Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 52 - Chapter 46 - Thrill

Chapter 52 - Chapter 46 - Thrill

A/N

MWG is hiring for OPs. As of now: Alynna, Janina, Sky and Farrah palang ang may accounts. Tweet @imjaninanicole on Twitter (Ay, malamang :P) if you are interested. Discuss with her nalang din your character na gusto i-operate. Thankies!

533K reads! Oh my G!!!! Super thanks, my loves!!! Hihihi :3 Wavyuuu! ^.^

Mhariz ♥ / Next update: March 22 (Sorry for slow UDs, adjusting pa po ako sa worksched. Graveyard kasi ako. Kaya lagi madaling araw din ang UDs. Haha!)

--

• ALYNNA MARIE PAREDES •

“EEEEEEEEKKKKKKK” paulit-ulit kong sigaw paglabas na paglabas ni Sky sa hospital room ko.

Sabihan ba naman ako ng ‘I love you’? Sino bang hindi kikiligin dun? Lalo na at kay Sky pa nanggaling? Grabe! Tagos sa bones! Hindi ko talaga maalis yung ngiti sa mukha ko. Feeling ko tuloy ako na ang pinakamagandang babae sa buong mundo ngayon. Walang sinabi ang beauty nila Marian Rivera at Taylor Swift sa akin. Ha! Hahaha! Ang yabang ko talaga!

Pero grabe kasi talaga eh. Buti nalang pala at hindi ako sumuko sa lahat ng pagpapaamo ko kay Sky. Kasi sobrang naging worth it talaga. Magkaayos na kami ngayon at nag-aaylabyuhan na kami ulit. Bwahahaha!

“Bwahahaha!” tawa ko mag-isa habang nasa hospital bed pa rin. Kahit na parang akong halimaw na ewan sa tono ng tawa ko ay wala akong pakialam. Ako lang din naman ang tao dito sa kwarto eh. Tinatawag palang naman kasi ni Sky sila papa sa canteen eh. At ang pagkakaalam ko ay malayo pa dito sa floor ko ang canteen kaya malamang mamaya maya pa konti sila dadating.

“Bwahahahaha!” tawa ko pa din. Tawa ng tagumpay.

“Bwahahahaha!” Tawa pa rin. Tinaas ko pa ang dalawa kong kamay na para bang nakuha ko na ang kapangyarihan ng buong mundo.

“Bwahahahahahaha!” tumayo na ako sa kama ko at umikot-ikot habang nakataas ang dalawang kamay.

“Bwahah---“

“Ynna!” sigaw ng kung sino na tiyak na ikinagulat ko kaya naman…

*BOOOM KABLOOOG BRRRSHSKK*

“Arrraaayyy!!!” sigaw ko. Nahulog ako sa kama! Hilong hilo pa ako kakaikot ko. Ano ba yan!

“Hahahaha! Ikaw naman kasi, ano bang ginagawa mo?” si Dave. Siya pala ang dumating. At ang hinayupak, pinagtatawanan pa ako!

“A-Aray….” Daing ko. Hindi ako makagalaw. Paano ba naman kasi? Kakaikot ko kanina ay pumulupot pala sa akin ang mga kung ano anong  dextrose at iba pang nakasabit sa akin. Parang tuloy akong kinidnap at itinali ni Dave sa itsura ko ngayon. At pinagtatawanan pa ako ng kidnapper!

“Iba ka rin talaga eh noh? Hahahaha!” halos hindi na siya makahinga kakatawa sa itsura ko. Imbis na tulungan ako ay tumatawa pa! Sana pasukan ng langaw yang bibig niya!

“Eh kung tulungan mo muna kaya ako?” medyo galit kong sinabi sa kanya. Kainis eh.

“Oo na! Hahahaha! Benta ka talaga lagi sa akin, Ynna!” sabi niya habang tinutulungan akong paikot-ikutin.

