Chereads / Kaizen (Vampire Prince) Tagalog / Chapter 3 - Getting Worst

Chapter 3 - Getting Worst

Selena Pov's

"Kung dati pala magkasundo ang tao at bampira. Bakit andito tayo ngayon, malayo sa kanila?" tanong ng katabi ko sa aming guro.

Kasalukuyan naming pinag-aaralan ang kasaysayan ng sinaunang mga bampira. Sinabi ng tagapag-turo na dating maganda ang relasyon ng magkaibang nilalang. Hanggang sa hindi nakuntento ang isang grupo ng bampira sa dugo ng anumang hayop, na tanging pinahihintulot na maging alternatibong pinagkukunan ng lakas sa panahong yon.

May blood Bank kung saan dun lang pwedeng kumuha ng dugo ng tao ang mga bampira. Ngunit bago makakuha non ay kailangan pa ng maraming proseso. Inahalintulad ang dugo ng tao sa isang mamahaling alak na di basta-basta makukuha.

Ang dugo ng tao noon ay  ginagamit sa mga sugatang bampira na lumalaban sa giyera. May basbas yon sa mataas na kagawaran. Kaya naka-monitor kung sinong bampira lang ang dapat bigyan ng dugo ng tao. Sila ang katuwang ng militar noon sa pag-gapi sa masasamang loob.

Hanggang sa may grupong nagsagawa ng labag sa kasunduan ng magkaibang mundo. May ilang krimeng naitala ng pagkawala ng maraming tao. Ang ilan ay natatagpuang patay at halos tuyot na ang balat.

"Dahil ang mga bampirang uhaw sa dugo ng tao ay tuluyang naghasik ng lagim sa sangkatauhan. Natuklasan kasi nilang nakapagbibigay ng kakaibang lakas ang dugo ng tao kung iyon ang lagi nilang iinumin. Isa pa masarap ang dugo nga tao kesa sa hayop. Lalo na ang majestic blood" numing-ning ang mata ng tagapagturo sa huling tinuran nito. Puno ng kasiguraduhan ang sinabi nito.

Hindi ako makakilos sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nanginginig ang tuhod ko sa takot. Matapos kong makita ang epekto ng aking dugo sa replikang bampira ay nakaramdam ako ng pagkabahala sa kaligtasan ko.

"Prinsipe Kaizen anong ginagawa mo dito sa klase ko?" napatungo ako sa sinabi ng guro. Lahat ay natutok sa pintuan ng silid-aralan.

Nakatayo ang binatang bampira sa bakuna niyon.

"Binibisita ko ang aking alipin sa iyong klase. At base sa aura niya ay di niya nagugustuhan ang pinag-uusapan niyo. Kaya mabuti sigurong itigil mo ang pinagsasabi mo tungkol sa walang kwentang kasaysayang yan" di ako makapaniwala sa sinabi ni Kaizen. Pati ang guro ko ay binigyan ako ng matalim na tingin.

"Isang hamak na bampira lamang yan. Hindi mo dapat ituring higit pa, sa kung ano uri siya" giit ng guro. Yumuko ako upang di makita ang reaksyon ng mga nakatingin sakin.

"Pasensya na po hindi lang maganda ang pakiramdam ko" nasambit ko yun dahil tingin ko iyon ang nararapat. Pero di nila ko pinansin.

"Tiago, hindi ko gusto ang tabas ng 'yong dila. Sa inasal mo, ikaw ang nagmumukhang mababang uri sa paningin ko" walang nais magsalita sa tinuran nito.

Nilingon ko siya kasi niinis ako sa ginagawa niya.

"Pwede ba umalis ka nalang sa klase namin. Istorbo ka"

shit! oh my I'm dead.  Bahagya lang siyang natigilan. Habang ang ilan ay lalong namutla sa tinuran ko.

"Humingi ka ng tawad!" bulyaw ng nasa likuran ko.

Naumid ang dila ko.

Lagot ka!

pananakot ng isip ko.

"Ah- na-big---la la--ng ak--o" Shemay! baby talk!.

"Follow me Selena. Now." then he left.

Di ako mapakali. Paparusahan niya ba ko? Gawd. Kasalanan niya naman ang lahat!.

----------

Nakarating kami sa rooftop ng school building. Nakatalikod siya sakin habang ako ay pinagmamasdan ang kabuuan niya.

"Kiss me Selena"

Ano daw?

"Let me taste your blood and wreck your neck"

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya sa sinabi niya. Wala naman kasing bahid ng galit ang tinig niya.

Nababaliw na yata eh.

