Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 55 - Chapter 49 - Voice

Chapter 55 - Chapter 49 - Voice

A/N

Hi. Sorry po sa mga hindi ko narereplayan sa PM, comments at sa iba pa. Ang tagal ko kasing di nag-online kaya super naipon yung messages lalo na sa PM. At gustuhin ko man magreply sa lahat — hindi sumasang-ayon yung pagong naming internet. May mga 3 lang yata akong nareplyan last week. Tapos ngayon, wala pa talaga. :| Sorry po talaga. Once nakahanap ako ng time mag-internet shop, magrereply ako. :))

Anyway, this chapter is full of emotions. (Well, in my opinion lang) Be ready for a roller coaster ride. X

♥Mhariz

• ALYNNA MARIE PAREDES •

Weird.

Weird.

Weird.

Yan lang ang patuloy na tumatakbo sa utak ko habang pinapanuod ko si Nurse Arlene na ginagawa ang kanyang trabaho bilang nars sa mga pasiyente sa clinic ng ECB. Kung wala lang ako masyadong iniisip ngayon ay pagtatawanan ko talaga yung ibang mga estudyante na nagpapanggap lang na may sakit para makatulog sa clinic at para makatakas sa klase. Pero hindi eh. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon.

Kakabasa ko lang kasi ulit ng My Husband is a Mafia Boss kahapon. Siguro ay nagmana na ako kay Zeke na malakas din ang pakiramdam sa mga bagay bagay. Lalo na kung may gustong pumatay sayo. Haha. Wild. Pero walang halong biro, iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Feeling ko may susugod sa akin. Feeling ko may nagmamanman sa akin sa oras na ito. Feeling ko may mga taong galit na galit sa akin.

Hindi ko alam kung nag-uumpisa na nga talaga akong maging isang ganap na baliw pero ito talaga ang nararamdaman ko ngayon eh. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kasi kailangan ko pa maramdaman ang mga ganitong bagay. Wala naman akong masamang ginagawa para manmanan nila ako. Ang tanging ginawa ko lang naman simula nung nag-enroll ako sa ECB ay ang mag-aral at ang mahalin si Sky. At wala naman akong nakikitang mali sa mga iyon. Pero sila, sa tingin nilang lahat, mali iyon.

Hinawakan ko ang kamay ni Sky at pinisil pisil naman niya ang kamay ko. Oo at kasama ko ngayon si Sky. Pinuntahan nga niya ako sa clinic 'di ba? At eto kami ngayon, magka-holding hands sa clinic habang pinapanuod lang si Nurse Arlene.

Maya maya pa konti ay biglang nagring ang cellphone ni Sky. Bago niya ito sinagot ay pinakita niya sa akin na ang tumatawag ay si Erick. Tumango naman ako bilang pag-sang-ayon na sagutin na niya ito. Sa totoo lang, hindi naman niya kailangan ipakita pa sa akin kung sino ang tumatawag sa cellphone niya eh. Privacy naman niya yun. At alam ko naman na hindi niya ako lolokohin ng ganun ganun nalang.

"Again?"

"Tss."

"Fine, alright."

"Yup, I'll be there."

"I'm going there now."

Yan lang ang mga sinabi ni Sky sa cellphone niya habang kausap niya si Erick. Kahit hindi ko pa naririnig si Erick sa kabilang linya ay alam ko na ang ibig sabihin ng tawag na iyon. Ang ibig sabihin ay kailangan nanaman ako iwanan ni Sky para sa The Vengeance. Baka malamang practice nanaman yun o kaya kung ano anong meeting. Malapit na rin kasi talaga ang laban nila sa kung saang school man na kalaban nila. Ang balita ko lang ay malakas ang makakalaban nila kaya naman todo practice ang ginagawa sa kanila ng kanilang coach.

Magsasalita palang si Sky ay ngumiti na ako agad at tumango.

