Chereads / Play for you (Gawong Story) (COMPLETED) / Chapter 22 - Chapter 22: The Lover's Quarrel

Chapter 22 - Chapter 22: The Lover's Quarrel

Deanna POV

Maaga akong nagising kinabukasan, ayaw ko kasi na madatnan ni Inay na sa sala lamang ako natulog at hindi sa loob ng aking kuwarto. Ayaw ko rin na mag-alala pa ito, dahil tiyak na kung anu-ano lamang ang kanyang itatanong sa akin.

Isa pa, hindi ako natulog sa kuwarto dahil hindi pa ako handa na muling makausap si Jema. Mas mabuti na iyong ganito, ako na lang mismo ang iiwas at mag-aadjust para sa aming dalawa. Ayaw ko rin naman na ginaganito siya, pero nasaktan niya ako. At nagagalit ako dahil sa mga ginawa niya.

Maaga rin akong naligo at nag-asikaso ng agahan. Siniguro ko rin na pagising nito ay wala na ako sa bahay at si Inay nalang ang kanyang madadatnan. Ayaw ko muna rin na sumabay sa kanya sa pagpasok, umiiwas din kasi ako na makabitaw ng kung anong masasakit na salita laban sa kanya.

Pagdating ko sa school, wala pang masyadong mga estudyante. Masyado yata akong napaaga sa kakaiwas sa kanya. Sabi ko sa aking sarili.

Napahinga ako ng malalim bago dumiretso sa classroom para sa aming unang klase. Doon na lamang ako magpapalipas ng oras.

Hindi nagtagal ay unti-unti ng nag-iingayan sa paligid. Sinyales na malapit ng magsimula ang klase dahil malapit na kaming makompleto sa loob ng classroom. Pero...parang may kulang.

Napalingon ako sa aking paligid, tumunog na kasi ang bell, tiyak na maya-maya lamang din ay nandiyan na ang aming Teacher. Ang ilan ay nagbubulungan, ang ilan naman ay napapatingin sa akin ngunit kaagad ding mapapa iwas. Napadako ang aking mga mata kina Alyssa at Kyla. Mukhang nag-aalala ang mga ito habang parang may hinihintay na tawag o text sa kanilang mga cellphone. Worried na napa tingin sa akin si Bea, kaagad naman akong nagbawi ng aking mga mata.

Papasok kaya siya? Iyon ang unang tanong na aking naisip. O baka naman, may nangyari? Gustuhin ko mang malaman o magtanong sa kanyang mga kaibigan ay hindi ko magawa. Dahil pati sila ay iniiwasan ko rin. Pakiramdam ko kasi, lahat sila, alam ang mga nangyari at mga ginawa ni Jemalyn.

Napailing ako bago napatayo sa aking kinauupuan. Aalis na lamang ako at magliliban na lamang muna ng klase. Mabuti nalang at wala pa ang aming teacher. Mabilis ang mga hakbang na lumabas ako ng classroom atsaka naghanap ng lugar na pupwede kong pagtambayan. Iyong hindi rin ako mahuhuli ng mga guards.

Habang naglalakad, biglang nag vibrate ang aking cellphone na nakalagay sa loob ng aking pants. Kaagad ko iyong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong mabasa ang kanyang pangalan mula sa screen ng aking cellphone.

"Please, hear me out. Let's talk."

Nagdadalawang isip ako kung irereply ko ba ang kanyang message o hindi. Pero...mas pinili ko itong ibalik sa loob ng aking bulsa bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

Kung may gusto man akong sabihin ngayon, iyon ay ang nasasaktan na ako. Na nahihirapan na ako. Na hindi dahil mahal ko siya eh hindi na ako pweding masaktan sa lahat ng nangyayari at nalalaman ko.

Minahal ko siya dahil alam kong sa kanya sasaya ang puso ko. Dahil alam kong aalagaan niya ang lahat ng meron ako. Pero bakit...sa nangyayari ngayon eh nawawasak ako? Ang sakit sakit na.

