Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 41 - Chapter 35 - Threats

Chapter 41 - Chapter 35 - Threats

I’m dead.

So dead.

Paalam, ECB.

Yan nalang ang naisip ko nang nilingon ko ang babaeng humawak ng pagkabigat-bigat sa aking balikat. May ilang segundo din akong nakatulala bago ako nakahanap ng boses para magsalita.

“P-Principal?” utal-utal kong sinabi.

“Ugh. I’m the Dean. Not that principal.” Sagot niya.

“Ah. D-Dean? Bakit ka nandito? Ang aga mo naman yata?”

“I am always this early because I eat my breakfast here. Ikaw ang nakakapanibago. Bakit ang aga mo yata, Ms. Fortaleza?”

“Ah. Eh. Wala lang. Trip trip. Hehe. Mag-brebreakfast din. Sawa na kasi ako sa breakfast sa condo eh.” Palusot ko with matching kamot pa sa ulo.

“Ganon ba? Then join me for breakfast!” medyo nakangiti niyang sinabi.

“Ano… hindi na po, nakakahiya.”

“I insist. Libre kita.”

Nung narinig ko yung salitang ‘Libre’ ay hindi na ako nakatanggi pa. Sino ba naman ang taong tatanggi sa libre hindi ba? At saka naisip ko rin na kailangan talaga may laman ang aking tiyan kapag sinabi ko na kay Sky ang lahat ng katotohanan at baka sakaling mas magkaroon ako ng lakas ng loob.

“Sige po, sabi niyo eh.” Ito nalang ang nasabi ko. Nakangiti pa ako. Medyo gutom na din kasi ako eh. Lagi naman kasi akong gutom. Marami yata ako masyadong bulate sa tiyan.

Sinabihan ako ni Dean na piliin ko daw lahat ng gusto ko kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataon na ibinigay niya sa akin. Ako na rin ang inutusan niya na bumili ng order niya. Maghihintay nalang daw siya doon sa table namin. Nag-order ako ng tig-dadalawang spaghetti, fries, burger, hashbrown, chicken, chicken strips, chicken fillet, chicken barbecue, longanisa, avocado shake at bottomless iced tea.

Pagdating ko sa table ay sobrang nanlaki ang mga mata ni Dean. Hindi ko masabi kung nagulat ba siya o naging excited siya sa mga pagkain. Pero siguro naging excited siya kasi ang init pa at halatang bagong luto ang mga ito kasi nga naman maaga pa kasi kami. Nakakaexcite tuloy lumamon, at kasama ko pa ang boss!

“Can we finish all these?” tanong niya sa akin.

“Oo naman, Dean. Ang konti konti lang nito. Wag kang magtitira Dean ha? Masama ang nagtitira ng pagkain. Lahat ng inorder ko sayo ay ubusin mo. Uubusin ko din yung akin para patas. Deal?” tinaas-taas ko ang kilay ko.

“Okay. Haha. Deal. Goodluck to me.” Sabi niya. At nag-sign of the cross pa! Anong akala niya sa pagkain? Multo? Hmp. Bad si Dean.

Tahimik lang at seryoso ang naging pagkain namin ni Dean ng aming breakfast. Hindi ko rin naman siya masyado dinadaldal kasi hindi pa naman kami ganun ka-close.  Bawat minuto ay sinisilip-silip ko din ang pintuan sa likuran ko kung dumating na ba si Sky pero ni anino niya ay wala pa. Ang tagal naman niya magising. Wala ba siyang alarm? Hay nako. Buti nalang sinamahan ako ni Dean dito kung hindi magmumukha talaga akong tangang naghihintay lang mag-isa.

“Ms. Fortaleza, I’m really glad that you’ve matured a lot.”

“Ah hehehe. Thanks po.”

“But remember that PDA is still not allowed at ECB, okay?”

Tumango nalang ako. Ano ba yung PDA? Panget Dodong Ah-um?

“Sino ba hinihintay mo? Bakit kanina ka pa tingin ng tingin sa pintuan?” tanong ni Dean.

