A/N
Okay. Hello to my super duper galuper late update. Bakit late? Eh kasi tanga tanga ang author niyo. Na-istapler ko lang naman yung daliri ko. SRSLY. Huwag kayong tumawa. Totoo yun. Nagresign na kasi ako sa job ko, at sa last day of work, hindi ko alam pero napagtripan kong paglaruan yung stapler – dulot na rin siguro ng sobrang pagkalungkot. Haha. Yun. Kaya hindi muna ako nakapag-type. Malungkot + Sugatan . =)) Anyway, babawi naman ako. Will update faster until makahanap ulit ng bagong work. Promise yan. Thanks for understanding! Love you. 350K reads! Thank you!
May twitter na din pala si Janina F. operated by my anak @Dreamerie on wattpad. :> Check it out at @janinafortaleza on Twitter. :D Follow niyo din ako kung trip niyo lang. Hehe. Tweet tweet tayo! @mhariztan :D ♥
--
• ALYNNA MARIE PAREDES •
Paulit-ulit kong binabasa yung note habang inaayos ko yung mga libro sa library. Hindi ko namalayan kung mabilis ba ako o mabagal dahil ang nasa utak ko lang ay ang sobrang pagka-kilig ko. Hindi ko na rin tinignan ang orasan nang natapos ako, dumiretso nalang ako ako agad doon sa couch kung saan nakasulat sa note ay doon iniwan ni Sky ang kanyang jacket para suotin ko. Napangiti nalang ako bigla nang nakita kong nag-effort pa talaga siya sa pag-tupi nito. Ang sweet talaga ni Sky. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Kainis! Nagmumukha na tuloy akong baliw dito.
Sinuot ko agad yung jacket niya. Color gray ito at malaki ito sa akin, halos parang dress ko na ito. Nung zinipper ko ito, nagmukhang ito lang ang suot ko. Hindi na kasi kita talaga yung mismong cheer leader outfit eh. Puro jacket nalang ni Sky ang nakikita. At take note, may nakasulat pang ‘S. Anderson’ sa likod ng jacket kaya lalo akong kinilig. Parang lumalabas kasi na pag-aari talaga ako ni Sky. Hehehe.
Mabilis akong nakauwi sa dorm na tinitirahan namin ni Shibama suot suot ang jacket. Itong si Shibama naman, hindi talaga pinalagpas ang nakita niyang suot suot ko. Bago pa ako makapagsalita ay pinangunahan na niya ako agad ng kanyang tili at tirik ng mata. Ang sakit sa tenga pero wala lang yun sa kilig na nadarama ko. Nakitili pa ako kasama niya. At ayun nga, kinwento ko na sa kanya ang lahat lahat ng nangyari. Nagpasalamat din ako sa kanya at sa kanyang medyo palpak na ‘Happy Tree Friends’ plan. Kahit papaano ay nakatulong din naman iyon.
Madami dami rin ang napag-kwentuhan namin ni Shibama habang kami ay nagdidinner. Pero natigil iyon nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag pala si papa na siya namang sinagot ko agad. Syempre, papa ko yun eh.
“Hello pa! Kamusta ka na diyan?” bungad ko.
[Ito anak. Ayos lang. Ikaw ang kamusta?!]
“Ito. Ayos lang naman ako Pa. Kasama ko naman dito si Shibama. At yung sa amin naman ni Sky, may improvement na. Sa tingin ko Pa, may pag-asa na magkaayos pa kami.”
[Mabuti naman anak. Pero anak, huwag pababayaan ang pag-aaral ha? Mas importante iyon.]
“Oo naman Pa! Love you!”
[Love you more anak, pero bago mo ito ibaba, may gusto pang kumausap sa iyo. Teka, eto o.]
“Huh? Sino naman yun pa?”
[Um. Hello Ynna.] si Caloy pala.
“Caloy.” Sabi ko. Durugtungan ko pa sana yung sasabihin ko pero bigla namang namatay yung cellphone ko. Low batt. Nako naman. Baka kung ano pa ang isipin ni Caloy. Baka isipin nun na ayaw ko makipag-usap sa kanya at binabaan ko siya. Lagot na.
