Chereads / Ms. Terry is a Flower Boy (Tagalog) / Chapter 5 - Chapter 4 - Hyacinth

Chapter 5 - Chapter 4 - Hyacinth

"How did you manage to enter this place?" Tumaas ang isang kilay niya habang puno ng pagdududang nakatingin sa 'kin. "This is highly secured by an advance hand print scanner built in the dome's door so spill your trick." Humalukipkip na siya habang hinihintay na magsalita ako.

Napaiwas ako ng tingin dahil humugis nang sobra ang cleavage niya sa pagkocross arms niya. Ang baba pa naman ng pagkakatapis niya sa parteng dibdib.

Kahit galit ako sa mga babae, hindi ko mapipigilan sa nature ng pagkalalaki ko na maconscious kapag nakakita ng exposed na balat sa katawan ng babae.

Tumingin na lang ako sa study table ko at nakita kong nakapatong doon ang sketch pad na sinulatan ko noon kaya naglakad ako papunta ro'n.

"Hey! Can't you hear me?! I'm askin' you b*tch!" naiinis na sigaw niya.

Kumuha ako ng pentelpen at binuklat ang sketchpad saka nagsulat doon.

"Look. If you don't have any plan to tell how the heck you managed to infiltrate this place, fine. I'll let you keep it to yourself but instead, I'll make the police do their work and make you confess."

Bago pa man niya matawagan sa hawak-hawak niyang phone ang mga pulis ay ipinakita ko na sa kaniya ang isinulat ko.

[I'm Terry, the newly employed caretaker of this place. I suppose, you weren't informed about the changes here so I apologize that I didn't introduce myself properly.]

Lalo lang nangunot ang noo niya. "Bakit kailangan mong isulat pa? Are you mute? Saka anong changes? Where's manang Tonet? I need to talk to her."

Natigilan ako nang bigla siyang magtagalog.

Walaste, marunong naman palang magtagalog ang isang 'to, kung makaingles naman. Akala ko tuloy, laking abroad at may lahing foreigner dahil sa pagkablonde ng buhok at pagkamestisa pero ngayong natititigan ko siya, ang features niya ay sa filipina.

Marami rin siyang piercing sa magkabilang tenga kahit kababaeng tao.

Nagsulat ulit ako. [May Aphasia ako at umuwi na ng probinsya si manang Tonet kaya ako na ang nag-aalaga nitong dome.]

Nang mabasa niya 'yung sinulat ko ay unti-unti na siyang nakalma at inalis na rin ang pagkakahalukipkip. "So that's what happened. Napatango-tango pa siya. "My bad. Sorry for calling you b*tch." 

Ang bilis niyang ibaba ang defense wall niya.

[Ok lang. I don't mind.]

Tinanggal niya ang tuwalya sa ulo niya at nagpunas ng mahabang blonde na buhok niya habang nakatingin pa rin sa 'kin. "But why did you lock your door when I was calling manang? You know you can just show yourself and let me know 'bout you so was that really necessary? To inform you, I'm not keen in invading personal space of others but I barged in here in your room 'cause you acted suspiciously by hiding here without any proper introduction."

Kinabahan na naman ako.

[Natakot ako sayo dahil kwento sakin ni manang Tonet, nakakatakot ka raw magalit.] Sensya na manang kung naidahilan pa kita. Kailangan ko lang ng kapani-paniwalang palusot ngayon.

Akala ko, maiinis siya sa dahilan ko pero napatawa pa siya. "Well, that's kinda true but I'm no monster. Just don't bother me with nonsensical stuffs and never ignore me 'cause I really detest being ignored. 'Wag na 'wag ka ring magdadala ng lalaki dito sa dome 'cause you're both dead. You can rest your worry if you don't defy any of the three."

Tumango-tango ako.

"But can I ask? Why are you wearing skirt and scarf ngayong gabi? Lalabas ka ba ng dome?"

Napatingin ako sa sarili ko at ang wirdo-wirdo nga ng mga suot ko. Gumana ulit kaagad ang creative reasoning ko.

[May malaking pilat ako sa leeg na ayokong nakikita ng iba kaya nakascarf ako at gusto ko lang suotin tong skirt.] Tsk. Nakakangalay magsulat.

Napatango-tango na lang siya kahit halatang nawirduhan siya sa 'kin. "Okay. Suit yourself. But recapping my rules 'cause I'll stay here for a month. First, do your things and I'll do mine. Next, when I ask or say anything, listen. And last but never the least, No. Guys. Allowed. Got that?"

