A/N
Hello! Just want to say thanks to all those who prayed for me. Hehehe. Pasado ang lola niyo! :p Start na ako sa work since last week. :D Thanks!!! ♥
This chapter is one of my favorites. #IMHO I hope you’ll enjoy it! x
Mhariz ♥ / NEXT UD: March 15
--
• SKY JAMES ANDERSON •
After that stupid long ride to St. Luke's Hospital because of the heavy traffic, I am finally here. I hurriedly went inside and asked the nurse on where is Ynna’s room. Room 3503 – the biggest room in the hospital. I didn’t waste any time, I immediately went up only to find a sleeping Ynna alone and suffering – which broke my heart to pieces. Who could’ve done this to her? Why was she left alone in here with this kind of condition? And why she or he who brought Ynna here didn’t call us right away?! Shit!
I went out of the room to ask the nearest nurse station on who was the one who brought Ynna here. The nurse told me that it was Nikki Arlene Salviera, the school nurse. Damn. Why didn’t she told me right away about Ynna’s condition? Why did it have to take long for us to know about this? Even Shibama doesn’t know! I will definitely tell Austin about his girl’s attitude. This is something I can’t let pass that easily. Ynna is in serious danger because of her. Or probably because of me.
I checked Ynna’s hospital bills and I was surprised to know that Ynna’s admission and all of her upcoming hospital bills went complimentary. Who could’ve done this? Could it be Nurse Arlene? Could it be one of the programs ECB has in store for its students? Or could it be… nah. Nevermind. It's impossible.
I went back to Ynna’s room to stay with her instead. Minutes after when I came in, that is when Shibama showed up. He must have been stuck in the traffic jam too.
“Oh God.” He started. Almost crying.
“I know. Salviera brought her here. And then left her, too.”
“Talaga? That’s impossible! Hindi iiwanan ni Nurse Arlene si Ynna!” protested Shibama.
“But she just did.”
“Grabe! How dare she! Ano ba naman yan! Kawawa naman si Ynns!” screamed Shibama in frustration.
“Don’t scream. Ynna might be awake.” Said Ash. Woah. So Ash and the Vengeance are already here too. I felt happy to know that they are all here to support Ynna. But I felt kind of jealous too because all of who came to visit Ynna are only boys and a gay. Selfish but yeah, I don’t want any boys near her, even my friends, even my brother, and even at this kind of situation. But it is clearly impossible for me to avoid that. There’s nothing else I can do. Tss.
After an hour of silence with Shibama and The Vengeance, the doctor has finally come back. She was a chubby woman that looks like she was in her 40s. She looked very professional. And she looks like she was about to give us a good news because she was half smiling. I’m really hoping that this is good news. If not, I really don’t know what to do. I get crazy every minute.
“Hi, good evening. I am Dra. Zobel. May I know if her parents are here? Or any immediate family members?” asked the doctor.
“No. We are all her friends.” Said Shibama.
“I am her boyfriend.” I said, emphasizing the word 'Boyfriend'.
“I see.” She nodded. “Well, I have a good news for you.”
That answer enlightend us all. She just gave us the answer we are dying to get.
“What is it?” asked Ash.
“Ms. Paredes here is now in a stable condition. She is not critical anymore. Good thing that the blood donation was her perfect match. You can now breathe. She is extremely fine. You can just wait here ‘til she wakes up.”
“Who donated the blood?” I asked.
“I don’t have any idea. It was just delivered to us to especially give it to Ms. Paredes. But it says that it came from her family. Though we don’t know if it was from her mom or her dad, or from a sibling if she have one.”
“Okay.” I said. I didn’t want to prolong the conversation anymore. To know that Ynna is safe is more than enough for me. God knows how important Ynna for me is. I can’t afford to see her suffering. That is why I am thanking Him for saving my girl. I should be a better person now.
Hours passed and Ynna is still sleeping. People were leaving one by one until it was only me and Shibama left. He is still very worried to Ynna as I am. It is very seen how the gay loves Ynna so much. I can’t blame him. Who wouldn’t love Ynna anyway? She is everything you can ask for.
