A/N
Belated Happy Valentines day to all my readers! 370k reads!!! Whew!!! Thanks! And to all na nag-wish na sana magkawork na ako ulit, wish granted!!! Hihihi! Bilis! Ü This is my V-day chapter. (Valentines is not just about having dates with your romantic partner, it's also saying 'I love you' to your family members and loved ones.) I hope you’ll like it. ♥
PS: Belated Happy Birthday to @jonalseven! ♥
--
• ALYNNA MARIE PAREDES •
Hindi ko alam kung anong pwersa ba o espirito ang sumanib sa akin pero bigla nalang akong nagtip-toe at ipinagdikit ang natitirang espasyo sa labi namin ni Sky. Hinalikan ko siya. Mababaw lang naman dapat ang gagawin kong halik kasi syempre kahit papaano ay nahihiya pa rin ako sa kanya. Pero nang akmang aatras na ako at magso-sorry na sana ako sa nagawa ko sa kanya ay doon naman niya hinawakan ang likod ng ulo ko at pinalalim ang halik na pinagsasaluhan namin.
Mabagal at punong puno ng pagmamahal ang halik namin. Nagsimulang gumalaw ang labi ni Sky na siya namang nasundan ko agad. Parang nagflash-back lang ako sa mga dati naming halikan. Alam at memoryado ko na yata ang labi niya. Napakatamis pa rin ng labi niya. Ito yung tipong labi na hindi ko kayang tanggihan.
Napapikit nalang ako at hinayaan mangyari ang mga dapat mangyari. Parang may sumasabog sa loob ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang beywang ko at ihinila palapit sa kanya. Napahawak naman ako sa dibdib niya. Hindi ko mapigilang hindi himas himasin ito. Napaka macho kasi talaga ni Sky. Gusto ko hawakan pati abs niya, pero hindi ako makaconcentrate dahil sa galing ng mga labi niya na humahalik sa akin. Nadadala niya ako. Parang wala nang ibang importante sa mundo bukod sa paghalik niya sa akin. Ganyan ang epekto ni Sky sa akin noon, at mas lalong naging malala ngayon. Parang lahat talaga ay handa ko nang ibigay sa kanya.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong kinagat niya ang ibabang labi ko. Nang wala akong ginawa ay kinagat niya ulit ito kaya naman ay napa-awang ang bibig ko. Doon ay dali dali niyang ipinasok ang dila niya sa bukanan ng bibig ko at nilaro ang aking dila gamit ang kanya. Sa mga oras na iyon ay alam kong wala na ako sa aking sarili. Nalunod na ako sa halikan namin ni Sky. Ipinaikot ko na ang aking mga braso sa leeg niya at tuluyang hinalikan siya ng buong puso. Sabik na sabik ako sa kanya at ramdam kong ganun din siya sa akin.
Nagtagal ang halik na iyon hanggang sa pareho na kaming naubusan ng hininga kaya naman ay lumayo muna kami sa isa’t-isa. At doon ay naging awkward nanaman ulit ang lahat dahil wala man lang sa amin ang nangahas na magsalita. Nang naramdaman ko na hindi talaga niya sisimulan ang usapan ay nagsalita na ako.
“Ano? 50% na ba ulit?” nakangiti kong sinabi sa kanya.
“No.” nagsmirk siya.
“Ha? Bakit naman! Ang daya mo naman!”
“Let’s make it 60.” Nakasmirk pa rin siya.
“Ah. Wow. Hehe. Okay. Okay.” Medyo nahihiya kong sambit. Tumawa siya ng sinabi ko ito kaya naman ay napatawa na rin ako kasama niya.
“But don’t be too confident. There’s still 40% more.” Sabi niya na nagpawala ng ngiti sa mukha ko. Oo nga pala.
“Ano pa ba ang pwede kong gawin para diyan sa 40%?” seryoso kong tanong.
“Nothing.”
“Ha?! Paano naman kaya yun?!”
“You know what… I really like you.” Sabi ni Sky na tila may ginagaya. Si.. si Dave?
