Chapter 4 - HIGANTI

HIGANTI

Isinulat ni Alex Asc.

Si Gadul ay isang maliit na tao na kung tawagin ay unano. Normal naman ang kaniyang pamilya, ngunit sadyang naiiba siya sa kanilang lahi, ngunit ganoon pa man, labis siyang minamahal ng kaniyang pamilya.

16 anyos na siya. Binatilyo na, ngunit tampulan siya ng tukso ng lahat ng kaklasi niya sa school, at maging ang ilan sa kaniyang mga kapitbahay, kaya't walang masyadong nakikipag-kaibigan sa kaniya.

Isang araw habang naglalakad siya sa loob ng campus, sakto namang makakasalubong niya ang babaeng tipong-tipo niya.

"Hi... Gadul..." nag-smile ang crush niya at bahagyang huminto.

"Hi..." ganti ni Gadul sabay taas ng kaunti ng kamay upang baybayan ito.

"Alam mo, guwapo ka sana... but your so unano," pang-aasar ng babae sabay tawa at lakad palayo kay Gadul.

Tumatak naman sa isipan at puso ni Gadul ang katagang iyon, dahil sa kaniyang pagiging unano ay 'di siya magawang seryosohin ng mga tao.

"Ha-ha-ha-ha..." tawanan ng grupo ni Josh, habang naka-stambay sa daraanan ni Gadul.

"Nangangarap ang unano!" sambit nila.

Hindi na pinansin ni Gadul ang mga lalaki, ngunit hinarangan siya ng ilan.

"Unano, maaari mo bang punasan ng panyo mo ang sapatos ko, medyo nadumihan eh" utos ng mayabang na si Josh.

Walang nagawa si Gadul kundi ilabas ang panyo at punasan iyon.

Ngunit habang ginagawa niya iyon ay bahagya siyang sinipa ni Josh kung kaya't napaigtad ito ng kaunti.

"Umalis ka na nga diyan!" pambubugaw ni Josh sabay hakbang paalis ng grupo niya.

Mangiyak-ngiyak si Gadul sa inasal nila sa kaniya.

Ayaw na niyang patulan ang mga 'yon dahil nabubugbug lang siya lagi.

Makalipas ang ilang saglit, dumaan ang isa sa mga Professor Teacher nila, at binati pa siya nito, habang naglalakad at may katawagan ang lalaking iyon, 'di niya napansin, na 'di sinasadyang napasunod pala si Gadul sa kaniya.

"Partner... Malapit ko ng mabuo ang Iniimbento kong chemecal. `Pag natapos 'yon, may sulusyon nang tumangkad ang mga taong pandak he-he-he..." habang tumatawa pa ito, pero si Gadul biglang natigil sa narinig.

Kinahapunan, habang papauwi ang lahat mula sa klasi at ganoon din si Professor Tuazon ay wala siyang kamala-malay na sinusundan na siya ni Gadul.

Nagtatago-tago pa si Gadul sa mga Posti ng kuryente kapag nakakaramdam si Professor.

Hanggang sa dumating na ang Professor sa gate niya. Binuksan at isinara iyon saka pumasok na ang Professor sa kaniyang bahay.

Samantala, dahil maliit si Gadul, madali siyang nakalusot sa gate mula sa ilalim.

Tinungo niya ang gilid ng bahay at sumilip sa may bintana.

"Kaunting-kaunti na lang partner. Kaunting sangkap na lang, ma-su-sucess na ito," wika ng Proffessor sa kausap sa telepono.

Walang paglagyan ang saya ni Gadul sa kasalukuyang nadidinig. Sa wakas tatangkad na rin siya, at wala ng mang-aapi sa kaniya.

"Hmm... malapit na kitang matapos... ohhh..." na ikinakanta pa ng proffessor ang kaniyang ginagawa, habang pinaghahalo niya ang ilang liquid na may kaniya-kaniyang kulay.

Matapos ang ilang saglit ay pumasok na iyon sa kaniyang kuwarto at naghubad ng damit, humiga at natulog na sa kaniyang kama.