"Okay lang. Go." Sabi ko. Nakangiti. Pero syempre deep inside nalulungkot ako. Sino ba namang di malulungkot. Eh halos wala kaming moment ngayon!

"I'm sorry, baby. I'll make it up to you." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sige na. Baka hinahanap ka na nila."

"Okay. Bye. I love you." Sabi niya bago niya ako hinalikan ng berry berry light lang sa lips.

Atleast nagkiss kami ngayong araw.

Pwede na yun kesa wala.

Malandi ba?

Hehe.

***

Palubog na ang araw at tapos na ang school hours. Umupo nalang akong muli doon sa bench na inupuan ko kani-kanila lang. At since wala naman akong kausap dahil walang kumakaibigan sa akin dito. Nagpakabaliw nalang ako at inimagine ko nalang ulit yung mga nakakahiyang nangyari sa akin kanina dahil sa chikinini na ginawa sa akin ni Sky!

*Flashback*

"Girl, yung totoo magtu-turtle neck ka?" tanong ni Shibs. Nakita niya kasing hinahalukay ko yung nag-iisang turtle neck kong damit sa cabinet.

"Oo. Bakit?"

"Hay nako girl! Wala ka talagang taste!!!" tili ng bakla.

"Kahit na, gusto ko—-"

"OMG!!!!" tili muling ng bakla. Hinawi pala kasi niya ako buhok ko at nakita niya ang kiss mark na iniwan sa akin ni Sky! Waaa!

"WAAAA!" napasigaw ako.

"WAAAAAA!" napasigaw din siya.

"WAAAAAAAAA!" napasigaw ulit ako.

"Grabe girl! May marka!!!!"

"Waaaaa! Ikaw kasi eh! Magtuturtle neck na nga eh!!!"

"Ibang level na kayo! Saludo ako sayo!!! Kala ko ba may count down? 9 days? Nauna na ba? Hindi na ba kayo nakapagpigil?!"

"Ewan ko!"

"Ayiiieeee!!!!"

"Che!"

"Chikinini!"

"Bakla!"

"Malanding may Chikinini!"

"Baklang may muscles!!!"

At patuloy lang ang naging asaran namin ni Shibama hanggang sa bigla nalang niya ako niyakap ng seryoso. Iyan yung mga ilan sa mga nagyari kanina bago ako umalis papuntang ECB.

Kaya eto ako ngayon, walang nakapigil sa akin, nakaturtle neck pa din ako. Atleast safe ako dito sa damit ko na ito. Hindi nila malalaman na may sinisikreto ako. Kunwari fashionable lang. Pero ang init din pala sa pakiramdam yung magsuot ng ganitong klaseng damit, kanina pa nga nagdidikit yung damit ko sa balat ko eh. Pawis na pawis. Hay nako. Pero okay na rin ito kesa naman pagchismisan nanaman kami ni Sky na kung ano ano nanaman ang ginagawa namin. Magtitiis nalang ako dito sa malagkit kong outfit sa ngayon.

*End of Flashback*

***

Nang natapos na ako magmoment mag-isa sa mga kapalpakan ko, napagpasyahan ko na ring umuwi nalang mag-isa. Naka-receive din kasi ako ng text na gagabihin pa raw sila Sky. Eh naalala ko na kakausapin ko nga pala si Shibama mamaya dahil sa mga ikinikilos niya sa akin. Pumayag naman si Sky na umuwi nalang ako mag-isa.

Pero habang papalakad naman ako papalabas ng ECB, biglang may nanabunot ng aking buhok! At sino pa nga ba?! Edi yung kanina ko pa iniisip. Yung kanina pa nagpapaweird ng araw ko. Ang ate Janina ko. Bago pa man ako makapagsalita ng kung ano pa man ay nagratatat na agad ang bibig niya ng kung ano anong kasinungalingan tungkol sa akin. Saan ba niya nakukuha yun?!