Nang nakawala na ako sa pagkakatali ko sa sarili ko ay hindi muna ako umakyat pabalik sa kama. Hilong hilo na kasi ako. Umupo muna sa ako sa sahig at ganun din si Dave. Kaya ang itsura namin ngayon ay parang mga yagit na nakaupo sa sahig. Kung may pumasok na nurse ay tiyak na pagkakamalan kaming baliw kasi bakit kami nakaupo sa sahig eh ang dami dami namang upuang bakante sa nilaki laki nitong kwartong ito. Buti wala namang pumapasok.

“Bakit ngayon ka lang dumalaw?” tanong ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ngayon lang siya nagpakita. Hindi ko rin kasi napansin kanina na wala siya eh.

“Secret.” Nagsmirk siya. Bruhildong ‘to! Kung ayaw mong sabihin, edi wag! “Ikaw ang tatanungin ko, okay na ba kayo ni Sky?”

Tumango ako.

“Good. Sa susunod ko na ikwekwento kung bakit ako na-late. Pero promise, ikwekwento ko yun.”

“Siguraduhin mo lang ha!” tinaasan ko siya ng kilay.

“Oo nga! Akin na nga at bubuhatin na kita pabalik sa kama. Baka abutan pa tayo ng mga nurse dito.” Aniya sabay buhat agad sa akin. Ni hindi man lang ako tinanong kung okay ba sa akin o ano eh. Nagpaubaya nalang ako. Wala na akong magagawa eh, buhat na niya ako eh.

At nasabi ko na bang mga hari ng wrong timing sila Dave at Dwight? Kasi naman, saktong pagbuhat niya sa akin ay ang mismong pagbukas ng pinto ni Sky at malamang nakita kami ni Sky at ng lahat ng kasama niya galing sa canteen sa ganoong posisyon. Buhat ako ni Dave – bridal style.

Kitang kita ko agad ang panlilisik ng mata ni Sky at ni papa at nilang lahat. Sa kaba na rin siguro ni Dave ay bigla ba naman akong binitawan kaya naman nahulog ako bigla sa kama. Ang lakas ng impact! Ganun ba ako kabigat?

Muntik pang sugurin ni Sky si Dave sa pagkakabitaw niya sa akin pero naharangan naman agad siya ng mga miyembro ng The Vengeance. Awkward ang naging pagmumukha ng lahat ng tao sa kwarto. Alam ko nang iba ang iniisip nila. Lalo na si Sky. Magpapaliwanag nalang ako mamaya. Hay nako talaga, Dave.

Ilang sandali lang ay nakareceive ako ng text galing kay Sky. Katabi ko lang sa kama ang aking cellphone kaya naman nabasa ako agad ang nakasulat.

Sky Anderson:

Did Dave also washed you?

Alynna Paredes:

Hindi noh!

Sky Anderson:

I don’t believe you. You are gonna pay for what I saw.

Magrereply pa sana ako pero kinausap kami ni papa.

“Oh anak Ynna at Sky, nakapag-usap na ba kayo? Ayos na ba kayo?” tanong ni papa sa amin.

“Oo papa!” / “No.” sabay naming sagot ni Sky. Napakunot tuloy ang noo ni papa. Hindi niya alam kung sino sa amin ang paniniwalaan niya.

Sasagot pa sana ako muli kay papa pero umalingasaw naman agad ang boses ni King sa kwarto na kumuha ng atensyon naming lahat.

“Nasaan si Ash?” malakas ang boses na pagkakatanong ni King.

Oo nga noh? Hindi nila kasamang bumalik si Ash. At si… OMG.

“Ah si Ash? Naiwan sa canteen. Nire-rape ni Shibama! Hahahaha!” tawang tawang sinabi ni Dwight.

Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Dwight. Kawawa naman si Ash, pero nakakatawa talaga. Pati si papa ay natawa na rin kaya naman nalimutan niya na siguro ang pinag-uusapan namin. Nang napatingin naman ako kay Sky, natatawa rin siya. Pero nang nakita ni Sky na nakatigin ako sa kanya ay biglang itinigil niya ang tawa niya at biglang naging seryoso. Huh?

