• ALYNNA MARIE PAREDES •
*BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOGSH*
SKY!
SKY!
SKY!
SKY!
SKY!
Natulala ako at parang tumigil ang tibok ng puso ko. Narinig ko nalang ang mga sigawan ng mga tao na binibigkas lamang ang pangalan ng taong nahulog mula sa pagkataas taas na puno.
Nahulog sa puno si S-Sky.
Dahil gusto niyang maging okay na kami.
Dahil sa akin.
Jusko!
Patawarin niyo ako.
Sky.
P-Patawarin mo ako.
-
[Panglao Medical Hospital]
Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko habang nasa ospital kami at naghihintay ng resulta ng nangyaring paghulog si Sky. Nasa labas lang kami ng kwarto kung saan tinitignan ng mga doctor ang kundisyon ni Sky. Bawal pa kami pumasok sa loob sa puntong ito. Nasa punto na ako na hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Hindi ko na alam paano ako babawi. Wala na akong ibang masabi kung hindi 'hindi ko na alam'. Kahit kalian ay wala talaga akong kwenta. Wala kang kwenta, Alynna!
Nakaraan ang halos kalahating oras...
Paglabas ng doctor ay dali dali kaming nagtayuan.
Katahimikan...
"I need a family member to discuss what happened to Sky." Pahayag ng doktor. Blanko ang mukha ng doktor. Hindi ko tuloy malaman kung mabuti ba o masama ang ibabalita niya.
"I am his older brother." Ika ni Ash.
"Sure. Come in." sabi nang doktor bago niya pinapasok si Ash sa hospital room ni Sky. Naiwan ako sa labas kasama ng lahat. Hay!
Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na si Ash at ang doctor. Seryoso ang mukha ni Ash nang lumabas siya. Tinanong ko agad siya sa kung ano ang nangyari. Sobrang nag-aalala na kasi ako. Wala na akong pakialam kung nakukulitan na ba sa akin si Ash.
"Ash, anong nangyari? Malaki ba ng sugat niya? Kailangan ba niya ng dugo? Idodonate ko ang dugo ko!" mabilis kong sinabi. Hindi na talaga ako mapakali. Wala na yata ako sa tamang katinuan.
"Let's go inside." Aya ni Ash sa akin. Hindi man lang niya sinagot yung tanong ko. Hindi man lang niya sinabi sa akin kung ano ang balita! Dumoble tuloy ang aking naging kaba.
Pumasok ako sa loob ng hospital room kung saan naroroon si Sky. Naka-benda ang kamay niya na tila may malaki itong sugat. Naroroon ang mahal ko at nakahiga lamang. Hindi ko pa rin mapigilan ang pagbuhos ng luha sa mata ko. Ako ang may kasalanan kung bakit naging ganito si Sky. Ako ang dapat na nandiyan ngayon at hindi siya. Gusto kong sampal-sampalin ang sarili ko sa inis.
Dali-dali akong lumapit kay Sky.
"S-Sky, patawarin mo ako. Sorry." Pinilit kong linawin ang boses ko. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya!" paiyak ko nang sinabi sa kanya. Hindi ko talaga mapigilan ang pagpatak ng luha ko.
Hindi nagsasalita at hindi umiiyak ang mga The Vengeance sa likod ko pero kita ko sa mga mata nila na nag-aalala sila kay Sky. Galit ba sila sa akin? Ako nga ba ang sinisisi nila sa nangyaring ito? Sino pa nga ba? Ako lang naman di ba?
Yumuko nalang ako habang yakap yakap ang kamay ni Sky. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.
Dumaan ang ilang minuto...
"Aly, si Sky!" si Dwight.
Pagtingin ko ka Sky, nakabukas na ang mata niya at nakatingin ng diretso sa akin. Seryoso.
1...
2...
3...
"Who are you?" tanong niya sa akin.
A-Ano?
Hindi niya ako kilala?
"Yes, Aly, he has an amnesia, that's what happened to him. That's what the doctor told me." Si Ash. Nagpapaliwanag.
