Jema POV
Sinubukan ko munang ayusin ang sarili at mag-aliw aliw bago tuluyang umuwi sa bahay nina Deanna. Pakiramdam ko kasi, hindi parin ako nakakahinga sa naging pag-uusap namin ni Celine kanina.
Aywan ko rin ba. Inaamin kong nasasaktan ako para kay kanya, she's my best friend and I don't want her to get hurt. Pero hindi ko naman yata inaasahan na isa ako sa mga taong makakasakit sa kanya at i-rereject ito. Can you blame me? Nagpapakatotoo lang ako sa kanya, sa paparaang alam ko lamang kami mas magtatagal. At sa paraang iyon lamang namin mas maaalagaan at mapoprotektahan ang feelings ng isa't isa.
I love her, but only as a best friend. Nothing more, nothing less. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang bagay na ibinigay ko na kay Deanna. Dahil kung si Deanna ang aking masasaktan, hindi lamang ako madudurog kapag nagkataon. Buong buhay at pagkatao ko, kamumuhian ko.
Pagdating ko sa bahay ay patay na ang lahat ng mga ilaw. Ibig sabihin lamang noon ay tulog na si Aling Lucy. Lihim na umaasa naman ako sa aking sarili na sana ay tulog na rin si Deanna, dahil hindi pa ako handa sa ano mang katanungan nito para sa akin. I mean, sasabihin ko naman ang tungkol kay Celine pero mas maigi na ipagpabukas ko na upang makapag pahinga rin ito ng mas maaga.
Nang tuluyan na akong makapasok sa kuwarto ay hindi nga ako nagkamali. Mahimbing ng natutulog si Deanna sa ibabaw ng aming kama habang mayroon naman na mahihinang paghilik akong naririnig mula sa naka awang nitong labi. Hindi ko maipaliwang pero, dismayado yata ako noong sandaling makita ko ito.
"Hindi man lang talaga ako hinintay na maka-uwi." Parang nagtatampo pa na bulong ko sa aking sarili. Pero iyon naman ang gusto mong mangyari, diba? Paalala ni inner self.
Hindi na bale, bukas naman eh magkaka-usap na kami. Lumapit ako rito bago hinaplos ang makinis nitong pisnge. Hindi ko maiwasang hindi mapa ngiti habang nakatitig sa maganda nitong mukha, bago yumuko para bigyan ito ng isang halik sa kanyang labi. At pagkatapos ay dinampihan din ito ng halik sa kanyang noo.
"Good night, mahal ko." Wika ko kahit naman na hindi na ako nito naririnig. "I'll talk to you tomorrow, okay?"
Ilang sandali lamang ay bumaba akong muli para magtungo sa banyo upang makapaglinis ng aking katawan. Hindi iyon nagtagal, nang umakyat na rin akong muli at sumampa sa kama pagkatapos. Mahigpit na niyakap ko si Deanna ng aking mga bisig habang inaamoy ang mabango nitong damit. Hanggang sa hindi ko rin namalayan na unti-unti na akong nakatulog.
-----
Kinabukasan, nagising ako ng wala na si Deanna sa aking tabi. Kagat labi na kaagad akong napabangon sa kama, tiyak na nag-aasikaso na iyon ng agahan. O kung hindi naman, baka may kung anong pakulo na naman iyon na naiisip kagaya noong unang araw na maging kami.
Kulang na lang eh lumipad ako para lamang makababa kaagad at makita si Deanna. Hinihingal ako ng makarating sa kusina habang naaamoy ang mabangong agahan na niluluto nito. Halos mapunit na ang aking labi dahil sa lawak ng aking mga ngiti at excitement.
"Good morning maha--" Kaagad akong natigilan nang mapansin na hindi si Deanna ang nagluluto ngayon sa aking harapan kung hindi si Aling Lucy.
Kunot noo ako na napatingin sa buong paligid para hanapin ang babaeng inaasam kong makita sa umaga, ngunit wala at nabigo ako.
Napalingon sa aking direksyon si Aling Lucy. "Oh Jema, gising kana pala." Wika nito. "Halina at saluhan mo'ko sa pagkain ng agahan." Pag-aya pa nito.