Ilang minuto pagkatapos noon ay may punit punit na damit na Ash na pumasok sa hospital room ko. Sira sira talaga ang damit niya lalo na doon sa part kung saan nakalagay ang abs niya. Ang wild talaga ni Shibama. Mabilis na sinara ni Ash ang pintuan ng hospital room ko para hindi makapasok ang nagtitiling si Shibama. Pero hindi niya ito tuluyang naisara, napigilan ito agad ni Shibama kaya naman naglalabanan ang lakas nilang dalawa sa kung maisasara ba o maibubukas ang pintuan.

“Ash baby!!! Let me in!!!” tili ni Shibama. “We are not yet over!!!”

“No!!!” sagot ni Ash sa kanya.

At dahil lalaki pa rin si Shibama, at may muscles pa rin si Shibama, natalo niya si Ash at tuluyan na siyang nakapasok sa kwarto. Nag-ikot ikutan pa sila ni Ash sa hospital room hanggang sa tumakbo na muling papalabas si Ash na sinundan naman agad ni Shibama. Wala na ulit sila sa kwarto.

Ang mga kaibigan ni Ash ay hindi man lang tinulungan si Ash. Pinagtatawanan lang nila ito. Chini-cheer pa nila si Shibama. At itong kapatid ni Ash, pinagtatawanan lang din ang kuya niya. Nang nakita na naman ni Sky na pinanunuod ko siyang tumatawa sa kuya niya ay bigla nanaman siyang nagshift ng mood. Sumeryoso nanaman ang mukha niya at pinanlilisikan nanaman niya ako ng mata.

Bipolar. Problema nun?

***

Nagdaan ang mga oras at nagpapanggap lang akong tulog. Bukas na ang labas ko sa ospital kaya naman ay inutusan ako ni papa na matulog na muna at magpahinga. Sa susunod nalang daw kaming mag-uusap na tatlo ni Sky. Pinilit ko namang matulog noong una kaso ayaw talaga eh. Hindi naman ako nakainom ng kape pero dilat na dilat ako sa ilalim ng kumot ko. At ang tenga ko? Rinig na rinig ang lahat ng pinag-uusapan ng mga nagbabantay sa akin.

Nagkwekwentuhan sa malayong bahagi ng kwarto ang The Vengeance  at sila papa nang subukang kausapin ni Caloy si Sky. Manipis lang ang kumot ko kaya naman ay natatanaw ko pa rin na kasama ni Caloy si Merylle. Silang tatlo lang ni Sky ang naririto sa bahaging malapit sa akin ngayon.

“Sky, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Caloy.

“Sure.” Sagot ni Sky.

“Sky, gusto ko lang sana maayos na yung sa ating tatlo ni Ynna. Pasensya na noon sa mga nagawa ko. Gustong gusto ko lang talaga si Ynna na mapa saakin noon eh. Obsessed yata ako sa kanya nun.”

“It’s very clear that you're obsessed.”

“Pero Sky, hindi na ako manggugulo sa inyo ngayon ni Ynna. Marami akong narealize na mga bagay bagay noong nasa Bohol ako. Napagtanto ko na mahal na mahal niyo pala talaga ni Ynna ang isa’t-isa. At napagtanto ko rin na si Merylle pala talaga ang mahal ko.” Sabi ko Caloy sabay hawak niya sa kamay ni Merylle. Sinasabi ko na nga ba at sila na!

“That’s good.” Sagot ni Sky. “So we’re good then?”

“Oo, bro.”

“Mas bagay nga kayo. Kasi mas bagay kami ni Riri.” Kahit malayo at hindi ko nakikita ang reaksyon ni Sky dahil sa kumot ay alam kong naka-smirk siya! Medyo kinilig din ako ng konti dun. Hehe. Landi. Err.

“Haha.” Natawa nalang si Caloy sa sinabi ni Sky.