“Hindi ka kasi mahirap mahalin.” Sabi pa ulit niya. Oo nga! Si Dave ang mga nagsabi sa akin nito kanina. Narinig yun ni Sky?! Naroon siya?!
“Mapagmahal kang tao, mabuti ang kalooban, maganda, masayahin. Ikaw ang ideal girlfriend ng lahat ng lalaki.” Dagdag pa niya. At talagang namemorize niya yung mga sinabi ni Dave?!
“Uh… Sky… Kanina ka pa ba nandun?” tanong ko. Kinakabahan.
“You like Dave.” Sabi niya. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. “Ash told me that you like that bastard.”
“H-Ha? Oo. Pero bilang kaibigan lang naman! Ito talagang si Ash! Ano ba sya! Kainis! Friends lang kami ni Dave!” tinaas ko pa ang kamay ko bilang panata.
Katahimikan…
“Why did you kiss me?” tanong ni Sky pagkatapos ng nakakabinging katahimikan.
“Umm. Kasi. Ano. Eh. S-Sabi ni Ash sa chat i-kiss lang daw kita at hindi ka daw p-papalag. T-Tapos ano kasi. Umm. Syempre namiss din talaga kitang i-ano, i-kiss. Kasi syempre, ano hehe. Miss na din kita talaga. At gusto ko na magka-ayos na tayo.”
“Damn… even though you’re stuttering, you've got that perfect words to make me fall hard.”
“S…Sky.”
“But I am not going to let myself fall for your trap again that easy.”
“H-Ha? Anong… Eh anong gagawin ko? Sabihin mo sa akin, Sky! Gagawin ko lahat para maging okay na tayo. Please!”
“I don’t know. It’s up to you.” Nagbikit balikat siya at tumalikod na sa akin at naglakad nang palayo! Hala?! Winalk-out-an ako?! Ano yun?! Pa-mysterious effect?! Hala ka!
It’s up to me? Ano naman kaya ang gagawin ko?! Hay Sky! Ang hirap hirap mo talagang i-spell-lengin kahit kalian!
***
Pag-uwi ko sa dorm ay sumugod agad ako kay Shibama para ikwento yung mga nangyari kanina. Sa kanya rin ako nanghingi ng unang payo kung ano na ba ang gagawin ko sa estado namin ngayon ni Sky.
“EEEEEEEE!!!! SO KILIG!!!!” tili niya nang ikwento ko sa kanya ang tungkol sa kiss.
“Shibs! Hindi pa tayo pwede magsaya, may 40% pa!”
“Kahit na! Isipin mo girl! Isang kiss mo lang sa kanya, 20% agad! Edi i-kiss mo ulit siya ng 2x para 100% na! hahahaha!”
“Oo nga noh? Kaso baka hindi na kasi umepekto. Alam mo na, nagamit na kasi yung technique?”
“Hmm. Alam ko na!!!” tiling muli ni Shibama. Tila nagkaroon ng bumbilya sa may ulo siya sa kinang ng mga mata niya. Sana lang maganda ang naisip niyang suhestyon.
“I-seduce mo siya!!!” pumapalakpak pa siya habang sinasabi niya ito. A-Ano daw? Ayoko nga!
“Ayaw!!!” sigaw ko sabay biglang yakap sa katawan ko.
“Arte mo, gusto mo din naman eh!”
“H-Hindi kaya!”
“Ayaw mong maging una mo si Sky?” tinaasan niya ako ng kilay.
“S-Syempre gusto ko siya ang una. Pero bata pa kami. Minor de edad palang kami. Syempre kapag kasal na kami…”
“Uchichichichi, kasal kasal. Magmadali ka na girl! Baka may iba pang makauna sayo!” sumeryosong bigla ang mukha ni Shibama. “Gusto mo bang ako ang makauna sa iyo, miss?” biglang naging boses lalaki si Shibama. Lumapit pa siya ng sobrang lapit sa akin. Waaaa!
“H-Hoy Shibs! Bakla ka! Hoy! Lumayo ka nga!” pagbabanta ko.
