A/N: Hello, thanks po ulit sa supporta niyo sa MWG. 4 more chapters and we are about to end. I will update as fast as I can :) Maraming salamat ulit!
-
• ALYNNA MARIE PAREDES •
*Flashback*
"Wi ar pipti persen okey."
Paulit ulit ko tong prina-practice habang kumakain ako ng free food sa buffet. Gusto ko kasi talaga gayahin yung mga pinagsasasagot sa akin ni Sky noong siya yung nililigawan ko eh. Wala lang. Gusto ko lang din talaga ma-try maging Sky ako kahit isang beses lang. Gusto ko rin kasi yung ideya ni ate eh. Gusto ko rin maramdaman sa sarili ko na kahit mahirap lang ako, pwede rin naman ako habulin, ligawan at mahalin.
Ang arte ko ba?
Mana siguro ako kay ate hehehe.
*End of Flashback*
At ayun na nga.
Hindi ko naman kasi inakala na ganun kabilis na magagamit ko agad yung prinaktis ko. Hindi ko naman kasi talaga alam nung una na si Sky pala ang laman ng tarsier. Dapat nalaman ko na yun noong sumayaw siya eh, o kaya nalaman ko na yun umpisa palang, pero wala eh, bobo ako o baka slow ako. Ewan ko. Ganito talaga ako eh. Ewan ko ba sa sarili ko.
Kaya eto, nagulat din ako sa mga kinilos ko. Sa totoo lang, natuwa nga ako sa sarili ko eh kasi kahit na hindi ako nakapagpractice ng matagal, naipilit ko pa din gawin yung plano ko. Ang panget nga lang ng pagkakasabi ko. Hindi naman ako ganun ka-galing mag-English eh kaya alam na ni Sky yun. Maiintindihan na niya yun. Siya naman nagsabi nun sa simula palang eh.
Pero grabe.
As in, grabe.
Dapat proud ako di ba?
Dapat proud ako dahil sa wakas, nagagawa ko na ito, dahil sa wakas, nililigawan na niya ako at dahil sa wakas, pinahihirapan ko siya. Pero bakit ganun? Bakit ako nanghihinayang dun sa kiss sana namin?
Hayst.
Miss na miss ko na kasi talaga si Sky, pati na rin yung lips niya. Yung malalambot at mapupula niyang lips? Jusko! Jusko talaga! Ang swerte swerte ko at ilang beses ko nang nahalikan yun.
Pero hindi. Hindi ako dapat manghinayang. Kasi kung gusto talaga niya ako, hahabulin pa rin niya ako di ba? Gugustuhin pa rin naman niyang matuloy yung kiss namin di ba? Hindi naman siyang papayag na hindi yun matutuloy di ba? Kailangan ko lang talagang maghintay pa. Darating din kami dun. Konting tiis pa, Alynna. Konti nalang. Konting konti nalang.
"What are you thinking? Hmm." Si ate. Naka-s-smile?
Oo nga pala. Andito kami ni ate ngayon sa isang fine dining restaurant sa gitna ng Bohol. Nag-iisa lang ito sa buong Bohol, at pag-aari ito ng Fortaleza Foods Inc. kaya naman, lahat libre. At grabe sobrang sasarap ng pagkain, lasang pang mayaman talaga. May mga steak, may mga hipon na nasa butter, may mga lobster, may mga king crab at mga kakaiba pang pagkain na hindi ko na alam kung paano bigkasin.
Dito na kami dumiretso pagkatapos namin manggaling sa tarsier sanctuary sakto na din pang hapunan.
"Ha? W-Wala?" sabi ko sabay taas ng dalawang balikat ko. Masyado nanaman ba akong nakatulala? Kailan ko ba matatanggal ang ugali kong iyon?
"Did... you..." mukhang gulat ang mukha ni ate. Huh? At bakit ang bagal niyang magsalita?
"Kiss?" pagtutuloy ni ate. Tinaasan niya ako ng isang kilay. Parang hinuhuli niya ako.
"Hindi!" mabilis kong sigaw.