“Ah. Hehe. Si Sky po kasi…”

“I see. Are you supposed to meet up? Why? Is there any problem going on between you two? I don't want to interrupt but... you look… disturbed.”

“Ah. O-Opo eh. May aaminin sana ako sa kanya na matagal ko na sanang ginawa. Pero naduwag lang ako noon.” nagulat ako sa pag-amin at sa biglang nasabi ko kay Dean. Kaya naman nalagay ko ang kamay ko sa bunganga ko ng mabilis.

“Ganun ba? Alam mo iha, you made the right decision. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na agad agad. Huwag mo nang patagalin pa. Para maayos mo rin agad.”

“Hehe. Thank you, Dean.” Ngumiti ako.

“Pero bawal pa din mag-PDA ah.” tinaasan niya ako ng kilay.

“Bawal din magtira ng food, Dean. Nako, ubusin mo yan. Kung hindi, isusumbong kita sa DOH.” tinaasan ko rin siya ng kilay. Ha!

“Hindi ko na kaya Ynna eh. Paano mo naubos yung sayo? Ang laki naman ng bituka mo.”

“Kaya mo yan. Sabi nila, para maubos mo daw ang pagkain mo, kailangan mo daw mag-tongue twister muna. Kaya mag tongue twister ka muna Dean.”

“Ha? Anong? Paano?”

“Ganito. Sabihin mo itong tongue twister na ito habang ngumunguya. Magugulat ka nalang naubos mo na pala!”

“Talaga? Example nga?”

“Sige.” *Chomp* “Tumalon si Talon sa talon kasama ang kanyang pantalon na may laman na talong na nahulog din sa talon na tinalunan ni Talon sa bandang balon na may alon.” *Chomp* “Oh ‘di ba, Dean? Naubos ko yung spaghetti mo agad?” nakangiti kong sinabi sa kanya. May ilang mga bahid pa ako ng spaghetti sa cheeks ko. Ang cute. Mukha akong dugyuting bata. Parang ako lang noon.

“Wow...” sabi niya. Manghang mangha siya sa akin.

“Ikaw naman, Dean! I-try mo naman sa Chicken barbecue! Dali! Tapos pahabaan tayo ng burp mamaya!”

“S-Sige.”

At ayun nga, ginawa rin ni Dean yung tongue twister at yung tuloy tuloy na pagkain. Technique yun na itinuro sa akin ni papa noon eh para daw hindi ako makapagsayang ng pagkain. Nakakatawa kasi punong puno na din ng barbeque ang mukha ni Dean. Para kaming mga dugyot na basurera sa kalye. Pero at least masaya naman kami.

“Magpahabaan naman tayo ng burp! Una na ako ah! Weeee!” tili ko. Na-excite kasi ako eh. Namimiss ko na itong game na ito. Sa probinsya ko lang kasi ito nagagawa eh.

*BUUUUUURP!*

“Ako naman!” na-eexcite na sinabi naman ni Dean. Mukhang nagugustuhan na din niya yung laro.

*BUUUUUUUUUUUURP!*

“Ako ulit. Hindi ako magpapatalo sa iyo Dean!”

*BUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUURP!*

“Hindi rin ako magpapatalo sa iyo, Ms. Fortaleza.”

“Ynna!” biglang tawag sa akin ni Erick mula sa likuran ko. Bakit si Erick ang narito? Nasaan si Sky?

Tinignan ko ang likod ko at ayun nga, si Erick lang at si Karen ang pumasok sa cafeteria. Wala talaga si Sky? Eh anong oras na ah. Bakit ba hindi iyon nagising ngayon? Nakakainis naman oh. Kailan ko nanaman kaya masasabi sa kanya?

Binalik ko ang tingin ko kay Dean at nagulat ako nang halos violet na ang kulay ng mukha niya! Lagot! Pinigilan ba niya yung burp niya?! Nako! Masamang pangitain ito!

“Dean? Sige i-burp mo na. Baka ikaw na ang manalo.” sabi ko. Mukhang pigil na pigil kasi siya eh. Para siyang natatae.

