A/N
Late update :< Sorry! I was about to post it on Sunday morning kaso nung pinost ko, hindi pala na-publish, na-save lang. HAHA! Eng eng si author. :P Anyway, this chapter contains 3 POVs. Enjoy :3
Almost 600K reads na, reached the highest rank so far on TeenFic at #16 and now I’m seeing my characters talk on Twitter like they are real people! Super amazing lang. hahaha! Thanks guys! You are really making me happy despite all the problems I have now. Mwaaaa :*
Mhariz ♥ / Next update: March 29/30
--
• PETER PAREDES •
♪ You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can’t compare you with anything in this world ♫
Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko habang pinapanuod ko ang Forevermore marathon dito sa bus na sinasakyan namin nila Caloy at Merylle papuntang airport. Damang dama ko ang sakit na nararamdaman ni Agnes nung iniwan siya ni Xander. Parang nanumbalik tuloy ang mga sakit na naramdaman ko nang iniwan ako ni Lalaine para bumalik siya kay Philippe noon.
Sinisipon na ako sa sobrang pag-iyak pero hindi ko talaga mapigilan ang luha ko sa pagtulo. Buti nalang at naalala ko na may dala pala akong gamot sa sipon, at mayroon din pala akong dalang tissue sa maleta.
Dali dali kong kinapa ang maleta ko sa ilalim ng upuan ko bago pa tuluyang mahulog ang sipon ko at bago pa ako makapagkalat ng nakakadiring sipon dito sa bus. Buti nalang din na ang lovebirds na sila Caloy at Merylle ang magkatabi sa bus kaya naman ay hindi nila nakikita ang pag-iyak ko. Narito kasi ako sa unahan nila at wala akong katabing ibang tao. Swerte nalang din siguro na medyo maluwag ang bus na nasakyan namin papuntang airport.
Kapa diyan, kapa doon. Bakit wala akong makapa? Nasaan ba yung maleta ko? Tutulo na yung sipon ko oh! Nakakahiya naman! Nang wala na talaga akong makapa ay sinilip ko na ang ilalim ng upuan ko para makita na ng malinaw kung nasaan na talaga ang maleta ko.
ANAK NG PATO!
Walang akong nakitang bag sa sahig!
“Caloy! Merylle! Nakita niyo ba yung bag ko?” tanong ko sa dalawang nagyayakapan sa likuran ko. Wala na akong paki kung nakakaistorbo ako sa kanila. Importante ang bag ko! Importanteng mapunasan ko ang sipon ko!
“Ha? Wala ho ba diyan?” tanong ni Merylle.
“Wala eh.” Nagbikit-balikat ako.
“N-Naiwan niyo?” si Caloy.
“Imposible!” sagot ko. “Dala ko yun kanina eh!”
“Naaalala niyo bang nadala niyo kanina?” tanong muli ni Caloy.
“O-Oo naman!” sagot ko. Pero wala talaga akong naaalalang may dala akong maleta kanina. Nako naman. Mukhang naiwan ko nga. Ugh.
“Bumalik nalang tayo para ma-check po natin.” Suhestyon ni Merylle.
“Ah. Wag na. Ako nalang ang babalik. Bibilisan ko nalang.”
“Pero tay Peter, malapit na ang lipad natin. Kapag bumalik ka pa ay tiyak na maiiwan tayo ng eroplano.” Si Caloy.
“Ganito nalang, ako nalang ang babalik. Mauna na kayong mag-check in. Susubukan kong humabol kung kakayanin pa. Kung hindi na, kukuha nalang ako ng flight pabalik sa Bohol kinabukasan. May pera pa naman ako dito.” Sabi ko sa kanila.
“Sigurado po kayo?” tanong ni Merylle – itsurang nag-aalala.
“Oo.”
“Halatang halata kung kanino nagmana si Ynna sa pagiging iyakin sa drama, hanggang sa pagiging malilimutin. Yung tipong pati yung maleta malilimutan. Yung totoo, pati maleta?” bulong ni Caloy kay Merylle. Pero narinig ko dahil malaki ang tenga ko.
