Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 42 - Chapter 36 - WTH

Chapter 42 - Chapter 36 - WTH

A/N

Hiiii! If you liked MWG, you must also try “In a Realationshit” by ChiXnita! Click dedication link for author’s profile. Click external link for IAR story. It’s more than just an SPG story. May puso yung kwento. Mahal ng author ang ginagawa niya. So yeah! Try! Try! Hihi ^_^ Happy weekend! :3

Chapter theme song: All Too Well by Taylor Swift. Pakinggan niyo para tagos. :))))

--

• ALYNNA MARIE PAREDES •

“Janina…”

Nanghihina ako. Nanginginig ako. Nandidilim ang paningin ko.

Gusto ko malaman kung bakit! Gusto kong malaman kung paano nangyari! Oo at alam kong naging mali din ako sa isang banda. Pero para parusahan ako ng ganito? Para ipamukha sa akin na peke ako? Eh siya naman itong nagsabi sa akin na maging peke ako hindi ba? Bakit ba ang sama sama niya! Napakalupit niya! Wala siyang awa! Gusto ko siyang… gusto ko siyang… Aaaah!

“Yes, my dear sissy? Do you have anything to say?” pang-asar na sinabi niya sa akin habang naka-smirk.

Pinalaki ako ng maayos ni papa. Pero kapag tinatapakan na pala ako ng ganito, hindi ko alam na may kakayahan pala akong mang-gera. Dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan ni Janina kahit hinang hina na ako, inilayo siya kay Sky, at sinimulang sabunutan sa lahat ng lakas na natitira pa sa akin. Lumaban siya at nakipagsabunutan sa akin. Pero nung mga oras na hinampas ko na siya sa kanyang balikat ay bigla siyang natumba sa sahig. Kaya naman ay natumba na rin ako kasama niya.

Napahinto ako sa iba pang pagsugod na gagawin ko nang bumulagta sa akin ang napakarami niyang pasa sa kanyang katawan. Nahawi kasi sanhi ng pagkakadapa niya ang palda niya. Sobrang daming pasa niya doon. Para siyang binugbog. Para siyang minolestya.

Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Hindi ko alam ang mga ginawa o nangyari sa kanya sa New York. Pero kung ano man iyon, hindi parin tama na saktan niya ako. Hindi pa rin tama na kunin niya ang lahat ng ipinahiram niya sa akin sa ganitong paraan. Pinipilit ko siyang intindihin pero hindi talaga. Hindi ko kaya sa ngayon. Tulad niya, masyado rin akong nasasaktan.

“See this? This? And this?” umiiyak niyang tinuro ang mga ilan sa pinakamalalaking pasa niya. “Naging ganito ang balat ko dahil sayo!”

“Anong pinagsasabi mong dahil sa akin?! Wala akong ginagawa sa ‘yo, Janina!” pagdedepensa ko sa sarili ko. Luhaan na rin akong muli.

“Yung model sa New York, yung hinahanap? Yung excited na excited ako? IKAW YON! Tangina lang. IKAW NA HAMPASLUPA KA! Bakit na sa ‘yo na ang lahat?”

“H-Hindi kita maintindihan! Janina, ano ba? Bakit ba kinaiingitan mo ako? Tingnan mo nga ang sarili mo at kung ano ang meron ka! Wala sa akin ang lahat, Janina. Na sa iyo!”

“Sana pala naging mahirap nalang ako! Sana pala naging anak nalang ako sa labas! Baka naging mas maganda ako! Baka naging mas matangkad ako! Baka model na ako! Baka ako pa ngayon ang mas mahal ng nanay ko!”

“Tumigil ka nga, Janina! Kala mo madali maging ako?! Maging anak sa labas? Maging tinatagong anak sa probinsya?! Yung araw araw hindi namin alam kung saan kukunin ang kakainin bukas? Yung hindi na namin alam kung makakapag-aral pa ako sa susunod na taon kapag tumaas ang tuition?! Yung kailangan mong iwanan ang dating ikaw dahil wala na kayong pera? Yung kinikilala ka ng lahat, kinakaibigan, minamahal bilang ibang tao?! Janina naman! Huwag ka namang isip bata!!!” hagulgol ko sa kanya.

“Huwag kang sumusumbat sa akin! Hindi ko kasalanan na mahirap yang kabit ng nanay ko!”

“Huwag mong pagsasabihan ng ganyan ang papa ko!” galit kong sinabi.