“What happened girl?” tanong ni Shibama. Nahalata niya siguro sa mukha ko na medyo nagulat ako.
“Ah eh kasi… nawalan ako ng battery nung si Caloy na ang nasa linya. Baka isipin niya na ayaw ko siyang kausapin…”
“Oh I see. Hayaan mo na girl. God’s will yan. Baka hindi pa ito ang oras para makapag-usap kayo.” Ngumiti nalang sa akin si Shibama. “Itulog mo nalang yan.”
“Sige na nga. Baka nga hindi pa ito ang tamang oras.” Sabi ko bago ko chinarge ang patay kong phone at nagsimula nang maghanda ng higaan ko.
Nakapantulog na ako ngayon pero suot suot ko pa rin ang jacket ni Sky. Hehe. Kasi naman, feeling ko ay kayakap ko na din si Sky kapag suot ko ito. Naaamoy ko kasi ang pabango ni Sky sa jacket na ito. Iniimagine ko nalang na siya ito. Na niyayakap niya ako. Inaamuy-amoy ko pa ito tapos tsaka ako tatawa at kikiligin ng nakakaloko. Landi!
“Girl, huwag mo namang halayin yung jacket. Hahaha!” tawang tawang sinabi ni Shibama. Napansin niya yata yung mga pinag-gagawa ko. Oo nga pala at wala na kaming sariling kwarto. Maliit na nga lang pala ang dorm na ito. Hindi na ito yung condo. Wala nang private moments.
“Grabe ka naman Shibs. Niyayakap ko lang naman kasi giniginaw ako.” Pagpapalusot ko.
“Yakap? Ginaw? Girl! Wala kaya tayong aircon!” nang-aasar niyang sambit.
“Tss. Fine. Inaamoy ko din.” Pag-amin ko. Hindi talaga ako titigilan nitong si Shibama.
“Amoy? Eh singhot yang ginagawa mo eh. Hinay hinay girl! Baka mahigop ng ilong mo yang buong jacket!” natatawa niyang sinabi.
“Tse! Matutulog na ako.” Pikon kong sagot sabay talikod sa kanya. Bahala na nga siya sa buhay niya.
“Goodnight, Aly! Dream of Sky.” Sabi niya. Hindi ko na siya sinagot. Hindi naman niya kailangan pang sabihin iyon eh. Kasi given na. Lagi naman kasing nasa panaginip ko si Sky. Pag mahal mo kasi talaga yata ang isang tao, imposible silang maalis kahit lang sa panaginip mo.
Pag-gising ko kinabukasan, aba’t naka sando at shorts nalang ako. Hala! Nasaan na yung jacket ni Sky?! Hindi ba’t suot suot ko yun kagabi?! Hinanap ko iyon sa buong kama ko pero wala. Nang napatingin ako sa kamang katabi ko kung saan doon natutulog si Shibama, aba’y anak ng watermelon! Siya na ang may suot suot nung jacket ni Sky. At nakangiti pa siya habang natutulog! Hinayupak na baklang talaga ito oo! Grr! Inalog-alog ko siya hanggang sa nagising siya.
“Hoy Shibs! Bakit suot suot mo yang jacket ni Sky, ha?!” pagkumpronta ko sa kanya.
“Oh, sorry dear. Hindi ko ba nasabi sa iyo? Si Sky kasi talaga yung secret boyfriend ko. Sorry ka nalang, mas maganda kasi ako kaysa sa iyo. Kaya ako ang pinili niya.” Sabi ni Shibama na mukhang antok na antok pa.
“Ha. Ha. Ha. Asa ka pa!” sabi ko naman. Hinubad ko sa kanya yung jacket.
“Oo nga girl. Ako ay isang ahas. Tinuklaw ko si Sky.” Nang-aasar niyang sabi. Ka-aga aga, saan niya nakukuha itong mga pang-aasar niya?!
