A/N
Belated Happy Chinese New Year to all my dearest readers! x Kung Hei Fat Choi! :3
Belated Happy birthday to @Trinity4ruth. :D [2/21] Libreeee! x
Multimedia by @Dvlaizah. Thank you! ♥
400K reads!!!! Yay! Thankie for all the support since day 1 – since The Magnet! Love you to bits! God bless us all! :)
One last, please pray for me, my one last final interview pa pala ako sa company na inapplyan ko, sa Tuesday Feb 24! Hoping to pass! I need your prayers hihihi. Thanks in advance!!!
♥ Mhariz / Next UD - March 1
--
• ALYNNA MARIE PAREDES •
“You freak!” Sabi ni ate habang umiiyak. Ayaw talaga niya maniwalang mahal ko siya kahit iyon naman talaga ang totoo.
“Ate…” sinubukan kong lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya para maramdaman niya na tunay ang sinasabi ko pero hinawi lang niya ang kamay ko.
“That’s bullshit. That’s pure bullshit!” sigaw niya bago siyang tumakbong papalayo.
Pagkalayo sa akin ni ate ay doon biglang bumagsak ang luha ko. Kanina ko pa pala ito dala dala sa sarili ko. Bumagsak itong parang gripo. Hindi ko alam kung lumuluha ba ako dahil sa wakas ay nasabi ko na sa ate ang nararamdaman ko, o lumuluha ba ako dahil hindi man lang pinaniwalaan iyon ng ate. Kung ano man sa mga dahilang iyan ang tama, isa lang ang nakakasigurado ako, na malungkot ako. Malungkot ako sa kinahinatnan ng pag-uusap namin ngayon. Kung ganito lang pala ang mangyayari ay sana hindi nalang ako nagsalita pa.
Napaupo ako sa sahig yakap yakap ang mga tuhod ko. Siguro ay nanghina na rin talaga ako ng tuluyan. Parang nawala lahat ng enerhiya sa aking katawan pagkatapos ng pag-uusap namin eh. Ilang minuto pa ay nakita kong paparating si Sky papunta sa kung saan ako naroroon. Sa sandaling iyon ay nabuhayan ako kahit papaano. Pero nang nakita kong hindi itinuloy ni Sky ang pag-lapit sa akin dahil sa kabilang banda ay nakita ko si Dave na papunta na rin sa akin, ay nabadtrip talaga ako. Kahit kailan talaga itong si Dave. Sinasadya ba talaga niya ito? O talagang nagkataon lang? Grr!!!
“Ynna.” Panimula ni Dave.
“Oh?”
“S-Sorry sa nangyari. Hindi ko alam na susugurin ka ni Janina. Hindi ko alam na susugod siya pagkaalis ko. Hindi ko alam—“
“Ano ka ba, Dave. Wala kang kasalanan.” Tumawa ako ng mapait sa kanya. At least hindi naman niya pala sinasadya ang pagdating kung kailan dadating din si Sky. Sapat na yun sa akin.
“Pero Ynna, hindi rin kayo okay ngayon ni Sky hindi ba? Kasalanan ko. Sobrang nadala ako sa pagpapaselos kay Janina. Sorry talaga.”
“Okay lang yun. Ganun talaga eh.”
“Gagawin ko ang lahat! Pagawa mo na sa akin ang lahat! Aayusin ko ang relasyon niyo ni Sky, promise!” itinaas pa ni Dave ang kanyang kanang kamay bilang panata.
“Huwag mo nalang munang pakialaman yung sa amin ni Sky. Ang gusto ko sanang gawin mo ngayon ay yung kay ate…” sabi ko.
“Anong gagawin ko kay Janina? Ano ba ang nangyari?” tanong niya.
“Gusto ko sanang alagaan mo si ate. Huwag mo na muna siyang pagselosin. Kung mahal mo talaga ang ate ay nakakasigurado akong kilalang kilala mo na rin siya. Alam ko na alam mo na panlabas lang ng ate ang matapang. Pero sa loob ay isa siyang napaka-lambot na tao. Mabilis siyang mabasag. At iyon ang ayokong mangyari. Alagaan mo siya Dave. Huwag mong ipaparamdam sa kanya na hindi siya mahal.” Pagpapaliwanag ko.
