"Transaction error po talaga Sir" - seryosong wika ng cashier sa department store na kinaroroonan ni Francis. Pangalawang credit card na ang inabot nya sa cashier, kagaya ng naunang credit card ay 'transaction error' pa din.
Napapailing na kinuha ni Francis ang credit card, ibinalik sa kanyang wallet, kinuha naman nya sa wallet ang sariling visa debit card, na naglalaman ng kanyang sariling ipon, may ideya na si Francis kung bakit parehong nag-e-error ang credit cards na mula sa kanyang ama.
"Ok na po Sir" - nakangiting wika ng cashier matapos mai-swipe ang debit card, mas lalong sumidhi ang hinala ni Francis sa posibleng dahilan ng pag-e-error ng kanyang mga credit cards.
Matapos kunin ang debit card at ang mga pinamili, mabilis na nilisan ni Francis ang department store.
*****
Bahagyang nagulat si Francis ng madatnan ang Mama nya sa sala ng kanyang townhouse, dumeretso na sya pauwi pagkagaling sa department store.
"Ma! You're here" - ani Francis, ipinatong nya sa sofa ang mga shopping bags na dala, pagkatapos ay hinagkan sa pisngi ang kanyang ina.
"Have a seat iho" - Iminuwestra ni Mrs. Francia ang upuang katapat ng kanyang kinauupuan. Sumunod naman si Francis at naupo ito.
"Pinapunta ka ba ni Papa dito?" - kunot noong tanong ni Francis sa ina.
"No, son. Pumunta ako dito to check on you, galit na galit ang Papa mo ng malamang hindi ka tumuloy sa Australia" - malungkot na wika ni Mrs. Francia.
Napabuntung-hininga si Francis sa tinuran ng ina. "Yes Ma, expected ko nang magagalit si Papa" napailing si Francis ng maalala ang pagka suspend ng kanyang credit cards. "Actually Ma, nasampolan na'ko ng galit ni Papa, suspended ang mga credit cards ko"
"I'm sorry about it Son, kilala mo naman ang Papa mo" - ani Mrs. Francia.
"Yes Ma, kilalang kilala ko si Papa, but I really need to do it, hindi ko kayang malayo kay Reyann" - sinserong ani Francis.
Napamulagat si Mrs. Francia sa sinabi ng anak. "For real iho?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mrs. Francia sa anak.
"Yes Ma, for real" - napapangiting sagot ni Francis. "At first, akala ko malabong mainlove ako sa katulad ni Reyann, but here I am, deeply and madly inlove with her"
Napatayo si Mrs. Francia at niyakap si Francis. "I'm happy to hear it from you Son, sa wakas nainlove ka na rin ulit!" - masayang wika ng ginang. Kumalas na sa pagkakayakap sa anak si Mrs. Francia, hinawakan naman nito ang pisngi ng anak. "Suyuin mo lang ang Papa mo, ipakita mo na mahal mo talaga si Reyann, ipakita mo na hindi na pagpapanggap ang lahat, pasasaan pa at mapapatawad ka rin niya."
Hinawakan ni Francis ang kamay ng ina na nakahawak sa kanyang pisngi. "Thanks for understanding me, Ma. Salamat din sa support na binibigay mo samin ni Reyann" - nakangiting wika ni Francis. "Kapag sinagot ako ni Reyann ikaw ang unang sasabihan ko"
"That's a promise?" - paniniguro ni Mrs. Francia
"That's a promise" - matamis ang ngiting sagot ni Francis.
"Aasahan ko yan anak, for now, I have to go, baka hinahanap na'ko ng Papa mo" - bumalik si Mrs. Francia sa kinauupuan kanina upang kunin ang dalang Hermes shoulder bag. Tumayo na rin si Francis upang ihatid ang ina sa labas ng bahay.
"Nasan nga pala ang kotse nyo? Wala akong nakitang sasakyan kanina pagdating ko" - nagtatakang tanong ni Francis.
"Nasa malapit lang, heto nga tatawagan ko na si Cardo" - sagot ni Mrs. Francia, at nag-dial na nga ito sa kanyang cellphone upang tawagan ang driver nito. "Pinalayo ko rito, baka malaman ng Papa mo na pinuntahan kita, lalong magagalit yon"
Napatango-tango si Francis. "I'm sorry Ma, pati ikaw naiipit sa sitwasyon" - nagi-guilty na wika ng binata.
"Don't say sorry Iho, everything will be okey" - nakangiting wika ni Mrs. Francia.
Napangiti na lang din si Francis, maya-maya ay dumating na ang sasakyan ni Mrs. Francia, humalik ito sa pisngi ng anak. "See you next time Son"
"Take care Ma, ikumusta mo nalang ako sa kambal" Ani Francis.
"Sure anak, I'll go ahead" Anang ginang at sumakay na sa sasakyan. Nang makaalis ang ina, napasabunot sa kanyang sariling buhok si Francis, muli niyang naisip ang suspended na credit cards, malaking kawalan iyon sa kanya, pero ano pa man ang mangyari, kakayanin niyang tiisin alang-alang sa babaeng minamahal niya.