“May sinasabi ka Caloy?” tinaasan ko siya ng kilay.
“Wala po. Wala po.” Sagot nilang dalawa. Tss.
“O siya sige, susubukan kong humabol. Paalam.” Huling sinabi ko sa kanila bago ako pumunta sa harapan ng bus upang magsabi na sa kundoktor na bababa na ako.
Sumakay ulit ako sa bus na pabalik naman sa hospital. Habang nakasakay ako ay naisip ko kung gaano talaga ako ka-gunggong. Naiwan ko yung maleta ko?! Ano ba namang iniisip ko?! Ang engot engot ko talaga! At ang masama pa diyan, nagmana sa ka-engotan ko ang anak kong dalaga. Kawawa naman siya.
Habang nakasakay ako pabalik sa bus, ay naalala ko nanaman yung mga moments nila Caloy at Merylle kanina sa bus. Tss. Walang sinabi yun sa amin ni Lalaine noong kami pa. Masyadong pa-gentleman si Caloy. Biruin mo, hanggang holding hands lang ang ginagawa niya kay Merylle? Eh halos isang buwan na kaya silang mag-jowa. Hindi man lang lumevel-up!
Naalala ko tuloy noong kami pa noon ni Lalaine. Isang linggo palang kami pero marami na kaming kababalaghang nagawa. Ang sarap talaga magka-girlfriend. Nakakamiss yung may babaeng nagmamahal sayo.
Pagbalik ko sa St. Lukes ay madali akong umakyat sa floor kung nasaan naka-confine ang anak ko. Bukas na ang labas niya kaya naman siguradong ngayon ay okay na ang pakiramdam niya. Nang nakita ko ang room number ng anak ko ay hindi na ako nag-atubiling kumatok pa ng pintuan. Tatay naman niya ako kaya may karapatan akong pumasok agad agad kung kailan ko gustuhin.
Pero pag bukas ko ng pintuan…
Nanlaki ang mga mata ko…
At ganun din ang mga mata nila…
Nakita ko lang naman na nakapatong si Sky Anderson sa anak ko. At itong haliparot ko namang anak na halatang nagmana sa akin, naka-ikot pa ang hita sa likuran ni Sky Anderson.
May ilang segundo rin kaming nagkatitigan at walang gumagalaw sa aming mga pusisyon. Hanggang natauhan na silang dalawa at nag-ayos ng kanilang pwesto.
“Naiwan ko ang maleta ko.” Sabi ko sa tonong mukhang galit. Kahit papaano nakakagalit rin naman na makita ang anak mong ganun ang posisyon ilang minuto palang pagkatapos naming magpaaalam sa isa’t-isa noh.
Hindi sila nakapagsalita sa sinabi ko. Kinuha ko nalang ang maletang naiwan ko. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kwarto ni Ynna. Nung una ay wala pang gustong magsalita hanggang sa naglakas loob si Sky na lumapit sa akin. Kitang kita sa kanyang mukha na nahihiya siya sa nangyari. Pero bago pa man siya makapagsalita ay naunahan ko na siya…
“Ang kapal rin talaga ng mukha mo, noh?” seryoso kong sinabi.
Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ng tisoy na boyfriend ng anak ko.
“Huwag ka nang magpapakita pa sa amin kahit kailan!” sigaw ko sa mukha niya.
***
• ALYNNA MARIE PAREDES •
Napatayo ako sa kamang inuupuan ko nang sigawan ni papa ng ganun si Sky. Oo nga at nagkamali kami sa inasta namin ni Sky pero hindi naman tamang sigawan at pagbantaan niya ng ganun si Sky. Hindi ko rin alam kung bakit ito nagagawa ngayon ni papa. Hindi ganyang klaseng tao si papa.
“Sir, I’m very sorry.” Nakayukong sabi ni Sky kay papa.
