Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 46 - Chapter 40 - Note

Chapter 46 - Chapter 40 - Note

A/N

20 chapters to go and MWG’s about to end na!!! Ang bilis ng panahooon! I hope na samahan niyo pa rin ako until the end.Thanks for 300K reads. Thanks for the support. Thanks for everything! :> I. HEART. YOU. ALL. ♥ mhariz/ Next UD: Feb 7/8

--

• ALYNNA MARIE PAREDES •

Pagising ko palang ay humarap na ako agad sa salamin at nag ‘Game Face On’. Sabi nga ni Shibama, kailangan kong maging motivated sa aking pagpapaamo kay Sky. Kailangan naming magkabati sa lalong madaling panahon. Kung nagmamatigas siya sa pag hindi pagpansin sa akin, dapat mas matigas ako sa pagsusuyo sa kanya. Hindi ako magpapatalo. Masyado na akong maraming isinakripisyo para sa relasyon na ito. Hindi ito ang oras para sumuko.

Habang inaayusan ako ni Shibama ng kanyang famous ‘Waterfall Braids’ ay tinuturuan niya ako ulit sa pag-aarteng gagawin ko sa pagpapanggap kong may sakit mamaya.

“Okay girl! Gagawin kong maputla ang make-up mo ha. Tapos later lalagyan kita ng prostetics!!!”

“Anong prostetics?!”

“Yung kunwari may sugat ka! Kunwari nauntog ka kasi sa sahig ng kalsada kakaisip kay Sky!”

“Shibs naman eh. Ginagawa niyo naman akong tatanga tanga eh.”

“That’s all for Sky!”

“Sige na nga… Hay nako.”

“At saka dapat kapag may sakit ka, dapat lagi ka nakatingin sa ilong mo.”

“Yung parang duling?!”

“Uh-huh. Also, yung boses mo dapat parang ganito.” Kinuha niya ang kanyang cellphone at may pinakitang video ng ‘Happy Tree Friends’.

“Ha?! Parang hindi naman sila may sakit sa tono ng boses nila ah? Tsaka ano ba yung sinasabi nila?!”

“Ganun talaga. Iba nga ang case mo eh. Parang nabaliw ka na kasi hindi ka pinapansin ni Sky. Kaya ganyan dapat ang boses mo. At magkakaprostetics ka sa ilong. Tapos maduduling ka pa! Perfect!!! Siguradong mag-aalala talaga siya sayo ng bongga!”

“Hay… Bahala na.”

Pagkatapos akong ayusan ni Shibama ay dumiretso agad ako sa ECB dahil tumawag si Ash na mayroon daw kaming meeting na gaganapin bago magsimula ang klase. At bago magsimula ang plano. Pagpasok na pagpasok ko sa black room ay naroon na nga silang lahat. Bago pa man akong makasalita ng kung ano ay binigyan na nila ako ng isang papel kung saan ito ang nakasulat:

TEAM A: Fake Sick Technique

Ash

Erick

Chase

Austin

TEAM B: Harana Technique

Clyde

King

Viel

Dwight

“Ano ‘to? Team A? Team B?” tanong ko sa kanila.

“Pinahati ko sila sa two teams para mag-isip ng mga iba pang plano na makakapagbati sa inyong dalawa ni Sky. Dapat continuous ang plano. At ang team na makakapagbati sa inyo ni Sky ang panalo! At may prize sila!” nagulat ako nang narinig ko ang boses ni Shibama. Nakaspeaker phone pala si Ash at kausap niya si Shibama. Hanep. Parang kakaalis ko lang sa dorm tapos ngayon kausap na niya agad si Ash.

“Ano naman yung prize?”

“Secret girl!”

“Baliw ka Shibs! Ewan ko sayo! May pa-team team ka pang nalalaman dyan!”

“Bye! Love you girl! And goodluck to the teams!” binaba na niya ang cellphone.

Humarap ako sa The Vengeance at tinaasan sila ng kilay. Tumango lang sila at sinenyas na sumasang-ayon sila sa naging plano ng bakla. Huminga nalang ako ng malalim. Mukhang wala naman na akong magagawa kung hindi sumunod sa kanila.