“G-Ge.”

*BUU---BUUU---*

Putol putol ang pag-buburp ni Dean.

*BUU-BUUU---*

Oh hindi! Mukhang hindi na yata burp ang gagawin niya.

*BUU—BUU--- BUUWAAAAAARRRRRRKKKKKKK*

*Splash* *Iwas* *Splash*

S-Sumuka si Dean! Buti nalang at naiwasan ko! Pero pagtingin ko sa likod ko. Papunta na ang suka sa kinaroroonan ni Erick at Karen. Dali-daling hinila ni Erick si Karen pakanan, pero huli na ang lahat. Napunta na lahat kay Karen yung sinuka ni Dean. Ang magandang si Karen ay naging color brown na sanhi ng chicken barbecue na galing sa bibig ni Dean.

“EEEEEEWWWWWWW!!!!!!” tili niya sabay walk-out.

Lahat kami ay naiwang nakanganga. Oops.

Katahimikan…

“Um, Ynna, sorry I need to go to Karen. Baka galit siya sa akin kasi imbis na sa akin mapunta yung suka ni Dean ay hinila ko pa siya kaya naman nasapul sa kanya. Anyway, pumunta lang naman kami dito para sabihin na ‘di daw makakarating dito sa cafeteria si Sky as per Karen. Yung reason di ko pa alam. Ayaw kasi niya sabihin. Sorry, Ynna, got to go! Sorry, Dean!”

“Ah…okay…” mahina kong sambit. Bakit kaya? Si Karen lang ang nakakalam ng reason kung bakit hindi makakarating si Sky? Pwede ba yun? Kailan pa ba naging close si Sky at Karen?

Binaling ko ulit ang tingin ko kay Dean para kunin ang opinion niya sa hindi pagsipot ni Sky pero nang lingunin ko siya ay nag-uumpisa nanamang maging violet ang mukha niya at bumebwelo na siya para maglabas ulit ng panibagong pasabog. Kaya naman dali dali na akong tumayo at lumabas na ng cafeteria. Paglabas na paglabas ko, ay boom! Sapul si ate janitress. Kawawa naman.  Hindi naman ako na-inform na ala-bazooka para ang bunganga ni Dean kapag nabubusog. Hindi ko na siya papakainin ng marami next time. Lesson learned.

***

Pumunta nalang muna ako sa isa sa mga swing sa ECB hallway at doon nagpa-duyan duyan habang tinatawagan ko ang cellphone ni Sky. Sumagot siya sa ika-tatlong ring.

“Sky!”

[Yes, baby?]

“Nasaan ka?”

[I’m on the basketball practice for tomorrow’s game. Watch and support me okay?]

“Ah. Oo sige. Sigurado naman na mananalo kayo eh.”

[We won’t win without me looking at you first thing in the morning. Hinahanap ka lagi ng system ko eh.] ramdam kong nag-smirk siya. Pa-fall.

“Sky naman eh. Di mo ako madadaan sa ganyan! Ikaw ha! Dahil diyan sa basketball game mo hindi mo ako sinipot kanina..” patampo kong sinabi.

[What? Ikaw kaya nagsabi na huwag nang tumuloy. Are you being wacky again?]

A-Ano daw?

“Ha? Wala akong sinasabing ganun ah!”

[You can’t play jokes on me, baby. I love you! Bye!]

“Wai—teka! Sky! Sky!”

[What?]

“Pwede ba kitang puntahan diyan? May sasabihin sana kasi ako sayong importante.”

[Okay. Sure. I'll wait for you.]

“O-Okay. Sige. See you. I love you.”

[Love you. See you.]

*TOOT TOOT TOOT TOOT*

Pagbaba ko ng telepono ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ako raw ang nagsabi na huwag nalang ituloy ang meet-up namin kanina sa cafeteria? Eh halos maubos na nga namin ni Dean lahat ng pagkain sa cafeteria kakahintay sa kanya eh. Posible kayang…? Hindi! Hindi! Imposible.

