Chapter 19 - CHAPTER 19

"Francis, are you listening?" Untag ni Mr. Henson kay Francis, kasalukuyan silang nag-aalmusal.

"Yes Pa? Did you say something?" Tanong ni Francis, kanina pa nagsasalita ang ama nito, pero tila walang naririnig ang binata, lagi kasing occupied ni Reyann ang isip niya.

"I said, anong balak mong gawin sa mga gamit mo sa bahay mo? Ipauuwi ko na lang ba dito?" Tanong ni Mr. Henson sa anak.

"No Pa! Let my things remain in my house. Hindi naman siguro ako habang buhay na mananatili sa Australia" Tutol ng binata.

"Ok.." - Kibit balikat na sagot ng ama.

Pagkatapos mag-agahan ay nagpaalam si Francis sa mga magulang upang pumunta sa bahay niya at itabi ang mga importanteng bagay.

Pagdating sa townhouse ay hindi maiwasan ni Francis ang mapasulyap sa katabing bahay, tila nakikita niya si Reyann sa terrace at nakangiting kumakaway sa kanya. Sobrang miss na niya ang dalaga, pero kailangan na niyang magpakasanay na hindi ito nakikita, dahil maghihiwalay din naman sila ng landas. Nagtext kaninang umaga si Reyann upang ipaalam na bukas na ang balik nito sa bahay niya, gustuhin mang makaramdam ng saya ni Francis ay di niya magawa, dahil bukas din ay aalis na siya papuntang Australia.

Pumasok sa kanyang bahay si Francis, at sinimulang ipunin ang mga importanteng gamit at papeles. Pagkatapos ay pumunta siya sa kusina, at dumiretso sa refrigerator, kukuha sana siya ng tubig pero nahinto siya sa pagkuha ng mahagip ng mata niya ang iilang lata ng canned beer, sa halip na tubig ay ito ang kinuha niya at nagtungo sa terrace kung saan sila madalas mag-inuman at magkwentuhan ni Reyann.

Binuksan ni Francis ang isang lata ng beer, at sinimulan itong inumin.

"Isa ito sa mamimiss ko" Wika ni Francis sa kanyang sarili. Siguradong mamimiss nya ang pag-iinuman nila ni Reyann.

"Ang aga niyan ah, you need someone to drink with?" Napukaw sa pag-iisip si Francis sa biglang pagsulpot ni Mark.

"Hey bro! Come in" Lumapit sa kinauupuan ni Francis ang kanyang kaibigan, sakto ang dating ni Mark dahil kailangan niya ng makakausap, lunod na lunod na sya sa kalungkutan.

"Ang aga mong nag-e-emote!" Sinagi ni Mark ang balikat ni Francis, pagkatapos ay binuksan ang isang canned beer na nasa lamesita. "Bukas na pala ang alis mo papuntang Australia"

"Yeah.." Walang ganang sagot ni Francis, yumuko ito. "Falling In love was never in my plan. Until one day I just realized that I love her too much" Malungkot na sambit ni Francis. "At ngayon sobrang nahihirapan akong iwanan sya, I want to be with her most of the time"

Seryoso namang nakikinig si Mark, ngayon nya lang uli nakitang nainlove ang kanyang kaibigan. "Bakit hindi ka nalang makiusap kay tito Henson na wag ka nang paalisin?"

Napailing si Francis. "Kilala ko si Papa, kapag nagdesisyon sya imposibleng magbago pa ang isip nya"

"Ganon mo na lang kadaling isusuko si Reyann?" Tanong ni Mark.

Hindi kaagad nakasagot si Francis.

"Kapag gusto maraming paraan, kapag ayaw maraming dahilan" Wika ni Mark. "Bro kung gusto mo talagang makasama si Reyann, maraming paraan, marami kang pwedeng gawin"

Napaisip ng malalim si Francis. Ano nga ba ang dapat niyang gawin?

*****

"Ate nagreply ba si Francis?" Tanong ni Reyann sa ate Ariella niya.

"Hindi pa" Napabuntong hininga si Ariella. "Miss mo na sya?"

"Pahiram nga ulit ng cellphone, tatawagan ko na lang" Di mapalagay na sabi ni Reyann, aminado siyang miss na miss na nya si Francis.

Nakailang ring bago sumagot ang binata sa tawag. "Hello" Walang siglang sabi nito sa kabilang linya.

"Naistorbo ba kita?" Tanong ni Reyann.

"Not really, how are you?" Wika ni Francis.

"Ok lang naman, nareceive mo ba yung text ko?" Tanong uli ni Reyann.

"Yeah...and I'm happy na uuwi kana" Ani Francis. "Kaya lang baka hindi na tayo magpang-abot, bukas na nang umaga ang flight ko papunta ng Australia" Sagot ni Francis.

Napabuntung hininga si Reyann sa tinuran ng binata, wala na talagang atrasan, tuloy na tuloy na ang pag-alis nito. "Ganon ba? Ingat nalang" Malungkot na bigkas ng dalaga.

"Mamimiss kita" Ani Francis sa kabilang linya, uminit ang pisngi ni Reyann dahil sa sinabi ng binata, at tila may paru-parong nagsisiliparan sa kanyang sikmura, kung hindi sya nagkakamali, eto ang tinatawag nilang 'kilig'. "Mamimiss din naman kita, wala na'kong kaaway" Bahagyang napangiti si Reyann.