"Sakto..." turan sa sarili ni Gadul, dahil ang susi ay inilapag lang ng proffessor sa kaniyang maliit na table sa kaniyang kuwarto, at mabuti naman at bukas ang kaniyang bintana.

Naghanap ng mahabang kawayan si Gadul at sinungkit niya iyon at saka pumasok na sa loob.

Masayang-masaya si Gadul habang hawak-hawak ang chemical na iyon at tinititigan iyon, habang nakangisi pa sa ligaya.

Nang may bigla siyang narinig at ikinataranta niya, dahilan upang maibuhos niya ang ilang laman ng chemecal na iyon sa kaniyang sarili, at sa pagkamalas-malas ba naman ay natapunan pa ang kaniyang bibig at nalunok niya iyon.

Agad niyang inilagay sa taas ng lamesa ang Chemecal na iyon, at sumuot sa ilalim ng lamesa. Hindi naman siya nakita ng Proffessor dahil dumiritso iyon sa banyo.

Agad lumabas ng bahay si Gadul at tumakas na ito.

Kinabukasan habang papasok na siya sa school ng makasalubong na naman niya ulit ang mayabang na grupo. Inagaw nila ang bag ni Gadul at pinagpapasa-pasahan nila, dahil sa galit ay 'di niya napigilang hawakan ang mga iyon at ihagis sa kung saan.

Hindi niya napansin na agad pala siyang lumaki, kung kaya't huli na ng maihagis na pala niya sila sa kung saang dako.

Tuloy-tuloy ang pagtaas niya at paglaki ng kaniyang katawan.

Labis ang pagkagulat niya sa kaniyang sarili. Ngayon katumbas pa niya ang dalawang palapag sa kanilang school. Masyado yata siyang tumangkad.

Pinagmasdan niya ang kaniyang mga kamay at paa.

"Oh! bakit naging higanti ako?" gulat niyang turan sa sarili.

Inilingon niya ang mukha sa paligid.

"Wow... totoo ba 'to?" malakas niyang bigkas sa sarili.

Ang laki na niyang nilalang at ang liit ng kapaligiran.

Ngunit sa kasamaang palad, nagsidatingan ang mga pulis, at bigla siyang pinaulanan ng baril, kung kaya't napilitan siyang tumakbo at lumayo sa siyudad.

Dahil sa paghahagis niya sa mga kabataang iyon, kung kaya't ayaw siyang tigilan ng mga Pulis.

Napag-desisyonan niyang pasukin ang malawak na kagubatan.

`Buti na lang at mas mataas sa kaniya ang mga matatayog na puno, dahilan upang patuloy siyang makapag kubli.

Nasa masukal na kagubatan na siya at kahit ginamit ng lakas ng sandataan ang mga helicopter ay 'di pa rin nila matukoy kung saan eksaktong nagtatago si Gadul.

Tumigil na rin ang lahat sa paghahanap sa kaniya. Hinigpitan nga lang ang mga lugar malapit sa kagubatan upang hindi makapaminsala ang higanti.

"Nakakalungkot naman ang buhay dito," wika ng nakasimangot na si Gadul.

Kahit malaki na siya, ganoon pa din, wala pa ring nakikipagkaibigan sa kaniya, pati mga hayop nagsilisan na rin dahil sa takot sa kaniya.

Nagutom si Gadul at pinitas niya ang sangdamakmak na mga bunga ng iba't ibang punong kahoy. Kumain siya at natulog siya kinagabihan.

Malungkot na malungkot siya sa bagong buhay niya ngayon. Kung makakabalik siya sa dati niyang anyo, mas pipiliin niya iyon. Lalo pa't tanghaling tapat na ay nag-iikot na naman ang mga helicopter sa taas, kaya't nagtago na naman ulit siya.

Sunod-sunod sa pagtakbo ang taong bayan, dahil sa napakalaking nilalang na paparating.

Sinisipa nito ang mga sasakyan at mga tao. Binubuhat ang mga bahay at hinahagis.

Isang higanting masama ang siyang naghahasik ng lagim.

"Mga wala kayong kuwenta! pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa akin!" asik nito sa kapaligiran.

Mahirap din siyang tablan ng bala, kaya't kakaiba talaga siya.