"I hate you!" sigaw niya sa akin. Magulo ang buhok niya at sira na ang make-up niya. Mukhang kagagaling lang niya sa iyak. Bakit kaya?

"Ano nanaman ba 'to ate?" Tanong ko. Medyo palaban.

"I hate you so much! Ang sama sama mo!" sigaw niyang muli sa akin. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Mas baliw yata siya kaysa sa akin.

"Ano?!"

"Traydor ka! Traydor!" sigaw niya. Kumunot ang noo ko doon. Mabigat na salita ang binitawan niyang yun eh.

"Ano ba ate! Hindi ko maintindihan yang mga pinagsasabi mo!" sigaw ko na ring pabalik. Sinangga ko ang kamay niyang sasampal sana sa akin.

"Traydor ka! Mang-aangaw ka! Lahat nalang! Magulang! Lalaki! Kaibigan! Make-up artist! Ano pa?! Ha? Sino pa ang aagawin mo? Buhay ko? Lahat lahat sa akin? Grabe ka rin ano? Wala ka talagang tinira kahit isa!!! Wala kang awa!!! Buwisit ka!!!!" hagulgol niya. Panandalian akong natigilan sa mga sinabi niya. Ano raw?

"Ate naman oh! Wala akong inaagaw sa iyo! Sayo lang ang lahat ng sa iyo!" pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Oh shut up!"

"Ipaliwanag mo kasi sa akin ang lahat! Para naman maintindihan ko! Saan mo ba kasi nakukuha yang mga yan! Sino ba yang mga nanunulsol sayo? Paano ko kasi maiintindihan kung panay sugod, sabunot at sampal lang ang ginagawa mo sa akin?!" sabi ko.

"Gusto mo talagang malaman, para ano? Para pagtawanan ako?!"

"Para intindihin ka! Baka pwede pa nating mapag-usapan ang mga bagay bagay!"

"Gusto mo talagang malaman?! Sige sasabihin ko!"

"Sabihin mo!"

"Epal ka! Epal ka na simula nung pinanganak ka palang! Nasira ang pamilya namin nang nagkareslasyon si mama sa tatay mong probinsyano! At nang pinanganak ka! Nagkanda-leche leche na ang buhay ko!—

"Una sa lahat, lahat nalang ng atensyon ni mama napunta na sayo! Paano ba naman kasi, ang ganda ganda ni riri. Kamukhang kamukha niya si Riri. Pwedeng pwede mag-artista si Riri. Pesteng Riri!!!!—

"Tapos ang dami daming kumukuha sayong talent agents na gusto ka nilang gawing commercial model, pero lagi mo lang tinatanggihan kasi hindi mo trip! Tanginang di mo trip yan! Hindi mo ba alam na yang mga tinatanggihan mo, buong buhay kong pinapangarap na lapitan ako! Lahat na yata ng make-up nasuot ko na para lang mapansin ako ng mga hinayupak ka talent agent na yan! Pero tangina wala e! Riri daw eh! Punyenta!—

"Tapos buong akala ko noon may nakapansin na sa akin sa wakas! At mukhang sinwerte ako kasi sa New York pa! Nako! Magiging model na rin ako sa wakas. Sobrang excited ako syempre! Nagpapayat ako! Uminom ako ng glutha! Di ako nagkakanin! Lahat ng effort ginawa ko! Kasi minsan lang magkaroon ng ganitong chance yung mga tulad ko! Hindi kasi ako yung tulad mo na laging nilalapitan ng mga ganitong oportunidad tapos lagi mo lang silang tinatanggihan!—

"Pero tangina! Sa kaka-pangarap ako! Alam mo ba kung anong nangyari sa akin sa New York? Ha! Baka pagtawanan mo lang ako. Buwsit!"

"A-Anong nangyari ate?" mahina kong tanong. Ngayon ko lang nalaman ang side na ito mula sa kanya.

