Chereads / Ms. Terry is a Flower Boy (Tagalog) / Chapter 2 - Chapter 1 - Flower Boy

Chapter 2 - Chapter 1 - Flower Boy

Enjoy reading!

Warning: 'Wag malito. Chapter 1 talaga 'to.  :)

* * *

Dahan-dahan kong hinawi nang kaunti ang kurtina ng bathtub at maingat na isinilip ang ulo ko ro'n.

Napasinghap ako nang makita ang isang magandang babaeng blonde ang buhok na nakababad sa sobrang bumubulang tubig sa tub.

May earphones sa tenga niya na nakaconnect sa phone na nakapatong sa gilid nitong tub. Nakapikit din siya at parang natutulog. May mga petals pa ng red rose na lumulutang sa pinagbababaran niya.

Doon ko natanto kung sino ang estrangherong babaeng 'to.

Siya si Hyacinth! Ang anak ng may-ari nitong rest house!

Sa gimbal ko ay agad kong isinara ang kurtina dahil baka bigla siyang magmulat. Napakalakas ang sara ko n'on at alam kong naramdaman niya 'yon kaya napagalaw siya sa tubig.

"Who's there?!" naaalarmang tanong niya.

Patay!

Nagkukumahog na tumakbo na ako palabas ng C.R. habang nakabrief lang at pumasok kaagad ng kuwarto ko saka ko isinara at ini-lock 'yon.

Ang lakas ng tunog ng pag-ahon niya sa bathtub at pagbaysak ng tubig n'on sa sahig kaya alam kong simula na ng paghunting niya sa 'kin.

Sh*t! Sh*t! Sh*t!

"Manang Tonet?" sigaw niya mula sa C.R.

Hindi ko naman malaman ang gagawin pero pinilit kong mag-isip nang matino sa kabila ng pagkataranta ko para magawa ang mga dapat kong gawin sa emergency na 'to.

Nagbihis kaagad ako ng pangbabae at madaling-madali ako.

"Manang Tonet! Why aren't you answering? Are you inside? Manang!"

Aligagang-aligaga na talaga ako.

"Come out or I'm goin' to open this door with my master keys." nagbabantang sabi niya.

'Yung sobrang aligaga ko, lalo pang nadagdagan nang malaman ko na may duplicate key pala siya nitong kuwarto ko.

Nag-aayos pa lang ako ng mahaba kong wig nang marinig ko ang pagkalansing ng mga susi sa labas at sinusubukan na niyang buksan 'yong pinto.

Kinakausap niya pa ang sarili niya sa pamimili ng susi na makakabukas ng pinto nitong kuwarto.

Medyo nabawasan ang kaba ko dahil naayos ko na ang buhok ko pero namroblema naman ako sa adam's apple ko na halatang-halata sa leeg ko kaya kumuha kaagad ako ng scarf para pagtakpan 'yon.

Ipinulupot ko na kaagad 'yon sa leeg ko nang magbukas na ang pinto nitong kuwarto ko.

Napatingin kaagad ako ro'n habang nanlalaki ang mga mata.

Sumilip kaagad dito si Hyacinth at may nakapulupot pang towel sa buhok niya at nakatapis lang din ng isa pang tuwalya ang katawan niya.

Napigilan ko ang paghinga ko nang titigan na niya ako. Nakatitig lang din ako sa kaniya habang pigil na pigil ang hininga at nawawala sa dibdib ang puso.

Biglang nangunot ang noo niya at tuluyan nang pumasok dito saka pumamaywang. "Who. Are. You?" madiin ang bawat salitang tanong niya.

Wala akong naisagot kundi ang pagngiti lang.

Pero teka. Teka.

Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon?

Flash backward... (1 month and 2 weeks before this happens)

~ ~ ~

"Kamusta Lester? May nahanap ka na bang pag-aapplyan mo?" Umakbay sa balikat ko si Gabriella at nakimasid sa screen ng laptop niya kung saan nakadisplay ang mga available jobs sa Jobstreet website na nasearch ko.

Hiniram ko lang sa kaniya 'tong laptop para makapagsearch ako nang maayos. Pinapagawa ko pa kasi 'yung sa 'kin dahil may sira na sa luma.

Napabuga ako ng hangin sa pagkafrustrate at marahas na napakamot sa ulo ko. "'Di pa nga eh. Maraming part-time pero ang bababa magpasahod. Hindi kakayaning tustusan ang tuition ko. 'Yung iba naman, full time kaya bawal ang estudyante."