Mabilis akong umakyat papunta sa gym para puntahan si Sky. Natatakot ako na baka huli na ang lahat. Natatakot ako sa mga naiiisip kong posibilidad. Posibleng naprapraning lang ako dahil alam ko na may itinatago ako pero posible rin namang totoo ang lahat. Hindi ko na alam kung ano pa ang paniniwalaan ko kaya mas mabuti nang huwag ko nang patagalin ang lahat at sabihin ko na talaga kay Sky ang kabuuan ng pagkatao ko.

Pagdating ko sa gym ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap si Sky. Kahit pawisan siya sa practice niya ay ang bango pati ng pawis niya. Binalik ko ang yakap niya at mas hinigpitan ko pa ito. Hindi ko alam pero bakit natatakot ako na baka mawala siya sa akin. Hindi ko yata kakayanin iyon. Baka mabaliw ako kapag nangyari iyon.

“What’s wrong baby?” hinawakan niya ang cheeks ko.

“May kailangan akong sabihin sayo, Sky.”

“Ang gulo naman ng baby ko. Sabi mo kanina wala kang sasabihin. Sabi mo nga wag na tayo magkita doon sa caf ‘di ba?”

“H-Hindi ako yun, Sky! May sasabihin ako sayo! Mabilis lang ‘to. Please, Sky!”

“Baby, tinatawag na ako ng coach ko. Panuorin mo nalang muna itong practice game ko. After the practice around 5pm, we’ll talk. Okay? Medyo seryoso kasi yung makakalaban namin eh. Kaya hindi rin kami masyado nakakapagpahinga.”

Huminga akong malalim.

“Sige. Basta pagkatapos ng game mag-uusap tayo ah.”

“Promise.” Sabi niya sabay halik sa cheeks ko at bumalik na kung saan nagprapractice ang mga kagrupo niyang The Vengeance.

Umupo nalang ako sa isa sa mga upuan doon sa audience. Syempre magagalit sa akin si Sky kapag hindi ko siya sinuportahan kaya eto ako ngayon, pa-clap clap. Cheer cheer. Go Sky-Go Sky. Gusto ko naman talaga siyang suportahan at i-cheer. Pero iba kasi yung pakiramdam ko ngayon eh. Ayaw ko sanang isipin pero parang lahat ng sinasabi sa akin ni Sky ay tugma sa pinaka-kinakatakutan kong mangyari. Tapos hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi kay Sky ang totoo. Tapos may nakausap pa si Sky na inaakala niyang ako na nagsabi sa kanya ng mga bagay sa taliwas sa mga sinabi ko.

Anong ibig sabihin nun? Isa lang ang pwedeng maging ibig-sabihin ng mga nangyayaring ito. Bumalik na si Janina. Pero ang alam ko, isang taon siya doon sa New York. At ang alam ko, hindi naman kami magka-away para gawin niya ang mga ito sa akin. Pero kung hindi siya, sino? At bakit? Ano ang motibo niya?

Sa kalagitnaan ng practice game ay may nakita akong babaeng may hawak na basketball. Malinaw ang mata ko kaya alam ko na si Karen iyon. Hindi na niya kasama si Erick this time kasi nagprapractice din si Erick. Pero laking gulat ko ng itinaas niya ang hawak niyang bola at ipinuntirya niya kung saan ako nakapwesto.

Ibabato ba niya sa akin ito? Dahil ba sinisisi niya ako kasi nasukahan siya kanina ni Dean? Pero bakit ganun? Parang may mas malalim pa si Karen na dahilan? Bakit parang punong puno ng galit ang kanyang mukha. Ano bang ginawa kong kasalanan sa kanya? O nababaliw nanaman ba siguro ako. Baka hindi naman niya ibabato sa akin baka sa iba pala niya ibaba---

*BOOOOOOOOOGSH*

Black out.

***

Nang nagkaroon ako ng malay ay nakita ko nalang ang aking sarili sa clinic kasama si Nurse Arlene.  Naroon din si Austin sa kabilang gilid pero mukhang hindi naman siya kinakausap ni Nurse Arlene. Pero nang nagkaroon ako ng malay ay tila kinalimutan muna nila ang alitan sa pagitan nilang dalawa para alamin ang kalagayan ko.

