• JANINA NICOLE FORTALEZA •
[Philippine Airlines - PR 7861]
It was easy for us to get a plane ticket immediately because of the Anderson and Fortaleza connections. Super pricey nga lang kasi ang dami namin tapos biglaan pero since all of us naman ay hindi hirap sa money, wala naman naging problem at all.
Hmm. Wala nga ba?
*Flashback*
"Ako nalang ang magbabayad ng ticket ninyong lahat. Hindi naman kawalan sa akin eh. At sanay naman akong nagbabayad ng ticket para sa ibang tao." I said to them. It is what I always do.
I saw from the corner of my eye that Sky raised his right eyebrow. From there, alam kong may isisingit siya. This boy is sooo getting into my nerves! Bakit ba sa lahat ng lalaki ay sa kanya pa nagkagusto ang sister ko? I don't see anything na pwede ko magustuhan sa kanya at all. Not a bit.
"Nope. I'll be the one to pay for everyone. If you can see the business charts today, Andersons are on top. Fortaleza? 2nd place." He smirked at me. Grrr!
Ugggh!!! This guy is soo...ugh!!! Oo second nga kami ngayon, pero the next week I'm pretty sure na 1st nanaman kami. That's how it goes naman sa companies namin e. I don't know pero hindi talaga namin mataob taob ang Andersons. I don't know what's with them. Lagi nalang nila kaming pinapantayan.
"HAHAHA! Why did we believe before that an Anderson and a Fortaleza will fall in love and have their businesses merged? By the looks of it... it's clearly imposible." Erick said, laughing.
"Kaya nga eh. Doon palang na na-inlove si Sky kay Ynna noon. Something's already fishy. Pero hindi natin napansin. Ang bobobo natin! Hahaha!" It was Dwight. Oo ang bobo mo talaga Dwight. Kelan ka ba hindi naging bobo?
"Fortaleza and Anderson will always be rivals." Austin laughed, looking at both of us.
"I know!" Sky and I both exclaimed. Ew! Why are we in unison now?! Yuck.
And everybody just laughed after that. In the end, kanya kanya din kaming nagbayad sa kanya kanyang ticket kasi sabi nila kahit top companies kami ni Sky and Ash, may mga sarili din naman silang companies at kaya rin naman nila bumili at manlibre din ng plane ticket so para fair ang lahat, kanya kanya nalang kaming nagbayad. Whatever.
*End of Flashback*
Anyway, I am here now in the plane on my way to Panglao, Bohol. One hour din ang biyahe so medyo matagal-tagal din akong nakaupo dito. It has been a while since I last went there. And the last time I went there, changed my life and Ynna's life too. Sana talaga this time maging okay na ang lahat sa amin ni Ynna. Kahit kay Ynna man lang. Dito kasi kay Dave, I don't think so.
Nung nasa NAIA kasi kami naka VIP entrance kaming lahat. We were also given the chance to choose our seats. And instead of choosing the seat next to me, Dave chose to be with the boys. So guess what? I am here alone sa may pakpak ng plane. Wala akong katabi na kakilala ko. I am like a loner. Nakakainis si Dave! I don't know what happned to him, sabi niya sa akin liligawan niya ako. And now ganito sya? What the hell di ba? Ano nanaman ba ang problema nya?
Pinapaasa lang ba nya ako? I wanted us kasi to make sweetness din naman sa plane. I want to lay my head on his shoulder while pretending to be asleep. I want us to hold hands like what normal couples do. I want us to start over again. Pero wala. How will I do that if he is on a different seat far from where I am? It's so disgusting.
And to add to that, wala pa akong makausap regarding kay Ynna later. I know I am pretty and all but I don't really know how to say sorry. Gusto kong magpractice. Hindi ko nga lang alam sino kakausapin ko. Hindi ko naman kilala itong matandang katabi ko sa plane. Kinakabahan din ako of course. Hindi ko kasi alam ano nalang ang magiging reaction ng sister ko. I know it wouldn't be so easy na papatawarin nya nalang niya ako agad. Hindi rin kaya madaling magpatawad. I can attest to that. I have been there and it did took a lot of time.