“Eh ano ba siya? Hindi ba kabit? Ikaw rin, kabit hindi ba? Kasi ang minahal ng lalaking ito ay ako! Janina Fortaleza!” tinuro niya si Sky. Si Sky ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita niya. Hindi siya umiimik pero nakatingin siya sa amin ng seryoso.

“Huwag na huwag mong idadamay dito si Sky…” pagbabanta ko sa kanya.

“Akin na siya ngayon. Boyfriend ko siya hindi ba?” umiiyak siya pero inaasar pa rin niya ako. Mukhang seryoso siya sa pagkukuha sa akin kay Sky. Mukhang seryoso siya sa binabalak niyang pagsira sa buhay ko.

“Akin siya!!!” sigaw ko.

“Hampaslupa ka! Wala kang karapatan magboyfriend ng mayaman! Gold digger ka lang naman!”

“WILL YOU TWO PLEASE STOP!!!!” nagulat kami at napatingin sa sumigaw. Si Sky. Galit na galit na ngayon ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Napatigil kaming lahat ng ilang minuto. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Sky. Masyado nang maraming nangyari ngayon. Idadag pa ang sobrang sakit kong ulo dahil sa pagkakatama pa rin ng bola kanina. Natanggal ang benda dahil sa pagkakasabunot sa akin ni Janina kaya’t medyo kumirot ulit ang sakit.

“You.” Inituro ako ni Janina. “You. Are. Fired. Pack all your things up and go out of my condo unit. Umalis ka na din dito sa ECB. Umalis ka na sa buhay ko! Isama mo na yang baklang kakampi kampi sayo!” sigaw niya bago siya umalis nang tuluyan. Sumunod naman sa kanya na parang aso sila Karen at Debbie.

Baklang kakampi-kampi sa akin? Si… Shibama? Kinampihan ako ni Shibama laban kay Janina? At ngayon wala na ring trabaho si Shibama dahil sa akin? Paano na siya? Kasalanan ko ito! Hindi ko mapigilang malungkot at maghagulgol. Gusto kong puntahan si Shibama para sa sabihin na kumampi nalang siyang muli kay Janina. Gusto kong sabihin sa kanya na okay lang ako dito. Pero hindi ko pa magagawa. Kailangan kong makausap si Sky.

*CLAP CLAP CLAP*

Napatingin ako sa nag-slow-clap. Si Farrah. Kasama niya si Dave pero seryoso lang ang mukha ni Dave habang si Farrah naman ay naka-smirk na parang demonyo.

“Sky, Sky, Sky.” Simula ni Farrah.

Tinignan lang siya ng masama ni Sky.

“Hindi ba sinabi mo sa akin noon na ‘Game Over’? You told me that you and that fake bitch are breaking free, right? Who would’ve thought na hindi ko na pala kailangang kumilos para kampihan ako ng tadhana. I just have to wait and see. And this scene, is way way way better than I imagined. Haha! Goodluck!” sabi ni Farrah bago niya kami tinalikuran ni Sky. Hinatak na rin niya si Dave palayo. Wala na ring estudyante na nakatingin. Kami nalang ni Sky ngayon ang magkaharap.

“S-Sky…” binulong ko sa boses na maririnig naman niya. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sahig.

“…” hindi siya sumagot pero diretso lang ang tingin niya sa akin. Hindi siya umiiyak pero puno ng hinanakit ang kanyang mga mata.

“S-Sky…” hindi ko mapigilan ang pag-iiyak ko. “S-Sky, m-magpapaliwanag ako.”

“Don’t cry.” Ang seryoso ng boses niya.

“B-Balak ko naman talagang sabihin sayo pero hindi lan—“

“When is that?” hindi niya tinapos ang sasabihin ko sana.

“Sasabihin ko na talaga sayo lahat kanina—“

“Kanina?” kumunot ang noo niya. Tumango ako.

“Yung sa canteen…”

“The fuck? Kanina?! Ynna, or whoever you really are, you have all the time to tell me. 6 long months! God!” kitang kita ang galit sa mga mata niya.

“Pero Sky… hayaan mo naman akong magpaliwanag. Hindi ko lang pwedeng sabihin sayo noon kasi may kontrat—“

“You are very disappointing. And I don’t even know what to call you anymore.”

“Sky, please! Makinig ka!”

