Chapter 4 - Hatred

Kaizen Pov's

Sadya akong nangingiti sa kalokohang ginawa ko kanina. kalaunan ay pinakawalan ko ang mga ito sa pamamagitan ng pagtawa. Ang tahimik na Museo kung saan naroon ako ay napuno ng aking mga halakhak.

Isang sagradong lugar ang kinaroroonan ko, kung saan dun nakahimlay ang mga bampirang daang taon nang nakalibing.

Isa 'to sa paborito kong lugar. Dahil tahimik at walang istorbo.

Ang paghalik kay Selena ay naghatid sakin ng kakaibang pakiramdam.

Kasiyahan. Kasiglahan.

"Ang pagtawa mo'y kahalintulad ng makilala mo ang babaeng yon, Mahal kong kapatid"

Ang tinig na yon...

Bahaw akong nagpakawala ng mapang-uyam na tawa. Tawang alam kong magpapangit-ngit sa kanya.

"Quillon, bastardo kong kapatid" hindi ko namalayang nasa paligid ko siya. Sigurado akong kanina pa siya nagma-manman. Paglingon ko sa kaliwa, ay nakasandal siya sa posteng limang pulgada ang layo sakin.

Kahit madilim ay alam kong may kakaiba sa kanya. Anak ito ng aking ama sa ibang babae. Nag iisang bastardo ni King Condrad Vladimir.

Tanggap man ito ng aking Inang Reyna. Tingin ko sa kanya'y isang kaaway. Hindi ito nag kaila na masaya itong namatay ang dalawa kong kapatid. Ang nakatatanda kong mga kapatid ay parehong nasawi sa mundo ng mga tao. May hinala akong may kinalaman ang lalaking kaharap ko ngayon. Ngunit malinis itong hugas kamay sa krimen.

Tatlo kaming anak na lalaki ng hari. Ako ang bunso. At ako ang susunod na hari pag nagretiro na ang aking ama. Kahit matanda si Quillon sakin ng Tatlong taon ay hindi pa rin ito magiging hari kahit mapatay niya pa ko. Ang anak ng hari sa iba ay hindi kailanman makakatuntong sa antas na kinaroroonan nito. Sa madaling salita, ang bastardong ito'y itinuturing na nasa mababang antas.

"May masamang hangin ang naghatid sayo dito. Himalang parang walang nangyari sayo matapos kitang baldahin ng huli tayong magkita" Kung nagpakita man ito sakin ngayon. Isa lang ang pinahihiwatig nito.

Duwelo.

"Bago ako nakarating dito ay nakasalubong ako ng mga lobo. Alam mo ba ang ginawa ko sa kanila?"  na likod ko na siya ng sambitin niya ang mga sumunod na pangyayari "Halos patay ko silang iniwan. Hindi ka ba interesado sa nagbago sakin Kaizen? habang naghihintay ka ng pagdating ng majestic blood ay nagpapalakas ako ng husto"

Di ako natinag sa sinabi niya. Ano pa bang bago? Mayabang pa rin siya.

"At kung ako sayo mahal kong kapatid. Ibigay mo nalang sakin ang bahagi mo sa pagiging susunod na hari. Sinisiguro ko sayong pamamahalaan ko ng mabuti ang ating nasasakupan" mapaghangad. Iyan ang simbolo ng bastardong ito.

"At sa tingin mo ba'y mapapasunod mo ko, Quillon?" hinarap ko siya na isang dangkal nalang ang lapit namin "Mananatili kang bastardo. Matagal na kong naghihinala na may kinalaman ka sa pagkamatay nila kuya at ni La--, ibig kong sabihin  nila kuya Lohan at kuya Conor"

"Hahah- sambitin mo ang pangalan niya Kaizen," nagbago ito ng anyo. Hindi ito pangkaraniwang Bampira. Sadya yatang nakipag kasundo na ito kay Hedus. Ang kaninang anyong tao nito ay napalitan ng ulo ng isang makamandag na Cobra. "Napipikon na ko sa pag papakipot mo. Ilang buhay pa ba ang dapat mawala para mapasunod kita bubwit? Makasarili ka Kaizen, Kaya iniwan ka niya at piniling mamatay" isang matinis na tunog ang pinakawalan nito.

Ang sumunod kong kilos ay di niya napaghandaan. Napuno ng galit ang puso ko.

Isang malakas na suntok ang pinadapo ko sa ahas niyang mukha.