“Teka teka, ano naman itong Harana technique?” tanong ko sa Team B.

“Basta! Nakakasigurado kaming mas gagana ito sa technique ng Team A.” pagmamayabang ni Clyde bago tinignan ng masama ang mga nasa kabilang team.

“Hindi ah! Mas maganda itong fake sick!” pagkontra naman sa kanya ni Austin.

Gusto ko pa sana magtanong ng kung ano ano at gusto ko sanang  iexplain nila sa akin ang lahat pero nag-talunan nalang silang magkakaibigan sa kung sino ang team na mas magaling mag-isip ng plano at kung sino ang magwawagi. Tinignan ko nalang sila. Parang silang mga bata na nag-aaway away sa kung sino ang mas magaling sa laro nila sa game boy. Nakakatuwa ring isipin na nagaaksaya sila ng panahon nila para sa sa amin ni Sky. Doon ko narealize na sa dami dami ng problemang dumarating sa akin, may mga bagay pa rin talagang dapat akong pasalamatan. At yun ang mga tunay na kaibigan na gumagabay at tumutulong sayo ng walang kapalit.

Dahil nagtatalunan pa rin sila, minabuti kong lumabas nalang ng black room at pumasok na sa una kong klase. Pero bago pa man ako makarating sa una kong klase ay biglang may sumampal sa akin.

“Aray!” napasigaw ako.

“Masarap ba? Kulang pa yan sa lahat ng kalandian mo!” sigaw sa akin ni Farrah.

“You are such ah slut!” sigaw naman ni Janina. Namumula ang mga mata niya sa galit. Hindi niya kasama sila Debbie at Karen.

Sasampalin pa sana nila ako ulit pero pinigilan ko ang mga kamay nila. Ayoko na maging kawawa. Ayoko na yung nagpapatalo.

“At magkakampi na kayo ngayon? Oh Farrah? Nasaan na yung mga alalay mo? Iniwan ka na?” tinignan ko ng masama si Farrah. “At ikaw ate? Asan na sila Debbie at Karen? Nagsawa na sayo kasi nakita na nila ang tunay na baho ng ugali mo?” palakas ng palakas ang boses ko. Naiinis na rin kasi ako.

“How dare you!!!” sasampalin niya sana ako ulit pero sinangga ko iyon ng aking braso.

“Hindi ako natatakot sa inyo! Pare pareho lang tayong estudyante dito at wala kayong karapatan maltratuhin ako!” sigaw ko.

Huminahon sila ng kaunti pagsigaw ko. Pero unti unti ring ngumiti. Ano ba sila, mga baliw?

“Pababagsakin ka namin, Alynna.” Si Farrah.

“Hindi ako natatakot.”

“Oh really? What if we tell Sky your plan? We heard na magpapanggap ka lang na may sakit to win him back.” Si Janina. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun?!

“We are watching you, Alynna. All your moves.” Dagdag pa ni Farrah na tila sinagot ang tanong ko sa isip ko.

Hindi ako nakasalita pa. Hindi pwedeng malaman ito ni Sky. Lalo lang siyang magagalit.

“Ano? Natameme ka noh?! Stupid bitch. Excited na tuloy akong malaman ito ni Sky! Magkaklase pa naman kami ngayon!” masayang sambit ni Farrah.

“Mga hayop kayo. Hindi kayo magtatagumpay.” Mahina kong sinabi.

“We will do everything to pull you down, little sister. EVERYTHING.” Sabi ni Janina. Hinawakan pa niya ang baba ko at umiling-iling bago nila ako iniwang nakatulala.

Sabi ko kanina ‘di ba ay hindi na ako magpapatalo?! Pero bakit parang naging talunan nanaman ako ngayon? Kailan ba ako makakaganti sa lahat ng ginawa nila sa akin? Alam kong masamang gumanti pero sobra sobra na talaga sila.

