Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 61 - Chapter 55 - English

Chapter 61 - Chapter 55 - English

• JANINA NICOLE FORTALEZA •

"Alynna, I will go back lang sa hotel na tinitirahan ko ngayon ah. Antok na rin kasi ako eh. But please open my gift before you go to sleep." I told Ynna before I went and rode the trike Dave hired for me.

Yup. Buti nalang at knowledgeable si Dave sa Bohol province. Alam niya na wala nang kahit anong means of transportation kapag madaling araw na. I'm really glad Dave helped me. Kasama ko ngayon si Dave inside the trike. Katabi ko siya, actually. 

Meron siyang hinire na driver ng trike somewhere. I don't care kung saan niya nakuha yung driver. Ang importante ay makakauwi na ako sa hotel room ko. I love Ynna and I am very happy na okay na kami pero ang init at ang daming lamok lang talaga dun sa kubo nila. At yung nangyari sa akin kanina? OmyGod! Worst ever! Worse than being a sex slave for 6 months!!! I can't... I can't even mention it! Gross!!!

"Sana okay na sila ngayon noh?" Dave told me, looking at me with a slight smile.

"Oo nga eh. Para everybody would be happy na noh?" I answered him while smiling back. I want us to be okay na din. Ano bang iniinarte mong lalaki ka? Bakit ka ba nagpapakipot sa akin ngayon?

He smirked at me. I know he was about to say something kasi medyo bumuka yung mouth niya kaso my phone suddenly rang which stopped him from saying what he is about to say. Fuck, sino ba kasi itong istorbong to? Who could be calling me at this time of the day? Madaling araw na ah?

Nakakainis talaga. Although I still looked at my phone sa bag ko kasi baka naman importante diba?

Nick Murray calling...

Nick?!

Omg!

The man who helped me get out from another 6 months of hell is calling me now!

Sabagay, hindi nga naman madaling araw sa NYC ngayon. Baka tanghali siguro sa kanila ngayon. Hay Nick, hindi mo ba alam na nakakaistorbo ka?

But I must admit, I miss him so bad. Kahit papaano ay naging good friends din naman kami ni Nick. Actually, siya lang ang cinoconsider kong magandang nangyari nung nasa NYC ako. He has been very kind since the beginning nung nag phophotoshoot palang ako. Kahit sexy shoots, he sees to it  na I am comfortable with him. I feel na nirerespect niya ako unlike yung stepdad niya, maniac! Manyuck!

"Hello Nick!" I started. God! I miss him! I miss my only friend in NYC.

[Janina, how are you? Has it been weeks? Or has it been a month since you went back? I just thought of calling you to check on you. I miss you.]

"I miss you more! I am doing fine here. Better than ever." I said happily. It's true anyway.

[That's good to hear, Janina. I am happy that you are going back to your old self again.] He said seriously.

"W-What time is it there?" I changed the topic. Parang bigla kasing naging awkward. Ewan ko ba.

[It's 12 noon, I am currently having lunch alone. Ha. Ha. Mom, Cassy and dad are dining in a French restaurant nearby. I don't feel like joining them.]

"I see." Yan lang ang nasabi ko. Wala na akong ibang masabi eh? Bakit ganun? Natatameme ako kay Nick? Nawala na ba ng English skills ko? Impossible!

[Anyway, if you would ever like to come back to New York, even just for a vacation, you can always call me and I'll tour you around.] He said, I know he is smiling. Na-imagine ko tuloy bigla yung cute niyang face. 

"Sure! I'd love that. I didn't actually get to go around the last time because of work and because of... you know. Haha." I said na may kasamang tipid na tawa. I just don't want to remember what happened in the past but if it is Nick, I don't know, pero I feel very comfortable and I feel safe. I feel that he is not gonna judge me. I really like him as a friend.

[Haha. Yeah. Let's just forget about what happened before. What stays in MMA remains in MMA. I just wanna wish you a happy happy happy new year before I hang up.]

"Happy new year as well, Nick." I answered, smiling.

[I will call you again sooner or later. I want you to fix your life this time. There's a whole lot of opportunities out there. You are just too focused on something that you almost forgot what the world has to offer to you. Always remember that you are worth something more, Janina. You deserve better.]

Wow. Nick is so...sweet.

"T-Thanks Nick. You don't know how much your words mean to me. Thank you. I'll see you soon. Goodbye." I said as I am actually almost tearing up.

