nasa likod lang sila ng line na dapat inuupuan namin.
"Bakit nandyan kayo?"
"Wala lang" sabay-sabay nilang sabi ng nakangiti.
"Creepy niyo" sabi ko
"A-ano... Aeron...."
"Ano?" Inis niyang tanong sa akin pero hindi niya ako tiningnan. Nagbabasa lang siya ng comics na manga.
"May nakaupo na ba dito sa dalawang magkasunod na chairs?"
"May nakikita ka bang tao?"
"Wala"
"Oh edi wala"
Aba't ang sungit nito ah!
Tumingin ako kila Ate Crain at kila Kheyq ng anong-meron-sa-kanya-look. And all of them shrug.
Umupo na ako sa tabi ni Aeron. Tapos umupo si Collin sa tabi ko.
Ngumiti si Collin sa akin.
"Ughhh!!! Ayoko na!!" Sigaw ko
Tapos sinara ko na yung notebook ko sa Math.
"Turuan kita gusto mo?" sabi ni Collin
"Talaga?" Sabi ko
"Oo naman. Ikaw pa!"
Tapos tinuruan na niya ako. Ang galing niya magturo.
"Waaaahhh! Ang galing mo naman sa Math. Collin!! Salamat talaga ah!! I love you!! Collin! I love you!" Sabi ko ng nakangiti at tuwang-tuwa
"Magaling din naman ako sa Math ah. Tapos nung ako yung gumawa ng project sa Filipino nagpasalamat lang wala man lang Iloveyou-Iloveyou na sinabi" rinig kong bulong ni Aeron
Ang galing niya nga bumulong eh! Grabe!
Humarap ako kay Aeron. Nagulat naman siya. Hahahaha. Ang cute niya ang gwapo pa! Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya.
Tumayo tuloy siya at tinalikuran ako.
"Aeron" tawag ko sa kanya
Humarap siya sa akin.
"Bakit?"
Waaahhh!! Ang manly niyang tingnan pag seryoso siya!
"Dyan ka lang. Wag kang gagalaw" sabi ko sa kanya
Mga one meter kasi yung layo niya sa akin eh.
"Ha?" Nagtataka niyang tanong
Lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang niyakap. At alam kong nagulat siya.
"I love you Aeron!! Salamat talaga ng marami sa paggawa ng project natin sa Filipino!!! I love you so much!!"
Tapos humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya.
Jaw dropped.
"Hahahahahahaha. Aeron!!! Hahahaha. Jaw dropped lang? Hahaha"
Inirapan niya ako. Buset to ah!!
Nakatingin lang sila Ate Crain sa amin. Pati yung mga kaklase naming mga tsismoso.
Lumabas si Aeron ng room.
Anyare doon?
"Collin" tawag ko sa kanya
"Oh? Bakit?" Tanong niya ng nakangiti sa akin
"Kain ulit tayo?"
"Ha? Di ka pa rin nabusog sa kinain mo kanina?"
"Slight lang? Hahaha"
"Tara pala."
"Kheyq, Kea, Klaire, sama kayo? Kain tayo"
"Wag na be busog pa kami"
"WAIT!! MAY ANNOUNCEMENT AKO!! Wala daw sila Mam Riego at Mam Quiambao!! So it means! Wala na tayong klase ngayong araw! Yun lang! Makakalayas na kayo!!" Sigaw ng aming president sa room.
"YES!!" Sigaw ng buong klase
"Tara kain tayo please.." sabi ko kila Kheyq, Kea at Klaire
"May tutor ako eh" sabi ni Kea
"May date kami ni babe ko eh" sabi ni Klaire
"Mag-eedit ako ng video na ireregalo ko eh" sabi ni Kheyq
"SIGE BYE!!" Sigaw nilang tatlo at bigla na silang nawala sa paningin ko.
"Tara Collin, kain na tayo?"
"Tara!"
Naglakad na kami ni Collin sa hallway at kung anu-ano namang joke ang sinasambit niya.
Bigla ko namang nahulog yung phone ko.
At ang lokong Collin imbis na tulungan ako tinawanan ako. Buset talaga 'tong lalaking ito! Masasapak ko na talaga 'to!
Yumuko na ako para kunin yung phone ko nang may biglang pumulot nito.
Kaya napatingin ako sa taong yun.
Ngumiti siya sa akin.
Kaya napangiti din ako.
Ito na naman yung heart beat ko. Grabe! Ang bilis na naman ng kabog.
"Phone mo oh" sabi ni Aeron sabay inabot ko na mula sa kanya yung phone ko
"T-thanks" sabi ko
"Sige, una na ako be. Bye Loves!!" Sabi niya sabay tumakbo na siya palayo
Pag sinasabihan niya talaga ng mga ganung endearment, bigla na lang sumasaya yung pakiramdam ko.
Di ko kasi mapaliwanag eh. Basta ang alam ko lang lumulutang ako sa saya! Napapangiti ako.
"Warak na labi mo!" Sabi ni Collin sabay hagalpak ng tawa
"Mas warak mukha mo!" Sabi ko
Alam mo yung ang saya na ng araw ko sabay bigla siyang e-entra ng ganun, come to think of it na kakakilala ko pa lang sa kanya ni wala pa ngang bente quatro oras ko siyang kasama eh.
"Kumain na lang tayo!" Sigaw ko kay Collin
"Tara"
To be continued...