Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 44 - Chapter 38 - Bullied

Chapter 44 - Chapter 38 - Bullied

• ALYNNA MARIE PAREDES •

“Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito anak?” nag-aalalang tanong ni papa sa akin.

“Opo, papa.”

Buo na ang desisyon ko. Babalik na talaga akong Maynila para iligtas ang pag-aaral naming dalawa ni Sky. Buti nalang talaga at bago ako naubusan ng load ay narinig ni Ash ang sinabi ko dahilan para siya nalang ang tumawag muli sa akin pabalik. Sinabi niyang masaya siya dahil tama raw ang naging desisyon ko.

Napag-isip isip ko ring marami din kasi akong dapat ayusin na problema na iniwan ko sa Maynila. Kailangan kong ayusin yun dahil kung hindi ko aayusin yun, wala namang ibang mag-aayos nun para sa akin. Masyado siguro akong nasaktan noon kaya’t pagtakas at pagbalik nalang sa Bohol ang naging paraan ko para panandaliang matapos ang problema ko. Pero kung titignang mabuti, hindi naman pagtakas o kaya pag-uwi ang solusyon sa mga problema. Ang tanging magandang naidulot lang ng pag-uwi ko nang isang buwan ay kahit papaano ay naghilom na ang mga sugat na nabuo noon sa Maynila.

Napagdesisyunan kong aayusin ko muna ang mga naiwan kong problema sa Maynila bago ko ayusin ang problema ko dito sa Bohol. Kailangan rin siguro nila Caloy at Merylle ng oras na makapagsama at makapag-usap ng matagal nang wala ako. At pinananalangin ko na sana pagdating ng araw ng pag-uwi ko, maayos na kaming tatlo.

*DING DONG*

Narinig kong may nagdoorbell sa kubo namin. Sira sira ang pintuan namin kaya naman kita ko agad ang paa ng nagdo-doorbell. Si Caloy yun at kasama niya si Merylle. Lumapit ako doon at pinagbuksan sila ng pinto. Pinapasok ko din sila sa bahay.

“Ynna, sigurado ka na ba diyan? Alam mo naman kasing hindi kita masasamahan dahil nagresign na ako sa trabaho hindi ba?” si Caloy.

“Sigurado na ako Caloy. Huwag ka nang mag-alala sa akin. Malaki na ako.” Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

“S-Salamat, Ynna.” Medyo naiilang na sinabi sa akin ni Merylle. Pabulong pa nga eh. Mukhang hindi pa rin alam ni Caloy ang naging bangayan namin.

“Ayos lang. Naiintindihan kita. Sana, intindihin niyo rin ako. Hindi naman ako babalik lang dun para sa wala eh.” Sabi ko.

“Naiintindihan kita, Ynna. Basta ha, kapag may problem aka, isang tawag lang sa akin at sasagot ako agad.” Pagpapaalala ni Caloy.

“Opo, best friend.” Ngumiti na ako sa kanya ng tuluyan. Ganun rin siya sa akin. Si Merylle? Hindi siya ngumiti pero mas naging maaliwalas ang itsura niya. Niyakap ako ni Caloy at isinama niya si Merylle sa yakap namin kaya’t tatlo na kaming magkayakap. Naluha ako ng kaunti dahil paniguradong mamimiss ko nanaman sila.

“Oh siya sige, mag-iimpake muna ako.” Sabi ko nang kumawala ako sa yakap namin.

“Sige sige. Bye! Ingat ka Ynna ha!” Sabi ni Caloy bago siya umalis ng kubo kasama ni Merylle.

Pagkaalis nila ay dumiretso na ako sa kwarto para magsimula nang mag-impake.

***

[Ninoy Aquino International Airport]

Pagbaba ng eroplano ay umupo muna ako sa isang tabi at kumain ng baon kong potato chips. Pinautang nga pala ako ni Shibama ng pang-balik sa Maynila. Buti pa siya, may pera pa rin. Kasi kahit naman nawalan na siya ng trabaho ay marami pa rin siyang sideline kasi nga naman magaling kasi talaga siya. Halos kasing galing na niya si Liz Uy. Samantalang ako, wala akong talent. Magwoworking student nalang muna siguro ako sa McDo o kaya Jollibee pag bumalik na ako sa pag-aaral muli. At saka ko nalang siya babayaran.