Matagal din akong tinitigan ni Dave bago siya tumango at nagsabi ng ‘Sige.’. Nagyakapan kami ni Dave dahil alam naman namin na naiintindihan namin ang isa’t-isa.
“Ynna, nakatingin si Sky sa yakapan natin. Humiwalay ka na.” bulong ni Dave sa tenga ko na tiyak na ikinagulat ko.
“Talaga?”
“Oo. Huwag ka nalang lumingon. Humiwalay ka nalang.”
“Ayoko.” sabi ko.
“Oh bakit?”
“Hindi naman masamang i-hug ang BFF hindi ba?” ngumiti ako kay Dave.
“so BFF mo na ako ngayon?” tinaasan niya ako ng kilay.
“Oo. May angal ka?” tinaasan ko na rin siya ng kilay. Yung tipong mas mataas talaga. Abot-langit na kilay.
“Wala po ma’am.” Natatawa niyang sinabi.
“Good. Haha.”
“BFF mo ako. Hindi ako aso.” Nagpout si Dave. Pacute.
“Che. Basta hayaan nalang muna natin yung sa amin ni Sky. Aayusin ko rin ang lahat bukas. Sa ngayon, ipagdiwang nalang muna natin dahil nakahanap tayo ng mga bagong BFF sa katauhan ng isa’t-isa.”
“Sabi mo eh.” Sabi ni Dave sabay hinigpitan pa lalo ang yakap sa akin.
Marami man ang hindi magandang nangyari ngayon tulad nang malaking pagtatampo sa akin ni Sky, tapos nakita pa kami ni Sky na magkayakap ni Dave, si ate nagalit sa akin, si ate nagselos sa amin, at marami pang ibang maliliit na hindi pagkakaintindihan, may mga bagay naman na nabuo. Magagandang bagay tulad ng pangako ni Dave sa akin na aalagan niya si ate at ang pagiging close namin ni Dave na nauwi sa pagiging BFF namin.
Masasabi ko talaga na hindi perpekto ang mundong ginagalawan natin. Pero hangga’t ikaw ay positibo na malalagpasan mo lahat ng problema mo – hindi ka iiwanan ni Lord. Lagi lang siyang nariyan para gabayan ka at bigyan ka ng mga signs.
Nagkahiwalay na kami ni Dave sa pagkakayakap at nagsimulang pumunta na sa kanya kanyang mga daan pauwi. Ngayon ay mag-isa nalang ako. Pumunta nalang muna ako sa CR ng mga babae kasi medyo naramdaman kong naiihi na ako. Pumasok ako sa isang cubicle at mismong pagka-lock ko nito ay may pumasok ding mga tatlo o apat na babae na nagchichismisan. Hindi ko sinasadyang marinig ang mga pag-uusap nila.
“Girls, grabe noh? First time napalabas ni Sky ng classroom! Management class pa!”
“Oo nga! Kung sino man yung katext niya, she must be super lucky!”
“O kaya naman baka emergency kaya lumabas din bigla si Sky ng classroom! What do you think?”
“I have a feeling that it’s a girl he’s making porma eh!”
“OMG! Is it Janina Fortaleza? The real one?”
“Who knows??”
“Shocks!!! Sana ako nalang yung katext niya! Ang swerte naman nung girl na yun!”
Nang nakalabas na ang mga babae sa CR ay tsaka ko lang napagtanto na kanina ko pa pala pinipigilan ang aking hininga. Hindi ko alam na may kakayanan pala ako gawin iyon sa buong talambuhay ko. Pero ang mas naintriga ako ay doon talaga sa narinig ko. Napalabas si Sky ng classroom? At management pa! Major subject yun!
Medyo may pagka-stalker ako kaya naman alam ko kung kailan ang management class ni Sky. After lunch yun. 1:00 PM – 2:30 PM. Yun din yung mismong oras na free time ang aming klase. Yun din yung mismong oras na ka-chat ko si Ash sa Facebook. At yun din ang oras kung kailan nahuli si Sky at napalabas sa classroom dahil may katext siya.
OMG. Posible kaya yung naiisip ko?
Matanong nga mamaya si Shibama.