Oops.
Nako, fine dining nga pala ito. Biglang nagtinginan sa akin ang mga tao. Sorry naman. Pero dahil si ate ang may-ari, hindi naman ako pinalabas ng mga waiters. Yung mga taong tumingin sa akin ng masama yung pinalabas ni ate! Naku! Patawad po! Hindi ko po sinasadya.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Di ko alam kung bakit ako sumigaw ng ganun. Di ko alam bakit ako dumedepensa kay ate ng ganun. Para akong bata na hinuhuli ng magulang kung may boyfriend na ba. Ewan ko ba. Nahihiya lang siguro ako kay ate? Pero bakit? Kay ate ko nga dapat sinasabi lahat di ba?
"Good! That's my girl!" sabi ni ate habang akmang makikipag-apir sa akin. Nakipag-apir nalang din ako. Pero hindi ko alam bakit at hindi ko alam para saan. Good? Bakit good?
Siyempre habang kumakain kami ni ate hindi siya pumayag na hindi ko ikwento lahat lahat ng nangyari pati na yung sinabi ko kay Sky nung huli, kung bakit hindi natuloy yung kiss, kung ano yung mga pakulo ni Sky, at halos lahat lahat na. Gusto niya kasi malaman daw lahat in detail daw para daw alam niya kung ano ang susunod na ipapayo niya sa akin. Pero sinigurado naman sa akin ni ate na lahat ng ipapayo daw niya ay para sa ikatatatag ng relasyon namin ni Sky.
Pagkatapos kong mai-kwento lahat ay lumipad nalang ang usapan namin ni ate sa kung ano anong mga bagay bagay pero hindi talaga kami nawawalan ng kwento sa isa't-isa. Ngayon lang din kasi kami talaga nagkaroon ng pagkakataon ni ate na magusap bilang magkapatid, bilang mag-ate. Ang saya pala kapag may kapatid kang napagsasabihan mo ng lahat ng pinagdadaanan mo sa buhay, at sa pag-ibig. Parang tila binabawi talaga namin ang lahat ng mga taon at panahon na hindi kami nagkasama. Natigil nalang kami sa aming kwentuhan nang may biglang tumawag sa cellphone ni ate. Ano ba yan, istorbo.
*RING RING RING*
"Nick! What's up? What made you call?" sinagot ni ate ang phone niya. Mukhang masaya si ate sa taong tumawag sa kanya. Hindi man lang siyang nag-isip kung sasagutin ba niya o hindi. Hmm. Sino kaya yun?
"Wow. I can't believe you are calling me at this time of the day there. This must be really important, ayt?" Ayt? Ano kaya ibig sabihin nun? At anong calling at this time of the day, magaalas siyete palang ah? Ano kayang hindi kapani-paniwala dun? Baliw na 'tong si ate. Hindi yata marunong tumingin sa orasan itong si ate eh.
"Hmm. Surprise? You have a surprise for me? And you don't want me to know it yet?" Nakasmile si ate habang sinasabi niya ito. Parang na-excite siya sa surprise. Ako rin, ano kaya yun? Hehehe. Mahilig din kasi ako sa surprise eh.
"And when are you going to tell me then?"
"Alright, Nick. I will wait for that right time..." umikot ang mata ni ate pero naka-smile pa rin siya. Para pa nga siyang kinikilig eh.
"Goodbye. I hope everything goes well for the rest of your day."
"Thank you. You too. Haha!" at binababa na ni ate yung cellphone niya. May ngiti pa rin sa kanyang mukha.
Tinignan ko lang siya ng seryoso.
Yung sobrang seryosong tingin na para bang detective ako sa mga palabas.
Yung sobrang lapit ng mukha ko sa kanya.
Parang ang daya kasi eh. Lahat ng akin sinasabi ko sa kanya tapos siya hindi ko man lang kilala yung tumawag sa kanya. Mukhang malaking parte pa naman ng buhay ng ate yung Nick na yun. Pakiramdam ko malalim ang pinagsamahan nila eh. Parang ang close close kasi nila eh.