“Hindi ka papatusin ni Sky.” Dumila ako sa kanya. Asaran pala gusto mo ha.
“Ah ganun ah. Sige, hindi kita aayusan.”
“Edi wag. Maganda naman na ako eh.”
“Che!”
“Che! Ka din!”
“Pero girl…” umupo na si Shibama galing sa pag-higa. “kung nasesexy-han si Sky sayo nung naka cheer leading outfit ka, baka dapat ang next kong gawing outfit sa iyo ay yung medyo mas daring.” Dumilim ang mga mata ni Shibama. Siguradong kadiri nanaman ang iniisip nito.
“Ano nanaman ba yang pinaplano mong ipapasuot sa akin?” tinaasan ko siya ng kilay.
“Bra at panty lang!” masaya niyang sambit.
“Hay ewan!” sabi ko nalang bago ko siya inunahang pumila doon sa CR sa labas ng dorm para maligo. Ayaw na ayaw pa naman ni Shibama na inuunahan siya kasi nagbabaha yung CR kapag may nauna nang maligo. Pero gagantihan ko siya. Inunahan ko talaga siya. At tatagalan ko pang maligo kasi lalabhan ko pa yung jacket ni Sky kasi isososli ko pa ito sa kanya mamaya.
“Hoy girl! Joke lang! Ako na muna maliligo please!” sigaw ni Shibama sa akin. Nasa loob na kasi ako ng CR. Wala palang pila.
“Ayoko nga. Kitang maglalaba pa ako oh.”
“I hate you!!!” nag-pout siya. "Damot!!!"
“Love you, Shibs!” pang-aasar ko pa. Whew! Panalo ako ngayon ah.
***
Pagdating na pagdating ko sa ECB ay hinanap ko agad si Sky para isoli sa kanya yung jacket niya. Sobrang inayos ko talaga ang pag-lalaba dito. Halos naubos na nga yung buong bareta doon para lang masabi talaga ni Sky na malinis na yung jacket niya. Baka kasi isipin niya na hindi ko pinahalagahan ito eh.
Nang nakita ko si Sky ay humaripas agad ako ng takbo papalapit sa kanya at pikit mata kong ini-stretch ang aking dalawang kamay na hawak hawak ang jacket niyang bagong laba. Ayoko muna buksan ang mata ko kasi nahihiya ako eh. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang awkward ko lang siguro talagang tao.
“Sky, ito na yung pinahiram mong jacket sa akin. Thank you!” sabi ko habang nakapikit pa rin ako.
Naramdaman ko nalang bigla ang kamay ni Sky na dumikit sa daliri ko. Para akong kinukuryente sa unti unting pagsakop ng kamay niya sa kamay ko. Kukunin lang naman dapat niya yung jacket pero bakit parang naghoholding hands nanaman kami. Pinilit kong buksan ang aking mga mata para silipin siya at bumungad sa akin ang isang naka-smirk na Sky Anderson. Napanga-nga ako sa nakita ko.
“You are not letting go of the jacket.” Naka-smirk pa rin niyang sinabi. Doon ko lang napansin na sobrang higpit pala ng pagkakahawak ko sa jacket. As in yung tipong sobrang gigil na gigil ako na para bang walang makakakuha sa akin noon. Nagets ko na kaya hinawakan ni Sky ang mga kamay ko. Para luwagan ko ang hawak ko. Bigla ko namang nabato sa kanya yung jacket niya at napa-atras sa sobrang hiya. Ano nanaman ba itong ginawa ko? Nakakahiya talaga!
“Woah. Easy.” Nakangiti niyang sinabi.
“Sorry. S-Sorry, Sky.”
“It’s okay.” Sabi niya at akmang aalis na.
“Teka Sky!” sigaw ko nang tumalikod siya sa akin.
“What?”
“A-Aalis ka na?”
“Um. Yeah?”
“Ah. Eh. Kasi. Wala ka bang gagawin mamaya? Um. Ano kasi. Free ka ba mamaya? Baka lang ano hehe. Gusto mo lumabas tayo mamaya?” pa-utal utal kong nasabi. Ang hirap palang manligaw!