“Shibama, you can go now. I know you’re tired. I’ll stay with her until the morning.” I said.
He just nodded and told me that he is the one who is going to sleep with Ynna tomorrow if Ynna still hasn’t woke up. I agreed to that. But of course, we are still praying for her fast recovery.
When Shibama left the hospital room, that’s when I went near Ynna. I traced every part of her face using the very light touches of my fingers. I wanted to kiss her so bad. But of course, it would be inapropriate with her condition. I might look like a rapist. So, I just stared at her – Hoping that she will be awake in no time.
“Ynna my love, please wake up already. If you wake up, I promise to make you happy. I promise that we will be together forever. I promise that I will never harm you again by any means. I love you so much.” I said as I kissed her free hand and rested my forehead on it. And that was my position when I fell asleep.
Alynna Marie Paredes, I’m so lucky to be part of your life.
***
The morning came and Shibama said that he will be the one taking care of Ynna for today. It is expected that Ynna will be waking up later tonight – said the attending nurse. I don’t know much about hospitals so I just nodded and hoped that it would be earlier that tonight. I also realized that I needed to take a bath too. I mean, I don’t want to be smelly when she wakes up. So as we agreed, I decided to let Shibama take care of Ynna for a moment while I go home to fix myself up. I’ll just have to go back here later.
Lunch time came and I am now drinking with the Vengeance on a resto bar just near the hospital where Ynna is admitted. Why? Because they reminded me about my promise to treat them drinks when Ynna gets approved by my parents. Also, for a double celebration on Ynna’s stability on her dengue case. As much as I wanted to stay with Ynna, I need to fulfill my promise. And Shibama is there anyway. Although I am still hoping that I could be the first one Ynna sees when she wakes up.
“So bro, anong nangyari? Okay na kila tito at tita si Ynna?” asked Clyde. Looking happy.
“Yeah.” I said with a smile.
“Anong nangyari?! Okay na agad agad? Ganun nalang? Walang kontra? Walang drama?!” King.
“Wala.” I said. “Meron.” Said Ash. Ugh.
“Ha? Ano ba yung totoo? Ang gulo niyo rin eh.” It’s Erick this time.
“My brother has actually made a gay MMK certified episode. HAHAHA!” laughed Ash. He is becoming his annoying self again.
“Ano yun?! HAHAHA! Ngayon palang natatawa na ako! Kwento naman diyan! Kwento! Kwento!” chanted Dwight.
“I felt that I was Shibama at that moment.” I said in a serious tone then I soon laughed. I can’t hold my emotions. Imagining myself like Shibama, no way. I drank my vodka drink in just one shot.
“Hey, hinay hinay! Baka malasing ka nanaman Sky! Babalik pa tayo kay Aly mamaya!” said Austin.
“Oo nga hinay lang Sky! Baka mangyari nanaman yung nangyari noon sa Tritonne! Hahahaha! Tangina! Tawang tawa ako dun!” Viel.
“What?” I asked.
“Ynna the bouncer! Ynna the dancer! Ynna the janitor! Ynna lahat! Yung moment na lahat ng tao na nakikita mo ay si Ynna? Epic yun bro! Yung sinukahan mo pa yung dalawang bilbilin? Benta talaga! Whew!!! HAHAHAHA!” Dwight. Ugh. I just gave him a deadly look.
“But you know, Sky, think about it, ang tagal mo na palang in love diyan kay Ynna noh?” said King. He was right.
“Yung sa Tritonne bar mo ba narealize na gusto mo si Ynna? Doon mo ba narealize na mahal mo si Ynna?” asked Clyde.
“Yeah.”
“I think no.” said Erick. What?
“What?”
“I knew you admired her the first time you saw her.” It was Ash.
“Maybe.” I said.
“You have fallen in love with her the first time you sang ‘Hold Up’ at the school auditorium.” concluded Dwight.
“That was the moment when Ynna and you are still on a pretend relationship - that looked real in the first place. I mean, come on, you have never sang to anyone in a public place. And thinking right now on how many times have you already done that just to please Ynna, it’s so obvious. You loved her since then. You loved her even before that Tritonne bar incident. You are just denying it to yourself.” Added Erick.