Ano?!
Hindi ito pwede.
Parang nanghina ako...
Hindi na ako kilala ng taong mahal ko.
Seryoso ba sila?
Niloloko lang ba nila ako?
"Anyway Aly, can you stay here in the room with Sky. I think you guys need to talk alone." Si Ash parin. Pagkasabing pagkasabi niya nun ay umalis na siya kasama ang kanyang team. Sumunod na din sila ate at sila Debbie. Ako nalang at si Sky ang natititra sa loob ng kwarto.
Katahimikan...
Gising na si Sky pero hindi ko alam ang gagawin ko.
Hindi ako kilala ng taong mahal ko.
Anong gagawin ko? Paano ba ako magpapakilala? Ipapakita ko ba yung mga pictures namin? Ipapaalala ko ba yug mga ginawa namin? Paano ko ba sisimulan? Hahalikan ko ba siya agad? Anong gagawin ko? Hindi ako makapag-isip ng tama! Hindi gumagana ang utak ko ngayon!
Nang hindi ako makapagsalita ay si Sky nalang ang nagsimula ng usapan...
"All I remember is I fell from a tree." Simula niya. Nakatingin siya sa kisame habang sinasabi niya ito.
Katahimikan...
"And then I fell for you." Kita kong nagsmirk siya sabay tingin sa akin. Huh? Smirk!
Aba aba!
Sabi ko na nga ba eh! Kasi pansin ko na kanina na ako lang yung umiiyak. At si Clyde nakikita ko pa kanina na medyo natatawa pa. Sabi ko na nga ba eh. Niloloko lang nila ako. Hindi talaga may amnesia ito!
"Wala kang amnesia noh?" hinatak ko ang damit niya habang tinanong ko ito.
"Wala." Nakangiti niyang sinabi. Hayst!!!! Nakakainis ka talaga kahit kalian!
"Pinagloloko niyo lang ako!" gigil kong sinabi. Hila hila ko pa din ang damit niya.
"Huwag mo sabihing mag-aaway nanaman tayo?" natatawa niyang sinabi.
"Hay!" buntong hininga ko. Nakakapikon kasi eh! Ang dami ko pang luhang nasayang. Pero ayaw ko na mag-away kami. Pero nakakapikon naman kasi talaga eh!
"But it really hurts." Sabi niya bago niya pinakita sa akin ang totoong sugat sa kanyang kanang kamay na natamo niya sa aksidente. Pinindot niya ang benda at may sumirit na dugo. Tunay na dugo. Amoy dugo talaga.
"Nadulas ka ba talaga?" tanong ko.
"Yes. But there is actually a foam that will catch me if ever I fall. But then, I didn't expect that I'll be hitting the branch while falling. Hence, the wound." Pagpapaliwanag niya. Kumunot ang noo ni Sky nang ginalaw niya ang benda na tila ba nasaktan siya talaga.
"Kung ano ano kasi yang pakulo mo eh!" pinagsabihan ko siya. Hindi naman kasi talaga biro ang mga puno. Sana ginaya nalang din niya yung akin noon sa taas nalang din ng building. Kahit naman kasi probinsya ang bohol may mga building pa rin naman dito eh.
"Haha." Tipid niyang tawa.
"Pero sorry Sky. Kasalanan ko. Nag-iinarte pa kasi ako." Hinalikan ko ang kamay niya.
"It's not your fault." Ngumiti lang siya ng tipid. "But I am at my happiest now that we are okay."
Niyakap ko lang ang kaliwa niyang kamay na walang sugat. Matagal din kaming ganun ang posisyon. Wala kaming sinasabi sa isa't-isa. Tahimik lang. Sa ngayon, hindi namin kailangan ng mga salita. Kailangan lang namin ang presensya ng isa't-isa. Walang nakabukas na TV o ano man. Kaming dalawa lang. Minsan, ang sarap pa din talaga kasi ng ganito lang.
Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nasa ganoong posisyon. Naputol nalang ang katahimikan nang mayroon akong naamoy na hindi maganda.
Utot.
