Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

KUWENTONG Multo, Aswang at Pantasya

Alex_Asc
--
chs / week
--
NOT RATINGS
37.9k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - TAONG BUWAYA

TAONG BUWAYA

Isinulat ni Alex Asc

Naka-ugalian na ng Grupo ni Elmer, mga Tanod ang Pangongotong sa nasasakupan ng kanilang baranggay.

Kasama kasi sa Siyudad ang kanilang baranggay, kung kaya't matao at dinadayo ang lugar nila ng mga mamimili, madaming Establismento, mga Wholesaler na mga intsik, palingki at mga mall.

Kumbaga sa panahon ngayon, maihahambing ang lugar nila sa Baclaran o di kaya'y Quiapo.

Si Elmer isa sa mga tanod, hindi man niya naising makisama sa mga kasamahan ay wala siyang magagawa, dahil kulang na kulang naman ang binibigay sa kanila ng kapitan, or 'yung isinasahod sa kanila.

Kaya't sa easy way na lang sila bumabawi, simpli lang ang target nila. nagpapaskil sila ng bawal umihi dahil multa 500 pero sa pagkahaba haba ng kalsada o mga eskinita roon, minsan 'di na napapansin ng mga dumaraan, lalo na pag-gabi, dahil walang masyadong ilaw ang daan, na tila sinadya, upang maging madilim sa kanilang paningin.

Nag-papatrol nga ang mga tanod ngunit patago naman upang 'di sila makita ng mga bibiktimahin nila, alam niyo naman ugali ng mga lalaki sa Pilipinas, ihi dito, ihi jan.

pag-may nahuli multa 500. minsan may nahuli silang lalaking dungisin, ngunit dahil wala silang napala, kinuha na lang nila ang dala nitong Bote ng alak na hindi pa nabubuksan.

Kina-gabihan, nagising si Elmer na pakiwari'y niya'y mabigat ang katawan, at 'wari ba namamanhid ito.

Pinilit niyang tumayo, kumakalam pa ang sikmura niya, nagugutom siya, ibang gutom ang nararamdaman niya, parang gustong-gusto niyang kumain ng madaming-madami. agad siyang tumakbo papuntang kusina, binuksan ang Kaldero pero walang laman, dahil sa pananakit ng katawan niya kaninang umaga ay nakalimutan niya pa lang mag-saing at kumain.

"ahh.. bakit ganito ang nararamdaman ko! para akong halimaw na nagugutom!" hapdi niyang sigaw sa sarili.

itinuloy niya ang paghahanap ng pagkain, pero wala lahat, puwera lang sa mga sibuyas, kamatis o ilang gulay na nakalapag sa lamesa, agad niyang sinakmal iyon at para bang isang halimaw na nilalapa ang mga iyon, wala siyang paki-alam kong luto na ito o hindi, basta't ang nais niya'y maibsan ang gutom. hindi pa siya nakuntinto, pati kaldero at mga pinggan pinag-kakagat niya, pero hindi niya nilunok.

Nang mapagod ay saka pa lamang huminto, titig na titig siya sa mga binasag niyang mga pinggan at winasak na mga kaldero, pero ang ngipin niya matibay pa rin at buo.

"Nakakapagtaka" aniya sa sarili. tumayo siya't nag-suot ng uniporme at saka lumabas upang mag-duty.

sakto namang kakahinto ng Pedicab na ginagamit nila sa pag-iikot sa area nila.

"Napasarap 'ata tulog mo Elmer," bungad ni Elezar ang namumuno sa kanilang grupo, na siyang nagmamaneho.

"Pasensya na P're, iwan ko ba't mukang napasarap ako sa tulog ngayon," saka siya sumakay.

Apat na ulit sila sa mga oras na ito na mag-iikot sa nasasakupan ng kanilang baranggay.

"Mga Pare! hindi kayo maniniwala sa akin pero kanina habang nagbibihis ako, paki-wari ko puro bakal ang katawan ko, puro tigas eh!" Ani Nelson sa grupo.

"Mas lalo ako, dahil sa kagutuman kanina, pati kapirasong kahoy nginuya ko, at hindi kayo maniniwala, nakain ko ng walang nasisira sa bibig ko, o 'di kaya'y walang sakit na naramdaman ko". pagyayabang naman ni Joe.

Sa Katagang iyon ng huli, napatingin ang tatlo sa kaniya, na wari nagtataka, dahil halos ganoon din ang nangyari sa kanila.

Nang may biglang sumigaw na babae. agad nailiko ni Elezar ang pedicab dahil pag-nagkataon, masasagasaan niya ang babae. agad silang nag-babaan upang puntahan ang babae. pero 'di pa sila nakakalapit ng muling sumigaw ang babae at tumakbo.

"ahhhhh!!!... halimaw!.. saklolo...." malakas niyang sigaw.

Muling nagkatitigan ang Apat at labis na nagulat sa sariling mga itsura.

"Ahh..halimaw!!.." magkakasabay nilang sigaw.

Pero wala silang nagawa kun'di magsama-sama ulit na sumakay sa Pedicab at pinaharorot ng mabilis, dahil dudumugin sila ng taong bayan.

"Bakit nagkaganito ang mga mukha natin!" Mangiyak ngiyak si Joe habang may hawak na malaking salamin.

Humaba ang mga nguso nila, tumalas at lumaki ang mga ngipin, wari'y binalot ng mga bato ang kanilang mukha. Nag-mukha silang Crocodile. pati mga kamay at katawan ay wari binalot ng mga bato at humaba ang kanilang mga kuko at tumulis.

Habang tahimik ang ilan pang tatlo dahil 'di nila malaman ang gagawin.

