A/N
Cried a lot while writing this chapter. Haha. #WalangForever. Joke! :)) But yes, this chapter has the most feels yata sa lahat ng nasulat ko na. Hugot galore. Wahaha! But don't worry kasi last major problem na nila 'to. After this, happiness, kilig and katangahans nalang until the end of the story.
Thank you for all your support sa MWG! Super appreciated! The best kayo. ;) Almost 1M na tayo!!! Kilig!!!!
PS: Sorry for the slow UDs. Daming transitions sa work ko ee. Stress ang bruha niyong author. Hayyy.
♥ Mhariz
—
• ALYNNA MARIE PAREDES •
♪Someone's always saying goodbye
I believe it hurts when we cry
Don't we know partings never so easy
And with all the achings inside
I believe some hearts will survive
Tryin' hard to pretend that were gonna be fine ♫
Paulit-ulit kong pinapatugtog ang kantang ito ni Toni Gonzaga sa pelikulang 'You're My Boss'. Dyan lang kasi talaga ako nakakarelate lalo na sa pinagdadaanan ko ngayon. Kinakanta ko ito ng sobrang lakas. Kahit masira na ang lungs ko okay lang basta ba mailabas ko lahat ng aking hinanakit. Sa ngayon, itong kantang ito lang talaga ang kaibigan ko at karamay ko sa mga nararamdaman ko. Ayokong kumausap ng kahit na sino. Ayokong humingi ng tulong o kaya advice. Sa unang pagkakataon, gusto kong mapag-isa. Dahil kung hindi, ewan ko nalang. Hindi ko na rin kasi talaga tanchado ang sarili ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin.
Kanta diyan. Kanta dito.
Mga tatlong oras na akong paulit ulit kumakanta nitong kantang ito pero tila hindi talaga ako napapagod. Natigilan lang ako sa aking pag-aadik nang biglang may nagtext sa akin. Ayoko sanang tignan ang cellphone ko pero tila ba may nagtutulak sa akin na tignan ko ito. Parang may nagsasabi sa akin na importanteng mensahe ang makikita ko dito. Kaya ipinaubaya ko nalang ang lahat sa nararamdaman ko – kaya't tinignan ko na rin ang cellphone sa huli.
Shibama Castro:
I'm sorry, Aly. I'm with Janina now. Will explain things to you soon. Bye. I love you.
Pagkabasang pagkabasa ko ng text na ito ni Shibama, lalong tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung gaano ba karami ang luha na kaya kong ilabas. Pero sa araw na ito, nasagad ko na yata ang luha ko. Halos buong araw na kasi akong umiiyak. Gusto kong intindihin si Shibama. Pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit hindi pa niya ipaliwanag ang lahat ngayon. Bakit 'Soon' pa? Hindi pa ba ito ang tamang panahon? Kung hindi ngayon? Kailan pa? Ngayon ko na kasi kailangan ng kasagutan eh. Ngayon kasi ako basag na basag at tanging liwanag lang ng kasagutan kahit man lang ni Shibama ang magpapapanatag sa akin.
Pero wala.
Nagreply ako. Sinabi ko na i-explain niya sa akin ang lahat. Sinabi ko na pipilitin kong intindihin. Sinabi ko na kakayanin ko kung ano man yun. Pero walang reply. Wala akong natanggap na ni isang text pagkatapos nun. Kaya hindi na ako umasa na magrereply pa siya.
Napaisip tuloy ako na siguro nga isa akong masamang tao. Kasi kung mabuting tao naman ako, hindi ko dapat dinaranas ang mga ito. Siguro mayroon talaga akong ginagawang mali kaya ko nararamdaman ang lahat ng ito. Kasi si Lord, hindi naman siya mamimigay ng bagay na hindi ko deserve eh. Deserve ko siguro ang lahat ng ito. Pero ang hindi ko talaga maintindihan ay kung ano ba ang mali na ginagawa ko? Kasi ngayon, OA na kung OA, pero tinatamad na ako sa buhay.
Pagkatapos pa ng ilang oras na pagkatulala ko magisa sa kawalan, naisipan kong manuod naman ng movie. 'Paano Na Kaya?' ang naisipan kong panuorin. Habang nasa kalagitnaan na ng pelikula, ito yung tipong nasa part na ng climax, ay bigla akong nakarinig ng isang masayang boses.
"Surprise!"
