KAIZEN POV
Hindi ko gawain ang mamansin ng kahit sino sa paligid ko. Maski magpatayan pa sila sa harap ko ay parang natural nalang yun sa paningin ko.
At ang babaeng pinagkakaisahan ng grupo ni Zeida ay siguradong kawawa. Anong panama ng isang uri ng bampira na nabibilang sa class E?
Wala
Ang tulad nila'y parang daga na pinaglalaruan ng mga pusa. Sila na balang-araw ay magiging alipin ng mga tulad naming nasa mataas na antas ng pagiging bampira.
Napangisi nalang ako sa isiping yon. Hindi pa man ako nakakalayo sa kumpulan nila ay bigla nalang di makakilos si Zeida.
Rinig ko ang mahinang spell na ginamit ng babae. Paanong ang class E na tulad niya nakagamit ng ganong spell? Impossible.
Walang nakapansin sa ginawa nito. Tumakbo ito paalis sa kumpulan. May nagtangkang humabol dito at bago nila yun magawa ay pumagitna na ko na singbilis ng kidlat.
"Ako na ang bahala sa kanya" tumigil ang mga ito sa sinabi ko. Naging maamong tupa sa kabila ng mga pangil na nakausli. "Tatagal ng isang minuto ang spell na ibinigay ko sayo Zeida. Nagsisimula palang ang klase sa paaralang ito. Masyado pang maaga para gumawa ka ng gulo" alam kong sa sinabi ko ay makikinig ang mga ito.
"Ibalato mo na samin ang isang 'yon Prinsipe Kaizen, Pagpipira-pirasuhin namin ang buo niyang katawan tulad ng mga naunang bampirang galing sa mahinang uri" Isang galing sa class A ang nagsalita. Hindi ito nagbibiro. Kaya nito iyong gawin.
"Huminahon ka Criselda. kung ayaw mong sayo ko gawin ang lahat ng sinabi mo" natakot ito sa tinuran ko. Ang lahat ng naroon ay nag-uusap sa isip.
"Magbabayad ang Selena na iyon"
Selena pala ang pangalan niya. Akala ba ng mga bampirang 'to ay di ko sila naririnig?
Panibagong laruan.
Ngayon lang nangyari na may isang class E ang hindi natakot lumaban.
O sa una lang yon? kahit ano pa ang rason niya'y, buo na ang desisyon kong maging alipin siya.
Dahil kung hahayaan ko siya sa araw na ito. Malamang bukas ay ni anino niya ay hindi na makita.
Malupit ang mga bampirang nasa lebel ng kanilang malakas na kapangyarihan. Kaunti lang ang masasabing hindi sakim.
I'm Prince Kaizen Vladimir. 21yrs. old. Mabagal ang pagtanda ko. Kung ako ay isang pangkaraniwang tao baka matagal na kong patay.
Immortalidad. Kapangyarihan.
Lahat ng iyan ay matagal ko nang pinaka a-aasam. Maraming maling dugong inihahain sakin ng mga palpak na tagasaliksik. Kung nasaan man siya ngayon. Sasairin ko ang lahat ng dugong meron siya. Pagsisisihan niyang pinaghintay niya ko ng matagal.
Majestic Blood.
Maraming naghahanap sayo sa panahon ngayon. Pasasaan ba't sakin din ang bagsak mo.
----------
"Selena nakita ko sa kawan ang pag uusap niyo ng lalaking yon" minsan lang sumilip si Hermina sa kawan ay yun pa ang nakita niya.
Wala naman akong dapat itago dahil siya lang ang kakampi ko.
"Yeah, nalaman niyang gumamit ako ng spell at ang kapalit nun ay maging alipin niya ko, kung yun nga ang nais niyang iparating" lumapit ako sa kanya at dumungaw sa kawang malinaw ang tubig na naroon.
"May ipapakita ako sayo. Sumunod ka sakin sa basement" nagpatiuna siyang naglakad.
Wala akong ideya sa gusto niyang ipakita. Marahil tuturuan niya na naman ako ng panibagong spell. O kaya pagagalitan sa ginawa ko. Di kasi ilang beses na muntik na kong mapahamak dahil sa tigas ng ulo kong wag gumamit ng spell sa lugar na bawal.