"What?" sabi ni ate nang napansin na ang mga titig kong matatalim. Sino ba naman ang hindi makakapansin nun eh ang lapit ko kaya sa kanya. Naduduling na nga ako eh.
"Sino si Nick?" tinaasan ko siya ng kilay. Haha. Kala niya siya lang ah. "No secrets sa atin di ba?" dagdag ko pa. Pinanliliitan ko na siya ng mata ngayon.
Tumawa lang ang ate ng malakas. Bigla nalang din niyang pinisil yung pisngi ko. Ang cute cute ko daw? Bakit ako ginaganito ni ate? Nagtatanong lang naman ako ah. Hindi ko maintindihan.
"Well, he is my only friend in NYC. He is also my knight in shining armor. He is the one who helped me escape... if you know what I mean." Paliwanag ng ate. Naintindihan ko naman yun kahit slow ako. Kaya naman pala parang importante na importante siya kay ate. Atleast ngayon ay alam ko na.
Hmmm.
"Mahal mo ba siya ate?" tanong ko. Parang kasing may something eh. Pakiramdam ko lang naman. Feelingera ako eh. Hehehe.
"I love him... as a friend." Sinagot niya ako ng blanko.
"Tingin mo may gusto siya sayo ate?" tanong ko ulit.
Katahimikan...
"I don't know. But I hope not. Because I really can't give my heart to anyone else aside from Dave." Sabi sa akin ni ate habang nakatingin siya sa malayo. Parang biglang lumungkot ang mukha ni ate nung naipasok na sa usapan si Dave.
"Ah. Hehe. Akala ko siya na bago mo ate eh. Hehehe." Nag peace sign ako sa kanya. Bakit ko ba kasi naitanong yun?
"But you know what, Alynna? I think Dave is jealous with him. Because remember when you asked me about Dave before and I didn't answer? It's not because I don't want to tell you about it. It is because I actually dunno what to say to you... if we are okay or not, if he is okay or not, or if we are together or not? You know, it's like... so weird. He is so weird! And yesterday, guess what, he just slammed the fucking door in front of my face after I talked to Nick on the phone! I'm like, what is wrong with you?!" feel na feel ni ate habang nagkwekwento siya. Ang bilis mag-English ni ate. Ang hirap itranslate sa utak ko. Kinuha ko yung tissue sa mesa at nilagay sa may ilong ko, hehe, baka kasi dumugo eh. Nag-rea-ready lang ako. Ayokong mapahiya dito sa mamahaling restaurant ni ate.
Pasimple kong kinulangot ang ilong ko para malaman kung may lumabas na dugo.
Green na matigas na medyo malagkit yung lumabas.
Whew! Buti nalang at hindi ako na-nosebleed. Muntik na yun ah.
Pasimple ko nalang na pinunas sa ilalim ng mesa yung nadukot ko sa ilong ko, kung ano man yun.
Processing...
5 minutes...
Pagkatapos ma-translate ng utak ko lahat ng English ni ate...
"Ibig sabihin ba ate, hindi pa alam ni Dave lahat ng nangyari sayo sa New York?" gulat kong tanong.
"Nope." Mabilis niyang sagot sa akin. Nakatingin pa rin siya sa malayo.
"Bakit hindi mo pa sinasabi ate?"
"I'm afraid he'll walk away. I'm terrified he'll not undersand." Tumingin na sa akin si ate. Kitang kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Mahal na mahal talaga niya si Dave.
"Pero ate, kung gusto mo talaga si Dave, kung gusto mo talagang magkabalikan kayo, kailangan niya malaman. Para naman hindi na rin siya magselos dun kay Nick. At... karapatan naman niyang malaman yun ate."
Katahimikan...
"In time." Sabi lang niya at tumayo na sa mesa namin. "Today was lovely. And draining. I will drop you home now." Dagdag pa ni ate habang naka-smile at hinahawak-hawakan yung buhok ko. Ano ako ate, aso?