Naroon siya. Ang lalaking pinaka-mamahal ko. May hawak siyang isang box ng pizza at isang bote ng soft drink. Maaliwalas at maganda ang kanyang mukha – pero hindi ko talaga napigilan ang sarili kong lumuha. Noong una, pinilit ko munang ngumiti ng peke, pero hindi ko talaga kaya.
"Hey, baby, what's wrong?" tanong niya sa tunog na sobrang nag-aalala.
"Wala hehe." Umiwas ako ng tingin.
"Riri, what's wrong?" mas naging malinaw ang boses niya sa pagkakataong ito.
"Ah haha. Nakakaiyak kasi itong movie na ito. Grabe pala ito noh? Grabe ang galing talaga umarte ng KimeRald. Fan na nila ako. Hahaha." Pinilit kong tumawa doon. Pero alam kong alam at ramdam ni Sky na hindi iyon ang tunay kong tawa. Alam ko rin na alam niya na kanina pa ako umiiyak. Kasi hanggang ngayon ba naman, walang tigil ang pag-tulo ng aking luha. Walang preno. Kainis.
"You have been crying all day." Sabi niya. Seryoso ang mukha niya.
"Wala 'to."
"Mind explaining this to me? What happened, Riri. Tell me. I am your boyfriend." Sabi niya habang hawak hawak niya ang mga pisngi ko. Pero hindi ko talaga siya kayang titigan sa mata sa pagkakatong ito.
"Sky..." sabi ko habang nakatingin sa malayo. Masyado pa talaga yata akong nanghihina. Hindi ko kaya magexplain. Kahit kailan hindi ko kaya kata itong i-explain.
"Alright. I won't force you. I'll give you today. But tomorrow, please let me know what's going on. Okay?" sabi niya habang pinupunasan naman ngayon ang luha ko.
Tumango nalang ako. Kayanin ko sana bukas. Kahit mukhang imposible.
Pagkatapos kong tumango ay bigla nalang niya akong niyakap at hinalikan sa cheeks. Nagtagal kaming ganun ng ilang minuto rin. Dati, tuwang tuwa ako kapag ganun ang posisyon naming dalawa. Pero ngayon, bakit pakiramdam ko parang huling beses na kaming magiging ganito sa isa't-isa. Imbis na pagmamahal at kasiyahan, puro takot nalang at pangamba ang nararamdaman ko habang yakap yakap niya ako.
Hindi ko alam kung anong oras na nang maisipan ni Sky na tumayo na at magpaalam sa akin. Iniwan niya sa mesa ang pizza at soft drink na hindi man lang namin nagalaw. Matakaw ako pero hindi ko talaga kaya kumain sa ganitong pagkakataon.
"I love you." Sabi niya bago niya ako hinalikan sa noo at kinumutan bago siya tuluyan nang umalis ng dorm.
Kung kami pa ang Sky at Ynna noon na nagpapanggap lang, o kaya naman kung kami pa ang Riri at Jamjam noon na kakabati lang, sobrang sarap sana pakinggan ng 'I love you' na yun. Pero iba na ngayon. Iba ang naramdaman ko nang sinabi ni Sky ang salitang iyon. Sa unang pagkakataon, parang may naramdaman akong mali. At sa una ding pagkakataon, parang ayaw ko nang maniwala sa kung ano man ang ipinaglalaban ko noon.
***
Kinabukasan, tulad ng aking pangako kay Sky, mag-eexplain nga ako sa mga nangyari. Hindi ko nga lang alam kung paano ko sisimulan kasi isang araw palang ang nakakaraan. Syempre, hinog pa rin ang sakit. Buhay na buhay pa rin kumbaga.
Naisipan ko nalang na tawagan muna si papa. Siguro kailangan ko na ring ipagsabi ang lahat ng nangyari. Kapag sinarili ko kasi ito, baka sumabog nalang ako nang bigla bigla. Napakabata ko pa para mabaliw na ng tuluyan. Marami pa akong pangarap para sa pamilya ko at para sa sarili ko. Kailangan kong maging malakas kahit na hirap na hirap akong gawin ito. Sa ngayon, kailangan ko lang ng mapagsasabihan ng aking mga hinanakit. At iyon ay si papa. Siya nalang kasi talaga ang natitirang kakampi ko dito.
[Hello, anak. Napatawag ka?] bungad ni papa sa akin pagkatapos kong idial ang number niya.