“I’m not free. But we’ll see. You can chat Ash. He knows my schedule.” Sabi niya at ngumiti. Tumango nalang ako. Bakit ba pinapachat niya sa akin si Ash. Eh nakakainis kaya yun ka-chat. Hayst.
Ang buong akala ko ay aalis na siya pero imbis na umalis, lumapit siya sa akin, yung sobrang lapit. Hinawakan niya ang pisngi ko at kinurot ito ng marahan. Sinabihan niya akong ang cute cute ko talaga. Nag-init bigla ang pisngi ko doon sa sinabi niya. Alam kong ganun din ang naramdaman niya dahil nakita ko rin ang pag-mula ng pisngi niya. Ang kaninang pagkukurot niya sa pisngi ko ay napalitan ngayon ng mararahang haplos. Haplos na kumikiliti sa buong kalamnan ko. Nilapit niya pa lalo ang mga mukha namin hanggang sa nagkadikit ang aming mga ilong. Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya’t pumikit na ako. Sakto naman pagpikit ko, doon ko narinig ang malakas na pagsigaw ni Dave ng pangalan ko.
“Ynna!” sigaw ni Dave sa hindi kalayuan. Napaatras tuloy si Sky.
“D-Dave?”
“Ano ka ba? Nalimutan mo na ba? Hindi ba may important meeting tayo ngayon? Ikaw pa itong late!” sabi niya. Oo nga pala. Nag-set ako ng appointment sa The Vengeance na babalik na si Dave sa grupo.
“Ah. Oo nga.” Sabi ko sabay tawa ng awkward. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na kunot ang noo ni Sky.
“Tara?” alok ni Dave. Tumingin naman ako kay Sky.
“Sure. Go ahead.” Sabi naman ni Sky.
“Ah. Si-Sige.” Sagot ko at saka sumunod kay Dave.
Nang medyo nakalayo layo na kami sa pinag-iwanan namin kay Sky at dali dali kong kinurot ang tagiliran ni Dave.
“Ouch! Why did you do that?!” gulat na gulat niyang tanong sa akin. Mukhang wala siyang ideya na nanira siya ng moment namin ni Sky.
“Nakakainis ka kasi eh! Wrong timing ka! Hay!” inis kong sinabi.
“Ah yun ba? Were you two about to kiss? Hahahaha! Sorry ‘bout that.” Tawang tawa siya habang sinasabi niya ito.
“Alam mo naman pala! Kainis ka! Bakit mo pa ako tinawag nun? Hindi ka ba pwedeng maghintay nalang ng konti? At least pinatapos mo man lang yung kiss sana!” nag-pout ako.
“Sorry naman. Hindi na po mauulit.” Nag-peace sign pa siya. Hay, naaalala ko sa kanya si Dwight. Mga panira ng moment. Ngumiti nalang ako sa pekeng sorry niya at naglakad nalang papuntang black room para masimulan na yung meeting kuno.
***
[The Black Room]
Pagdating na pagdating namin ni Dave sa black room ay para kaming mga estudyanteng na late at papagalitan ng teacher. Paano ba naman, nandun na kasi ang buong The Vengeance pwera kay Sky. Naka-hollow block style pa ang set up kaya mukha talagang nagme-meeting. Nagkatinginan kami ni dave at sabay nalang kaming napa-bikit balikat.
Walang nagsasalita noong una. Ang awkward talaga. Siguro ay ganun lang talaga, kasi ba naman, hindi nga naman talaga madali na ibalik ang friendship agad agad. Pero pagkatapos ng medyo mahaba-habang tingin tinginan lang at pakiramdaman ay binasag na rin ni King ng kanyang nakakagulat na iyak ang katahimikan.
“I miss you Dave! Huhuhuhu!” hagulgol niya sabay tayo at yakap kay Dave. Para silang mga bakla sa eksenang ito pero masaya ako na okay na sila.