“Ynna, are you okay?” tanong ni Austin.

“Nasaan si Sky?” tanong ko pabalik.

“Siya ang naghatid sa iyo dito sa clinic nung natamaan ka ng bola. Pero kinailangan niyang makaalis agad kasi hinahanap na siya ulit ng coach nila. Sobrang tindi daw kasi ng practice niya ngayon.” Sabi ni Nurse Arlene.

“Ah.” Sabi ko. Kumirot ang ulo ko nang hawakan ko ito.

Mamaya-maya pa ay naramdaman ko nalang ang mga luha na dumadaloy na sa mukha ko. Kinaalarma naman iyon ni Nurse Arlene at ni Austin.

“Ynna, what’s wrong?” si Austin.

“Ynna, may problema ba? Hindi ba aksidente ang pagkakatama sa iyo ng bola kanina? Nakilala mo ba o nakita mo ba kung sino iyon?” si Nurse Arlene.

“Si Karen.” Bulong ko. Humihikbi.

“P-Pero kaibigan mo yun ‘di ba?” tanong nilang pareho.

“Kaibigan siya ni Janina.” Nagulat ako sa nasambit ko. Pero masyadong masakit ang ulo ko para bawiin pa ang nasabi ko na. Tutal ay mukhang makakapagtiwalaan naman sila Nurse Arlene at Austin. Siguro ay kahit man lang sa kanila ay kailangan ko nang masabi ito. Kasi kapag wala pa akong pinagsabihan nito ngayon ay baka sumabog na ang puso ko.

“What do you mean?” / “Anong ibig mong sabihin?”

“Kapag may sinabi ba ako sa inyong maduming sikreto ko, kakaibiganin niyo pa ba ako?” tanong ko habang umiiyak.

“Tell us, Ynna. We’ll understand you, promise.” Sabi ni Austin habang sinusubukan niyang pakalmahin ako.  Tumango nalang bilang pag-sang-ayon si Nurse Arlene.

“Ganito kasi. Hindi ako si Janina Forteleza. Ako si Alynna Paredes. Kapatid niya sa labas. Mahirap. Hampaslupa. Ambisyosa. Kaya nung pumunta si Janina sa Bohol para mag-alok ng pag-aaral sa akin kapalit ng pagpapanggap ko bilang siya ay um-oo agad ako. Tanga tanga ako eh. Tapos eto na nga, nainlove ako. Tatanga tanga eh. Pero ang mahal ni Sky ay ang kinikilala niyang pagkatao ni Janina. Ang sakit lang. Pero ganun talaga. Tanga = Alynna. At ngayon, kung kalian gusto ko na sabihin sa kanya ang lahat. Ang daming humaharang. Hindi natutuloy. Parang may pumipigil…” hindi ko inakalang masasabi ko ito lahat ng umiiyak. Mukhang naintindihan naman nila Nurse Arlene at Austin kasi seryoso lang ang mga mukha nila.

Katahimikan...

“Ano? Galit na din ba kayo sa akin? Okay lang. Handa na rin naman ako kung sakaling itaboy na ako ng lahat ng tao at itapon na ako pabalik sa Bohol.” Umiiyak pa rin ako. Parang gripo ang luha ko.

“Pero kapag nagalit si Sky at itinaboy ako, yun ang hindi ko yata kakayanin… hahahaha. Tanga ko kasi! Gaga! Ilusyonada! Ayan tuloy! Hahahaha! Kinarma tuloy!” pinagsasampal-sampal ko ang sarili ko.

Bigla akong niyakap ni Nurse Arlene at naramdaman kong umiiyak na rin siya. Dahil sa yakap niya ay lalo akong naiyak. Sana kapag sinabi ko na kay Sky ang katotohanan ay ganito rin ang maging reaksyon niya noh? Yung niyakap lang ako. Tinanggap lang ako. Pero mukhang hindi eh. Ayoko naman mag-isip ng negative pero hindi ko rin kasi maiwasan.