"Pa..."
[Anak? Ynna? Bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba?]
Gusto kong ipaliwanag kay papa ang lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong maintindihan niya ko at gusto ko rin na maintindihan niya si Sky. Pero hindi ko talaga maiayos ang sarili ko. Ni wala ngang matinong salita na lumalabas sa bibig ko. Parang akong napipi.
[Anak?]
"Pa..."
[Anak? Anong nangyayari sa iyo? Anak magsalita ka!]
Nag-aalala na si papa. Yun ang ayaw ko sa lahat. OA pa naman mag-isip si papa sa mga nangyayari sa akin. Kaya imbis na mag-isip pa siya na naaksidente ako o kung ano pa man. Inunahan ko na siyang ipaliwanag ang nararamdaman ko. Pero hindi ko ito kinwento sa kanya, pinarinig ko nalang sa telepono ang recording na narinig ko kanina. Yung recording na tila pinaglalaruan lang pala ako ni Sky. Kilalang kilala naman ako ng papa ko kaya alam kong alam niya ang mararamdaman ko kapag narinig na niya ang recording na ito.
[Hintayin mo kami diyan bukas.]
Iyan lang ang sinabi ni papa na naaalala ko bago niya ibinaba ang telepono. Marami pa siyang sinabi pero wala na talaga akong maalala. Bumalik kasi lahat ng sakit nang pinakinggan ko ulit yung recording. Ang tanga tanga ko na pinakinggan ko yun ulit. Parang dumoble pa kasi yung sakit na kanina ko pa nadarama. Parang pinaparusahan ko lang ulit ang aking sarili.
*Kapal ng mukha, 'di na nahiya
Ang dapat sa iyo pasabugin ang mukha
Ulo-ulo lang 'di kasama katawan
Pag kasama katawan, sabog pati laman!*
"S-Sky..."
[Baby, I am outside your dorm.]
"Sky, 'di ko pa talaga kaya. P-Pwedeng bukas nalang?" sabi ko. Hindi ko pa talaga kasi kaya magpaliwanag. Ang sakit sakit pa rin.
[What's going on? Why?]
"Please."
[Fine. See you tomorrow. Stay safe,.. I love you.]
"Bye."
***
Kinabukasan, alam kong wala na talaga akong lusot kay Sky. Kailangan ko na talagang magpaliwanag sa kanya. Napagdesisyunan kong sabihin nalang sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Sasabihin ko sa kanya ang natuklasan ko. Harap harapan ko siyang kukumprontahin para magkaroon naman ng linaw ang lahat. Pero hindi na ako umaasang masasalba pa itong kung ano man ang meron kami. Parang oras na kasi para magpahinga muna kami. Parang masyado na kasi maraming hadlang. Parang hindi na talaga siya worth it ipaglaban kumbaga. Ewan ko. Hindi ko na rin talaga alam eh. Litong lito na ako.
*TOK TOK TOK*
Galit at malakas na katok ang narinig ko sa pintuan ng dorm. Nakakapanibago dahil kung si Sky yan, tatawag muna siya sa cellphone ko at sasabihin niya na nasa labas siya. Pero nang tinignan ko ang cellphone ko, low batt. Kaya naman siguro kumatok nalang siya. Ginamit ko na lahat ng natitirang lakas sa aking katawan para pumunta sa pinto at harapin si Sky. Wala rin namang ibang mangyayari kung hindi ko siya haharapin. Mas maigi na rin yung nagkaalaman na sa lalong madaling panahon. Tutal, doon at doon din naman mapupunta ang lahat eh. Magkakaalaman din.
Pero pag bukas ko ng pintuan.
Naroon si Papa.
At si Caloy.
Pinaghalong galit at pag-aalala ang nasa reaksyon ng kanilang mga itsura.
"Papa, Caloy!"
Niyakap ko silang dalawa. Napakahigpit din ng yakap nila sa akin pabalik. Parang yung tipong ayaw na nila ako bitiwan. Parang pinaparamdam nila sa akin na nandito lang sila at hindi nila ako iiwan kahit na kailan. Iyon ang mga tipo ng yakap na kailangan ko sa panahong ito. Sa kabila ng lahat, ang swerte ko pa rin pala dahil andito ang mga mahal ko sa buhay para suportahan pa rin ako at mahalin ako ng walang kapalit.
