Chereads / KUWENTONG Multo, Aswang at Pantasya / Chapter 3 - BABAENG LANGAW

Chapter 3 - BABAENG LANGAW

BABAENG LANGAW

by: Alex Asc

Nagngingitngit sa sukdulang galit si Mary Joyce. Isinusumpa niya ang lalaking may kagagawan ng kaniyang paghihinagpis. Walang paglagyan ang galit niya sa taong iyon.

Inabot niya ang malaking bote, at unti-unting binuksan.

Tssshh...

Huni ng maliit na insekto sa loob ng boteng iyon.

Sinilip niya ito, at nakamasid naman habang nakalutang ang maliit na langaw na may matalas at nakausling pangil na wari'y namuong dugo ang kulay nito.

"Oh, alaga ng demonyo! Pinapayagan na kitang angkinin ang katawan ko at gamitin sa masama!" wari utos niya sa napakaliit na nilalang na ito.

Parang tumango naman ito, at nag-umpisang humakbang palabas. Nang makalabas ay nagpa-ikot ikot pa ito sa babaeng ito, habang wari'y nakapikit at may isinasagawang orasyon.

Maya-maya pa'y pumasok na ang langaw sa kabilang tainga ng babae, at nagtuloy-tuloy papunta sa kanyang utak.

Iminulat ng babae ang mga mata, at nagiging kakaiba ito na animo'y mapulang-mapula at nanlilisik. Nagsilitawan din ang mga ugat sa kanyang mukha, nagkulay ube ang mukha. Lumabas ang kaniyang pangil at nag-iba ang hugis ng mukha.

Kasunod nito ang alaala ng lalaking si Isagani ang lumitaw sa kanyang isipan.

Ito ang masasayang araw ni Joy at nang lalaking labis niyang iniibig. Ang lalaking bukod-tangi niyang minahal ng higit sa kanyang buhay. Ang lalaking kinababaliwan niya, at ang lalaking dahilan ng kamatayan ni Joy.

Ngayon!

Maniningil ang dapat maningil!

"Hinding hindi kita titigilan! Maghihiganti ako!" kasabay ng katagang ito ay ang kaniyang sigaw.

Biglang kumulimlim ang kalangitan na wari'y nagbabadya ang pagbuhos ng ulan, habang hindi mapakali si Isagani sa kanyang desisyon.

Mahirap man sa kaloob-looban niyang tuluyang iwan at layuan si Joy, ngunit kailangan na niyang gawin ito. Kailangan na niyang magdesisyon. Hindi sa habang panahon ay mamumuhay siyang kasama si Joy.

Hindi sa habang panahon ay gagamitin at lolokohin lang niya si Joy.

Kailangan niyang panindigan ang tunay niyang asawa. Kailangan niyang ituloy ang obligasyon sa kanyang nag-iisang anak. Ayaw niyang lumaki itong may galit sa kanya at malayo ang damdamin sa kanya.

It's a right time na siguro upang itigil nila ang relasyon nila ni Joy, at tanggaping hindi sila maaari, dahil hindi niya kayang panindigan si Joy. Hindi niya kayang piliin si Joy at ipagpalit ang kaniyang pamilya sa babaeng tinatawag nilang kabit.

Mahirap man din sa damdamin niya, kailangan na sigurong isuko ang lahat at sana'y maka-move-on na rin si Joy. Mahanap nito ang lalaking magmamahal sa kanya ng tapat at susuklian ang pag-ibig sa kanya.

Kaka-arrive lang nila sa Australia, kasama ng kaniyang anak na babaeng nasa anim na taong gulang at ang maganda niyang asawa.

Naka-settle na lahat ang buhay na haharapin nila sa Australia. Isa siyang Mechanical Engineering, at nurse naman sa isang malaking private hospital ang asawa niya.

Matagal na panahon din siyang tumigil sa pagtatrabaho dahil nalason ang isip niya sa kanyang babae.

Actually, ang kaniyang asawa'y laking Australia kaya't naging madali sa kanya makapagtrabaho dito. Samantalang si Isagani ay saka lamang nagdesisyon nang tuluyan silang lumipat upang tuluyang kalimutan si Joy.

"I love you, baby. Promise, hinding-hindi na aalis si Daddy sa tabi mo, okay?" malambing na wika ni Isagani sa anak na si Mary Jhay. At tumayo siya't inakbayan ang asawang si Johan.

"Promise 'yan, ah?" sabi naman ni Johan.