***

Buong klase ay hindi ako mapakali. Ilang beses rin akong napagsabihan ng professor kasi nakatingin lang ako sa malayo. Natatakot akong baka nasabi na nila Janina at Farrah kay Sky ang lahat. Natatakot akong baka umuusok na ang ilong ni Sky sa akin mamaya.

Pagdating ng lunch, imbis na kumain ay pumunta muna ako sa library para makigamit ng computer para makapag-internet. Naglog-in agad ako sa facebook at kinausap si Ash. Buti nalang at online siya.

Alynna: Ash! Huhuhuhuhuhu

Ash: What’s with that huhu again?

Alynna: Kasi sila Janina at Farrah

Alynna: Inaaway nila ako….

Alynna: Nalaman nila yung plano!!!

Ash: What plan?

Alynna: Ano ka ba Ash! Ulyanin lang ang peg? Yung pagpapanggap kong may sakit! Sasabihin daw nila kay Sky!!!! Lagot na ako super galit na siguro sa akin ni Sky ngayon. Patay na ako lagot na

Alynna: WAAAAA

Alynna: Imbis na magkabati kami lalo pa yatang lumala!!!!

Ash: Hahaha

Alynna: Anong hahahaa?!?! Tatawa tawa ka pa dyan!

Alynna: Kala ko ba kakampi kita

Alynna: Kainis ka ah

Ash: Don’t worry about me. Everything will be alright.

Alynna: Anong don’t worry about you?

Alynna: Excuse me hindi ako nagwoworry about you no! Kay Sky! Feelingero ka din no?! Hehehe joke

Ash: Ah. I mean. Don’t worry about my brother. He will not be mad.

Alynna: Paano mo nalaman?

Ash: I just know.

Alynna: Ewan ko sayo. Bahala ka na nga. Bye. Lalafang lang ako ng lunch. Babu

Nag-log out na ako. Kumain lang ako ng kaunti sa cafeteria tapos bumalik na ako sa klase ko.

Pagdating ng dismissal ay nagtipon tipon na kami ng Team A sa clinic kasama syempre si Nurse Arlene.  Syempre part na din ng Team A si Nurse Arlene kasi Team A si Austin eh. Kunwari lang silang nag-aaway pero alam ko naman inlove na inlove sila sa isa’t isa kaya hindi sila mapaghiwalay. Buti pa sila.

“Ash, kinakabahan talaga ako.” Sabi ko.

“Huh? Why?” tanong niya sa akin. Yung parang nag-mamaang-maangan na parang hindi niya alam yung napag-usapan namin kanina sa chat.

“Tse. Kainis ka talaga.” Inirapan ko nalang siya. Nakita kong nagtinginan sa kanya sila Chase, Austin, Erick at Nurse Arlene. Nagbikit-balikat lang siya. May saltik din pala itong si Ash. Akalain mo yun? Gwapo nga, may saltik naman.

Mamaya pa konti ay unti unti na naming isinagawa ang plano. Pinahiga na nila ako sa kama at sinimulan nang lagyan ako ni Shibama ng prostetics. Oo. Narito nga si Shibama. Binigyan kasi siya ni Nurse Arlene ng clearance para makapasok sa ECB clinic.

Medyo makati ang prostetics na nilagay sa akin. Mukhang ketchup pa yata yung kunwaring dugo. Nilagay nila iyon sa pinakadulo ng ilong ko. Daig ko pa si ‘Rudolf the red nose reindeer’ sa pula ng ilong ko. Hindi naman ako pwedeng umapila dahil magagalit sa akin si Shibama at ang buong Team A. Mukhang excited na excited pa naman sila sa plano. Hindi ko alam kung naeexcite ba sila na magbati kami ni Sky o naeexcite lang silang paglaruan ang ilong ko.

Nang natapos nang ayusin ang ilong ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang galing ngang gumawa ni Shibama ng prostetics. Mukha kasi akong babaeng nginudngod ang sarili ko magaspang na kalsada ng ilang beses. May effect pang kunwari lumabasyung buto sa ilong ko. Kadiri talaga itong si Shibama. Itong Team A naman ng The Vengeance, tuwang tuwa. Pinicturan pa nila ako. Remembrance daw. Ako namang si uto uto, ngumiti rin.