Tumango ako pero naaasar na ako sa loob-loob ko sa nalaman ko na isang buwan siyang titira rito sa rest house.

"Good. Babalik na ako sa pagbababad sa bathtub so do what you were doing." Lalabas na siya kaya makakahinga na sana ako nang maluwag pero lumingon na naman siya sa 'kin kaya napigil ko na naman hininga ko.

"Pardon but what's your name again?" tanong niya.

Naglipat ako ng page sa sketch pad at nagsulat nang malaki ro'n. [Terry]

"Terry? Don't tell me, The Platipus ang last name mo?... As in Terry The Platipus?"

Nakatingin lang ako sa kaniya at ilang segundo ang naging katahimikan sa pagitan namin.

'Di ko alam kung seryoso ba talaga siya na bigla-bigla na lang bumanat ng joke? O kung joke nga ba talaga 'yon in the first place.

"Just forget that." Lumabas na siya at awkward na isinara ang pinto ng kuwarto ko.

Doon na ako nakahinga nang maluwag sa wakas. Napaupo rin ako sa sahig dahil nawalan ng lakas ang tuhod ko.

Grabe, muntikan na talaga ako ro'n ah! Buti at nagawan ko pa rin ng paraan at nakalusot ang disguise ko.

Ngayon, kailangan ko nang sobrang mag-ingat lalo na at hindi na lang ako ang mag-isang titira rito nang isang buwan.

Naramdaman ko na parang pinipilipit ang sikmura ko at nasusuka ako sa naisip kong 'yon kaya napahawak ako ro'n. Nakuyom ko ang mga kamao ko.