Hindi muna kami nag-usap usap tungkol sa narinig nilang recording. Imbis, inasikaso muna ni papa ang pagbabayad ng balance ko sa dorm na nirerentahan namin ni Shibama. Napagtanto ko rin na may ticket na rin pala ako papabalik sa Bohol kasama nila. Hindi nalang ako kumontra pa sa desisyon nila. Buti nalang at naunahan nilang dumating si Sky. Mas maigi na rin siguro itong magkalayo muna kami. Para na rin siguro magkaroon kami ng space sa isa't-isa. Para ito sa ikabubuti naming dalawa.
***
[Airport]
"Tangina talaga yang Sky na iyan, pag nakita ko yan sa Bohol bubugbugin ko yan! Sinasabi ko na nga ba hindi talaga maganda ang pakay sa iyo niyan eh! Umpisa palang naamoy ko na siya eh! Tangina niya! Gago siya!" si Caloy.
"Tama na Caloy..." pagsasaway ko sa kanya. Kanina pa siya dada ng dada ng ganyan. Nakakainis na siya.
"Hindi. Ako ang susuntok doon. Gagong iyon!" si Papa naman.
"Tama na rin, pa."
Saway lang ako ng saway sa kanilang dalawa habang nag-iintay kami ng flight namin pabalik sa Bohol. Hindi kasi sila tumitigil sa kadadada. Oo at naiintindihan ko naman yung nararamdaman nila. Alam kong mahal nila ako lalo na si papa – at ang makita ang anak ko na nasasaktan ng ganito, syempre magagalit ka talaga. Pero ang kailangan ko lang naman talaga ay yung nandyan lang sila para sa akin. Pero hindi ko talaga kaya mapigilan ang mga bunganga nila eh. Normal na reaksyon lang siguro talaga nila yun. Kaya hinayaan ko nalang hanggang sa tawagin na kami sa airport.
"Tara na..." sabi ko. Tinatawag na kasi yung flight number namin.
Habang papalakad na kami papunta sa eroplano, biglang hinawakan ni Caloy ang kamay ko at pinisil pisil ito. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa pero hinayaan ko nalang siya. Baka kasi pinapagaan lang niya ang loob ko. Pero parang biglang tumigil ang mundo ko nang bigla kong narinig ang boses... niya.
"Riri!"
"Baby!"
"Ynna!"
"Hey!"
Nang lumingon ako, ayun at nakita ko si Sky na nagsisisigaw at pilit na hinahabol kami sa kung nasaan kami naglalakad ngayon.
"Tama na! Tangina mo!" sigaw ni Caloy. "Kami na!" tinaas pa ni Caloy ang kamay namin na magkahawak.
"What?!?"
"Since when?!"
"Stop fooling me!"
"Umalis ka na Anderson. Hayaan mo na kami ng anak ko!" si papa naman ang sumigaw. Ako naman, eto at umiiyak muli. Bwisit na luha 'to!!!
"You and that Caloy?! Stop kidding me!" sigaw pa rin ni Sky habang hinahabol kami. Pero nang nakarating na siya sa bandang may guard, syempre ay hinarang siya. Hindi siya pwedeng makapasok doon. Pero nagpupumilit pa rin siya.
"Riri, what's wrong?! What happened? I thought you are going to explain to me?! Why leave? The heck!!!" nagsisisigaw pa rin siya.
"Sky tama na!" sigaw ko. "Tama na please!!!"
"Why? Explain things to me then! WHY?! Is that Caloy now your new boyfriend? Since when? Fuck it! Since when!!!!" sigaw niyang muli. Umiiyak na rin siya na tiyak na ikinadurog ng puso ko.
"Matagal na." pagsisinungaling ko. Hindi ko man ito gusto gawin pero maiiwan na talaga kami ng eroplano. Wala kaming kasing rami ng pera ni Sky para bumili nanaman ng ticket. Kailangan naming makaalis.
"What the fuck!!!"
"Since when have you been fooling me?! What the hell did I do to you?!" galit niyang tanong. Pero kitang kita ko ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero binalik ko rin ito agad. Kailangan ko nang tapusin ang gulong ito. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Kailan pa? Bakit hindi mo yan tanungin sa sarili mo, ha? Sky?" sabi ko bago ako tuluyang pumasok na sa eroplano at iniwan si Sky sa kamay ng mga guard. Bahala na siya.