“Yeah…” I just agreed to them. All of what they said were right. They are good observants.
I smiled to myself thinking of all the good memories I had when I first met Ynna. It was all the best ones I ever had in my life. Something that you can keep forever and not get tired of reminiscing. It was crazy how we started as a fake couple when actually all my feelings for her are real from the first place. It was even crazier when I fell in love with a girl whom I really don’t know at all. Even her real name. But I guess love really does speak in a lot of languages. And as for me and Ynna, identity will never be an issue to know how much we love each other. Yes, it was once a big deal for me, but my love for her made me overcome my fears and my love for her made me trust in her again.
“Ano nanaman ba yang inisiip mo? Baklang bakla ka nanaman! Baka matuluyan ka na niyan ah! HAHAHA!” laughed out Ash. I didn’t know that I was smiling all alone by myself! Now that was embarrassing! Ugh!!!
“Tss!” I said.
“Gay.”
“Whatever.”
“Gay.”
“Do you hear anyone talking?”
“Gay.”
“Kroo kroo.”
“Gay.”
“Tama na nga kayong magkuya! Gay kayo ng gay ayan tuloy may Gay na na tumatawag sa phone mo Sky, hindi mo pa napapansin!” said Austin. When I looked at my phone, it was Shibama. I immediately answered the phone. I knew that this call would be about Ynna. I put the phone on speaker mode for everyone to hear.
“Shibama.”
[Papa Sky!!!]
“What?!”
[Ynna is already awake!!!! Punta na kayo dito! Hinahanap niya kayo! Lalo ka na Sky!]
“WHOOO! YUN YUN EH!!!!” screamed the Vengeance.
“Okay, we’ll be there! Bye!” I said before I ended the call.
While everyone was excited because of Shibama’s news, panic was the one that hit me. I don't know what to say to Ynna. I don’t know how will I be approaching her the right way. I didn’t practice my words. I was literally shaking. I know that I should be saying sorry to her because it was actually my fault on why she is admitted right now. But I don’t know how will I say it.
What if Ynna gets mad because of my 99% pride? What if Ynna says something like she’s tired of me? That she wants Ash instead? Or Dave? Or Caloy?
Ack!!! What’s happening to me and my confidence?! Shit!
***
• ALYNNA MARIE PAREDES •
Nagising ako sa isang lugar na pagka-puti puti. Hindi ko naman alam kung paano ako na napunta dito. Puting dingding, puting bubong, puti at malambot na kama, tapos may dextrose pa sa tabi. Teka, dextrose? Pagtingin ko sa kamay ko, sa akin nakakabit ito! Hala! Nasa ospital ako? Bakit ako napunta dito?
Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari bago ako napunta dito pero wala talaga akong maalala. Ni hindi ko man lang alam kung nasaan ako bago ako napunta dito. Mahaba ba ang tulog ko? Nagkasakit ba ako? Hindi ko talaga alam. Imposible namang trip lang ang pagkakalagay sa akin dito. Pero sa totoo, wala kasi talaga akong nararamdaman na kahit ano. Walang masakit. Parang masaya pa nga ang pakiramdam ko eh. At hindi ko rin alam kung bakit.
“Ynna dear!!! OMG! You’re awake!!!” sigaw ni Shibama bago ako niyakap. Mukha siyang sobrang nag-aalala. Problema nun?
“Oo malamang galing sa tulog, syempre magigising.” Pambabara ko sa kanya. Ang OA niya kasi eh.
“Nambabara ka na ah! Magaling ka na nga! Hmp!” iniparan niya ako.
“Nagka-dengue ka anak.” Nagsalita si… si papa!
“Papa!” napatayo ako sa kama. Oo napatayo ako agad. Yung sobrang bilis na tayo na parang walang sakit. Tulad ng sinabi ko kanina, wala naman akong nararamdaman talagang sakit. “Dengue? Di nga?”