“Grabe ka! Pinagkatiwala ko sayo si Ynna! Nalingat lang ako saglit! Tangina naman!” sigaw ni papa sa kanya. Malala na ito. Mukhang hindi talaga nagustuhan ni papa ang nangyari.
“Papa! Walang kasalanan si Sky! Ako ang may gusto ng nangyari! Napilitan lang siya!” sigaw ko naman.
“No! Riri has nothing to do with it. It was me, sir. I’m sorry.” Pagdedepensa naman sa akin ni Sky.
“Sige! Ipagtanggol niyo pa ang isa’t-isa!” galit pa rin si papa.
“Papa, pwede naman nating pag-usapan ito. Wag naman yung ganito. M-Mahal ko si Sky!” sigaw ko habang umiiyak. Ayokong pati si papa ay makalaban ko na dahil lang sa pagmamahalan namin ni Sky. Si papa dapat ang kakampi ko sa laban na ito. Hindi pwedeng pati siya ay tumutol sa amin. Hindi ko na ito makakakaya. Hindi pwede. Hindi maaari!
“Pag-usapan? Di ba nag-usap na tayo, Ynna? Di ba nag-advice pa nga ako sa iyo ng mga bagay bagay bago ako umalis kanina? Kung hindi ko pala naiwan ang maleta ko, ano nalang ang nangyari sa inyo ha? Ang babata niyo pa! Utang na loob!” sigaw ni papa.
“I’m really sorry, sir. I-I will make it up to you.” Natatakot na nag-aalalang sinabi ni Sky.
“Wag mo akong ine-English English! Hindi mo ako madadaan sa ganyan!”
“Pa-Patawad po.” Tagalog na sinabi ni Sky. Medyo natawa ako doon pero hindi ko nalang pinahalata. Hindi bagay sa moment.
“Tinanggap ka namin ng buong buo dito sa La Presa! Pero ano ang ginawa mo kay Agnes? Iniwan mo siya, Xander! Wala kang puso! Pamilya! Pamilya ang tinuring namin sa iyo! Hindi na namin tinuring na ibang tao! Tinuring ka namin na isa sa amin! Pinagkatiwala ko sa iyo ang puso ng anak ko! Sinabi mo sa akin na mamahalin mo siya ng buong buo! Pinangako mo sa akin na hinding hindi mo siya sasaktan! Pero ano ang ginawa mo?! Sa tingin mo ba mapapatawad kita sa ginawa mo, ha? Xander?” galit na galit at feel na feel ni papa ang bawat linyang sinasabi niya.
Napatahimik nalang kaming dalawa ni Sky sa mga kinatatayuan namin. Mukhang napagod din si papa sa ginawa niya kaya naman ay napaupo na rin siya at nagpahinga muna. Matanda na rin kasi si papa kaya kailangan na rin talaga niyang magpahinga lalo na sa dami ng emosyon na itinapon niya ngayon sa amin.
Habang nababalot kami ng nakakabinging katahimikan ay nakareceive ako sa chat galing kay Sky sa Facebook. Medyo nagulat ako nung una. Chinachat na kasi ako ni Sky ngayon gamit ang pangalan niya at hindi ang pangalan ni Ash. Nakakapanibago lang.
Sky: Your dad…
Alynna: Hayaan mo nalang muna. Galit pa. T_T
Sky: No.
Sky: There’s something about what he said earlier.
Sky: They were not our names.
Alynna: Ano? Di kita gets. O.O
Sky: Do you know Agnes? Xander? La Presa?
Alynna: Huh? Oo naman.
Sky: Who are they?
Doon ko lang narealize kung ano ang tinutukoy ni Sky. Dun ko rin narealize kaya nakakapanibago ang pag-uugali ni papa ngayon ay dahil mukhang nanuod siya ng ‘Forevermore’ at mukhang sinapuso talaga niya yung mga linya. Kung hindi ako nagkakamali ay naaalala nanaman niya yung mga masasayang moments nila ni mama dati nung sila pa. At mukhang nanumbalik nanaman sa kanya yung sakit na naramdaman niya nung iniwan siya ni mama para bumalik na kay sir Philippe na tatay ni Janina.
