Chapter 7 - Husband

ANONG nangyayari sa akin ngayon? Bakit hindi mapakali ang mga paa ko? At bakit ako tumitingin ng ilang ulit sa relo?

Fifteen minutes na siyang hindi bumabalik. Nasaan na ba 'yon? May anak siyang dala-dala! Kung mag-iinarte man siya, ilugar naman niya.

"Hoy! Sundan mo na ang kaibigan ko, ikaw ang nagpalayas sa kanya kaya ikaw ang magbalik sa kanya rito," tinapik pa ako sa balikat ni Kyrine at hinila ang braso ko patayo. "Lumabas ka na! Hanapin mo ang kaibigan ko! Ngayon pa lang tayo nagkasama-sama, pina-walk out mo na," iling iling na sabi niya at tinulak ako palabas ng KTV room.

"Who are you to command me?" matapang na tanong ko sa kanya at ngumiwi lang siya sa akin.

"Grabe, nakakatakot ka talaga," sarkastikong sabi niya sa akin. "O sige na. Hanapin mo na siya. Diyan diyan lang yan at nag iinarte, bye!" nakangising sambit niya at pabagsak na sinira ang pintuan.

Napabuntong hininga na lang ako at kunwaring napipilitang maglakad palabas kahit naman ang totoo ay gusto ko na talagang habulin si Caelian kanina pa.

Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?

Nagpalinga-linga ako sa labas ng Restaurant and KTV bar, hindi ko pa rin siya mahagilap kaya naglakad-lakad pa ako at tiningnan ang paligid.

May mga konting tao sa labas ngunit wala si Caelian do'n, medyo nakaramdam na ako ng kaba. Kinakabahan ako dahil baka napano na siya at batang buhat niya. Kapag talaga may nangyari sa mag-inang iyon ay siguradong dala-dala ko ang konsensyang iyon sa buong buhay ko. Huwag naman sana.

Nagpakawala ako ng maluwag na paghinga nang makita ko siya na nakaupo lang sa isang bench. Tahimik lang siya habang tulala sa kawalan.

Ngayon ko lang talaga na-realize kung ano ang apekto ng tanong ko sa buong pagkatao niya. Kung pwede ko lang bawiin at alisin sa isip niya ang sinabi ko kanina ay ginawa ko na ngunit wala na. Hindi ko na iyon mababago. Kaya bago lumabas sa bibig natin ang sasabihin natin ay dapat pinag-isipan muna natin dahil kapag nasabi mo na at nakasakit ka na, hindi mo na iyon mababawi.

Walang ingay akong naglakad palapit sa kanya at tumabi ng may saktong puwang sa pagitan namin. Hindi ko alam kung naramdaman niya ba ang presensya ko o nagpatay malisya na lang siya.

Now, anong sasabihin mo, Damien Cadenza? Magsalita ka.

"About—"

"Kalimutan mo na iyon," pagputol niya sa sasabihin ko. Naidikit ko tuloy ang labi ko.

"Sorry, hindi—"

"Kalimutan mo na nga 'yon, at isa pa hindi ko kailangan ang sorry mo," mahinahon na sabi ni Caelian pero ang dating sa akin ay pinagdikdikan niya 'yon. Nakatingin pa rin siya sa kalsadang nasa harap niya at mahinang tumawa. Okay, anong nakakatawa?

"Bakit kaya ang hilig ng tao magsabi ng sorry, 'no? Sinasadya o hindi sinasadya. Mali man nila o hindi. Simple man ang dahilan o malaki, nanghihingi sila ng sorry," hindi ako sumagot at pinakinggan lang ang sasabihin niya. Tumingin din ako sa daan na nasa harap namin na may paminsan-minsan na dumadaang sasakyan. "Pakiramdam ko nga, kung nakakapagsalita lang ang salitang 'sorry' ay siguradong nagrereklamo na iyon ngayon dahil sa paulit-ulit na paggamit sa kanya ng tao," natatawang anya niya. "Ewan, para tuloy akong baliw sa harap mo," naiiling na dugtong niya.

Ngumiti ako ng tipid sa huling sinabi niya, "Bakit ayaw mo ba ang salitang sorry?"

Sandali siyang natahimik sa tanong ko.

"Oo, hate na hate ko ang salitang sorry, Alam mo kung bakit?" sa pagkakataong ito ay lumingon siya sa akin at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Kasi ang ibig sabihin ng sorry, sinaktan o sasaktan mo ako sa gagawin o sasabihin mo...kaya sa dulo, manghihingi ka na lang ng sorry."