“Oo anak, nakagat ka yata ng lamok. Kung saan saan ka kasi nagsususuot. Bumaba ng sobrang baba ang platelets mo. Naging kritikal ang kundisyon mo kaya naman napalipad kami agad papunta dito sa Maynila. Buti nalang at may promo na flight yung Cebu Pacific at nakakuha kami ng ticket na mura.”
“Kayo? May kasama ka papa?” tanong ko.
“Oo. Eto o sila Caloy at Merylle.” Sabi niya. Tumayo naman agad sila Caloy at Merylle sa dulong upuan kung saan hindi ko natatanaw kanina. Ang laki naman kasi ng kwartong ito. Parang kwarto na ito ng tatlong tao eh. Bakit ba kasi ako nandito?
“Ah hello.” Awkward kong nasabi. Eh hindi ko naman din talaga alam ang sasabihin ko sa kanila eh. Lalo na kay Merylle.
“Um. Meron kaming gatas ng kalabaw at tawa tawa. Inumin mo. Nakakatulong yan sa dengue.” Si Caloy.
“Ah sige, thank you, Caloy.” Sabi ko. Napatingin ako sa kamay ni Caloy na mahigpit na nakahawak sa kamay ni Merylle. Pagkadampi ng tingin ko sa mga kamay nila ay bigla naman silang nagbitawan na para bang may nakita ako na hindi dapat.
“Okay lang kung kayo na.” pang-aasar ko sa kanila. Nakita kong biglang namula ang mukha ni Merylle tapos nagpaalam lang siya sandali kay papa para magbanyo. Naiwan si Caloy.
“A-Ano ka ba Ynna, hindi kami no. Ikaw talaga.” Pagdedeny ni Caloy. “Pinagdadasal ka lang namin kaya ganun.”
“Sabi mo eh.” Sabi ko naman. Napatawa ako ng kaunti. Hinawakan niya ang buhok ko at ginulo-gulo. Namiss ko ang best friend ko. Namiss ko talagang maging kumportable sa kanya. Sana ito na ang simula ng pagbabalik ng aming samahan. Pati namin ni Merylle.
“Sino nga pala ang nagdala sa akin dito sa ospital?” tanong ko naman kay Shibama.
“Ah. Si Nurse Arlene Salviera. And this big room, mukhang perks daw ‘to na binibigay ng ECB sa mga students nila kapag nagkasakit. Bongga ‘di ba?”
“Wow. Bongga nga.” Sang-ayon ko.
Nang sinabi ni Shibama na si Nurse Arlene ang nagdala sa akin dito sa ospital, mayroong kung ano sa katawan ko na parang hindi sumasang-ayon. Parang may gusto itong ipahiwatig pero hindi ko malaman kung ano iyon.
Tinignan at nginitian kong muli ang mga tao sa hospital room kung nasaan ako ngayon. Masaya ako na narito sila para sa akin. Si Shibama, si papa, si Caloy ar Merylle. Pero nalungkot ako nang makita kong wala si Sky sa kanila. Syempre, itinuturing ko pa rin si Sky na isa sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Syempre isa rin talaga siya sa mga gusto kong makita paggising ko. Pero hindi siya pumunta. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman nagtanong na ako.
“S-Si Sky?”
“Ay oo nga pala! Girl! Buti hinanap mo siya! Alam mo ba na siya ang nagbantay sayo buong gabi kagabi?! How sweet!!!!” tili ni Shibama. Napatulala nalang ako sa sinabi niya. G-Ginawa yun ni Sky para sa akin? Ibig bang sabihin ay maayos na kami?! Pero nasaan siya ngayon? Bakit wala siya dito ngayon?
“Pwedeng kiligin, anak.” Pang-aasar sa akin ni papa. Nakatulala lang kasi ako. Sobrang shock pa ako.
“Pero nasaan siya?” tanong ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya napangiti na rin ako.
“Wait tawagan ko lang siya.” Sabi ni Shibama bago niya dinial ang numero ni Sky. Ni-loud speaker pa niya para marinig ko ang usapan nila.
