Chereads / KUWENTONG Multo, Aswang at Pantasya / Chapter 2 - THE DEVIL BAND

Chapter 2 - THE DEVIL BAND

THE DEVIL BAND

by: Alex Asc

Hindi ko lubos masabi kung isa ba ako sa masuwerteng babae sa mundo, o 'di kaya'y nagtatanga-tangahan upang sumama at magtiwala sa lalaking hinahangaan nang 'di mabilang na kababaihan.

I'm Melanie, isa akong super duper fan ng 3 member of flying guys band. They are both so hunk, makisig at guwapo plus super talented pa.

Biglaan ang pagsulpot nila't pagsikat, sa kakisigan naman ba at ka-cute-an ng mga boys na ito, hindi pa ba sila mag-to-top sa bansa.

Si Nick, Jeff at Drew, tatlong miyembro ng isang sikat na boyband sa ating bansa.

Mala-korean-american sa look, matatangkad, makikinis at makikisig. Para lang silang Zayn, Harry and Justin Bieber. Sobrang ganda rin ng kanilang mga boses, 'yung nakakakilig talaga silang pakinggang habang kumakanta.

Kaya naman, noong lumabas sila sa TV, 'andami nang humanga sa kanila.

Laging sold out ang mga concert nila. Laging nangunguna 'yung mga kanta nila sa radyo. Hinigitan pa nila ang 'Super Junior' sa galing sa pagkanta at pagsayaw.

Then now, I'm riding with them. Hindi n'yo ako masisi kung nagtiwala agad ako. Masuwerte nga ako kasi si Nick, slowly fall at me, feeling ko lang.

Hindi ko lubos akalain na ang mga simpleng messages ko sa kanya sa social media, re-replayan with getting to know each other, 'tas sabi niya, kakaiba daw ako. Nahuli ko daw ang puso niya agad. He want to know more about me, hindi na ako nagpatumpik-tumpik na sumama, ehh, keshe nemen, ang pogi-pogi kasi.

Well, I'm not alone naman, kasi bawat isa sa kanila, may ka-partner din.

"Honey... malapit na tayo," then he kiss me to my forehead, habang nakaunan ang ulo ko sa kanyang balikat, habang sakay kami ng van nila, going back to their province. Sa middle kami, 'tas si Drew at Mitch, nasa likuran habang may milagro na yatang ginagawa, basi sa tawanan nila't pag-ungol. Habang si Jeff naman ang nagmamaneho, beside with Karen in frontseat.

Tatlong handsome guy kasama ng tatlong girls na kamakailan lang nilang nakilala, pero nagkakapanatagan na kami, hindi ito ang unang pagkakataon na magkakasama kaming lumabas.

Tumango lang ako sa words na iyon ni Nick. Ewan ko ba, parang medyo kinakabahan ako.

He suddenly to kiss me in my lips, 'ambango niya, at ang lambot ng labi niya, 'ansarap nguyain, kung kaya't 'di ko maiwasang maanod sa mga masasarap na sandaling iyon.

Then here we come.

Bumaba si Nick upang i-unlock ang gate at buksan. Malawak ang playground ng bahay at may fountain pa sa gitna, 'tapos ang bahay ay makaluma ang disenyo na parang bahay ng mga kastila noon, dalawang palapag ito.

While staring at the house, parang may gumagapang na kilabot sa balahibo ko upang magsitayuan, nakakatakot ang bahay.

"Halika na, honey," sabay hila sa akin ni Nick, habang nauna na palang pumasok ang apat.

Pero dahil sa lambingan at love na nangingibabaw sa kaibuturan ko, wari'y nakalimutan ko ang bumagabag sa damdamin ko kanina. Kumain kami then watching movies sa malawak na sala at malaking flatscreen na T.V. then the boys standing in front of us, starting to sing along to us.

'Ansarap talaga sa pakiramdam ang mga boses nila, 'yung tipong inaanod ang imagination ko, at wari'y pinapanawan ako ng ulirat, at kasunod nito ay pagkahilo.

Nagiging weird at blurred na ang lahat, tumatawa sila habang kumakanta, wari'y nag-babago ang tinig nila sa aking pandinig, wari'y nakabaon sa lupa habang sumisigaw. Nagbabago ang anyo nila sa aking paningin, nakakakilabot ang mga mukha, mahahaba ang sungay, matutulis ang mga pangil, nanlilisik ang mga mata, at may nakakatakot na buntot.