Pumasok na kami ni ate sa taxi at nilabas na niya ang kanyang headset na pang mayaman para makinig na siya ng music. Kaya naman alam kong hindi na kami makakapag-usap pa hanggang sa makauwi ako sa bahay.
Ako naman, wala akong headset at kung ano man kaya naman nag-isip isip nalang ako ng kung ano ano.
Naisip kong gusto ko rin maging kupido para maging okay na si ate at Dave. Baliw din kasi ito si Dave eh. Nagpapakipot pa. Manang mana lang kay Sky. Pero dahil tinutulungan naman ako ni ate at ni Dave na maging okay kami ni Sky, gusto ko rin silang tulungan para maging okay sila.
Ano ba ang pwede kong gawin para tumulong sa kanila?
Eh kung sabihin ko kaya lahat kay Dave?
Hmm.
Pwede.
-
Mga alas otso na nang nakauwi ako sa bahay. Saktong sakto lang sa oras ng tulog naming mga taga probinsya.
Pagpasok ko sa kubo namin ay naroroon si Caloy, Merylle at papa na nag-uusap. Natahimik sila at nagkatinginan sa isa't-isa nang nakita nila ako pagkabukas ko ng pinto. Dali dali lumabas si Merylle.
Hay nako. Hanggang ngayon ba naman Merylle? Ano na bang pwede ko pang gawin sayo para lang maging magka-ayos tayo? Hindi ko na kasi alam eh. Ang hirap talaga niyang ispellengin.
"Lumabas ka kasama ng ate mo?" bungad ni papa sa akin.
"Opo." Diretso kong sagot kay papa. Kapatid ko naman si ate kaya hindi naman nakakahiya na sumama ako sa kanya. At isa pa, kahit hindi maganda ang nakaraan namin, ang importante, maayos na kami ngayon. Sana naman at maintindihan na ni papa iyon.
"Okay na ba talaga kayo?" seryosong tanong ni Caloy. Tumango lang ako.
Tahimik lang kaming magkakatinginan sa isa't-isa nang bigla akong niyakap ni Caloy, at sinundan ito ni papa. Yun lang, alam ko na. Alam ko na na tinatanggap na nila ang desisyon ko na maging maayos na kami ni ate. Alam ko na din na humihingi na sila ng tawad sa akin sa naging asta nila kay ate noong nakaraan. Hindi na nila kailanagan magsalita pa para iparating sa akin ang mga mensahe nila.
Niyakap ko silang pabalik ngunit nang nakita ko ang nanlilisik na mga mata ni Merylle sa labas ng kubo ay bigla nalang akong kumalas sa pagkakayakap kay Caloy, at syempre, pati na rin kay papa. Ewan ko ba diyan kay Merylle, yakap lang naman. Gusto niya yakapin ko rin siya eh. Miss na miss ko na rin kaya ang yakap niya.
Whew!
Ang sarap sa pakiramdam na okay na kay papa at Caloy si ate. Si Sky nalang. Alam ko namang may tamang panahon para sa lahat. Alam ko namang matatanggap din nila si Sky balang araw. Sana.
At mabalik tayo kay Sky, oo nga pala at ichachat ko nga pala siya bilang ibang tao ngayong gabi!
Nag-paalam lang ako kay papa na tatambay na ako sa kwarto para maghanda nang matulog pero sa totoo, binuksan ko yung data ko para magsimula nang i-chat si Sky. Sakto at online siya!
Hmm.
Dave?
Ash?
Viel?
Aus?
Clyde?
King?
Chase?
Debbie?
Karen?
Ate?
Dwight?
Erick?
Sino kaya ang pipiliin ko? Ang dami naman kasing account. Inalis ko na sa listahan ang mga babae kasi panigurado naman na hindi magsasabi ng kahit ano si Sky sa mga yun, lalo na kay ate at nagkakainisan pa naman sila lagi.
Hmmm.
Dahil si Ash naman ang ginamit niya noon nung chinachat niya ako ay naisipan kong gamitin nalang din si Ash. Kung hindi umepekto edi magsusubok nalang ako ng iba.
