Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 54 - Chapter 48 - Weird

Chapter 54 - Chapter 48 - Weird

A/N

Thank you for everyone who prayed for me! Mej magaling na ako. Ubo nalang!!! Whew! Sorry for the super slow update — inasikaso ko po kasi muna yung work ko. I hope you understand. :)

Anyway, I'm back. And this chapter is just a sweet keme keme chapter. Lol. Spread love. x

Next update: April 26

Mhariz ♥

• ALYNNA MARIE PAREDES •

Nakakainis talaga yang si Farrah. Masaya kaming kumakain ng lunch ni Sky tapos bigla bigla nalang nangugugulo. Wala na siguro talaga siyang magawa sa buhay niya. Pinagbabantaan nanaman niya kami ng kung ano ano eh. Nako talaga. Sawang sawa na ako sa mga pagbabanta niya. Aaminin ko na kahit papaano ay medyo nakakatakot pa rin talaga yung mga pagbabanta na ginagawa niya, pero hindi na ako dapat matinag sa mga ganun niyang pakulo. Napakalayo na ng narating namin ni Sky para lang maisalba ang relasyon naming ito. At hindi ako makakapayag na isang katulad lang ni Farrah ang makakasira nito.

Nagpasya nalang kami ni Sky na magdate nalang mamaya pagkatapos ng klase. Sinira na kasi ni Farrah yung sweet sana naming lunch date. Hay nako talaga ang bruha. Maninira ng date! Inggitera kasi! Che!

Sinabihan ako ni Sky na isipin ko na daw kung saan ko gusto makipagdate sa kanya mamaya. Para mamaya kapag tapos na yung klase, may pupuntahan na kami agad. Kaya eto ako ngayon, nag-iisip kung saan ba magandang pumunta mamaya.

Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kung saan man kami mapadpad ni Sky, ang importante lang naman ay yung kasama ko siya eh. Masaya na ako dun. Cheesy na kung cheesy pero hindi ba ganun naman talaga kapag nagmamahal? Nagiging corny ka. Haha. Pero syempre bukod kay Sky ay may isa pa akong kailangan para mabuo ang pagkatao ko, at yun ang pagkain. Kaya naisipan kong kumain nalang ulit kami sa buffet! Sa Tramway nalang para mura hehe. 200 lang eat all you can na!

Mabilis na dumaan ang araw na nagulat nalang ako at uwian na pala! Ibig sabihin, date time na namin ni Sky! Tumaas lahat ng balahibo ko sa sobrang excitement! At nanlaki ang mga eyeballs ko nang nakita ko na ang pinakagwapo kong boyfriend na papalapit sa akin. Hay buhay! Ang gwapo gwapo talaga ni Sky! Kaya hindi ako pwede mag losyang losyang na outfit eh, matatabunan talaga ako sa kagwapuhang taglay ng boyfriend ko!

"So where will our date be, baby?" bungad niyang tanong. Tumirik ang mata ko sa kilig. Nahahawa na yata talaga ako kay Shibama.

"T-T-Tramway..." utal utal kong sinabi. Bakit ba kahit ang tagal na naming magkakilala ni Sky ay nau-u-tal pa rin ako sa sobrang kagwapuhan niya? Ang daya naman! Unfair!

"Alright... here." May binigay sa akin si Sky na isang T-shirt na color black. Nagtaka naman ako kung para saan yun kaya naman ay binuksan ko agad para malaman kung ano ba yung design o kung para saan man ito.

Pagbukas ko ng T-shirt ay may nakita akong nakaprint na 'JAMJAM'S PROPERTY.' Tinignan ko si Sky para tanungin sana kung para saan itong T-shirt na ito pero nang tinignan ko siya, hinuhubad na niya ang kanyang jacket. Paghubad niya ng kanyang jacket ay bumungad din ang black na T-Shirt na parehong pareho sa hawak ko na suot suot naman niya. Syempre 'RIRI'S PROPERTY' naman yung nakaprint. Couple shirt! Magco-couple shirt kami! Waaaa!!! OMG!!!