Nahihiyang napakamot ako sa aking batok, bago lumapit rito at na upo na rin sa isang silya na bakante sa kanyang harapan. "S-si Deanna ho?" Biglang pagtanong ko rito habang naglalagay ng hotdog sa aking pinggan.
"Hindi ba niya nabanggit sayo? Maaga 'yong umalis kanina. Sinundo ni Ponggay, may pupuntahan daw sila bago pumasok sa eskwelahan." Paliwanag nito bago sumubo na ng isang kutsarang sinangag na kanin.
Napa lunok ako ng marinig ang sinabi nito. Ponggay? Ano naman ang importanteng bagay na pupuntahan nila ng ganito kaaga? Atsaka...bakit siya sumasama sa babaeng iyon? Bakit hindi nalang niya ako ginising para sana nasamahan ko siya kung saan man niya gustong pumunta.
"N-nabanggit 'ho ba nila kung saan sila pupunta?" Tanong ko rito. "I mean...kung alam niyo' ho kung saan sila ngayon?" Dagdag ko pa.
Napailing lamang si Aling Lucy na halata naman talaga na wala itong ka alam-alam na kahit na ano. "Wala namang nabanggit ang mga ito hija. Tawagan mo nalang kaya para naman malaman mo." Sagot nito. Ngumiti ako rito bago napa tango.
"Sabi ko nga 'ho."
Ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon atsaka isang malalim na paghinga ang ibinuga ko sa ere. Inilapag ko ang hawak na kutsara at tinidor sa aking plato bago tumayo na at maghahanda na lamang sa pagpasok. Nawalan na kasi ako ng gana sa pagkain.
Nagpaalam na lamang ako kay Aling Lucy, sinabi ko na hindi na ako makakasabay sa pagkain dahil baka ako'y mahuli pa sa klase. Mabuti na lamang at kaagad na pumayag din ito dahil maging siya ay nagmamadali na rin pa para sa pagpasok.
Pagdating sa school, hindi naman ako na late sa unang klase dahil may ten minutes pang naiiwan bago mag bell. Kaagad at mabilis na iginala ko ang aking paningin sa buong classroom pagkapasok.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi ng makita si Deanna na printeng naka upo sa kanyang silya, habang ang aking mga kaibigan naman ay kanya kanya sa pakikipag daldalan sa isa't isa.
"Hello dear!" Pagbati sa akin ni Bea bago tumayo at nakipag beso sa akin. Ganoon din si Kyla at Alyssa, habang si Celine naman ay tahimik lamang itong kumakalikot sa kanyang cellphone at hindi man lamang nag-abala na tapunan ako ng kahit isang tingin.
Napahinga ako ng malalim. I don't have time to deal with her dahil may mas importante akong tao na dapat kausapin.
Lumapit ako sa kinauupuan ni Deanna bago yumuko at binigyan ito ng isang halik sa ulo. "Hey, good morning!" Masiglang pagbati ko rito kasabay ng pilit na kinalimutan ang pag sama nito kay Ponggay at ang pang iiwan nito sa akin sa bahay.
Ngunit tila ba hindi ako nila nadinig at patuloy lamang sa kanyang ginagawa na pag ddrawing sa isang bahagi ng papel. Magsasalita na sana akong muli upang magreklamo ng bigla na lamang itong tumayo at lumipat ng ibang pwesto.
Nakipag palitan ito sa kaklase naming babae na ngayon ay naka upo na sa kanyang silya kung saan ay nasa tabi ko pa. Napa nganga ako in disbelief.
Parang gusto kong magalit ngunit hindi ko magawa. Gusto kong magwala sa ginawa ni Deanna pero mayroong bagay na pumipigil sa akin. Ano bang problema niya? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong hibdi tama, para maging ganyan siya ngayon?
Lumapit si Kyla sa akin bago ako pilit na pina-uupo. Sumunod na lamang ako dahil baka kung ano pang magawa ko. Ngayon lang ako nagtimpi ng inis sa tanang buhay ko.
"Oh guys, tapos na ang palabas!" Sarcastic na sabi ni Alyssa sa mga nanonood naming kaklase. Sa lahat ng nakapansin sa eksina na meron kami ni Deanna.