"Ipagpaumanhin mo ang nangyari. Hindi mo na dapat pinakailaman ang mga bagay na wala namang dapat ikapuna" napabuntong-hininga nalang ako bago napatuloy "Gawain mo bang mangialam? kasi di ka nakakatuwa. Inilalagay mo lang lalo ako sa kapahamakang magbibingit sakin sa kamatayan" naitakip ko agad ang dalawang kamay sa bibig ko. Ano ba tong pinagsasabi ko? Parang ako pa itong nagbibigay ng hint sa pagkatao ko.

Humarap siya sakin at matiim na sinalubong ang mata ko ng tuwid.

"I want to kill you right now Selena Contessa," marahan ang bawat hakbang niya palapit sakin "Isang kapangahasan ang pinagsasabi mo ngayon. Isang matalas na dila ang mayron ka. Magpasalamat ka at wala ako sa mood na patulan ka. Naaaliw ako sayo, aking alipin. Ngayon lang may naglakas loob magsalita sakin ng mga bagay na hindi ko pa narinig kaninuman" naging kulay ginto na naman ang kanyang mata. Ganun ba siya kainteresdo sa isang tulad ko?

Hindi ako tumugon sa sinabi niya. Naghihintay ako kanina na saktan niya o kaya ay patayin. Base sa nakikita ko kay Kaizen sa  nagdaang mga taon ay hindi nito pinalalampas ang kumukontra rito.

Hindi siya pumapatay ng kapwa bampira. Iniiwan niya ang mga itong naghihingalo o di naman kaya halos agaw-buhay na. Parang ganun din yon di ba? mas natutuwa siyang naghihirap ang pinarurusahan niya kesa mamatay kaagad.

"Sa ngayon ibang parusa ang gusto kong ibigay sayo" He grinned. "Kiss you or taste your blood?"

Bago ba ko makasagot ay hinalikan niya na ko.

Tumigil ang paghinga ko. Ang puso ko'y nagwawala sa bilis ng tibok nito.

Teka lang...

Bakit sa noo niya ko hinalikan? Ano ako lola?

Tumawa siya ng malakas. Ang may pagkasingkit nitong mata ay basa ng luha.

Pinagloloko ba siya nito?

Halos mahimatay ako sa igagawad niyang kiss tapos sa noo lang? 

Sapo nito ang tiyan at patuloy sa pagtawa.

"Can't imagine myself kissing you my dear slave," may bahid ng insultong sabi nito "You're not my type. Nakakaaliw ang itsura mo habang hinihintay ang halik ko. Grabe, ngayon lang ako natawa ng ganito. Well, ang hirap magpanggap na galit kung may naiisip akong kalokohan" Pinahid nito ang luhang sanhi ng di maampat na pagtawa nito.

Napailing ako na puno ng labis na pagkapahiya. All my life itong lalaking ito pa ang naglalaro sa damdamin ko. Sino ito para paglaruan ang first kiss ko sana?

Sinugod ko siya at hinila ang kurbata niya.

Hindi niya napaghandaan ang sunod kong ginawa.

I kiss him.

Smack kiss lang ang balak ko at tatakbo ako ng napakabilis pagkatapos.

Akmang tatakbo ng ko ng pigilan niya ang braso ko.

"You think na makakaalis ka agad? Think again." Kaizen grabbed my waist.

His eyes turned to a rainbow colors. For the first time. Hindi ko alam kung ano yon. Ang paghahalo-halo ng kulay sa mata nito ay sadyang kakaiba.

Then he give me a kissed once more. But this time hindi na sa noo kundi sa labi na.

Ang paru-parong nagkakagulo sa tiyan ko'y lalong nanghahangad ng higit pa.

Ang paraan ng paggalaw ng labi nito'y puno ng pag-galang. Matamis na nektar ng bulaklak ang lasa ng halik na kanilang pinagsasaluhan ngayon.

Sa paghihiwalay ng aming mga labi.

Walang sinoman samin ang nagsalita nang matapos ang halik.

Masyadong lutang ang isip ko para magsalita.

"Maghanda ka sa pagbabago ng lahat bukas Selena." at mabilis siyang nawala sa paningin ko.

Basta niya nalang akong iniwan na wala man lang paliwanag.

"Maghanda ka sa pagbabago ng lahat bukas Selena."

Ano na naman ba ang panibagong kakaharapin ko? Bakit kung kailan kailangan kong pag igihin ang pag-iingat ay lalo akong nalalagay sa peligro?

-----

Maraming salamat po sa pagsubaybay...

Magcomment po kayo^_^

Wahh my first ever vampire story. Sana patuloy niyong subaybayan.

jriz_resha