[Bye, Janina.] Was his last words when he hang up.

Pinunasan ko ang namumuo kong luha. Hindi ko alam kung matagal ba kaming nagusap ni Nick kasi biglang nakarating na pala kami sa hotel na pinareserve namin. Oo buong hotel ang pinareserve namin. Hindi naman kasi malalaki ang mga hotels dito sa Bohol eh. At medyo marami din kami kasi the The Vengeance palang ilan na sila. Tapos kasama pa ang Royals. And ayoko din kasi na may ka-share ako na hindi ko naman kakilala. Maarte lang talaga ako noon pa.

Since reserved namin sa amin ang buong hotel, ay kahit saang room ay pwede kami tumuloy. Maraming rooms and maraming floors pero nagdecide kami na we will stay nalang lahat sa 7th floor kasi nandun din yung mga amenities like pools and gym. Good lang yun para hindi na rin kami akyat baba. It's so tiring kaya.

I wonder what room kaya ang pipiliin ni Dave?

Magkatabi kaya kami ng room?

Or are we staying kaya in one room nalang? Hihi.

But hell.

Why is he suddenly not talking to me?

"Dave, what room are you going to choose?" I started the conversation. Why is he being so quiet now? Kanina lang ay naka-smile na siya ah. Weirdo.

Silence...

What is his problem ba? Kanina lang kinakausap na niya ako ah. And then now, ganito siya? The fuck naman. Why is he being so bipolar this time? Hindi naman siya ganito nung nakilala ko siya eh. What is going on with the world? My gosh!

"Why are you not talking to me?" I confronted him this time. Nakakainis na eh. I've got no patience.

"Who's Nick?" he said as he suddenly chose a room at pumasok at biglang sinara ba naman ng malakas ang door in my face! Ramdam ko ang hangin sa mukha ko. The hell!

Seloso!

-

•ALYNNA MARIE PAREDES•

"S-Sky?"

Si Sky ang laman ng regalo?!

Natameme ako ng panandali...

Hindi ko alam ang dapat kong maging reaction. Ang alam ko sa sarili ko ay galit ako sa kanya. Masama siyang tao. Niloko niya at pinaglaruan niya ang pagmamahal ko sa kanya. Bakit siya nandito ngayon? Anong pakulo nanaman ang trip niyang gawin ngayon? Isa nanaman ba ito sa mga listahan ng mga dapat niyang gawin sa akin?

Pero... bakit ganito ang nararamdaman ko? B-Bakit ako naaawa sa kanya?

Kanina pa ba siya nasa loob ng karton na to? Bakit ba naman kasi niya nilagay ang sarili niya sa loob ng karton? Seryoso na kaya siya ngayon na humihingi na siya ng tawad sa akin? Ang hirap na kasi magtiwala ngayon. Hindi ko na kasi alam kung ano ang totoo at kung ano ang hindi sa kung ano man ang meron sa amin ni Sky.

May hawak siyang bokey of flowers. Bongquet? Bonquet? Buket? Bhuket? Butet? Hindi ko alam ang tawag dun pero basta yung mga kadalasang bulaklak na binibigay ng mga lalaki sa babaeng nililigawan nila. Ano nga bang spelling nun? Parang dati alam ko spelling nun e. Ngayon nalimot ko na agad.

Butil butil ang pawis ni Sky at parang nahihirapan siyang huminga. G-Gaano na ba kasi siya katagal diyan? Gusto ko siyang tanungin pero walang kahit anong salitang lumalabas sa bibig ko. Siya rin, hindi rin naman siya nagsasalita. Para kaming eng-eng dito na magkatinginan lang at hindi alam at irereaksyon sa isa't-isa.

Katahimikan...

Pagkatapos ng ilang minutong halos wala kaming imikan ay napagpasyahan ko nang magsalita nalang. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari dito kay Sky at bigla nalang na-pipi.

"Sky..." panimula ko.

"Umalis ka na nga diyan sa karton na yan. Pawis na pawis ka na at baka magkasakit ka pa. Baka maging kasalanan ko pa kung napano ka." Dagdag ko. Masungit ang pagkakasabi ko sa kanya. Nagtatampo pa rin naman talaga ako sa kanya eh.

Hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Parang ang bilis. Nakita ko nalang ang sarili ko na niyayakap na ni Sky.

Niyakap ako ni Sky.

Mahigpit.

Parang miss na miss na niya ako.