Hindi ko makontrol ang sarili kong wag siyang saktan. Ito ang unang pagkakataong sinali niya sa usapan ang babaeng kailanman ay may bahagi sa puso ko.

Tumalsik ito sa isang libingan. Halos madurog ang mukha nito sa lakas ng suntok ko.

Ngunit parang balewalang naghilom yon agad.

"Hangal! hanggang ngayon ay yan pa rin ang kahinaan mo. Nakakaawa ka naman. Aamin kong hindi ko kayang pantayan ang lakas mo. Pero mas mautak ako sayo, hintayin mo ang araw na kusa kang susuko sa tigas ng ulo mo" ngumisi ito. Namumbalik ang anyo nitong bampira.

Sa sumunod na tibok ng puso nito'y hinuli ko ang kanyang braso.

Ang mabilis kong pagkilos ay hindi nito naramdaman. Sintigas man ng bakal ang kalamnan nito ay nadurog ko yun.

Napaluhod si Quillon at pilit kumawala.

"Bitiwan mo ko!! hahah" nakuha pa niyang tumawa. Lalo akong nangalaiti. Nakakapikon.

Akmang hahatawin ko siya ng malakas na sipa ay bigla itong naglaho. Ang brasong hawak ko kanina ay naging isang kalansay.

Ang pangil ko'y lumabas sa lungga nito. Naghahamon.

"Magpakita ka lang bastardo at papatayin kita!"

"At tingin mo magagawa mo yun kaizen? Nasa'kin ang isang kahinaan mo. Hindi ka pa ba nababahala sa pagbabago ng kabuuan ko?"

Ang tinig nito mula sa kawalan ay patuloy kong naririnig.

"kung inaakala mong mas malakas ka pa rin. Mali ka! Dahil mahina ka!"

sa paglaho ng tinig nito ay lalo akong nagahahangad na tuluyan siya.

Napopoot ako sa isang tulad niya.

Isa siyang Bampirang mapaghangad. Ambisyoso at sakim.

hindi mo ko magagapi!

======

XYFIRIA

"Prnisipe Quillon, kanina pa po nagwawala ang alaga niyo" pagbabalita ng isa sa tapat niyang kawal.

Pinaalis niya ito at inutusang kumuha ng makakain ng alaga.

Maingay sa buong paligid.

Ang mga paniki ay paroo't paritong lumilipad. Madilim ang buong lugar. Mga sulo na may apoy ang nagsisilbing liwanag sa daan.

Ang kalansing ng kadena ay lalong nag i-ingay habang papalit siya. Ito lang ang tanging alaga niya na hindi niya lubos na mapasunod. Tulad ng kapatid niyang kailangan nang putulan ng sungay.

"Pakawalan mo ko! Halimaw ka!" imbes na magalit ay lumapit siya ng husto sa alaga.

"Yan ang hindi ko pwedeng gawin. Ngayon pang malapit ko nang matapos ang ginagawa ko sayo" hinaplos niya ang pisngi nito. Ang maamo nitong mukha ay sadyang nakakabighani. Ngunit dapat kang mag ingat.

"Gusto mo ba ng pagkain? yung paborito mo?" Quillon knew her weakness. Agad nagpakita ang pangil nito. "Hahah paano kita pakakawalan? Kung ikaw ay isa na ring halimaw"

Sinunggaban nito ang walang malay na lalaking dala ng kawal niya. Hayok itong sinimsim ang dugong meron ito. Kalaunan ay wala na ito sa katinuan at masayang pinag pipyestahan ang pagakain nito. Hinimas niya ang ulo nito. Hanggat nasa kanya ang babaeng ito ay alam niyang mananalo siya laban kay kaizen.

Lara Crane, Malapit na kitang magamit. Nakakatuwang isipin na ang taong tulad mo'y minahal ni kaizen. Nakakalungkot nga lang na hindi na ikaw ang taong nakilala niya. Dahil akin kana... Ako ang panginoon mo, ako lang ang pwedeng mag manipula sayo.Dahil ako ang gumawa sa bagong ikaw!. Lahat ng meron ang Kaizen na yun ay papatayin ko, lahat ng meron siya ay aagawin ko.

Isang tagumpay na halakhak ang namayani sa buong paligid.

Quillon Vladimir.

Monster Vampire on his own.

------

Please leave a comment...

thanks guy's...

palike po kung nagandahan kayo.

jriz_resha