Pagkasimula ni King ay nagsunod sunod na rin ang paglapit ng mga miyembro ng The Vengeance kay Dave para batiin ito. Nakakatuwang tignan na magkaayos na talaga sila. At masaya ako na kahit papaano ay may naitulong din ako sa samahan nila.
Pagkatapos ng medyo madramang pag-welcome back nila kay Dave ay sinali agad nila si Dave sa mga kalokohan nila. Pinipilit ba naman nilang isali si Dave sa mga team na ginawa nila. Yung Team A at Team B kung saan may premyo ang makakapanalo at makakapag-ayos sa amin ni Sky. Sumali naman agad itong si Dave. Team B ang pinili niya kasi mas close nga talaga siya kila King.
“Pero teka? Kailangan pa ba silang pag-ayusin? Eh mukhang okay na naman sila eh.” Sabi ni Dave sa lahat. Oo nga pala at inistorbo niya ang muntikan naming kiss kanina ni Sky.
“Medyo okay. Pero hindi pa rin kami okay. Hindi niya pa rin ako tinatawag sa pangalan ko.” Pagpapaliwanag ko.
“I see.” Sagot niya. “I have a plan, then.”
“Ano yun, bro?” si Dwight. Nakangisi.
“We’ll do it later. At our basketball game. Be ready, Alynna.” Sabi ni Dave sabay ngisi ng nakakaloko.
Oh no!
***
Sinasabi ko na nga ba at yung mga ngisi kanina ni Dave ay hindi talaga dapat pagkatiwalaan. Kasi ba naman, eto ako ngayon at pawis na pawis. Ramdam kong nakadikit sa akin ang mga telang suot ko. Pati ang buhok ko, naliligo na sa pawis. Nandidiri na ako sa amoy ko pero hindi ako makalabas dito. Nasaan nga ba ako? Nandito lang naman ako sa loob ng official mascot ng school. At chinicheer ko lang naman ang buong team nila Sky ng hindi nalalaman ni Sky na ako ito! Anong klaseng plano ba naman ito?! Yung totoo, Dave?!
“Woooo! Go V! Go V! V-E-N-G-E-A-N-C-E!” cheer ko. Ito kasi yung dapat kong sabihin ayon sa script na binigay sa akin.
Pansin ko namang hindi maka-shoot si Sky kanina pa. Tingin siya ng tingin sa dagat ng mga tao na para bang may hinihintay siyang makita. Mukhang napansin din ito ng mga miyembro ng The Vengeance na sila Dwight at Erick kaya naman inasar nila si Sky.
“Bro! Huwag mo na siyang hanapin. Nariyan na siya sa tabi tabi!” sabi ni Dwight kay Sky.
“Oo nga, bro! Focus! She’s closer than what you think.” Ngumiti naman si Erick kay Sky sabay kindat sa akin.
Ibig ba nilang sabihin, ako yung hinahanap ni Sky sa audience? Medyo kinilig naman ako doon. Ang init na nga nitong suot ko, nag-init pa itong pisngi ko. Magmumukha akong malapot na mantika nito mamaya eh.
Umabot na sa kalahati ang laban at lamang pa rin ang kabilang grupo. Hindi pa rin nakakashoot itong si Sky. Doon ay lumapit na sa kinaroroonan ko si Dave at binulong sa akin na ito na raw ang tamang oras para alisin ang mascot sa ulo ko para makita daw ako ni Sky. Binigyan niya ako ng sign kung kailan ko tatanggalin ang ulo ng mascot. Tanggalin ko daw iyon pag magf-free throw na si Sky. Tumango nalang ako. Gustong gusto ko na rin kasi ito tanggalin. Ang init init!
Hindi ko inaasahang maaalis ko agad ang ulo ng mascot bago pa man makapagfree-throw si Sky. Nakita ko kasing binangga ng sadya ng kalabang team si Sky kaya naman awtomatiko akong pumunta kay Sky para sumaklolo. Malambot kasi itong mascot kaya naman sa aking suot na mascot nahulog si Sky. At saktong paghulog ko sa sahig, natanggal ang ulo ng mascot na suot ko. Nakapaibabaw sa akin si Sky. Gulat na gulat ang mukha naming dalawa sa hindi inaasahang pangyayari.
