Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Kaizen (Vampire Prince) Tagalog

🇵🇭Jriz_resha
--
chs / week
--
NOT RATINGS
16.6k
Views
Synopsis
Kaizen - Hindi siya pangkaraniwang tao lamang. Isa siyang Prinsipe ng mga Bampira. Gusto niyang maging malakas pa. At para maging ganap na malakas, Kailangan niyang mahanap ang babaeng sinasabi sa propesiya na nagtataglay ng dugong pupukaw sa kapangyarihang naka-sealed sa kanyang katauhan. Kapag nahanap niya ang babaeng 'yon ay hindi niya na ito pakakawalan pa. Ito ang katuparan ng kanyang pangarap. Ang dugo nito'y kapalit ay IMMORTALIDAD at pambihirang lakas. Selena - Alam niya noon pa ang kanyang kapalaran. Maraming Bampira ang naghahangad sa kanyang dugo. Siya ang huling lahi na nagtataglay ng Majestic Blood. Sa pagtuntong niya sa tamang edad. Ang halimuyak ng kanyang dugo ay parang isang pabangong hahanap-hanapin ng sinumang bampira. At isa sa mga bampirang yon ay ang lalaking mahal niya. Kaizen want her blood. Selena want his love. And all the vampires in Vladimir University, Craving for her blood. ------ Author's Note: Ang inyo pong mababasa ay isang original story na ako po ang may gawa. :) happy reading all rights reserved © 2014 jriz_resha
VIEW MORE

Chapter 1 - The Beginning

HERSELF

Limang buwan nalang ay tutuntong na ako sa edad na disi-otso. Sa araw na iyon ay magaganap rin ang eclipse. Sa pagtakip ng buwan sa araw ay siyang simula ng panganib sa buhay ko.

Ako si Selena Contessa. 17 years old. Isang nagpapanggap na bampira sa loob ng Vladimir University. May spell na nakapalibot sa pagkatao ko upang walang maka-amoy ng totoong halimuyak ng dugo ko.

Dugong inaasam ng sinomang bampira.

Siguro nagtataka kayo kung bakit dito ako nag-aaral. Dahil mas madaling magtago sa lugar kung saan di nila maiisip na andon ka.

Bata palang ako ay alam ko na ang kapalaran ko. Ako ang huling lahi na nagtataglay ng Majestic Blood.

Dugong pag-aagawan ng mga angkan. Dugong magbibigay ng kapangyarihang higit pa sa ordinaryong bampira.

Hindi ko alam kung bakit sa dami ng tao sa mundo ay ako pa ang nagtaglay nito. Pwede namang iba. 

Pitong taong gulang ako ng mamatay ang mga magulang ko dahil sa plane crash. Pagkawala nila ay may kumuha saking  mga tao na hindi ko kilala. Dinala nila ako sa lugar kung saan nakilala ko ang sugo na mag-aalaga sakin.

Si Hermina. Ang babaeng bumabasa ng kapalaran ko at kilala kung sino ako. She's a three-fourth witch and one-fourth vampire. Siya rin ang inatasang magbantay sa nagtataglay ng Majestic Blood habang hindi pa hinog ang dugo ko.

Sa murang edad namulat ako sa mundong hindi ko inaakalang totoo. Kahit gusto kong tapusin ang aking buhay ay laging may pumipigil sakin. 

Ang nakasaad sa kapalaran ko ay kailangang matupad. Dahil kung hindi. Ang balanse ng mundo ay tuluyang magugulo.

----

VLADIMIR UNIVERSITY

"Kaizen, balita ko break na kayo ni Daisy kasi pinagsabay mo sila ni Laurice"

Mula sa malayo rinig ko at tanaw ang tanong ng isang lalaki kay Kaizen. Isa sa kakayahan ko ay marinig ang pag-u-usap ng mga Bampira. Ngunit hindi ko kayang mabasa laman isip nila o ang pag-uusap nila gamit ang isipan. Kaya kong magpagaling ng mga sakit o anumang karamdaman. At di ko yun pwedeng gawin sa loob ng unibersidad. Dahil pag ginawa ko yun, may posibilidad na magkaron sila ng hinala kung sino ako. Dahil isa sa maarin nilang  palatandaan na ako ang hinirang na Majestic Blood.

Malayong lugar ang Vladimir University. Kung saan ang mundong ito'y 'tago sa mundo ng mga tao.

"Sila ang humahabol sa'kin. At wala kong pakialam sa mga babaeng laruan ko lang" sagot ni Kaizen sa kausap nito.

Napailing nalang ako sa narinig. Kahit kailan talaga wala siyang pakialam sa mga babae. Laruan ang tingin niya sa mga ito. Siya ang nilalang na kahit may masamang ugali ay pinagkakaguluhan parin.

Kunsabagay, gwapo siya. May aurang hihila sayo upang alipinin ka sa hindi pangkaraniwang damdamin para dito.

Bitag na kung saan makukuha ka niya sa madali niyang paraan.

Kinatatakutan ang bawat salita niya.

Hindi siya ordinaryong bampira.

He's a vampire prince.

At siya ang lalaking hindi ko pwedeng gustuhin. kahit na natutukso ang puso kong mahulog sa kanya.

Maraming babae ang umaasang mapansin nito. Kahit pa sa bandang huli ay iiwan lang ito ng prinsipeng bampira, ay parang gamu-gamong napapaligiran pa rin ito ng kababaihan.

Ipinasya kong tigilan ang pakikinig sa usapan nila. Mahuhuli na ko sa klase. Yung Prof. pa naman namin ay istrikto. Minsan gusto ko na mag back-out. Bukod kasi sa pag-aaral tungkol sa natural na pag-aaral, ay mayroong itinuturo na tungkol sa bampira.