Samantala, nagmumukmok sa ilalim ng kaniyang silid ang takot na takot na si Proffessor Tuazon. Matapos nakawin ng isang lalaki ang iniimbento niyang kemikal, at ininom iyon.

Matapos kasing malaman ng lalaking si Kulot na si Mr. Tuazon ay nakaimbento ng kemikal kong saan nagiging higanti ang tao ay hinoldap niya iyon, at muntik pa niyang patayin ang Proffessor Scientest na iyon.

Napanood ni Kulot ang balita kay Gadul kung kaya't napag-alaman niya agad kung kanino galing iyon, dahil may idea na siya. Matagal na niyang kilala si Mr. Tuazon.

Ang pinag-iisipan ng Inventor ay kung paano makakagawa ng panglunas sa kaniyang maling Invention na ginamit ng lalaking iyon sa masama. Alam niyang may mali, kasi imbes na tumangkad lang ay naging higanti pa ang mga 'yon.

Hindi na nakatiis si Gadul, at lumabas siya sa kaniyang pinagtataguan. Mabilis ang takbo niya patungo sa masamang higanti. Habang kasalukuyang winawasak ng higanting si kulot ang buong siyudad.

Malakas na lukso at sipa ang tumama sa likuran ng masamang Higanti.

Natumba ito at sumubsob sa lupa, agad tumayo at humarap kay Gadul.

"Bakit mo winawasak ang ating bayan!? Ano ang kasalanan nito sa `yo!" galit na wika ni Gadul.

"Pinatay nila ang mga anak ko! tapos ako pa ang ikinulong nila! bulok na ang sistema ng ating pamahalaan! ang mabuting tao at mahihirap sinasaktan at ikinukulong ng walang ebidensya!" sigaw nito at parang dumadagundong ang boses nito sa kalangitan.

"Pero mali na ang buong bayan ang wasakin mo!" sagot ni Gadul.

"Ah!! An'dami mong salita! kung gusto mo magtuos na lang tayo" sigaw ni Kulot at mabilis na humakbang at sinuntok si Gadul.

Bahagya namang tumilapon si Gadul. 'Di hamak na mas malaki sa kaniya ang katunggali. Binuhat niya si Gadul at hinampas-hampas kong saan.

Ngunit nakawala si Gadul at sunod-sunod naman ang kaniyang ataki kay Kulot. Nagbuno ang dalawa.

Hanggang maramdaman nila ang malaking hose ng fireman na itinapat sa kanilang mga paa, at sumirit ang madaming liquid invention na siyang naging lunas sa pagiging higanti ng dalawa.

Bigla na lang silang lumiit at agad namang inaresto ng mga pulis si Kulot.

Naka-imbento si Mr. Tuazon ng chemecal na magiging sanhi upang bumalik sila sa dating anyo. Itinapon na rin niya ang natitirang Invention niya para sa paglaki, dahil alam niya ngayon na hindi ito nakakabuti sa mga tao.

Nagkaroon na rin ng tamang hustisya para kay kulot, nakalaya siya.

Samantala, isang Araw...

Papasok na ng Campus si Gadul, nang makasalubong nito ang crush niya.

"Hi... my hero... kumusta ka? take this my number, so we can start our friendship... call me okay..." Pakindat pa ng babae at saka nagmadaling pumasok sa klasi.

Napapailing na lang siya't napapangiti sa saya.

Nagpatuloy si Gadul nang makasalubong niya naman ay ang grupo ni Josh. Lumapit silang lahat at pinaligiran si Gadul, aka isa-isang hinawakan si Gadul at itinaas ito. Binuhat nila habang isinisigaw nila.

"Ito ang aming bayani."

Sa pag-gawa ng mabuti'y niya natagpuan ang paghanga at respeto ng taong bayan, kahit nananatili pa rin siya sa pagiging maliit na tao.

Samantala isang taong grasa ang kasalukuyang hinuhukay ang isang basurahan. Naghahanap ito ng pagkain, nang makita niya ang isang bote ng miniral na may likido sa loob na kulay dark blue.

"Mukang Pepsi ito ah," binuksan niya at tinungga, at nakaramdam siya ng kakaiba sa kaniyang pangangatawan.

Wakas.