Titiisin ko na tumira sa bahay na 'to kasama ang isang babae para lang kumita ako ng pera. Masyado na kong maraming ginawang bagay at tiniis para lang makapagtapos ako kaya hindi ang galit at pagkaayaw ko sa mga babae ang hahayaan kong makasira n'on.

~~~* * *~~~

Lumipas ang lagpas isang linggo...

Akala ko, magiging mahirap ang susunod na mga araw na darating sa buhay ko kasama ang Hyacinth na 'yon dahil araw-araw ko nang kailangang magdisguise na babae pero hindi pala... dahil ang totoo, mas napakasobrang hirap ang pinagdaanan ko at pagdadaanan ko pa.

Tandang-tanda ko, ang sabi niya, akong bahala sa sarili ko at siya ang bahala sa kaniya pero ang totoo, kargong-kargo ko siya pati ang mga kawirduhan niya.

Tanggap ko na ako ang nagluluto ng pagkain namin pareho. Na pag-uwi ko galing school, sasalubong kaagad sa 'kin ang mga kalat niya dahil binabayaran naman ako sa bagay na 'yon pero ang hindi ko masikmura hanggang ngayon ay ang habit niya na paglalakad sa kabahayan ng nakatapis lang ng tuwalya pagkatapos maligo.

Hindi kaagad siya nagbibihis at paikot-ikot sa bahay habang may nakapatong na libro sa ulo niya. Nalaman ko na model pala siya sa ibang bansa at dito sa pilipinas at 'yon ang ginagawa niya para panatilihin ang magandang tindig niya.

Minsan naman, nagugulat na lang ako kapag papasok ng C.R. na nandoon siya at nakababad sa bathtub habang nakabukas ang kurtina n'on. Ni hindi siya marunong maglock. Buti at lagi siyang nakabubble bath kaya wala akong nakikita na hindi dapat.

Ako rin ang pinaglalaba niya ng mga damit niya ultimong undergarments.

Oo, may washing machine at dryer pero ako rin ang pinagtitiklop niya ng mga 'yon at pinagsasalansan sa loob ng kuwarto niya.

Kung alam niya lang na hindi talaga ako tunay na babae, siguradong gugustuhin niya nang lumubog sa lupa sa mga pinaggagagawa niya kasama ako. Baka hindi na rin ako makalabas ng buhay dito dahil ayaw niya sa mga lalaki. Hinding-hindi naman ako magpapahuli.

Ang clumsy niya rin sobra kumilos. Nagugulat na lang ako na may nababasag na sa kusina dahil may natatabig siya o kaya nasasangging mga baso o plato.

Magaslaw rin kumilos na akala mo, hindi anak mayaman. Kung makatawa kapag nanonood ng T.V., hagalpak na may pasipa-sipa pa at bukaka kung umupo. Walang kahinhin-hinhin na taglay.

Madalas siyang nandito sa bahay at minsan lang siya lumabas ng dome para magliwaliw at magbar. Nakaleave yata siya sa trabaho niya kaya ang dami niyang libreng oras. Kapag umuuwi siya, minsan lasing pero hindi naman siya nanggugulo sa 'kin.

Natambay lang siya sa labas habang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Ilang oras din siyang tutulala sa mga 'yon at ang lagi niyang tinitingnan ay ang kapangalan niyang bulaklak na mga hyacinths.

Nakakaabala siya sa parte ko dahil binabantayan ko ang kilos niya kapag gano'n siya. Baka bigla niya kasing sirain ang mga bulaklak sa kalasingan. Pero buti na lang at hindi naman niya ginagawa.

Kapag nasa loob naman siya ng bahay, wala siyang kasawa-sawa sa panonood ng T.V. Mura pa nang mura ng english minsan kapag romance ang tema ng napapanood niya. Madalas, nililipat niya kaagad kapag 'yon ang genre ng movie.

Sobrang bitter niya kapag nakakapanood nang gano'n dahil nagsasalita siya mag-isa na paulit-ulit na sinasabi na walang kuwenta naman ang mga lalaki at napakasasama kaya hindi dapat mahalin. Siguro, naloko siya sa karelasyon niya dati kaya gan'yan siya kagalit sa mga lalaki.

Minsan naman, kapag tinotoyo siya at nagdidilig ako sa tanghali ng mga halaman, nakasunod siya sa 'kin na parang buntot ko.

Hindi ko alam kung anong trip niya pero sunod talaga siya nang sunod sa 'kin. Minsan nga, inaalok ko na sa kaniya 'yung spray hose dahil baka naiinggit siya sa pagdidilig ko pero iiling lang naman siya at sasabihing ituloy ko lang ang ginagawa ko. Sobrang nakakailang!

At ang pinakahindi ko masikmura sa lahat sa pagiging movie maniac niya ay ang sobrang pagkahilig niyang manood ng horror movies. Napakasobra.

Hindi ako duwag pero duwag ako sa mga horror movies. Ni ayokong nakakarinig ng kahit anong tunog mula sa mga saksakan, sigawan at gulatan sa mga horror movies pero dahil sa kaniya, araw-araw kong naririnig ang mga 'yon. Ang lakas pa ng volume ng speaker niya.