Pagkatapos ng ilang segundo ring nagkatinginan lang kami ni Sky ay bumalik na rin siya sa kanyang ulirat. Tumayo siya sa pagkakapatong sa akin at tinulungan rin niya akong tumayo. Pagkatapos niya akong tulungang tumayo ay sumenyas siya sa coach na may mag-sub daw muna sa kanya. Tumango naman ang coach. Ang buong akala ko ay aalis na si Sky kasi ‘di ba may magsu-sub na sa kanya, pero hindi muna siya umalis. Imbis, sinuntok muna niya ang lalaking tumama sa akin kanina. Hindi na niya inintindi kung madisqualify siya sa laro, o kaya ang buong team niya.
“Don’t you dare ever hit my girl.” Gigil at galit niya sinabi doon sa lalaking nasa kabilang team. Takot na takot namang tumango nalang yung lalaki at nagtatatakbo na palayo papunta sa mga kagrupo niya.
Pagkatapos niyang pagbantaan yung lalaki ay humarap siya sa akin gamit ang kanyang nakakamatay na tingin. Galit siya.
“You.” Simula niya nang nakalapit siya sa akin. Narito na kami ngayon sa isa sa mga upuan ng mga players.
“S-Sky.”
“Who told you to be the mascot?” galit pa rin ang tono niya. Hindi ko pwedeng sabihing ideya iyon ni Dave. Lalo lang siyang magagalit kay Dave kung ganun.
“S-Sky, gusto ko lang naman i-cheer ka. At kasi… gusto ko lang naman mapalapit sayo. H-Hindi ko naman alam na malalaman mo…”
“Shit!” napaupo siya. Mukhang naiinis talaga siya.
“Sk-Sky…” nanginginig ang boses ko.
“You don’t need to do that!” sigaw niya.
“S-Sorry.” Yumuko ako.
“What if you got hurt?! What will I do to you?! What if… what if… Ah!” sigaw niya. Pero kita ko sa mga mata niya na punong puno siya ng pag-aalala. Natuwa at medyo napangiti ako doon.
“What’s with the smile?” tanong niya. Kunot noo.
“Wala. M-Masaya lang ako na nag-ca-care ka sa akin.” Pag-amin ko. At tinawag niya kasi akong ‘My girl’ kanina nung nagagalit siya dun sa player eh. Nakakakilig yun syempre.
“Tss. I don’t care for you.” Sabi niya. Napanganga naman ako dun.
“Ha?”
“I care for the ball.” Seryoso niyang sinabi.
“A-Ano? Sa bola?”
“Yes. And I also care for the mascot costume.” Seryoso pa rin ang tono ng boses niya. Pero seryoso ba siya? Sa bola? Sa mascot? Doon siya nagca-care at hindi sa akin?!
“G-Ganun.” Ito nalang ang nasabi ko. Napayuko nalang ako. Medyo napahiya ako dun ah.
“Haha! I’m just kidding.” Sabi naman agad ni Sky sabay gulo ng buhok kong pawis na pawis. “Of course I care for you.”
“T-Talaga?” biglang nagliwanag ang mukha ko. Para akong batang binigyan ng ice cream.
“No. You heard it wrong.” Bawi naman niya agad pero nakasmirk siya. Bumalik na din agad siya sa game. Mukhang ganado na siya maglaro ngayon.
Si Sky talaga, pakipot pa. Pero good job, Ynna. Konti nalang. Konting konti nalang talaga. Konting tyaga pa at magiging okay na talaga kayo ni Sky.
***
[Music Room]
Narito ako ngayon sa music room dahil bilang medyo tagumpay naman ang plano ni Dave, humingi siya ng kapalit sa akin. Gusto kasi niyang ligawan si Janina, ang ate, ulit. Kahit naman medyo galit galit kami ng ate ko ngayon, syempre ay hangad ko pa rin ang maging masaya siya sa love life niya. Gusto sanang haranahin ni Dave si ate. Gusto niyang magpractice ng chords sa gitara. Kakantahan daw muna niya ako at ako daw ang magdedecide kung pwede na ba o kulang pa.