***
Habang nasa tricycle ako pauwi sa dorm ay hindi ko talaga maiwasang hindi mapa-isip. Ayoko namang maging assuming pero yun lang talaga ang naiisip ko sa ngayon. Siguro, women’s instinct? Mother’s instinct? Basta, yung ganun. Wait, teka, hindi pa naman ako nanay ah! Bakit naman may mother’s instinct?! Kaloka. Nakakabaliw talaga kapag tungkol kay Sky.
Pagdating at pagbukas ko palang ng pintuan ng dorm ay sinalubong ako agad ng mga yakap ni Shibama. Hindi ko alam kung bakit niya ako niyakap pero niyakap ko nalang din siya pabalik.
“Shibs, bakit mo ako niyayakap?” tanong ko.
“Shh. Alam kong may problema ka. Namamaga kaya yung eyes mo. Mind telling me what is it?” sabi niya habang yakap yakap pa rin ako.
“H-Ha?” nabasag ang boses ko. Oo nga pala at grabe yung pag-iyak ko kanina.
“What is it? Ano nanaman ang ginawa sa iyo ni Sky?”
“Ah. Shibs, wala. Umiyak lang ako kanina kasi medyo nagkasagutan kami ni ate Janina.”
“Janina?” lumayo sa akin si Shibama. Sumeryoso ang mukha niya.
Kapag si Janina ang topic, medyo nagiging sensitive si Shibama. Alam ko rin kung bakit – kasi kahit hindi na sila okay ngayon ni Janina ay alam kong mahal pa rin ito ni Shibama dahil kahit papaano ay may pinagsamahan pa rin sila nito. Kung tutuusin nga ay mas mahaba pa talaga ang pinagsamahan ni Shibama at ni ate kumpara sa pinagsamahan namin ni Shibama.
Kinwento ko sa kanya ang lahat. Inarte ko pa nga sa kanya yung ilang mga sagutan namin kasi ni-request niya eh. Kahit nagmumukha akong tanga sa pag-uulit ko sa aking sarili ay okay lang. Basta maintindihan ni Shibama ang mga nangyari.
Kahit maikling panahon ko lang nakasama ang ate at galit pa siya sa akin, natumbok ko na talaga ang pag-uugali niya. Mahina siyang tao. Kailangan niya ng pagmamahal. Pero ayaw niyang aminin na kailangan niya ito. Pinipilit niyang maging malakas o magmukhang malakas para hindi siya kaawaan ng mga tao.
Sabi nga ni Shibama, ganun lang talaga ang pag-uugali ng ate kahit na noong make-up artist pa siya nito. Sinabi sa akin ni Shibama na mabait na tao si ate Janina. Masyado lang siyang nilalamon ng kanyang mga sariling 'monsters'. Pero oras na makilala mo siya ng tuluyan, para lang din siyang isa sa mga normal na babaeng nasasaktan, naiinggit, at nalulungkot.
“Sa ngayon, just let her be. But always be there for her.” Sabi ni Shibama.
“Paano?”
“Huwag mo siyang pansinin dahil itataboy at itataboy ka lang din niya. Pero huwag mong ipaparamdam sa kanya na hindi mo siya inaalala. Kayo ni Dave. Pati na rin ako. Even though that she fired me and all, I see to it that I text her telling her how beautiful she is even without my help. Get it?”
Tumango ako. Tama si Shibama. Pero sa totoo lang, medyo hindi ko nagets yung huling sinabi niya. Slow ko talaga. Pero syempre, um-oo nalang ako. Baka kasi masira pa yung mood na serious kapag sinabi ko na di ko gets eh. Tsaka baka isipin ni Shibama na bobo ako. Ang lalim kasi eh. Nalunod yata yung brain cells ko. Hehe.
Habang naghahanda kami ni dinner namin na cup noodles ay bigla kong naalala yung mga narinig ko kanina sa CR ng mga babae.
“Ah Shibs, may isa pa pala akong chika.” Panimula ko.
“What is it? About Janina again?”
“Hindi.. tungkol kay Sky.”
“Oh? What about him?”