Of course! Lahat ba naman ng mga mata ay palaging nasa amin. At lahat, nararamdaman ang awkward at tensyon na meron sa amin ni Deanna, which is hindi ko naman talaga alam ang tunay na dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.
Siya na nga itong sumama sa babaeng patay na patay sa kanya, siya pa itong may ganang umarte ng ganyan ngayon? Huh! Hindi ba dapat ako ang gumagawa sa kanya 'non ngayon at hindi siya?
Hanggang matapos ang aming mga klase at sumapit na ang lunch break ay hindi parin ako nito kinakausap. At ang malala pa eh, hindi ko ito makita ngayon dito sa Cafeteria. Saan naman kaya iyon nagpunta?
Sinubukan ko itong hanapin kung saan-saan, umaasa na sana may makausap ko na itong muli. Gustong gusto ko na siyang makausap, para naman malaman kung ano bang nangyayari sa kanya. Namimiss ko na siyang kausapin. Namimiss ko na ang mahal ko, ang Deanna ko.
Ngunit bagsak ang aking balikat. Dahil kahit sa practice namin ngayon araw ay hindi ito sumipot. Walang sinuman ang maka contact sa kanya sa kahit isa sa aking mga kaibigan. Lalo na ako. Umiiwas ba siya? Kanino? Sa akin? Iniiwasan ba niya ako? Nag change of heart na ba siya at hindi na ako ang gusto niya, ganon ba?
No, no, no, Jema. Don't over think, please. That's not what it is. Alam kong may ibang dahilan iyon. At kung ano man, iisang tao lamang ang makakasagot noon. Walang iba kung hindi si...Ponggay. Kailangan ko siyang maka-usap.
Kaagad na pinasibad ko ang aking sasakyan papunta sa University kung saan ito nag-aaral. Bakit ko alam? Of course, saan ba nang galing si Deanna? Hindi ba sa school kung saan sila magkasama dati? Hindi ako stalker, sadyang alam ko lang talaga.
Hindi naman tumagal ang biyahe dahil pagkatapos ng fifteen minutes ay nakarating na ako. Kung sinu-swerte ka nga naman, nakita ko pa itong nag park sa may labas ng gate ng kanilang University.
Bumaba ito mula sa loob ng kanyang sasakyan kaya naman, sinamantala ko na rin ang pagkakataon na lapitan ito. Mabilis na bumaba rin ako sa aking kotse atsaka nagtungo sa kanya. Parang may hinihintay pa ito dahil patingin-tingin ito sa paligid habang nakalagay naman sa kanyang tenga ang cellphone.
Bago pa man ako makalapit ay nakita na ako nito. Ibinaba nito kaagad ang kanyang cellphone bago isinukbit sa loob ng bulsa ng kanyang pants.
"Jema, what's brought you here?" Kaagad na tanong nito. Ngunit hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.
"I need to talk you." Matigas na wika ko.
Napakunot ang kanyang noo. "Sure!" Mabilis nitong pagsagot bago napa ngisi. "About what?"
"Oh please, stop pretending that you don't know---" Kaagad akong natigilan ng may biglang sumulpot mula sa kanyang likuran. At iyon ay walang iba kung si Deanna.
Hirap na napalunok ako at kusang bumilis ang pintig ng aking puso. Magkasama na naman sila?
"What are you doing here, Deanna?" Kaagad na tanong ko rito. Ganon parin ang awra nito. Iyong tipong ang hirap i-approach.
"Hindi ba dapat siya ang nagtatanong niyan sayo?" Biglang sabat ni Ponggay. Siya ba ang kinakausap ko? Tss!
Napa irap ako rito bago napahinga ng malalim at lumapit kay Deanna.
"Come on, I'll take you home." Ngunit mabilis nitong binawi ang kanyang kamay mula sa akin. Hindi ko maitatanggi na nasasaktan na ako sa mga ipinapakita nito sa akin. Kumirot lang naman ng konti ang aking dibdib dahil sa kanyang ginagawa ngayon.