“Tawagan na natin si Sky.” Si Erick. Excited.

“You ready, Aly?” tanong sa akin ni Austin.

Tumango nalang ako. Bahala na talaga si batman.

*KRIIIING KRIIIIING*

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nagriring yung telepono ni Austin na tinatawagan si Sky. Hindi ko alam kung maisasagawa ba ng maayos ang plano. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang umiyak ng pareho sa Happy Tree Friends.

[Yes, Aus?] si Sky! Rinig ko agad ang boses niya kasi ni-loud speaker ni Austin ang cellphone niya.

“Sky! Si Ynna! Dali! Punta ka na dito sa clinic!”

[What’s with her?] mahinahon lang ang boses ni Sky. Para siyang walang pakialam sa akin. Kumirot ng kaunti ang puso ko doon.

“Nadapa siya! Dumudugo ang ilong! Umiiyak siya! She needs you bro!” pag-iinarte ni Austin. Parang hindi naman totoo. Halatang trying hard.

[You are kidding me.] wala pa ring gana ang boses ni Sky.

“Hindi ka namin niloloko! Pakinggan mo pa ang iyak niya!”

Sinenyasan nila akong lahat na umiyak na. Hindi naman ako marunong umarte pero ginawa ko nalang din. Hindi ko alam kung kapani-paniwala pero sinubukan ko nalang din.

“Nyenyenyenyenyenyenye-nah! Nyenyenyenyenyenyenye-nah!” iniyak ko katunog ng Happy Tree Friends.

[HAHAHA!] narinig kong tumawa si Sky sa kabilang linya. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pag-iiyak kong peke.

“Nyehuhuhu, sakit ilong ko huhuhu. Nyehuhuhu.”

Nagthumbs-up sa akin sila Shibama. Ibig sabihin ay nagugustuhan nila ang pag-iiyak ko. Kumindat naman ako sa kanila at nagthumbs-up na din. Success.

[Don’t fool me.] biglang sinabi ni Sky na nagpatigil sa amin.

“We are not fooling you bro! Kailangan ka niya!”

[Later.] sabi ni Sky bago niya ibinaba ang linya.

Katahimikan…

Nagkatinginan nalang kaming lahat. Parang wala man lang kasing ni anong epekto kay Sky ang pagkakasakit ko. Siguro nga at sinabi na nila Farrah at Janina sa kanya ang plano kaya naman ganun nalang ang naging reaksyon niya. Bakit ba naman kasi ako nagtiwala kay Ash na okay lang ang lahat. Tumulo bigla ang luha ko. Hindi ko na napigilang hindi umiyak.

Nagdaan ang ilang oras at unti unti nang dumilim ang kalangitan. Ni wala man lang anino ni Sky na dumating. Sinabi na rin nila Ash na baka hindi na nga darating itong si Sky. Failed ang naging plano namin. Isa isa na silang nagpaalam sa akin. Naiwan nalang kaming dalawa ni Shibama sa clinic. Hinihimas himas nalang ni Shibama ang ulo ko para mapagaan ang loob ko. Alam kong hindi siya aalis hangga’t hindi ako umaalis.

Maya maya pa at tumunog ang cellphone ko. May wifi nga pala sa clinic kaya’t tumunog ang cellphone ko nang may nag-chat sa akin sa FB. Pagtingin ko kung sino, si Ash nanaman.

Ash: It has been 3 hours, hihintayin mo pa ba siya?

Alynna: Oo nga.

Pinatay ko na ang cellphone ko pagkatapos kong magreply kay Ash. Nagdaan pa ang isa pang oras at nakikita kong pagod na din si Shibama. Aayain ko na sana siyang umuwi nang biglang may bumukas ng clinic at doon nakita ko ang taong kanina ko pa gustong makita.

