"Busog na busog ako, salamat sa libre ah" - Nakangiting wika ni Reyann ng makalabas sila sa isang restaurant sa The Saints Square.
"Wag ka munang magpasalamat, marami pang kasunod yan" - wika ni Francis, hinawakan niya ang kamay ng dalaga, naglakad sila ng magkahawak-kamay.
"Nasasanay ka na sa kakahawak sa kamay ko ah" - Nangingiting wika ng dalaga.
"I just want to hold your hand often, natatakot akong bitawan ka, baka maagaw kapa ng iba" - Anang binata at tiningnan si Reyann. Namula naman ang pisngi ng dalaga, upang maitago ang pamumula ay yumuko ito. "Ayan kana naman, hindi kapa ba sanay sa mga sweet gestures ko?"
"Nakakapanibago lang kasi" - Nahihiyang sagot ni Reyann.
"San mo pa gustong pumunta?" - Pag iiba ni Francis sa usapan upang mawala na ang hiya ni Reyann. "Maaga pa naman" - anang binata at tiningnan ang oras sa kanyang wrist watch. "Gusto mong manuod ng movie?"
"Gusto ko yan! Ano bang magan-" - Hindi naituloy ni Reyann ang sasabihin dahil bigla nalang may yumakap kay Francis.
"I'm so glad to see you here!" - anang isang sopistikadang babae na sobrang higpit ang yakap kay Francis. "I missed you!" Kumalas na sa pagkakayakap ang babae.
"Charisse.." - Kunot noong wika ni Francis.
"I'm so happy to see you again! I'm planning to visit you this evening, I'm not expecting to see you this early" - Maarteng wika ni Charisse, halata sa pananalita nito na galing sa mayamang angkan.
Tila hindi pansin ni Charisse na may ibang kasama si Francis, si Francis naman ay tila natuod at hindi na nakapagsalita.
"Ehemm!" - tumikhim si Reyann upang kunin ang atensyon ng dalawa. "Francis, C.R lang muna ako" - paalam nito sa binata at akmang aalis na.
"Wait!" - pinigilan ni Francis si Reyann, muli nitong hinawakan ang kamay ng dalaga at hinila palapit sa kanya. "Charisse, I'm glad to see you again, but.. We have to go"
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Charisse ng makita ang magkahawak kamay nina Francis at Reyann.
"Who is she?" - Nalilitong tanong ni Charisse.
Inalis ni Francis ang pagkakahawak nila ng kamay ni Reyann upang maakbayan niya ang dalaga. "She's Reyann, my future wife" - nakangiting pagpapakilala ni Francis.
Natawa si Charisse sa sinabi ni Francis. "So, she's Reyann, the famous tomboy!" - ani Charisse. "Don't make me fool Francis! Alam ko na fake lang ang relationship niyong dalawa" tatawa-tawang sambit ni Charisse.
"Look! Charisse, wala akong obligasyon na i-explain sayo ang sitwasyon namin, so.. if you don't mind, we have to go" - Hinila na ni Francis si Reyann palayo kay Charisse, kahit nalilito kung sino nga ba si Charisse sa buhay ng binata, nanatili lang itong tahimik at nagpahila nalang kay Francis.
"Wait! Francis!" - pagtawag pa ng babaeng nagngangalang Charisse, pero hindi na nag-abala si Francis na tapunan man lang ito ng tingin, tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad.
*****
"I'm sorry for what happen" - seryosong sabi ni Francis kay Reyann ng makasakay na sila sa kotse. Tinitigan ng binata si Reyann, punung-puno ng sinseridad ang mga mata nya. "That girl..." - Napabuntong hininga si Francis bago maipagpatuloy ang sasabihin. "She's Charisse, my ex-girlfriend, ang kaisa-isang babaeng sineryoso ko when I was in college, sobrang tagal na non, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang reaction nya ngayong nagkita kami ulit" - Mahabang paliwanag ng binata. Kinakabahan na siya dahil kanina pa tahimik si Reyann.
Napahinga ng malalim si Reyann. "Wala ka namang dapat ipaliwanag" - Nakababa ang tingin na sabi nito.
"Meron Reyann, we're officially dating, at seryoso ako sa nararamdaman ko sayo, kaya kailangan kong magpaliwanag, ayokong masira ang tiwala mo sakin" - Ani Francis at hinawakan ang kamay ng dalaga.