Pero dahil doon, nagkakaroon ako ng assumption na may pagkapsychotic siya.

Sino ba namang matino ang utak na nanonood ng horror movie na tawa nang tawa? May kinakain 'yung zombie, tumatawa. May nanggulat na multo, hahagalpak na akala mo, comedy ang pinapanood tapos kapag lalaki 'yung bida at hinahabol na n'ong nakakatakot na kalaban, mas ichicheer niya 'yung kalaban na mahuli 'yong bida.

Sinong hindi makakaisip na baliw siya?

Kahit gabing-gabi na, wala pa rin siyang tigil sa panonood at kakatawa kaya hindi ako makatulog nang maayos sa takot sa mga naririnig ko mula sa pinapanood niya.

Buti na lang talaga at nagsimula na ang christmas break namin sa school kaya kahit mapuyat ako sa kakapanood niya ng horror, nakakapagpahinga ako sa ilalim ng puno sa tabi ng bahay pagkatapos kong magdilig ng mga bulaklak at maglinis ng rest house.

Doon ako sa swing natambay habang siya ay nasa loob at babad sa T.V. Nakakatulog na nga rin ako minsan doon dahil aliwalas ng paligid.

Pero buti na lang at kahit may pagkapsycho at eng eng siya, hindi niya ako pinapakialaman bukod sa pagsunod-sunod niya sa 'kin minsan kapag nagdidilig ako ng tanghali.

Kinakausap niya lang ako kapag gusto niya nang magpaluto ng pagkain dahil inamin niya na mas gusto niya ang luto ko kaysa pagkain sa labas.

Hindi ako nahihirapan sa disguise ko dahil hindi siya nanghihimasok ng kuwarto ko nang walang pasabi.

Hassle lang noong may pasok pa ako dahil aalis ako ng dome na nakadisguise bilang Terry dala ang uniform ko at dadaan sa isang C.R. may kalayuan sa may University saka doon na magpapalit para maging si Lester na.

Panglalaking C.R. ang ginagamit ko kahit nakadisguise pa akong Terry at nagugulat pa nga ang mga nagC-C.R. doon na lalaki kapag nakikita nila ako na inaakala nilang babae. Ako naman, deadma lang at dere-deretso papasok ng cubicle para magpalit.

Nakakaasar lang dahil nagugusot ang uniform ko sa loob ng bag pero tyinatyaga ko na lang suotin dahil hindi naman ako puwedeng umalis ng dome na nakauniform na panlalaki at makita ni Hyacinth.

Nairaos ko ang huling mga pasok ko sa school bago magbakasyon sa gano'ng paraan at hindi niya naman ako nabubuko.

Pero ngayong christmas break na, naracket pa rin ako kahit may trabaho ako rito sa dome. Napakarami ko na kasing free time pero hindi ko naman napapabayaan 'tong dome. Iniiwanan ko naman si Hyacinth ng pagkain bago ako umalis kaya hindi siya nagugutom sa hapon.

Ang sideline ko ngayon ay pagiging staff ng isang catering restaurant medyo malayo rito sa tagaytay.

Seasonal employment lang pero malaki naman ang pasahod kaya nag-apply ako at natanggap naman. Tagaserve lang ako kahit BS HRM ang background course ko dahil puno na ang position na chef at assistant chef. Tinanggap ko na rin dahil sayang ang kita.

Lumipas pa ang ilang mga araw na hindi ako nabubuko ni Hyacinth at hindi ko namalayan na pasko na. Para sa iba ay espesyal pero para sa 'kin, katulad lang 'to ng ibang araw na lilipas din.

Gumising ako nang madaling araw para simulan ang morning routine ko.

Nakaayos babae akong lumabas ng kuwarto ko saka naghilamos at nagsipilyo. Nagluto ako ng umagahan namin ni Hyacinth sa kusina tapos ay kumain na ako. Tinakpan ko naman ang inihiwalay kong pagkain para sa kaniya para mamaya paggising niya, kakain na lang siya rito.

Naglinis na ako ng bahay tapos ay lumabas na para makapagdilig na ng mga bulaklak.

Sa lahat ng trabaho ko rito, ito ang pinakagusto ko. Busog na busog kasi ang mga mata ko sa makukulay na mga bulaklak dito sa dome.

Pagkatapos kong magdilig ay unti-unti nang bumukang liwayway at nasisinagan na ng araw ang mga bulaklak. Nagkikinangan ang maliliit na butil ng mga tubig sa mga talulot nila na lalong nagpaganda sa kanila.

Napangiti ako at binuhay ko naman ang speaker na inilagay ko sa gilid ng daan malapit sa mga bulaklak. Nagpatugtog ako ro'n ng mozart na rinig na rinig sa paligid.

Naresearch ko na makakatulong na 'yon sa pagpapatalino ng utak ko, makakapagpabloom pa rin 'yon lalo sa mga bulaklak kaya araw-araw kong ginagawa. Totoo naman dahil napapasigla nga n'on ang mga 'yon.