Medyo napaaga ang dating ko kaya’t hindi pa ako nasusundo ni Ash. Oo, si Ash daw ang susundo sa akin para idiretso na raw niya ako sa condo na ipapahiram sa akin ng pamilya nila Viel. Paulit ulit ko na silang tinanggihan pero ayaw pa rin nila magpatalo. Pero makulit din ako, ayoko rin. Ayoko kasing may utang na loob ako sa kanila na wala naman akong kasiguraduhan kung kalian ko mababayaran. O kung mababayaran ko nga ba.

Imbis na si Ash ang tawagan ko, si Shibama nalang ang tinawagan ko muna para sunduin ako. May load na nga pala ako. Nagpaload ako bago ako umalis sa amin.

[Hello, Ynna!!! I miss you!!! Are you already here?!] tili ni Shibama pagkasagot niya ng telepono.

“Oo, Shibs. Napaaga ang landing. Pwede mo ba ako sunduin?"

[Sure sure! I’m on my way! Pero bakit ako? Akala ko ba si Ash ang susundo sa iyo?]

“Umm… nahihiya kasi ako. Dadalhin kasi niya ako sa dorm ni Viel. Ayoko dun. Dun mo nalang ako ihatid sa dorm na pinaglipatan natin nuon. Doon nalang ako titira.” Sabi ko.

[Uyyy, hiya siya kay papa Ash. Baka naman si Ash na ang type mo at hindi na si Sky ah! Uchichichi!]

“Shibs naman!” naiinis kong sinabi. Ano ba naman yun?! Nakuha pa niya akong asarin?! At kay Ash pa?!

[Sige na! I’ll be there in five minutes. Doon nalang din ako titira sa dorm mo. Medyo nakakasawa na kasi mukha ng boyfie ko eh. Hahaha!]

“Baliw ka! Sige, hintayin kita dito. I miss you!”

[Miss you more, beautiful girl!]

***

Pagkasundo sa akin ni Shibama, bumalik na kami agad sa dorm na pinagrentahan namin nuon.  Sinabihan ko na rin si Ash na hindi ako tutuloy sa condo nila Viel. Wala na siyang nagawa kasi sinabi ko na kapag pinatuloy niya ako doon, kailangan kasama si Shibama at katabi ni Viel si Shibama. Kaya ayun, napapayag ko rin na huwag nalang.

Tinawagan ko na rin ang Dean na nakabalik na ako. Sinabihan niya ako na pwede na akong magsimula bukas mismo basta matapos ko ngayon lahat ng requirements na hinihingi niya for scholarship. Kaya minadali din naming tapusin ni Shibama iyon para makapagsimula na rin ako agad.

“Are you ready for tomorrow?” seryosong tanong ni Shibama habang nagaayos siya ng mga gamit.

“Kailangan eh.” Sabi ko.

“Girl, dapat handa ka na sa kung anong pwedeng sabihin nila ha. Mga insulto. Physically at mentally. Remember that Janina si there.”

“Kakayanin ko yan! Malakas na ako ngayon!” itinaas ko ang kamao ko sa hangin.

“That’s my girl!” itinaas na rin ni Shibama ang kamao niya sa hangin. “At dahil dyan, tuturuan kita ng techniques.”

“Huh? Anong techniques?”

“Techniques kung paano mo matatalo ang mga possible bullies that may come your way.” Tinaas taas niya ang kanyang dalawang kilay sa akin.

“May technique para doon?” naguguluhan kong tanong.

“Uh-huh.”

“Ano?”

“Well…”

At doon, tinuruan ako ni Shibama ng kung ano anong kalokohan kung paano ko malalagpasan ang mga bullies na maaari kong makaharap bukas. Medyo nakakatawa yung mga sinabi niya pero feeling ko effective naman. Malalaman ko bukas kung effective nga. Pero sa ngayon, sobrang nagpapasalamat lang ako sa Diyos na binigyan ako ng isang Shibama sa buhay ko. Masasabi kong mahal na mahal ko talaga ang baklang ito.