Kung hindi ko lang alam ang ginawa niya noon. At kung yung dating Alynna na nagpapanggap palang na si Janina ako, siguro naniwala na ako. Kaso hindi na pwede, kailangan ko na magbago. Kailangan ko na maging mature para na lang din sa akin, para sa aking sarili. Ayoko na rin kasing maging kawawa sa huli. Nakakapagod na din kasi minsan eh. Akala ko noon kakayahin ko lahat para sa pagibig pero siguro kailangan ko rin talaga ng pahinga minsan. Hindi ko nga lang alam gaano katagal.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Sky sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Minsan hindi ko na rin alam ang ginagawa ng sarili ko eh. Parang may sariling buhay yung katawan ko na taliwas sa iniisip ko, o taliwas sa sinasabi ng puso ko.

Tumakbo ako papatalayo pabalik sa kubo kung saan ako nakatira. Gusto kong kausapin si Sky pero ayaw ko siyang magsalita. Gusto kong ibalik ang yakap niya sa akin pero ayaw ko siyang hawakan. Gusto ko siyang halikan pero ayaw kong dumikit ang mga labi namin. Gusto kong magka-ayos na kami pero ayaw ko siyang makausap. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nababaliw na talaga ako. Ano bang ginagawa mo sa akin, Sky? Simula't sapul siya lang talaga ang nakakapagpagawa sa akin ng mga ganitong bagay. Mga bagay na hindi ko talaga maunawaan kailan man.

Inaantok na rin talaga ako. Anong oras na kasi. Ang daming masyadong nangyari ngayon. Napakabigat ng mga sinabi ni ate, tapos ngayon si Sky pa.

Teka...

Ate?

Sky?

Ate?

Sky?

Huh? Magkakampi ba sila? Gusto nga ba ni ate na magkabati kami ni Sky? Bakit sila magkakampi? Bakit sila nasa Bohol?

Silang dalawa lang ba ang magkasama?!

Imposible.

Hindi pwede!

Kahit na inaantok ako ay bakit parang nakaramdam ako ng selos. Ayoko man isipin pero paano kung silang dalawa nga lang magkasama? Tapos nasa hotel sila? Tapos isa lang kwarto nila? Waaa! Ayaw ko.

'Baka naman kasama niya yung The Vengeance.'

May maliit na boses na nagsabi sa akin. Guni-guni ko yata.

Pero tama!

Tama!

Oo nga naman.

Sino ba ng tumulong sa akin nung inaamo ko noon si Sky? Sila lang naman. Ngayon, kung totoo nga na gusto na ni Sky magka-ayos kami, syempre tutulungan din siya ng The Vengeance. Yung regalo, si ate Janina... alam kong malaking parte ang The Vengeance sa mga ganap na ito. Sila lang naman ang mahihilig sa ganyang mga kakornihan noon pa eh.

*BINGO!*

Kahit antok na antok na ako, bigla akong nagbukas ng data sa cellphone ko at pumunta sa FB. Since friends ko naman sa FB lahat ng miyembro ng The Vengeance, kesa kausapin ko sila isa isa, gumawa nalang ako ng groupchat kung saan lahat sila ay kasali. At akalain mo nga naman, online pa talaga silang lahat sa ganitong oras? Napaghahalataan nga naman. Pero namiss ko sila ah.

Alynna Marie Paredes created a group chat.

Dave Buenavista joined the chat.

Dwight Condez joined the chat.

Erick Salas joined the chat.

Austin Joe Stranford joined the chat.

Ryan Chase Villa joined the chat.

Ash James Anderson joined the chat.

Clyde Ferrer joined the chat.

King Tyler Cruz joined the chat.

Marviel Valderama joined the chat.

Dave Buenavista added Janina Nicole Fortaleza on the chatroom.

Janina Nicole Fortaleza added Debbie Corazon and Ana Karen Nina Tomas on the chat room.

Hala? Ang dami pala nila. Nasa bohol ba sila lahat? Hindi na ba galit sa akin pati sila Karen? Ang dami kong tanong. Pero sisimulan ko muna kung narito ba sila sa Bohol. Pero bago pa man ako makapagsalita o makapagtype gamit ang bulok kong cellphone...

Dwight: Alyyyyyyyyyyyyyyyy!!!! I miss you!

Clyde: Aly, kamusta na ang aming princess? Hahaahahaha!

Viel: Ano Aly nagustuhan mo ba yung laman ng regalo? Ang laki diba? Ang laking damulag! Hahahaha

Ash: You're so wise. Nalaman mo agad na kami ang nasa likod nito.