“Matagal ko na itong itinatago sayo Ynna! Hindi talaga ako bakla. Humahanap lang ako ng pagkakataon para i-rape ka! At ito na yata ang tamang panahon…”
“H-Hoy! A-Ano ba! Shibs!!!” sigaw ko.
“HAHAHAHAHAHA! Quits na tayo! HAHAHAHAHA! Niloko mo na din ako ng ganyan ‘di ba? HAHAHAHA! Ngayon alam mo na ang pakiramdam?! HAHAHA! Buti nga sayo! Che!” tawang tawa niyang sinabi nang muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Hayup na baklang ‘to! Gantihan ba naman ako?!
“Kainis!” inis kong sinabi. Inayos ko na din ang sarili ko sa pagkakaupo.
“Pero anyway, getting back to the topic, besides seducing, wala na kasi akong ibang maisip. Why not try calling your Papa?” suhestyon niya.
“Hmm. Oo nga. Sige tatawagan ko.”
Apat na ring bago sumagot si Papa. Miss na miss ko nanaman siya.
[Hello anak!]
“Papa!!! I miss you!!!”
[I miss you too, anak. Napatawag ka? Gabi na ah. Anong meron? May problema ba?]
“Wala papa… ano kasi. Manghihingi lang sana ako sayo ng suggestion.”
[Tungkol saan? Kay Sky nanaman?]
“Hehehe. Oo. Hindi ko na kasi alam kung ano pang pakulo ang gagamitin ko sa kanya eh.”
[Anak, ito lang ang masasabi ko. Just be yourself.]
Be myself? Parang ang lawak naman masyado nun? Pero alam kong wala nang iba pang sasabihin sa akin si Papa na iba kung hindi mga ganito lang din. Malawak kasi talaga siya kung magsalita eh.
“Ah. Okay papa.” Ito nalang ang nasabi ko.
[Teka anak, itong si Caloy, baka may masabi siya makakatulong. Oh Caloy eto si Ynna..]
“Ah, S-Sige po.”
Hindi ko naman inaasahang makakausap ko ngayon si Caloy. Hindi naman ako handa. Talaga itong si Papa oo. Tanda ko pa yung huli naming pag-uusap sana ni Caloy. Hindi ko nasagot yung sinabi niya kasi nawalan ng battery yung cellphone ko. Ni hindi pa nga ako nakakapag-explain sa kanya tungkol doon eh.
[Ynna.]
“C-Caloy. Uy, pasensya na nung huli ah. Nawalan kasi ng battery…”
[Okay lang yun. Naiintindihan ko.]
“Ah. Hehe.”
[Tungkol naman diyan sa pagpapaamo mo kay Sky…]
“Ah Caloy, alam ko namang hindi mo talaga gusto si Sky. Okay lang kahit wag ka na magsabi. Baka napilitan ka lang dahil kay Papa.”
[Hindi. Okay lang. Gusto ko magbigay ng suggestion.]
“Ah. O-Okay. Ano ulit?”
[Mga simpleng bagay lang ang makakapagpasaya sa aming mga lalaki. Baka umepekto yun kay Sky.] simpleng sagot ni Caloy. Kahit simple lang ang sagot niya ay napa-isip talaga ako doon. Oo nga noh. Kasi ngayon ang mga ginagawa ko para kay Sky ay medyo magagarbo tulad ng pagkanta, pagsayaw at pagmamascot. Hindi ko pa nga pala nasusubukan ang mga simpleng bagay lang. Bakit kasi ngayon ko lang nakausap si Caloy?
“Sige, thank you talaga Caloy! Susubukan ko!” masaya kong sinabi sa kanya. Alam ko rin sa puntong ito na okay na kami. Mabilis kaming magbati ni Caloy. Masyado na rin naming kasing kilala ang isa’t-isa. Si Merylle nalang.
[Sige, matulog ka na. Ipagdadasal namin na maging maayos na kayo.]
“Salamat Caloy. Pasabi na rin kay Merylle, Hi.”
[Hi din daw.]
“Haha. Magkasama pala kayo. Sige, mauna na ako. Goodnight sa inyo.”