“For the stronger Ynna!” itinaas ni Shibama ang bote ng red horse. Narito na kami ngayon sa bar na maliit malapit dito sa dorm. Yung dati naming pinagtatambayan.

“For the stronger me!” sabi ko naman.

“Cheers!” sabay naming isinigaw bago namin pinagdikit ang dalawang red horse na bote at itinungga mula doon.

Ito na ang simula ng panibagong gyera ng buhay ko. At kakayanin ko kayong lahat sa pagkakataong ito. Para kay Sky, para sa akin, at para sa lahat ng taong mahal ko, gagawin ko ito.

“Keri na bukas, girl?!” tanong ng lasing na si Shibama.

“Kering keri!” sagot ko sa kanya.

***

Kinabukasan, tulad ng nakagawian, ay inaayusan pa rin ako ni Shibama. Pero ang ayos ko ngayon ay mas simple na kaysa sa noon.  Ang sabi kasi niya ‘Flaunt my beauty – the Alynna style’ daw. ‘Simple but breathtaking’ daw. Nang tinignan ko ang sarili ko sa salamin, simple nga lang ako – pero ang ganda ko pa rin. Ang galing lang talaga ni Shibama na ayusan ako. Napaganda kasi niyang muli ang dugyot kong mukha. Naka navy-blue v-neck shirt, beige pants, black flats at straight hair lang ako pero ang galing at ang linis ng pagkakagawa sa akin. Mayroon din akong light make-up.

Hinatid niya ako hanggang makarating ako sa gate ng ECB. Tinuruan pa niya ako kung paano ko raw matatalo ang iba’t-ibang klase at levels ng mga bully. Kapag umabot daw ako sa finish line at natalo ko raw lahat ng klase ng bully, tawagan ko raw siya dahil magcecelebrate kami. May surprise daw siya sa akin kaya mas lalo naman akong naging determinadong matalo ang mga bully ngayon.

Oo, masasabi kong nakamove-on na talaga ako. Isang buwan rin naman akong nagdrama sa Bohol. Tama na siguro iyon. Kaya ngayon, ako’y nagbabalik bilang isang malakas na babae na wala nang makakatapak kahit sino. Kahit si Janina pa yan.

Pagpasok ko sa ECB ay bumungad agad sa akin ang bullies level one.

Bully Level One:

Ø  Ang mga chismosa at chismoso.

Ø  Ang mga nagpaparinig.

Ø  Ang mga walang magawa sa buhay kaya’t nakikialam nalang sa buhay ng mga buhay. 

Bully Level One - Lines:

Ø  “Yucks, ang kapal naman ng mukha niyang pumunta pa dito! Kadiri naman siya! Parang ayoko na tuloy mag-aral dito! Ewww!” (Nag-iinarteng bully, mukha namang hipon.)

Ø  “OMG! Ang kapal ng mukha niya! At meron pa talaga siyang guts na pumasok dito after what she did?! Kapal!" (Nahiya naman yung kapal ng mukha ko sa kapal ng kilay niya. Unggoy ba siya?)

Ø  “Grabe! Wala ba siyang hiya?! Hindi ba siya tinuruan ng nanay niya ng kahihiyan? Yucks, nasaan na ang manners niya?!" (Wow, nahiya ako bigla. Eh siya nga, wala siyang hiya sa suot niyang transparent eh. Kita na ang kaluluwa. Tapos manners daw. Che!)

Solution by Shibama:

“Kapag sumalubong na sa iyo ang bully level one, isipin mo lang na kaya ka nila pinag-uusapan kasi nagagandahan sila sayo. Pwede mo ring isipin na nakahubad silang lahat tapos tumawa ka bigla, by that, magtataka sila kung bakit ka tumatawa. At sila ang mapapahiya. At lastly, isipin mo na lahat silang nagbubully sa iyo ay kamukha ko. Shibama face. Effective yun, girl.”

At doon, tumawa nga ako ng malakas. Kasi ba naman, naiimagine ko palang si Shibama na mukhang hipon, Shibama na mukhang unggoy, at shibama na naka see-through, bentang benta na sa akin. Ang galing talaga ng technique ni Shibama! Napasaya na nga niya ako, umalis pa yung mga bullies.