Napangiti ako doon sa sobrang kilig at agad agad na nagpaalam kay Sky na mag-CCR lang ako para masuot ko na yung T-shirt namin. First time naming magsusuot ng ganito kaya naman nakakatuwa talaga. Ramdam na ramdam ko talaga na akin nga talaga siya! Asa nalang yung ibang girls! Maglaway sila sa sobrang gwapo ng mahal ko! Pwe!

Paglabas ko ng CR suot suot ng couple shirt ko ay hinalikan ako agad ni Sky sa pisngi at saka pinasakay na sa kotse niya papunta sa Tramway. Sa kotse naman, sobrang sweet namin kasi tuwing may oras siya, ay hahawakan lang niya ang kamay ko. Kahit pawis na pawis ang kamay ko sa sobrang pasmado ko ay hindi niya ito pinapansin. Ang haba talaga ang hair ko.

Nang makarating kami sa Tramway buffet ay syempre hinayaan lang muna niya ako na makipagrelasyon muna sa mga pagkain. Ang sarap kaya ng siomai dun.  Feeling ko nga medyo nagagaya na sa akin si Sky eh. Nakakatawa kasi parang pareho na kami ngayong baboy kung kumain. Parang kung kumain kasi kami, parang wala nang bukas. Hehehe.

Nang natapos kaming kumain, dinala naman ako ni Sky sa isang tattoo shop. Ang akala ko nung una ay magpapahenna tattoo lang kami. Yung parang drawing lang na nag-lalast lang for two weeks. Pero mukhang hindi henna ang ipapagawa ni Sky. Mabilis ko naman siyang pinigilan dahil sa takot ko nalang na malagyan ng tunay na tattoo! Masakit pa naman daw yun!

"Uy, Sky! Kala ko ba henna lang?"

"Henna tatt? It fades. Our love for each other never fades." Nagsmirk siya sa akin. Ang baduuuy! Pero benta sa akin yun, syempre. Kunwari lang hindi.

"Kahit na! Okay na yun! Masakit daw yung tunay eh!" pangongontra ko pa rin.

"Ganyan naman ang true love, baby, masakit." Kumindat sa akin si Sky. Muntik na akong magsuka sa sobrang kabaduyan niya ngayong gabi! Saan ba niya nakukuha yan? Ano bang mga palabas ang pinapanuod niya ngayon?! Nakakatakot na yang kabaduyan niya eh! Whew!!! Tanggap ko na sana yung kanina eh, pinatungan pa ng mas baduy eh! Stress!

"Sky, may lagnat ka ba?" hinawakan ko ang noo niya.

"No, I just want to make you laugh." Hinawi niya ng marahan ang kamay ko at hinawakan nalang ito.

Marami pang bangayan ang nangyari sa aming dalawa pero sa huli ay napapayag na rin niya ako. Hindi ko na rin kasi siguro kinaya yung mga kabaduyan na pinagsasasabi niya sa akin kaya naman ay pumayag nalang din ako.

Napagpasyahan namin na iuukit ng taga-tattoo ang pangalan ni Sky sa kamay ko habang i-uukit naman ang pangalan ko sa may dibdib niya. Syempre, sa kamay lang yung sa akin. Ayoko namang magpatattoo sa dibdib ko. Tapos lalaki pa yung magtatattoo. Ew. Bastos yun pag ganun. Hehe. Para kay Sky lang yun after 10 days. Buwahaha. Landi! Hep! Stop!

"AAAAH." Sigaw ko. Tae! Ang sakit pala!

"2 more letters." Sabi naman ng nagtatattoo.

"AAAAAAAAAAAAAAH!" sigaw ko ulit. Sakit talaga!

"One last."

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" pinakamahaba at pinaka-malakas kong sigaw. Para akong tanga kasi ako lang yung sumisigaw. Para akong nanganganak eh. Pero wala eh, ang sakit kasi talaga!

~S.K.Y.~

Sinusuri ko nang mabuti ang aking kamay nang natapos nang lagyan ng tattoo. Medyo namumula mula pa ito. Nakakatawang isipin na tatlong letra lang naman ang pangalan ni Sky pero mukhang nasira ko na yata yung eardrums nung nagtatattoo sa akin sa dami ng sigaw ko sa kanya. Sorry nalang siya, first time ko eh.