*TOK TOK TOK TOK*

May isang babae na pumasok sa clinic. May dala siyang isang regalo na nakalagay sa isang maliit na box.

“Hi, miss Ynna! Alam mo idol na idol talaga kita! Kaya dahil diyan, gumawa ako ng regalo para sa iyo! Sana magustuhan mo!” sabi niya. Iniwan niya bigla ang regalo sa kama kung saan ako nakahiga at lumabas na at tumakbo nang palayo.

Kinuha ko ang regalo at sinimulan ko itong buksan. Magaan ito at parang walang laman. Nang nabuksan ko na ito ay may nakarolyong papel na nakalagay sa loob ng maliit na box. Pag bukas ko ng papel…

“Masarap ba ang feeling na ma-indian sa inyong early morning date? Masarap ba matamaan ng bola ang mukha mong ginaya mo lang naman sa akin? I’m just starting. There’s more to come, Alynna. Love, your ate / The Real JANINA.”

Kung kanina ay umiiyak ako, ngayon naman ay namutla ako sa nabasa ko. Inagaw agad sa akin ni Austin ang sulat at binasa rin nila ito ni Nurse Arlene. Gulat din at kinakabahan ang mukha nila. Diyos ko, patawarin niyo ako sa lahat ng kasalanan ko. Pero bakit? Anong ginawa ko kay Janina? Wala akong ginagawa sa kanya!

“We need to tell this to the Vengeance para maprotektahan ka namin, Ynna. This is dangerous.” Suhestyon ni Austin.

“H-Huwag. G-Gusto ko lang makausap si S-Sky…” nanginginig ang boses ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

“I’ll call him.” Sabi ni Austin. Dinial niya ang number ni Sky sa cellphone niya.

“Ynna, huwag kang mag-alala. Narito kami para sayo.” Pagpapakalma sa akin ni Nurse Arlene.

“Tss! He’s not answering his phone!"

*Baby baby baby baby heaven sent you

Maybe maybe maybe maybe we were meant to be

Forever be together two little hearts go boom!*

Debbie Corazon Calling…

Nagtinginan muna kami nila Nurse Arlene at ni Austin. Tumango sila at saka ko nang sinagot ang tawag ni Debbie.

“He-Helllo?” sobrang nanginginig pa rin ang boses ko. Hindi ko maiwasan.

[There you are, Alynna Paredes.]

“D-Debbie, magpapaliwanag ako. Debbie, please.”

[Thank you, Alynna! Thank you sa pagpapanggap mo! Naniwala kami ng bonggang bongga ni Karen dun. Sobrang galling mong artista! You deserve a standing ovation!]

“D-Debbie, kinailangan ko lang…”

[Sssh. I don’t need you explanations. I just want to say that I hate you. We all hate you. Everybody will hate you for what you did!]

“A-Alam ko…” bumuhos nanaman ang luha ko, sobrang maga na ang mata ko. Mas masakit pa ito sa inaasahan ko. Mga kaibigan ko pa lang ay sobrang sakit na. Paano pa kaya kung si Sky na?

[Good thing you know, bitch.]

“Sorry, D-Deb-b-bbie.” hindi ko na kinaya ang panginginig ng boses ko.

[Don’t apologize. We don’t need it. I called you for a reason. I called you to give you a surprise that you will forever remember in your heart. Hahaha.]

“A-Ano?”

[You have been acting fake for 6 months. Now I’m going to show you what’s real. Go to ECB Garden now.  Bye!]

*TOOT TOOT TOOT TOOT*

***

Pagkatapos gamutin ni Nurse Arlene yung ulo ko at nilagyan na ito ng puting benda ay tumayo na ako para lumabas na sa clinic.

“Sigurado ka ba diyan?” hinawakan ni Nurse ang kamay ko bago ako makalabas sa clinic.

“Wala akong choice.” Sabi ko nang may namamagang mata parin.

“Just call us. We’re here to help.” Si Austin.