Level one: Completed.

Bago ako makarating sa Dean para ipasa ang requirements ko ay hinarap muna ako ng bully level two. Si Farrah at ang kanyang mga alalay.

“At talagang nakuha mo pang magpakita dito? Scholarship requirements ba yang hawak mo? Yucks. So probinsyana! So walang pera!” tinaas ni Farrah ang kamay niya para sampalin ako o kaya para sirain ang requirements ko pero bago pa niya nagawa yun ay nagawa ko na ang solution ni Shibama.

♪ Ang probinsyana, ay 'di basta basta

Mahirap bolahin, kailangan haranahin

Ang kanyang lakad, mabibighani ka

'Di biro, babaeng probinsaya ♫

Kumanta ako ng 'Probinsyana ni Bamboo' with matching actions pa at dance steps na itinuro sa akin ni Shibama. Panay ang kembot at ikot ng pwet ko na parang ako si MariMar. Kaya naman imbis na ipahiya nila ako sa mga tao sa paligid, pinalakpakan pa ako ng mga tao dahil sa performance ko. At dahil doon, malaya akong nakapasok sa opisina ni Dean para ibigay ang requirements. Pero bago ako tuluyang pumasok sa office ay binigyan ko muna ng flying kiss si Farrah at ang mga alalay niya. Flying kiss na may kasamang flying laway. Ha!

Level two: Completed

Mabilis kong naibigay kay Dean ang lahat ng requirements. Hindi rin kami masyadong nakapag-usap dahil marami siyang ka-meeting na naghihintay sa kanya. Kaya umalis nalang ako agad ng office niya. Hindi ko inaakalang paglabas na paglabas ko ng office ay naroon na ang pinakamalakas at pinaka kinakatakutan kong bully. Ang bully level 3 – Si Janina, Karen at Debbie. Mukhang nagsumbong yata sila Farrah dito kaya narito na sila ngayon sa harapan ko.

“Little sister, ganyan ka na ba talaga kadesperada? Ha? Akala ko ba hindi ka na babalik?” si Janina.

“Our fake friend is here with her unbranded clothes.” Si Debbie.

“Tapos ngayon, nagpapakampi siya kay Dean? What a teacher’s pet.” Si Karen.

Tama nga ang inaasahan ko. Itong bully level three ang pinakamahirap barahin. Kasi kahit ganyan ang ugaling ipinapakita nila sa akin, mahal ko pa rin sila dahil may pinagsamahan pa rin kami. Lalo na sila Debbie at Karen. Pero nagpromise ako sa sarili ko na hindi na ako iiyak. Kaya ginawa ko nalang ang solution ni Shibama.

"Blossom!"  tinuro ko si Janina kasi siya yung nakapink. Kumembot ako ng tatlong beses. "commander and the leader."

"Bubbles!"  tinuro ko naman si Karen. Siya kasi yung nakablue. Kembot 3x. "she is the joy and the laughter."

"Buttercup!" si Debbie naman. Green kasi. Kembot 5x. "she's the toughest fighter. Powerpuffs save the day."

♪ Fighting crime, trying to save the world

Here they come just in time, the powerpuff girls ♫

Syempre sinayaw ko ang theme song ng Powerpuff girls with matching actions din. Sinabi kasi ni Shibama na tuwing magkasama yang tatlo, laging pink, blue at green ang mga suot. Pero sobrang naiinis sila kapag sinasabihan sila ng Powerpuff girls. Paano pa kaya kung sayawan sila hindi ba? Kaya ayun, nang sinayawan ko sila with matching palo ko pa sa pwet ko, ayun nagtititiling umalis. Ang galing talaga ni Shibama!

Level three: Completed

Tinawagan ko si Shibama para ibalita ito. Na-abot ko na kasi ang finish line. Ano kaya ang premyo ko?

[Girl! You’re done?!]

“Oo! Natapos ko na ang lahat ng levels ng bullies!” masaya kong sinabi.

[Told ya! Virtual hug! O ‘di ba, success?! Parang nakatae ka lang!]

“Oo nga! Success! Thank you talaga Shibs ha. Ano naman yung surprise mo sa akin?”