I looked at my left side, sa middle lane, Sky is sitting next to Dwight. He looked super nervous just like me. Kitang kita sa mata nya na malalim ang iniisip nya. Oo nga naman, hindi lang naman ako ang dapat kabahan dito. Kung may dapat kabahan dapat ay si Sky yun. Siya kasi ang makikipagbati. I wonder what is running in his mind now. Ano na kaya ang plano na naiisip nya?
I was looking at Sky when he suddenly caught my eye. He is looking at me like he wants to kill me. Why? I didn't know na nakasmile pala ako sa kanya. Weird. Natatawa kasi siguro ako sa paghahanda niya. Kasi ako nga hirap na hirap maghanda eh paano pa kaya siya diba? Haha.
"Belat!" I said to him as I sticked my tongue out. Hahaha pagalingan nalang kami mag explain kay Ynna ng kanya kanyang side. Goodluck to both of us.
But the moment I said that Belat thing. I caught another eye looking at me, just behind Sky. It was Dave. He looked furious. Wait... what? Is he getting jealous of Sky? I released my seat belt and was about to stand to go and explain things to Dave when the stewardess came and sinabihan ako na pa landing na and I shouldn't stand up anymore.
What?
Ang bilis ng 1 hour. Malapit na pala kami. Nervousness condemned me again. I need something to drink! I need beer! Aaaaah!
-
[Tagbilaran International Airport]
Everybody is busy getting their luggages when we arrived sa airport. After a few moments nakapagdecide na din na kakain nalang muna kami ng lunch sa isa sa mga restos sa labas ng airport.
Food is good naman kahit chipangga yung mga prices. The restaurant doesn't look clean at all. Pero what more can you expect of Bohol? It is a province for crying out loud. Wala na tayong magagawa. Ganito na ito. Kailan nalang kaya uunlad ang bansang Pinas? Yuck, what am I thinking? Why do I care anyway? Funny.
"Ano ganito sugod nalang kayo agad? Wala man lang plano plano?" Viel asked me and Sky.
I saw that both Sky and I shrugged our shoulders. I actually don't know what to do. Hindi naman ako expert sa ganito. In fact, this is my first time na magsosorry ako eh. Everything feels new to me. Everything IS new to me.
"Oo nga. We need a plan."
"Yup, I agree."
"Kasi baka naman mag fail kayo. Wala man lang kayong back up."
"Lalo ka na, Sky."
"Hindi tayo pwedeng padalos dalos."
"We have to think very carefully."
"Yeah."
Hindi na ako na pay ng attention on whoever is saying something. I just focused on thinking ideas on what could be my plan. Or Sky and I's plan. I don't want to talk to him and I can see that he feels the same way towards me too. We don't want to talk to each other.
At dahil nga hindi kami nag-uusap. Yung mga natitirang members nalang ng The Vengeance yung nag-isip ng plan for us. For me, their plans are really yucky. And corny. Like Gawd. Please lang. Wag niyo naman ako idamay. But I guess I am left with no choice. Hindi naman kasi ako nagbibigay ng suggestions ko eh.
Alright, so sa dami dami ng mga ideas na na-present. Na-finalize na yung plano. Kadiri to the max kasi parang naging magkakampi kami ni Sky sa final plan. But hopefully it would be very effective for Ynna. I want her to be happy. I want this mess to end na. I want a happy ending. Sa NYC I didn't get my happy ending so kahit this time around na lang, please?
-
• ALYNNA MARIE PAREDES •
Dumaan ang mga araw...
