Chereads / Play for you (Gawong Story) (COMPLETED) / Chapter 2 - Chapter 2: Galanza University

Chapter 2 - Chapter 2: Galanza University

Deanna POV

Pagkatapos ng klase ay kaagad na nag sitayuan na ang mga kaklase ko at nag uunahan sa paglabas mula sa loob ng aming clasroom.

Sa huling subject ko kasi, hindi ko na kaklase ang magkakaibigan na magiging ka Teammate ko na raw.

And speaking of them, biglang sumagi sa aking isipan si Jemalyn na alam ko na nasa labas na ng classroom at tiyak na kanina pa naghihintay na matapos ang aking klase.

Ang sabi kasi ni Alyssa, siya na ang sasama sa akin sa pag libot sa buong University. Binilisan ko pa ang pagligpit ng aking mga gamit bago tuluyan ng nagtungo sa pintuan.

Nakakahiya naman, pinaghintay ko pa talaga siya. Hayyy. Dismayadong sabi ko sa sarili.

Hindi nga ako nagkamali. Naka cross arms itong naka tayo habang ang kanyang likod naman ay naka sandal sa labas ng pader ng aming classroom, na tila ba bagot na bagot na ito sa kahihintay sa akin.

Napalunok ako bago tuluyang lumapit sa kanya. Bago pa man ako makarating sa kanyang harapan ay nakita na nito ako.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Pasensya na kung pinaghintay pa kita." Paghinge ko ng maumanhin.

Napatango ito sa akin bago ako tinignan ng blangko sa mukha, ngunit hindi iyon nagtagal ng unti-unting sumilay ang tipid nitong ngiti sa kanyang mga labi.

"It's okay. Shall we?" Pagtanong nito pagka kuwan sabay walang sabi na tinalikuran na ako at nauna ng maglakad. Kaagad na sinundan ko naman siya at sinabayan sa paglakad.

Nauna ako nitong dinala sa Basketball Court or Gym, kung saan may mga nagpapractice pa na mens basketball. Kumaway pa ang mga ito kay Jemalyn ngunit tila ba isang hangin lamang sila sa kanyang paningin na hindi niya pinansin.

Ganon ba siya ka snob? Tanong ko sa sarili.

Ang sumunod naming pinuntahan ay ang Pool Area, kung saan mayroon din na mga swimmer na nag papractice kasama ang kanilang mga coaches at iba pang nanonood na estudyante.

Sumunod ay ang Volleyball Court kung saan nakita ko pang nagtatawanan ang magkakaibigan na sina Alyssa, Celine, Bea at Kyla. Hindi nila napansin na pinanonood namin sila ni Jemalyn kaya't nagpatuloy pa kami sa paglibot.

Kung saan-saan na ako dinala at inilibot ni Jemalyn, kaya medyo nanunuyo na rin ang lalamunan ko. Grabe! Napaka lawak naman pala kasi talaga nitong Galanza University.

Hindi ko aakalain na mayroon pala talagang ganito kalaking University rito sa Pilipinas. At ang tanging mga estudyante lamang ay mga mayayaman at nagmula pa talaga sa mga kilala at makapangyarihang pamilya.

Ako lang yata ang bukod tanging nakapasok rito na hindi mayaman.

Muli kaming napahinto ni Jemalyn sa hindi ko rin alam na lugar.

Basta, tahimik ito, presko at mayroong napaka sariwang hangin. Napapalibutan ito ng mga punong kahoy na nagyayabungan ang mga sanga at ang mga dahon. Sa tingin ko, kung hindi ako nagkakamali, nasa may bandang likod kami ng University.

Hinihingal na napa upo ako sa isang pahabang bench na nandoon.

"So..n-nasaan na nga ba tayo ngayon?" Hinihingal na tanong ko sa kanya habang inilalapag ang bag sa aking tabi.

"My favorite place." Natigilan ako ng sabihin niya iyon bago kunot noong napalingon sa kanya.

"Don't ask me why." Sambit nito bago naupo sa tabi ko. "Gusto ko lang ipaalam sayo na...welcome ka sa lugar na 'to. Whenever you want to come, you can come here to relax."

