Chapter 23 - CHAPTER 23

Abala si Francis sa pag-aasikaso sa mga taong gustong mag member sa kanyang gym, kahit malaki ang nawala sa kanya, kagaya ng pagkawala ng mga bank accounts at credit cards na galing sa Papa niya, malaki ang pasasalamat ni Francis na lumalakas ang kita ng kanyang gym.

"This monthly plan is much better-" Naputol ang pag-e-explain ni Francis tungkol sa membership fee at plans ng kanyang gym ng biglang mag-ring ang cellphone niya. "Excuse me, I need to answer this call" - Ani Francis sa mga taong nakapaligid sa kanya at lumayo ng kaunti sa mga ito upang sagutin ang phone call.

"Hello, Ate Ariella" - Ani Francis pagkasagot sa tawag.

"Francis! Thanks God at sumagot ka" - Nagpapanic ang tono ng boses ni Ariella, automatic na kinabahan si Francis, hindi kasi normal na tumawag sa kanya sinuman sa mga kapatid ni Reyann.

"What happen?" - Kinakabahang tanong ng binata.

"Si Reyann...nabaril siya!" - Napahagulgol na sa kabilang linya si Ariella.

"What?!" - Gulat na tanong ni Francis, bumalong ang kakaibang takot at kaba sa dibdib nito. "Nasan kayo?" - Tanong pa nito sa garalgal na tinig.

Sinabi ni Ariella kung nasang hospital sila, mabilis naman ang naging pagkilos ni Francis, ibinilin na lang niya kay Jeffrey na manager ng kanyang gym ang mga taong nag-i-inquire.

Mabilis na narating ni Francis ang hospital kung saan dinala si Reyann, agad nitong hinanap sa emergency ang dalaga, at ng makita niya ito, inilang hakbang niya lang ang kinaroroonan ng dalaga mula sa kanyang kinatatayuan. Agad na niyakap ni Francis si Reyann ng makalapit ito sa kinaroroonan ng dalaga. Nakaupo sa gilid ng hospital bed si Reyann, nakabenda ang kanang braso.

"Are you okey?" -Tanong ng binata ng kumalas na ito sa pagkakayakap kay Reyann.

"Oo naman, daplis lang 'to" - Nakangiting sagot ni Reyann.

Hinawakan ni Francis ang pisngi ng dalaga. "Kahit nadaplisan ka lang, hindi natin pwedeng i-ignore na may nagtangka sa buhay mo" - Puno ng pag-aalalang sabi ni Francis.

"Naireport na namin sa mga pulis ang nangyare" - Ani Ariella, nasa kabilang side ito ng hospital bed, nakaupo at pinagmamasdan ang dalawa. "Kailangan nalang nating hintayin ang resulta ng imbestigasyon"

Naupo si Francis sa tabi ni Reyann. "Wala ka bang idea kung sino ang pwedeng gumawa sayo nito?"

"Si highlight boy lang naman at mga tropa niya ang nakaaway ko ng matindi, pero tapos na yung away namin, binalik ko na yung motor niya, pano bulok naman kasi" - Sagot ni Reyann.

"What if kung hindi pa pala siya nakakaget-over sa away niyo?" - Tanong ulit ni Francis.

Napailing-iling si Reyann. "Kung balak nila akong patayin, sila mismo ang gagawa non, hindi sila uupa ng mga killer" - Sagot uli ng dalaga. "Wala silang pambayad sa hired killer, pambili nga ng maayos na motor wala eh" - Natatawang anang dalaga. Nahinto sa pagtawa si Reyann at nangunot ang kanyang noo na tila ba may naalala.

"What's wrong?" - Tanong ni Francis ng mapansin ang pangungunot ng noo ni Reyann.

"May naalala lang ako" - Sagot ni Reyann

"Ano?" - Kunot-noong tanong ni Francis. Natahimik naman si Reyann, lalong nagtaka ang binata. "Tell me kung anong iniisip mo, pinag-aalala mo'ko lalo eh"

Napailing si Reyann. "Wala lang yon, wag kana mag-alala, tingnan mo, ok ako! Ok na ok!" - Ani Reyann.

Napabuntong-hininga na lamang si Francis. "You can't blame me, you know how much I love you kaya ganito na lang ako kung mag-alala"

"Ang sweet...sana all" - Kinikilig na sabi ni Ariella.

Napailing-iling nalang si Reyann sa panunudyo ng kapatid.

*****

Ilang oras din ang itinagal ni Reyann sa ospital, matapos maresetahan ng gamot ay pinayagan na itong umuwi. Inaasahan na ni Reyann ang pagiging hysterical ng kanyang Nanay pagkauwi niya sa kanilang bahay. Gustung-gustong sumunod ni Nanay Marta sa ospital pero bigla itong nahilo kaya napilitan siyang hintayin nalang sa bahay ang anak.

"Papatayin mo 'ko sa nerbyos! Ikaw na bata ka" - Mangiyak-iyak na wika ni Nanay Marta. "Yan ang napapala mo sa katigasan ng ulo! Napaka hilig mo sa trobol!"

Hindi maawat sa kakasermon si Nanay Marta, kapag ganitong senaryo ay nananahimik na lamang si Reyann. Naupo sa mahabang sofa si Reyann, nakikinig lang sa sermon ng kanyang nanay.

"Nay, tama na yan, baka mahilo kana naman" - Awat ni Ariella sa panenermon ng kanilang Nanay. "Tulungan niyo na lang po akong maghanda ng meryenda" - Inakay ni Ariella si Nanay Marta patungo sa kusina, wala ng nagawa ang matanda.