Utot na walang tunog.
Pamatay.
Pasimple akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kamay ni Sky at pasimple ko ding sinundot ang pwet ko. Syempre, pasimple ko ding inamoy. Magaling naman ako sa mga pasimple simple eh.
Nang inamoy ko ang daliri ko ay wala naman akong nakuhang brown na nakadikit sa daliri at wala ring mabahong amoy. Doon palang ay alam kong hindi sa akin nanggaling ang mabahong amoy na iyon kung hindi sa ibang tao. At si Sky lang naman ang nag-iisang ibang tao na nandito ngayon kaya huling huli ko na siya.
Nang tinignan ko si Sky ay tila hindi maipinta ang mukha niya. Parang siyang...
...nagpipigil ng utot?
Tama!
Dahil may pruweba na ako na hindi ako ang umutot, malamang si Sky nga talaga ang umutot. Mas lalo pa akong nakasigurado nang nakita ko ang pagpipigil sa mukha niya. Nakakatawa siya pero syempre pinigil ko ang tawa ko. Ayaw ko namang mapahiya si Sky.
"Sky, ilabas mo na yan." Natatawa kong sinabi. Pero pinipilit ko pa din na pigilin kahit papaano ang tawa ko.
Hindi niya ako sinagot.
"Sky, lahat naman tayo umuutot. At lahat ng utot mabaho." Pagpapaliwanag ko. Hindi na ako masyado natatawa. Mukhang nahihirapan na kasi siya sa pagpipigil eh.
Hindi pa rin niya ako sinasagot. Kita ko na ang mata niya ay nakatingin sa malayo. Hind niya ako matignan sa aking mga mata.
"Sky, tanggap kita bilang tao. Hindi mo kailangan mahiya sa akin." Sinabi kong muli.
"Oh God." Si Sky. Nagsalita na din siya sa wakas. At talagang tinawag pa si Lord?
"Sky, okay lang yan, promise. Parte yan nang pagiging tao." Pagpupumilit ko pang muli.
"Is this Karma..." si Sky muli. Tila sarili lang niya ang kinakausap niya. Parang hindi niya ako nakikita o naririnig.
"Sky, ilabas mo na yan. Kasi kapag di mo yan nilabas baka lumabas pa yan sa ibang par---"
*PRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRCKKKKK*
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang umalingasaw ang amoy ng utot ni Sky. Ang baho. Parang nanununtok yung amoy. Hindi talaga totoo yung kasabihan na kapag mayaman ay mabango ang utot. Ang baho sobra ng utot ni Sky. At ang tagal pang mawala ng amoy!
"Ayan. Edi tapos na." nakangiti kong sinabi sa kanya. Kunwari nalang hindi ako nababahuan. Pero sa totoo amoy basura na ang buong hospital room ni Sky. Ang tagal mawala ng amoy!
"Ummm, it's not what you think." Sabi niya. "It's poo." Umiwas siya ng tingin. Pabulong niyang sinabi ito. Pero narinig ko.
TAE?
POO?
Tae yung poo di ba?
Anak ng tokwa nga naman to si Sky oo. Ang usapan utot lang eh. Masyado yata siyang naging kumportable bigla sa akin eh. Patay tayo diyan. Ano nalang ang gagawin ko sa pwet mo? At ang kama ang puti puti ngayon may bahid na ng brown. Sky naman eh. Ang hirap hirap pa naman maglaba ng puti. Kawawa naman ang maglalaba niyan.
Pero kahit na medyo kadiri talaga yung ginawa niya, tinulungan ko pa rin siyang tumayo. Kasalanan ko din naman pala kasi. Malaki ang naging sugat ni Sky sa kanyang kamay kaya naman hindi talaga siya makakatayo magisa nang walang tulong. Ang ibig-sabihin lang nun ay simula nung nahulog siya at simula nang dinala siya dito sa ospital ay hindi pa siya nakakaihi o nakakatae.