“Papa…”
“Bakit?” masungit niyang sagot sa akin.
“Okay ka lang ba?” tanong ko.
“Mukha ba akong okay?” binalik niya ang tanong ko sa akin.
“Papa may tanong ako.”
Tinignan lang niya ako. Senyales na tanungin ko na ang gusto kong malaman.
“Papa, ano yung palabas nung nasa bus kayo?”
“Forevermore.”
“Tapos nagdradrama ka lang?”
“Oo. Effective ‘di ba?” natatawa na niyang sinabi. “Bahag buntot ng nobyo mo eh. Hahahaha!” tumawa na siya ng malakas. Biglang nag-shift yung mood niya! Pinagtritripan lang niya kami ni Sky!
“Papa naman eh!” pinalo ko ng mahina si papa bago ko siya niyakap. Buti nalang talaga at napansin ni Sky yung mga linya at characters ng Forevermore sa kunwaring galit-galitan ni papa. “Tinakot mo kami dun ah!”
“Oo naman! Tignan niyo nga yang mga pinaggagawa niyo!” nagseryoso nanaman siya. Pero at least ngayon, alam kong hindi na siya sinasapian ng mga dramang pinanuod niya. Ngayon, siya na talaga ang papa ko. Ang papa kong kalmado lang at nadadaan sa pag-uusap ang mga bagay bagay.
“Um, sorry. I am kind of confused.” Singit ni Sky sa pag-uusap naming mag-ama.
Oo nga pala at narito si Sky. At oo nga pala, takot pa rin siya. Naaalala ko noong sinabi niya sa akin na gusto niyang magpa-goodshot kay papa. Tapos ngayon, ito ang nangyari. Imbis na magood-shot siya kay papa ay mukhang napunta pa kami ngayon sa alanganin.
“Ah, Sky. Nagdradrama lang talaga si papa. Hindi siya galit.” Nakangiti kong sinabi kay Sky na tila nagpagulat sa lahat ng muscles sa mukha niya. Feeling ko tuloy ang tingin ngayon sa amin ni Sky ay mag-amang baliw. Bahala na. Minahal naman ako ni Sky na ganito eh.
“Hahahahaha! Tawang tawa talaga ako sayo, tisoy!” sabi ni papa habang mahinang pinapalo palo yung balikat ni Sky. Itong si Sky naman, gulat pa rin at hindi makapagsalita. Mukhang napipi na yata.
“H-Hindi po kayo nagagalit sa ginawa ko sa anak niyo?” nag-aalalang tanong ni Sky.
“Galit ako ngayon. Pero drama lang yung kanina.”
“Huh?” sabay na naming sinabi ni Sky. Pati tuloy ako hindi ko na rin gets si papa. Ang gulo niya. Ano bang nakain nito sa bus?
“Galit ako pero hahayaan ko kayong magpaliwanag ng side ninyo. Patas ‘di ba?” sabi sa amin ni papa.
Tumango si Sky.
“Pero papa, hindi ka pa ba male-late sa flight mo pabalik sa Bohol?”
“Hindi na muna ako babalik sa Bohol. Sa naabutan ko ngayon, mukhang hindi pa muna dapat kita ipagkatiwala diyan kay Sky.”
“Ah. Sige.” Ito nalang ang nasabi ko.
“Sasamahan kita ngayon hanggang sa paglabas mo dito sa hospital room bukas. Bukas na kayo magpaliwanag sa akin ni Sky. Mag-lunch nalang tayo sa isang restaurant at doon tayo mag-usap. Sa ngayon, magpahinga ka na Ynna.” Sabi ni papa sa akin bago siya tumingin kay Sky. “At ikaw, umuwi ka na. Itetext ka nalang ni Ynna kung saang restaurant tayo mag-uusap bukas.”