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla itong naging madaldal ngayon. Eh kanina lang naman ang tahi-tahimik niya. Iyong tipong bigla itong magagalit kapag kinausap o nilapitan mo siya. Iyong tipong ganon?

Gustuhin ko mang itanong sa kanya kung bakit, pero mas minabuti ko na lamang ang manahimik at ang hindi kumibo. Baka sabihin niya ang dami kong sinasabi, eh hindi pa naman kami close.

"So...you're a volleyball player huh?" Tanong nito sa akin. Napatango ako bilang sagot sa kanya.

"Welcome to Galanza University." Walang ka buhay buhay na sabi nito sa akin. "And uhmm...can I ask you something?"

Kaagad na natango akong muli. "Oo naman, ano ba yon?"

Sandali itong napatingin sa paligid bago muling ibinalik sa akin.

"Bakit dito mo napiling lumipat ng school? Dahil sa nakikita ko, you can't afford the tuition fee here. Am I right? But don't worry, I forgot, scholar ka nga pala."

Hindi ko mapigilan ang hindi masaktan sa itinanong niyang iyon. Tama naman siya, bakit nga naman kasi ito pa ang napili kong school na paglilipatan. Hindi hamak na mahirap lang naman kami at hindi talaga kakayanin ang tuition fee rito, kung hindi dahil sa scholarship hindi ako mapupunta sa University na'to.

"Hey, did I offend you?" Tanong nitong muli sa akin. Kaagad na napailing ako at napangiti ng malawak sa kanya upang pagtakpan ang aking nararamdaman.

"H-hindi 'no?" Pagsisinungaling ko. "Alam mo, masuwerte ako dahil mayroong school na ganito. At tama ka, hindi ko nga kakayanin ang mag-aral sa ganitong University kung hindi dahil sa scholarahip. Pero...nagpapasalamat parin ako dahil kahit na, na kick---" Natigilan ako.

"Kahit na?"

"W-wala. Wala. Nevermind." Napakagat ako sa aking labi bago napahinga ng malalim.

"What I mean is, pag nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang may ari ng University na ito, sobra sobra ko siyang pasasalamatan."

Napatikhim si Jemalyn bago napatayo. "P-pasasalamatan? Bakit naman?"

"Hindi ko rin alam. Dahil binigyan nila ako ng pagkakataon na ipagpatuloy ang mga pangarap ko?"

Napatango ito ng maraming beses. "Right. That's already accepted." Sambit nito.

"A-ano kamo?" Dahil hindi ko narinig ng maayos ang sinabi nito sa sobrang hina.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay may kinuha ito mula sa loob ng kanyang bag.

"Here!" May iniabot ito sa akin na isang bote ng tubig.

Nagdadalawang isip pa ako na kunin iyon mula sa kanya dahil sa nakikita ko, mayroon na itong bawas na konti sa loob.

Ibig sabihin, nang galing na ang kanyang labi roon. Sabi kasi nila, kapag uminom ka sa baso o isang bote ng na inuman na ng isang tao ay ang tawag doon, indirect kiss. Tama ba ako?

Tatanggihan ko na sana ito nang siya na mismo ang nagbukas ng takip ng bote para sa akin.

"Drink this." Napapatitig ako sa mukha niya. Seryoso ba siya? Hindi ba niya alam ang kasabihan na 'yon?

"Hindi naman ako...nauuhaw eh." Pagsisinungaling ko pang muli bago napaiwas ng tingin.

Ngunit imbis na sagutin ay tinitigan lamang ako nito ng masama sa mukha. Kaya naman, walang magawa na kinuha ko na lamang iyon mula sa kanya.

"S-salamat." Utal na pag papasalamat ko. Bago guluyang napainom na mula sa ibinigay nitong tubig sa akin.

Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pag guhit ng ngiti sa kanyang mga labi. Iyong ngiti na pilit nitong tinatago mula sa akin, pero hindi niya magawang maitago.

"Bakit ka nakangiti diyan?" Tanong ko bigla.

Napaturo ito sa kanyang sarili. "Ako? Nakangiti?" Napatango ako.