[Goodnight, Ynna.]
Kahit papaano ay napangiti ako pagkatapos ibaba ni Caloy ang linya. Alam kong mayroon pa ring alat sa amin ni Merylle pero nararamdaman ko na papunta na rin naman iyon sa pagbabati. Tatapusin ko lang itong si Sky at babalikan ko si Merylle para maging okay na ulit kaming tatlo. Gustong gusto ko na talagang bumalik na ang lahat sa dati. Alam kong nalalapit na rin ang pagkakataong iyon. Konting hintay nalang. Hindi naman ako pababayaan ni Lord.
***
Kinabukasan ay nagpunta agad ako sa the Vengeance black room. Kumpleto silang lahat maliban kay Ash na wala doon dahil kasama daw siya ng kanyang tatay para sa isang business meeting sa kumpanya ng mga Anderson. Inexplain ko na rin sa kanila yung mga naging suhestyon ni Papa at ni Caloy. Syempre hindi ko sinabi yung suggestion ni Shibama na pangseseduce. Baka kung anong isipin pa tungkol sa akin ng mga lalaking ito. Lalo na si Viel.
Sinabi ko sa kanila na gusto ko yung suggestion ni Caloy na idaan nalang ito sa mga simpleng bagay. Sumang-ayon naman silang lahat. Nag-usap usap pa silang mas okay nga naman daw kapag simpleng mga bagay lang. Mas nakakakilig daw kung ganun.
“Pero anong klaseng mga simpleng bagay naman?” tanong ni Dwight.
“Pick-up lines.” Mabilis na sagot ni Dave na tila ikinatahimik ng lahat.
“P-Pick up lines?” pag-uulit ko. Gulat.
“Yup, simple lang yun ‘di ba? Pero nakakakilig pa rin kahit na corny.” Sagot niya. “What do you think?” tanong niya naman sa iba pang nasa kwarto. Nakita kong tumango sila.
“So pick-up lines it is?” si Clyde.
“Yeah!!! Sample nga ng pick-up lines dyan?” si King.
“I have a lot of good ones.” Nakangising sinabi ni Viel. Mukhang hindi ko magugustuhan lalo na’t si Viel ito. Pipigilan ko sana siyang mag-share pero biglang…
“Sample! Sample! Sample!” cheer ng mga miyembro ng The Vengeance.
“Sige. Aly, Freezer ka ba?” ngumiti siya na parang manyak sa akin. Sinasabi ko na nga ba!
“Hindi!”
“Ano ka ba, Aly! ‘Bakit’ dapat!” pagcocorrect naman ni Austin.
“Oh siya. Bakit?” bored kong sinabi.
“Malayo palang kasi, tinitigasa—“ tinakpan ko na ang bibig ni Viel. Sinasabi ko na nga ba at hindi maganda ang dila nito.
“Ito nalang. Aly, chicharon ka ba?” si Viel ulit. Nakangisi. Demonyong ngisi.
“O bakit?” sinagot ko nalang. Mukhang hindi rin kasi ako tatantanan ng The Vengeance.
“Ang ingay mo kasi kapag kinakai---“ tinakpan ko ulit. Ano pa nga ba ang aasahan ko?!
“Eto na talaga last na! Hindi na to SPG! Pang school na ito!!!” hirit pa ni Viel. “Aly, eskwelahan ka ba?”
“Bakit?” hinayaan ko nalang. Last na daw kasi. Para matapos na.
“Araw araw kasi kitang gustong pasuka---“ bago ko pa matakpan ay tinakpan na ni Chase ang bibig ni Viel. Ang manyak talaga ay hindi na magbabago. Buti nalang at gwapo si Viel. Pero hindi talaga eh. Hay, ewan. Bahala siya.
“Okay. Tama na yan. Ganito nalang. Maghanap tayo sa internet ng mga magagandang pick-up lines kapag may breaks sa klase. Tapos ipagsama sama natin lahat mamaya. Doon nalang tayo mamili ng mga gagamitin ni Aly kay Sky. Okay?” si Erick. Mabuti naman at may matino nang nagsalita.