Chase: Lol.

Austin: Bati na ba kayo? Kami kasi ni Nikki malapit na magbati. Sumabay naman kayo! Hahaha!

Dave: Ang corny ng plano nila noh? Hindi ako kasali dyan ah.

Erick: Hindi rin ako kasali.

King: Aly, we have a plan!

Alynna: Anong plan?

Ash: Yeah, you can use any of our accounts. We will give you our FB passwords. Para hindi na halata this time unlike when Sky pretended to be me, nahalata mo agad. So this time we will be giving you our passwords and ikaw na bahala kung sino ang gusto mo i-log in, and from there, you can chat Sky.

Erick: From there, you would know if ano talaga ang intentions ni Sky sayo.

Chase: And yes, Sky doesn't know anything about this plan. All this time he knew we are helping him and him only. But we have decided that we want to help you too.

Ash: Yup, but this is just an offer. If you don't like the idea of chatting him using any of our accounts, it's always your choice, Aly. But here's my password: AQH072390

Clyde: AfroRocksForveer101

King: CutiePieFromTheSouth

Dave: JaninaDave1997

Erick: Ercko00

Karen: Morganick3445678

Dwight: Debbielakiboobs

Debbie: Dwightlakialaga

Chase: theofficejerkfromusa

Austin: NikkiSalvy23

Viel: Iwantsexygirls69

Janina: NYChereIc0me

Hindi ko na nabasa ang ibang comments. Nakatulugan ko nalang. Hindi ko na kasi talaga kaya yung antok ko eh. Gaya nga ng sinabi ko kanina, masyadong maraming nangyari ngayon. Kailangan ko rin ng pahinga. Pero ngayon, alam kong makakatulog ako ng matiwasay dahil alam kong marami naman palang kasama ang ate. Hindi sila tabi ni Sky matulog. Hehe. Kahit naman galit ako kay Sky ayoko pa rin yung ideya na may katabi siyang iba na matulog noh.

Hay, sana talaga maging maayos na kami.

Sana kayanin ko na.

Goodnight.

-

Kinabukasan...

Dumalaw nanaman sa kubo namin si ate Janina. Sakto nga lang na naroroon din si Caloy na may dala nanaman na pagkain, relyenong bangus naman ngayon. Naroon rin si papa nang dumating ang ate.

Kitang kita ko na ang sasama ng tingin ni papa at Caloy kay ate. Naiintindihan ko sila. Hindi naman kasi ganun nalang kadali nalang kalimutan yung mga nangyari sa amin ni ate. Ako lang naman yung kayang magpatawad ng ganun kadali. At saka sa mga sinabi sa akin ni ate? Hindi ko talaga kayang hindi siya patawarin. Hindi kasi alam ni papa at Caloy yung mga pinagdaan ni ate kaya siguro ganyan nalang sila kung maka-react.

Buti nalang at naka-intindi naman si papa at Caloy kahit na wala akong sinasabi na kahit ano. Pumasok si papa sa maliit naming kwarto pero dinabog niya ang pinto na para bang nagagalit siya. Si Caloy naman lumabas na ng kubo pero binangga niya muna ang braso ni ate ng pasadya. Ang luwag luwag naman ng daan. Sasawayin ko sana si Caloy sa ginawa niya pero pinigilan ako ni ate gamit ang pagpisil niya sa kamay ko. Grabe naman kasi. Hindi naman nila alam ang buong kwento. Kawawa naman ang ate ko. Hindi naman siya deserve ang mga kinilos ni papa at Caloy.

Hay.

Umupo kami ulit ng ate ko sa puwesto namin kahapon sa harap lang ng kubo. Alam ko na ang magiging usapan namin. Si Sky.

Kahit naman hindi siya sinasabi alam na namin pareho na magakampi na sila ni Sky. Alam ko na rin na gusto niya kaming pagbatiin ni Sky. Para sa akin, bati naman na talaga kami ni Sky, nagdradrama lang talaga ako kagabi, at inaantok.

"What happened to you and my gift?" tumawa nalang siya. Alam niya siguro na ang corny corny ng technique niya. Technique naman yun ng The Vengeance eh. Alam kong hindi naman ganun si ate eh.

Katahimikan...

"T-Tumakbo ako..." panimula ko. "Sorry ate." Nahihiya kong sinabi.