“No. I don’t listen to strangers.” Sabi niya bago siya umalis.

Napa-upo nalang ulit ako sa sahig yakap yakap ang mga tuhod ko. Ang sakit sakit. Parang dinudurog ang puso ko.

Stranger daw ako?

Yung tawagin ka ng pinakamamahal mo ng stranger? Wala na yatang mas sasakit pa doon.

Sa gilid ng aking mata ay may nakita akong nag-abot sa akin ng panyo. Pag taas ko ng ulo ko ay nakita kong si Dave iyon. Umiling ako bilang pag-tanggi sa inaalok niya.

“Look, I’m very sorry. And I’m willing to help you.” Sabi niya. Nakakatawa. Hindi na rin yata niya alam kung ano ang itatawag niya sa akin.

“Thank you nalang. Pero hindi ko kailangan ng tulong mo.” Sabi ko sa kanya bago ko pilit na inipon ang lahat ng aking lakas para umalis na roon. Pero hindi kinaya ng katawan ko. Inalalayan ako ni Dave hanggang nakarating ako sa labas ng condo ni namin- este ni Janina.

“Alam kong hindi mo alam kung kalaban ba ako o kakampi. Pero maniwala ka, kakampi mo ako. Naiintindihan kita. Tutulungan kitang ayusin ang gusot niyo ni Janina. Mahal ko si Janina at gusto ko rin ayusin ang naging trato niya sayo. Hayaan mo, balang araw. Magkakaayos din kayo.” Sabi niya bago siya umalis.

“Dave!” sigaw ko nang hindi pa siya nakakalayo. Lumingon siya. “Salamat.”

Ngumiti nalang siya at umalis na ng  tuluyan.

Pagpasok ko sa condo ni Janina ay nadatnan ko agad si Shibama at si Caloy na nag-iimpake na ng kanilang mga gamit. Tumakbo ako para yakapin ang umiiyak na ring si Shibama.

“Sorry Shibs! Sorry talaga! Hindi mo na dapat ako kinampihan. Sabihin mo nalang kay Janina na siya ang kakampi mo. Please, Shibs! Kaya ko naman ang sarili ko. Marami ka pang magagandang bagay na makakamit kapag na kay Janina ka! Magiging world class fashion designer ka pa, Shibs! Sa akin, wala kang mapapala!”

“Ano ka ba, dear! Okay lang ako! I chose to be with you. I want you better than you ate, okay?” sabi niya habang pinapatahan ako.

“Pero Shibs! Nawalan ka ng trabaho!”

“It’s okay. We’ll find a way. Actually, Caloy and I already have a list of dorms na pwede nating pagrentahan for a while. Maghanap nalang tayo mamaya.”

“Shibs, sorry talaga.”

“You need to rest. Ako na ang mag-iimpake ng gamit mo. Gisingin ka nalang namin mamaya. You look dog-tired.”

“Oo nga, Ynns. Matulog ka muna.” Pag-sangayon naman ni Caloy. Tinuro na niya ang kwarto. Tumango nalang ako at mabilis pa sa alas sais, nakatulog nga ako. Huling tulog ko sa kamang malambot.

***

Mabilis kaming nakahanap ng dorm na paglilipatan pansamantala. Mura lang. Php 550.00 lang. Isang linggo lang naman kasi kami doong tatlo. Napagplanuhan namin ni Caloy na bumalik nalang kami sa Bohol gamit ang natitira naming pera. Si Shibama naman, patutuluyin daw siya nung mystery boyfriend niya sa bahay nito. Magkakahiwalay man kami ni Shibama ay nangako naman kami sa isa’t-isa na magtatawagan pa rin kami. At magkikita pa rin kami.

Kung tutuusin ay isang linggo nalang pala kaming magkakasama. Kaya naman ay napagpasyahan naming mag-inuman nalang doon sa mumurahing bar sa tabi ng dorm na napili namin araw araw. Napakasikip ng lugar dito at medyo may kainitan pero pwede na rin kesa wala. Gusto ko rin makainom para naman medyo mawala-wala ang lahat ng sakit sa dibdib ko.

“May isang babae, nursing student, sumakay siya sa jeep tapos biglang nangulangot.” Pagjojoke ni Shibama.

“Hahahahahahaha!” tawa namin ni Caloy, pilit na kinakalimutan lahat ng pinagdadanan namin.