“S-Sky...” sabi ko nang lumapit siya sa akin. Sobrang nakatitig siya sa ilong kong may prostetics at sa mga mata kong namamaga dahil sa pag-iyak. Nakita ko sa gilid ng mata ko na umiiling si Shibama na para bang may nakikita siyang mali at hindi dapat mangyari.

Nagulat nalang ako nang hawakan bigla ni Sky ang prostetics sa ilong ko at tanggalin ito ng marahan. Pinunasan din niya ang aking luha gamit ang kanyang kamay. Sa pagkagulat ay tinignan ko nalang siya pero maaliwalas ang mukha ni Sky. Parang hindi siya nagagalit sa nalaman niya.

“Tuyo na yung prostetics mo kaya tinanggal ko na.” sabi pa niya.

“Sky... sorry…” paiyak nanaman ako. “Nagpanggap nanaman ako.”

“I’ll give you an A for effort. But you have to try harder.” Sabi niya bago siya lumayo sa mukha ko. Akmang magwawalk-out na siya nang pigilan siya ni Shibama.

“Papa Sky! Magta-try hard na talaga si Ynna! At dahil dyan! Hihiwain ko na talaga ng tuluyan ng ilong niya!” Sigaw ni Shibama. Naglabas pa siya ng pocket knife! Nanlaki ang mga mata namin ni Sky dahil papalapit na siya sa akin!

“Don’t you dare touch her!” seryosong sigaw sa kanya ni Sky bago pa man ako makatili. “Or else I’ll kill you.” Banta pa niya bago niya tinuloy ang kanyang laging ginagawa, ang pagwawalk-out.

Nagkatinginan nalang kami ni Shibama pagtapos.

“Papatayin daw niya ako girl! He’s so scary!!! I’m just joking lang naman!!!” nanginginig ang boses ni Shibama habang yakap yakap ang sarili. Halatang natakot.

Pero ako, hindi ko alam kung tama ba itong naramdaman ko. Pero nakaramdam ako ng kilig.

***

Marami ang nangyari kahapon. Pero isa lang ang sigurado ako, hindi nagwagi ang plano ng Team A. Kaya naman narito ako ngayon sa gym ng ECB at nagprapractice ng plano ng Team B kung saan miyembro sila Clyde, King, Viel at Dwight. Ang mga makukulit sa The Vengeance.

Ano nga ba ang ginagawa namin? Nagprapractice lang naman kami ng dance steps ng sasayawin at ililipsync ko mamaya. Yung ‘You Belong With Me ni Taylor Swift’.

“Sigurado ba kayong gagana ito?” tanong ko sa kanila. Hingal na hingal na kasi ako. Ang daming kembot!

“Oo naman, mas magaling yata ang Team namin!” pagmamayabang ni King.

“Tama na daldalan! Practice na ulit!” pamumuno naman ni Clyde.

Narito ako ngayon sa aking huling klase bago matapos ang araw. Sa dismissal kasi namin ulit gagawin ang plano kong pang-haharana at pagsasayaw kay Sky. Medyo nagmumukha na akong tanga pero okay lang. Iniisip ko nalang na hindi ko naman ito ginagawa para sa kung sino sino lang. Si Sky ang pinag-uusapan dito. Yung lalaking mahal ko.

Nang natapos ang klase ko. Tinawagan na ako agad ni Dwight na maghanda na ng aking cheer leader costume na binigay ni Viel. Medyo sexy ito dahil may pagkamaniac lang talaga si Viel pero sinuot ko nalang din. Kita yung cleavage at tiyan ko pero hindi naman masagwa tignan sa akin kasi payat ako eh.

Pumwesto na kami sa ECB grounds at ang tanging hinihintay nalang namin ay ang pagdaan doon ni Sky. Oo at may mga kasama akong back-up dancers na nirentahan nila Viel para mas maganda daw tignan ang dance number ko. Unti unti nang  bumukas ang pinto ng classroom nila Sky na tanaw namin mula sa ibaba. May ilang mga taong naunang lumabas. Pero nang si Sky na ang lumabas, awtomatikong tumunog na ang audio at nagsimula na ang performance.