"Hahahaha!" tumawa siya ng malakas.

Hala? Bakit naman tumatawa si ate? Nababaliw na ata si ate. Naku po. Huwag po!

"I actually didn't expect that, Alynna." Sabi niya habang natatawa. "But I like what you did."

"N-Nagustuhan mo ate yung ginawa ko? Yung pagtakbo ko? A-Akala ko ba magkakampi kayo ni Sky. Ako nga dapat yung mahiya sayo kasi parang hindi ko man lang binigyan ng importansya yung effort mo ate eh."

"I like what you did. Naiinis kasi ako dyan kay Sky. Ang yabang yabang. Pinapamukha pa niya sa akin nung isang araw na mas mayaman ngayon ang Andersons sa Fortalezas. Basta! I hate him! Grr!" sabi niya, nakakunot ang noo niya.

"Magka-away kayo ni Sky?" Tanong ko. Pero bakit sila magkakampi kahapon? Ang gulo naman.

"No, not really. Nagkakainisan lang. Siguro siya lang talaga yung klase ng person na di ko makakasundo kasi medyo pareho kami ng ugali. Now I know na ang pangit pala ng ugali ko. Haha!" natatawa niyang sinabi.

Haha. Pero sa isip ko natawa din ako. Hindi ko nalang pinahalata. Parang pareho nga kasi talaga ng pag-uugali si ate at Sky. Pero pareho ko silang gusto at pareho ko silang gustong manatili sa buhay ko. Ewan ko nga lang silang dalawa sa isa't-isa.

"Hayaan mo ate. Inaantok lang naman talaga ako kagabi at konting drama na din. Pero makikipagbat—"

"Nope!" pagputol sa akin ni ate.

"Ano? Bakit ate?" nalilito kong tanong.

"Know your worth, girl. Tayong mga girls hindi tayo dapat nakikipagbati agad agad. Kailangan nila tayong ligawan. Give him some challenge! And remember na pinahirapan ka ni Sky nung nililigawan mo siya noon sa ECB? He should top all that." Sabi ni ate habang nakatawa na parang d... demonyo? Hala!

"A-Ate." Nauutal kong sinabi.

"I am not saying all this because inis ako kay Sky ah, uhm, okay, maybe just a little?" tumawa siya.

"Ahahaha." Natawa na din ako. Magpapanggap pa kasi eh.

"Pero Alynna, kidding aside, you are worth more than what you think. I really recommend for you to think about what I just said. Pero kung gusto mo na makipagbati ka na agad kay Sky, I will respect your decision." Sabi niya ng seryoso.

"And remember yesterday when we gave you all our passwords on facebook?" dagdag pa niya. Tumango lang ako. Oo nga pala binigyan nga pala nila ako ng passwords. Nakatulugan ko na kasi yun kaya di ko na maalala yung ibang napag-usapan sa chat eh.

"Use that. That would be a very helpful tool to know his real intentions." Tumango lang ako sa sinabi ni ate.

"Salamat ate, hmm, pero pwede ba magtanong?" iniba ko muna ang topic. Kating kati na kasi ako itanong to kanina pa eh.

"What is it?"

"Hindi na ba galit sa akin si Debbie at Karen? Kasi sa chat nilagay nila yung FB password nila pero hindi man lang nila ako kinumusta o ano. Hindi ko tuloy alam kung okay na ba kami o hindi." Pahayag ko.

"They were never mad at you. Nahihiya lang yung dalawa. Or baka antok na din. I dunno. But believe me, hindi sila galit. I can assure that." Sabi ng ate. Nakahinga naman ako dun. Ayoko na kasi na may masama ang loob sa akin eh. Si Merylle nga ang sakit sakit na sa puso eh.

"Eh kayo ni Dave ate? Okay na ba kayo? Siya kasi nag-add sayo sa team chat na gawa ko eh. Nalimutan kasi kita i-add hehehe sorry." Nag peace sign ako kay ate.

Hindi na sumagot sa akin si ate. Inakbayan nalang niya ako at idinantay niya ang ulo niya sa balikat ko. Siguro ay hindi pa gusto sa akin sabihin ni ate kung okay na ba sila ni Dave o kung ano na ba ng ganap sa kanila ni Dave. Nirerespeto ko naman yun. Hindi naman ako nagmamadaling malaman lahat.

Sa totoo lang sobrang dami nang sinabi sa akin ni ate kasama na doon ang mga nangyari sa kanya sa New York. Alam kong sasabihin din niya sa akin yan pagdating ng panahon.