“Kasi may narinig ako kanina sa CR, napalabas daw si Sky ng classroom nung management time kasi may ka-text daw siya. Eh yun yung oras na ka-chat ko si Ash. Hindi kaya…”
“SI ASH AT SI SKY AY IISA?!?!?!” tili niya.
“Hindi! Hindi kaya…”
“SI SKY ANG GUMAGAMIT NG FB NI ASH BABY KOOOO?”
“Oo? Yun kasi yung naisip ko.” Nag-aalinlangan kong sinabi.
“Question, chinachat ka ba madalas ni Ash ngayon?” tanong ni Shibama. Nakapamewang pa ang bruha.
“Umm… oo?”
“Chinachat ka ba madalas ni Ash noong kayo pa ni Sky? Nung hindi pa alam ni Sky ang the truth?!”
“Hindi?”
“OMG! It is possible na si Sky pala ang ka-chat mo all along!!!”
“Paano?! Ibig-sabihin hinahack niya yung FB ni Ash?”
“Why don’t you ask Ash? Kung alam ni Ash yung mga napag-chat-an niyo?” tinasaan niya ako ng kilay. Oo nga noh. Tatanungin ko nga si Ash bukas.
“Or better, why don’t you chat Ash now? And ask him things na only you and Sky knows! It’s a trap! Kapag nasagot niya ito ng tama! Then 100% siya nga si Sky! And he is the one chatting you ever since!!!”
“Sa tingin mo ba e-effect yun?” nag-aalangan nanaman ako. Paano kasi kung si Ash talaga yun ‘di ba?
“Let’s just try it now!” excited na sinabi ni Shibama sabay bunot sa aking bulsa ng cellphone ko. Dali dali niyang binuksan ang FB at sinumulang i-chat si Ash.
Alynna: Ash? Ash?
Alynna: Ash??
Ang kulit naman nitong makipag-chat ni Shibama. Lagot na talaga. Mukhang hindi ko na rin kasi ma-aagaw sa kanya ang aking cellphone. Ang higpit ng kapit niya eh. Kulang nalang madurog na yung cellphone eh.
Ash: Why are you not yet sleeping?
Alynna: Wala lungs. Namiss kasi kita hihihi pakiss naman!!!
“Shibs!!! Ano ba! Ano ba yang tinatype mo! Nakakahiya! Baka kung ano pang isipin nila!” saway ko kay Shibama. Pinipilit kong kunin yung phone ko pero ayaw talaga niyang ibigay!
“Okay lang ‘to girl! Chill! Just tell me something that only you and Sky know! Now na!!!”
Napa-isip ako doon, ano bang bagay ang kami lang ni Sky ang nakakaalam?
Ash: WHAT?
Ash: I thought you love Sky? What happened?!
Alynna: Si Sky kasi ayaw na sa akin kaya tayo nalang kaya?
Ash: The fuck?
Ash: Are you Ynna?
Alynna: Are you Sky?
Ash: What?
“Thunder necklace!!! Kami lang ni Sky ang nakakaalam nun!” sabi ko kay Shibs. Tumango naman siya agad at nag-chat ulit.
Alynna: I lost your thunder necklace.
Ash: WTF?! Stop kidding me! You are wearing it just a while ago.
Alynna: How can you see me wear it when you are in a business meeting a while ago?
Ash James Anderson is now offline.
Nang ipinakita sa akin ni Shibama ang buong pag-cha-chat nila ni Ash ay doon ko napagtanto na may pag-asa nga talagang siya si Sky at hindi siya si Ash. Pero kailangan kong makasigurado kaya tatanungin ko pa rin si Ash bukas. Friday na bukas kaya kailangan maayos ko na ang lahat bago mag-weekend.
Nakakatawa kasi nag-e-english si Shibama sa chat. Halatang hindi ako iyon. Ni hindi ko nga alam ang tamang pag-gamit ng present at past tense eh. Pero nung nabasa ko din ang chat nila ni Ash na mukhang si Sky, doon ay nakaramdam din ako ng matinding kilig. Yung tipong kilig na nagpapalimot sa akin ng lahat ng problema ko. Ganun ang epekto sa akin ng kilig galing kay Sky.
“Hoy Ynna dear, huwag ka munang masyadong kiligin.” Sabi ni Shibama.