*****
Kasalukuyang nagpapapawis si Reyann sa likod ng kanilang bahay, sunud-sunod ang mga suntok na pinapakawalan nito sa punching bag na nakasabit sa puno ng mangga. Abalang-abala si Reyann sa pagsuntok, hindi niya namalayan na kanina pa may nagmamasid sa kanya, walang iba kundi si Francis.
Hingal na hingal ang dalaga ng huminto ito sa pagsuntok, lumapit ito sa upuang kahoy na malapit din sa puno ng mangga, kinuha ang towel na nakapatong sa upuan at nagpunas ng sariling pawis.
"Nice punches huh" - wika ni Francis, hindi namalayan ni Reyann ang paglapit nito dahilan upang magulat siya.
"Ay palaka!" - gulat na sigaw ni Reyann, napahawak pa ito sa kanyang dibdib, nagulat talaga ito sa biglang pagsulpot ng binata.
"Tss..sa astig mong yan magugulatin ka pala?" - tatawa tawang wika ni Francis.
"Tatawa-tawa kapa jan! Ba't ka kasi nanggugulat?!" - Inis na sabi ng dalaga, napairap pa ito.
"Cute mo!" - ani Francis at kinurot ang pisngi ni Reyann.
"Aray! Ano ba?!" - daing ni Reyann at hinawakan ang pisngi. "Masakit ah!"
Nawala naman ang ngiti ni Francis, sa halip ay napalitan ito pag-aalala. "Sorry, sorry, masakit ba?" - nag aalalang tanong nito sa dalaga at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
Nahiya bigla si Reyann dahil sa paghawak ni Francis sa kanyang pisngi dahil pawisan pa ito. "Nakakahiya! Pawisan pako" - ani Reyann at iniwas ang kanyang mukha mula sa pagkakahawak ni Francis.
Kinuha ni Francis ang towel at pinunasan ang mukha ni Reyann, namula naman ang pisngi ng dalaga dahil sa kasweetan na pinapakita ng binata.
Matapos punasan ang pawis ni Reyann, hinawakan ni Francis ang kamay nito at giniya paupo sa upuang kahoy.
Hindi naman makaimik si Reyann, hinayaan lang nito na hawakan ng binata ang kamay niya kahit nakaupo na sila.
"Ang lakas ng mga suntok mo kanina, nakakatakot!" - natatawang sabi ni Francis. Napatingin si Reyann dito.
"Normal lang naman ang mga suntok ko ah" - ani Reyann, magkahawak kamay parin sila ni Francis.
"Normal?!" - naniningkit ang mga matang tanong ni Francis. "Silly woman!" - dugtong ng binata at ginulo pa nito ang buhok ni Reyann. "Pag ako sinuntok mo ng ganon kalakas, for sure tulog ako! So it means, hindi yon normal na punch lang"
"Ikaw, oo sigurado tulog ka! Pero hindi mo katulad ang mga madalas kong makabangga, wala lang sa kanila ang mga suntok ko" - Wika ni Reyann, base sa natatandaan niya, wala pa namang nakatulog dahil sa suntok niya.
Napabuntung-hininga na lang si Francis, sumagi sa isip niya ang itsura ni Reyann ng una silang nagkita, may pasa ito sa mukha at maraming mga galos, kung noon ay wala lang sa kanya, ngayon ay isipin pa lang niyang masasaktan si Reyann ay naninikip na ang dibdib niya.
"Pwede ba ulit makahingi ng favor?" Seryong tanong ni Francis.
"Favor?" Nagtatakang tanong naman ng dalaga. "Anong klaseng favor naman yan?"
"Wag ka na ulit makipag-away, or umiwas kana sa away..I can't imagine na nasasaktan ka physically, ayokong makita kang nabubugbog, baka makapatay ako" - madamdaming wika ni Francis.
Natameme si Reyann sa tinuran ng binata, at the same time ay tila hinaplos din ang puso nito dahil sa concern na pinapakita nito sa kanya.
"Hindi ako makakapangako, alam mo naman ang ginagalawan kong mundo, pero sige, para sayo iiwas ako sa gulo" - nakangiting tugon ni Reyann.
Napangiti na rin si Francis, nararamdaman niyang mahalaga din siya para kay Reyann.
"Thank you" - anang binata. "You know what? Parang masarap kumain" pag-iiba ni Francis sa topic.
"Nakakagutom nga" Sang-ayon naman ni Reyann. "Kaya lang hindi ako nagluto ng almusal, alam mo naman masipag ako" -Anito, kasunod ang mahinang pagtawa.
"No problem! Kain tayo sa labas!" - masayang pahayag ng binata.
"Gusto ko yan, tara na!" - Hindi na hinintay pa ni Reyann na sumagot si Francis at tumayo na ito.
Tumayo narin si Francis, magkahawak kamay silang naglakad papasok ng bahay.
To be continue...