Pero yung sa amin ni Sky, oo nga naman, parang gusto kong subukan yung ichachat ko siya gamit ang iba ibang account para malaman ko kung ano ba talaga ang tingin niya sa akin.

At tama si ate, kahit naman na mahirap lang ako, ma-pride pa din naman ako. Babae pa rin naman ako. May karapatan pa din naman ako magpaka-girl at suyuin di ba? Ngayon ko lang naman gustong i-try. Hehe. Parang na-eexcite ako. Mamayang gabi susubukan ko na siyang i-chat. Sino kayang account ang uunahin kong gagamitin?

Hmmm.

-

Pagkatapos naming tumambay ni ate sa kubo ay napagpasyahan niyang mamasyal sa Bohol. Hindi pa kasi siya nakakapaglibot dito. Kahit naman kasi probinsya ang Bohol, marami ka talagang makikitang magandang lugar dito na hinding hindi mo makikita sa Maynila.

Sinamahan ko muna si ate sa Panglao beach, gusto daw kasi niyang magswimming. Nagulat nalang ako nang nagpalit ng two-piece swimsuit ang ate. Napakasexy ng ate ko. Perfect na perfect talaga siya, nakasira lang talaga yung ilang pasa niya sa binti. Pero pasa lang naman yun, mawawala din yun. Ako naman, nandito lang ako sa lilim. Ayoko kasi magswimming. Sawang sawa na kasi sa Panglao beach. Kumain nalang ako ng mga pakwan na libre sa akin ni ate. Ang sarap! Ang dami pa kamo!

Hindi siguro napapansin ng ate pero nakita ko na binabantayan siya ni Dave sa kalayuan.

Ang sweet naman, kinikilig ako para sa kanilang dalawa.

Binabantayan din kaya ako ni Sky habang kumakain ng pakwan? Haha! Imposible. Siguro nga galit na yun sa akin kasi na-walk-out-an ko siya eh. Ichachat ko naman siya mamayang gabi kaya maghintay nalang siya sa mga tanong ko. Lagot talaga siya sa akin at huhulihin ko siya sa pamamagitan ng mga tanong kong ala-Boy Abunda. Sa ngayon, sasamahan ko muna ang ate sa day tour niya sa Bohol. Tour guide mode muna ako.

-

Pagkatapos na pagkatapos magswimming ng ate, gusto naman daw niya magpunta sa tarsier sanctuary. Endangered species na kasi ang tarsier at sa Bohol nalang ito makikita. Sa totoo lang, nabo-boringan ako sa mga gusto gawin ni ate kasi buong buhay ko ako nakakakita ng tarsier pero dahil na first time ni ate, kailangan ko siyang samahan. Kitang kita ko pa naman sa mukha ni ate na excited na excited siya. Jusko naman, para sa unggoy, na-excite? Ewan ko ba sa mga mayayaman na 'to.

Dumaan ang halos 30 minuto bago kami nakarating.

Nang nakarating kami sa lobby ng tarsier sanctuary ay napakaraming tao.

Kung minamalas ka nga naman oo. May tarpaulin pa na nakalagay na 40th anniversary daw nila. May mga handaan, may mascot na tarsier, may mga balloons, may mga bata, may mga magulang, pamilya, at may...

OMG

May free food!

Free foooooooooooood!

Dali dali kong hinila si ate sa pila ng free food at sumama naman siya agad sa akin. Ang sarap ng mga pagkain. Parang buffet style kasi parang Yakimix. Namiss ko tuloy si Sky. Kamusta na kaya siya ngayon? Pero sa ngayon, kami muna at ang mga pagkain sa plato ko ang magtutuos.

Ang dami kong pagkain. Punong puno ang plato ko. Samantalang si ate, napaka-konti ng pagkain. Siguro nagdidiet siya, ganyan siguro talaga kapag gusto mo maging model. Kaya ayaw na ayaw ko yang mga ganyan eh. Maganda ka nga, gutom ka naman.

Bukod sa pagkain, nakuha talaga ang atensyon ko ng tarsier mascot. Sobrang galing kasi niya magsayaw. Sobrang galing as in. Parang hindi talaga siya trying hard. Naalala ko tuloy agad mga panahon na sinuot ko yung mascot ng school namin para suportahan yung The Vengeance nung nanliligaw palang ako kay Sky nun. Ganyan din kaya ako kagaling sumayaw nun? Haha!