"Kailan ba ang due ng tuition mo?" Umalis na siya sa tabi ko at kumuha ng walis saka nagwalis ng sahig. May pagkaclean freak siya kaya hindi siya napapakali kapag marumi ang kuwarto niya.

"4 months pa naman kaso 'yung mga graduation expenses na nakaabang sa 'kin ang pinag-aalala ko. Pati 'yung binoboard kong room, tatlong araw na lang at mapapalayas na 'ko. 'Yung mga racket ko naman kasi, ang hina. Tinanggal pa 'ko sa part time ko dahil lagi akong late. 'Di na nila kayang intindihin ang pagiging working student ko."

Napapalatak naman siya.

"Kung hindi ko lang talaga sana napabayaan ang grades ko, hindi sana inalis sa 'kin 'yung scholarship na pinaghirapan ko noon. Eh 'di sana, wala akong napakalaking gastusin ngayon." Nakahalumbaba na 'ko sa study table niya kung saan nakapatong ang laptop niya.

"H'wag kang maghalumbaba, malas 'yan," saway niya sa 'kin kaya umayos agad ako ng upo.

Napabuga siya ng hangin. "Sinabi ko naman kasi sa 'yo na handa kitang pahiramin ng pera. Saka, puwede namang dumito ka muna sa bahay. Ako lang naman ang nandito dahil si nanay, nasa probinsya pa. Sa susunod na dalawang buwan pa 'yon uuwi. 'Di ko nga rin pinapatira rito si Lira kase alam kong ayaw mo sa napakamalditang babaeng 'yon."

Pagkatapos magwalis ay tinatali niya na ang plastic ng basura para palitan 'yon ng bagong plastic na matatapunan.

"Ilagay mo muna 'yan sa tabi. Mamaya pag-alis ko, ako na magtatapon."

"Thanks." Nagthumbs up pa siya at kumuha naman ng basahan para magpunas ng sahig. "Magwiwithdraw na 'ko, sa ayaw at gusto mo."

"Gab, 'di ba, sinabi ko na rin sa 'yo na hindi mo kailangang ipahiram sa 'kin 'yon dahil alam ko namang iniipon mo 'yon para makapunta ng ibang bansa at makapagtravel."

"Pero ayos lang—"

"Isa pa, hindi ako puwedeng tumira rito. CCTV ang mga kapitbahay natin dito. Baka kung ano pang chismis ang ikalat nila tungkol sa 'tin lalo na at tayo lang ang nandito. Alam naman nang lahat na 'di n'yo ko tunay na pamilya." Humarap ulit ako sa screen ng laptop at nagscroll.

Narinig ko ang pagtigil niya sa pagpupunas ng sahig. Sinakop ng awkwardness ang paligid bigla.

"Haaay! Ang hirap maghanap ng trabaho!" humihikab na sabi ko habang nag-inat para baguhin ang usapan.

Doon, nagpatuloy na ulit siya sa pagpupunas. "Kaya nga eh. Ako nga na graduate na ng isang taon, nahihirapan pa ring makahanap ng trabaho. Mayro'n akong nahanap na isa. Nacurious lang ako kasi ang laki ng sahod. 8k per kinsenas. Kaso nga lang, nalaman ko pagkatapos ng interview na tagalinis ng rest house sa tagaytay at tagapangalaga ng garden doon ang trabaho. Ayoko nga! Hindi ako grumaduate ng Mass Communication para lang maging hardinera. Ang layo-layo sa course ko n'on."

Napalingon kaagad ako sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata ko. "Ano?! 8k per kinsenas tapos tagapangalaga lang ng garden at rest house?! Sa tagaytay lang din?! Malapit lang sa Soledad University 'yon!"

Halatang hindi niya inaasahan ang paghyper ko sa trabahong 'yon. "A-Ah... Oo. Ang sabi rin sa 'kin, puwedeng doon na tumira. Stay in ba kaso ni-reject ko gawa nga ng sasabunutan ako ni nanay kapag 'yon ang pag-applyan ko."

Agad akong umalis sa inuupuan ko at hinila ang kamay niya para mapatayo siya mula sa pagpupunas ng sahig.