Diyos ko po. Ano ba ang nangyayari sa mundo? Bakit kailangang humantong pa ang lahat sa ganito?
***
[Bohol]
Isang linggo.
Mag-iisang linggo na ang nakaraan simula nung umalis kami sa Maynila.
At ngayon na pala ang kaarawan ko.
18 years old na ako.
At eto ako, umiiyak nanaman. May bago pa ba doon? Haha. Nakakatawa nalang.
Nakakatawa talaga ako dahil ang hilig kong umasa. Alam ko sa sarili ko na tinaboy ko na si Sky at lahat – partida, iniwan ko pa nga siya sa airport eh, pero umaasa pa rin ako na babatiin sana niya ako ng kahit simpleng 'Happy Birthday' man lang. Pero mukhang mapait talaga ang kapalaran, kasi ni isang text wala talaga akong narecieve galing sa kanya. Kahit si Shibama hindi rin bumati sa akin. Siguro busy na talaga sila doon sa Maynila kaya nalimutan na nila ako. Nakakalungkot mang isipin pero ganun na nga siguro talaga.
May mga iba namang bumati sa akin tulad nila Karen at Debbie at ilang miyembro ng The Vengeance – pero iba pa rin kasi talaga kapag galing doon sa taong hinihintay mo. Sa panahong ito, ang hinihintay ko lang naman na bumati sa akin at si Sky o kaya kahit si Shibama man lang. Pero wala talaga. Wala na akong magagawa kung ganun.
Pinilit ko nalang maging masaya kahit alam naman ng lahat na hindi ko kaya. Effort na effort pa rin sila papa, Caloy, Merylle at iba pa naming mga kaibigan sa Bohol na maghanda kahit kaunti lang para sa debut ko daw. Sinabihan ko naman sila na huwag nalang silang mag-abala pa pero mukhang hindi talaga sila napigilan. May cake pa ako at ilang lutong bahay dito. Ginagawa talaga nila ang lahat para sumaya ako at sobrang ikinapapasalamat ko naman iyon. Yun nga lang, lahat ng ngiti ko, pilit. Hindi ko pa kasi talaga kaya. Kahit naka-isang linggo na, hindi ko pa rin kaya. Ganito ako kahina. Ganito ako ka walang kwenta.
*Kapal ng mukha, 'di na nahiya
Ang dapat sa iyo pasabugin ang mukha
Ulo-ulo lang 'di kasama katawan
'Pag kasama katawan, sabog pati laman!*
Bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig ko ang ringtone na iyon. Ang kanina ko pa hinihintay na magtext sa akin ay ngayo'y tumatawag na sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mayroon pa rin siyang epekto sa akin na siya lang talaga ang nakakagawa.
"S-Sky..."
[Happy birthday.] diretso lang ang tono ng boses niya. At pagkatapos noon ay bigla na niyang binaba ang telepono.
Napatulala nalang ako pagkatapos kong marinig ang boses niya. Hindi ba dapat masaya ako? Hindi ba ginusto ko ito? Ginusto ko kaya na batiin niya ako. Pero bakit sa ganung tono? At hindi man lang kami nakapag-usap. Malamang! Itinaboy mo kaya siya. Hay! Ang gulo ko. Wala talaga akong kwenta. At nakikisabay pa ang wala kong kwentang luha sa pagpatak nanaman. Diyos ko po, kailan ba matatapos ang sakit na ito? Hanggang kailan pa ba ito dapat maramdaman?
"Anak, lumabas ka na diyan sa kwarto at kumain ka na." si Papa.
"Opo."
Nag-tali ako ng buhok at nag-bihis muna bago ako lumabas ng kwarto. Marami kaming bisita ngayon sa kubo. Para kaming sardinas ngayon kasi ang sikip sikip ng kubo namin pero pinagkasya lahat ng pagkain at bisita. Ang init tuloy. Pero okay na rin ito. Kesa naman wala 'di ba?
Kumain muna ako at nakipagkwentuhan sa mga bisita sa kubo namin. Kailangan ko rin kasi ito para sa aking sarili. Mahirap na magkulong lang sa kwarto at mag-iiiyak. Hindi na rin kasi magandang habit yun.