“Okay sir.” Punong puno ng respeto ang pagkakasagot ni Sky. Lumakad na rin siya papaalis.
Pero bago pa man tuluyang makaalis si Sky, nagpahabol pa si papa.
“Sky, magbaon ka na ng maganda at kapani-paniwalang paliwanag. Kung hindi, ikaw ang magbabayad ng bill.” Nagsmirk pa si papa.
Sinasabi ko na nga ba eh. Iba ang plano ng tatay ko. Lumamon ng libre. Tsk tsk. Kawawa naman si Sky.Takot na takot ang baby ko. Hay, mga magulang talaga oo!
***
Kinabukasan, paglabas na paglabas ko sa hospital ay dumiretso na kami ni papa sa dorm kung saan kami nananatili ni Shibama. Hinayaan na muna niya akong makapaglinis ng sarili habang siya naman ay nagpapahinga pa.
Syempre, pagkatapos kong maligo ay inayusan agad ako ni Shibama tulad ng lagi naman niyang ginagawa.
Habang inaayusan ako ng bakla ay panay ang kwento niya sa akin sa kung gaano talaga sila kasaya ni Ash sa mga nangyari sa kanila. Pero sa tono ng boses niya ay tila siya lang talaga ang naging masaya. Tuwang tuwa ba naman daw si Ash tuwing kinakalmot ni Shibama yung damit niya tapos napupunit? Yung totoo? Sinong tao ba naman ang matutuwa kapag napupunit ang damit nila?
Tapos kinwento pa niya sa akin kung paano sila nag-date ni Ash. Naghabulan daw sila sa Luneta, doon din daw sila nag-aminan ng mga nararamdaman nila para sa isa’t-isa. Hindi ko talaga maimagine yung mga kinekwento ni Shibama. Parang nakakatawang ewan eh!
Sa huli daw ay sinabi niya kay Ash na hindi na niya kayang ipagpatuloy ang namumuong relasyon nila dahil baka daw magalit ang boyfriend ni Shibama. Akalain mo yun! Ang haba ng hair ng bakla. Kaya naman daw ay ni-let go na niya si Ash dahil mas gusto pa rin daw niya ang boyfriend niya. Ang namagitan daw sa kanila ni Ash ay fling lang. Nakakatawa talaga. Pero tuwing na-iimagine ko yung mukha ni Ash at yung punit punit niyang damit, naaawa din ako sa kanya. Malakas si Shibama. Wala talagang laban si Ash.
Simpleng straight hair, floral dress at flats lang ang ipinasuot sa akin ni Shibama nang umalis na kami sa dorm. Dumiretso kami sa Buffet 101 sa Mall of Asia. Sinasabi ko na nga pa at ito talaga ang plano ni papa. Nabanggit kasi niya sa akin noon na matagal na niyang gustong i-try dito sa Buffet 101 na ito eh. Mukhang si Sky talaga ang pagbabayarin niya. Ngayon palang ay nahihiya na ako. Hayst. Hindi naman kami mukhang pera, mukhang pagkain lang. Hehe.
Nang pumasok kami sa Buffet 101 ay natanaw ko agad si Sky sa isang mesa, doon siya nakaupo sa bandang dulo. Kahit malayo ay kitang kita ko sa mukha ni Sky na punong puno siya ng pag-aalala.
Bago kami pumasok ay nag-desisyon si Shibama na hindi nalang muna siya sasama sa loob. Pass daw muna siya. Kakausapin daw muna niya kasi ang nagseselos niyang boyfriend dahil sa naging fling niya kay Ash. Ewan ko ba kung sino iyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sinasabi sa akin ni Shibama kung sino ang mystery boyfriend niya eh.