English, Ynna. English. Kaya mo yan. Go!
Ash: Brad!
Seen.
H-Hala?
Sineen ako? Wala pa nga akong tinatanong eh. Hays! Hindi naman umeepekto itong account ni Ash, bulok. Iba nalang. Si Dwight kaya?
Dwight: Brader, kamusta yung nangyari sa inyo ni Aly? Nagkiss ba kayo? O hindi? Bwahahahaha
Sky: Don't talk to me, Dwight.
D-Don't talk to me?
Ang sama naman ni Sky kay Dwight. Bakit ganun? Ang hirap naman i-chat nitong mokong na 'to!
Isa pang try. Si Chase naman.
Chase: Hey.
Sky: Yup?
Uy, effective is Chase.
Chase: Sky... I wanna know what happened to you and Aly earlier. Can you tell me?
Sky: Tss. When did you start to become like that, Chase?
Chase: Umm, now lang hehehehe
Sky: Sleep bro, you're drunk.
Chase: Okay. Sleeping me now.
Ano ba yan, bakit naman ba niya pinatulog si Chase? Si Chase na sana eh. Sayang!
Sino pa bang natira? Si King? Puro selfie lang naman alam nun. Si Clyde? Si King lang naman lagi ang inaatupag ni Clyde eh. Magkarelasyon yata yang dalawang yan eh. Hindi naman silang dalawa makakatulong.
Si Austin!
Kaso... baka nag-chachat sila ngayon ni nurse Arlene. Ayoko naman na magselos si nurse Arlene sa akin. Ngayon na nga lang sila magiging okay ni Aus eh. Wag nalang muna siguro si Aus. Next time ka na Aus.
Si Dave? Naku, kalaban niya yun eh. Kalaban niya sa lahat. Alam kong hindi na rin naman sila ganun ka-naguusap ni Dave. Ekis ka muna Dave.
Sino nalang ba natira?
Si Viel?
Si Erick?
Hmm.
Try natin ulit.
Viel: Sky!
Sky: I'm not interested with porn today.
A-Ano? So nag-poporno minsan si Sky? H-Hindi nga?!
Viel: Nanunuod ka nun?
Sky: Not now, Viel.
Viel: Kadiri ka!
Sky: Look who's talking.
Viel: Yucks!
Sky: I am busy, Viel. Please don't chat.
Viel: Okay. Fine!
Ano ba naman yan! Bakit kapag kay Viel porno agad! Kadiri! Nanunuod pala ng ganun si Sky. Grabe. Kaya naman pala grabe nalang ang kagustuhan niya makuha ako noon. Baka iniisip niya na kaming dalawa yung mga napapanuod niya na mga binibigay sa kanya ni Viel! Kadiri! Ang babata pa ganyan na agad ang pinag-papanuod! Ganyan ba talaga ang mga taga Maynila?!
Isa nalang ang natitira.
Erick.
Wag mo ako bibiguin, Erick. Utang na loob. Ikaw nalang ang pag-asa ko.
Erick: Kamusta brad?
Sky: Failed.
Erick: Bakit?
Sky: I thought we were about to kiss but then she slid out and said something I said before. Damn!
Si Erick! Si Erick ang sagot! Kay Erick siya nagkwekwento!
Erick: hahaha!! Wag mo kasi masyado madaliin yung babae. Papatawarin ka niyan. Konting tiis lang boy!
Sky: I miss her lips. Sobrang nabitin ako bro. I miss her so much.
Miss na miss din kita, Sky. Sobra.
Erick: Miss ka na din nun. Nagpapakipot lang siguro yun. Baka kasi ngayon, gusto niyang siya naman ang suyuin mo.
Sky: You think?
Erick: Oo. Ano ba ng susunod mong plano?
Sky: Tsk, you were there when we discussed it. It is the hardest thing I will ever do in my life.
Erick: Nalimutan ko brad.
Sky: Are you guys drinking? You guys are all drunk!
Erick: Hinde ah. Ano na nga? Nalimutan ko lang nga.