Iyong malaman na, bawat matatamis na salita niya ay may karugtong pala na maraming mapait na kasinungalingan.

Sa hindi malamang dahilan, napansin ko na lamang ang aking sarili na patungo sa rooftop kung saan minsan ko na ring dinala si Jema roon. Napahinto ako, ngunit pagkaraan lamang ng ilang sandali ay parang tanga na nagpatuloy ding muli sa pag-akyat ng hagdanan hanggang sa makarating ako sa aking patutunguhan.

Medyo matirik na ang sikat ng araw at masakit na sa balat, pero ayos lang. May puno ng kahoy naman na pweding pagsilungan dito sa itaas. Pumunta ako roon at handa na sanang maupo sa isang bench na nandoon ng mapansin na mayroong tao. At sa hindi inaasahan ay si Jema pa iyon.

Mabilis itong napatayo mula sa pag-upo. Ako naman, kaagad na napa iwas ng tingin atsaka tatalikod na sanang muli nang tawagin nito ang aking pangalan.

"Deanna, wait!" Napalunok ako. Napapikit ng mariin atsaka muling napamulat pagkaraan ng ilang sandali.

Bakit ba kasi nandito rin siya?

"Please, pakinggan mo naman ako oh." Paki-usap nito sa akin. Para bang biglang lumambot ang aking puso dahil sa tono ng boses nito. Pero hindi, hindi kaya biro iyong mga ginawa niya.

Lakas loob na sinalubong ko ang mga mata nito na nakatingin rin pala ng diretso sa akin. Nagsusumamo ang mga ito at nangungusap. Umaasa na kaka-usapin ko ito katulad ng inaasahan niya.

Napahinga ito ng malalim bago napayuko. Iyong para bang humuhugot ng lakas ng loob.

"Hindi mo talaga naaalala ang unang araw na nagkita tayo, ano?" Napakunot ang aking noo. Anong ibig niyang sabihin? "Pwes, ipapaalala ko sayo. At kung bakit ako humantong sa pang ba-ban sayo sa lahat ng University na gusto mong pasukan." Dagdag pa nito.

"Remember this necklace?" Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata ng makita ang kwentas na hawak-hawak nito. P-paano napunta iyon sa kanya?

Flashback:

Ang sama-sama ng loob ko, dahil hindi kami ang pinili ng Itay. Mas pinili niya ang pamilya niya ngayon. May iba na siyang pamilya. May iba na siyang anak at asawa. Paano na kami ni nanay ngayon? Umiiyak na tanong ko sa aking sarili habang nagmumukmok dito at naka upo sa waiting shed sa labas ng aming school.

Ngayon pa talaga niya naisipang gawin 'yon? Kung saang birthday ko at championship namin bukas sa laro. Ang sama-sama niyang ama!

Napa singhot ako bago kinuha mula sa aking bulsa ang huling regalo nito sa akin. Isa itong kwentas na hugis puso ang pendant. Buong araw ko siyang hinintay dahil ang sabi niya susunduin niya ako, at ilalabas kami ng Inay pero hindi siya dumating!

Nakayuko ako at patuloy lamang sa pag-iyak habang hawak-hawak iyon. Wala na rin akong pakialam sa mga dumaraan kahit pa pinagtitinginan ako ng mga ito at may kung anu-anong sinasabi. Hindi naman nila alam ang sakit na nararamdaman ko ngayon eh.

"Hey, are you alright?" Ang tanong ng isang boses sa akin bago ako may naramdaman na humagod ng aking likuran.

Kahit namamasa ang mga pisnge dahil sa luha ay ini-angat ko parin ang aking ulo para tignan kung sino man iyon. Isa itong babae na naka suot ng school uniform. Pero hindi yon kakulay sa school uniform na suot ko ngayon. Marahil, mula ito sa ibang paaralan.

Noong sandali na magtama na ang aming mga mata at napatulala ito sa akin. Muli akong napasinghot at inayos ang sarili. "M-may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko rito bago nagpunas ng luha.