Maraming beses ko nang ginamit ang mga natutunan ko kay Hermina sa University. Ngayon lang talaga may nakapansin.
Ang masaklap si Kaizen pa of all vampires.
Pagdating namin sa basement kung saan maraming witchcraft things kang makikita, ay doon din sinasagawa ang ibat-ibang eksperimento.
May isang itim na telang nakatakip sa isang may kalakihang kulungan ng ibon. Tingin ko kasya dun ang isang sampung taong gulang na bata.
Tinanggal ni Hermina ang itim na tela. Napatili ako sa nakita. Isang Bampira ang nasa loob. Pula ang mata nito at pilit kumakawala sa kadenang bakal na nakatali dito.
"Anong ginagawa niyan dito?" garalgal ang boses ko.
"Para makita mo ang magagawa ng iyong dugo. Wag kang mag-alala isa lang yang replika" very proud pata si Hermina sa ginawa niya.
Sinong mag aakalang matanda na siya? pero looks like 27? sabi niya libong taon na siyang nabubuhay, at kaya bata pa ang itsura niya ay gantimpala daw yun sa pag aalaga sa mga majestic blood na tulad ko.
"Parang totoo naman yan" kumento ko.
"Subukan mong patikimin siya ng iyong dugo. Kaunti lang, gamitin mo ang karayom sa harap mo" utos nito.
Ginawa ko ang inutos niya. Sa pag-alpas ng kaunting dugo sa daliri ko ay agad nagwalang lalo ang bambirang nakakulong. Umungol ito na animo'y lobo sa hating-gabi.
Ito ba ang ipekto nito sa kanila?
"Dugo! dugo!" the prison vampire shouting like a monster.
Natakot ako sa sinabi niya. Kahit sabihin pa na replikang bampira lang yung nakakulong ay nakakakilabot na.
Pinalutang ni Hermina ang dugong nagmula sa daliri ko at dinala sa bibig ng nagwawalang bampira.
Then the worst part.
Ang lakas nito'y nag-iba. Nakawala ito sa kadenang bakal na nakatali rito. Ang hawlang kinalalagyan nito ay inuumpisahan na nitong buksan.
Nang makawala ito ay agad akong sinugod. Di ako makagalaw. Naumid ang dila ko upang ipangtanggol ang sarili ko. Takot ang lumukod sa pagkatao ko. Napapikit nalang ako at hinintay ang kapahamakang nasa harap ko.
Hermina shout a spell to destroy that vampire.
Ramdam ko ang mahigpit niyang yakap sakin.
"I'm sorry. Di ko gustong takutin ka. Pero iyan ang maaring mangyari sayo kung di mo pagbubutihin ang pag-iingat. Kaya kong tapusin ang isang yon dahil ako ang may gawa. Ngunit ang totoo? mahirap puksain ang bampirang makakatikim ng iyong dugo" hinaplos nito ang bumbunan ko. Napasiksik nalang ako sa kanya at nagsimulang umiyak. "Selena makinig kang mabuti. Lagi mong ihanda ang sarili mo sa marami pang mangyayari sa buhay mo. Yung nakita mo ngayon ay maaring mangyari isa sa mga araw na ito. Kaya kung di mo dodoblehin ang pag iingat mo, malamang na tuluyan ka nang mawala" patuloy na payo nito sakin.
"Hindi ko na kaya. Bakit ba sakin ito napunta? Bakit di mo nalang hayaang mapatay nila ko?" iyan ang mga tanong na gumugulo sa isip ko.
"Dahil ikaw ang huling pag-asa na muling magkaisa ang mundo ng mga tao at ng mga bampira" Hermina is not only her guardian. Ito rin ang tumayong magulang niya mula ng maulila siya. Alam kong para sa kabutihan ko ang sinabi niya.
Pero hindi maalis sa isip ko ang peligrong kakaharapin ko. Lalo pa't hawak ako ni Kaizen.
----
Please leave a comment.
hope you like it^_^..
Ito po ay base sa malikot kong imahinasyon. Sana po ay patuloy niyo itong subaybayan.
Jriz_resha