"I promise, crossed my heart. Mamatay man ang mga tsismosa nating kapitbahay," pagbibiro pa nito sa asawa.

Kinurot lang siya ni Johan at nagtawanan ang tatlo.

1 day, 2 days, 3 days na lumipas ang naging kamatayan ni Joy, nang wala man lang kaalam-alam si Isagani.

Masaya siya sa buhay na mayroon siya ngayon, lalo't masusundan pa ang unica iha niya. Pero hindi niya maililihim na nakikita niya sa panaginip niya si Joy.

Nakatanggap ng mensahe sa messenger si Isagani galing sa 'di kilalang account.

'Humanda ka! Magbabayad ka! Papatayin ko kayo!' Ito ang laman ng mensahe na nagpatalbog sa dibdib ni Isagani.

Hindi siya mapanatag, lalo't alam niyang may tao siyang nasaktan ng lubusan. Batid niyang kinababaliwan siya ni Joy at alam niyang kaya nitong gumawa ng krimen, maangkin lang siya ng babaeng iyon.

Muli ay sumasagi sa kanyang isipan ang lahat. Schoolmate niya si Joy. Graduating na siya nang magsimula namang pumasok sa kolehiyo si Joy.

Love at first sight niyang ilalarawan ni Isagani ang una nilang tagpo. They made a promise to each other na kahit nasa abroad na si Isagani ay itutuloy nila ang relasyon, walang susuko.

Ngunit noong nasa Australia na si Isagani, nakilala niya si Johan na siyang pinili niyang pakasalan, ngunit dahil mas minamahal niya si Joy, binalikan niya ito sa bansa upang makasama.

"Mahal kita, Joy. Ngunit sana maintindihan mong hindi na tayo puwede," masuyo niyang wika habang lumuluha.

"Kung mahal mo ako, ako dapat ang piliin mo!" habang naglalandas ang luha sa mga mata ni Joy.

"Hindi ko kayang iwan ang anak ko," sagot ni Isagani.

"Iniwan mo na nga sila, 'di ba? Puwede mo naman siyang dalawin o 'di kaya'y puwede natin siyang kunin!" habang may katigasan ang boses ni Joy.

Napapailing na lang si Isagani habang umiiyak na rin.

Napakahirap para sa kanya ang desisyong ito. Tumayo siya't naglakad palayo sa babaeng iniibig niya.

"Papatayin ko sila! Binabalaan kita!" galit na wika ni Joy.

Pero hindi ito pinakinggan ni Isagani. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

And this is the last goodbye.

Kinabukasan, nakatanggap si Isaganie na tawag mula sa Pilipinas.

'Di umano'y minasaker ang kaniyang ama't ina, ngunit brutal ang pagpatay dahil labas ang mga lamang-loob nito.

Sumagi na agad sa isipan ni Isagani si Joy na may matinding galit sa kanya.

Agad nakabili ng return flight sa Pilipinas si Isagani.

Nagpasya siyang hindi na isama ang asawa't anak dahil delikado ito.

Sumang-ayon naman si Johan dahil alam niyang may babaeng nababaliw sa kaniyang asawa alang-alang sa kaligtasan ng kanilang anak.

"Kuya, isang halimaw! Mukhang higanting langaw! Babaeng insekto! Siya ang salarin," habang umiiyak ang kapatid niyang babae na wari'y nababaliw na rin ito dahil sa mga nasaksihan.

Pinatahan niya lang ito't niyakap.

"Nag-iwan siya ng sulat, kuya! Harapin mo daw siya!" singit naman ng kaniyang kapatid na lalaki.

Napaluha si Isaganie sa narinig. Alam niyang si Joy ang may kagagawan ng lahat.

"Kuya, si Ate Joy ba ang salarin? Bakit sa isinasalaysay ni Amy, isa raw halimaw ang may kagagawan?" nakakunot-noong tanong ng kapatid niya.

Hindi na ito sumagot. Agad niyang pinuntahan ang burol ng kaniyang mga magulang. Nais niyang mamaalam sa kanila. Tumawag na rin siya sa asawa't anak niya.

Kailangan niyang harapin si Joy dahil baka ang mga kapatid naman niya ang isunod ng mamamatay-tao.

Ipinagtanong-tanong niya ang provincial address ni Joy. Dahil sa totoo lang, hindi pa niya iyon napupuntahan.