Nakakatuwang marinig ang boses ni Sky. Kasama pala niya ang The Vengeance. Nakakatuwang marinig na nagsigawan sila nang sinabi ni Shibama na gising na ako. Parang, sino ba ako para magdiwang sila 'di ba? Nakaka-touch talaga. Pero ang pinaka-ikinasaya ko ay ang marinig ko ang boses ni Sky na papunta na para puntahan ako. Rinig ko sa boses niya na masaya rin siya na gising na ako.
Nang ibinaba ni Shibama ang telepono niya ay imbis na ma-excite ako dahil papunta na si Sky dito pati ang The Vengeance, kaba ang naramdaman ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kay Sky. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakapag-usap ng maayos. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko para maging normal na ulit ang lahat sa pagitan naming dalawa. Hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko pa nakikita ang itsura ko! Paano kung pangit ako ngayon?! Baka umatras si Sky! Kailangan ko munang mag-ayos!
Pero bago ko pa man masabi kila papa na mag-aayos muna ako sa CR ay biglang may kumatok na sa pintuan ng kwarto ko at doon nagkasalubong agad ang mga tingin namin ni Sky. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya at ganun din siya sa akin. Kasama niya ang The Vengeance sa pagdating pero si Sky lang ang nakikita ko.
Bigla namang gumawa ng hakbang si papa na mas lalong ikinataas ng kaba ko. Itong si papa talaga! Hindi ko tuloy alam kung sa akin ba siya kampi o kay Sky eh.
“Anak Ynna, maiwan na muna namin kayo ni Sky para makapag-usap kayo ng maayos. Aalis muna kaming lahat dito sa kwarto. Sa labas lang kami sa canteen. Tawagin niyo nalang kami kapag tapos na kayo mag-usap.” Sabi ni papa na sinunod naman ng lahat pati ng The Vengeance. Lahat sila ay lumabas ng nakangiti. Hala?
Kokontra pa sana ako sa plano nila pero nag ‘Ssh’ sa akin si Shibama hudyat na huwag na daw ako magsalita. Kitang kita kong pati si Sky ay nagulat sa bilis ng pangyayari. Alam kong hindi rin niya inaasahan na magkakaroon kami ng private moment. Ni hindi ko pa nga alam kung kaya na naming makapag-usap eh. Hindi naman kasi nadadaan sa madalian ang mga bagay eh. Hay nako talaga. Ang awkward tuloy. Tapos wala pa akong ligo, hmp!
Sinubukan kong ayusin ang upo ko. Medyo nakatabingi kasi ako kanina eh. Nagulat ako nang naramdaman ko ang mga kamay ni Sky sa likuran ko. Ina-alalayan niya ako! Parang akong nakuryente sa hawak ng kanyang kamay. Fresh na fresh pa rin yung ganitong pakiramdam na kinikilig. Si Sky lang talaga ang nakakapagawa sa akin ng ganito.
“T-Thank you.” Sabi ko. Umupo siya sa harapan ko. Magkaharapan kami ngayon pero walang nagsasalita sa amin. Pero nakatingin kami sa mga mata ng isa’t-isa. Hindi ko alam kung nag-sta-staring game ba kami o ano.
5 minutes staring game…
10 minutes staring game…
25 minutes staring game…
Nang hindi ko na talaga kaya ang staring game namin ni Sky ay doon na ako nag-desisyon na magsasalita nalang ako ng una. Medyo naluluha na din kasi ako sa tagal kong katitigan siya. Oo at maganda ang mga mata niya pero kapag sobrang tagal mo nang tinitignan, nakakaduling din.
Tsaka mas okay na rin na ako na muna ang magsasalita kasi malay ko kung bakit hindi siya nagsasalita. Mamaya may nakikita pala siyang mali sa mukha ko. Malay ko ba kung nakalabas ang kulangot ko o kaya naman lumabas sa mga kweba ang kuto sa buhok ko. Mahirap na.