Pumunta na ako ng swing at doon umupo para magpahinga dahil tapos na ako sa mga trabaho ko. Inugoy-ugoy ko 'yon kaya nayuyugyog ang puno na pinagkakakabitan n'on at naglalagpakan ang mga pink na bulaklak n'on sa 'kin. Ang kalat man sa lupa pero ang saya na may umuulan na bulaklak sa 'kin.

Nakatambay lang ako rito nang biglang lumabas si Hyacinth ng bahay.

Nakapony ang hanggang baywang niyang blonde na buhok at nakaearphone din habang hawak ang phone niya. Nakaitim na sports bra siya at itim din ang shorts na panjogging niya.

Magjajogging siya panigurado ro'n sa malapit na park dito sa dome. Routine niya na 'yon tuwing umaga.

Nasinagan siya ng araw at ultaw na ultaw ang kulay gatas na pagkaputi niya. Maputi rin naman ako pero may pagkaputla ang puti ko dahil sa sobrang pagtatrabaho dati at kakulangan ng tulog. Ngayon lang ako nakabawi-bawi simula nang tumira ako rito sa dome.

Hindi ko na sana siya papansinin pero napatingin siya sa 'kin at nahuli niya ang tingin ko. Hindi naman ako umiwas.

Naglakad siya papunta sa direksyon ko kaya nagtaka ako. Madalas kasi, dere-deretso lang siya palabas ng dome tuwing umaga kahit nakikita ako na nakatambay rito sa swing.

Tumayo ako para harapin siya nang maayos.

"Anong oras ka uuwi?" tanong niya.

Lalo akong nagtaka dahil kahit kailan, wala siyang naging paki sa pag-alis at pag-uwi ko.

Pinakita ko sa kaniya ang sampung daliri ko.

"10 pm?"

Tumango-tango ako.

"Don't leave food for my lunch and dinner. I'm planning to eat outside," sabi niya at naglakad na paalis.

Nakahabol tingin lang ako sa kaniya at napakibit-balikat habang tinatanaw ang pag-alis niya.

Nagpahinga lang ulit ako saglit at bago mag alas dyes ng umaga ay naligo na ako at nagbihis para umalis at pumasok sa sideline kong trabaho.

Nakadisguise pa rin ako na Terry paglabas ng dome dahil baka bigla kong makasalubong si Hyacinth.

Sa isang C.R. medyo malapit sa pinagtatrabahuhan kong restaurant ako nagpalit ng uniform ko sa trabaho at doon ay pumasok na ako para simulang magtrabaho sa araw na 'to.

Mabilis na lumipas ang oras at alas dose na kami ng gabi nakapagclose dahil napakaraming customer ang dumumog sa 'min. Hindi naman kataka-taka 'yon dahil holiday ngayon.

Pauwi na ako ng dome at nagugutom na ako. Ni hindi ako nakapagbreak nang maayos kanina dahil kulang na kulang kami sa dining area na mga tagaserve kaya kahit hindi pa ako tapos kumain, pinabalik na ulit ako ng dining area para magtrabaho.

Magluluto na lang ako ng kakainin dahil kakagrocery ko pa lang naman kahapon.

Malapit na ako sa rest house nang matanaw ko si Hyacinth na nakaupo sa isang upuan sa harap ng lamesa doon malapit sa puno. Bukas ang ilaw sa veranda ng rest house kaya kitang-kita ko siya.

Naglakad agad ako palapit sa kaniya at nakita ko ang isang red rose na nakapatong sa lamesa sa harap niya at dalawang malaking bote ng wine. 'Yung isa, ubos na at 'yung ikalawa naman ay nasa kalahati pa. Sinasalin niya ang laman n'on sa isang baso at halata sa lagpas-lagpas na pagsalin niya ro'n ang pagkalasing na niya.

Nang makontento ay nilagok niya na ang naisalin niya ro'n habang nangingilid ang mga luha sa pisngi.

Pabagsak niyang ibinaba ang baso. "Mom... I miss you..." kausap niya sa red rose na kinuha niya sa lamesa. "D-dahil sa 'kin... Because of my f*cking fault!..." Hindi niya maituloy ang sasabihin sa sobrang pag-iyak.

Nagsalin na naman siya ng wine sa baso at straight na nilagok 'yon.

Nakuyom ko ang mga kamao ko habang nakikita ko ang mga luha niya.

Biglang sumakit ang ulo ko at doon ay may sumagi sa isip ko na alaala.

"Lester anak, dito ka muna ha. Aalagaan ka rito ng mga madre. Huwag kang mag-alala at babalikan naman kaagad kita. Hahanap lang ng trabaho si nanay at kapag kumita na ako ng pera, kukunin kita rito at magkasama na ulit tayo." Umiiyak na sabi ng nanay ko habang nakaupo siya sa harap ko para makapantay ako.

Umiling-iling ako habang sobrang umiiyak. "Nay, ayoko dito... Isama mo 'ko sa 'yo..." Niyakap ko siya nang mahigpit at lalo siyang napaiyak pero bigla niya akong inilayo sa kaniya.

"Lester! 'Wag matigas ang ulo! Ilang araw ka lang titira dito. Babalikan din kaagad kita kaya pumasok ka na sa loob at sabihin sa mga madre na iniwan kita rito." Tumayo na siya at iginiya ako sa loob.