"Hindi mo na kailangang malaman ang lahat! Ito lang ang gusto kong malaman mo. Kahit ang layo layo ko na sayo,  kahit nasa magkabilang parte na tayo ng mundo, nagawa mo paring agawin ang pangarap ko sa akin. Kasi ang model na hinahanap nila kaya nila ako pinapuntang New York ay ikaw pala. At nagkataon lang na kamukha kita kaya naman ay napagkamalan lang akong ikaw!!!—

"Nakikita mo na? Kita mo?! HA?! Wala pa yan sa lahat ng sakripisyong ginawa ko para sa pangarap ko na binabalewala mo lang! Pangarap ko palang yan! Wala pa yan sa kalingkingan ng lahat ng inagawa mo sa akin!!!!"

"Ate..."

"At alam mo ba kung ano ang masakit sa lahat? Yung ako yung nagmumukhang masama lagi! Ako lagi! Ikaw kasi, ang amo amo ng mukha mo! Ang ganda ganda mo kasi sa panlabas at panloob! Lagi nalang ikaw ang mukhang kawawa! Lagi nalang ako ang mukhang masama! Lagi nalang ikaw ang bida sa paningin nilang lahat!—

"Alam mo, nagisisi ako na dinala pa kita sa hospital! Sana di nalang kita dinala sa hospital! Sana di ko nalang binayaran bills mo! Sana hinayaan nalang kitang mamatay doon!!!" sigaw niya na tila ikinagulat ko.

"Ikaw ang nagdala sa akin... sa... ospital..." tumulo ang luha ko.

"Oo ako! At pwede ba, huwag mo akong iyak iyakan! Magmumukha ka nanamang bida! Magmumukha nanaman akong masama! Please lang! Sawang sawa na ako!"

"Ate naman..."

"Pero since tingin naman nilang lahat sa akin ay ako yung masama, napag-isip isipan kong panindigan nalang ito. Para naman magkaroon ng hustisya yung mga tingin ng mga tao sa akin hindi ba?" tinasaan niya ako ng kilay. Biglang nakaramdam ako ng masamang balita. Diyos ko huwag naman sana.

"Ate... anong ibig mong sabihin?!" tanong ko.

"Haha! May mga ginawa lang naman ako ng tila ikahuhulog ng mundo mo! Bakit? Hindi pa ba nasasabi sa iyo ni Shibama? Kala ko ba close kayo? Mukhang nasa akin na uli ang loyalty niya ah. Paano ba yan?" nagsmirk siya. Pero hindi umabot sa mata niya ang ngiti.

"Hindi kita maintindihan ate." Pagsasabi ko ng totoo.

"Gusto ko sanang gawing surprise ito sa iyo pero excited na rin naman akong sabihin sa iyo kaya sasabihin ko nalang nga as early as now." Nakasmirk pa rin siya.

"Ano ba kasi yun?!" medyo may pagka-naiirita ko nang tanong.

"Tinanggal ko na nga pala yung Dean na sumusuporta sa scholarship mo. Masyado na kasi siyang epal eh. Well, kung natanggal na siya, it means, bye bye scholarship na din, right? Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi pa sinasabi sa iyo ni Shibama na last week mo na sa ECB eh."

"A-Anong sinabi mo?" gulat kong tanong.

"You heard it right sissy. Kung ako sa iyo, mag-simula ka nang mag-impake pabalik diyan sa walang kwenta mong probinsya. Wala ka nang lugar dito sa ECB! Wala ka na ring lugar dito sa Maynila!" sabi niya. Pinanlakihan niya ako ng mata.

"N-Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Ate anong klaseng demonyo ba yang sumapi sa iyo para gawin mo ito sa akin? Ate wala akong ginagawang masama sayo! Ni hindi nga kita pinapakialam sa buhay mo eh!!!"