[Ano pa ba… edi…]

“Ano?”

[Red horse!!!]

“Red horse?! Yun lang?!”

[Duh. Oo. Ikaw na nga tinutulungan ikaw pa may surprise. Tapos choosy ka pa? Aba!] alam kong tumaas ang kilay niya. Haha!

“Sige na nga! Thank you Shibs! Love you!” masaya kong sinabi sa kanya.

[Love you more!]

Pagbaba ko ng telepono ay nakita ko agad si Erick. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya. Paglapit ko ay sinabihan niya agad ako na may pag-uusapan kami sa black room. Tungkol ito sa mga gagawin namin pagbalik ni Sky. Inexcuse na daw nila ako sa lahat ng classes ko ngayong araw.

Mukhang mahaba haba pa ang araw kong ito.

***

[The Black Room]

Pagpasok ko ng black room ay naroon lahat ng miyembro ng The Vengeance bukod kila Sky at Dave. Seryoso ang kanilang mga mukha at para talagang may pagpupulong na magaganap. Tinanong ko sila kung bakit kumpleto sila ngayon. Wala ba silang trabaho o pinagkakaabalahan man lang sa buhay? Maiintindihan ko pa si Austin kasi narito sa ECB si Nurse Arlene eh. Pero yung iba? Ang sabi nila ay gusto lang daw nila ako tulungan. At wala daw silang magawa sa bahay. At wala naman daw silang trabaho dahil may kani kanila silang mga business na pinapatakbo. Edi sila na ang mayaman!

“Sky is arriving 10 AM later. Didiretso na siya dito sa ECB for lunch.” Si Ash.

“Wow. Ang bilis.” Sabi ko.

“Syempre wala ka na sa Bohol eh.” Sabat naman ni Austin. Nakasmirk. Pinantaasan ko lang siya ng kilay.

“This meeting is for us to plan what are we going to do para mapadali ang pagbabati niyo.” Si Erick.

“N-Nako. Hayaan niyo nalang na ako nalang ang gumawa ng paraa—“

“We will help you no matter what, Alygirl.” Nakangiti si King.

“Oo nga, kaya huwag ka nang umayaw pa. Nasasayang lang ang oras.” Si Chase. Okay. Nakakahiya naman sa kanya. Parang yan na kasi ang pinakamahabang sinabi niya sa akin simula nung una ko siyang nakita.

“So what’s the plan?” si Clyde. Mukhang bored.

“Alam ko na! Ikulong natin sila sa isang room para makapag-usap! What do you think? Para na rin makapag-ano. You know.” Suhestyon ni Viel. Bastos talaga.

“That’s too cliché. Any other plans?” si Ash.

“Meron akong plano kaso baka hindi niyo nanaman ako pakinggan. Wala naman kayong tiwala sa akin eh.” Medyo nagtatampong sinabi ni Dwight. Kainis talaga ito. 

“Ano ba yun?” ako na ang nagtanong. Para matapos na.

“Sasabihin ko na ba?” sabi pa niya. Tumingin pa siya ng isa isa sa amin ng nakakaloko.

“Oo nga e! Bwisit! Ayoko sa lahat yung nambibitin!” nagagalit na sinabi sa kanya ni Erick. Mukhang napikon na.

“Fine! Fine! Eto na!” sabi ni Dwight na nakataas ang dalawang kamay. “I-fe-fake bully natin si Ynna.”

Natahimik ang lahat ng The Vengeance sa sinabi ni Dwight. Ako naman, napanganga. Pagkatapos nila akong i-bully kanina, ibubully nanaman ako ulit pagdating ni Sky? Mukha ba akong bullyhin?

“Looks good. We’ll see kung ililigtas siya ni Sky.” Si Chase.

“For sure ililigtas siya. Patay na patay dyan si Sky eh.” Si Clyde.

“Is this plan okay with you, Aly?” tanong ni Ash sa akin.

“Umm, anong klase bang pambubully gagawin niyo?” tanong ko sa mga pagmumukha nilang unti unting nagsmismirk. Oh no!

“Secret.” Halos sabay sabay nilang sinabi habang may mga malademonyong ngiti sa kanilang mga pagmumukha.