Hindi ko na alam kung ilang araw na ang lumipas simula natapos ang kaarawan ko. Ang pinaka malungkot na kaarawan ko. Ang pinakamalungkot din na Pasko ng buhay ko. Pero wala eh. Ganun talaga. Tapos na. Nangyari na ang dapat na nangyari. Wala na tayong magagawa. Kailangan nalang nating mag move on at manimula ulit sa bagong buhay natin. Bagong buhay na wala na si Sky, ang lalaking nanloko lang naman sa akin.
Okay naman na ako dito sa Bohol. Hindi na ako ganun ka masiyahin tulad ng noon kasi hindi parin naman kasi gumagaling yung mga sugat ko sa damdamin. Hindi naman kasi yun mabilis na gumagaling nalang basta basta. Kailangan ko lang din siguro ng panahon. At siguro, balang araw ay matututo na rin akong kalimutan nalang ang lahat. Hindi siguro talaga para sa akin ang Maynila. Hindi rin naman ako nababagay doon eh.
Simple lang ang buhay namin dito sa Bohol. Hindi magarbo di tulad noong nasa Maynila pa ako. Pero kahit na simple ay kayang kaya naman naming mabuhay ng matiwasay. Sanay naman kami kaya walang problema.
Si papa naman, okay naman siya. Hindi na siya nahihilo. Wala nang masamang nararamdaman si papa. Nag-eehersisyo din kasi kami ni papa tuwing umaga para mapanatili namin na healthy ang pamumuhay niya. Siyempre para healthy na din ako. Nag-jujumping rope kami tuwing umaga. Mas bumakat tuloy ang mga muscles ng papa kaya mas lalo na niyang naging kamukha si Richard Gomez. Ang gwapo gwapo ng papa ko.
"Anak, kumain ka na ba?" Ani papa. "May dalang banana cue dito si Caloy para sayo. Kunin mo nalang sa akin kapag gutom ka na ha."
"Ah. Sige po papa."
Si Caloy nagbigay nanaman ng pagkain. Lagi nalang. Kaya rin siguro hindi na namin naibalik ni Merylle yung pagsasama namin dahil na din kay Caloy. Alam naman kasi niya na sila na ni Merylle pero patuloy pa rin ang bigay niya sa amin ni papa ng kung ano anong pagkain na hindi naman niya ginagawa noon.
Tuwing makikita ko tuloy si Merylle ay parang may agwat pa rin kami. Binabati naman niya ako kaso pormal na batian lang. Hindi kami nakikihalubilo sa isa't isa. Hi-hello lang, tapos na. Wala na. Hindi na namin naibalik ang dati naming pagkakaibigan.
Kinain ko nalang din ang banana cue kasi di ba sayang naman. Hehe. Malungkot lang ako pero matakaw pa din ako. Mahal ko pa din ang pagkain. Pagkatapos ko kumain ay nagpahangin lang ako saglit sa labas tapos inihanda ko na ang banig ko nang makatulog na rin.
Kinabukasan...
"Ahhhhhh!!" bigla akong napatayo sa aking banig. Napaniginipan ko nanaman siya.
Si Sky.
Sino pa ba?
Oo, lagi ko nalang napapaniginipa si Sky. Ganun siguro talaga kapag masyadong napalapit sayo ang tao. At siguro masyado ko din siyang iniisip. Mahal ko pa rin siya eh. Pero malaki talaga ang hinanakit ko sa kanya.
Gabi gabi ko mang napapaniginipan si Sky, ngayong gabi may bago akong napaniginipan.
Si Shibama.
Nakakatakot.
Parang naaalarma ako sa naging panaginip ko.
Hindi ko nga lang lubusang maalala kung ano yung mga detalye sa panaginip ko pero alam na alam kong si Shibama yun. Para bang may gusto siyang sabihin sa akin. Parang may gusto siyang iparating sa akin. Pero hindi ko maalala kaya nakakainis.
Pero grabe. Miss na miss ko na talaga ang baklang yun. Siya lang ang naging tunay kong kaibigan sa Maynila. Siya lang din kasi ang nag iisang taong walang ginawang kahit anong hinanakit sa akin sa Maynila. Talo pa nya si Sky.