Tinulungan ko siyang maglakad papunta sa CR. Parang nangyari na ito ah. Kaso baliktad ang sitwasyon ngayon. Siya ang tatae at ako ang magpupunas. Ay, hindi pala siya tatae. Tumae na pala siya. Ewan ko lang kung may katuloy pa yung tae niya. Mukhang nabulok na kasi sa tyan niya yung tae eh. Pakiramdam ko marami pa siyang ilalabas. Kailangan ko nang maghanda. Kung nagawa akong linisin ni Sky noon ay kakailanganin ko din magawa ito sa kanya.
Pero kahit mabaho at punong puno ng tae ang pwet niya, na-excite pa rin akong isipin na mahahawakan ko na ang pwet ni Sky. Hahaha! Pipindut-pindutin ko pa yan mamaya at ipapasok ko ang isang daliri ko sa loob! Hahaha!
"Stay there." Seryosong sambit sa akin ni Sky nang akmang papasok na ako sa banyo para tulungan siya maglinis ng pwet niya. Huh?
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"I can manage." Seryoso pa rin siya. "but thanks for getting me in here."
"Hindi mo kaya, Sky." Seryoso ko ding sinabi sa kanya. "Huwag ka nang makulit."
"I can." Sinabi niya bago niya hinampas ang pinto para maiwan ako sa labas.
"Awww!" sigaw ko. Naipit kunwari ang daliri ko.
"I-I'm sorry." Humingi ng patawad si Sky habang binuksan niyang muli ang pinto.
Sakto.
Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para hubarin ang short at brief niya at kunin ang bidet sa banyo at tuluyan nang hugasan ang pwet niya. Syempre hindi ko naman nakita yung anes niya kasi mahaba naman yung damit niyang pang ospital. Buti nalang. Nakita kong umikot ang mata ni Sky na parang Simon Cowell sa mga AGT na palabas. Pero wala siyang magagawa. Kailangan ko siyang malinisan dahil hindi naman talaga niya kaya magisa at iyon ang katotohanan. Kung hindi niya ako papayagan edi dadaanin nalang natin sa sapilitan.
At isa pa, gustong gusto ko din kasi hawakan ang pwet ni Sky. Ayokong mabitin. Kailangan ko itong mahawakan. At ako nga ay nagtagumpay. Ang lambot lambot ang pwet ni Sky at ang puti puti. Ang sarap pisil-pisilin parang cheeks ng baby. Hehehe. Ang swerte swerte ko talaga at akin at pag-aari ko lamang ang mga pisngi ng pwet ni Sky.
Hindi umiimik si Sky kasi wala naman na siyang magagawa eh. Patuloy ko nalang pinisil pisil at hinugas-hugasan ang pwet niya. Sa totoo lang, malinis na ang pwet niya pero hindi ko pa rin ito tinitigilan kasi nag-eenjoy ako eh. Ngayon lang din kasi ako nakahawak ng pwet na hindi sa akin. At baka kasi hindi ko na magawa ito next time. Baka susunod na magawa ko ito kapag matatanda na kami. Kaya lulubus-lubusin ko na ito!
"Stop molesting my butt." Natatawa niyang sinabi. Hala? Nahalata na ba niya ako? Sobra ba akong obvious?
"N-Nililinis ko lang. Wag kang ano." Pagtatanggi ko. Iniwas ko ang mata ko sa kanya. Ramdam ko na namula ang mga pisngi ko.
"I know it's already clean."
"Ngayon lang natapos. Ganyan talaga ang pwet matagal dapat hugasan para siguradong malinis." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Sana lumusot.
"Kailangan pinipisil din?" tanong niya. Natatawa pa rin siya.
Hala bakit ako ngayon ang na-corner. Dapat nga ako ang tumatawa ngayon sa kanya eh. Kasi siya yung tumae di ba? Bakit ako ngayon yung pinagtatawanan niya? Bakit ba lagi nalang nakapabor ang mundo kay Sky. Ang daya naman eh. Ako nanaman ang talo sa huli. Ako nanaman ang naging mukhang nakakatawa. Bakit lagi nalang ganito? Unfair!