“Bakit? Bawal?” paghahamon ko sa kanya.
“Kasi hindi mo pa rin nagegets yung sinabi ko kanina tungkol kay Janina. Ha! Kala mo di ko pansin noh? Hahahaha! Kilalang kilala na kita, girl. Goodnight!” sabi ni Shibama sabay talon sa kama niya at nagtalukbong ng kumot.
Aba! Kainis! Kinikilig na sana ako eh. Naging kilig na may kasamang inis tuloy! Grr! Makatulog na nga rin.
***
Umagang-umaga ay naririto nanaman ako sa the black room ng The Vengeance. May meeting de avance nanaman kasi kami. Hanggang ngayon ay wala pa ring team na nananalo kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin kami okay ni Sky. Nakakatawa lang.
Gagamitin ko na ang pagkakataon na tanungin si Ash kung ano ba talaga ang nangyayari sa mga chat namin. Narito na kasi si Ash ngayon. Sinenyasan ko siya na sumunod muna sa akin sa gilid ng black room para makapag-usap kami ng pribado na siya namang sinunod niya agad. Nang nakarating kami sa gilid ng black room ay tinanong ko agad siya.
“Ash! Chinachat mo ba ako?”
“Huh?”
“Sabi ko… chinachat mo ba ako?”
“Aly, I don’t get what you’re saying.” Mukha siyang nalilito.
“Ganito nalang, chinat mo ba ako sa FB kahapon, after lunch?”
“No. I’m on a meeting. Wait.. Is someone chatting you using my name?”
“Oo. Lagi. Nagfe-facebook ka ba, Ash?”
“No. I don’t use my facebook account. But there’s this one guy who knows my facebook password. And I guess you know who he is.”
“Sky…” sabay naming nasambit.
“So all this time, Sky was using my facebook account to chat you?” natatawang sinabi ni Ash.
“He even told me before that he does not need any help coming from me. That boy, haha.” Dagdag pa niya.
“Edi gusto pa rin talaga ako ni Sky? Hindi ako nananaginip?” tanong ko kay Ash. Punong puno nanaman ako ng pag-asa. Kainis.
“It’s pretty obvious, Aly. There’s really a strong possibility of you two getting back together. Just wait and be patient.”
Sasagot pa sana ako ng ‘Nosebleed’ pero hinila na kaming dalawa ni Austin mula sa sulok at pinaupo kami sa mga upuan kung saan maririnig ng lahat ang aming pinag-uusapan.
“Mind telling us what you two are talking about?” tanong ni Clyde. Mukhang pang-detective ang tono niya.
“Hoy, Ash, si Alynna kay Sky na yan. Walang sulutan dito hoy!” si Erick.
“Kung sulutan nalang din, edi akin nalang din si Aly? Pwede? Pwede!” si Viel.
“Tss. We are just talking about something. Something that you guys don’t need to know.” Sagot ni Ash sa kanila. Wala nang nakasagot pa kay Ash. Natahimik nalang sila bigla. Haha.
Katahimikan…
“Anyway, I have a plan.” Si Chase. Wait, teka. Si CHASE?! NAGSALITA SI CHASE?!
“CHAAAAAAAAAAAAASE?!?!?!?!” sabay sabay naming sigaw. Nakapagtataka kasi talaga. Kasi minsan lang talaga siya magsalita.
“Shout again or I’ll just keep my plan to myself.” Sagot niya na nagpatahimik sa aming lahat. Sobrang controlling ng boses ni Chase. Medyo pa-fall din pati yung face. WAAA! No! Kay Sky ako! Hehe! Malandi! Grr!
“Ano ba yung plano?” tanong ni Erick.
“I want Aly to talk to Sky first. And if Sky still ignores her, the plan will be made whether Aly likes it or not.” Sagot ni Chase. Wow ha, nakiki-Aly na rin siya. Close na kami! Pero wait, kakausapin ko muna si Sky?
Hindi na ako nakapag-tanong pa dahil nag-time na para sa aming unang klase. Mag-usap nalang daw muna kami sa lunch para malaman kung gagawin pa ba yung plano o hindi. Kitang kita kanina sa mukha ng mga The Vengeance na sobrang na-eexcite sila sa plano ni Chase. Ipinagdadasal pa nga kanina ni King na sana hindi daw ako pansinin ni Sky para daw magawa yung plano ni Chase.