“Secret, para masaya.” Sabi pa ni Viel tapos kinindatan pa ako.

Huminga nalang ako ng malalim. Mukhang kahit sabihin kong ayaw ko, ito pa rin ang gagawin nila. Oo nga at yung mga totoong bully ay napaghandaan namin ni Shibama. Pero itong mga pekeng bully na ito, hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin. Kinakabahan ako hindi dahil sa bubullyhin nila ako. Kinakabahan ako kasi baka hindi naman ako iligtas ni Sky. Paano kung galit pa rin siya sa akin?

Hindi naman sa natatakot akong mapahiya kapag hindi niya ako niligtas o ano. Kinakabahan lang talaga ako. Lalo na’t alam ko na ilang oras nalang ay magkikita na kaming muli. Gusto ko siyang yakapin at halikan pagbalik niya pero alam kong hindi pa pupwede. Sa ngayon, magpapabully nalang muna ako para sa iyo, Sky.  Kung ito ang paraan para magkaayos tayo, pwes, handang handa na ako.

***

Kinabukasan ay nasa ECB ulit ako. Hindi nga pala pumasok si Sky kahapon kaya nakapag-take pa rin ako ng aking afternoon classes. Ngayon palang daw papasok si Sky sa ECB kaya maaga akong pumasok. Syempre inayusan pa rin ako ni Shibama. Hindi ko muna ininom ang red horse niyang papremyo sa akin kasi hindi pa naman pala ako tapos sa lahat ng bully levels. May bully level four pa at ito ang pamemekeng bully sa akin ng The Vengeance. Kailangan ko muna itong mapagdaanan.

Tinuruan din ako ni Shibama ng ilang acting techniques para magmukhang binubully at nahihirapan talaga ako. Ewan ko lang kung magagampanan ko iyon ng maayos. Pero isa lang naman ang puno’t dulo kung bakit ko ito ginagawa eh – para magkaayos na kami ni Sky.

Hindi ko inaasahang pagpasok na pagpasok ko palang sa school ay makikita ko agad siya. Si Sky. Nagkatinginan kami ng mata sa mata. Ako ay papasok palang noon sa ECB habang siya naman ay palabas sa office ng Dean, mukhang kakatapos lang niya kumuha ng kanyang special exams dahil ilang araw din siyang naging absent. May ilang segundo rin kaming nagkatinginan bago niya inalis ang tingin sa akin. Halatang iniiwasan niya ako. Gusto kong umiyak dahil doon pero pinilit kong maging malakas. Dinaanan at nilagpasan niya lang ako sa kinaroroonan ko. Para lang akong hangin sa kanya.

Pero nang medyo nakalayo layo na siya sa akin ay laking gulat ko nang hinatak niya ang beywang ko at inilapit sa kanya. Ang lapit na tuloy sobra ng mukha ko sa mukha niya. Ang buong akala ko ay namiss niya ako kaya’t niyayakap niya ako. Pero nang tumingin ako sa aking likuran, doon ay nakita ko ang nagkalat na brown na pintura sa sahig ng ECB kung saan ako nakatayo kanina! May magtatapon sana ng pintura sa akin!

Kung hindi ako niligtas ni Sky ay kulay ebak na sana ako ngayon! Biglang pumasok sa isip ko ang The Vengeance. Mukhang sila nga ang may pakana nito. Bakit kasi bigla nalang mahuhulog yung pintura kung kalian naroroon si Sky? Sila lang ang may kakayahang gawin iyon. Alam kong hindi naman iyon gagawin ni Janina o kaya nila Farrah kasi mandidiri iyon sa mga ganun. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o maiilang. Hanggang ngayon kasi ay nakayakap pa rin siya sa akin!

Nang natauhan ay inilayo niya agad ang sarili niya sa akin.

“S-Salamat, Sky.” Sabi ko ng mahina. Nakayuko din ako. Ewan ko ba pero nahihiya ako sa kanya.

“That means nothing. I’ll save anyone who’s being bullied. Don’t assume anything.” Sabi niya bago niya ako nilagpasang muli at naglakad na papalayo. Ouch. Nothing daw.