Hindi naman pala ganun kasakit magpatattoo. Para ka lang kinukurot ng mga bata. Nakakatakot lang yung mga machine na ginagamit. Pero keri lang naman. Magpapatattoo nalang ako ulit kapag medyo matapang na ako. Hehe. Anderson naman next time.

Nang tinignan ko naman ang tattoo ni Sky, medyo nahiya pa ako kasi buong pangalan ko ang nakalagay sa dibdib niya, samantalang ako tatlong letra lang. Pero nang ngumiti siya sa akin at nang niyakap niya ako, alam kong wala na dapat pa akong problemahin pa. Alam kong mahal ako ni Sky at yung pag-eeffort ko na maglagay ng tatlong letrang pangalan niya sa akin, alam kong sobrang sapat na iyon para sa kanya.  

Pagkatapos naming magpatattoo, buong akala ko ay uuwi na kami, pero hindi pa rin pala! Nako't goodluck nalang sa pag-gising namin bukas para sa klase.

Dinala ako ni Sky sa isang parang hardin. Umakyat pa kami ng pagkataas taas para lang makarating kami dito sa tuktok. Nang nakarating kami sa taas, kitang kita ang isang malaking puno ng manga doon. Lumapit kami doon sa may kinaroroonan ng puno at tumingin kami sa ilalim. Sobrang ganda ng view! Kitang kita ang buong syudad ng ka-Maynilahan. Ang ganda talaga!

"Sky, paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ko sa kanya. Niyakap naman niya ako mula sa likuran at saka hinalikan sa leeg ng kaunti.

"This is one of our secret hiding places."

"Our? Sino yung kasama mo dito noon?"

"The Vengeance."

"Ah. Sila lang?" tanong ko pa ulit.

"Yeah. This is the place we visit when we are happy. This is also the place we visit when we are sad. This is the place we visit when we are confused. This is the place of all of our emotions as a team."

"Ah. Wow." Ito lang ang nasabi ko.

"But tonight, this place will mark another history." Sabi naman niya. Huh?

"Huh? Bakit naman?"

"Because this will also be the place where I first brought my first love." Malagkit niya akong tinignan.

"Tss. Hindi naman ako first love mo eh. Dami dami mo nang love noon eh." Nagpout ako. Tamang pa-cute lang. Hehe. Totoo naman kasi eh. Ex nga niya si bruhang Farrah eh.

"Well, I thought I loved them. But I realized I didn't. It was only for you that I felt this way, Riri..." nilapit pa niya lalo ang mukha niya sa akin. Waaa! Kilig! Sinandal niya ang baba niya sa shoulder ko.  Nakayakap pa rin siya mula sa likod ko. Looord! Nagiging jelly ace na ako sa lalaking ito! Grabe ang epekto niya sa akin! Wagas!

"Ah...ok." Ito nalang ang nasabi ko. Wala na akong masabi! Ano ka ba naman Ynna! Natameme ka nanaman kay Sky! Nasaan na yung madaldal mong bibig?!

"...And you are also the first girl that I brought in this place."

"Hehe.. thank you, Sky."

"Anyway, come here." Inalis na niya ang sarili niya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa may puno ng manga. Sa bag niya ay may kinuha siyang parang tornilyo o screw driver. Pinakita niya yun sa akin at saka ngumiti.

"S-Sky? Para saan naman yan?" medyo nag-aalangan kong tanong sa kanya. Yung pagkakahawak kasi niya ay parang anytime aatakihin na niya ako eh. Killer ba siya? Waaa!

"We will mark our names here on this tree." Tinuro niya ang puno ng mangga. Natuwa naman ako doon. Ibig sabihin, iuukit namin ang mga pangalan namin sa puno ng mangga. Sobrang cute! Inukit na nga namin ang mga pangalan namin sa mga damit namin ngayon, inukit pa namin sa mga balat namin dahil sa tattoo, tapos ngayon pati na rin sa puno! Aba'y matindi! Wala na talagang makakapagpahiwalay sa amin kung ganito! Hehe!