Dahil wala pa akong masyadong alam, ang nagawa ko na lang ay umiyak nang umiyak at maglakad papasok sa loob gaya ng gusto niya pero bago ako tuluyang pumasok sa bahay ampunan, nilingon ko siya.

Pinupunasan na niya ang luha niya at hindi na siya mukhang malungkot. Na parang hindi na siya nasasaktan na iiwan niya ako rito.

Tumalikod na siya at naglakad paalis kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Nay!" Hinabol ko siya pero natalisod ako kaya nakalayo na siya. Ni hindi man lang siya lumingon kahit na narinig niya ang pagkakadapa ko. Sumakay na siya kaagad ng jeep at doon ay tuluyan na talaga niya akong iniwan.

Iyak ako nang iyak at may aleng nakakita sa nangyari sa 'min na lumapit sa 'kin. Tinulungan niya akong makatayo. "Naku! Iniwan ka na ng nanay mo. Tsk. Tsk. Tsk."

Galit na tumingin ako sa kaniya habang pumapalahaw ng iyak. "Hindi totoo 'yan! Sabi niya babalikan niya ako!" depensa ko kay nanay.

Napapalatak ulit siya. "Kawawa ka naman. Ang tagal ko na rito nakatira at marami nang ganitong nangyari rito. Huwag ka nang umasa na babalikan ka pa n'on. Gan'yan din 'yung ibang nanay na nag-iiwan ng anak dito. Kunwari, iiyak-iiyak at mangangakong babalikan ang mga anak nila pero wala na naman talagang balak bumalik."

Natigagal ang mura kong isip sa sinabi niyang 'yon. Naalala ko ang mukha ni nanay kanina noong pinapahid niya ang mga luha niya bago siya umalis. Hindi na siya mukhang nalulungkot na iwan ako.

"Huy Lourdes! Ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo sa bata?!" Lumapit sa 'min ang isang matandang madre na naalarma dahil sa narinig nitong mga sinabi niya sa 'kin.

"Totoo naman Sister ah. Tama lang na sinabi ko agad sa kaniya ang totoo para hindi na siya umaasa. Ako na nga 'yung nagmagandang loob."

Hindi siya pinansin ng madre at umupo ito sa harap ko para pantayan ako. "Kahabag." Hinaplos niya ang mukha ko at bakas na bakas ang awa sa mga mata niya. "Ano ang pangalan mo?"

Ngumunguyngoy pa rin ako. "L-lester po."

Ngumiti siya saka hinawakan ang kamay ko at tumayo na. "Halika na sa loob Lester at huwag ka nang umiyak. Mababait ang mga tao sa bahay ampunan kaya magiging masaya ka sa lugar na 'to."

'Yon na ang simula ng pagtira ko sa bahay ampunan na 'yon... at tama nga ang sinabi ng Lourdes na 'yon.

Hindi na nga talaga ako binalikan ni Nanay.

Na nagkunwari lang siyang nahihirapang iwan ako sa lugar na 'yon kahit na matagal na talaga niyang gustong gawin sa 'kin 'yon dahil pabigat lang naman ako sa kaniya at isang palamunin.

Biglang kumalampag ang lamesa sa pagbagsak ng baso ro'n ni Hyacinth sa sobrang kalasingan kaya napabalik ako sa sarili ko.

Napatalbog ang dalawang bote ng wine pero buti na lang at hindi natumba.

"It's christmas... pero wala ka." humihikbing sabi niya. "I miss you so much... but I don't think Dad does. Napagpalit ka na nga agad niya." Binitiwan niya na 'yung baso saka kinuha ang bote ng wine at tinungga 'yon.

Lumapit na ako sa kaniya para agawin sa kaniya 'yung wine na 'yon pero tinabig niya lang ang kamay ko.

Pabagsak na ipinatong niya ang bote sa lamesa at matalim na tumingin sa 'kin dahil sa pagpigil ko sa kaniya. Malamig naman na tingin ang isinalubong ko sa kaniya.

"'Wag mo 'kong pigilan!" malakas na sigaw niya sa 'kin pero hindi niya ako natinag.

"Tama na 'yan. Lasing na lasing ka na." seryosong-seryosong sabi ko at nagawa ko nang maagaw sa kaniya ang bote.

Napatitig lang ang namumungay niyang mga mata sa 'kin. "You can... talk?" Idinuro niya ako at kunot na kunot na ang noo niya.

Doon ko lang narealize ang napakalaking katangahang ginawa ko kaya nanlaki ang mga mata ko.

Sh*t! Nagsalita ako!

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa ginawa ko.

Marahas siyang tumayo habang nakatuon ang pareho niyang kamay sa lamesa. Natumba pa 'yung upuan niya.

Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin at ang sama-sama ng tingin niya. Alingasaw na alingasaw rin sa kaniya ang wine na ininom niya.

Pumikit siya nang mariin saka nagmulat ulit na pilit pinapalinaw ang tingin at ipinilig-pilig pa ang ulo. "You... sounded like a man."

Nanlaki lalo ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

Busted!

Ipagpapatuloy...

Mabubuko na nga bang talaga ni Hyacinth ang totoong pagkatao ni Terry?