Mukhang okay na sila. Buti naman. Unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ko – na maging okay na ang lahat sa amin. Nawa’y maging maayos na talaga ang lahat ng mga relasyon namin sa isa’t-isa. Hindi na ako makapaghintay na maging mapayapa na ang buhay naming lahat.

Pagkatapos ng ilang pagchichikahan nila doon sa malayong parte ng kwarto ko ay nakita kong naglakad si Austin, Dave at si Viel papunta kung saan naroroon sila Caloy, Sky at Merylle. Halatang halata na pinagtutulakan ni Austin at ni Viel si Dave para kausapin nito si Sky. Lumayo naman agad ang magka-holding hands na si Caloy at Merylle. Mukhang nakuha na nila ang gustong iparating ni Austin at ni Viel. Gusto nilang magka-usap na at magka-ayos na sila Dave at Sky.

Awkward na medyo nakakatawa ang sitwasyon nila doon. Pinagtabi ba naman sila sa sofa yung dalawa. Sinusubukang kausapin ni Dave si Sky pero mukhang hindi niya makukuha si Sky ngayon sa sumpong nito. Lalo na’t nahuli pa niya kami kanina na buhat buhat ako ni Dave. Gusto kong sabihin kina Austin at Viel na huwag nalang ngayon pero hindi nga pala pwede dahil nagpapanggap nga lang akong tulog.

“Sky, let’s talk…” panimula ni Dave.

Walang sagot.

“Sky.. come on.”

Walang sagot.

“Sky… bro”

Walang sagot.

“Edi wag.” Sabi ni Dave sabay walk-out. Bumalik na siya doon sa malayong parte ng kwarto kasama nila papa.  Alam kong nag-make face pa siya kay Sky kaya naman napalingon si Sky. Nako talaga itong si Dave! Lalo lang niyang pinapalala eh! Alam naman niyang pikon na pikon sa kanya ngayon yang si Sky eh! Hayst! Ewan!

Susundan sana nila Austin at Viel si Dave pero nagsalita naman si Sky.

“Aus, we need to talk.”

“Regarding?” tanong ni Austin.

“Regarding your Arlene Salviera’s ugly attitude.”

“What?!” si Austin. Galit.

“Woah woah woah! Chill there!” pag-aawat sa kanila ni Viel. Mukhang nagkakainitan na sila kaya naman hindi ko namalayang wala na pala ako sa ilalim ng kumot ko. Sa sobrang chismosa ko ay bigla ko nalang nahawi ang kumot para tignan ng malinaw kung ano na ang ganap.

Lahat sila ay napatingin sa akin. Nagpanggap nalang akong humihikab na tila kagigising lang. Sana maniwala sila. Pero sa laki ng mata ko noong hinawi ko ang kumot, ay halatang hindi talaga ako natutulog. Pero sinubukan ko nalang din, nagbabakasakaling mauuto ko pa rin silang lahat.

Paulit ulit akong pekeng humihikab. Wala man lang bumabati sa akin. Mga bastos na ito. Ni hindi man lang sila mag-goo-good afternoon o ano? Lahat sila ay nakatingin lang sa akin na para ba akong isang mahiwagang gamit na ngayon lang nilang lahat na nakita. At may twist pa! Lahat sila ay unti-unti nang natatawa! Waaaa! Ganun ba ako kahalata?!

Lumapit na si papa sa akin dahil siguro ay naramdaman na niya na kailangan ko na ng tulong sa pagpapanggap na ginagawa ko. Buti nalang talaga at kilalang kilala na ako ng papa ko at laging to the rescue siya kapag kailangan ko siya.

“Anak” panimula ni papa. “Di ba sinabi kong matulog ka?” natatawa si papa. Oh no.

“Natulog naman ako papa ah. Kakagising ko nga lang eh.” Sagot ko. Gumawa ulit ako ng pekeng hikab.