I can't help my self, gusto kong sumigaw, pero tuluyan na akong sinakop ng kadiliman.

Then, when I woke up late at night, tulog na tulog si Nick sa tabi ko at nababalutan lang kami ng makapal na kumot, habang hubo't hubad, mukhang may nangyari sa amin, ngunit wala man lang akong naramdaman. Feeling ko tuloy pinagsamantalahan lang ako, pansamantala ko siyang tinitigan, ang guwapo talaga niya, I kissed him 'tas tumayo na ako at lumabas sa kwarto.

Nasa ikalawang palapag kami at may nadidinig akong kakaiba, kumakalampag sa ibaba.

Dahan-dahan kong tinungo iyon.

Nang madatnan ko ang dalawang kakaibang nilalang na wari'y may kinakain na kung ano. Nakakakilabot ang mga tinig nila, habang nginunguya ang kung ano, nang matigil sila at maramdaman ako.

Humarap sila sa akin at laking gulat ko sa nasaksihan... mga demonyong halimaw... 'yung nakita ko bago ako panawan ng ulirat.

Si Jeff at Drew, nilalapa nila si Mitch, habang nakahandusay at wakwak na ang katawan.

"Ahhhhhhh!!!" Napatili ako nang sobrang lakas.

Mabilis din akong umakyat sa taas at sinundan naman nila ako. Sa sobrang pagmamadali ay bumangga pa ako sa dibdib ni Nick.

"Hu-hu-hu, honey, please help me! Mga halimaw sila!" 'tas hinawakan ako ni Nick sa balikat at sinigawan ang dalawa na nasa likuran ko.

"Stop!!! Walang gagalaw sa kaniya".

Mas lalong tumalbog ang kaba ko habang nakatingin kay Nick. Isa lang ang ibig sabihin nito. He's one of them.

"Halika na, honey.. 'wag ka ng matakot!" sabay kindat sa akin ni Nick at hinila niya ako pabalik sa kaniyang kuwarto.

Ako naman, nagtuloy ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.

Humiga siya at hinila niya ako sa katawan niya, at ikinulong sa sarili niya at matapos nito'y humihilik na at tila ba tulog na.

Sa likod ng magandang mukha, may nakakatakot na katotohanan sa kanyang pagkatao.

Gumalaw ako at nais kong tumakas. Unti-unti kong inaalis ang balikat niya, ngunit mas lalo pa niyang pinaigting ang pagyakap sa akin.

Napahagulgol na lang ako habang naibubulong ang katagang, "honey... please... please... let me go," pero wari'y 'di niya ako nadidinig.

Nang sampalin ko siya nang napakalakas, idinilat niya ang mga mata niya, mapulang-mapula iyon na mas lalo kong ikinatakot.

"I tell you! You are safe with me!" sabay higpit ng yakap sa akin at hinalikan ako pero inaalis ko ang labi sa kanya, pinipilit kong kumawala sa kanya pero hindi ko magawa, napakalakas niya.

Hanggang sa maabot ng kamay ko ang flowerbase at malakas kong hinampas sa mukha niya. Napasigaw siyang hawak ang mukha, at nakakuha naman ako ng chance upang tumakas, ngunit nang maabutan ko ang pinto... ito ay naka-lock.

"Honey! I told you! You can't go," habang papalapit sa akin si Nick, at malakas na sampal ang natamo ko sa kanya, at saka itinali nang mahigpit sa kanyang higaan.

Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak, feeling ko, dito na magwawakas ang buhay ko.

Nakatulugan ko ang sama ng loob, at unti-unti akong ginising ng paulit-ulit na sigaw.

"Sssi... Si Karen!" aniya ko.

"'Wag! 'Wag! Maawa kayo! Tulong! Tulong!" malakas niyang sigaw na mukhang sa kabilang kwarto lang naroroon.

"Mga hayop kayo! Pakawalan n'yo siya!" sigaw ko din sa kanila. Ramdam ko ang paghihirap niya sa kanila, matapos ang paulit-ulit na sigaw ay napakli na iyon na tila binawian na ng buhay.