Nagdaan ang araw...
"Hay!" buntong hininga ko.
Hapon na pero hindi ko pa din maaalala yung panaginip ko kanina. Ulyanin na yata ako eh. Pero nararamdaman ko talaga na may mangyayari. Hindi ko nga lang alam kung ano.
At ang nakakakaba pa, pakiramdam ko ay mangyayari na iyon ngayong gabi.
Hindi ko alam.
Nababaliw na yata ako.
"Anak oh meron naman tayo ngayong inihaw na mais." Si Papa.
"Galing nanaman kay-"
"Tama. Kainin mo nalang anak. Grasya pa din yan." Putol sa akin ni papa. Alam kong ayaw din ni papa ang ginagawa ni Caloy pero dahil dinaan niya kami sa pagkain. Alam niya ang kahinaan namin ni papa. Siyempre, tinatanggap nalang namin.
Nagpapatay ako ng mga ipis sa kubo namin habang si papa ay natutulog na. Ang dami dami naman kasing ipis. Mga lumilipad pa. Parang hindi na talaga nilinis ni papa ang bahay simula nung nawala ako ng anim na buwan. Sabagay noon pa man ay tamad na si papa. Simula't sapul naman ako lang ang naglilinis ng bahay eh.
*DING DONG*
Huh? Sino kaya yung nagdoorbell. Alas otso na ng gabi ah. Dito kasi sa probinsya namin, kapag alas otso na ay tulog na ang lahat. Wala naman kasi kaming night life dito eh. Ika ko nga kanina, napakasimple lang ng buhay namin dito. Simple pero masaya.
Tinabi ko muna yung mga patay na ipis sa taas ng drawer para mamaya ko nalang itatapon. Dumiretso na ako sa pinto para pagbuksan ang kung sino man ang nag dodoorbell.
Katahimikan...
Napanganga nalang ako sa nakita ko.
Bakit sya nandito?
Anong kailangan niya sa akin?
Ano nanaman ba ng nagawa kong mali?
Bakit andito ngayon si ate?
"A-Ate?" sabi ko.
"Ynna, anong ginagawa ng babaeng yan dito?" galit na tanong sa akin ni papa. Ang buong akala ko ay natutulog na si papa. Bakit bigla nalang siyang nagising?
"Papa, hindi ko po alam.." sambit ko. Hindi ko naman kasi talaga alam.
"Pagsarhan mo na yan ng pinto bago ka pa nya laitin sa sarili mong pamamahay Ynna! Wag mo aksayahin ang oras mo sa mga walang kwentang tao!" galit niyang sinabi.
"C-Can we talk?" tanong ni Ate. Tila naiiyak siya. Nasaktan yata siya sa mga salitang binitawan ni papa. "Please." Dagdag pa niya.
Hmm. Ano kaya ang meron.
Sa totoo lang, galit ako kay ate. Ang sama sama at ang sakit sakit ng ginawa niya sa akin. Nag-offer siya sa akin na papaaralin niya ako tapos babawiin niya. Tapos ngayon nandito siya na ini-Ingles pa ako. Pero kapag kapatid mo siguro talaga ang tao, Kahit gaano ka pa kagalit sa kanya, kahit gaano pa kawalang kwenta ang mga rason niya, gugustin at gugustuhin ko pa ring marinig ang sasabihin niya. Gugustuhin ko pa rin ipaliwanag niya ang side niya. Gugustuhin ko pa rin na magkaayos kami sa huli kahit mukhang imposible. Siguro ganun talaga kapag kapatid at mahal mo ang isang tao.
"Papa, gusto ko siyang makausap. Papayagan mo ba ako?" inosenteng tanong ko kay papa. Wala lang. Nagpapakatanga nanaman siguro ako. Medyo namiss ko din siguro ang hindi masyadong simpleng buhay. Gusto ko din marinig kung ano nanaman ang magiging pakulo ng ate.