May mga ilang oras yata akong nagkakausap ng kung sino sino nang nakaramdam na ako ng pagod. Gusto kong bumalik sa kwarto namin ni papa at doon nalang magkulong pero sasabihan nanaman nila ako na huwag kong gawing habit ito lalo na ngayon at may mga bisita. Kaya naman napagpasyahan ko nalang na lumabas muna ng bahay.
Pero paglabas na paglabas ko ng pinto, doon ay nakita ko siya.
Si Sky Anderson.
Nasa harapan ko.
Nasa Bohol siya ngayong birthday ko.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Napanganga nalang ako. May ilang minuto kaming hindi nagsasalita. Gulat lang na ekspresyon ang naibigay ko sa kanya. Samantalang siya, seryosong ekspresyon ang mayroon siya. Nakikita ko sa mga mata niya na may galit sa kabila ng kanyang ekspresyon. Hindi ko naman siya masisisi doon. Pero hindi rin niya ako masisisi sa mga nagawa ko sa kanya. Parehas lang kaming nasaktan.
"Follow me." Sabi niya tapos bigla siyang tumalikod.
Nang tumalikod siya ay nainis na talaga ako sa kanya. Siya na nga itong nangloloko siya pa rin itong bossy. Anong akala niya sa akin? Nakakainis na talaga siya! Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman sinagot ko siya.
"At bakit naman kita susundan?!" pinagtaasan ko siya ng boses. Binalik niya ang tingin niya sa akin mula sa kanyang pagkakatalikod.
"And why not?" muling baling niya sa akin.
"Tama na, Sky!" sigaw ko.
"Tama na? What the hell!" sumigaw din siya. Napapikit ako doon. Pero pinilit ko pa ring maging matapang.
"Tama na."
"Why?! Kasi may Caloy ka na? The fuck Ynna!!! Since when? And how many times have you been fooling me?! Fuck!!!!" sigaw niyang muli. Sinuntok pa niya ang poste malapit sa kubo namin. Galit na galit talaga siya. Ngayon ko lang siyang nakita maging ganito kagalit.
"Ako pa ngayon, Sky? Ha? Ako pa talaga ngayon?!?!" pareho na kaming galit. Hindi ko na rin kasi talaga mapigilan ang aking mga emoyson.
"You are now 18 and you act like this?!"
"Ano bang pinapalabas mo ha?!"
"You are so immature Ynna!"
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo ha? Sky?"
"Wait, hold on! Binigay mo na ba kay Caloy yang virginity mo? Ha?"
"Ano?!?!"
"Or baka naman matagal mo nang binigay. Is he that good?! Damn!"
*PAAAAAAAAAAAAK*
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsasampal kay Sky. Ang sakit sakit ng sinabi niya. Anong karapatan niya para sabihan ako ng ganung bagay? Buong buhay ko siya lang ang minahal ko ng ganito. Pero siya lang din pala ang makakapagbigay sa akin ng ganito kasakit na pakiramdam. Iba ka talaga, Sky. Iba ka.
"So now you're slapping me? The last time you're kissing me." Tumawa siya ng pabalang.
"Ang sama sama mo, Sky." Umiiyak kong sinabi.
"And now I am the bad one here? The hell!"
"Oo! Oo Sky! Ikaw ang masama! Ang sama sama mo! Ang sama sama niyo nila Erick at Dwight! Wala kayong karapatan lokohin ako! Wala! Oo mahirap lang ako. Mukha siguro akong laruan sa paningin niyo. Pero wala kayong karapatan para paniwalain ako sa mga katarantaduhan niyo! Ang kapal ng mukha mong sumunod dito sa Bohol! Ang kapal ng mukha mong magsabi na mahal mo ako! Tapos nangako ka pa na di mo ako iiwan! Ang kapal kapal ng mukha mong manloko!!!!" pinagsususuntok ko siya sa dibdib habang patuloy akong umiiyak.
"W-What the hell are you talking about?!" sigaw niya pero ngayon ay hawak na niya ang aking dalawang kamay.
"Huwag ka nang mag-maang-maangan!"
"What?!"
"Hindi mo talaga alam?! Kinalimutan mo na siguro?!"
"What the? What is it! Just get to the point!"
"Sige! Ipaparinig ko ulit sayo! Kahit mamatay nanaman ako sa pangatlong beses! Sige! Para sa ikakapanatag niyang loob mo! Hinatyin mo ako! Kukunin ko lang sa loob!" galit kong sinabi bago ako nagdabog papunta sa loob ng kubo para kunin ang dapat kunin.