“Pekeng hikab? Ni hindi man lang namaga ang mata mo sa pagtulog?” natatawa pa rin si papa. Pati na rin silang lahat. Pinahihiya ako ni papa!!! Ang akala ko irerescue niya ako!!!

“H-Hindi noh!”

“Anak, halatang nagpapanggap ka lang. Matulog ka na nga.” Ginulo ni papa ang buhok ko at tinakluban ulit ako ng manipis na puting kumot.

Rinig ko pa rin ang tawanan nilang lahat. Nakakahiya talaga. Hindi talaga ako pwedeng maging artista. Lagi nalang palpak eh. Pero at least, natigil yung muntik nang pag-aaway nila Austin at Sky. Che!

Paano ko nga ba nalaman na pumalpak talaga ako sa pagkakataong ito?

Kasi pati si Chase na boy simangot at boy no talk, napa-halakhak.

Makatulog na nga! Hmp!

***

Gabi na nang nagising ako.

“Ang haba naman ng tulog mo, anak.” Si papa ang sumalubong sa aking pagdilat. Ang gwapo talaga ng papa ko.

“P-Pa, anong oras na?” tanong ko habang humihikab. Yung totoong hikab na ha.

“8PM”

“Hala? Aalis ka na?” tanong ko. Naalala ko kasing ngayong gabi nga pala ang balik nila papa sa Bohol kasama sila Caloy at Merylle.

“Oo, anak.”

Tumayo ako at inalalayan ako ni papa. Niyakap niya ako at nagbigay siya sa akin ng mga advice sa pamamagitan ng pagbubulong. Sinabihan niya ako na mag-aral ng mabuti at huwag masyadong magdikit dikit kay Sky kahit maayos na kami kasi hindi naman daw namin alam kung kailan kami dadapuan ng temptasyon. Syempre ay tumango ako. Yun din naman talaga ang layunin ko. Mga bata pa kami ni Sky at dapat lang talaga na ang pag-aaral ang mga priority namin.

“Siya nga pala, ano nga palang nangyari sa pag-uusap niyo ni Sky?” tanong ni papa sa amin ni Sky. Oo nga pala’t naudlot ang pag-uusap namin kahapon dahil sa eksena ni Shibama at Ash.

Sasagot sana ako na okay na kami pero naunahan akong magsalita ni Sky. Hayup ka, Sky!!!

“Something smelly happened.” Sabi ni Sky at naka-demonic smirk pa!!! Waaaaah!!! “May pasabog ang anak niyo.”

“Walang pasabog! Walang nangyari!!!” depensa ko. Nanlalaki ang mga mata ko. Grabe ka, Sky! Grabe ka, ang sama sama mo!

“Mukhang alam ko yun ah.” Sabi naman ng natatawa na ding si Caloy. Waaaa! Sigurado akong nagets agad yun ni Caloy. Madalas kasi akong tumae sa harapan niya noong bata pa ako eh. Alam niya na habit ko yun noon pa! Nagets niya agad yung sinabi ni Sky! Huhuhu!

“Wala ngang nangyari!” pagdedepensa kong muli. Alam kong namumula na ang mukha ko. Simula nung napunta ako sa ospital na ito ay lagi nalang akong napapahiya! Nakita kong natatawa na rin si papa! Kung si Caloy nga ay nagets agad, si papa pa kaya?

“Don’t worry, baby. I’ll buy you t-backs soon para naman hindi ka na gumamit ng lampin? Or was that a sack? It's was too big for a panty.” natatawang sabi ni Sky. Nakitawa na rin ang lahat sa sinabi ni Sky. Pati si Chase ha!!! Nangangamatis na ang mukha ko sa sobrang kahihiyan! Bakit ba nila ginagawa sa akin ito?! Ano bang kasalanan ko sa kanila?!

Tinext ko agad si Sky.

Alynna Paredes:

Hoy bruho ka ang sama sama mo bakit mo sinabi sa kanila yun! I hate you!!!

Sky Anderson:

Serves you right. Gantihan lang.