Katahimikan...
Kita ko ang nanlilisik na mata ni papa kay ate.
Katahimikan...
"Sige, kausapin mo yan. Basta huwag kang papaapi. Nandito ako sa loob tawagin mo lang ako." Aniya.
Buti nalang ay pumayag si papa. Hindi naman kasi pupunta at lilipad pa ng Bohol si ate kung hindi importante ang sasabihin niya. Hindi malapit ang Bohol sa Maynila ah.
Pumasok na si papa sa maliit naming kwarto sa loob ng kubo. Kami nalang ngayon ni ate Janina nasa labas.
"Anong gusto mong sabihin? Pakibilisan kasi matutulog na rin ako." Sabi ko. Hindi naman sa nagmamatapang ako sa kanya. Inaantok na rin kasi talaga ako eh. Ang bigat bigat na ng talukap ko eh.
"I'm sorry..." nabasag ang boses niya. "for everything." Nanginginig niyang sinabi.
A-Ano?
Nagsosorry sa akin si ate?
Ang buong akala ko ay hindi siya marunong magsorry. Parang natuwa naman ng kaunti ang puso ko dun. Kahit kailan ay hindi ko talaga kayang lubusang magalit sa ate ko. Mahal na mahal ko siya.
"I-I will bring back your scholarship. P-Please come back to Manila with me. I will m-make it up to you." Nauutal niyang sinabi. Nahihiya ba sa akin si ate? Totoo ba itong naririnig ko? Si ate ng aba talaga itong kausap ko? Baka naman multo 'to? Hindi naman ako nananaginip di ba? Kinurot ko kasi ang sarili ko at nasaktan ako eh. Kaya alam kong totoo lahat ito.
"Bakit ka nagsosorry? Anong nakain mo?" Tanong ko sa kanya. Parang hindi kasi talaga siya ang ate eh.
"Reality?" sabi niya na may maungkot na ngiti. Namumuo pa din ang mga luha sa mata niya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan kong malaman ang rason kung bakit siya naririto ngayon.
Katahimikan...
"I'm sorry Riri." Tinawag ako ni ate sa palayaw ko? "I'm just too insecure sayo. Pero alam ko na ngayon ang mga pagkakamali ko. Sana patawarin moko. Please." Humihikbi siya. Nakatayo lang ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Hindi ko napaghandaan ito.
Maya maya pa at parang bigla nalang nawalan ng lakas ang ate. Siguro may allergy siya sa pag iyak? Hindi ko alam. Pero bigla bigla nalang siyang napaluhod. At nang napaluhod na sya ay niyakap nya ang mga tuhod ko hanggang sa hinang hina na sya. Hala? Anong nangyari kay ate? Hindi ako sanay na makita siyang mahina.
"Ate!" sigaw ko.
Dali dali kong inalalayan ang ate. Napaka mukhang totoo naman nito kung acting actingan lang niya ito. Pinaupo ko muna siya sa gilid ng pinto kung saan ako ay umupo na rin. Binigyan ko siya ng isang baso ng tubig at kumalma na rin siya pagkatapos uminom nun. Buti nalang.
Pagkatapos ng ilang minuto ding katahimikan sa aming dalawa ay nagpasya na rin akong magsalita.
"Okay na tayo ate. Hindi naman ako mahirap amuhin." Ngumiti ako ng mapait sa kanya.
"Di ba sinabi mo sa akin na hindi mo kaya magalit ng tuluyan sa akin? Siguro ganun din ako sayo. Hindi ko rin kayang magalit sayo ng sobra. Ate kita e." naluluha na rin ako. Gusto kong yakapin ang ate ko!
"Ako ba ang unang taong nag sorry ka?" tanong ko. Tumango siya.
Wow.
"Ang swerte ko naman pala." Pagbibiro ko sa kanya. Pinilit kong ibahin ang mood. Ayoko kasi ng sobrang seryoso at madrama.