“May isang matanda na ngumiti sa kanya. Tinanong ng matanda habang nakatingin sa uniform nitong napaka-puti. “Neng, ano ba yang kinukuha mo?”"

“Hahahahahahahaha!”

“Pinag-yabang ng nurse syempre. Sabi niya “Nursing po ang kinukuha ko!”"

“Hahahahahahahaha!”

“Sabi naman ng matanda, “Ah nursing ba yang kinukuha mo? Akala ko kasi, kulangot eh.”"

“Hahahahahahaha!” Gusto kong matawa. Pero hindi ko kaya. Pero pinipilit ko para kay Shibama at para kay Caloy. Pinipilit kong maging isang malakas na babae para sa kanila.

Nagdaan ang mga araw na nagjojoke lang ng nagjojoke si Shibama tuwing gabi. Ang akala ko ay ganun nalang ang aming sitwasyon hanggang sa matapos ang linggo pero biglang dumating ang The Vengeance sa huling gabi namin doon. Naroon at nakita naming naglalakad papunta sa amin sila Ash, Chase, King, Clyde, Viel at Dwight na pinangungunahan nila Erick at Austin. Anong meron? Paano nila nalaman na nandito ako?

“P-Paanong?”

“Natrack namin ang cellphone mo.” Sagot ni Ash. Bakit siya nandito? Hindi ba dapat ay galit na rin siya sa akin dahil sa nagawa ko sa kapatid niya?

“We are here to help.” Si Erick. Mukhang sinabihan talaga silang lahat ni Austin.

“Oo, iiwasan ko na rin muna si Debbie. Tutulungan ka namin, Aly.” Nakangiting sambit ni Dwight. Pero kitang kita sa mga mata niya na nalulungkot siya sa sinapit ko.

“Aly?” napangiti ako. Bigla akong nagka-nickname.

“Yup! Hi alygirl!” masayang sabi naman ni King.

“Alam niyo, hindi niyo naman ako kailangang tulungan.” Tumingin ako kila Shibama at Caloy. Tumango sila. “Babalik na kasi akong Bohol bukas ng gabi. Doon nalang ako magsisimula ulit ng bagong buhay.”

“Iiwanan mo si Sky ng hindi nagpapaliwanag?” tanong ni Austin.

“Pupuntahan ko siya bukas ng umaga sa ECB. Pero kapag hindi pa rin niya ako pinakinggan, baka kailangan talaga muna namin ng oras para makapag-isip isip muna. Pero babalikan ko rin siya. Hindi ko kayang hindi kami magkaaayos.”

“I’ll help.” Sabi ni Ash.

“Hindi na kailangan, Ash.”

“I have my own plans.” Nakasmirk siya. Kamukha niya si Sky. Nakakamiss tuloy.

“Trust us, Aly. Hindi ka naman namin ipapahamak eh. Hindi ka rin naman namin pinipigilan bumalik sa Bohol. We just want you to say yes to our plans.” Si Erick.

“Papaano akong magyeyes eh hindi ko naman alam?”

“Magyes ka na kasi girl!” kinurot ako ni Shibama sa bewang. Aray.

“Oo na yes na!” sabi ko naman. “Pero pupunta pa rin ako sa ECB bukas. Kailangan kong makausap si Sky.”

Tumango naman sila. Kung ano man ang pinaplano nila, hinayaan ko nalang din sila sa huli. May tiwala naman ako sa grupo nila. Wala naman silang ibang pinakita sa akin kung hindi pagtulong lang. Napamahal na rin ako sa kanila. Kaya naman kung ano man iyon, sana maging effective. At sana maging daan iyon sa mabilisang pagbabati namin ni Sky. Dahil kapag tumagal pa itong alitan namin, baka hindi ko na kayanin. Hindi ko rin kasi masasabi kung ano ang kapasidad ng aking sarili pagdating sa mga ganitong bagay.

***

Kinabukasan, tulad ng nakasanayan ay inayusan pa rin ako ni Shibama. Kahit maliit ang dorm namin ngayon ay napagkasya pa rin niyang ang buong make-up kit niya.

“Shibs naman eh. Hindi mo naman ako kailangang ayusan. Kakausapin ko lang naman si Sky at magpapalalam lang naman ako.”

“No. No. No. Yung huling hindi na nagpamake-up sa akin ay yung pumunta ka sa canteen ‘di ba? Tignan mo ang nangyari! Hindi pwede! Kailangan maganda ka mamaya sa ECB! Pakita mo na kahit fake Janina ka! Mas maganda ka pa rin sa kanya!”