Tinignan ko ito na para bang nag mamakaawa. Ngunit sa halip na salubungin ang aking mga titig ay napatingin pa ito kay Ponggay na para bang naghihinge ng permission.
Wait, hindi ba ako ang girlfriend niya rito? Hindi ba dapat ako ang tinitignan niya ngayon ng ganyan dahil nakita ko silang magkasama ng Ex-Crush niya at take note, may gusto sa kanya.
Napa tikhim si Ponggay. "I uhmm..I have to go." Sabi nito. "Thanks for today Deanns, nag-enjoy ako." Malanding sabi nito kay Deanna bago ito hinalikan sa pisnge.
"Sa susunod na gawin mo yan sa harapan ko, ipahihila ko yang nguso mo sa kabayo!" Bwesit na sabi rito dahilan para mabura ang mga nakaka inis na mga ngisi nito.
Ilang sandali lamang ay nakasakay na ito sa kanyang sasakyan bago ito mabilis na pinasibad. Habang kami naman ni Deanna ay sobrang nakakabinge na katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan pauwi.
"Are you avoiding me?!" Inis na singhal ko sa kanya nang makarating kami sa kanilang bahay. Mabuti na lamang dahil nasa taas na si Aling Lucy at nagpapahinga na.
"Really Deanna? Si Ponggay talaga? Eh magkasama na kayo kaninang umaga, hanggang ngayon ba naman magkasama parin kayo? Hindi na nagsawa?" Sarcastic na sambit ko rito. Hindi ko na kasi talaga mapigilan ang inis na nararamdaman ko kanina pa.
Ngunit hindi parin ito nagsalita at nanatili parin na tahimik. Lumapit ako sa kanya bago ito hinawakan sa kanyang kamay. "Please, talk to me." Paki usap ko rito. "Para naman akong tanga rito eh." Dagdag ko pa.
"Kanina ko pa gustong malaman what was going on Deanns. Hindi ako mapakali. Hindi ako maka isip ng tama. Hindi ako sanay na ganito tayo. Please! Tell me."
Napahinga ito ng malalim bago napakagat sa kanyang labi. Tinignan ako nito sa mata na para bang isang yelo sa lamig. Awtomatikong napabitiw ako sa kanya.
"Walang ginagawang masama si Ponggay." Malamig na tugon nito.
Napapikit ako ng mariin. "I dont care about her. I want to talk about us and not about that...girl!"
"Dahil totoo siya sa akin Jemalyn!" Biglang pag taas ng boses nito dahilan upang mapaidtad ako. "Totoo siya sa akin, at hindi katulad mo na niloloko at pina-iikot lang ako!"
"What are you talking about?" Nanginginig ang boses na tanong ko rito. She shouted at me and that was the first time.
May kinuha ito mula sa loob ng kanyang backpack at basta ba lamang inihagis sa akin. Kaagad na nagkalat ang mga iyon sa sahig dahil hindi ko nasalo.
"Ipaliwanag mo ang lahat ng ito sa akin! LAHAT. LAHAT!" Muling pagtaas ng kanyang boses habang mayroong pagpipigil ng galit at huwag akong tuluyang masigawan. May pumapatak na rin ang butil ng luha mula sa kanyang mga mata.
"Sinira mo ang buhay na meron ako. Pinaglaruan mo ako!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay basta na lamang itong nag walk-out papalabas muli ng kanilang bahay.
Habang ako naman ay napatulala na lamang bigla sa mga bagay na nagkalat sa sahig. Unti-unting nagsipatakan ang aking mga luha hanggang sa hindi ko na iyon napigilan pa.
Pagkaraan ng ilang segundo, isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat na litrato, habang nanginginig pa ang aking mga kamay.
Papaano niya nalaman ang lahat ng ito? Papaano pa ako ngayon haharap sa kanya upang magpaliwanag ng hindi ito nasasaktan?
Isa lang ang napatunayan ko ngayon, walang lihim ang hindi nabubunyag. Kaya haharapin ko ito kahit na anong mangyari. Nasa akin na si Deanna ngayon kaya hindi ko hahayaan na mauuwi lamang sa wala ang lahat ng aking pinaghirapan. Ang lahat ng aking ginawa para mapalapit lamang sa kanya.