"Hindi mo naman kailangan magpaliwanag, wala lang naman yon sakin" - Ani Reyann. Napakunot-noo si Francis
"Wala lang sayo? Hindi ka man lang nagselos?" - Kunot noo paring tanong ng binata. Manhid ba 'tong babaeng 'to? Naitanong ni Francis sa kanyang sarili.
"Hindi sa ganon, ang ibig kong sabihin, hindi naman yon big deal para sakin dahil may tiwala ako sayo" - Ani Reyann. Napapikit si Francis, nakahinga siya ng maluwag.
"Thank you for trusting me" - Ani Francis at hinalikan ang kamay ni Reyann na kanina pa nya hawak. "Sana kahit sino pang bumalik, o kahit sino pang dumating, walang magbago satin, I'm willing to wait hanggang sa matutunan mo narin akong mahalin"
Pinamulahan ng mukha ang dalaga, sino ba namang hindi kikiligin sa matatamis na salitang binitawan ni Francis?
"Halika na nga, umuwi na tayo" - Pag iiba ni Reyann sa usapan, upang mapagtakpan ang kilig na nararamdaman.
"Kinikilig ka lang eh, ba't di kapa kasi umamin..." - Nanunudyong sabi ni Francis.
"Anong aaminin ko?" - Napapaiwas ang tingin na tanong ni Reyann.
"Na naiinlove ka na sakin" - Nangingiting sagot ng binata.
Muli namang pinamulahan ng mukha si Reyann. "Halika na nga!" - Bahagyang napataas ang boses na sabi ng dalaga.
Lumawak naman ang pagkakangiti ni Francis. "Uy...defensive...inlove na nga siya sakin" - Panunudyo ulit ng binata.
"Ewan ko sayo!" - Bulyaw ni Reyann at akmang baba ng kotse.
"Wait!" - Maagap na nahawakan ni Francis ang braso ng dalaga. "Eto naman! Masyadong pikon, let's go, wag ka nang bumaba"
Umayos na ulit ng upo si Reyann, pinaandar na nga ni Francis ang kotse at nilisan na nila ang mall.
*****
Araw ng biyernes, katatapos lang ni Reyann na tumulong sa mga kapatid sa pag-aasikaso ng mga bisita sa restaurant nila, may malaking catering event ang naganap sa restaurant nila, kasalukuyang naglalakad si Reyann papunta sa kinaroroonan ng motor nya na nakapark sa parking lot ng restaurant, malapit na siya sa motor niya ng bigla nalang may magpaputok ng baril sa direksyon niya, mabilis ang mga pangyayari, namalayan nalang ni Reyann ang pagdaplis ng bala ng baril sa kanyang kaliwang braso.
"Ahhh!" - Pagdaing ni Reyann ng maramdaman ang unti-unting pag-gapang ng sakit ng pagdaplis ng bala sa kanyang braso. Sinapo niya ang braso gamit ang kanang kamay, sinubukan niyang magpalinga-linga sa paligid, hanggang sa mamataan niya ang dalawang lalaking lulan ng kotseng nagmamadaling umalis, kapwa may takip ang mga mukha ng mga ito.
Dahil sa alingawngaw ng putok ng baril, nagsilabasan ang iilang empleyadong natira sa restaurant kabilang na ang mga kapatid ni Reyann, nakiki-usyoso narin ang ibang mga taong malapit lang sa pinangyarihan ng pamamaril.
"Reyann!" - Bulalas ni Ariella ng makitang may tama ang kapatid, mabilis niya itong dinaluhan. "May tama ka!"
"Nadaplisan lang ako ate" - Napapangiwing tugon ni Reyann sa naghi-hysterical na kapatid.
"Kailangan mong madala sa ospital!" - Hysterical paring sabi ni Ariella. "Anong tinatayo-tayo niyo diyan?! Kailangan natin siyang dalhin sa ospital!" - Bulyaw ni Ariella sa mga empleyado.
Ilang saglit lang ay lulan na ng kotse si Reyann kasama ang ate Ariella niya at ang kanyang kuya Rico, hindi na maipinta ang itsura ni Reyann dala ng sakit at hapdi ng kanyang sugat. Sa kabila ng sakit na nararamdaman, hindi mawala-wala sa isipan ni Reyann ang dalawang lalaking lulan ng kotseng nagmamadaling umalis kanina, Sila kaya ang may gawa nito? Sino sila? Anong atraso ko sa kanila? Sunud-sunod na tanong ni Reyann sa sarili niya.
Itutuloy....