Ngumiti lang siya sa akin. Ang ganda talaga ng ate ko.
"Kung sino man ang nagsabi sayo na makipagbati ka na sa akin, siguro napaka importanteng tao siya sa buhay mo. Paki sabi sa kanya salamat." Ngumiti ako.
Alam ko naman kasi na meron pa ding nag a-advice kay ate. Kahit ako naman, bago ako gumawa ng mga matinding desisyon sa buhay, kailangan ko pa din ng advice ng mga malalapit na tao sa akin.
"Sobrang importante niya sa ating dalawa manilawala ka. Sobra." Sabi niya. Sino kaya yun. Itatanong ko sana kaso bigla nalang ako niyakap ni ate ng pagkahigpit higpit.
Yun nga lang...
Medyo hindi kasi ganun katibay ang kubo namin kaya bigla nalang nahulog sa aming dalawa ni ate yung sa mga patay na ipis na iniwan ko kanina sa taas ng drawer na tila ipinagtititili ng ate!
Hala!
Lagot na!
Nako naman!
Bakit doon ko kasi iniwan yun?!
"Ahhhh! Ewwwww! Omg!!!!" diring diri niyang sinigaw. Dali dali kong tinakpan ang bibig ni ate kasi baka magising si papa at ang mga kapitbahay. Hindi maganda ang ugali ng mga kapitbahay namin kapag nagigising sa gitna ng kanilang mga pagtulog.
Uh-Oh.
Hindi ko naman alam na may ipis pala sa may bibig ni ate.
Naramdaman ko nalang na napisa ito.
Nagsuka bigla ang ate. Hala lagot na. Kinain ba niya? Si ate naman eh. Mahirap lang kami pero hindi naman ipis ang ulam namin. Kadiri pala sila ate. Mas kadiri pa siya sa akin eh!
Ang cute cute talaga ng ate ko.
Kainin ba naman ang ipis?
--
Nakangiti ako ngayon na nakatingin kay ate na naka bistida. Bagay din naman pala sa kanya ang mga probinsyanang outfit. Naligo ang ate kahit gabi na. Hindi daw niya kasi kaya yung nabuhusan siya ng mga patay na ipis. Hiniram din niya ang toothbrush ko na hindi ko ginagamit. Hehe. Hindi naman kasi ako nagtootoothbrush. Minsan lang.
Pagkatapos nun ay nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni ate magdamag na parang mag best friends kami. Nakakatuwa talaga. Iba pa rin talaga kapag may kapatid ka na laging nandyan para sayo.
Ang dami ko ring nalaman kay ate. Nalaman kong sinulsulan lang siya ni Farrah sa pagaalis ng scholarship ko. Na tila ba ginagalit lang siya lalo ni Farrah para lalo niya akong kamuhian. Ang sama sama talaga ng bruhang iyon. Sana maging masaya siya sa mga ginagawa niya. Matakot siya sa karma.
Nalaman ko din na pinsan pala ni Erick si Dylan, kaya naman alam na pala lahat ni Erick noon pa. Pero ang galing ni Erick ah, hindi ko talaga napansing alam pala niya. Nag star magic workshop siguro yun.
Nalaman ko din na boyfriend pala ni Dylan si Shibama matagal na. Akalain mo yun? Yung mystery boyfriend ni Shibama na ang tagal tagal na niyang tinatago sa akin ay matagal ko na palang nakita at nakilala. Ang baklang talagang yun oo. Mas lalo ko tuloy namimiss si Shibama.
Sa totoo lang, ang daming kwento sa akin ng ate. Ang dami ko sobrang nalaman. Pero may hindi siya kinekwento sa akin kaya naman ako nalang ang naglakas ng loob na nagtanong...
"Ate, pwede magtanong?" simula ko.
"Sure."
Hingang malalim...