Pagkasabi ni Sky noon, ay dumating bigla ang mga bully level 1, bully level 2 (Farrah) at bully level 3 (Janina) para asarin at awayin ako. Mukhang narinig nila ang sinabi sa akin ni Sky. Pero hindi pa rin ako nagpatinag. Ginamit kong muli sa kanila ang mga Shibama solutions kaya nainis nanaman sila at sinabing gaganti daw sila sa akin sa pamamahiya na ginawa ko sa kanila ng dalawang beses.  

Mukhang hindi na laging gagana yung Shibama solutions kaya dapat siguro ay magpaturo na akong muli kay Shibama ng mga bagong techniques. O kaya magpabully nalang kaya ako ng totoo para isave ako sa kanila ni Sky? Hihi. Kaso hindi rin eh. Wala rin naman kasing kasiguraduhan kung isasave talaga niya ako lagi. At saka paano kung wala naman pala si Sky kapag binully nila ako? Hindi pwedeng papatalo nalang ako. Stronger Ynna na yata 'to. Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung paano kami magkakaayos ni Sky. Hay! Ang hirap naman!

Nagdaanan ang araw at inabot na kami ng dismissal time. Nagtext sa akin ni Erick na paglabas ko ng room, lalabas na rin si Sky sa isa pa niyang klase na katabi lang ng klase ko. Kaya maghanda daw ako dahil may ilan silang babaeng kinontrata para i-bully ako. Huwag daw akong magtapang-tapangan para iligtas ako ni Sky. Nagreply naman ako agad ng: Oo sige.

At ayun nga, paglabas na paglabas ko ng room, may mga grupo ng kababaihan na sinabunutan ako kaya’t napaiyak akong bigla. Hindi naman ako umiyak kasi nagdradrama ako at nag-iinarte, masakit lang kasi talaga yung sabunot na ginawa nila sa akin. Paano ba naman, mga girls basketball team yung inutusan nila na sabunutan ako.  Malamang ang lalakas kaya nun! Mga machong babae! Ang lalakas manabunot! Ang sakit tuloy!

Feeling ko unti unti nang nauubos buhok ko nang dumating si Sky at niyakap ako. Sinave nanaman niya ako!

“What the hell are you doing to her?” tanong ni Sky sa mga basketball ladies. Bigla namang nagtakbuhan palayo yung mga machong babae kaya’t naiwan kami ngayon ni Sky na…ummm… magkayakap.

Inayos niya ang buhok ko. Inipit niya ang ilang buhok ko sa likod ko ng tenga ko. Inalis rin niya ang mga ilang buhok na tumatakip sa mukha ko tapos tinitigan ako ng puno ng pag-aalala. Shit, kinikilig ako!

“Are you alright?” tanong niya gamit ang kanyang malambing at husky na boses na sobrang namiss ko.

“Um. Oo.” Sabi ko. Nakakahiyang nakakakilig! O-EM-JI.

“Kapag may nambubully sayo, labanan mo. Hindi ako laging narito para iligtas ka. May buhay din akong sarili.” Sabi niya habang inaalis ang pagkayakap niya sa akin. Ay. Biglang sumungit.

“O-Okay. Sorry.”

“At yung pagliligtas kong muli sayo, wala yung meaning.” At inirapan pa ako!

“Oo. Alam ko naman na wala.”

“Good.” Sabi niya bago tangkang aalis na.

Pero hindi siya nakaalis.

Aatras sana ako dahil masyado kaming magkalapit pero hindi ako makaatras.

A-Anong nangyari?

Nang tinignan ko ang aming mga paa, nako! Nakadikit! May kung anong napakatibay na pandikit sa sahig kaya’t hindi namin pareho magalaw ni Sky ang aming mga sarili sa kinatatayuan naming lugar. Ano ito?!

“What the fuck is this?” inis na sinabi ni Sky.

Ang talino nga rin naman ng The Vengeance eh no, hindi nga kami kinulong sa isang kwarto para makapag-usap, idinikit naman ang mga paa namin sa sahig! Paano na ito ngayon! Matatanggal pa ba ito? Sayang ang flats ko! Wala na akong sususotin kapag iniwan ko pa iyon! At si Sky naman, naka shoes kaya hindi rin niya pwedeng iwanan iyon. Hindi siya pwedeng magdrive pauwi nang nakayapak!