Dumiretso kami ni papa kung saan nakaupo si Sky. Dali dali akong tumabi kay Sky. Aangal pa sana si papa pero hinayaan nalang niya. Sa ilalim ng mesa ay hinawakan agad ni Sky ang kamay ko at pinisil pisil. Namamawis ang kamay niya dulot ng kaba. Hinawakan ko lang ito ng mahigpit. Pinaparamdam ko sa kanya na nandito lang ako at huwag siyang mag-aalala dahil lahat ay magiging okay naman sa dulo. Sana.
Kumuha muna kami ng buffet na pagkain bago namin sinimulan ang masinsinang pag-uusap namin. Awkward nanaman ang katahimikan na bumabalot sa amin. Mag-lalakas na sana ako ng loob para umpisahan ang usapan pero naunahan ako ni papa. At ang sinabi ni papa? Hindi ako makapaniwala! Waaa!!!
“Ang hina mo pala, Sky! Hahaha!” tawang tawa si papa sa sinasabi niya. Mahina? Si Sky? Anong ibig niyang sabihin?!
“I’m sorry?” sabi ni Sky. Mukhang nalilito rin siya tulad ko.
“Ang hina mo sa babae! Hanggang collarbone ka lang? Hahaha! Weak!” tawang tawa pa rin na sinabi ni papa. Ako naman, nanlaki na ang butas ng ilong ko sa pagkagulat! Anong nangyayari?!
Nagulat din si Sky nung una pero nung huli ay napangiti na rin siya. Mukhang nasasakyan na niya si papa. Oh no! Ang akala ko ba si Sky ang dapat kabahan sa pag-uusap na ito? Bakit parang ang puso ko ay sasabog na ngayon sa sobrang kaba??? B-Bakit ako yung kinakabahan?!
“So I was weak?” nakangiti na si Sky nang sinabi niya ito! Oh no! Mukhang nagkakaintindihan na sila! At ako? Hindi ko na alam! Pero nakakaramdam ako na hindi maganda ang patutunguhan nitong pag-uusap na ito!
“Oo weak ka, tisoy!”
“Ano po ba ang hindi weak para sa inyo?” interesadong interesadong tanong ni Sky kay papa. Pinagbalik-balik ko nalang ako tingin ko sa dalawang nakangiting lalaki! Masama ito!
“Sakin sa kasi magpaturo. Alam mo noong kami pa ni Lalaine, isang linggo palang naging kami, nagawa na namin si Alynna! Hahahaha!” halos mawala na ang mata ni papa sa kakatawa. Nanlaki naman lalo ang mata ko! Anong sinasabi ni papa! Bakit niya ito sinasabi kay Sky!
“Tapos naiwan pa ni Lalaine yung bra niya doon sa kwartong nirentahan namin. Kaya ayun, nilagyan ko muna siya ng band aid! Hahahaha! Kakatawa talaga!” dagdag pa ni papa! OMG!!! Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon! Kahit kailan ay hindi pa ito nakwento sa akin ni papa!!!
“Hahahahaha!” tawa ni Sky. “And then what more?”
“Nako iho, madami pang ibang nangyari! Meron sa likod ng bakod, sumabit yung panty ni Lalaine kaya nagtataka yung kapitbahay nila dati kung kanino yung panty. Nagsinungaling pa si Lalaine na hindi daw kanya, pero huling huli siya kasi may nakaburda pang ‘Lalaine-Wednesday’ sa likod ng panty. Hahahahaha!”
“Hahahahaha!”
“Di ba! Ang weak mo kasi eh!”
Kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko sa mga naririnig ko. Sino ba naman kasi ang makakahinga ng tama sa mga sinasabi ni papa kay Sky! Wagas eh! Nahihiya na nga ako kasi kung magkwentuhan sila at kung magtawanan sila ni Sky, kala mo walang tao sa paligid eh. Nahihiya na nga ako sa mga ibang waiters kasi napapatingin sila at yung iba, napapatawa pa! Nakakahiya talaga! Hindi naman kasi sa amin ang buong lugar! Tapos ang lakas kasi talaga ng boses ni papa! Parang naka-lapel!
“How old were you and tita Lalaine then?” tanong pa ni Sky. At talagang ayaw pa talaga tumigil!