Napatawa nalang ako. Ang kulit talaga ni Shibama. Ito talaga yung ilan sa mga bagay na super mamimiss ko kapag bumalik na ako sa Bohol.

Simpleng jeans at shirt lang ang pinasuot sa akin ni Shibama. Mas mabuti daw na hindi na namin gamitin ang style ni Janina. Kailangan ko na daw makahanap ng sarili kong style na mag-iiba sa akin kay Janina. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa mga style style na yan. Pero hinayaan ko nalang si Shibama na gawin niya ang magic niya sa akin. Mas lalo tuloy akong nalulungkot. Hay nako. Ngayon palang ay namimiss ko na siya kahit magkasama pa rin kami.

Medyo may kalayuan ang napili naming dorm papunta sa ECB kaya kailangan ko munang sumakay ng tricycle. Hindi ako masasamahan ni Caloy papunta doon dahil maaga siyang pumunta sa trabaho niya para magresign na. Sasamahan sana ako ni Shibama pero umiling nalang ako bilang pagtanggi.

“Kaya ko na ‘to.” Sabi ko sa kanya. Pinilit kong ngumiti.

“Sabi mo yan ah. Goodluck, girl! Pagdadasal kita!” sabi niya habang nagbababay sa akin. Umandar na ang tricycle papunta sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Sa ECB.

Pagbaba ko palang ng tricycle ay sari-saring chismisan na agad ang narinig ko. Syempre, puro tungkol nanaman sa akin at kung gaano ako kasama para magpanggap bilang ibang tao. Inasahan ko na ito kaya hinayaan ko nalang sila. May ID pa rin ako ng ECB kaya naman pwede pa rin ako pumasok kung kailan ko gusto.

Mabilis kong nakita si Erick at Dwight na papalapit sa akin.

“Aly, nasa black room si Sky. Mag-isa. Dali! Kunin mo na ang pagkakataong ito para kausapin siya.” Si Dwight.

“Go, Aly! We’re on your side.” Si Erick.

“Salamat.” Ngumiti ako sa kanila at madaling pumunta na sa black room.

Hindi ko na kinailangan pang pumunta sa loob ng black room dahil nasa labas na nito ang hinahanap ko. Nagyoyosi.

“Sky, mag-usap tayo please!” sigaw ko nang medyo nasa kalayuan pa ako.

“Who are you? I don’t talk to strangers!”

“Sky! Please naman! Kahit ngayon lang bago ako umalis.”

“Umalis ka nalang!”

“Sky! Please lang! Sandali lang ito---Aray!” nahulog ako sa sahig sanhi ng pagtulak sa akin ng isang babae. Si Farrah.

“What the fuck? Why did you push her?” galit na sinabi ni Sky kay Farrah.

“Because she deserves to kiss the floor while I deserve to kiss you.” sabi ni Farrah bago niya inalis ang yosi ni Sky sa bibig niya at pinalitan ito ng mga labi niyang sabik na sabik kay Sky. Binalik ni Sky ang mga halik ni Farrah. Naghahalikan sila ngayon ng torrid sa harapan ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila. Parang na-immune na yata ako sa sakit. O baka kasi mas masakit pa rin yung kahalikan ni Sky ay si Janina.

“Tapos na kayo?” sabi ko nang inilayo ni Sky ang bibig niya kay Farrah. Tumayo na rin ako sa pagkakadapa ko.

“Why did you stop, Sky baby?” malanding sabi ni Farrah. Tumingin lang sa malayo si Sky.

“Ayaw niya sayo.” sabi ko. Kailangan kong maging matapang.

“Wow ha! So anong sinasabi mo? Sayo niya gusto? Yucks! Urban kiss ang gusto ni Sky. Not rural. Probinsyana ka! Umalis ka na nga rito! Hindi ka bagay dito! Nababahiran ang ECB ng pagkajejemon mo!”

“Aalis na naman na talaga ako eh. Nandito lang ako para magpaalam kay Sky. Kaya please? Pwede ko ba siyang makausap?”

“How dare you! Pinapaalis mo ba ako?! Ang kapal din ng mukha mong probinsyana ka ah!!!” tumayo si Farrah para sugurin ako pero pinigilan siya ni Sky.