“S-Sorry Sky, nadamay ka pa tuloy sa mga pambubully sa akin.” Bulong ko sa kanya. 

Buti at wala na ring ibang tao dahil dismissal na. Kaming dalawa nalang ni Sky ang nasa area na ito ng ECB. Kahit mukhang awkward ang itsura namin ngayon ay baka ito na nga ang chance para makapag-usap kami.

“It’s alright.” Sabi niya. Walang reaksyon.

Katahimikan…

Ang tahimik naman. Mukhang hinihintay lang niya na mawala ang bisa ng pandikit. Nasabi kasi niya kanina sa akin na after ilang minutes ba iyon, ay mawawala na daw yung dikit. May ganun palang pandikit? Glue na pang-mayaman siguro.

Mukhang iyon lang ang gusto niyang mangyari, ang maghintay hanggang mawala ang bisa ng pandikit. Mukhang ayaw pa rin talaga niya akong makausap. Kaya naman sa ayaw ko man, ako nalang ang gumawa ng paraan para simulan ang pag-uusap namin.

“Sky…”

“What?” natunaw ako bigla sa tingin niya. Nakakamiss talaga.

“Sky, bakit mo ako sinundan sa Bohol?” tanong ko. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

*BOOOG*

May nadapang lalaki sa may hindi kalayuan na may hawak na pakete ng glue na katulad ng nakalagay sa mga paa namin ni Sky. Si Dwight. Tss. Oh no! Mukhang alam na ni Sky na pakana lang ang lahat ng pambubully. Tinignan niya ako ng sobrang sama. Sa sobrang sama ay mukhang papatayin na niya ako!

“What the fuck? So this is all planned?!” sigaw niya sa akin kahit sobrang magkalapit lang kami.

“Sky—“

“Ano ka ba naman, Ynna! Or Aly! Or whatever! Hanggang dito ba naman namemeke ka pa rin?! Magpakatotoo ka naman kahit minsan!” galit na galit na sinabi niya. Naluha ako doon. Ang sakit.

Alam kong magwawalk-out na sana siya pero dahil nga nakadikit kami, hindi niya magawa.

“Sorry Sky, gusto ko lang naman na magkaayos tayo eh.” naiiyak kong sinabi.

“So you think that faking this bully thing will make us good?” galit pa rin ang boses niya.

“Pero bakit mo ako sinundan sa Bohol?” binalik ko ulit ang tanong kong hindi niya sinagot.

“I didn’t follow you. I-I just have a business there.” Naiilang niyang sinabi. Nakakainis dahil pagkasabi niya nun ay biglang nawala ang bisa ng pandikit, madikit pa rin pero konti nalang. Kaya naman nag-walkout na tuloy siya ng tuluyan. Iniwan niya akong mag-isa.

Pagkaalis ni Sky. Ako, at ang iba pang miyembro ng The Vengeance ay binigyan ng masamang tingin si Dwight na nakapeace sign lang sa amin at may mukhang nakakaloko. Kung bakit ba naman kasi ang lampa lampa! Ideya niya nga ang pangbubully sa akin, pero siya rin ang sumira nito. Kainis! Argh!!!

Mukhang mas mahirap amuhin si Sky sa inaakala ko. Lalo na’t dinedeny pa niya sa akin ngayon na sinundan nga niya ako sa Bohol. Pero hindi ito ang oras para sumuko. Marami pang ibang paraan para magkaayos kami. At kung kailangang isa isahin iyon, gagawin ko.

Challege accepted, universe.

Pero sa ngayon, uuwi muna ako dahil baka masuntok ko itong si Dwight! Grr! Panira talaga! Mainom na nga lang yung premyo kong red horse!

--

A/N

Early UD! Natapos ko agad ee. Ayun, wala na pong holidays ulit kaya slow updates na po ulit ha? Weekends lang. Sensya na. Ganun talaga ang life. Haha! Hope you understand. Labyuuu! Hihi. Next UD: Jan 24 or 25 :3 :> :p

♥ Mhariz