5PM ang usapan namin ni Dave pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya dito. Kaya naman naisipan ko nalang i-chat muna si Ash.
Alynna: ASHYBELSS!!!
Alynna: YUHOOOOOOOOOOOOOOOOO
Alynna: Chat tayooowwww
Alynna: Awoooooooooooooooo
Ash: What?
Alynna: Ash kenekeleg meeeee
Alynna: Mukhang mej okay na kami ni Sky
Alynna: Nakukuha na kasi niya akong lokohin???
Ash: Why? What did he do?
Alynna: Basta hehehehe basta ang saya ko
Alynna: Muntik nga kami magkiss kanina sayang huhuhuhu epal kasi si Dave e!
Ash: Then kiss him when you see him. He’ll kiss you back for sure.
Alynna: Nako nakakahiya ee hahahaha
Ash: Tss.
Ash: I have a question.
Ash: Why do you love Sky?
Alynna: Hindi ko rin alam eh. Basta ang alam ko. Hindi ko kayang mawala siya sa akin.
Alynna: Gustong gusto ko siya.
Alynna: Gusto ko siya makasama forever
Alynna: Basta yung ganun
Ash: How long can you wait for him then?
Alynna: until forever.
Ash: you sure?
Alynna: 100% sure. :D :D :D
Ash: Sky is really lucky to have you.
Alynna: Oo naman no! Siya lang itong choosy! Hmp!
Ash: Hahaha!
Alynna: Uy Ash teka lang nandito na pala si Dave. Sige sige bye!
Ash: Hold on!
Alynna: Ano?
Ash: Why are you with Dave?
Alynna: Hay nako Ash kailangan mo na siguro ng gamot sa memory gap! Bahala ka na nga dyan! Bye!
Ash: Hey!
Ash: Hey wait!
Ash: Ugh.
Alynna: ANOOOOO?!?!?!?!
Ash: Do you like Dave?
Alynna: Oo naman. Bait kaya niya!
Ash: Where are you right now?
Alynna: Music room nga di baaaa kanina lang pinag-uusapan natin ito ah, nako Ash malala ka na
Ash: Yeah. Bye.
Tignan mo ‘tong si Ash, bigla bigla nalang nagba-ba-bay. Lakas din ng toyo nito eh. Pinaglihi siguro ito sa adobo. Magkapatid nga talaga sila ni Sky. Hindi mo iyon maipagkakaila.
“Who are you texting? Mukhang bad trip ka eh.” Natatawang sambit ni Dave.
“Si Ash. Ewan ko ba dun. Lakas toyo eh.”
“Oh baka kay Ash ka na ma-inlove niyan ah!”
“Asa! Hindi noh! Kay Sky lang ako!”
“Okay, sabi mo eh.”
♪ Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again, don’t make me change my mind
Or I won’t live to see another day, I swear it’s true
Because a girl like you is impossible to find
You’re impossible to find ♫
Nagsimula na ang practice namin at nagulat talaga ako sa sobrang ganda ng boses ni Dave. Oo, alam ko naman na maganda talaga ang boses niya noon pa. Maganda din ang boses ng ate. May album na nga sila na magkasama noong sila pa eh. Pero iba pa rin talaga kapag narinig mo na ng harap harapan. Parang may anghel na kumakanta sa akin habang nagprapractice siya. Kaya naman pala halos lahat din ng kababaihan dito sa school ay nagkakandarapa dito kay Dave.
Hindi ko alam kung bakit pa niya ako inaya na magpractice eh halos perpekto na nga yung unang salang palang niya. Ganun ba niya kagusto ma-impress ang ate? Ang swerte naman pala ng ate sa love life niya eh. Isang malaking pagkakamali talaga na pinagpalit ni ate si Dave sa pangarap niya.
“Grabe, Dave, sobrang galing mo pala!!!!” sabi ko sabay palakpak.