Narinig ko itong napatawa bago napailing. "Nothing, you're just...pretty." Sagot nito bago napaiwas ng tingin.

Napaka englishera naman ng babaeng ito. Anak ba ito ng mayaman? Atsaka..pretty daw? Eh ang panget panget ko kayang umiyak sabi ng inay.

"What's your name? And why are you here?" Muli na naman na tanong nito bago na upo sa aking tabi.

"D-Deanna." Napahinto ako. "Deanna Wong ang pangalan ko." Pagpapakilala ko rito bago napangiti sa kanya. Hindi ko na alam kung maayos pa ba talaga akong tignan ngayon o mukha na akong ewan.

Sandali na naman itong napatulala sa aking mukha. Noong magsasalita na sana itong muli ay bigla na lamang may tumawag sa aking pangalan.

"Deanna, anak!" Kaagad akong napalingon kay inay.

"Nay!" Kaagad akong napatayo bago isinukbit ang aking backpack.

"Ayos ka lang ba? Pasensya na, nahuli ako ng dating. Halina, uuwi na tayo." Mapapansin na namumugto rin ang mga mata nito kagaya ko. Siguro kagaya ko, umiyak rin ito ng umiyak kanina noong nalaman na iniwan na nga kami ng tuluyan ng itay.

Hindi na ako nakapag paalam sa babaeng kumausap sa akin sa may shed. Kaagad din kasi kaming sumakay ng jeep ng nanay. Hayyys. Sayang naman, hindi ko man lang nalaman ang kanyang pangalan.

Napakapit ako sa aking leeg. T-teka...yong kwentas ko! Natataranta na wika ko sa aking sarili.

End of Flashback:

"Naiwan mo ito noong gabi na iyon." Wika nito.

"Sinubukan kong ibalik sayo, sinubukan kong habulin ka, pero hindi na kita naabutan. Kung saan-saan kita hinanap, para lamang isuli ito sayo. Para lamang makilala ka pa ng lubusan. But I failed..." Napahinto ito. Ako naman, nanatili lamang na tahimik habang nakikinig sa kanyang mga sinasabi.

"Hanggang sa nakita kita sa isang TV news, habang naglalaro. Nalaman ko na isa ka palang manlalaro. Ang saya saya ko noong araw na iyon, nagtatalon ako sa tuwa. Nagpapadyak pa ang mga paa na para na akong nasisiraan ng bait. Dahil doon, mas nanaig sa akin ang mapalapit sayo, pinasok ko ang larangan ng Volleyball kahit na hindi ko naman talaga hilig ang sports, sa tulong na din ng mga kaibigan ko. Minsan na kitang nakalaban sa laro, dahil sa akin kaya kami madalas matalo dahil napapatulala lang ako palagi sayo. Ang tanga lang ano?" Natatawa na sabi nito habang nagkukwento.

"Dahil pa doon, naka isip ako ng paraan para mas makilala kita. Naisip ko na...ako na mismo ang gagawa para mapalapit ka sa akin. No matter what it cost---

"Kaya naisipan mong sirain ako sa dating eskwelahan na pinapasukan ko? Kaya ba pinalabas mo, at ng buong University na nan-cheat ako sa examination?" Sabi ko rito bago napa kagat sa aking labi dahil na namumuong emosyon sa aking dibdib.

Napalunok ito bago napa iwas muli ng tingin. "Napatalsik ako Jema, nang dahil sa kagagawan mo. Na ban ako sa mga University na gusto ko sanang pasukan noon, at sa lahat ng University na iyon, Galanza University lang ang tanging tumanggap sa akin. What a plan, Jema."

"Deanna, I want you to understand---

"Paano ko iintindihin?! HUH?!" Putol ko rito. "Sinira mo ako sa mata ng maraming tao. A-akala ko nagawa ko na ang best ko dahil sa sariling kakayanan ko para maka pasok sa scholarship pero hindi, nang dahil lamang pala iyon sayo! Sa lahat ng plano mo!" Hindi ko na naman mapigilan ang hindi makaramdam ng galit. Nasaktan niya ako eh.