Nagdaan ang oras at naka anim na balik din ako sa buffet table. Tatlong balik para sa ulam at kanin. At tatlong balik naman para sa dessert. Edi sulit. Busog na busog ako. Feeling ko hindi ako makakatayo agad agad. Bakit ba kasi ako kumain ng ganun kadami?! Kailan ba talaga ako matututo kumain ng sakto?

"Alynna, come on. Let's go na sa tarsiers!" excited na sinabi ng ate ko.

Hala? Ate naman, pwede mamaya maya na? Busog na busog kasi ako eh.

"Ah... s-sige." Sabi ko habang akmang tatayo na ako. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin kay ate yung mga nasa isip ko. Baka isipin niya ayaw ko siyang samahan.

"Oh God Alynna, you are so bloated! Ang payat payat mo pero namilog yung tiyan mo. If you want, ako nalang pupunta?" tanong niya sa akin. Nakatitig siya sa tiyan ko na medyo lumobo nga sa dami ng kinain ko. Mukha siyang nag-aalala sa akin.

"Hindi ate, kaya ko naman." Pagsisinungaling ko. Nakakahiya kasi kay ate eh.

"Don't lie to me, Alynna. Busog na busog ka pa oh. And for sure sawang sawa ka na siguro sa itsura ng tarsiers. Ako nalang. I insist." Sabi ng ate ko. Nakasmile siya. Mukhang seryoso siya na siya nalang ang pupunta. Whew! Buti naman. Oo ate, sawa na talaga ako sa mukha ng mga unggoy na yan.

"Hehe." Kinamot ko ang ulo ko. "Sige ate, pasensya na ah. Naparami yata talaga ang kain ko eh. Susunod nalang ako sayo mamaya konti. Bigyan mo lang ako mga 15 minutes siguro." Sabi ko.

"Sure. See you there!" sabi niya sabay alis at akyat na sa tarsier sanctuary.

Goodluck ate. Sana mag-enjoy ka. Maganda naman ang mga tarsier kapag 1st time mo nakita eh. Ibang usapan na kasi kapag paulit ulit mo nang nakikita. Nakakasawa.

Katahimikan...

Huh?

Bakit biglang tumahimik? Pag-akyat ni ate sa tarsier sanctuary, nawala na rin lahat ng tao. Yung mga bata, yung mga pamilya, yung mga nakapila sa free food...

Nawala lahat?

Ang natira nalang...

...yung tarsier mascot.

Haha.

Hindi ko na kailangan mag-isip pa. Napakapamilyar lang kasi ng nangyayari. At sa mga ideya pa ng The Vengeance, alam ko na si Sky ang laman ng tarsier na iyon.

Pero siya rin kaya yung sumasayaw kanina? Kaya pala sobrang galing sumayaw nung macot kanina. Bakit nga ba hindi ko siya napansin nun? Bakit kaya kanina pa lang ay hindi ko man lang naisip na maaari ngang si Sky yun? Magaling kasi talaga sumayaw si Sky. Naalala ko tuloy bigla nung sinayawan niya ako noon at kinantahan sa school auditorium, yung mga panahon na pinagseselos palang namin si Farrah. Ang galing galing kasi talaga niya nun.

Hindi na sumasayaw ngayon yung tarsier. Nakaupo nalang siya at nakatingin ng diretso sa akin. Hindi ko rin alam ang gagawin ko. Parang akong nakadikit dito sa upuan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung hindi ako makagalaw sa kabusugan o dahil nakatingin sa akin yung tarsier. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?! Akala ko ba papahirapan ko si Sky?! Bakit sarili ko kaya ang nahihirapan ngayon? Bakit kasi kahit magkagalit kami, ganito pa rin ang epekto niya sa akin?! Parang hindi yata patas!

♪  Look at us, ain't it funny It's just beginner's luck, maybe ♫

H-Hala?

Let the love begin?

Tumunog bigla yung favorite song ni Sky!

Natulala nalang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

♪  Oh, with just a touch Two different people From such different worlds apart Have touched each other's heart Like candles in the dark If it's time for us we gotta take it Take the chance, the chance to make it ♫

Nagulat nalang ako nang biglang lumapit sa akin ang mascot na kanina pa nakatitig sa akin. Hinablot niya bigla ang katawan ko gamit ang kanyang lakas at umaktong isasayaw ako.