Napatingin ako sa paligid, wala rito si Nick. Kailangan kong makatakas, ngunit 'di ko magawa, malakas ang pagkakatali sa aking mga kamay at paa.

Nang biglang bumukas nang malakas ang pintuan.

Ang mga halimaw! Sssi... si Jeff at Drew, habang tig- iisa nilang hawak ang magkabilang balikat ni Karen at nilalapa habang papalapit sa akin.

"Lumayo kayo sa akin! Tulong! Tulong," ang siyang malakas kong sigaw.

Nilundagan ako ni Jeff at dinila-dilaan sa mukha, habang ramdam ko sa hita ko ang mga kamay ni Drew.

"Hindi ka namin papatayin!" bulong sa akin ni Jeff.

"Gagahasain ka lang namin!" malakas na dugtong ni Drew.

"Tutal naman, mahilig ka sa guwapo, 'di ba? Pagkakataon muna ito para matikman kami..." at sabay na humalakhak ang dalawa.

At inumpisahan na nila akong hubaran at halayin. Nakatulala lang ako, habang nagsusuot na sila ng damit nila... nang biglang magbukas ang pintuan.

Dumating si Nick na wari'y sasabog sa galit.

"'Di ba! Sinabihan ko na kayo!" dinig kong sigaw niya, at hindi ko na alam ang nangyari. Basta kumalampag na ang kapaligiran sa labanang nagaganap sa kanilang tatlo, pero wala akong pakialam, dahil wari'y wala ako sa sarili ko sa sakit na mga nangyari sa akin.

Iminulat ko ang aking mga mata, si Nick na nakaupo sa tabi ko, at agad akong napaupo at napasandal. Hinanap ko ng tingin ang dalawa.

Nakahandusay na silang dalawa habang naliligo ng dugo sa sahig. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya silang patayin para sa akin.

Hinila niya ako papunta sa kanila.

"They are dead! Pinatay ko sila para sa 'yo!" mahina niyang tinig sa akin.

"Nagawa mo 'yan, dahil sa akin?" direkta kong tanong sa kanya.

Yumuko ako at pinulot ang mahabang kutsilyo na ginamit niya sa kanila, at tinitigan iyon. Tinitingnan ko ang repleksyon ni Nick sa salamin, dahil ang totoo, gusto ko siyang saksakin.

"Yap, I did it for you!" kataga niya sa akin.

Ngunit nakikita ko sa repleksyuon ng kutsilyo ang unti-unting paglapit niya ng lubid patungo sa akin.

Humarap ako at sinunggaban siya, pero nasangga niya iyon gamit ang kanyang siko, habang hawak sa magkabilang kamay ang lubid.

Mabilis niyang naipulupot sa akin iyon, at itinaas iyon, kasabay ng pag-angat niya ang pagbitiw ko ng kutsilyo.

Halos hindi na ako makahinga habang hawak ang lubid na iyon sa leeg ko, nilalabanan ko ang pagsakal niya sa akin.

"Bakit?!" habang hirap ako sa pagbikas.

"Tingin mo ba, bubuhayin pa kita, matapos kong patayin ang mga kasama ko!" nakakakilabot niyang bulong sa akin.

Halos maglaho na ang hininga ko nang bigla niya akong bitawan, bumagsak ako sa sahig.

Tumingala ako sa kanya, habang wari'y nagtatanong kung bakit? Hindi niya ako tinuluyan.

Pero tahimik lang siyang nakatingin sa akin, habang anyong demonyo na rin ito.

Sa puntong ito, mabilis ang pagtayo ko, tumakbo ako nang matulin, at lumabas ng bahay.

---

Makalipas ang ilang linggo, bumangon ako mula sa pagkakatulog.

Pumaroon sa sala't binuksan ang T.V.

Labis akong nagulat sa isang showbiz live interview, ang tatlong boys, kasalukuyan silang naka-live-on-cam.

Si Nick, Jeff at Drew, buhay na buhay ang dalawa? At wala man lang kahit kaunting galos sa kanilang mga mukha.

"Paano nangyari iyon?" anang isip ko.

At sabay-sabay silang kumindat na wari sa akin pinapatama.

Wakas.