Alynna Paredes:

Ano kamo? Bakit mo ako ginagantihan?? Wala naman akong ginagawang masama!

Sky Anderson:

Dave.

Grr! Kainis! Ang babaw talaga ng dahilan ni Sky. Dahil lang doon kanina sa pagbuhat nanaman ni Dave?! Hay nako! Humanda siya sa akin mamaya at hindi ko talaga siya papansinin kapag kinausap niya ako. Huhu! Pero hindi pala pwede, kakaayos lang namin tapos mag-aaway nanaman kami? Pero kasi eh! Nakakainis talaga siya eh! Waaaa! Ang unfair unfair naman ng kalawakan!!!

Ilang sandali pa ay nag-paalam na sila papa, Merylle at Caloy sa amin para mag-check in na sa airport. Niyakap ko silang tatlo bilang pamamaalam. Medyo awkward pa rin pagdating kay Merylle pero keri na kumpara sa dati. At dahil gabi na rin at bukas pa ako makakaalis sa ospital, nagpaalam na rin ang mga miyembro ng The Vengeance isa isa sa akin. May mga trabaho at klase pa raw sila bukas. Oo nga. May ilang araw na rin pala akong absent dahil na-dengue ako. Tumango nalang ako sa kanila at kinawayan sila habang isa isa silang lumalabas na sa pinto.

Lahat sila ay kumaway lang sa akin bago lumabas ng pinto pwera lang kay Dave na hinalikan pa ang pisngi ko bago umalis. Pagkatapos niyang halikan ang pisngi ko ay binangga pa niya ang balikat ni Sky tapos tumawa pa siya ng malakas. Anong problema nun? Hinahamon ba niya si Sky? Pinipikon ba niya si Sky? Hindi ba dapat ay nakikipag-ayos siya dito? Anong nangyari?!

Nang binalik ko ang tingin ko kay Sky ay nanlilisik talaga ang mga mata niya. Lagot na. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa ako nakalibing. Kaming dalawa ni Dave. Siguro ay napikon din si Dave dahil hindi man lang siya kinausap ni Sky kanina kaya naman ngayon ay inaasar niya ito. Hay, buhay, bakit ba kasi ang taas taas ng mga pride ng mga lalaking ito?

Napagtanto ko na kaming dalawa nalang pala ni Sky ang nasa loob ng kwarto ko. Nasaan na si Shibama? Ang alam ko kasi ay si Shibama talaga ang makakasama ko ngayon hanggang bukas sa pag-alis ko na sa ospital. Bilin iyon ni papa. Ayaw kasi ni papa na si Sky ang maiwan sa akin dito - pero iyon na nga ang nangyari.

“N-Nasaan si Shibama?” tanong ko kay Sky kahit nanlilisik ang mga mata niya. Bahala na. Hindi naman niya siguro ako gagawing battered girlfriend. Hehehe.

“He is still chasing Ash.” Walang reaksyon niyang sinabi.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sagot ni Sky. Eh kanina pa kayang umaga simula nung sinimulang habulin ni Shibama si Ash. Ibig-sabihin ay hanggang ngayon ay nag-hahabulan pa rin silang dalawa? Kawawa naman si Ash!

“Tatawagan ko lang si Shibama.” Sabi ko.

“No phones allowed.” Nagulat ako nang biglang kinuha sa akin ni Sky ang aking cellphone. Kumunot ang noo ko at tinignan ko siya.

“Kailangan kong tawagan si Shibama.” Sabi kong muli.

“And why?”

“K-Kasi sabi ni papa siya daw ang magbabantay sa akin ngayon hanggang umaga. Bilin iyon ni papa.”

“I will do it.”

“Hindi pwede, S-Sky. Sabi ni papa si Shibama eh.”

“You dad just left Manila.” Naka-smirk niyang sinabi. Waaa! Ang gwapo!

“P-Pero kawawa rin kasi si Ash. Kawawa---“

“Ash is now an adult. Of course he can handle himself.”