Paano ba naman daw kasi, kapag si Chase daw ang gumawa ng plano, buwis buhay daw lagi. Pero lagi daw effective. Napaka-tahimik na tao ni Chase pero kapag nagsabi daw siya, iyon daw ang laging sinusunod ng grupo kahit pa na si Ash ang kanilang leader. Medyo kinabahan tuloy ako sa kung ano man ang naiisip ni Chase. Sana pansinin nalang ako ni Sky para hindi na matuloy. Ayaw ko naman magbuwis buhay! Bata pa ako at marami pa akong pangarap!
Pero nagkamali ako. Nang subukan kong kausapin kanina si Sky bago kumain ng lunch, hindi niya ako pinansin. Eh ang tanga ko lang din kasi. Imposibleng pansinin niya ako lalo na sa naging chat namin kahapon kung saan hinuhuli siya ni Shibama. Idagdag pa natin yung nakita niyang yakapan namin ni Dave. Kaya eto, no choice ako. Pagkatapos kong kumain ng lunch ay dumiretso na ako sa The Black Room para tanungin kay Chase kung ano man yung planong naiisip niya.
“… and it’s called the Rooftop Plan.” Pagtatapos ni Chase sa kanyang paliwanag. Buwis buhay nga! Lagot!
Hindi na ako nakatanggi pa. Mukhang wala na rin akong kawala dahil excited na excited na ang lahat ng miyembro ng The Vengeance sa plano ni Chase. Lord, kayo nang bahala sa akin at sa buhay ko. Kakain nalang ako ng noodles mamaya para long life pa rin.
Mabilis na nagdaan ang araw at narito na ako ngayon at inaayos na nila King at Dwight ang mga harness ko sa katawan. Nakaka-ilang paalala pa ako sa kanila na ayusin nila ang pagkakatali sa akin dahil ayaw ko pang mamatay. Tinatawanan lang naman nila ako.
Ano nga ba yung plano ni Chase? Papatalunin lang naman niya ako sa Rooftop ng buong ECB kapag hindi pa ako pinatawad ni Sky. May naka-handa naman daw na parachute sa likuran ko kaya naman daw safe na safe daw ako. Pero syempre nakakatakot pa rin! Unang beses ko palang ‘to gagawin sa buong buhay ko at gagawin ko lang ito dahil kay Sky! Hayup na pag-ibig ito, oo!
Kinakabahan talaga ako!!! Ang dami nang nakatingin sa akin sa iba’t-ibang floor ng ECB! Mahuhuli nanaman kami ni Dean nito eh! Paano ba namang walang makakapansin sa amin, eh meron pa kasing nakapaskil na ‘Sky, patawarin mo na ako, please! Kung hindi, tatalon ako sa rooftop!!!’.
***
• SKY JAMES ANDERSON •
First. Time.
Man, this is the first time that I was told by the professor to get out of the room due to texting. Well, that was chatting. I have seriously done a lot of firsts and all of that concerns Ynna. Damn, I miss her so much. Could this be the right time for us to start over again? Tss. Too dramatic.
I hate how I risked myself and my grades all just to chat with her and then what I’ll see are chats with ‘Caloys’ and ‘Daves’. Looks like they are really getting close to Ynna as the days went by. But that kiss we shared was the best I ever had in my life. That kind of kisses from ynna, I know that she only can give that to me and not to anyone else. Not even to Dave, Caloy or Ash.
But yesterday when I saw her talking with Janina, that kind of got my heart. I realized that Ynna has been on a lot of hardships these past few days. She is trying hard to fix our relationship while trying to fix her relationship with her sister too. She is a very strong girl for always being positive to believe that things can still work for the both of us.
Yesterday night was the mystery. She chatted me and she started talking in English. She was even calling me by my name. I think she’s trying to catch if it was really Ash she is talking to. I was very sure that I can play her game. But when she talked about the Thunder necklace I gave her, I panicked. And I guess she won. By the way I reacted, I knew that she already had the answer she was looking for.
I lost this time. Well, I never won against her.