"Oo naririnig ko ang mga sinasabi ko. At unfortunately final na ang decision ko. Hindi na magbabago pa. Kaya kung akala mo na madadaan mo ako sa paiyak at paawa effect mo. Think twice."

"Oo sige! Aalis ako! Pero huwag mo naman sanang idamay pati si Dean!" pakikiusap ko na sa kanya. Ayokong may madamay! Please!

"Umalis na siya since last week. Hindi ka talaga iniinform ni Shibama noh?"

"G-Grabe ka!"

"At si Shibama nga pala, aalis na siya sa pipityugi niyong dorm. Babalik na siya sa condo with me. Ako kasi yung tunay naman talaga niyang amo hindi ba? Nasawa na daw kasi siya sa buhay niya with you. Ayaw daw niya maging mahirap forever kasama ka. Kaya ayun, he decided to come back to me. And syempre, his loyalty with always be mine too." Natatawa niyang sinabi. Parang ang liit liit lang na bagay nito sa kanya kung sabihin niya ito at sa tono ng boses niya ngayon, parang hindi talaga big deal.

"Hindi yan gagawin sa akin ni Shibs.." napailing ako. Hindi naman talaga gagawin yun ni Shibama sa akin eh. Hindi!

"Haha! Too late, Ynna! Nagawa na niya."

"H-Hindi..."

"Whatever! Diyan ka na nga! Bye! Forever! Hahahaha!"

Pagkaalis ni ate Janina ay tila nanghina na lahat lahat sa akin. Napaupo nalang akong bigla sa sahig habang pinupunasan ang luha ko. Ang dami niyang sinabi. Hindi ko maabsorb lahat sa isang bigayan lang. Parang nasasakal ang pakiramdam ko. Wala pa akong makapitan o makausap man lang. Kapag ganito kasi kay Shibama mo lang sinasabi ang mga problema ko, pero ngayon, kanino ko sasabihin gayong tungkol na kay Shibama ang lahat lahat? Kay Sky? Eh wala naman si Sky ngayon.

May malaking bahagi sa akin na hindi naniniwala na magagawa sa akin yun ni Shibama. Mahal ako ng baklang iyon kahit ganito lang ako. Marami kaming pinagsamahan na magpapatunay na hindi niya ako lolokohin. Pero may parte rin sa akin na nagsasabi na paano kung napapagod na rin siya sa buhay kasama ko? Paano kung ayaw na niya doon sa maliit na dorm kung saan pinagkakasya namin ang aming mga sarili? Paano kung nagtitiis lang pala siya doon?

Sa ngayon, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Parang ang sakit sakit ng pakiramdam ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko. Nahihilo ako. Kailangan ko ng tulong. Hindi ko kakayaning makauwi ng ganito ang lagay ko.

Ilang minuto din akong nakaupo lang sa sahig nang may napansin akong pigura ng isang babaeng papalapit sa kinaroroonan ko. Siguro ay may naawa na rin sa itsura ko kaya may nagdesisyon na ring tulungan ako. Nanghihina na kasi talaga ako eh.

Medyo nanlalabo ang paningin ko kaya naman ay hindi ko siya namumukhaan. Hindi ko siya namukhaan agad. Pero nang nakilala ko na siya dahil sa mala demonyo niyang ngiti, doon nagtayuan ang mga balahibo ko. Hindi ako handa makipagsabakan sa kanya ngayon! Huwag naman ngayon. Hindi ko kaya.

Farrah Alonzo.

Nilapit niya ang mukha ko sa mukha niya habang nakangiting aso at nakasabunot sa buhok ko.

"How are you?" tanong niya.

"Please Farrah! Huwag ngayon." Pakiusap ko sa kanya.

"Eh paano ba yan? Gusto ko ngayon eh." Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakasabunot niya sa buhok ko.

"Please..."

"So kamusta naman ang drama niyong mag-ate? Nakakatawa kayong panuorin. Grabe! Hahahaha!"

"Nandun k-ka?"