Nilagay niya ang kanyang kamay sa beywang ko at pina-ikot niya ang dalawang braso ko sa kanyang leeg.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inaalis yung mascot niya.

♪  Now, let the love begin Let the light come shining in Who knows where the road will lead us now Look at what we've found Make this moment turn our hearts around It may never come again, let it in Let the love begin ♫

Mabagal lang kami na nagsasayaw. Nakakainis kasi ayaw niyang tanggalin yung mascot niya sa ulo. Gusto ko siyang makita. Miss na miss ko na siya. Sobra sobra din akong kinikilig. Grabe, kahit na ang tagal na naming magkakilala ni Sky, iba pa rin talaga ang kuryente na nangyayari sa akin kapag napapalapit siya sa akin. Ibang klase. Walang katulad.

♪  Oh, here we are so close together I can feel the fire start between us oh oh We've come this far (we've come this far) Too far to stop it now If this is meant to be (it's meant to be) A chance for you and me (for you and me) We've found our destiny Now we're looking at a new forever Make this dream come true together ♫

Hindi na ako nakapaghintay na tanggalin niya yung mascot niya sa ulo. Ako na ang nagsimulang alisin ito. Gustong gusto ko na kasi siya makita. At isa pa ayoko nang makipagtitigan sa mascot!

♪  Now, let the love begin Let the light come shining in Who knows where the road will lead us now Look at what we've found Make this moment turn our hearts around It may never come again, let it in Let the love begin ♫

Sinayaw lang niya ako ng sinayaw habang hindi siya nagsasalita. Medyo mahirap tanggalin yung mascot niya kaya naman hanggang ngayon ay tinatanggal ko parin. Hindi ko kasi makita yung dulo ng zipper. Bakit ba kasi may zipper yung mascot niya? Ang alam ko kasi yung akin noon, pinapatong lang yung ulo ng mascot eh. Walang zipper.

Nang nakita ko na yung dulo ng zipper kung saan pwede ko nang matanggal yung ulo ng mascot, nagulat nalang ako nang nakaramdam ako ng pader sa aking likuran. Hindi ko namalayan na napunta na pala kami sa sulok. Nakakulong na ako ngayon sa dalawang kamay niya at sa pader sa likod ko nang tuluyan ko nang natanggal ang ulo ng mascot.

♪  Now, let the love begin Let the light come shining in Who knows where the road will lead us now Look at what we've found Make this moment turn our hearts around It may never come again, let it in Let the love begin ♫

Lumabas ang napaka-gwapong, medyo pawis, pero mabango na mukha ng mahal kong si Sky. Sakto rin na natapos na ang kanta. Hindi pa rin siya nagsasalita pero seryoso ang mukha niya na nakatingin sa akin.

Sa lips ko.

Sky.

Hahalikan ba ako ni Sky?

Inilapit niya ang ulo niya sa akin ng sobrang lapit hanggang sa nagdikit nanaman ang mga ilong namin. Namiss ko 'to sobra. Gustong gusto ko siyang halikan. Gustong gusto ko na sumuko ulit sa pagmamahal niya. Gusto ko na ulit mabalik ang dating kami.

Nang umamba siyang hahalikan na ako, pinikit ko ang mga mata ko habang medyo nakangiti ang bibig ko.

Katahimikan...

"What?" kunot noo niyang sinabi nang bigla kong hinarang ang hintuturo ko sa labi namin na muntik nang maghalikan. Napigilan ng hintuturo ko ang halikan sana namin.

"Hindi pa tayo okay." Sambit ko. Pinilit kong maging mukhang seryoso ang mukha ko. Sa totoo lang natatawa na kasi talaga ako.

"Why?" tanong niya. Seryoso siya. Kitang kita ko sa mga mata niya na parang nabitin siya.

Lubos kong pinipilit maging seryoso ang itsura ko habang sinasabi ko yung salitang kanina ko pa prinapractice, English kasi kaya kailangan ko talaga i-practice, dapat maging ka-tono at tulad mismo nang pagkakasabi niya sa akin noon. Pagkatapos kong sabihin yun ay bigla bigla nalang ako lumusot sa ilalim ng dalawang braso niyang nagkukulong sa akin at sinundan na si ate sa tarsier sanctuary. Nahiya kasi ako baka mali o kaya baka panget yung accent ko.

Pagbigyan mo na ako Sky.

Babae rin naman ako eh.

Minsan lang 'to.

"We are 50% okay."