"Wow! Sige!" masaya kong sinabi.

Nagsimula nang magsulat si Sky sa puno. Naglagay siya ng hugis puso tapos doon niya inukit sa loob ng puso ang 'RIRI X JAMJAM' na sign. Naiyak pa ako ng natapos niya yun gawin. Sobrang swerte ko lang talaga sa lalaking ito. Hindi ko alam kung anong kabaitan ang nagawa ko sa kapwa ko para papremyuhan ako ni Lord ng ganitong klaseng pagmamahal. Pero nagpapasalamat talaga ako. Itong araw na ito ay hinding hindi matutumbasan ng kahit anong bagay sa mundo.

"You liked it?" tumango ako.

"You sure?" tanong pa ulit niya. Tumango ulit ako.

"Then why are you not talking?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Masaya lang talaga ako ngayon." Sabi ko.

"Me too."

"I love you, Jamjam." Mahina kong sinabi.

"What?"

"Tss. Sabi ko I love you."

"I cannot hear you." Pang-aasar niya sa akin. Halatang asar eh. Nakangiti ba naman!

"I LOVE YOU JAMJAM!!!!" sinigaw ko sa hangin. Sinigaw ko sa buong syudad ng Maynila. Kapag hindi pa niya ito narinig ay ewan ko nalang! Bibilhan ko na talaga siya ng cotton buds!

"I LOVE YOU MORE, RIRI!!!!" nagulat ako nang sumigaw rin siya sa hangin. Hindi ko muna siya tinignan. Natawa nalang ako at sinigaw ko nalang ng paulit ulit yung kanina kong sinigaw. Ganoon rin siya. Para kaming mga ewan na nagsisigawan ng I love you sa hangin pero hindi kami nakatingin sa isa't-isa. Masaya lang kami na ganito kami. Sumisigaw sa buong Maynila na mahal namin ang isa't-isa.

Nang pareho kaming napagod kakasigaw ay nagkatinginan nalang kami. Pareho kaming hinihingal at natatawa. At parang magnet niya akong hinihinila papunta sa kung nasaan siya. Ilang sandali pa ay hindi ko namalayan na naghahalikan na pala kami. Ganoon ang epekto niya sa akin. Ni hindi ko alam kung paano niya sinimulan ang halik. Magugulat nalang ako na nalulunod na ako sa matatamis niya labi. Inikawit ko ang braso ko sa kanyang leeg at hinawak hawakan ang buhok niya. Mamaya maya pa ay bumaba ang halik niya sa leeg ko. Wala na akong pakialam kasi dalang dala nanaman niya ako. Nawawala talaga ako sa sarili ko kapag si Sky ang kasama ko. Hindi ko alam pero siya lang talaga ang nakapagpapawala sa akin sa sarili ko ng ganito. Epic.

Medyo bumalik ako sa katinuan nang medyo may naramdaman akong parang hinigop siya sa aking leeg. Weird kasi kaya ayun tumigil ako.

"Sky? Ano yun?" tanong ko.

"Sorry, I didn't mean to..."

"Anong sorry? Ano ba yung ginawa mo?" nalilito kong tanong ko sa kanya.

"A hickey."

"Ano yun?"

"Look." Binigyan niya ako ng salamin.

Nagtataka pa ako nung una kung para saan yung salamin na iyon pero nang nakita ko ang leeg ko na may kakaibang marka na parang kagat ng limang lamok na sabay sabay, doon ay nagulat talaga ako! Kung tutuusin ay napasigaw pa nga ako eh! Paano na ako nito bukas? Anong susuotin ko bukas? Turtleneck?! Waaaa!

"Waaaaa Sky! Anong ginawa mo! Nilagyan mo ako ng chikinini!!!" hinila hila ko damit niya.

"Sorry baby, nakakagigil ka kasi eh." Nahihiya niyang sinabi.

"Waaaa! Paano na bukas?!"

"Just don't tie up your hair." Suhestyon niya. Wow ha. Ang bright ng idea niya.

"Tss. Sky talaga!"