Inalis ko na rin sa kamay niya 'yung basahang hawak niya at tinapon 'yon sa kung saan. "Ako ang mag-aapply! Ako! Willing na willing ako! Hardinero? Ayos lang! Kung doon ako magtatrabaho, hindi ko na poproblemahin ang pagrerenta ng matitirahan tapos sa loob ng apat na buwan, makakaipon na rin ako ng pangbayad ng tuition at graduation expenses ko!" Naeexcite na ako nang sobra dahil sa alok na trabaho na 'yon.

'Yon na talaga ang sagot sa lahat ng problema ko!

Akala ko, matutuwa siya dahil nakahanap na ako ng trabaho sa wakas pero nakangiwi lang siya at inalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya. "A-ahhmm... Pa'no ba 'to?"

"Bakit? Bakit?" Malawak pa rin ang ngiti ko kahit na nakakaramdam na ako na may bad news siya.

"Alam ko naman na 'yon 'yung magiging sagot sa mga problema mo pero ang hanap lang kasi nila... babae."

Doon na talaga nawala ang ngiti ko at nangunot nang sobra ang noo ko. "Babae? B-bakit babae lang? Kung garden ang ipapaalaga nila, dapat lalaki, 'di ba?"

"Eh kasi 'yung anak n'ong namatay na may-ari n'on, baka bumibisita raw ro'n. Maselan pa naman daw 'yon lalo na at galit sa mga lalaki. Rebelde pa raw at parang halimaw kung magalit. Madaldal kase 'yung nag-interview sa 'kin kaya nachismis na sa 'kin ang tungkol sa history n'ong rest house."

Unti-unting bumagsak ang balikat ko sa panlulumo. 'Yung nagniningas kong pag-asa kanina, nabuhusan na ng tubig at tuluyan nang naapula. "Kaasar naman! Trabaho na naging bato pa!" Mabibigat ang mga hakbang na umupo na ulit ako sa harap ng study table niya.

"Ikaw naman kasi, naeexcite ka agad. 'Di ka man lang nagtaka kung bakit hindi ko man lang nabanggit sa 'yo 'yon eh alam ko naman na kailangang-kailangan mo ng trabahong gano'n na malaki magpasahod."

"Tsk. Kung saan-saan na ko napadpad para lang maghanap ng pagkakakitaan. Maraming research paper na rin ang tinanggap ko mula sa iba't-ibang year level pero hanggang pangkain ko lang 'yong mga nababayad sa 'kin do'n."

"Magkargador ka. Alam ko, malaki kita sa gano'n. Araw-araw pa sahod."

Napalingon ako sa kaniya. "Kung may tatanggap nga lang sa 'kin eh kaso, wala. Pare-parehas sila ng sinasabi na hindi ko kakayanin 'yung gano'ng trabaho dahil mukha ako babae. Katawan ko rin daw, parang sa babae at sayang daw ang kinis ko kung gano'ng trabaho ang papasukin ko. Para namang ginusto kong maging ganito."

"Tama naman sila. Isa kang flower boy. Kung wala ka lang adam's apple, mas mukha ka pang babae kaysa sa 'kin. Daig na daig mo nga rin ako dahil may S Line ka. Eh ako, puro fats. Lagyan lang kita ng wig and voila! A beautiful woman with a porcelain... skin..." unti-unti siyang natigilan at napatitig sa 'kin. "Teka... Woman?"

Titig na titig talaga siya at kinikilabutan na agad ako kahit hindi ko pa alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Brilliant!" biglang sigaw niya at nagmamadaling pumunta sa tapat ng drawer niya saka naghalughog ng kung ano ro'n.

Kinakabahan na 'ko. "Ano na naman 'yang kalokohang naiisip mo?" Once na nagsabi na siya ng Brilliant, paniguradong kalokohan na ang gagawin niya.

"'Di ba, need mo ng work na 'yon sa tagaytay? Then, your prettiest cousin will lend you a hand to get that job." Tumigil na siya sa marahas na paghahalughog sa drawer niya at nang makita na ang hinahanap ay pinakita 'yon sa 'kin.

"A-ano 'yan?" Itinuro ko pa 'yung hawak niyang unidentified object para sa 'kin.

"Wig." walang gatol niyang sabi saka tumawa na parang nababaliw. "Now, let's qualify you do'n sa job offer. Bwahahahahaha!"

Ipagpapatuloy...

Kilalanin si Gabriella sa hinaharap kung bakit malapit ang loob niya sa isang woman hater na katulad ni Lester.