"Saan mo nakuha ang mga pasa mo sa binti?" tanong ko. Hindi kasi maipagkakaila na ang dami talaga niyang pasa sa may gitna ng dalawa niyang binti. Nahulog kaya ang ate? O naaksidente kaya siya?
Katahimikan....
"Ate kung hindi ka pa handang sabihin sa akin naiintindihan ko naman." Pagbasag ko sa katahimikan. Parang may humahadlang kasi sa kanya na sabihin sa akin ang dahilan. Kung hindi pa naman siya handa ay matatanggap ko iyon.
"Do you remember meeting an American woman here in Bohol?" tanong niya.
"American?" pag-uulit ko. Ano ba yun? Kano? Kano yata.
"Oo. May naaaala ka ba?"
Nag-isip ako ng ilang minuto...
Hmm...
Meron ba?
Si ano...
Si....
Hanggang sa naalala ko na meron nga!
Oo meron nga!
Kaso ang tagal na nun ah?
Sino nga yun?
"Si ano! Si Vale- Vale- Victoria! Si Victoria ate. Bakit ate?"
"It's Valeria." Pagtama niya sa akin. Bakit mas kilala pa niya yun eh ako yung nakasama nun noon eh. Alam ko kumain kami nun sa labas eh. Alam ko nilibre nga niya ako eh. Pero wala na akong matandaan na iba pang nangyari.
"I was her sex slave for 6 months."
HA?
SEX? Slave? 6 months?!
A-Ano?
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni ate.
A-Anong nangyari sa kapatid ko?
"She wanted YOU to be their model. But her daughter found me instead. I went to New York happily for finally fulfilling my dreams. Iniwan ko pa nga si Dave eh. Gaga ako eh."
Nagsisimula nanaman lumuha ang ate.
Naaalala ko na. Naalala kong binigyan nga pala ako ng calling card nung Valeria noon para gawin daw niya akong model sa America. Pero ang alam ko ay tinanggihan ko yun eh. Wala naman kasi akong alam sa pagmomodel.
Pero grabe...
Kawawa naman ang ate ko.
Hindi ko kaya ang mga pinagdaanan niya. Kung hindi biro ag naging buhay ko sa ECB. Mas grabe pala ung kanya. Kawawa naman sobra ang ate ko.
"They didn't treat me nicely. So I thought I'd do the same. Nakipag-do ako sa asawa ni Valeria. But unfortunately I got caught, and the rest is history."
Hindi ko na rin napigilan ang luha ko kaya naman niyakap ko ang ate. Umiiyak siya habang niyakap niya ako ng mas mahigpit.
Matagal din kaming nagyakapan lang...
Minsan kasi hindi mo naman kailangan magsalita para ipaalam sa tao na mahal mo siya o nandito ka lang para sa kanya.
"H-Hayaan mo ate. Simula ngayon magkasama na tayo lagi. Hindi ko hahayan na may mangyari pang masama sayo." Sabi ko habang pinipilit kong pigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Pero wala, pumatak pa din.
"Ako rin. Hindi ko na rin hahayaan na mapano ka pa. Thanks for not judging me, Alynna. I love you." Natuwa naman ako nang sinabihan ako ni ate ng I love you. Ramdam ko kasi na galing talaga sa puso niya.
"Mahal na mahal din kita ate ko." Pagsagot ko sa kanya bago kami nagyakapan muli.
Nakaidlip ako habang magkayakap kami ng ate ko kasi sabi ko nga kanina ay kanina pa ako antok na antok. Nagising nalang ako dahil parang may nag-aalarm. Cellphone yata ni Ate. Nakatuog rin pala siya. Dali dali niyang inayos ang sarili niya nang narinig niya ito.
12:00 AM
Huh?
12:00 AM?
Huh? Bakit kaya may alarm ang ate ng alas dose ng madaling araw? May iinumin kaya siyang gamot? Meron ba siyang ritwal na gagawin? Magtatawag ba siya ng mga espirito? Nagugutom kaya siya? Meron kasi akong kilala na bigla nalang nagugutom sa gabi eh.