"But of course! Ako kaya ang nagset up nun! Ako lang naman ang nagtanim ng lahat ng sama ng loob ni Janina. Di ba tinatanung mo kay Janina kanina kung sino ang demonyong sumapi sa kanya? Well, here I am!" masaya pa ang pagkakasabi niya. Proud pa talaga siya na siya yung demonyo. Wala na. Baliw na ito.

"A-Ang sama mo..."

"Umpisa palang yan, Alynna. Meron pa akong mga surpresa sayo na tiyak na ikamamatay mo. Nakakaexcite noh?" masaya niyang tanong sa akin. Bruha.

"Kakarmahin ka din..."

"I don't care."

"Kung akala mong susuko na ako dahil sa ganyan ganyan lang. Nagkakamali ka." Pinagbantaan ko siya kahit na nanghihina na ako sa mga nalaman ko.

"As expected from you. Kaya nga sinabi ko sayo 'di ba na umpisa pa lang yan? We are just getting started, Alynna!"

"Kung sa tingin mo mapapauwi mo ako ng Bohol dahil tinanggal niyo si Dean at ang scholarship ko, nagkakamali ka. H-Hindi ako uuwi ng Bohol hanggang hindi ko ayos ang sa amin ni Shibama at ng ate. Magbabayad ka Farrah. Hindi pa ako tapos sayo." Buong lakas ng loob kong sinabi. Ginamit ko na yata lahat ng lakas na natitira pa sa akin para lang masabi ko ito sa mukha ni Farrah na tila matapang pa rin ako kahit na sa totoo, hinang hina na ako kanina pa.

"Ang kapal mo rin talaga eh noh! Probinsyana ka!  Doon ka bagay sa probinsya mo! Huwag kang makigulo dito sa Maynila!" sigaw niya sabay sampal pa sa akin. Ugh!

"Wala kang pakialam." Mahina kong sinabi.

"Aba't matibay ka talaga ha! Buti nalang may isa pa akong baon na tila hindi na magpapakatibay sa iyo. Siguradong pagkatapos mo itong marinig, baka gustuhin mo nalang a magpakamatay nalang."

"Tigilan mo na ako please."

"Actually gusto ko sana sa susunod ko pa ito iparinig sa iyo. Pero since ginalit mo ako ng kaunti ngayon, edi ipaparinig ko na sayo. Para 2 in 1 na ang sakit mo ngayong araw. Para deads agad! Happy ending!"

"Tss."

Iniwas ko nalang ang tingin ko kay Farrah. Wala na rin naman akong mapapala pa sa kanya. Lalo ko lang inuubos ang enerhiya ko kapag pinatulan ko pa siya. Buti nalang din ay inalis na niya ang kamay niya sa pagkakasabunot sa akin. May aasikasuhin yata siya sa bag niya. At least di ba nakapagpahinga na rin yung anit ko.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong may hinahalukay si Farrah sa dilaw niyang hand bag. Hinahanap niya yata yung kanina pa niyang sinasabi na ipaparinig niya sa akin. Sa totoo lang, sa lahat ng sakit na dinanas ko kay ate kanina, feeling ko wala nang mas sasakit pa doon. Yun sabihan ka ng ate mo ng mga ganung kasasakit na bagay? May mas sasakit pa ba doon?

Kaya kung ano man yang inihanda pa ni Farrah. Pakiramdam ko ay hindi ko na rin yan pagtutuusan pa ng pansin. Ang mas nasa isip ko ngayon ay ang relasyon namin ni ate at ni Shibama. Kailangan ko ng magandang paliwanag sa mga ito. Kailangan ko ng mga kasagutan sa marami kong mga katanungan.

Nang nahanap na ni Farrah ang kanina na niyang hinahanap sa bag niya, ngumiti nanaman siya ng parang demonyo.

"Here it is!" tinaas niya ang isang voice recorder na mukhang lumang luma na. Medyo madumi kasi ito.