“What? Kakampihan mo siya after everything that she did to you?” sumbat ni Farrah kay Sky.

“You.” Tumingin sa akin si Sky. “Please. Just. Go. Leave us alone!” sumigaw na siya sa huli sa akin. Mukhang kanina pa nagtitimpi si Sky sa akin.

“Hear that?! ALIS!” sigaw pa muli ni Farrah.

“ALIS!”

“ALIS!”

“ALIS!”

Nakarinig pa ako ng mga taong ginagaya si Farrah at nakikisama na rin sa pagchachant na paalisin na ako. Ang bilis naman dumami ng tao sa paligid ko. Ganito pala talaga kapag may issue sayo o may chismis eh noh? Kung nasaan ka ay naroroon din lahat ng tao. Tutal narito na rin naman silang lahat. At narito pa rin naman si Sky. Minabuti kong isabay sabay na sa kanilang lahat ang lahat ng gusto kong sabihin bago ako umalis dito sa ECB. Kailangan ko lang talaga itong ilabas. Kailangan kong malaman nila ang sitwasyon ko bago ako umalis. Kailangan kong malaman nila ang lahat ng side ko bago pa dumating si Janina. Alam ko rin kasing wala pa si Janina ngayon dahil sinasasabi sa akin lagi ni Shibama noon na lagi siyang late kung pumasok sa school. At malay ko ba kung pumapasok na ba talaga siya ngayon.

“Makinig kayong lahat…” panimula ko. Tumahimik naman silang lahat. Nakatingin lang sa akin si Sky. Nakita kong naroon na rin sila Debbie at Karen, Dwight, Erick at Dave.

“Gusto ko lang sanang malaman niyo na nagawa ko lang ang pagpapanggap ko dahil gustong gusto ko makapag-aral. Dahil wala akong pera na tulad niyo. Kaya noong pumunta si Janina sa amin para alukin ako ng pag-aaral sa magandang eskwelahan kapalit ng pagpapanggap bilang siya, hindi ko na iyon natanggihan.”

“Bakit ko hindi sinabi sa inyo agad? Dahil may kontrata akong pinirmahan. Nakasaad sa kontrata na hindi ko pwede sabihin sa lahat ng tao kung sino talaga ako kung hindi mawawala ang pag-aaral na inaasam asam ko. Nakasaad din sa kontrata na bawal akong mainlove. Pero iyon ang pagkakamaling nagawa ko.”

Tahimik pa rin silang lahat kaya nagpatuloy pa rin ako.

“Oo peke nga ako. Kabaligtaran ako ng lahat ng inaakala niyong ako. Pero ito lang ang masasabi ko. Peke nga ang lahat ng nakikita niyo sa akin. Pero ang pagkakaibigan na ipinakita ko sa inyo--” Tumingin ako kila Debbie at Karen. “Lahat iyon totoo. Kinaibigan ko kayo hindi dahil kailangan ko kayo. Kinaibigan ko kayo dahil mabubuti kayong tao at mababait talaga kayo.”

“At ang pagmamahal na ipinakita ko sayo--” Tumingin naman ako ngayon kay Sky na nakatitig lang din sa akin. “Totoong totoo.”

“Sky, alam mo kung paano ko sinabi kay Dave noon nung nakablind fold ako kung gaano kita kamahal. Alam mo kung paano kita ipinaglalaban kay Caloy na bestfriend ko. At ngayon, alamin mo na hinayaan kong sirain ang kontrata na maaaring makasira ng pag-aaral ko para lang mahalin ka. Sana doon palang maramdaman mo naman na totoo lahat ng ipinakita ko sayo.”

“Kayong lahat. Gusto kong malaman niyo na isa lang akong simpleng babae na nangarap mag-aral. Nagkamali lang ako noong nagmahal ako. Hindi ko kasi iyon naiwasan. Nahulog din kasi ako. Tignan niyo nga si Sky, sino bang hindi mahuhulog diyan?” medyo natawa pa ako sa sinabi ko. Ang gwapo pa rin kasi ni Sky. Mamimiss ko talaga siya.

“Pero kung huhusgahan niyo ako dahil lang doon, mas basura pa pala itong ECB at lahat ng tao dito kesa sa basura na sinasabi niyong pinaggalingan ko.”