“18? 19?”
“Can I do with with your daughter?” nagsha-shine ang mga mata ni Sky. Waaaa! Ano ba yung tinatanung niya!!! Rapist!!! Waaaa!!!!
“Wag muna! Pag nag 18 nalang.”
“Wow. Sure.” Nakasmirk si Sky. Abot langit na smirk!!!
A-Ano daw? Pag 18 na ako? Pwede na?! Eh ilang araw nalang 18 na ako ah! Niloloko ba ako nitong si papa?! Binebenta ba niya ako kay Sky ng buhay? Waaaa!!! Ano ba kasi talaga ang nangyayari!
“PA!!!” sinaway ko siya.
“Legal na ang 18 anak.” Kinindatan niya ako.
“Pero papa! Bata pa ako! Bata pa kami ni Sky!” pagtutol ko.
Hindi ako sinagot ni papa, imbis, tinaas taasan lang niya ako ng kilay. Nilaro-laro lang niya ang kilay niya sa akin bilang pang-aasar. At nang tumingin naman ako kay Sky, nakaplaster lang naman sa mukha niya ang isang mala-demonyong ngiti.
“10 more days.” Sabi niya sabay smirk. Tapos nag-apir pa sila ni papa.
Oh no. Malala na ito.
Pero bakit ganun?
Parang… excited ako. Hehehe.
Landi! Joke lang! Ugh! Hindi ako excited! Hindi! Hindi!
***
• FARRAH MAE ALONZO •
The past days were good. Wala kasi ang salot na si Alynna. But then I guess the good days are over. May news kasi right now that Alynna will be back today. The news says that she has just been dispatched from the hospital due to dengue. Bakit ba kasi gumaling pa siya! Sabagay, masaydo siyang maduming klaseng babae para mamatay nalang bigla sa kagat ng lamok. For sure dinrama lang niya yang sakit sakitan niyang yan for her to win Sky back. That bitch talaga is a really big asshole. Hindi ko siya dapat minamaliit. I have underestimated her.
As per my relationship with Janina, I really don’t know what’s happening. For a moment, I thought okay na kami and back to being friends na kami ulit, but then these past few days, lumalayo siya sa akin for no reason which I find really very weird. Yes, I know that she likes Dave as much as I like the boy. But I feel that there is something more eh. And that I will need to find out.
Kasi kahit kila Debbie and Karen, which I suppose are her best alalays – este friends, lumalayo na rin siya. That girl can be really weird like her own trash of a sister. Hindi ko nga maipagkakailang magkapatid nga sila.
Bingo!
I saw Janina sitting pretty on her pink couch at the Royals room. Wala nga ang alalays niya like what I have expected. This is the perfect time para kausapin ko siya. Next time ko na siyang gagawing kaaway. Right now, si Alynna muna ang pababagsakin ko. Next time na si Janina. I will do things step by step. One at a time.
“Hey, Janina.” I started.
“Farrah.” She nodded. The hell? Yun lang?
“What’s wrong with you? You are acting weird lately.”
“Nothing. You know… parang nakokonsensya lang ako. Farrah, ganun na ba talaga ako kasama? Am I that bad?”
“What do you mean?” tinaasan ko siya ng kilay. Don’t tell me bumabait na ‘to.
“Sa mga tao. Kila Karen, kay Dave, and kay Alynna...” hininaan niya yung boses niya sa part ni Alynna but of course I heard it. Shit. Nakokonsensya na siya sa kapatid niya? Don’t tell me na magkakabati na sila? No way! Kailangan kong lasunin ng utak ni Janina! Hindi sila pwedeng magbati!
“You are not a bad person Janina. Kung tutuusin nga, ikaw ang tama. Lahat sila, lahat sila ang mali.” I said.