"Ahhhh. Eh kasi..." Napanguso ito sa bote na hawak ko nasa aking mga labi.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapa ubo at mabilaukan sa sariling tubig na iniinom. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa pagkatapos.

"Why? You think I didn't know that?" Wika nito habang tinitignan ako ng nakakaloko.

"Let's go." Biglang pagtalikod nito sa akin. "It's time to go home." Pagkatapos ay nauna na itong muling naglakad.

Ewan ko rin kung bakit? May kung anong kumikiliti sa loob ko na hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Parang...Hayyy, ewan. Makauwi na nga.

-------

"Nay, nandito na ho ako!" Pasigaw na sabi ko sa nanay ng makauwi ako at makarating sa loob ng bahay.

Naabutan ko itong nagliligpit na sa kusina at tapos na sa pagkain ng hapunan. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Andiyan kana pala. Hindi ka man lang nagtext. Aba'y nag-aalala rin ako 'no?" Sermon na naman po siya. Kadarating ko lang.

Napangiti na lamang ako habang naiiling. "Nay, wag kana hong mag-alala. Okay lang ako. Ano ka ba?"

"Oh siya, kumain kana at ng makapag pahinga na. Kumusta nga pala ang unang araw mo sa Galanza University?"

Kusang gumuhit ang hindi ko maipaliwanag na ngiti sa aking mga labi ng bigla iyong maitanong ng nanay.

"Masaya...masayang masaya ho at puno ng excitement." Mas napangiti pa ako ng maalala ang mga bago kong naging kaibigan. Lalo na noong maalala ko ang mga nakaw na ngiti ni Jemalyn kanina.

"Mabuti naman kung ganoon. At sana naman eh, mag ka nobyo kana. Para naman hindi ka napagkakamalang baliko ng mga Co-Teacher ko."

Bigla akong napa ubo. "Nay naman. Bakit niyo naman naisip yan?"

"Aba, syempre! Nanay mo ako. Kahit naman ako nagtataka na rin. Kung bakit hanggang ngayon eh wala ka paring pinakikilala sa akin."

Napapailing na lamang ako sa aking nanay.

"Kasi naman anak. Kilos kilos din. Hindi kita pinagbabawalang magka jowa, pwedi kang lumandi basta ilagay lang sa lugar at wag munang magpapabuntis dahil ika'y nag-aaral pa."

"Nay, matulog kana nga ho. Mukhang pagod lang yan. Sige na. Ako na ang magliligpit dito sa kusina."

"Ako'y nagpapa-alala lang naman anak. Aba eh, kung babae rin ang gusto mo..ayos lang sa akin. Basta masaya ka anak. Nabalitaan ko kasi, na sa dati mong eskwelahan hindi lang lalaki nagkakagusto sayo, pati na rin mga kababaihan. Nagmana ka talaga sa akin noong araw. Hayyy." Animo'y nag dadaydream pa ito habang niyayakap ang sarili. Tss!

Bigla akong natigilan sa nasabi ng aking ina. Ramdam ko rin ang biglang pamumula ng mga pisnge ko. Teka nga, ano daw?

"Nay, ano bang pinagsasabi mo dyan?" Inis na sabi ko rito upang pagtakpan ang pamumula ng mga pisnge ko.

Napakampay ito ng kamay sa ere. "Ang ganda ganda mo Deanna, imposibleng walang magkagusto sayo. At magaling ka pang atleta."

Sinamaan ko ito ng tingin dahilan para matigilan na siya.

"Ito na nga. Matutulog na ako. Maaga pa akong gigising bukas para sa pagpasok." Lumapit ito sa akin bago ako hinalikan sa noo.

"Good night nak. Love you!"

"Love you too!" Naka ngusong sabi ko rito bago napa face palm. Hayyyy.

Jowa jowa, paano ako magkaka jowa eh wala pa nga akong natitipuhan?

Talaga ba? Hanggang ngayon? Tuyo ng aking isipan.

Napailing ako sa sarili. Kakain na nga ako. Kailangan ko lang rin yata ng tulog. Pagkatapos kong kumain matutulog ba rin ako. Tama!