I saw it. There's something on her eyes...but I can't explain.

Tiningnan ko siya diretso sa mga mata niya at naghagilap ng kasagutan do'n ngunit inalis niya ang tingin sa akin at muling tumingin sa harap niya.

I want to ask her but who am I to do that? Dahil kung iisipin, ngayon pa lang talaga kami nagkausap at nagkasama ng ganito. Ang pangit naman tingnan kung makikialam ako. At saka ayaw ko ng magtanong sa kanya ng isang bagay na alam kong makakasakit ulit sa kanya. Saka ano naman pakialam ko? Mabilis kong inalis sa isip ko iyon at hinayaan na lang.

"Hon," napalingon ako sa lalaking kakadating lang habang kalong si baby Abdiel.

Gwapo siya at hindi ko iyon maitatanggi ngunit 'di hamak na mas gwapo ako sa kanya.

Nakita kong ngumisi si Caelian at napailing.

Tumayo si Caelian at kinuha si Baby Abdiel mula sa lalaki.

Pilit na napangiti ako, hindi na ako magugulat kung sasabihin niyang asawa niya 'to. Halata naman sa kilos nila at mukhang masaya ang pamilya nila. Ako kaya? Kailan magkakaroon ng ganito?

Nakangiting humarap sa akin ang dalawa at magkatabi sila.

"Hon, Si Damien nga pala, fan boy ko," nakangising sambit ni Caelian at napasimangot ako. Feeling talaga.

Inilahad ng lalaki sa akin ang kanang kamay niya at tumayo naman ako para tanggapin yon.

"Gerwyn. Nice meeting you," nakangiting sambit niya. "I'm her husband" sumulyap siya kay Caelian na ngumiti lang sa kanya at tumawa naman siya ng mahina.

"Damien," maikling sambit ko at ngumiti sa kanya. Kumalas na siya pakikipagkamay at lumipat naman ito para akbayan si Caelian.

"Bakit kayo lang dalawa? Where's Kyrine?" tanong niya sa amin at tumingin naman ako kay Caelian para utusan siyang magsalita.

"Nasa loob ng KTV room," napipilitan na sagot niya sa asawa.

"Hindi pa ba kayo uuwi? Mag-alas otso na, oh," tumingin pa si Gerwyn sa relo niya at hinarap ang asawa. "Puntahan na natin si Kyrine. Uuwi na tayo."

Gusto kong umangal. Gusto kong sabihin na ako na lang ang mag-uuwi sa kanila. Hindi ba pwedeng magsaya si Caelian kahit paminsan-minsan? Kailangan niya rin 'yon at hindi 'yong sa anak at sa asawa lang niya umiikot ang mundo niya. Itong asawa niya, hindi marunong makiramdam.

Walang lumabas na salita sa bibig ni Caelian at dahan-dahan na tumango.

"We are going home," nakangiting paalam ni Gerwyn at tinapik ako sa balikat.

Tiningnan ko si Caelian at nakakamanghang nginitian niya ako.

"Mauna na kami, Damien. Ingat ka sa pag-uwi," paalam ni Caelian sa akin.

"Ingat ka rin," sagot ko sa kanya at nginitian siya.

Inalalayan siya ni Gerwyn sa paglalakad at pumasok na sila sa Restaurant and KTV bar, habang ako ay nakatayo rito at pinagmamasdan lang sila sa malayo. Mayamaya pa ay lumabas na sila ngunit sa pagkakataon na ito ay kasama na nila si Kyrine na kumaway pa sa akin. Pumunta na sila sa isang kotse at naunang pumasok si Kyrine sa backseat habang si Caelian naman ay inalalayan ni Gerwyn para makaupo sa passenger seat, tumango muna sa akin si Gerwyn saka siya pumasok sa loob ng sasakyan.

"Magkakagusto ka na nga lang ulit, sa isang pamilyadong tao pa. Ano ka, pre? Kabit?"

Alam ko na kung sinong hangal na tao ang nasa gilid ko kaya hindi na ako nag abalang lumingon, tinuon ko lang ang tingin ko sa sasakyan na paalis na ngayon.

"Wala akong gusto sa kanya kaya hindi ako magiging kabit. Saka sa gwapo kong 'to? Magiging kabit lang? No way!" sagot ko kay Abram at nilingon siya. At talaga nga naman, nakangisi sa akin.

"Pero, crush niya si Caelian!" pang-aasar niya pa at sinamahan pa ng nakakalokong tawa.