"I'm sorry. Oh well, I'm actually not sorry. It's a kiss mark I did there. It is a mark to show to all the guys that might go near you that you are fucking taken."

"Sky naman eh. Sobrang sobrang taken mo na nga ako eh. Isipin mo ba naman, couple shirt palang taken na taken na ako. Tapos tattoo pa! Tapos yung nakalagay pa sa puno! Tapos sinigaw ko pa sa buong Maynila na mahal kita! Tapos dadagdagan mo pa ng kiss mark? Sobrang sayo na ako! Ikaw na!" medyo naiiirita kong sinabi sa kanya. At mas lalo pa akong nairita kasi pinagtatawanan lang niya ako habang sinasabi ko yun.

"You're not yet fully mine."

"Ha?! Ano pa bang kulang?!"

"The thing after 10 days? Hahaha. Oh It's just 9 more days!" parang nagshine pa yung mata ni Sky nung narealize niya na 9 days nalang. Yung totoo?! Super nagloolook forward siya dun? Hindi pa ako ready!!!

"Waaa! Bastos ka Sky!" inirapan ko siya.

"Deal with it, Riri." Nagsmirk siya.

"Mukhang wala na nga ako choice eh."

"You'll like it."

"Bastos!" pinalo ko siya ng malakas.

"Hahahaha! Love you." Sabi niya.

"Che! Love you!" sabi ko naman bilang reply. At doon ay hinalikan niya ako ulit.

Hindi ko talaga inakala na aabot pa kami ni Sky sa ganito. Yung tipong kinikilig nalang kaming dalawa. Yung tipong parang wala nang problemang darating pa. Ang saya saya lang. Sana hindi na matapos yung ganito. Sana habang buhay na kaming ganito. Oo at alam kong marami pa kaming mga challenges na dapat lagpasan. Mga bata pa kami at marami pang mangyayari sa future. Pero yung present ko ngayon, perfect na. Ngayon yung tipo ng panahon na masasabi ko talaga na wala na akong maihihiling pa.

***

Kinabukasan, nagising ako ng may mga ngiti sa aking labi. At syempre dahil mukha akong baliw na nakangiti, syempre hindi ako nakatakas sa mga pang-aasar sa akin ni Shibama.

"Ano na girl? Baliw lang?!" sinundot sundot ni Shibama yung bewang ko na nagpatawa naman sa akin ng sobrang lakas. May kiliti kaya ako dun!

"Anong ano?" tanong ko sa kanya habang patuloy na tumatawa.

"Anong ano ka diyan! Kwento naman diyan! Ano ba ang nangyari kahapon?! Ha? Ha?" tinaas taasan niya ako ng kilay. Baklang ito talaga! Wala akong matago kahit ano!

"Date lang. Bakit?"

"Lang?"

"Oo."

"I don't think so."

"Ewan ko sayo! Maliligo na nga ako!" iniwan ko siya. Kasi alam ko naman na kapag pinatulan ko si Shibama sa usapang gusto niyang simulan, ay hindi na talaga kami matatapos sa aming mga bangayang dalawa. Hinayaan ko nalang siya. Mamaya nalang kami mag-chichikahan pag-uwi ko galing sa school. Hindi pwede ngayon at baka malate ako. Hindi ako pwedeng malate kasi kailangan ko muna makita si Sky ko bago ako pumasok sa klase ko. Hehe. Para marami akong energy. Bakit ba naman kasi hindi kami magkaklase sa unang klase ko eh. Hays.

Pagkatapos kong maligo ay inayusan na ako ni Shibama. Buti nalang at pumayag rin siya na mamaya ko nalang ikwekwento lahat. Mukhang madali kausap ang bakla ngayon. Parang hindi tuloy ako sanay, may pinagdadaanan kaya ito?

"Uy Shibs nakakapanibago ka ngayon ah... bakit hindi ko kumokontra na mamaya nalang ako magku-kwento?"

"So gusto mong kumontra ako?" tinaasan niya ako ng kilay. Tumawa siya pero hindi umabot sa mata niya ang ngiti niya. Bakit kaya?