Tumango nalang kaming lahat dahil mukhang may finality na ang tono ng boses ni Erick. Magbe-bell na rin kasi at magsisimula na ang mga klase. Kailangan na rin naming lumabas at pumunta sa kani-kaniyang mga classroom.
***
Free time ang marketing class ko kaya naman ay wala kaming ginagawa. Kung may internet lang ang cellphone ko ay sana marami-rami na akong na-search na magagandang pick-up lines kaso wala eh, free facebook lang ang meron sa akin. May password kasi yung internet ng ECB eh. At speaking of facebook nga pala, naisipan ko nalang na i-chat si Ash. Kukumustahin ko lang kung okay ba yung naging business meeting niya. At baka may alam rin siyang magagandang pick-up lines na baka makatulong.
Alynna: ASHYBOOMBOOM!!!!
Alynna: YUHOOOO!!!!
Alynna: ONLINE NAMAN DYAN!
Ash: What?
Alynna: Ayyy, sunget
Alynna: Business meeting ka pa rin ba? Sorry naman.
Alynna: Huhu
Ash: No, what is it?
Alynna: Di ka busy?
Ash: Yes, I’m not.
Alynna: YEYYYY! Kasi lam mo ba!!! Nagkiss kami ni Sky kanina hehehehehehhe
Alynna: MOMOL!!!!!
Ash: How was it? Did his lips taste good?
Alynna: OO!!!!!
Alynna: SWEET! HEHEHHEE
Ash: Hahaha! Yours too.
Alynna: HUH?!
Ash: Nothing.
Ash: So what’s the plan?
Alynna: Plan?
Alynna: AH OO!
Alynna: PICK-UP LINES!!!!
Ash: What?
Alynna: Ano ka ba? May amnesia ka ba Ash? Kakatawag lang sayo ni Austin kanina para ibalita sayo yung plano eh! Hala ka Ash, malala ka na!
Alynna: Si Ash ka nga ba talaga?
Ash: Of course!
Alynna: WEH?! Feeling ko kasi hindi ka si Ash eh
Alynna: Feeling ko kasi ikaw si…
Alynna: Ikaw si…
Ash: Who?
Alynna: si DAO MING SI!!!!
Ash: What?
Alynna: Ikaw si Dao Ming Si!!! Tapos nagka-amnesia ka tapos nakalimutan mo si San Cai! Nako! Tapos makikilala mo si Ye Sha!
Ash: Tss
Ash: You’re too wacky.
Alynna: WACKY?!?!??!!
Alynna: WACKY AKO?!?!?! Paano mo nalaman yan?! Si Sky lang ang nagsasabi sa akin niyan ah!
Ash: Huh? Everyone knows you’re wacky.
Ash: Anyway, explain the pick-up line thing. Aus didn’t explain the process to me.
Alynna: Ah ganito kasi nakausap si Caloy kagabi…
Ash: Caloy?
Alynna: Oo. Sinabi ni Caloy sa akin na mga simpleng bagay lang ang nakakapagpasaya sa mga lalaki. Tapos si Dave naman kanina nagsuggest na pick-up lines daw.
Ash: Dave?
Ash James Anderson is now offline.
Hala ka? Ano ba yun? Bakit bigla nalang nag-offline itong si Ash pagkatapos niya ipakwento sa akin yung pick-up line na plano? Siguro tinawag nanaman siya ng papa niya para sa meeting. Iba talaga kapag busy ang isang tao. Konti lang ang oras. Buti nalang at si Sky ay hindi pa nagiging ganyan ka-busy sa business nila kung hindi mas lalo siguro akong mahihirapan na suyuin siya.
***
Dismissal time talaga namin ginagawa lagi ang mga plano. Ngayon, napagsama sama na naming lahat ng magaganda at mga pwede nang pagtyagaan na mga pick-up lines at isinulat na namin ang lahat sa mga post its kung saan makikita itong nakadikit sa mga wall at sahig kung saan lalabas at dadaan si Sky.