"Tara na nga." Masungit kong pagkakasabi sa kanya habang tinutulungan ko na siyang tumayo sa inidoro.
"Please take off my hospital gown and get a new one from the nurses." Tugon niya.
"O-Oh sige." Ito lang ang nasabi ko.
Huhubaran ko si Sky? Syempre huhubaran ko dapat siya. Ang baho baho kaya ng damit niya at may brown brown pa sa bandang likod. Hospital gown? Gown ba yun? Di ba yung mga gown yun yung mga ginagamit sa kasal? Bobo rin pala ito si Sky eh. Tumae na nga bobo pa. Pero love ko pa din hehehe.
Pero kapag hinubad ko ba yang hospital gown na sinasabi niya...
...wala siyang saplot ni isa.
Binalik ko ang tingin ko sa short at brief ni Sky na hinubad ko kanina. Nasa sahig ang short at brief niya at punong puno ito nang bumulwak niyang tae.
Isa lang ang ibig sabihin nun, kapag hinubad ko nga ang hospital gown ni Sky ay wala nga siyang saplot ni isa. May parte sa akin na gusto kong makita ang kabuuan ng pagkalalaki ni Sky pero may parte din sa akin na umaayaw kasi hindi pa pwede. Hindi pa kami kasal. At wala pa kami sa tamang edad. Masyado pa kaming mga bata.
Huh? Pero bakit ko iyon inisiip? Hindi naman kami magtatalik eh. Makikita ko nga lang. Pero hindi. Alam kong doon yun mapupunta kasi masyadong mapusok itong si Sky. Nanunuod pa nga siya ng porno na bigay ni Viel eh. Mawawala ang pagka-birhen ko sa lalaking ito kapag hinubad ko ang hospital gown niya! Gusto ko naman talaga makita yung tinatago niya pero hindi pwede! Dignidad! Pagkababae! Kailangan kong maging isang mabuting halimbawa sa mga kabataan na ka-edad ko. Kailangan kong maging simbolo na kaya naming mga kabataan na umiwas sa temptasyon!
"Are you gonna do it or not?" tanong niya. Mukhang naiinis na siya sa tagal ko!
"Uh..eh... magtowel ka muna sa ibaba." Sabi ko. Whew! Buti nalang at nakakita ako ng towel na nakasabit sa may banyo. Bakit ngayon ko lang ito nakita?
"Do it for me." Sabi niya sa akin. Oo nga naman. Hindi nga pala niya magalawa ang isa niyang kamay. At oo nga naman, kung ano ano nanaman ang naiisip ko. Bakit nga naman ako pagsasamantalahan ni Sky eh may sugat nga pala siya. Minsan bobo din ako eh. Hehe.
Mabilis ang mga nangyari. Hindi ko alam paano ko nagawa pero naibalot ko din ang towel sa ibabang bahagi ng katawan ni Sky nang hindi ko nakikita o nang hindi ko siya nasisilipan. Si Sky naman, bilang nagagamit pa naman niya ang kanyang isang kamay, ay siya na mismo ang nangtanggal ng hospital gown niya na may tae. Ihinagis lang niya ito sa sahig ng banyo kasama ang short at ang brief niyang may mga tae din. Ako nalang ang maglilinis nun mamaya.
Syempre, bago ko siya pinabalik sa paghihiga niya sa kama pinapalitan ko muna sa mga nurse yung bedsheet niya na may tae din. Towel nalang ngayon ang saplot ni Sky. Ang buong akala ko ay mandidiri ang nurse pero sa totoo lang, ako yung nandiri sa nurse eh. Ang sarap niyang patayin.
Nakatingin ba naman sa abs ni Sky at nakangiti na parang ang landi! Imudmod ko kaya sa mukha niya yung tae!
Si Sky naman ay blanko lang ang mukha at walang ekspresyon. Buti naman.
Habang nililinis ng nurse yung kama at pinapalitan ito ng panibagong bedsheet ay parang inilalapit niya talaga yung pwet niya kay Sky at ang landi landi ng mga galawan niya. Akala naman niya papatulan siya ni Sky. Nakakainis. Umiinit talaga ang dugo ko.