"Hindi. Pero Shibs, may problema ka ba?"

"Wala noh! Kung meron man, masosolusyunan din yan! Ito naman! Girl! Ako pa ba?!" pinamewangan niya ako.

"Oo nga, tayo pa ba?! Kayang kaya natin yan!" sabi ko sa kanya. Itinaas ko ang aking kamao sa ere. Ganun din ang ginawa ni Shibama bago niya ako niyakap ng tuluyan. Sobrang sikip ng pagkakayakap niya sa akin na parang nahihirapan na tuloy ako makahinga.

"Huy Shibs! Chill! Di ako makahinga sayo eh!"

"Sorry, hahaha."

"Baliw. O siya sige, aalis na ako papuntang school. Ingat ka, Shibs!" pagpapaalam ko.

"Ikaw ang mag-ingat. Ikaw kaya ang byabyahe. Love you, girl! Stay safe. I'll call you later!" sabi niya.

"Call me? Para saan naman? Miss mo agad ako?" pagbibiro ko pa.

"Oo! Gusto ko lang malaman lahat ng updates niyo sa school niyo. Bawal ba? Ha? May tinatago ka ba sa akin ha?"

"Wala!" pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Wala pala eh! Sige na layas ka na girl! Malalate ka na! Magagalit nanaman sa akin jowa mo!" sinensyasan ako ni Shibama na tila pinapaalis na niya ako.

"Oo na, eto na nga o. Bye!" sabi ko naman bago ako nag-wave ng kamay ko sa kanya at tuluyan nang sumakay papunta sa tricycle papuntang ECB.

Nang nakaalis na ang tricycle na sinakyan ko ay tumingin pa akong muli ng huling pagkakataon kay Shibama. At kahit malayo na ang narating ng sinasakyan kong tricycle ay hindi ako pwedeng magkamali sa aking nakita. Nakita akong lumuha si Shibama. Umiyak si Shibama nang umalis ako. Hindi ko maexplain ng maayos pero sigurado talaga ako sa aking nakita.

Hindi ko alam kung may pinagdadaanan mang problema si Shibama, o kung may sinisikreto man siya sa akin o di kaya naman ay may iniinda siyang sakit. Hindi ko alam pero kailangan ko iyong malaman mamayang gabi pag-uwi ko sa kanya.

Pero pinagdadasal ko talagang sana nakanuod lang siya ng drama kaya siya nag-iinarte ng ganun. Sana talaga drama lang yun, Lord. Please, drama lang yun. Koreanovela lang yun.

***

Sinasabi ko na nga ba, sa sobrang tagal kong kumilos, hindi ko na nga talaga naabutan pa si Sky bago ako pumunta sa klase ko. Wala tuloy akong inspirasyon sa umaga. Pero hinayaan ko nalang. Hindi naman dapat ako mapigilan sa pag-aaral dahil lang sa hindi ko nakita ang boyfriend ko. Napaka walang kwentang rason naman nun kung sakali.

Pero syempre, medyo nadissapoint lang ako kasi hindi na nga kami magkakasabay mamaya sa lunch kasi may basketball practice siya eh, tapos ngayong umaga, di ko pa siya nakita. Malas! Buti nalang talaga mega moments ang ginawa namin kahapon. Hihi. Kinikilig pa rin talaga ako tuwing naaalala ko.

At nasabi ko na bang sobrang sweet ng boyfriend ko? Kasi kahit nasa basketball practice siya dahil may pinaghahandaan silang malaking game na kailangan nilang paghandaan, tinetext pa rin niya ako ng mga sweet na sweet niyang mga salita na tanging isang Sky Anderson lang ang makakagawa. Yung tipong kahit sobrang laos na ng pick-up line na ginagamit niya sa akin, sobrang effective pa rin. Bakit ganun?!

Jamjam:

Baby, galing mo talagang magbasketball.

Riri:

Huh? Bakit?

Jamjam:

Naka-score ka kasi agad sa puso ko.

CHEST OUT! TIRIK MATA!

Jamjam:

Baby, utot ka ba?

Riri:

ANO?!