Nabibilang ako sa class E. Ibig sabihin nakahanay ako sa mahinang bampira na walang masyadong kakayahan o kapangyarihan. Ang nabibilang sa class A ay mga estudyanteng galing sa Royal Family. Isa si Kaizen sa kanila. May lakas silang kayang dumurog ng sinoman sa class E.

Hindi maiwasang laging pinagdidiskitahan ang class E. Ang kabilang sa class B,C,D ay iba naman ang mga abilidad. May ilan sa kanila ay hinuhubog maging Knight. Ang ilan ay taga-protekta. Yung iba pinag-aaralan kung paano matunton ang tulad kong taglay ang Majestic Blood.

Ang class E? dahil nabibilang ako sa mahinang klase ng bampira ay iisipin ng lahat na kami ay magiging alipin ng Class A balang araw.

Sa bilis ng pangyayari hindi ko nailagan ang paghila sakin ng mga babaeng galing sa class A.

"Kanina ka pa nakatingin kay Kaizen. Akala mo hindi namin alam? Hibang ka kung iniisip mong mapapansin ka niya" kilala ko ang babaeng humila sakin. Si Zeida.

Inilabas niya ng bahagya ang kanyang mga pangil upang matakot ako. Ngunit akala rin ba niya ay takot ako?

"Bitawan mo ko" sabi ko sa kanya ng buong tapang.

"Mababang uri. Ang lakas ng loob mong sabihin yan sakin" nag iba ang kulay ng mata nito. Naging kulay asul na ibig sabihin ay puno ng galit.

Bago pa niya ko makalmot ay umusal ako ng mahinang spell na makakapag pamanhid sa kanyang katawan. Hindi ito makagalaw kahit anong pilit.

Iyon ang pagkakataon ko para umalis. Isang minuto lang ang itatagal ng spell kaya sinamantala ko ang pagkakataon.

tumakbo ako para di masundan ng mga alipores ni Zeida.

Mali na gamitin ko ang spell. Ngunit sa ganitong pagkakataon ay kailangan ko yun. Once na madaplisan ako at magaksugat ay malaking problema.

Ang kaunting dugo ko ay hindi gaanong maamoy. Kaso sa ilang taon ko sa University ay talagang ubusan ng dugo ang mangyayari. Mayroong grabe ang pag-aaway na talagang dumadanak ng dugo. Iba ang klase ng dugo ko kumpara sa kanila. Kaya kailangan kong pag-ingatan ang sarili ko kahit anong mangyari.

"Nakita ko ang ginawa mo kay Zeida"

That voice?

Kilala ko kung sino ang may-ari niyon. Parang musika sa pandinig ko. Mabilis ang ginawa kong pag lingon. Singbilis din yon ng pag kabog ng puso ko.

"Kaizen" usal ko.

lumapit siya sakin. Ang malamlam nitong mga mata ay naging kulay abo. Sa pagkakaalam ko ay kuryosidad ang ibig sabihin non.

"Bawal gumamit ng spell ang tulad mong nasa class E. Pag nalaman yan ng Council ay paparusahan ka. Lalo pa't nasa mataas na antas  ang ginawan mo niyan" malumanay na sabi nito.

Tama ang lahat ng sinabi niya. Bakit ba nakalimutan ko yun?

"Sinabi kong ako ang nagsabi ng spell. Bilang prinsipe ay wala na silang itinanong kung san ko iyon natutunanan. Pag natuklasan nila na ikaw 'yon ay asahan mo ang parusang nababagay sayo" ipinamulsa nito ang kamay sa pants nito. "Kung sino man ang nagturo sayo niyan ay iwasan mo ng gamitin. Hayaan mo nalang na masaktan ka-"

"Hayaan? wala akong ginagawang masama sa kanila" magpapasalamat na sana ako sa ginawa niya. Kaso hindi ko matanggap na hayaan kong saktan ako ng iba. "Self-defense ang ginawa ko"

"At hindi yan uso dito. Dapat kang lumaban" anito.

at ano? pangkaguluhan ang dugo ko ng mga bampirang tulad niyo?

"What did you say?"

"Huh? wala" nakalimutan kong advance ang abilidad niya sa ibang bampira. Kaya niyang mabasa sinasabi ng isip ko pero may spell na nakaharang kaya di niya yun masyado maiintindihan.

"May sinabi ka sa isip mo. Pero may humaharang. Sigurado ka bang sa class E ka? Dahil may kakaiba kang kakayahan" Nag-iba na naman kulay ng mata nito. Kulay ginto na nagsasabing pagpapakita ng interes.

Totoo kaya yon?

"Pabayaan mo nalang ako kung nasaan ako ngayon. Ayaw kong malagay sa magulong mundo niyo. Hindi ko lang gusto na kakayan-kayanin niyo ang isang tulad ko" Nagsisimula na kong mainis.

"Then be with me" he said with a very calm voice.

"Be with you? may sira ba ulo mo?" tapos ano? gagawin niya kong babae niya?

"Hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo. Masuwerte ka pa nga dahil sayo ko ito inalok" may banta ang sinabi nito. 'Ika nga utos ng hari ay di mababali.

"Hindi mo rin alam ang kaya kong gawin. Pwede bang hayaan mo nalang muna ako? pag-iisipan ko ang sinabi mo" gusto ng puso kong sumang-ayon sa gusto niya. Pero nag-aalangan ako.

Si Kaizen ay pangarap ng lahat ng kababaihan sa Vladimir. Natatakot akong malaman niya kung sino ako.

Kahit napakasaya sa piling niya, Alam kong hindi maari.

Hindi lingid sakin na isa si Kaizen sa naghahanap ng huling dugong taglay ko.

----

Please leave a comment.

First time kong gumawa ng vampire story. Hope you like it.

jriz_resha