♪If you could seeThat I'm the oneWho understands you.Been here all along.So, why can't you see—You belong with me,You belong with me? ♫

Kita ko mula sa malayo na nagulat si Sky sa ginawa kong pag-sayaw. Nasurpresa siya sa akin. Nakita ko kasi siyang nakanganga eh. Mas lalo tuloy akong ginanahang sumayaw kahit na ako ay hingal na hingal na.

♪Standing by and waiting at your backdoor.All this time how could you not know, baby?You belong with me,You belong with me. ♫

“STOOOOOOOP!” tili ng isang babae sa kalagitnaan ng pagsasayaw ko.

Si Janina. Kasama niya si Farrah.

Tumigil bigla ang audio at nagkaroon ng chismisan sa paligid.

“Stop this shit! Nagiging cheap ang ECB!” Panimula ni Farrah.

“Oo nga! Sabay sabay tayo guys! Stop this shit!” sinundan naman ni Janina.

“Stop this shit!”

“Stop this shit!”

“Stop this shit!”

Umingay ang paligid sa pagsasabi ng ‘Stop this shit!’ na pinangungunahan nila Farrah at Janina. Hindi ko namalayang tumutulo nanaman pala ang luha ko. Bakit ba kasi lagi nalang nilang kailangang makialam?!

Tumingin naman akong mula sa kinatatayuan ni Sky kanina pero wala na siya doon. Hinanap ko siya sa paligid pero wala na talaga siya. Hindi man lang niya ako pinagtanggol kila Janina at Farrah. Siguro nga at wala na talaga siyang pakialam sa akin.

Tatanggapin ko na sana sa sarili ko na wala nang pakialam sa akin si Sky pero pagkatapos ng ilang sandali ay nakita kong bumalik siya sa kinatatayuan niya kanina at kasama na niya ngayon si Dean. May hawak na mikropono si Dean at mag-aanounce. Sinumbong ni Sky kay Dean ang ginawa sa akin nila Farrah at Janina! Alam kong mahirap intindihin ngayon si Sky pero sa mga pinapakita niya sa akin, alam kong may care pa rin siya sa akin kahit na kaunti lang. At sapat na iyon para hindi ako sumuko sa laban kong ito.

“Farrah Alonzo, Janina Fortaleza, and Alynna Paredes!” sabi ni Dean sa mikropono. “You will be punished for making a scene here at ECB. Go to my office, now.”

Nauna na akong pumunta sa office ni Dean. Naroon lang ako sa waiting seats. Hindi naman kasi kami pwedeng pumasok agad doon. Sumunod na pumasok sina Janina at Farrah. Umupo sila doon sa pinakagilid kung saan yun ang pinakamalayo sa akin. Parang pinandidirihan nila ako. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpahinga nalang muna ako. Mamaya pa konti ay may pumasok ulit. Bago ko pa nakita kung sino ang pumasok ay nakita ko muna ang sabay na pag-ngiti ng dalawang bruha sa dulo ng sofa.

Si Dave pala ang pumasok.

Oo nga pala at pareho yata silang may feelings para kay Dave. Nag-irapan ang kaninang magkakampi.  Pero ang kanilang mga maaliwalas na mukha ay biglang napalitan ng poot at galit nang nilagpasan sila ni Dave at… tumabi ito sa akin.

“H-Huy! Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya.

“Pang-asar.” Tipid niyang sagot. Nakasmirk.

“Baliw! Lalo lang iinit dugo nila sa akin eh!” sinuntok ko siya ng marahan.

“Hahaha. Pero Ynna, I’m willing to help you. Hindi tama ang ginagawa ni Farrah at Janina sa iyo.” Sumeryoso ang mukha ni Dave.

“Okay lang ako Dave. Kaya ko naman ang sarili ko. Maraming tumutulong sa akin.”

“Sino naman?” inosente niyang tanong. Hindi nga pala niya alam na tinutulungan ako ng The Vengeance. Doon ay nagkaroon ako ng isang ideya sa kung ano ang tulong na pwede kong hingin sa kanya.