Jamjam:

Ang lakas kasi ng impact mo sa akin eh. Hindi lang sa tenga ko. Pati na rin sa ilong.

Riri:

WHAT THE?! ANONG KLASENG PICK-UP LINE YAN?!

Jamjam:

Baby, ang galing mo talagang mag-sexy talk.

Riri:

Bruho! Hindi ako marunong mag-ganun noh!

Jamjam:

Magaling ka kaya. Dali na, try natin.

Riri:

Ewan ko sayo! Wala na akong load!

Jamjam:

I'll call you. Be ready. #SexyTalk

Ang baliw baliw talaga nitong si Sky. Siguro ay wala na yung magawa ngayon sa training nila kaya may sumesexy talk pang nalalaman. Pero kung tutuusin, hindi ko pa nga nagagawa yun kahit kailan. Parang gusto ko rin tuloy i-try kahit minsan lang naman. Pero kapag tinry ko naman, baka pagtawanan lang ako nitong si Sky. Ewan ko. Bahala na. Hihintayin ko nalang ang tawag ng bruho. Miss ko na rin kasi siya agad agad eh. Hindi ko pa kaya siya nakikita ngayong araw!

*KRIIIING KRIIIIING*

Ayun! Tumawag na si Sky. Hinanda ko na ang sarili ko para sa sexy ko na gagawin ko. Buwahahaha.

"Hey, beybeh." Sabi ko. Syempre may halong landi.

[Ynns?]

"I'm so sexy right now, beybeh." Nakapikit ko pang sinabi.

[Girl? What are you doing?]

"Kiss and hug me. I'm yours, beybeh."

[Girl! Yucks!!!]

Ano daw? Yucks daw ako sabi ni Sky? Hayup yun ah!

"Yucks ba?" tanong ko. Sobrang nalilito ako bakit niya ako sinabihan ng yucks.

[Oo! Yucks! What are you doing? Gosh!!!] Nagulat ako nang napagtanto ko kung sino pala ang sinesexy talk ko. Si Shibama!!! Oo nga pala at sinabi niya na tatawag siya sa akin! Waaaa! Ang akala ko kasi si Sky eh!

Ang tanga tanga ko talaga! Oo nga pala at imposibleng si Sky yung tumatawag kanina. Kasi kapag tumatawag si Sky, 'Kapal ng mukha, di na nahiya, ang dapat sa iyo pasabugin ang mukha' dapat yung ringtone. Hindi ko agad naalala yun. Kasi si Sky kasi yung huling nagsabi sa akin na tatawag siya sa akin eh!

"Shibs!!! Nako Sorry! Akala ko kasi ikaw si ano!!!"

[Si Sky? My gosh! You are doing a sexy talk na to Sky?! My gosh girl!!! Anong level na ba kayo! OMG!!!]

"Anong level! Walang level! Try lang yun noh!" pagdedepensa ko sa sarili ko.

[Kadiri kayo, mygosssshhhhhh!!!] nag-iinarteng sigaw ng bakla.

"Ewan ko sayo! Che!"

[Ginawa niyo na ba yung eh-erm?! Yung you know?! How many times na ba?!?!?]

"Wala pa! Hindi pa noh!"

[Weeeeeh?]

"After 9 days pa!" sabi ko. Waaaaa! Bakit ko nasabi yun! Baka isipin ni Shibama excited ako!!! Hindi! Hindi!

[On your birthday!?]

"O-oo. Pinayagan na kasi siya ni papa eh. Kaya ayun. Ewan. Kinakabahan nga ako eh. Hindi ko alam ang gagawin. Feeling ko hindi pa ako ready eh."

[Don't worry girl! Tutulungan kita!]

"Talaga?"

[Oo! Ako na ang bahala sa lahat! Just leave it up to me, okies?]

"Sabi mo yan ah."

[Oo nga! Ako pa! Expert ako dyan noh!]

"Sige sige. Thanks Shibs ah."

[No probbie! Love you! Bye!]

*TOOT TOOT TOOT TOOT*

"Wait Shibs! Bakit ka nga pala tumawag! Huy! Hello? Hello?"