Marami namang taong nagsisiyahan sa loob ng kubo namin kaya mukhang hindi nila napansin ang pagpasok at paglabas ko dala dala ang voice recorder na binigay sa akin ni Farrah. Ang galing ko talagang best actress. Ngumiti pa ako sa ilan na nakakita sa akin.
Paglabas na paglabas ko, pinarinig ko agad kay Sky yung voice recording. Parusa sa akin na pakinggan itong muli pero hinayaan ko nalang na madurog muli ang puso ko.
Kitang kita sa reaksyon ni Sky na hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya. Nalalaki ang mga mata niya. Gulat ang ekspresyon niya hanggang sa natapos na yung recording. Kitang kita ko pa rin na namumutla siya.
Nakatulala lang siya hanggang sa matapos yung recording. Hindi ko na siya hinintay na maka-recover sa pagkatulala niya. Wala na akong oras. Masyado nang masakit ang nararamdaman ko. Tulad nang lagi niyang ginagawa sa akin – nagwalk-out ako sa kanya. Iniwan ko siyang mag-isa sa labas ng kubo na nakatulala lamang. Wala na akong pakialam.
Napapagod na kasi ako.
Grabe, minsan pala, nakakapagod ding magmahal.
***
• JANINA NICOLE FORTALEZA •
"...And that's it! I'm so great, right? Right?" said Farrah. She just explained to us what she did with Ynna last week.
And I am so bothered.
But I didn't show it to Farrah. Kunwari nalang nag-aaggree ako sa superb niyang plan. Pero shocks, she's evil!
"Yeah girl. You are great!" I fake agreed.
"I know right?! Siguradong halos mamatay na yun si Ynna sa Bohol! Hahaha! Funny! Buti nalang umuwi na siya. Yucks! Di siya bagay sa Manila! Lalo na sa ECB! Ewww! Virus!"
"True! Hahaha!" I replied.
"Sige girl! See you later! Bye!"
"Yeah! Bye!"
My heartbeat went faster when Farrah went away. How could she do something like that?! And she did it to my... sister. And here I am, agreeing to her plans. Damn! I must be doing something wrong.
Alynna. God. My poor little sister.
I wonder how she is right now. Fudge!
Well, instead of being bothered all day because of what Farrah told me, I just went to the hospital to where Shibama is currently confined at the moment. Yes, naconfine si Shibama. May sakit kasi siya sa kidney. And it is now at it's worst level. He badly needs a kidney transplant.
Hindi naman talaga gusto ni Shibama na iwanan si Alynna on the dorm that they are living at eh. It's just that, nanghihina na talaga siya. Hindi na niya kaya yung sickness niya. And I am the only person who knows about his kidney problem. And also, ako lang din ang makakatulong at this point.
Alynna must really be a good friend to Shibama, kasi ayaw talaga niyang malaman ni Alynna yung condition niya. Ayaw daw niyang mag-aalala ang kanyang baby girl. Nakakainggit tuloy ang naging relationship nila. In a short period of time, parang ang close close nila.
Pagpasok ko sa hospital room, good thing at gising ang gay friend ko. Sumugod agad ako sa kanya at umiyak. Damn! Parang guilty na guilty ako sa lahat ng nangyayari. Yung sakit ni Shibama, and also to my sister. Parang feeling ko kasalanan ko lahat!
"Shibby!" I cried.
"Janina dear, why are you crying?"
"I am so bad. I am really so bad!" I told him while I am hugging him.
"You are not bad dear." He said.
"I am!"
"Sssh. There's a picture under my pillow. Go ahead and get it." He told me while patting my shoulder and trying to make me feel better.
"Huh?"
Sinunod ko si Shibama. Nilusot ko ang kamay ko sa pillow niya and yes, there is a picture. And that picture made me cry.
It's a picture of Alynna and I when we were still kids. We are wearing T-shirts that says 'Nini' and 'Riri'. Magka-holding hands kami and we looked like happy twins.
And yet now... what happened?
"Janina, a picture paints a thousand words... and it is never to late to make your decision to make things right." Shibama told me seriously.
"My decision?"
"Yes. Will you help your sister regarding this one? Or not? Diyan mo malalaman kung mabuti o masamang tao ka talaga. You know that you are the only one that can help her here. So are you gonna help her with her current situation?"
Silence...
Should I?