Sky: I'll be calling her now. Bye. Be ready for tomorrow.
Erick: HER? SINONG HER?
Erick: Huy!
Erick: Sky!
Erick: Sinong her?!
Sky James Anderson is now offline.
Call her?
HER?
Babae?
Sino kaya yun?
Waaaah!
Nakakainis! Bakit parang walang silbi yung pagchachat ko sa kanya ngayong gabi?
Wala man lang akong nalaman!
Ang daya naman!
Effort din ang paglolog-in at paglolog-out ng maraming beses ah!
Makatulog na nga lang.
Hayst.
Ano kaya ang pakulo niya bukas?
-
Tanghali na nang nagising ako. Nagbawi yata talaga ako ng tulog.
Ang ingay ng labas ng kubo pag-gising ko. Tila may fiesta na nangyayari. Ano kayang meron? Pwede bang makisali ako? Hehe.
Paglabas na paglabas ko ng kubo ay nakita ko si Ash na nag-hohost ng parang mini concert. Ang daming tao at ang dami ding mga kababaihan na nagtitilian. Isa isang nagpeperform ang mga miyembro ng The Vengeance. Alam kong isa 'to sa mga plano nila kaya nag patay malisya nalang ako na kunwari hindi ko alam yung mga mangyayari. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam yung mga mangyayari eh. Wala naman akong nalaman kay Sky kagabi eh.
Kung huhulaan ko man ito, malamang kakanta nanaman sa akin si Sky ng mga sweet song. O kaya sasayawan niya ako tulad ng noon. Na-eexcite na ako. Kasi naman eh, kahit na gasgas na gasgas na yung mga ganung technique, kapag ikaw yung hinaharanahan o ikaw yung sinasayawan ng taong mahal mo, iba pa rin talaga yung pakiramdam. Iba pa rin talaga yung kilig. Corny siguro talaga kapag nagmamahal ka.
Nagdaan ang mga performance...
Kumanta si Ash.
Nag rap si King at Clyde.
Nag beat box si Austin.
Nag-drums si Chase.
Nag-duet is Erick at Karen.
Nagbeat box si Dwight.
Nagsayaw si Debbie.
Nag-guitar si Dave at kumanta.
Pero si Sky? Asan siya? Bakit hindi parin siya nag-peperform hanggang ngayon? At bakit si Dave ang nag-guitar at kumanta? Ano nalang ang gagawin ni Sky? Hindi na ba magpapabibo sa akin si Sky? Parang nagawa na kasi nilang lahat ang kayang gawin ni Sky eh.
"Aly, where you watching us all the time?" tanong sa akin si Ash, gamit ang mic! Waaah! Ang lakas! Nagtinginan tuloy lahat ng tao sa direksyon ko. Namula ang pisngi ko sa hiya. Gusto kong lamunin muna ako ng lupa kahit sandali lang!
Tumango nalang ako bilang pag-sang-ayon kay Ash.
"Are you ready for the big surprise?" ngiting-ngiti na tanong sa akin ni Ash.
Natulala lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Surprise daw.
Akala ko mahilig ako sa surprise, pero bakit kinakabahan ako ngayon.
"Silence means yes! So everyone, excuse me for a bit and I'll be back in 10 minutes." Yan ang huling sinabi ni Ash bago siya bumaba sa stage at nawala nalang bigla.
Nagsimulang umingay ang mga tao. Lahat sila ay may kanya kanyang hula sa kung ano ang mangyayari pagkatapos ng 10 minutes. Ako rin mismo, hindi ko alam. Kinakabahan tuloy ako. Buti nalang si papa at Caloy, pumasok na sa mga trabaho nila at hindi na nila ito makikita. Tanghali na rin kasi. Pero buti nalang at hindi maaraw masyado. Maganda ang panahon.
Pagkatapos ng sampung minuto....
