Chapter 2 - CHAPTER 2

Kasalukuyang nasa sala si Reyann at ginagamot nya ang mga natamong galos at pasa na natamo sa kinasangkutang rambol. Habang ginagamot ang sarili ay nakikinig si Reyann ng kantang 'sweet child of mine' na umaalingangaw sa kanyang stereo na ubod ng lakas, at sa lakas nito ay dinig na ata hanggang sa kabilang kanto. Para kay Reyann ay stress reliever na niya ang pakikinig ng maiingay na kanta, simula nang mamatay ang tatay niya ay sinanay niya ang sarili na makinig sa maiingay na kanta, ayaw niyang ilugmok ang sarili sa kalungkutan. Nagdecide rin si Reyann na magsarili na nang bahay dahil ayaw niyang masaksihan ang lungkot ng pagkawala ng kanilang padre de pamilya.

Sa kasarapan ng pakikinig ng kanta ni Reyann ay napukay ng mga malalakas na katok sa pintuan ang kanyang atensyon. Tumayo si Reyann upang pagbuksan ang tao sa labas.

Pagbukas ng pintuan ay bumungad kay Reyann ang isang gwapong nilalang na halatang badtrip dahil magkasalubong ang mga kilay nito.

"Baka gusto mong hinaan yang radyo mo, it's too annoying! Ang sakit sa tenga" Saad ng isang lalake pagbukas pa lang ng pintuan ni Reyann.

Nagsalubong din ang kilay ni Reyann dahil sa sinabi ng lalake, nayabangan sya sa pagsasalita nito. "Sino ka ba sa akala mo para utusan ako ha?" Maangas na tanong ni Reyann, sa tagal na niyang nagpapatugtog ng malakas ay ngayon lang may naglakas loob na magreklamo.

Nagsukatan ng tingin ang dalawa.

"Bago ka lang dito sa lugar namin no? Ngayon lang kita nakita rito at ngayon lang din may naglakas loob na magreklamo sa pagpapatugtog ko" Maangas paring wika ni Reyann, lumabas na ito ng kanyang bahay para mas maharap ang lalakeng nagrereklamo.

"Bagong lipat lang ako dito, and I'm expecting to have some peace of mind here" Napapikit ang lalake dahil sa inis. "But I'm wrong! Sobrang ingay! Kaya pwede ba? Pakihinaan yang radyo mo"

"Gusto mo ng tahimik?" Nakataas ang kilay na tanong ni Reyann.

"Damn! Ofcourse! Gusto kong magpahinga at matulog ng walang ABALA" Sagot ng lalake at idiniin pa ang salitang ABALA.

"Odi sana pala tumira ka sa bundok! Don siguradong tahimik, walang aabala sayo" Salubong ang kilay na saad ni Reyann.

"Sh*t! Hindi ka ba makaintindi ha?" Napipikong wika ng lalake. "Wait! I know you!"

Nagtaka si Reyann sa huling sinabi ng lalake, pero hindi sya nag-react, hinintay nya lang na muling magsalita ang lalake.

"Ikaw yung babaeng gangster na basta na lang pumasok sa kotse ko" Saad ng lalake.

Tinitigang maigi ni Reyann ang lalake.

"Tss. Stop looking me like that! It's too creepy!" Bulyaw ng lalake na hindi na matandaan ni Reyann ang pangalan.

"Arte mo! Sino ka nga ulit? Franco ba?" Kunot-noong tanong ni Reyann.

"It's Francis, not Franco!" Inis na sagot ni Francis.

"Payn! Payn! Francis na kung Francis" Wika ni Reyann.

"It's FINE, not PAYN" Pagtatama ni Francis sa english word na sinabi ni Reyann.

"Taena! Alam ko! Tingin mo sakin? Bobo? Uwi ka na nga english boy!" Tinalikuran na ni Reyann ang binata.

"Uuwi lang ako pag hininaan mo na yang radyo mo!" Seryosong saad ni Francis.

"Oo na hihinaan na! Lumayas ka na nga!" Pagtataboy ni Reyann kay Francis, hindi na nito hinintay na sumagot ang binata, padabog niyang isinara ang pintuan.