Tinignan ko nalang siya ng walang gana. Wala na kasi talaga ako sa mood na magsalita pa lalo na kung ang kausap mo ay hindi naman worth it pagsayangan ng laway.

"Are you ready, Alynna?" hinaplos haplos niya ang ulo ko na parang isa akong aso. Inilayo ko ang tingin ko sa kanya.

"Just tell me when you are ready!" dagdag pa niya. Kitang kita sa mukha niya na sobrang excited siya.

"You ready?" kulit pa niya ulit. Hinawakan niya ang baba ko na tila kinainis ko na ng tuluyan.

"Tigilan mo nga ako!" sigaw ko sa mukha niya.

"Fuck you! How dare you shout on me! Ang tigas mo ngayon ah. Tignan natin kung maging matigas ka parin pagkatapos mong marinig 'to!" galit niyang sinabi bago niya pinplay ang recording sa voice recorder na hawak hawak niya.

Parang biniyak ang puso ko.

Ang akala ko rin nung una ay matigas ako na hindi ako kaya patumbahin ni Farrah ng ganun ganun nalang. Pero nang narinig ko ang recording, parang biglang nawalan na ng saysay ang buhay ko dito sa mundo. Nawalan na ng saysay ang lahat ng mga ipinaglalaban ko.

Tumulo nalang ang luha ko ng parang gripo habang si Farrah naman ay grabe kung makatawa habang pineplay niya yung recording.

Hindi ko lubusang maisip kung paano nangyari iyon. Hindi ko rin lubusang maisip kung saan nakuha ni Farrah ang recording na iyon. Hindi ko alam kung kailan nila pinag-usapan iyon. Lumalabas na marami pala akong hindi alam. Ang buong akala ko ay wala silang sinisikreto sa akin, pero isang malaking pagkakamali lang pala ang lahat ng iyon. Isang malaking kalokohan. Ang buong stay ko sa ECB, isang malaking kalokohan.

Sobrang sakit na nga sa pakiramdam ko na nag-away nanaman kami ng ate ko kanina, sobrang sakit din nung nalaman kong pinatalsik niya ang wala namang kasalanang si Dean. Pero grabe, may mas sasakit pa pala dun. Sana namatay nalang ako kaysa sa narinig ko ang recording na ito.

Sa unang pagkakataon, tama nga si Farrah.

Kailangan ko nang bumalik sa Bohol.

***

[Voice Record]

Sky: Hahahaha well.

Erick: Lakas mo pre!

Dwight: Idol! Galing ah! Kinantahan mo pa siya!

Sky: So what is our next plan?

Erick: Jowain mo!

Dwight: oo go! Jowa! Jowa!

Sky: Haha! Poor Ynna! I'll make here fall in love with me. Really hard. And then after that, I'll leave her crying. Damn, I am excited!

Erick: Wear a couple shirt!!!

Sky: yuck.

Dwight: Magpatattoo kayo ng name niyo sa isa't isa! Yung kanya totoo, kung sayo henna tatt lang! hahahahaha! Tapos pagtawanan mo siya after! Hahahaha!

Sky: Sounds cool.

Erick: Tapos dalhin mo siya sa tambayan! Sigaw kayo sa hangin ng mga I love you. Hahahaha tangina ang corny!

Sky: Damn! Hahahaha!

Dwight: tapos iukit mo sa puno yung name niyo! Tangina! Hahahaha! Parang movie!

Sky: I'll do that. Sounds exciting.

Sky: And I'll also give her a hickey. Hahahaha. A hickey that she cannot hide!

Erick: Mga ilan?

Dwight: Sampu!! Hahahaha!

Sky: hahahahaha!

Sky: Now I am excited!

Dwight: OPLAN make Ynna fall for Sky!

Erick: Let's bring it on!

Sky: Yeah!

Dwight: Whoooooo!

[End of Voice Record]