♪ Cruising down C-5
Got my foot on the gas
I never felt so alive
Got the radio on blast
All the boys they're coming
They stop and stare, ohh ohhh ohh
Tap down window through our hair, our hair ♫
Nagsimula nang tumugtog. Kanta ba yan ni Anne Curtis? Ang kikay kasi ng tunog. Pero maganda.
Lumabas ang isang babaeng sobrang ganda.
♪ Chilling with the girls
Feeling sexy and free
Tonight I'm gonna party like, party like I'm a rockstar,
Party Girl, pedal to the metal
Gonna rock your world I'm a rockstar livin' the dream
Ask me where I'm from, (where you from?)
Made in the Philippines ♫
Medyo malaki lang ang katawan niya pero ang ganda ganda niya sobra. Sumasayaw siya. Kumekembot. Sino kaya yun? Artista ba siya sa Maynila?
♪ Got my man on the phone
Talking drama leave me alone
This girl just wanna have fun
Party till the break of dawn
All the boys they're coming
They stop and stare, ohh ohhh
Tap down window through our hair, our hair ♫
Maya maya pa ay padami na ng padami ang mga magagandang babaeng sumasayaw. Isa isa silang lumalabas sa stage.
May isang afro, isang chinita, isang may cute na dimples, isang mukhang malibog, isang kamukha ni Andrew Garfield, isang mukhang Australian...
♪ Chillin' with the girls
Feeling sexy and free
Tonight I'm gonna party like, party like I'm a rockstar,
Party Girl, pedal to the metal
Gonna rock your world I'm a rockstar livin' the dream
Ask me where I'm from, (where you from?)
Made in the Philippines ♫
Teka...
Hindi ito maaari.
Oh hinde!
Halos kalagitnaan na ng kanta bago ko napagtanto na ang sumasayaw ay ang The Vengeance! Naka-make up sila ng pambabae!
At yung magandang babae kanina na mukhang effort na effort yung make-up, ay si Sky!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Tawang tawa talaga ako. Mahal na mahal nga talaga ako ni Sky para gawin niya ito. Ito pala yung sinasabi niya kay Erick kahapon na pinakamahirap niyang gagawin sa buong buhay niya. Mahirap nga naman.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" ang sakit sakit ng tiyan ko kakatawa. Hindi nila ako binigo sa pasabog nila na ito ah. Kinuha siguro nila yung ideya na ito kay Shibama. Hahahaha! Grabe, aliw!
Oo tama! Call her? Si Shibama nga yung her! Napagtanto ko na. Si bakla lang naman ang magbibigay ng ganyang ideya sa The Vengeance eh! Miss na miss ko na yun! Tawag ko nga yun mamaya o kaya bukas. Bakit nga ba hindi ko siya tinatawagan? Ang bobo ko talaga. May telepono nga naman!
Kakatawa ko ay hindi ko namalayan na tapos na pala ang kanilang mini concert. Nililigpit na ng mga tagalinis ang stage at isa isa nang nagtatanggalan ng make up yung mga The Vengeance na sumayaw din bilang mga babae. Hanggang ngayon ay natatawa pa din ako. Iba na talaga ang epekto ni Shibama sa mga lalaking ito. Isipin mo, ultimong si Ash napabakla niya? At si Chase? Eh napaka mga seryosong tao nun eh!
Galak na galak pa din ako sa kakatawa nang biglang...
"Riri."
Narinig ko sa may leeg ko ang boses na kanina ko pa hinihintay marinig. Kinilabutan ako at tumayo ang mga buhok ko nang simabit niya ang palayaw ko. Whew! Iba ka talaga.
Sa totoo lang, natatawa pa rin ako sa ginawa niya. At alam kong hindi pa rin siya nagtatanggal ng make up at damit niyang pambabae kaya naman kapag hinarap ko siya, kailangan ko talagang magpigil ng tawa. Game face, Ynna! Game face.
Unti-unti ko siyang hinarap gamit ang seryoso kong mukha...
"We are 99% okay." Sinabi ko nang mabilis bago ako tumakbo papasok sa kubo. Nakita ko sa kalayuan na nag thumbs up ang ate sa ginawa ko. Hehe. Kala mo Sky ah.