"Ang yabang ng mokong! Kala mo sinong magaling sa english! Matalino kaya ako!" Bubulong-bulong na wika ni Reyann habang naglalakad palapit sa stereo para hinaan ito, baka pag nagreklamo pa ulit ang inggleserong kapitbahay, hindi na sya makapagpigil at masuntok na nya ito.

*****

Inis at pabagsak na naupo sa sofa si Francis, galing siya sa kapitbahay, hindi na nito makaya ang ilang beses ng pagpapatugtog ng malakas ng babae, ay hindi, tibo pala. At sa di inaasahang pagkakataon ay ang tomboy na nakisakay sa kotse niya, ay siya ring kapitbahay niya. Badtrip talaga siya sa mga tomboy.

Sumasakit na ang ulo ni Francis, ang buong akala niya ay matatahimik na siya kapag bumukod ng bahay. Tatlong araw pa lang siya sa bahay na tinitirhan, may kalayuan ito sa bahay ng parents niya, sa isang private village sa Cubao nakatira ang parents niya, wala pa sana siyang balak na lumipat sa bahay na binili niya, pero naririndi at nape-pressure na siya sa kakakulit ng Papa niya na mag-asawa na.

"I'm still enjoying my life for being single, bakit ako mag-aasawa? dahil lang sa gusto ni Papa?" Wika ni Francis sa sarili.

Isa pang dahilan ng pagtanggi ni Francis sa gusto ng Papa niya ay dahil wala naman siyang seryosong karelasyon, iba-iba ang babaeng nakakasama niya, basta sexy at maganda ay kaagad na sinusunggaban niya.

Dahil modelo si Francis, at sa angking kagwapuhan ay madaling maakit sa kanya ang mga babae. Mabibilang naman sa daliri ang seryosong nakarelasyon niya, at isa dito si Charisse, minahal ni Francis ang babae, pero ipinagpalit siya ng babae para sa pangarap.

***

Araw ng biyernes, katatapos lang ng pictorial ni Francis para sa isang magazine, pauwi na sana siya sa sariling bahay pero nakatanggap siya ng text mula sa ama, gusto raw siyang makausap nito, kaya naman wala siyang nagawa kundi ang tumuloy muna sa Cubao, sa bahay ng mga magulang.

Pagdating sa kanilang mansion sa Cubao ay agad hinanap ni Francis ang mga magulang, at natagpuan niya ang mga ito sa may garden.

"Ma, Pa..." Bumeso si Francis sa kanyang mga magulang.

"Have a seat son" Iminuwestra ng Papa ni Francis na si Mr. Henson ang upuan na kaharap nya para maupuan ng anak. Nagpaalam ang Mama ni Francis na kukuha ng meryenda kaya naiwan ang mag-ama.

"Bakit mo'ko pinapunta dito Pa? About ba sa business? Napag-isipan mo na ba ang proposal ko na mag expand ng branch ang gym ko?" Nakangiting tanong ni Francis, naupo na ito sa upuang kaharap ng kanyang ama.

"I like your proposal, pero hindi yon ang dahilan kaya kita pinapunta dito ngayon" Sagot ni Mr. Tan sa anak. Henson Tan ang buong pangalan ng Papa ni Francis, isa ito sa pinaka mayapang negosyante sa Pilipinas.

"Ano ba yon Pa? Go straight to the point" Saad ni Francis sa ama, nawalan sya ng gana sa pag-uusap nila ng kanyang Papa dahil hindi naman pala tungkol sa business ang pag-uusapan nila.

"I want to meet your girlfriend as soon as possible" Seryosong wika ni Mr. Henson

"WHAT??!" Gulat na tanong ni Francis sa ama.

"Bakit gulat na gulat ka? Wag mong sabihin na wala kang girlfriend, hindi ako maniniwala, maraming babae ang nalilink sayo" Wika muli ni Mr. Henson

Nasapo ni Francis ang sariling noo, oo nga't maraming babae ang nakakasama nya, pero wala siyang seryosong karelasyon.