"Aayusin ko ang trabaho ko sa Australia para mapabilis ang pag-uwi ko" Wika ni Francis. "Di ako sanay ng ganito tayo" Narinig ni Reyann ang pagbuntung-hininga ni Francis sa kabilang linya.

"Nakakapanibago nga" Natatawang wika ni Reyann. "Mas sanay ako na nagbabangayan tayo" Lumapad ang pagkakangiti ng dalaga, muling bumalik sa alaala nya ang madalas na bangayan nila ni Francis, maging ang pagkukulitan nila at walang katapusang asaran.

"Yeah..pasaway ka kasi kaya madalas tayong mag-away" Tatawa-tawang sambit ni Francis.

"Nagsalita ang hindi pasaway!" Natatawa ring wika ni Reyann.

"Eh kung isama nalang kaya kita sa Australia?" Sambit ni Francis, hindi matukoy ni Reyann kung nagbibiro o seryoso ba ito.

Napailing si Reyann. "Ano namang gagawin ko dun? Maghahasik ng lagim?" Anang dalaga kasabay ang mahinang pagtawa.

Natawa rin sa kabilang linya sa Francis. "Sira ka talaga" Muling bumuntong hininga ang binata. "I have to go, may pinapaasikaso pa kasi si Papa"

Nakaramdam ulit ng lungkot si Reyann. "Sige"

"Mahal kita Reyann" Muling naramdaman ni Reyann ang tila mga paru-parong nagsisiliparan sa kanyang sikmura, hindi nya alam kung ano ba ang angkop na kasagutan sa sinabi ng binata, kailangan din ba nyang sabihin ang tunay na nararamdaman?

"Hindi mo kailangang sumagot ngayon" Ani Francis marahil ay napansin nito ang pananahimik ni Reyann. "Hindi ako naghihintay ng sagot, gusto ko lang i-express ang feelings ko."

"Ah...eh...ok!" Nauutal na sagot ni Reyann. Hindi talaga nya alam ang dapat gawin, kahit noong unang beses na sabihin ni Francis na mahal sya nito ay wala rin siyang naisagot.

"Take care. I love you!" Wika ulit ni Francis.

"Ok, ingat din" Mahinang wika ni Reyann.

"Bye!" Anang binata sa kabilang linya.

"Bye!" Sagot ni Reyann at pagkatapos non ay pinindot na nya ang end call button sa screen ng cellphone.

Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ni Reyann pagkatapos niyang makausap si Francis, muling nag-init ang kanyang pisngi ng maalala ang mga sinabi ng binata.

"Ba't namumula ka?" Tanong ni Ariella sa kapatid ng mapansin ang pamumula ng mukha nito, lumapit ito kay Reyann at sinalat ang noo. "Wala ka namang lagnat, hmmm... Kinikilig ka noh? Anong sabi ni Francis?" May himig panunukso ang tinig ni Ariella.

"Kung anu-anong napapansin mo ate! Namumula ang mukha ko dahil sa init" Pagdadahilan ni Reyann.

Napaismid si Ariella sa sagot ng kapatid. "Nagdadahilan kapa, anong mainit ang pinagsasabi mo? Ang lamig nga! Ang lakas ng aircon dito sa kwarto ni Nanay!" Ani Ariella, kasalukuyan silang nasa private room kung saan nakaconfine ang nanay nila.

"Hinaan mo nga yang boses mo ate! Baka magising si nanay" Saway ni Reyann kay Ariella.

"Wag kana kasing mahiya! Aminin mo na, kinikilig ka lang eh kaya namumula yang mukha mo" Panunukso muli ni Ariella. "Ano bang sabi nya? Kayo na ba?" Pangungulit pa nito.

"Ewan ko sayo ate! C.R muna ako" Pag-iwas ni Reyann, tumayo ito at naglakad patungo sa direksyon ng C.R.

*****

"Nay kumusta ang pakiramdam mo?" - Tanong ni Reyann sa ina.

Nakalabas na ng ospital ang nanay ni Reyann, kasalukuyan sila ngayong nasa Brgy. San Rafael, Tarlac sa bahay kung saan sila lumaki, pagmamay-ari ito ng mga magulang ni Aling Marta, ang ina nila Reyann.

"Ok naman ako anak, nalulungkot lang ako dahil kailangan kong iwan ang bahay ng lolo't lola mo" - Wika ni Aling Marta.

"Andito naman po si Aunty Liza, hindi nya pababayaan itong bahay, hindi kasi ako mapapalagay kung hindi ka sasama samin sa Manila" - Nakangiting saad ni Reyann.

Matagal nang kinukumbinse nina Reyann ang ina upang sumama sa Manila, pero lagi itong tumatanggi, mas komportable daw ito sa preskong klima sa probinsya. Alam naman nina Reyann ang dahilan kung bakit ayaw na ni Aling Marta sa Manila, lalo na sa bahay nila na tinitirhan ngayon nina Ariella, yun ay dahil sobrang nalulungkot ito, naaalala ni Aling Marta ang namayapang asawa, kung kaya't sa bahay siya ni Reyann mag-i-stay, para sa panibagong paligid.

Kailangan din ni Reyann ng makakasama sa kanyang bahay, kailangan niya ng makakausap upang hindi niya hanap-hanapin ang presensya ni Francis, na nakasanayan na nya.

To be continue...