Sa bintana ng kubo namin, nakita kong naglakad si Sky ng mabagal habang walang gana niyang pinagtatanggal yung mga props niya sa katawan niya.
S-Sumobra ba ako?
Nakonsensya naman ako bigla dun. Parang may kumirot sa puso ko. Masyado ba akong naging masama? Sobra na ba yung pagpapahirap ko kay Sky? Hay. Nag-enjoy ba ako masyado sa ginagawa ko sa kanya?
Sige Sky, isa nalang.
Tutal naman nasabi ko na yung 99%, paninindigan ko na ito. Pero pagkatapos na pagkatapos nitong 99% na ito, bati na talaga tayo. Ayaw na kitang pahirapan. Ayaw ko din kasi siyang makitang malungkot. Grabe din naman kasi yung effort niyang maging bading para sa akin. Ang sama ko din naman pala. Hayst! Sorry Sky! Patawarin mo sana ako. Please.
Nagdaan ang araw...
Hay.
Gabi na pero isip pa rin ako ng isip kung paano ako babawi kay Sky. Nakokonsensya kasi talaga ako sa ginawa ko sa kanya eh. Naglista ako ng mga plano sa notebook ko kung paano ako makakabawi kay Sky nang biglang tumawag sa akin si Erick.
[Aly!]
"Oh, Erick."
[Si Sky nasa taas ngayon ng puno! Gusto na daw niya magpakamatay. Tatalon na daw siya!]
"A-Ano?"
[Kapag hindi daw kayo naging okay ngayong gabi ay tatalon na daw siya sa puno! Napakataas ng puno na inakyat niya Aly! Pumunta ka na dito! Dito lang mga tatlong bahay bago ang kubo nyo!]
"H-Hala! Sige! Pupunta na ako. Hintayin nyo ako." Ito ang huli kong sinabi bago ako nagmadali at pumunta na sa puno kung saan naroroon si Sky. Alam ko na itong pakana na ito eh. Ito rin mismo yung ginawa ko noon sa taas ng building ng ECB eh, yung tipong nagpaka Athena ako kay Kenji. Ginawa ko na ito eh. Pero iba naman kasi kapag puno sa bohol, maaari kasing maaksidente talaga siya. Napakadulas ng mga puno dito! Ano ba ang naisipan niya!
Hiningal ako sa mabilis kong pagtakbo at ayun nga, nakita ko si Sky sa taas ng puno. Nakita ko rin ang The Vengeance na nag-aalala ang mga hitsura. Sobrang taas na kasi ng narating ni Sky. Hindi ko naman alam na may pagka-ninja pala itong si Sky. Mahilig nga pala siyang manuod ng anime nung nakapunta ako noon sa kwarto niya. Anong akala niya sa sarili niya, si Naruto?
"Sky!" sigaw ko. "Bumaba ka diyan at delikado!" halos nagpapanic na ako.
"I will just go down if you will tell me, and everyone around here that we are okay! 100% okay!" sigaw niya habang nakakapit sa sanga ng puno.
"Oo na! 100% okay na tayo! Promise! Please bumaba ka na diyan!" pakikiusap ko sa kanya. Namumuo na ang luha ko. Kahit pakulo lang niya ito, ayoko ng mga ganito.
"Promise?"
"Pangako!" sigaw kong pabalik.
Nakita kong ngumiti siya at akmang bababa na ng puno nang biglang...
S-Sky...
*BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOGSH*
SKY!!!!
SKY!!!!
SKY!!!!
SKY!!!!
SKY!!!!
Natulala ako at parang tumigil ang tibok ng puso ko. Narinig ko nalang ang mga sigawan ng mga tao na binibigkas lamang ang pangalan ng taong nahulog mula sa pagkataas taas na puno.
Nahulog sa puno si Sky.
Dahil gusto niyang maging okay na kami.
Dahil sa akin.
Dahil umepal pa ako sa 99% kanina.
Jusko.
Patawarin niyo ako.
Sky...
P-Patawarin mo ako.