“Pero Sky paano ka makakauwi? May pasok ka pa kaya bukas. Kailangan mo nang umuwi.”

“I don’t want to.” Lumapit siya ng kaunti sa akin. Oh no. Eto na.

“Eh, h-hindi ka ba naaawa kay Ash?”

“Do you like Ash?” seryoso niyang tanong. Pinanliliitan niya ako ng mata!

“A-Ano? Hindi noh! Concerned lang ako syempre k-kaibigan ko pa rin siya! At kapatid mo siya!” sagot ko.

“So it’s Dave then?”

“Sky naman! Ikaw nga lang ang gusto ko eh. Si Dave, friend ko lang yun.”

“You’re mine?” tanong niya. Lumapit muli siya ng konti sa akin.

“Oo nga.”

“Really?”

“Oo nga eh. Ang hirap mo kayang ligawan! Kailangan pa magka-dengue ako para sabihan mo ako ng ‘I love you’. “ nagpout ako. "Hmp!"

Tumingin si Sky sa lips ko nung nag-pout ako at kita kong kinagat niya ang labi niya. Okay lang sana kung ganun lang eh. Pero hindi lang iyon ang ginawa niya, dahil unti-unti rin siyang gumapang sa hospital bed kung saan ako nakahiga ngayon. Ang itsura namin ngayon? Nasa taas ko siya ngayon. At nakasmirk siya! Waaa! Kung sino mang demonyo ang sumapi ngayon kay Sky, lubayan niyo siya!!! Utang na loob!!!

“Me saying ‘I love you.’ doesn’t mean were already okay.” Sabi niya.

“A-Ano?” sabi ko naman. “At huy anu ba, bumaba ka nga. Baka may makakita sa atin na nurse na ganito ang posisyon natin! Baka kung ano pa ang isipin!” bulong ko sa kanya.

“That’s what I actually like to try. The thrill of having a secret lover like this and the challenge of not getting caught by the nurses.”

“A-Ano?” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Ano raw?!

“That’s why I said that we are not yet okay. Because I want you to be my secret lover for tonight.” Smirk pa! Sige!

“N-Niloloko mo ba ako ha? Sky? Napasobra na yata ang panunuod mo sa Two Wives! Magtigil ka nga sa panunuod ng mga ganyang palabas!”

“Come one, baby. Let’s just try it for tonight. Tomorrow, be my girlfriend. Tomorrow, I’ll court you. But tonight, you are my secret lover.” Ang sexy ng boses ni Sky sa pagkakasabi niya noon. Parang nalasing ako sa tono ng boses niya. Ano ba yan! Waaaa! Ang controlling ng boses niya! Paano niya nagagawa yun sa akin?!

“Pe-Pero…”

“And besides, you still have something to pay for me. Remember your scene earlier together with Dave?”

“Sky naman eh, paulit ulit nalang ba tayo? Wala nga yun. Nahulog lang ako kanina sa kama kaya binuhat niya ako.”

“Excuses.” Nilapit niya ang mukha niya sa akin.

“Friend ko nga lang si Dave.”

“Excuses.” Nilapit pa niyang muli. Halos magkadikit na ang ilong namin!

“Si-Si ate Janina ang gusto ni Dave…”

“Yun din ang akala kong gusto ko noon.”

Hindi na ako nakasagot pagkatapos ng sinabing iyon ni Sky. Hindi na ako makaisip ng matino dahil magkadikit na ang mga ilong namin. Nagno-nose-to-nose kami. Gusto ko siyang halikan pero mukhang gusto nanaman niya akong bitinin kaya nose to nose lang ang ginagawa niya sa akin. Pinaparusahan talaga niya ako!

“Why are you not talking anymore?” tanong niya nang hindi na ako nakasagot.

“E-Eh kasi naman, ang lapit mo. Paano tayo makakapag-usap ng maayos kung ganito ang posisyon natin?”

“We are not gonna talk long anyway.” Sabi niya.

“A-Anong gagawin natin?” kabado kong tanong.