“Sorry!” sabay naming nasabi. Nagulat ako dahil sabay pa talaga namin naisip kung kailan magsasalita tapos iisang salita lang pala ang gusto namin sabihin sa isa’t-isa. Napatawa nalang kami pagkatapos. Syempre, medyo nawala na yung awkwardness pagkatapos ng tawanan namin. Medyo lang.
“Thank you, Sky dahil nandito ka ngayon.” Sabi ko.
“I’m glad you’re alive. I’m really very sorry.” Hinawakan niya ang kamay ko.
“Wala kang kasalanan.”
Pagkatapos ng sinabi kong iyon ay bumalik nanaman sa staring game. Nainis na ako kaya nagsalita nanaman ako.
“Bakit ang awkward? Haha.” Sabi ko.
“I don’t know.” Sabi niya. Pinisil niya ang kamay ko. Shit. Kakilig.
Nilapit ni Sky ang mukha niya sa akin. Punong puno ng kilig ang nararamdaman ko. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at tinignan ako ng diretso sa mga mata.
*PRUUUUUUT.*
OMG!
Nautot ako!
Nakakahiya!!!
Napalayo sa akin si Sky at medyo natawa siya. Nakakainis. Sobrang nakakahiya. Pero wait, there’s more. Hindi pa kasi sa utot nagtatapos ang lahat. Umpisa palang pala iyon. Bigla kasi akong nakaramdam ng call of mother nature. At walang ibang pwedeng tumulong sa akin pumunta sa CR ng may dextrose kung hindi si Sky lang. Sila papa kasi, hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Mukhang pumunta yata sila sa canteen nitong hospital kaya malamang nasa malayong floor iyon.
“Why? Is there any problem?” tanong ni Sky. Kitang kita ang pag-aalala sa mukha niya.
“Ah… eh…”
“Just say it. It’s okay.”
“Naiihi kasi ako. Hehe.” Pagsisinungaling ko. Yung totoo kasi, taeng tae na ako.
“Oh. Okay. I’ll help you.” Umakto siyang kukunin na ang dextrose at tutulungan na niya akong tumayo.
“Sky, tumawag nalang tayo ng nurse.”
“I can manage.” Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting may assurance. Yung ngiting nagsasabi na ‘Ako na. Kaya ko ‘to. Hindi ka mapapahamak sa akin.’
Tumango nalang ako. Ayoko kasing mainis sa akin si Sky. Mamaya isipin pa niya na nag-iinarte ako. Ayoko naman ng ganun. Kakaayos lang namin eh.
Ang buong akala ko ay tutulungan lang ako tumayo ni Sky at aalalayan lang niya ako papasok sa CR pero iba ang ginawa niya, binuhat niya ako! Binuhat niya ako habang hila hila niya ang dextrose ko. Bago niya ako pinaupo sa toilet ay tinanggal niya ang panty ko pero nakapikit siya. Parang naubos lahat ng dugo ko sa sobrang hiya. T-Tinanggal niya ang panty ko!!! Yung panty kong kasing laki ng sako!!!
Pagkatapos niyang tanggalin ang panty ko ay tumingin lang siya sa akin. Mukhang wala siyang balak na umalis. Ano ‘to? Titignan niya ako habang tumatae ako? Ano siya, hilo? Baka ako na nagbubuhat sa kanya paalis ng CR nito sa tindi ng amoy ng tae ko, baka mahimatay siya.
“You can pee now.” Sabi niya. Waaaa! Oo nga pala, sabi ko nga pala sa kanya ay naiihi lang ako!
Sinubukan kong pigilan para magmukhang ihi lang ang lalabas pero the more na pinigilan ko, the more na sumabog. Waaaa! Wala na! Wala na akong mukhang ma-ihaharap kay Sky pagkatapos!
*BLOK BLOK BRUUUUSH PLAK PLAK PLAK BRGGGG*
Pagkatapos kong tumae ay hindi na ko makatingin ng diretso kay Sky. Kanina lang ay nakikipag-staring game ako sa kanya. Ngayon stare avoiding game naman. Sobrang nakakahiya kasi eh. At yung weird pa, ni hindi man lang siya tumawa nang lumabas yung pasabog ko. Seryoso lang ang itsura niya. Medyo mukha rin siyang nandidiri. Kaya wala na. Hindi na ako umaasa na magkakabalikan pa kami. Nandidiri na siya sa akin! Huhuhu!