"What's the problem? Ang dali lang naman ng gusto ko, I just want to meet your girlfriend" Seryoso parin si Mr. Henson

"Listen to me Francis, I want you to get married when you reach 30" Pagpapatuloy ng Papa ni Francis.

"What?! Are you serious about it Pa? I'm already 29 years old, ibig sabihin ay may 1 year nalang ako? No way!" Angal ni Francis.

"I'm serious, at kung di ka papayag, hindi ko ibibigay ang mana mo" Pananakot ni Mr. Henson. Seryoso ito sa kagustuhang makapag-asawa na ang panganay nya, para manahimik na ito sa pambababae, at gusto narin nitong magkaapo.

"Ang babaw na dahilan naman niyan Pa" Medyo napataas na ang boses ni Francis.

"That's my final decision, and as soon as possible, I want to meet your girlfriend, invite her for a family dinner" Utos pa ng matanda. "You may go"

Laylay ang balikat na tumayo mula sa pagkakaupo si Francis, tulala itong naglakad papunta ng parking area, hindi na nya nagawang magpaalam sa kanyang Mama.

"Sh*t!" Napahampas si Francis sa manibela ng kanyang kotse ng makaupo na ito sa driver's seat.

"Anong gagawin ko ngayon? Kahit habang buhay akong magtrabaho ay hindi ko kikitain ang mamanahin ko kay Papa" Wika ni Francis sa kanyang sarili.

"Sino bang ipapakilala ko kay Papa? Si Nicole? No! Gold digger ang babaeng yon, what if si Shahanie? Ahh.. No! Assuming ang starlet na yon! Baka isipan niyang inlove ako sakanya kaya ipapakilala ko sya kay Papa. Ahh.. Sh*t! Ano bang gagawin ko?!"

Gulung-gulo ang isip ni Francis, pinaandar na nya ang kotse, tsaka na sya mag-iisip, kailangan niya munang magpahinga.

*****

"Yan ang hirap sa mga playboy bro!" Saad ni Jeffrey, tropa ni Francis and at the same time ay ang manager ng kanyang gym, kasalukuyan silang nasa Bar at umiinom.

"Hindi naman ako playboy, kasalanan ko ba kung babae na mismo ang lumalapit sakin?" Depensa ni Francis.

"Ang hirap sayo bro, basta kapag lumapit ang babae sayo, papatulan mo na, kahit may girlfriend ka pumapatol ka pa sa iba, uso ang tumanggi bro" Pangaral ni Jeffrey.

"Sus! Nangaral na naman po ang pari" Natatawang wika ni Francis. "Hindi naman ang pagiging playboy ang problema ko bro! Ang problema ko, sinong girlfriend ang ipapakilala ko kay Papa? Wala akong serious girlfriend"

"May naisip ako bro!" Nakangiting wika ni Jeffrey. "Naalala ko dati may binabasang story ang girlfriend ko sa isang app, wattpad yata yong app na yon"

"Bakit napunta tayo sa wattpad?" Takang tanong ni Francis sa kaibigan. Alam niya ang wattpad, kinababaliwan lang naman yon ng kapatid niyang si Paula.

"Patapusin mo muna kasi ako! Atat ka naman" Natatawang sagot ni Jeffrey, medyo lasing na sila, marami-rami na ang nainom nila.

"Ano nga?!" Tanong ulit ni Francis.

"Yon nga, tungkol sa binabasa dati ng girlfriend ko, yung Girlfriend for hire! Ganon na lang din gawin mo bro, para matapos na problema mo, mag hire ka ng girlfriend" Suggest ni Jeffrey.

"Kalokohan! Sa wattpad lang yon bro! Walang ganon in real life!" Pagkontra ni Francis, natatawa sya sa suggestion ng kaibigan, mag hire ng girlfriend? Malabo!

"Pag-isipan mong mabuti bro, yun ang pinaka mabilis na solusyon sa problema mo" Saad muli ni Jeffrey.

Napatahimik si Francis, wala naman sigurong masama kung susubukan niya nga ang mag hire ng girlfriend.

Itutuloy....