Ito ang ilan sa mga pick-up lines na napili namin. Yung iba talaga ay nakakasuka na sa sobrang kakornihan pero hinayaan ko nalang din. Malay naman natin kung gagana ito kay Sky, hindi ba? Try nalang talaga ng try hanggang sa makakakaya. Yun nalang ang ginawa kong motto. Try and try until you die!
Pick-up lines:
1. Grabe nakakatawa yung mga pick-up lines noh? May alam ka pa bang iba? Wala na kasi akong maisip eh.
BAKIT?
Because all I ever think about is YOU.
2. Kalabaw ka ba?
BAKIT?
Kasi sabi nila TAMA-RAW ang ibigin ka.
3. Tae ka ba?
BAKIT?
Hindi kasi kita kayang paglaruan eh.
4. Tae ka ba ulit?
BAKIT NGA?
Ang baho mo kasi maligo ka nga!
5. Unggoy ka ba?
BAKIT?
Wala lang. Natanong ko lang.
Matagal din naming isinulat ang mga yan at marami pang iba sa mga post its na daraanan ni Sky. Effort talaga kung effort! Kaya naman todo rin ang pagdarasal ko na sana naman ay gumana ang planong ito. Para na rin hindi na kami gumawa ng mga kalokohang plano. At syempre, para maging okay na kami ni Sky.
Kahit nagmumukha na kaming tanga at pinagtatawanan na kami ng mga estudyante lalo na ng grupo ni Farrah at ni Janina sa effort na effort naming pagdidikit ng mga post its ay okay lang sa akin basta’t ang alam ko naman ay para kay Sky ang mga ginagawa ko at hindi para kanino man.
Pero ang inakala kong magiging worth it, hindi naging worth it. Bakit? Kasi hindi man lang pinansin o binasa ni Sky ang mga post its na nakapalibot sa lalakaran niya nang lumabas siya sa huli niyang subject. As in dinedma niya lahat kahit halatang halata ang mga ito. Imposible kasing hindi niya ito mapansin. Halatang hindi lang talaga niya pinapansin.
Sa kabilang banda ay nakita ko naman si Janina na tumatawa at parang nilalait pa nila ako. Lalo akong nainis dahil doon. Hindi naman sa ayokong mapahiya pero nakakainis lang talaga kasi. Hinabol ko na si Sky kung saan siya ay naglalakad.
“Huy Sky! Ano ba?! Hindi mo man lang ba babasahin yung mga pinaghirapan ko?!” sita ko sa kanya. Nakakainis na kasi eh.
“What? These?” turo niya sa mga post its.
“Oo!”
“No.” blanko niyang sagot.
“At bakit hindi?! Pinaghirapan ko kaya yan!!!” naiiyak na ako.
“Because those ideas came from my competitors.”
“Ano? Hindi kita magets!”
“Idea came from Dave.” Sabi ni Sky sabay tingin sa likod ko. Nandoon ba si Dave? Lumingon ako palikod. At oo nga, naroroon nga si Dave. At nakasmirk siya! Sinabi ba niya kay Sky na siya ang may ideya nito?! Pero bakit?! Trinatraydor ba ako ni Dave? Naguguluhan ako!!!
“I guess I’m not needed here. Bye.” Si Sky. Umalis na siya. Joke. Hindi siya umalis. Umupo lang siya sa isa sa mga bench na medyo malayo na sa akin. Pero si Dave? Ano bang tililing nitong lalaking ito?!
“Huy Dave!” kinurot ko ang tagiliran niya.
“Aw! Haha!” nang-aasar pa niyang sabi.
“Sinabi mo kay Sky na sayo galing ang plano?” kunot noo kong tanong sa kanya.
“Of course not!”
“Eh paano naman niya nalaman?!”
“Malay ko?”
“Imposible! Sinabi mo eh! Bakit mo ba sinabi? Ayan tuloy! Galit nanaman! Dave naman eh! Inaasar mo si Sky eh! Idea mo, sira mo! Para ka rin talagang si Dwight eh!”
“Hey, chill! I didn’t say anything. Swear. Mamatay man ako.”