Paano ba naman kasi, siya rin ang naghugas ng pwet ko!!! Ayaw niya kasing may gawin ako. Gusto niya siya lahat ang gagawa para sa akin. Nagmukha tuloy ang inutil na hindi makagalaw para sa sarili kanina. Tapos tinanggal niya kanina panty ko, tapos hinawakan niya yung pwet kong may bakas ng tae, tapos binalik niya panty ko. Waaaaa! Hindi ko na talaga alam ang mukhang ihaharap ko sa kanya. Hindi na rin virgin ang pwet ko!
“Why are you not staring at me anymore?” tanong niya. Hindi pa ba obvious?
“Is it because of the poo? I knew from the start that you’re not gonna pee. I guess I know you too well already.” Natatawa niyang sinabi. Aba’y leche ito ah!
“Nakakainis ka!” nasabi ko na rin.
“Hahaha.”
“Hinawakan mo pa yung pwet ko! Bastos ka!” inirapan ko siya.
“If I didn’t touched your butt, you think you’ll be clean?”
“Kahit na, kaya ko naman eh!”
“No, you can’t. You have dextrose attached on your hand.”
“Ewan ko sayo.”
“Listen.” Hinawakan muli ni Sky ang dalawang kamay ko. Iniharap niya ako sa kanya. “Your father just called. They wanted to go back here already. And I just asked them to give me 5 more minutes with you before I go out to call them back.”
“P-Para saan?”
“I want everything fixed between the two of us.” seryosong sabi niya.
“Ako rin naman.” Sabi ko.
“I want us to start again.”
Tumango ako. Naiiyak na ako.
“I want to court you again. Formally.”
“Sk-Sky…” tumulo na ang luha ko.
“But before I do that, I want us to know each other first. I want to know who you are, beautiful lady. May I ask for you name?” ngumiti siya. Ang gwapo!
“Alynna Marie Arquiza Paredes” sabi ko habang umiiyak. Pero pinilit kong linawan ang aking pagsasalita.
“And your nickname is?”
“Ynna?”
“Not that.”
“A-Aly?”
“Not that.”
Huh? Ano pa ba ang iba kong nickname? Yun lang naman eh. May isa pa akong nickname nung bata pa ako pero hindi naman yun alam ni Sky. Pero sinubukan ko nalang ding sabihin kahit pagtawanan niya ako. Bahala na. Nickname ko pa rin naman yun eh.
“Riri?” sabi ko. Lumapad ang ngiti sa labi ni Sky.
“Perfect.”
“Alam mong ako si Riri?”
“No. You’re the one who told me that. Just now.”
“Ah…” edi wow.
“Okay, 5 minutes is over. I'll just go outside to call your dad and the gang.” Binitawan na ni Sky ang kamay ko. Bitin naman ng moment namin.
Umaktong lalabas na siya ng pinto pero bago siya makalabas ay may sinabi pa siya. Sobrang cute talaga ni Sky kahit kailan. Kaya hindi ako magsasawang mainlove sa kanya eh.
“Nice meeting you, Riri. I am Jamjam.” Sabi niya bago lumabas ng pinto.
Sisigaw na sana ako sa kilig. Pero mga dalawang segundo palang bago siya lumabas ay bumukas ulit ang pinto. Si Sky ulit. Mukhang may nakalimutan siyang sabihin.
At nang sinabi na siya sa akin ang nakalimutan niyang sabihin, alam ko sa sarili ko na ako na ang pinaka swerteng babae sa buong munndo. Kahit tumae ako sa harapan niya, nahawakan niya ang tae ko, nakita niya ang panty kong kasing laki ng sako at kahit narinig niya ang pamatay kong utot – ang haba pa rin ng hair ko!
Ano ba ang sinabi niya bago siya lumabas ulit para tawagin na sila papa?
“And by the way, Riri...”
“Ha?”
“…I love you.”