Nakakapagtaka dahil bakit sa taas ng bundok, itinuturo ng mga tao ang kinaroroonan ng address na iyon.

Hanggang sa marating niya ang may kaliitan at nag-iisang kubo roon.

Bukas ang pintuan pero dahil madilim sa loob, hindi niya maaninag ang looban.

"Tao po... hinahanap ko po si Joy. Dito po ba siya nakatira?" kalma niyang bigkas.

May babaeng nakatalikod at wari'y nagdadasal sa harap ng ilang nakasinding kandila. Gumalaw iyon at nagsalita.

"Wala dito si Joy. Kung gusto mo, sasamahan kita sa kanya?" wika ng babaeng nakabestidang itim at nakabelo.

Sa tantiya ni Isagani ay medyo bata pa ito na halos kaedad lamang niya. Pero nakatakip ang mukha ng babae gamit ang belo nito nang humarap siya kay Isagani.

"Halika, sundan mo ako," malamig nitong tinig at humakbang na't sinundan naman ni Isagani.

Nakakalahating oras din silang naglalakad pero walang kaimik-imik ang babae na ayaw sagutin ang mga tanong ni Isagani nang dumating sila sa maliit na kuweba.

Nakakasulasok ang amoy na nanggagaling sa loob at wari pinagpipistahan ng milyong-milyong langaw.

"Nandiyan ang bangkay ni Mary Joy!" wika ng babaeng si Mary Joyce.

"Niloloko mo ba ako?" galit na wika ni Isagani habang tinatakpan ang ilong gamit ang kaniyang kamay.

"Nagpakamatay siya noong araw ng flight mo!" matigas na tono ng babae.

Dahil mukhang seryoso ang babae at mukang may kakaiba nga sa loob, hindi na nagpatumpik-tumpik si Isagani, pinasok na niya iyon.

Bumaligtad ang sikmura niya't nasuka siya nang madatnan ang naroroon.

Isang bangkay na unti-unting naaagnas at pinagpipiyestahan ng mga langaw.

Hindi kinaya ni Isagani na tingnan kaya't inilingon niya ang mukha sa tagiliran.

Makalipas ang ilang saglit ay muling minasdan ni Isagani ang bangkay, at 'di niya maiwasang pumatak ang mga luha niya. Hindi niya lubos akalain na magagawang magpakamatay ni Joy.

"Ngunit, sino ang pumatay sa mga magulang ko?!" matigas na tanong ni Isagani sabay harap sa babaeng iyon.

Ngunit laking gulat niya sa nasaksihang kaharap.

Isa na itong malaking halimaw na hugis langaw, at may maninipis na pakpak.

Kumaripas ng takbo si Isagani, ngunit hinabol siya ng halimaw na iyon. Mabilis ang pagtakbo ng lalaki ngunit mas mabilis ang halimaw. Nahawakan niya si Isagani ngunit lumalaban si Isagani gamit ang mga malalaking batong napupulot, pero hindi iyon dinaramdam ng babaeng halimaw.

Paulit-ulit niyang binubuhat si Isagani at hinahampas sa baba. Kinakalmot sa mukha gamit ang mahahabang kuko, saka sinusugat-sugatan sa bawat parte ng kaniyang katawan.

Hirap na hirap na si Isagani pero hindi siya tinitigilan ng babaeng halimaw.

"Pakawalan mo ako..." pagmamakaawa ni Isagani.

"Naawa ka ba sa ginawa mo sa kapatid ko, matapos mong sirain ang buhay niya! Ngayon, hinding-hindi ako titigil hangga't hindi kita naisasama sa kanyang hukay!

Tinusok niya sa pamamagitan ng mahahabang kuko ang dibdib ni Isaganie, pababa sa tiyan nito. Binuksan at winakwak, inilabas niya ang lamang-loob. Matapos ay kaniyang binuhat at dinala sa kuwebang kinalalagayan ng bangkay ni Joy.

Inilapag niya ang katawan ni Isagani sa tabi ng katawan ni Joy, at dahil labas ang kaniyang lamang-loob ay siya ang pinagpiyestahan ng mga langaw.

Humihinga pa rin si Isagani at nakaharap ang mukha kay Joy na halos magkadikit na ang labi ng dalawa... ay narinig niya ang huling kataga ni Mary Joyce bago malagutan ng hininga ang lalaki.

"Alam mo ba, ang huling hiling ng bunso kong kapatid bago siya mamatay? Gusto niya, sabay ko kayong ililibing!"

Wakas...