"Mr. Anderson, I will just get another hospital gown and I'll help you wear it as well." Sobrang landing sinabi ng nurse.
"Thanks." Si Sky. Aba aba at nag-thank you pa?!
"Hinde!" sigaw ko. Napatingin si Sky at ang malanding nurse sa direksyon ko.
"Nurse, S-Samahan mo ako sa labas at kukunin natin yung hospital gown na ipapamalit mo kay Mr. Anderson." Nag-tapang tapangan ako habang sinasabi ko ito. Nilagay ko din ang dalawang kamay ko sa aking beywang. Para effective. Nakita ko ang gulat na medyo natatakot na ekspresyon ng malanding nurse. Sakto. Umepekto sa kanya.
"At bilang girlfriend niya..." Tinaasan ko siya sa isang kilay. Kita kong nakatawa sa gilid ng mga mata ko si Sky. "Ako na rin ang magpapalit sa kanya." Pagpapatuloy ko.
Buti naman at umepekto ang pagtatapang-tapangan ko sa nurse at tumango nalang siya. Sundan ko nalang da siya sa labas sa nurse station kapag kukunin ko na daw yung gusto pamalit ni Sky. Umalis na siya ng kwarto ni Sky na takot na takot sa naging eksena ko. Ha! Kala niya ah.
"That's my girl." Bulong si Sky sa tainga ko. Husky ang boses niya. Kinilabutan ako sa sobrang lapit ng labi niya sa tainga ko. Alam ko na paraan niya ito para simulan ako at tuluyan na akong mawawala sa sarili ko. Towel lang ang suot niya sa pang-ibaba at dalawa lang kami sa kwarto kaya kailangan kong pigilan ang kahit anong pwedeng mangyari. Wala pa kami sa tamang edad!
"Hep!" umikot ako at dinikit ko ang hintuturo ko sa bibig niya. Natigilan siya sa anumang binabalak niyang gawin.
"What are you doing?" tanong niya. Naguguluhan yata siya sa mga kilos ko. Kunot ang kanyang noo.
"May amnesia ka 'di ba?" tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Higa." Tinuro ko ang hospital bed.
"Huh?"
"Sige na humiga ka na." pakikiusap ko.
"Fine." Buti naman at sinunod din niya ako. Humiga na siyang muli sa kama niyang malinis na. Lumapit ako sa tainga niya at bumulong.
"Magpapakilala lang muna ako sayo." Bulong ko. "Sabi mo kasi sa akin kanina hindi mo ako kilala di ba?"
Tinaasan lang niya ako ng kilay. Alam kong alam niya ang gusto kong gawin.
"Hi Jamjam, my name is Riri." Sabi ko bago ko siya hinalikan sa labi. Mababaw lang sana ang halik namin pero lumalim lang ito ng lumalim. Gigil sa akin si Sky at ganun rin ako sa kanya. Sobrang miss na miss namin ang isa't-isa. Sa wakas, ang mga labi ng mahal ko.
Palalim ng palalim...
Ang sarap sarap ng mga labi ni Sky...
Para akong nakadroga at para na akong nawala sa sarili...
Habang naghahalikan kami ay naramdaman kong biglang hinawakan ni Sky ang bra ko mula sa likuran at akmang tatanggalin niya ito. Sabi ko na nga ba at mapupunta kami sa ganito! Ibang klase din talaga itong lalaking ito, kahit na iisa na lang ang kamay na gumagana, manyakis pa din! Akala niya malalasing niya ako ngayon sa halik niya ah!
Tumayo ako bigla bago pa niya tuluyang matanggal ang bra ko at pumwesto na ako sa may pintuan para lumabas na.
Pero bago pa man ako lumabas ng hospital room para kunin na ang bago niyang susuotin, sinasabi ko muna sa kanya ang isa ko pang prinapractice na gayahin sa kanya. Akalain mo sa ospital ko rin ito magagamit?
"By the way, I love you."