“At tulad ng lahat ng gusto niyong mangyari, oo, aalis na nga ako. Babalik na ako sa Bohol mamayang gabi. Hindi ko na kayo gagambalain pa. Babaunin ko pa rin lahat ng masasayang alaala ko sa inyo. At tandaan niyo, mahal ko pa rin kayong lahat. Paalam.” Isang luha ang pumatak sa aking pisngi bago ako umalis na ng tuluyan at bumalik na sa tricycle lane at pumunta na sa dorm namin.

Totoo na ito.

Paalam na talaga, ECB.

***

• SKY JAMES ANDERSON •

[Anderson Residence]

So she’s leaving?

Just like that?

She won’t even give me time to think things?

Fuck it! Why do I even care?

I don’t even know her real name but when I close my eyes, all I see is her.

Even when I was kissing Farrah, all I imagined kissing was her and only her.

I know that I love her so much. But I can’t forgive her right now. The pain is still hurting like hell. I felt really betrayed. I mean, she could’ve told me anytime when we were together. I know, there is a contract. But hell! I am her boyfriend. I can understand. I will try my best to understand. But she didn’t tell me. Which means, she didn’t trust me enough on this matter. And that is what I am mad for. Trust is very important in every relationship. And if we don’t have that, then we don’t deserve to be in a relationship.

Well, I am thinking if we ever got in into a relationship. I guess no. Because I was practically in a relationship with Janina. Or better, I am in a relationship with someone I don’t know. Until now.

I was actually almost going to forgive her a while ago when she did her little speech there. The way she looked at my eyes makes my heart melt.  I wanted to hug her and tell her that everything is going to be alright. But then my mind refuses to. I just can’t. I am only human, and I can’t forgive that easy.  Especially when I have been lied for 6 long months.

I liked her before because I am so tired of all the classy girls in our school. She immediately caught my attention because of her own ways. She makes me laugh all the time that no other girls have made me felt before. I felt the best parts of my life with her. Who would’ve thought that it is also with her, I will feel the worst part of my life? Tss.

I kicked the table on my room out of irritation. Ugh!

“Bro, hey, relax!” Ash went in. I guess he heard the sound and the crashing of the table for his room is just across mine.

“Just go out.”

“I know you’re hurting. I’ve heard that she’s coming back to Bohol.”

“Go out!” I already shouted at him.

“You have no reaction on her coming back to Bohol that easy?”

“I don’t care.” I said. Looking away.

“I doubt. It has only been a week, and you don’t care anymore? Is that even possible? Last time I knew- you love her so much.”

“Will you shut up?”

Silence…

“Did you already break-up?” he started again.

“We didn’t even have a relationship.”

“So I guess…” he didn’t finish what he was saying.

“What?” I asked. Annoyed.

“I guess Aly is now open for suitors.”

Aly? Is that her real name? Why does Ash knows it and I don’t? Fuck.

“I don’t care.”

“But as Aly’s ex-lover, I still want to ask permission from you, bro.”

“What are you talking about?”

“I heard she likes my dimples. And she also had a crush on me. I liked her ever since before. But I stopped my heart from liking her because you two are together. But right now is my chance. So I am asking your permission.”

“You are…” I can’t finish what I was about to say. This can’t be happening.

“Yes, bro. I am going to court Aly. I will also fly to Bohol tomorrow.” He said before he left my room.

Processing...

Processing…

Processing…

What the hell?!

--

A/N again (Haha! Sorry! Namiss ko ‘to eh.)

Sa mga hindi nakakaalam, naging restricted na ang MWG nung pinost ko yung chapter 32 (Janina POV), yung scene na alam niyo na. Yung word na “S.S.” Lol. Naging hindi na siya searchable, wala na sa ranking system, wala na din sa list of works ko. Ilang linggo din yun simula nung pinost ko yung 32. Kala ko forever nang ganun. Syempre super sad ko. :|

Pero I'm happy to say na MWG is back na!!! So I would like to thank the whole wattpad HQ Philippines team for always helping me! Shoutout to Ms. Kristel and Ms. Justine for accomodating my requests! <3 Thank you!!! ♥ ♥ ♥

Sa mga lagi namang naghihintay ng MWG updates na paulit ulit pa binabasa yung latest chap. Super kinikilig ako sa inyo! Thank you for always waiting! Thank you talaga!!! Lab ko talaga kayo! x

Next Updates:

Chapter 37: Stalker - January 15, 2015

Chapter 38: Bullied - January 18, 2015

♥ Mhariz