Naiwan sa sala sina Reyann at Francis. "Akyat muna ako sa kwarto" - Paalam ni Reyann.

"I'll go with you" - Ani Francis, nanlaki ang mga mata ni Reyann sa sinabi ng binata.

"Ano?! Bakit mo'ko sasamahan sa kwarto?" - Nagugulat na tanong ng dalaga.

Natatawa naman habang umiiling ang binata. "Ihahatid lang kita" - Ani Francis.

Napahinga ng malalim si Reyann. "Halika na" - Anito sa binata.

Sabay nilang tinungo ang hagdan, inaalalayan ni Francis si Reyann.

Pagdating sa kwarto ay agad na nahiga ang dalaga sa kanyang kama, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.

"May kailangan kaba? Food? Juice?" - Tanong ng binata sa nakahilata ng si Reyann.

"Dadalhan mo'ko?" - Nangingiting tanong ng dalaga.

"Ofcourse! Tatanungin pa ba kita kung hindi?" - Sagot ni Francis.

"Parang gusto ko ng beer" - Ani Reyann.

"No! Sira ka talaga, iinom ka ng gamot!" - Salubong ang kilay na wika ni Francis.

"Ok Fine! Galit ka naman agad, dalhan mo nalang ako ng kape" - Nakasimangot na tugon ni Reyann sa binata.

"Good girl. I'll go ahead, ikukuha ko na po kayo ng kape mahal na prinsesa" - Nakangiti nang sabi ni Francis.

"Tsss.. Ewan ko sayo!" - Pagsusungit ng dalaga.

Lumabas na ng kwarto si Francis. Sinubukan pumikit ni Reyann, gusto sana niyang matulog. Pero hindi natuloy dahil tumunog ang cellphone niya, notification ringtone. Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at tinignan ang notification, may nagtext.

Messages . now

0965****785 Nagustuhan mo ba ang early christmas present ko sayo Reyann? Isn't it special? Simula pa lang yan, I will make your life miserable. Habang malapit ka kay Francis, malapit ka rin sa KAMATAYAN!

Kinilabutan si Reyann ng basahin ang nilalaman ng text message, napabangon siya bigla at naibato sa paanan niya ang cellphone.

"Lechugas! Sinong baliw na 'to?! Akala yata niya basta-basta niya lang akong masisindak" - Halos pasigaw na sabi ni Reyann.

"Sinong kaaway mo?" - Nagulat si Reyann ng magsalita si Francis, nakabalik na pala ito. "Here's your coffee" - inilapag ng binata ang kape sa bedside table.

"Wala! May nangtitrip lang sakin" - Sagot ni Reyann. Kukunin na sana niya ang cellphone pero naunahan siya ni Francis.

"Let me see" - Kinalikot ni Francis ang cellphone.

Tumayo si Reyann para sana agawin ang cellphone pero mabilis itong nailayo ng binata, at dahil matangkad si Francis, lalong nahirapan ang dalaga na agawin ang cellphone.

"Who the hell is this?!" - Pabulyaw na tanong ni Francis. "This is death threat!"

"Oo alam ko!" - Pasigaw na ring sabi ni Reyann. "Nangtitrip lang naman yan"

Marahas na napabuntung-hininga si Francis, naupo ito sa gilid ng kama. "This is serious matter, yung mga bumaril sayo kanina... Ikaw talaga ang target nila!" - Ani Francis. "Now tell me, pangtitrip ba ang tingin mo sa nangyari sayo?"

Natahimik si Reyann, napaisip siya, tama si Francis, seryoso nga ang nagpadala ng death threat sa kanya. Malamang na sinadya siyang hindi patamaan ng bala, balak lang siyang takutin.

"Lahat ng nangyare, dahil sakin yon Reyann. Malinaw ang ibig sabihin ng text message na 'to, habang malapit ka sakin, malapit ka rin sa kamatayan" - Malungkot na pahayag ni Francis.

Napansin ni Reyann ang lungkot na bumalatay sa mukha ng binata. "Wag ka ngang mag emote jan!" - Nangingiting sambit ni Reyann. "Hindi ako madadala sa mga death threat na yan! Kahit sandamakmak na pananakot pa ang gawin niyang baliw na sender na yan, hindi ako lalayo sayo"

Napabaling ang tingin ni Francis kay Reyann. "Really? Sabi ko na nga ba eh, mahal mo narin ako no?" - Nangingiti naring sabi ng binata.

Nagseryoso bigla ng mukha si Reyann, dahilan upang bawiin ng binata ang mga sinabi. "Joke lang! Baka magalit kana naman" - Ani Francis at ibinaling sa ibang dereksyon ang paningin.

"Pano kung sabihin kong oo?" - Seryosong tanong ni Reyann.

Muling napabaling ang tingin ni Francis sa dalaga. "Seriously?" - Tanong ng binata.

Nagbaba naman ng tingin si Reyann, naisip niyang sabihin na sa binata ang tunay na nararamdaman, dahil baka totohanin nga ng baliw na sender ang pananakot at patayin nga siya ay hindi pa niya nasasabi ang feelings niya para sa binata.

"Mahal na rin kita Francis" - Mahina ang tinig na pag-amin ng dalaga.

Kahit nakababa ang tingin ay ramdam ni Reyann ang pagbabago ng mood ni Francis, nagulat nalang siya ng bigla siyang yakapin ng binata.

"I love you more" - Anang binata at hinalikan siya nito sa noo.

Napapikit na lang ang dalaga kasabay ang pagpatak ng mga luha niya dala ng sobrang kaligayahang nararamdaman.

Itutuloy....