*KRIIIIING KRIIIIING*
Ash Calling…
“Tss. What’s with the call?” I started.
[Bro! Hahaha! I found out something.]
“What?” I said. Annoyed. I think I already know what he was about to say.
[You were using my facebook to chat Aly! Gotcha! HAHAHA!]
“I’m not gonna use it anymore.”
[But you told me that you won’t need any of my help! Just say thanks to me and everything would be alright!]
“Thanks.” I said.
Silence…
[Wow. You really said it.]
“You asked for it. Tss.” I said. But somehow, I am really thankful.
[Wow, bro. You already know how to say ‘Thank you!’. That’s a freakin’ achievement! Is that what love does to you? Damn! I need a girlfriend now!]
“Tss.”
[You have fallen really hard for her, Sky. I can’t blame you though. She really is a diamond in the rocks. Get her fast. Or I’ll get her instead. Mark my words.]
I was about to answer him ‘Fuck You’ or ‘Dream On’ but he already put the phone down. Arg! Is he falling in love with Ynna too? For real? I must really make my moves now. I don’t want any guy for Ynna but myself. I need to get her back as soon as possible. Damn! I will need to put my pride to zero.
I was ready to go look for Ynna when I saw two annoying girls coming my way. It was Karen and Debbie. The Fake friends.
“What?” I asked.
“Sky! Magpapakamatay na si Ynna! Save her!!!” It was Karen.
“Oo nga Sky! Tulungan natin si Ynna!!!” it’s Debbie.
“You think I’m gonna believe you?” I said with a blank face.
“Nag-aalala lang kami kay Ynna! We were still her friends!”
“If you don’t believe us, we have a proof! We have a video! Just try to look at it!”
They showed me a clip where in Ynna was tied on a harness at the rooftop with a tarpaulin that says ‘Sky, patawarin mo na ako, please! Kung hindi, tatalon ako sa rooftop!!!’. The time of the video was 10 minutes from now which means she is still at the rooftop by this moment! When I looked at the sky, it has already started raining. It means that if Ynna is still there, she is now soaking wet. Fuck!
I looked at the girls who approached me. They do look really concerned about Ynna. All I thought was they already hated Ynna for lying to them. But it felt different. I can see in their eyes that they really cared for Ynna and they really treat Ynna as one of their true friends. The worry I see in their eyes is pure and clean. I somehow feel the same way right now, knowing Ynna’s situation. I have to make my move to save her. I need to save my princess.
“You still treat Ynna as your friend after all the lies she did to you?” I asked them.
“Ask yourself, Sky. Because we have the same answer.” Karen said.
“We better go now. Tumakas lang kami kay Janina to tell this to you. Take care of Ynna for us, please? We miss her so much.” Debbie said.
“I will.” I said before I nodded and we part ways.
I immediately went to the school ground. Up there, Ynna is still on her harness and she is already very wet. I can see King and Dwight trying to tell Ynna to go down already because of the weather but it is Ynna who does not want to. She is being hard headed again.
“GO DOWN THERE!” I shouted.
Her face lit up when she saw me. We are both wet and we are looking at each other eye to eye. It feels that there are no words that is needed for the moment. Everything seems to be just perfect. It's like in the movies.
“Hindi ako bababa hanggang hindi mo sa akin sinasabi na okay na tayo!” she shouted back.
Before I answered to her, I threw a glance at Karen and Debbie who nodded. Also, I looked at Janina and she looked like she has holding back her tears. I looked at the Vengeance who’s giving me the sign to say yes. Even the Dean, she was smiling at me when I looked up to see her. Seems like everything is already perfect. Who am I to ruin this perfect moment?
“Of course! We are okay!” I said.
After I said that, tears went flowing at Ynna’s face and also at mine. The Vengeance helped Ynna go down to where I was. And when Ynna was already in front of me, I know that she was expecting a hug or a kiss. But then all I did was a tease. Teasing this girl has always been a habit of mine. She must live with that.
I went closer to her, so close that it would feel like kissing her cheeks. But then I just told her something.
“We are 99% okay.” I whispered with a smirk.
Guess I didn’t actually made my pride zero. Because if I did that, I won’t be Sky.