Nagulat nalang ako nang bigla nalang siyang kumuha ng suklay sa bag nya at sinuklay niya ito sa sarili niya. Pagkatapos niyang magsuklay ay ako naman ang sinuklayan niya. Aalis ba kami? May pupuntahan ba kami? Bakit sa madaling araw? Baka ang akala ng ate ay may bar dito. Wala nang kahit anong bukas dito!
"Ate aalis ba tayo? Walang bar dito." Sabi ko sa kanya. Mabuti na rin na alam niya bago pa kami umalis. Wala na kasi talagang bukas dito ngayon e. As in wala.
"Oo. Aalis tayo" nakangiti niyang sinabi. Huh? Anong nakakatuwa?
"Ate wala lang mangyayari. Wala nang bukas dito na kahit ano." Paguulit ko sa kanya. Ang kulit naman ng ate eh. Hindi naman niya pinakikinggan ang mga sinasabi ko eh.
"Hindi naman tayo puputa sa kahit ano eh. Meron lang akong regalo para sayo. 12AM ko nga lang yun pinadeliver. Kaya tara sa labas. I'm sure nandyan na yung gift ko sayo." Masayang sinabi ng ate. Napakaaliwalas ng mukha niya nang sinabi niya ito. Ano kayang meron sa regalo niya. Yung iyak ng iyak kasi na Janina kanina ay parang masaya na ngayon. Na-excite tuloy ako sa kung ano man ang regalo niya.
Akalain mong makakatanggap pa pala ako ng birthday gift? Yehey!
Paglabas na paglabas ko ay may nakita akong napakalaking box ng regalo. As in sobrang laki. Alam ko na to eh. Ito yung tipong mga nakikita ko sa FB na bubuksan mo tapos may box nanaman tapos may box ulit tapos paliit ng paliit yun box hanggang sa makita mo na yung tunay na laman ng regalo. Si ate talaga ang old school ng style eh. Akalain mo na ginagawa pa rin pala itong mga taga Maynila. Ang cocorny naman.
Pero siyempre kahit corny, naexcite pa rin akong buksan. Aba, galing kaya yan sa ate ko.
At ngayon lang ako nabigyan ng ganito kalaking regalo sa buong buhay ko.
Nawala tuloy ang antok ko.
"Alynna, I want to greet you a happy happy 18th birthday." Panimula niya. "I know it is a bit late pero what is important is that it came from the heart naman di ba?" tanong niya. Tumango lang ako. Nakangiti ako sa kanya ngayon. Weee! Thanks Ate!
Akmang lalapitan ko na ang regalo nang biglang nagsalita ang ate...
"Alynna, I will go back lang sa hotel na tinitirahan ko ngayon ah. Antok na rin kasi ako. But please open my gift before you go to sleep." Sabi niya bago siya umalis nalang bigla at sumakay ng tricycle. Hala? Anong oras na ah. Bakit may pumapasada pa din na tricycle? Ang swerte naman ng ate.
Hay. Sayang naman.
Medyo nalungkot lang ako ng konti kasi hindi man lang niya ako sinamahan na buksan yung gift na binigay niya sa akin. Ang hirap pa naman buksan niyan kasi ang daming box nyan kasi paliit yan ng paliit.
Siguro antok na rin talaga ang ate.
Hinayaan ko nalang sya.
Hindi ko na rin naman siya mahahabol eh, nakasakay na siya eh.
Pero kahit ako nalang magisa, na-excite pa din ako. Ang akala ko na pinakamalungkot na kaarawan ko ay kahit papaano magiging exciting din naman pala. At may regalo pa! Dali dali akong tumakbo doon sa regalo at binuksan ko na agad ang pinaka unang layer...
Katahimikan...
Natulala ako bigla...
Akala ko maraming layer...
"S-Sky?"
Si Sky ang laman ng regalo?!