“Wow… are you serious?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
“Oo!!! Super galing!!!” feeling ko nagsha-shine pa ang mga mata ko habang sinasabi ko ito.
“’To naman! Haha.”
“Di nga!!! Galing mo talaga!!!”
“Sige na sige na! Magaling na ako. Hahahaha!”
“Hahahaha!” nakitawa nalang ako sa kanya.
“You know what…” binaba ni Dave ang gitara niya at tumabi sa akin. Kanina kasi ay magkaharap kami. “I really like you.”
“H-Ha?” nanlaki ang mga mata ko.
“Sana kasing bait mo nalang si Janina noh? Nainlove kasi ako sa maldita eh. Hahaha.”
“Ah. Haha. Mabait din naman ang ate. Ramdam ko iyon. Hindi lang niya masyado pinapakita.”
“Alam mo, ngayon alam ko na kung bakit na-inlove sayo si Sky. Hindi ka kasi mahirap mahalin.”
“…” wala akong nasabi.
“Mapagmahal kang tao. Mabuti ang kalooban. Maganda. Masayahin. Ikaw na ang ideal girlfriend ng lahat ng lalaki.” Ngumit si Dave sa akin. Nagblush ako ng kaunti sa sinabi niya.
“D-Dave…”
“Stay away from my girl!” nagulat ako nang biglang kumalabog ang pintuan ng music room at doon pumasok ang galit na si Sky. Hinila niya ako palayo kay Dave kaya naman ay napayakap ako sa mabango niyang dibdib.
“Woah. Easy bro.” si Dave. Nakataas ang mga kamay.
“How dare you.” Si Sky.
“Bakit bro? Kayo na ba ulit? Balita ko kasi nagbreak kayo eh.” Nagsmirk si Dave. Nako! Inaasar niya si Sky!
“Yes. Kami na ulit.” Simpleng sagot ni Sky.
WOAH! KAMI NA ULIT?! BAKIT HINDI KO MAN LANG ALAM?!
Bago pa kami makapagsalita ni Dave ay hinigit na ako papalabas ni Sky. Pumunta kami sa isa sa mga upuan sa ECB garden kung saan walang tao. Kahit malakas ang paghigit sa akin ni Sky ay purong kilig lang ang nararamdaman ko. Kami na kasi ulit! Yehey!
“Uy, Sky! Tayo na pala ulit?!? Hindi mo man lang ako ininform!” nakangiti kong sinabi.
“…” hindi siya sumagot. Seryoso ang mukha niya.
“Uy, tayo na ‘di ba?” pangungulit kong muli.
“Yes.” Sagot niya. Sobrang saya ko sa sagot niya. Aabot na yata sa mata ang ngiti ko.
“OMG!!!” sigaw ko.
“Don’t be too happy, lady.”
“Huh? Bakit naman hindi? Hindi ba dapat cinecelebrate yung ganito?”
“You are just my semi girlfriend.” Seryoso niyang sinabi.
Katahimikan…
“A-Ano?”
“You are just my 50% girlfriend. You have to work on another 50%.”
“Ha?” napanganga nalang ako. Ang akala ko kami na? Ano naman itong pakulong ito ngayon?
“But since I caught you cheating on me…”
“Anong cheating?! Hindi ako nagchea-cheat noh!”
“But since I saw you cheating on me with Dave on that music room. I have to deduct 10%. So you are just my 40% girlfriend.”
“S-Sky, seryoso k aba diyan? May percentage talaga?!”
“Yes. Do I look like I’m joking?” tinaasan niya ako ng kilay.
“Pwes…” nag-game face on ako sa kanya.
“Pwes what?”
“Pwes ibabalik ko ang 10% na nawala.”
“How will you do tha—mmph.“
Ayoko sa lahat yung nabibitin. Hindi man namin natuloy ito kanina dahil tinawag ako ni Dave, at least ngayon, natuloy na. At hinding hindi ko ito hahayaang matapos agad. Namiss ko kasi ito ng sobra.
50% more, Ynna. Hindi na ako makapaghintay.