Agad tinungo ni Elezar 'yung bag niya sa Pedicab na iyon, at kinuha ang bote ng alak at binasa ang kapirasong papel na nakadikit roon.

"Pampalasing para sa mga buwaya" iyon ang nakasulat roon.

"Ito pala ang dahilan ng lahat" wika ni Elezar.

Napatingin sila sa pag-tunog ng tiyan ni Nelson, at sumunod din na tumunog ang tiyan ng tatlo.

"Kailangan natin kumain!" Ani Elmer.

Binasag ni Joe ang hawak na salamin at isinubo iyon dahilan upang dumugo ang lalamunan niya.

"Sira-ulo ka ba!, hindi ka ba nag-iisip! hindi pagkain iyan!" Tadyak ni Elezar sa kaniya.

"Hayaan niyo ako! dibali nang mamatay ako kesa mag-mukha akong halimaw!.

Habang si Nelson ay napatakbo naman kong saan, at 'di na rin nagpatumpik-tumpik si Elmer.

Sinundan niya iyon, alam niyang maghahanap sila ng pagkain, ganoon din si Elezar.

Narating nila ang pamilihang bayan, agad silang nagpalukso-lukso at sinunggaban ang mga naka-displaying pagkain sa bangketa, habang nagsisigawan ang mga tao sa takot, hindi alintana ng tatlo, basta ang sa kanila'y maibsan ang pagkalam ng sikmura nila, ngunit halos maubos na nila ang pagkain sa palengki pero 'di pa rin nawawala ang pagnanais nilang lumamon.

"Ganito ba maging buwaya?" Anang isip ni Elmer, napatapat siya sa malaking salamin.

"Hindi naman lumaki ang tiyan ko? tanging bunganga ko lang ang lumaki? bakit hindi ako nakukuntento?" Sunod-sunod na tanong ni Elmer sa sarili.

At inilingon ang mukha sa paligid, ang gulo ng paligid, halos sinira nila lahat, an'daming kalat, halos naubos nila ang pagkain, at wala ng katao-tao sa paligid, nagsilayasan na sa takot, pero ang dalawa'y tuloy pa rin sa paglamon.

"Dahil ito sa pangungutong namin! hindi kami kuntento sa pinapasahod sa amin, ginagamit namin ang trabaho namin sa masasama, kaya't tuluyan kaming naging halimaw na hindi nakukuntento at napupuno.

Malakas na putok ang umagaw ng pag-iisip niya, inilingon niya ang mukha kay Nelson, tumagos pa ang bala sa ulo ni Nelson, at natumba ito.

Agad napalukso si Elezar upang tumakas.

"Halika na! babarilin tayo ng mga Pulis!" sigaw ni Elezar sabay hila kay Elmer kaya't napag-desisyunan na rin niyang tumakbo, pero pina-ulanan pa rin sila ng bala.

Sa kakatakbo nila'y nadaanan nila si Joe na nakataas ang kamay sa mga Pulis, habang nakatutuk ang baril sa kaniya, pupusasan na sana siya ng Pulis ng bigla nitong kagatin ang kamay ng Pulis kung kaya't nagpaputok ito, na siyang ikinabutas ng bibig niya.

Mas lalong pina-igting ng dalawang natitira ang sarili sa pagtakas, hanggang medyo makalayo-layo sila't makapagtago.

"Natamaan ka sa hita," pag-aalala ni Elmer sa kasama, at inilabas niya ang kaniyang panyo at itinali sa paa ni Elezar.

"Anong gagawin natin ngayon Elmer?" Tanong ni Elezar sa kasama.

"Ewan ko, mas mabuti sigurong dito na muna tayo, baka ligtas tayo dito" mungkahi niya sa kasama.

"Pero nagugutum ako! gusto kong kumain" habang nanginginig na si Elezar.

"Tiisin mo!" Bigkas ni Elmer. Ang totoo pati rin siya, mukhang kumakalam ang sikmura.

Maya-maya pa'y bigla hinila ni Elezar ang kamay ni Elmer at kinagat, napa-sigaw si Elmer at nakawala siya sa kasama.

"Patawarin mo ko Elmer!" Paumanhin ni Elezar ngunit ang mata'y nanlilisik.

Hanggang madinig ni Elmer ang sunod-sunod na tunog ng sasakyang Pang Pulis na mukang papalapit sa kinaroroonan nila.

"Tumakas ka na, 'wag muna akong alalahanin," wika ni Elezar kay Elmer.

Nais pa sanang tulungan ni Elmer ang kasama ngunit mabilis na nakalapit ang mga Police car at sunod-sunod ang Paputok sa kanila, kung kaya't napagdesisyunan niyang tumakas mag-isa.

Nang medyo makalayo-layo'y napalingon pa si Elmer sa pinanggalingan, dahil hinagisan nila iyon ng granada, marahil nagkahiwa-hiwalay na rin ang katawan ni Elezar.

Halos naliligo na ng pawis si Elmer sa kakatakbo't kakalukso, huwag lang mahuli at matamaan ng sunod-sunud na barilan.

Naka-ilang oras na rin siyang tumatakbo, nang ma-suwerti niyang narating ang karagatan, napalukso siya roon, at sa 'di inaasahang pangyayari, biglang nagbalik ang lahat sa normal.

Marahil ang pagsisid niya sa tubig ang naging gamot nito.

Naging aral kay Elmer ang mga nangyari, nagpakalayo-layo siya't muling nagsimulang mamuhay sa lugar kung saan 'di alam ang pagkakakilanlan niya.

Ngayon isa na siyang kagawad sa isang baranggay at lagi niyang tinututulan ang pangongotong.

Wakas.