Ano ba yan! Binabaan na niya ako. Hindi ko tuloy natanong kung bakit siya tumawag. Oo at sinabi niya kanina na i-uupdate niya yung mga nangyayari sa akin. Pero hindi ako naniniwala sa excuse niyang yun. Alam kong may iba pang dahilan bukod doon. Pero hahayaan ko nalang muna. Alam kong may matinding rason din naman si Shibama kung bakit niya hindi ito sinasabi pa sa akin sa ngayon. At medyo masaya na rin naman ako dahil kahit papaano ay bumalik na rin siya sa dating siya sa huling pag-uusap namin ngayon sa telepono. Ano kayang meron? Hmmm.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Shibama ay naupo muna ako sa isang bench. Ang schedule ko kasi sana ngayon ay pasasalamatan ko sana yung The Vengeance sa lahat ng naitulong nila sa akin at sa aming dalawa ni Sky. Kung hindi dahil sa tulong nila ay hindi pa sana kami ngayon magkaayos ni Sky. Pero syempre hindi ko na maitutuloy ang plano kong pasalamatan sila ngayon dahil apat sa kanila ngayon ay nasa practice kasama si Sky sa gym. At yung iba naman, may mga trabaho at kung ano ano pang inaatupag.

At dahil wala na akong ibang magawa pa, napagpasyahan ko nalang na puntahan at pasalamatan din si Nurse Arlene. Kung hindi dahil sa pagdadala niya sa akin sa hospital noon nung na-dengue ako, siguro ay hindi ko na alam kung ano ang kinahinatnan ko ngayon kaya naman malaki rin talaga ang utang na loob ko sa kanya.

"Nurse Arlene!" bati ko sa kanya nang pumasok ako sa clinic.

"Uy, Ynna, kamusta ka naman. Long time no see." Sabi niya habang nakangiti siya sa akin. Ang ganda talaga ni Nurse Arlene.

"Ayos na ako. Thank you nga pala nurse Arlene sa pagdadala sa akin sa hospital noon ah! Utang ko sayo ang buhay ko!" niyakap ko siya.

"A-Ano?" nalilito niyang sinabi.

"Sabi ko thank you! Ang bait bait mo talaga!" sabi ko naman.

"Um, Ynna, I think nagkakamali ka. I cannot remember na dinala kita sa ospital. I mean, I never brought anyone sa hospital in my life."

"Ano?"

"It wasn't me. I swear."

"Nurse! May amnesia ka ba?" hinawakan ko siya sa dalawa niyang pisngi.

"Wala dear. Hindi lang talaga ako yun."

"K-Kung hindi ikaw, sino?"

"Who do you think? Sino ba ang huli mong kasama nung nag-collapse ka noon?"

"Si..."

"Si...?"

"Si... hindi ko maalala eh!" kinamot ko ang ulo ko. Hindi ko talaga maalala!

"Ikaw yata ang may amnesia Ynna eh!" natatawang sinabi ni nurse sa akin.

"Tayong dalawa nalang para fair." Natatawa kong sagot sa kanya.

"Oo nga! Tayong dalawa nalang. Hahaha!"

"Hahahahaha!"

At nagkwentuhan nalang kami ni Nurse Arlene hanggang sa sinundo na ako ni Sky sa clinic.  Medyo galit pa nga si Sky kasi hindi ko daw sinasgaot yung tawag niya kanina para sa #SexyTalk sana namin. Kausap ko kasi nun si Shibama eh.

Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin kung sino ang huli kong kasama bago ako nagka-dengue. Hindi ako pwedeng magkamali. Iyon ay ang aking ate Janina. Posible nga kayang siya ang nagdala sa akin sa opsital? Posible nga kayang siya rin ang nag-waive ng lahat ng bayarin ko noon sa ospital? Posible nga kayang kahit pa-unti-unti ay nagsisimula na kaming maging maayos bilang magkapatid?

Pero bakit ganun? Bakit parang iba ang pakiramdam ko? Bakit parang gustong maniwala ng isip ko na maayos na ang lahat pero pilit na humihindi naman ngayon ang puso ko?

Weird.