“Come think of it, inagaw sayo ni Alynna sila Debbie at Karen! Look at yourself, you are a loner! Mag-isa ka lang dito sa lungga mo kung hindi pa kita nilapitan! Ang mga tao pinagchichismisan ka na na wala ka nang friends! It’s all Alynna’s fault! God! Tapos nakokonsensya ka sa mga ginagawa mo sa kanya? Wake up, Janina! Learn how to fight!”
“Pinagchichismisan ako?”
“Yes! And also about Dave, we both know na tayong dalawa dapat ang nag-aaway dahil we both like the guy, but then Ynna is the new apple of the eye of Dave! Kinalat na ni Dave sa school na nililigawan niya si Ynna!”
“Are you serious?” napatayo si Janina sa kasinungalingang sinabi ko. Good. It’s working.
“Yes, I am.” I said confidently. “See how everything is on her side now? Wala na siyang iniwan sa iyo ni isa!”
“Pero Dave told me yesterday that he still loves me…”
“Utos lang yun ni Alynna! Duh! Alynna is his new boss!” I shouted. Nag-init ulo ko dun ah. Hindi pwedeng sabihin ni Dave kay Janina na mahal pa niya si Janina. I won’t let that happen! Never!
“That bitch…” tumulo ang isang luha ni Janina sa right eye niya. Oh yeah. I am going the right way. She’s hurt. Funny.
“You know what? I have an offer.” I said, smiling.
“What?”
“Pagtulungan nating pabagsakin si Ynna.” I smirked.
“How will we do that?” she asked while covering up her tears.
“Ako nang bahala. Just promise me to be on my side no matter what.” I said as I raised my pinky finger.
Nag-aalangan pa siya nung una. Tinignan niya ako ng matagal. I gave her my angel-worrying-about-you look bago siya bumigay.
“Promise.” She finally said while interwinding our pinkies.
Pagkatapos niya mag-promise ay nag-ring na yung bell which means kailangan na namin pumunta sa kanya kanyang classes. I’m done with Janina for today. Later, ikaw naman Alynna. I love it. Sumasang-ayon talaga sa akin ang pagkakataon.
Lunch time.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa cafeteria ay nakita ko na agad ang pinaka annoying na love birds sa buong ECB. Sila Sky at Alynna, nagsusubuan ng pagkain. Kadiri! Ugh!
Nilapitan ko sila, I don’t care kung magmukha man akong bitch na sumisira ng sweet moments nila, that’s my purpose naman talaga. I will never let that girl have a happy ending with a guy she loves. Never! Not over my dead body! I hate her so much! I really do!!!
*CLAP CLAP CLAP*
I gave them a slow clap that caught their attention.
“What a very sweet couple.” I said while fake smiling. “Nakakainggit ka naman, Alynna.”
“What do you want, Farrah?” asked Sky.
“I want you to break up with her.” I blankly said. “Now.”
“Are you crazy?”
“No. I’m just protecting you, Sky.” I said as I touched Sky’s hand.
“Hands off!” Sky shouted at me. Fuck. Napahiya ako doon ah. Napatingin ang mga tao sa paligid! Ugh!
“Ano ba talagang kailangan mo Farrah?” tanong ni Alynna. Sumisingit pa! Fuck!
“Shut up, bitch! I am talking to Sky!” I shouted at her.
“Don’t you dare shout at my girl!” napatayo na si Sky.
“But I am your girl!”
“Dream on, Farrah! It’s over! It’s really game over this time! Back off! We are breaking free!”
“You are not.”
“Yes, we are.”
“Sky, you might be unbreakable. But your little girl over there, she is very breakable. And she is what I am going to break this time.” I said as I turned by back on the both of them.
I can’t believe the attitude Sky showed me today! Napahiya ako sa buong cafeteria! Pinakita niya sa buong crowd ng cafeteria na wala akong kwenta kumpara diyan sa Alynnang probinsyana niya! I can’t let that happen again! And I can’t forgive him for doing that! I will get back on them! I will get back on her! I’ll make sure na magbabayad sila!
And I am very sorry, Dwight. But I will have to use you again.
I will have to use my last card.