“Alam ko na ang itutulong mo sa akin.” Ngumiti ako sa kanya. Kita ko pa rin sa gilid ng aking mata ang kunot na noo ng dalawang babae sa gilid ng sofa.

“Ano?”

“Bumalik ka na sa The Vengeance.” Sabi ko. Alam ko kasing dating miyembro ng The Vengeance si Dave. Umalis lang siya dahil nag-agawan sila ni Sky kay Farrah. Pero sa ngayon, pareho silang wala nang paki kay Farrah. Baka oras na rin para mabuo ulit ang grupo.

Matagal na nag-isip si Dave bago siya sumagot.

“Yan ba talaga ang gusto mong tulong?”

“Oo. Maging kumpleto kayo ulit. Yun ang tanging hiling ko sa iyo. Ibalik niyo muli ang pagiging solid ng inyong grupo. Ibalik niyong muli ang nawalang pagkakaibigan.”

Katahimikan…

“Sige. Babalik ako.” Sabi niya. Ngumiti ako sa kanya at ganun rin siya sa akin.

Umalis na si Dave nang dumating si Dean para ibigay sa aming tatlo ang aming mga parusa. Lumalabas na ako ang may pinakamadaling parusa dahil tutulong lang ako mag-ayos ng mga libro sa library. Si Janina kasi, ang parusa niya ay ang maglinis ng fish pond na punong puno ng palaka. Samantalang si Farrah, maglinis ng CR ng mga employees. Rinig ko pa naman na wala daw mga flush yun. Siguradong ang baho nun. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kinahantungan nila.

Nang pinalabas na kami ni Dean sa kanyang opisina ay pumi-pito pito pa akong naglakad papunta sa library kung saan ako may parusa. Pero tulad ng inaasahan, hindi pa rin sila nagbabago. Sinabunutan kasi ako ni Farrah habang sinampal ako ni Janina. Sisigaw pa sana ako at gaganti na sana pero nang nakita ko ang mukha nila, umiiyak sila, napatigil ako sa gagawin ko.

“Grabe ka, Alynna! Lahat nalang! Lahat nalang kinuha mo na sa akin! Nanay ko! Buhay ko! Pati si Dave! Hinding hindi kita mapapatawad! Hindi pa tayo tapos! Magbabayad ka!” sabi ni Janina bago siya umalis nang umiiyak. Sinundan nalang siya ni Farrah.

Masakit ang sampal na ginawa niya sa akin. Pero yung sakit na nakita ko sa mga mata niya nung sinampal niya ako ang mas masakit. Naaawa ako sa kanya pero hindi pa rin sapat ang awa na iyon para magpa-bully nalang ako sa kanya. May mga karapatan din akong sarili na dapat ipaglaban. Huminga nalang ako ng malalim at nagpunta na sa library para umpisahan ang 1-hour punishment ko.

Madali lang ang aking parusa. Aayusin ko lang ang books kung anong genre ba dapat ito nakalagay. Yung librarian naman, parang walang pakialam kaya nakakapahinga ako kapag tinatamad na akong mag-ayos. Tumunog ulit ang cellphone ko nang may FB notification nanaman. Aba’t ang kulit nitong si Ash at chat ng chat sa akin. Hindi ko naman siyang gusting ka-chat!

Ash: Nasaan ka? Okay ka lang ba?

Alynna: Nasa library. 1-hour punishment. Okay lang ako. Bye.

In-off ko na ulit ang cellphone ko kasi naiinis na ako kay Ash. Chat ng chat. Adik lang. Daig pa niya si papa kung makapag-tanong kung nasaan ako eh. Pumunta nalang ako sa isa sa mga shelf at nagsimulang mag-ayos na muli ng mga libro.

Habang nag-aayos ako ng libro ay nagulat ako nang may matang nakatingin sa akin mula sa kabilang shelf. Pamilyar ang mga magagandang matang iyon. Mga mata ni Sky. Hinawi ko ang mga librong nagtatakip sa mukha niya at doon ko nga nakita ang kabuuan ng gwapong mukha ni Sky. B-Bakit siya nandito? Kailan ba pa siya nahilig sa mga libro?! Parang ngayon ko nga lang siya nakita sa library eh.