“Eh paano naman niya nalaman?”
“Dunno.” nagbikit balikat siya.
“Hay nako.”
“Pero look at it, nagseselos ba si Sky sa akin?”
“Oo malamang! Competitor ka nga daw niya eh. Ayaw daw niya yung post its kasi idea came from the competitor daw!”
“Hahaha! He’s one jealous boy. Funny. Effective pala ang selos effect sa kanya eh. Eh kung kunwari ligawan kaya kita?” seryoso niyang tanong. Nagulat ako sa sinabi niya. Biglaan kasi.
“H-Hoy, tigil tigilan mo ako dyan Dave ha!”
“Ito naman, kunwari nga lang ‘di ba? Pretend?! Para magselos din si Janina. Tignan mo si Janina, selos na selos na sayo eh nag-uusap lang naman tayo.” Nagsmirk si Dave. Tinignan ko si Janina at oo nga, mukhang anytime susugurin na niya ako sa sobrang selos na kausap ko ang ex niya.
“Ang ganda mo talaga Ynna! Pwede ba kitang ligawan?!” sigaw ni Dave sa tonong maririnig ni Janina at Sky kung saan sila nakaupo ngayon. Nakanang! Nalintikan na! Anong nangyayari?!
“Anak ng mga sumo wrestler!!! Dave naman eh! Hindi ka nakakatulong sinasabi ko sayo! Sige nga, paano mo maliligawan si Janina kung galit siya sayo? At paano kami magkakabati ni Sky kung nagseselos siya sayo? Kita mo? Walang patutunguhan yang pagpaparinig mo kaya itigil mo na yan!” bulong ko sa kanya na may kasamang kurot ulit sa kanyang tagiliran. Parang bata talaga itong si Dave. Kailangan ay sinasaway pa.
“Actually, I’m enjoying how the two of them gets jealous on us. I-enjoy mo nalang din kaya!”
“Baliw ka talagang lalaki ka! Huwag mo nga kaming idamay ni Sky sa pang-aasar mo kay ate!”
“Sorry damay ka na eh. Kaya watch this.”
“A-Anong watch? Anong---“
“Hey Alynna, I’ll protect you no matter what. See you tomorrow, beautiful!” sigaw ni Dave, rinig ng lahat. Ang lakas ba naman! Pagkasigaw na pagkasigaw nun ni Dave ay nakita kong nag-walk-out si Sky. Nako naman! Sinasabi ko na nga ba, pinalala lang ni Dave ang lahat. Itong Dave na ito! Makakatikim talaga ito sa akin!
Ilang sandali pa pagkatapos ng pasabog na pagba-bay sa akin ni Dave ay sinugod agad ako ni Janina, na inaasahan ko nang mangyari. Ang hindi ko lang inaasahan ay kung bakit mag-isa lang siya ngayon na sumusugod. Nasan kaya sila Karen at Debbie, bakit hindi niya kasama ito ngayon? Kanina kasi kasa-kasama lang niya yung mga yun eh. Iniwan na siya? Bakit kaya?
“Hayop ka!” sabi ni Janina at akmang sasabunutan na ako. Pero dahil pantay ang laban dahil mag-isa lang siya, naiwas ko agad ang aking sarili sa sabunot sana niya. Nasangga ko ng kamay ko ang kamay niya.
“Wala akong ginagawa sayo, ate!” sigaw ko pabalik. Hindi na ako magpapatalo ng ganun ganun nalang lalo pa’t alam ko naman na wala akong kasalanan.
“Walang ginagawa?! Talaga lang ha? Eh nilalandi mo si Dave porket hindi mo makuha si Sky!!!”
“Hindi ko nilalandi si Dave!” sigaw ko. Ayoko sa lahat ay yung pinagbibintangan ako.
“Eh bakit ka niya nililigawan ngayon!?”
“Eh ano naman kung nililigawan niya ako? Nagseselos ka?”
“Malandi ka talaga!!!”
“Anong karapatan mong sabihan ako ng malandi? Bakit ate? Ni minsan sinubukan mo na bang kilalanin ako? Hindi naman ‘di ba? Kaya wala kang karapatan sabihan ako ng malandi dahil hindi mo naman ako kilala!”