“A secret affair in the hospital bed.”

“A-Ano? Sky tumigil tigil ka nga diyan sa mga kalokohan mo! Sinasabi ko talaga sayo! Paano kung may dumating na nurse? Ha? Anong sasabihin mo?! Anong sasabihin natin? Baka magkaroon pa tayo ng kaso nito!” nagpapanic kong bulong sa kanya.

“That’s the thrill I was looking for, Riri.”

“Pe-Pero…”

“Sssh. Let’s talk about trust.” Sabi niya. “I want us to trust each other again.”

“Oo naman.” Sagot ko. “At syempre, love each other again. Hehe.” Dagdag ko pa.

“I can’t start loving you, sorry.”

“A-Ano? Bakit naman? A-Ayaw mo na ba?” bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa sinabing iyon ni Sky.

“How can I start loving you again when I didn’t actually stopped?”

Namuo ang luha ko sa sinabi niyang iyon pero pinunasan agad ni Sky ang luha kong iyon. Ang sweet sweet kasi niya. Ang sarap sa pakiramdam na okay na talaga kami. Na ito na ulit kami, nagsasabihan ng mga sweet na bagay sa isa’t isa. Ang sarap lang sa pakiramdam na pagkatapos ng lahat ng challenges na dumating sa amin ay nakayanan pa rin naming bumalik sa dati. Ang sarap sa pakiramdam na nawala man ang trust ng panandalian, ang love naman ay hindi talaga nawala.

“I don’t want to see you crying, okay?” sabi niya bago niya ako hinalikan sa labi.

Wala na akong ibang nagawa nang sinimulan na niya akong halikan kung hindi halikan din siya pabalik. Sobrang namiss ko na rin kasi talaga siya. Ito ang una naming halik ngayong confirmed na talaga na okay na kami. Mababaw hanggang sa lumalim na ng lumalim ang halik namin sa isa’t isa.

Panandalian kong nalimutan kung nasaan ako. Lasing na lasing ako sa labi niya, sa paghalik niya at sa pagmamahal niya. Sobrang nadala ako sa pangyayari kaya naman ay hindi ko namalayan na ikinawit ko na pala ang hita ko sa likod niya para mas lumapit siya sa aking katawan.

Ang mga halik naman ni Sky ay unti-unti nang pumunta sa aking tenga hanggang sa bumaba na ito sa aking leeg kung saan napatingala ako dahil sa kakaibang sensayon na binibigay niya sa akin. Grabeng kuryente ang nararamdaman ko. Wala na ako sa sarili ko. Kung ano ang gagawin sa akin ni Sky ngayon ay malaya na niyang magagawa. Nawala na kasi lahat ng lakas ko. Siya na ang kumokontrol sa katawan ko. Lahat ng ginawa niya ay sumasang-ayon agad ang katawan ko.

Bumaba pa lalo ang halik ni Sky hanggang nalaman ko nalang na hinahalikan na niya ang collarbone ko. Kapag bumaba pa ito ay mahahalikan na niya ang dalawang hiyas na tinatakpan ng angry birds bra ko. Pero bago pa niya naibaba ang halik niya doon sa dalawang bundok ko ay biglang bumukas ang pinto at may nakahuli sa amin sa ganoong posisyon. Nahuli kaming naka-ikot ang hita ko sa likod ni Sky at si Sky na hinahalikan ang collarbone ko!

Nahuli kami ni papa.

A-Ang akala ko umuwi na siya? Lagot! Patay! Dedo! Si Sky kasi eh! Ano nalang ngayon ang ipapaliwanag namin kay papa?! Sino ba naman ang matutuwa na makita sa ganitong posisyon ang anak niyang babae? At dalaga pa! At minor de edad pa! 

Waaaa! Lagot na talaga! Ano nalang ang mukhang ihaharap namin ni Sky kay papa?!

Thrill thrill pa kasing nalalaman eh!!! Waaaaa!!!

Yan ang thrill.