“S-Sky?”

“…” tumingin lang siya sa akin.

“Bakit ka n-nandito?”

“I’m looking for a book.” Masungit niyang sinabi.

“Anong book? Baka matulungan kita.” Sabi ko.

“I’m looking for a human book that can give me the answers to my questions.”

“Huh?”

“And I think I just found that book.”

“Huh?”

“Sit with me.” Sabi niya. Umupo siya sa isa sa mga couch sa library at umurong sa gilid para magbigay ng space para makaupo ako. Sumunod nalang ako at umupo na sa tabi niya. Gustong gusto ko rin kasi siyang katabi.

“Anong… pag-uusapan… natin?” putol putol kong sinabi. Medyo awkward pa rin kasi.

“Now let’s get straight to the point.” Sumeryoso ang mukha niya.

“A-Ano?”

“Why did you do those?”

“Yung?”

“The fake sick thing... The dance number…”

“Sky naman.” Tinignan ko siya sa mga mata. “Tinatanong pa ba yun?”

“Why did you do those?” pag-uulit niya.

“Kasi mahal kita.” Diretso kong sagot. Mata sa mata.

“Tss.” Umiwas siya ng tingin. “Stop your nonsense games, lady.”

“Hindi ako titigil hangga’t hindi tayo ayos.”

“If you want us to be good. Simple things would actually do. Just being yourself would do.” Sabi niya.

“Sky…” panimula kong muli. “May sinabi kasi sa akin si Ash noon sa chat…”

“What?”

“Gusto mo bang ligawan kita?” mabilis kong sinabi habang nakapikit ang mga mata ko. Nakakahiya kasi.

“Yes.” Sagot niya habang nakasmirk. Hindi na siya seryoso!

Tatayo na sana siya para umalis pero hinawakan ko ang braso niya.

“Sky! Wait!”

“Why?”

“Bakit mo hindi sinasabi ang pangalan ko? Bakit ‘lady’ lang ang tawag mo sa akin?”

“Because I don’t know who you are.” Walang reaksyon niyang sinabi. Ouch ha.

“Edi magpapakilala ako!” pagpriprisinta ko.

“No thanks. I’m not interested.” Sabi niya tapos nagsmirk. Ano yun? Baliw lang? Bakit siya nagsmirk?!

“PAREDES! THE BOOKS!” sigaw ng librarian. Ano ba yun? Bakit siya sumisigaw?! Di ba dapat tahimik sa library? Kainis! Paggulo pa! Nanay ata ito ni Dwight eh.

“Opo madam!” sabi ko bago ako tumayo sa couch at bumalik na sa mga shelf para mag-ayos ng books.

Laking gulat ko nang sinundan ako ni Sky sa mga shelf at nakipagholding hands sa akin. Ang buong akala ko ay mag-hoholding hands kami sa library habang ginagawa ko ang parusa ko. Hindi pala. Nag-lagay lang pala siya sa kamay ko ng isang maliit na papel. Pagkalagay niya nun sa kamay ko ay umalis na siyang bigla ng library at iniwan akong mag-isa.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pinapahiwatig ni Sky sa akin. Masyado siyang mahirap basahin. Minsan nararamdaman ko na ayaw niya akong kausapin o kaya kilalanin. Minsan naman feeling ko gusto niya pa rin ako at mahal pa rin niya ako. Sa isang araw, iba’t ibang emosyon ang pinapakita niya sa akin. Pero ang note na ito ang nagpapatunay na habang may buhay ay may pag-asa. Ang note na iniwan niya sa akin ang panghahawakan ko na magiging maayos pa rin ang lahat sa aming dalawa.

Hindi ko mapigilang mapangiti at basahin ng paulit ulit ang note na iniwan niya sa kamay ko. Hari talaga ng pagpapakilig ang bruho.

Note:

You are drop dead gorgeous on that cheer leading outfit. But I don’t want anyone to see that aside from me. I left my jacket on the couch. Cover up.