Katahimikan…
“Hindi mapupunta sayo si Dave ng ganyan ganyan lang, Hindi ako papayag!”
“Si Sky ang mahal ko. Kaya sayong sayo na yang Dave mo! Magsama kayo!” inis kong sinabi.
“Hahaha! Funny! Para kang tanga! Suyo ka ng suyo dyan kay Sky, pinapahirapan ka lang niya para pagtawanan ka niya. Ni hindi ka naman nun mahal.”
Nasaktan talaga ako ng todo sa sinabing yun ni ate. Hindi daw ako mahal ni Sky. Ano ba ang alam niya sa relasyon namin ni Sky para biglang magsabi ng ganyan. Ang hirap sa kanya ay ang bilis niyang magbintang sa akin. Wala naman siyang alam. Ginagawan nalang niya bigla ng kung ano ano ang mga tungkol sa amin ni Sky.
“Bakit ate, ano bang alam mo sa pagmamahal?”
“What did you say?!”
“Wala kang alam, ‘di ba?”
“How dare you!” sasampalin niya sana ako pero napigilan ko siya.
“Hindi mo na ako masasaktan ngayon! Hindi mo ako masasaktan dahil nagsasabi ako ng totoo. Siguro ay kailangan sa akin na manggaling ito. Wala yata kasing may kayang magsabi sayo nito eh, dahil takot ang lahat sayo. Syempre, ikaw kasi si mighty Janina F. Sino ba naman ang mangangahas na labanan ka ‘di ba?”
“What the fuck are you talking about?”
“Sinasabi ko sayo na wala kang alam sa pagmamahal! Wala! Si Dave na boyfriend mo ay iniwan mo para sa pangarap mo! Sila Debbie at Karen na kaibigan mo, ginagawa mo lang silang alalay mo! Si mama na pinili ka kaysa sa akin, hindi mo man lang ma-appreciate! At ako na kapatid mo, ni hindi mo man lang sinubukang kilalanin! Tapos sasabihan mo ako ng mga bagay na hindi ko naman ginawa! Ipagkakalat mo na malandi ako at masama ako!
“Mahiya hiya ka naman sa sarili mo, ate! Isipin mo kung bakit nawawala sa iyo ang mga taong mahal mo. Hindi ko kasalanan yun ate. Wala akong inaagaw sa iyo. Ikaw lang ang nagtataboy sa kanila. Kaya sige, ipagpatuloy mo yang ginagawa mo. At nakakasigurado akong darating ang araw na wala ka nang makakapitan ni isa. Dahil lahat sila ay lalayo na sayo! Dahil nakakasuka yang pag-uugali mo!
“At huwag mo akong pagtatawanan sa mga pagsusuyong ginagawa ko kay Sky. Ginagawa ko yun dahil mahal ko siya. Oo nagmumukha nga akong tanga. Pero ganun naman dapat pag umiibig ka ‘di ba? Gagawin mo lahat! At ang swerte swerte ko dahil kahit hindi kami okay ni Sky ngayon, may pag-asa pa kami dahil hinding hindi ko siya susukuan. Ngayon, tatanungin kita, ate…
Nakita kong lumuluha na si ate pero kailangan kong marinig niya ito para makapag-isip isip na rin siya. Hindi na rin kasi maganda na magtagal ang ganitong pag-uugali niya. Mahirap na dahil baka makasanayan na talaga niya ito.
“Sa tingin mo, kalian ka kaya sweswertehin? Kailan kaya may magmamahal sayo?"
“I’m lucky! I’m already lucky! You are just my bad luck!!!!” sigaw niya.
“Pero ang bad luck mong ito…” tinuro ko ang sarili ko, naiiyak na rin ako. “Ito nalang ang may lakas ng loob na sabihin sa harap mo na mahal ka niya.”
“W-What?” humina ang boses niya.
“Mahal kita, ate. Mahal na mahal.”
--
Next Update: Feb 21/22 ♥♥♥