Napayuko ito atsaka napabuga ng hangin sa ere habang lumuluha.

"The moment I first saw you...alam kong ikaw na. At that moment, hindi mo lang pinatigil ang mundo ko, binigyan mo pa ng buhay at kulay ang lahat ng panget sa buhay ko." Sambit nito at muling sinalubong na naman ang mga tingin ko.

"Ginawa ko lahat ng iyon dahil gusto kong maging isa ang mundo natin. Dahil sa hindi ko magawang lumipat sa ibang University, kaya ikaw nalang ang pinalapit ko sakin. Deanna, mahabang panahon na kitang minamahal. Mahal na kita bago mo pa man ako magawang mahalin." Nakikita ko ang sincerity sa mga mata nito, na nagsasabi ito ng totoo. At ang lahat ng iyon ay mula sa kanyang puso.

"Ano bang dapat kong gawin?" Tanong ko rito bago napalunok. "May dapat ba akong sabihin? Anong gusto mong marinig mula sa akin?" Dagdag ko pa.

Napa yuko itong muli habang patuloy parin sa pag-agos ang kanyang mga luha. Ano bang magagawa ko? Minahal lang naman ako ng babaeng ito, hindi ba? Minahal lang ako ng taong nasa harapan ko ngayon.

"Jema...masydao kitang mahal para hindi patawarin." Sambit ko rito dahilan para muli nitong salubungin ang mga tingin ko. "Oo, nasaktan ako at nasasaktan parin ako. Pakiramdam ko kasi, niloko mo lang ako. Pero sobra naman yata kung dahil lang doon eh susuko na ako, hindi ba?" Napakagat ako sa aking mga labi bago hinawakan ito sa kanyang pisnge.

Hindi naman siguro ako mawawalan kung patatawarin ko siya, hindi ba?

"Deanna.." Halos pabulong na sambit nito habang patuloy parin sa pag-agos ang kanyang mga luha.

"Sshh! Tahan na. I'm sorry kung nagalit man ako. Sapat na sa akin na marinig ang mga paliwanag mo. At tama ka, na nagawa mo lamang iyon para mapalapit sa akin." Punong puno ng pasasalamat ang aking puso ngayon dahil may mga tao pala talaga na katulad ni Jema. At maswerte ako dahil ako ang taong minahal nito..

"Kaya simula ngayon, hayaan mong gawin ko ang mga bagay na deserve ng isang katulad mo." Wika ko sa kanya bago ito hinalikan sa kanyang noo atsaka ikinulong ng tuluyan sa aking mga bisig.

"Mahal na mahal kita." Pero dahil sa mga nasabi ko, mas lalo lamang yata ito na naging emotional at lalong napangawa.

"Waaaaaaaah!!" Umiiyak na hagulhol nito habang nakayakap sa akin. Ako naman, natatawa lamang sa kanya at mas lalong hinigpitan pa ang pagyakap. "A-akala ko..h-hindi mo na ako p-patawarin. Huhuhu!"

Kumalas ako mula sa kanya bago ini-angat ang naka yuko na ulo nito upang mas madali kong makita ang kanyang mukha. Pinunasan ko ring muli ang kanyang luha na nagkalat sa kanyang mga pisnge gamit ang aking hinlalaki na daliri, habang naka ngiti na nakatanaw sa kanyang mala bituin na mga mata.

"Ang cute mo!" Sabay kurot ko ng marahan sa kanyang pisnge.

"Bati na ba tayo? Please? Bati na tayo." Parang bata na sabi nito sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi muling mapatawa dahil sa kakulitan nito.

"Hahahaha. Halika na! Kakain nalang tayo. Ano bang gusto mo? Hmm?" Malambing na tanong ko rito pagkatapos. Awtomatiko naman na napanguso ito.

"Kiss mo'ko! Hehe." Iiling-iling ako na hinila itong muli papalapit sa aking katawan atsaka ito siniil ng isang mainit na halik.