“Salamat sa inyong dalawa.” Sabi ko bago ako tuluyan nang umalis.

“Gusto mo bang samahan ka namin ni Aus?” pasigaw na pahabol na sinabi ni Nurse Arlene nang medyo nakalayo layo na ako. Kitang kita ko pa rin ang bakas ng pag-aalala sa mukha nilang dalawa.

“Kaya ko na ‘to.” Sabi ko sabay taas ng aprub sign sa kanila.

Kahit nanginginig ang buong kalamnan ko ay kakayanin ko ito. Kailangan kong kayanin ito. Dahil tulad nga ng inaasahan ko noon pa man, dadating at dadating ang araw ng katapusan ko. At malas ko lang dahil mukhang medyo napaaga pa yata ito. At hindi ko napaghandaan.

Habang naglalakad ako papuntang ECB garden ay pilit ko pa ring tinatawagan ang cellphone ni Sky. Nakakailang ring na pero hindi pa rin siya sumasagot. Rinig na rinig ko na ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang na papalapit na ako sa ECB garden. Buti nalang at nang tumawag ako ulit ay sumagot na siya.

“Sky! May sasabihin ako sayo! Ngayon na! Kahit sa telepono lang! Please! Makinig ka!” nagmamadali at naghahabol ako ng hininga habang sinasabi ko ito.

[Sorry, Ynna. Nasa ECB garden yata si Sky. ‘Di ba kasama mo siya kanina? Si Dwight ito. Naiwan kasi niya iyong cellphone niya dito sa gym eh.]

“A-Ano?” naiyak nanaman ako ng lubusan sa narinig ko. Hindi pala si Sky ang nakasagot.

[Kasama mo siya ‘di ba? Bakit ganyan boses mo, Ynna? May problema ba? Umiiyak ka ba?]

“W-Wala Dwight… sorry.”

[Ynna! Anong problema!]

*TOOT TOOT TOOT TOOT*

Hindi ko sinasadyang babaan ng telepono si Dwight. Pero hindi ko na talaga kaya. Hindi ko na kaya makipag-usap kahit kanino. Ang gusto ko lang ngayon ay makausap si Sky at makapagpaliwanag kay Sky. Nakakatawa at mukhang a-award na yata ako sa sobrang katangahan ko. Simula palang noong nakita ko yung sarili ko na kausap sila Debbie ay dapat naisip ko na agad na si Janina nga ay nakabalik na. Pero ano ang inisip ko, Naruto. Tanga lang! Tanga ko! Ang tanga tanga ko!

Pinagsasasampal ko ang sarili ko hanggang nakarating na ako sa ECB garden. Punong puno ng tao ang ECB garden. Nagkukumpulan sila at naka-pabilog ang mga tao. Para bang may pinanonood silang nakapagandang eksena.

Magti-tip toe sana ako para makita ko ang ganap doon pero hindi ko na pala kailangang gawin pa iyon. Dahil noong nalaman yata nila na naroon na ako ay silang lahat mismo ang nagbigay daan para makapunta ako sa harapan. Parang nahati ang mga tao para magbigay ng daan para lang sa akin. Halatang planadong planado ang mga mangyayari.

Nang nakarating ako sa harapan ay tila naubos ang dugo ko sa katawan. Kung kanina ay tingin ko sa sarili ko ay ang tanga tanga ko. Pwes ngayon, ang inutil ko na para tignan at tagalan pa itong nakikita ko. Hindi ko alam na ganito pala kasakit. Parang dinudurog ang puso ko. Ano nga ba ang nakita ko?

Si Sky at si Janina, naghahalikan.

Sobrang torrid.

Sobrang sakit sa puso ko.

Parang akong pinapatay.

Gusto ko sanang tumakbo pero hindi ako makaalis sa kinaroroonan ko.  Hinarangan na ako ng mga tao para makita ko lang ang halikan nila Sky at Janina. Pakiramdam ko ay unti unti nang nauubos ang hininga ko. Pinipilit nilang mapanuod ko ang bagay na hindi ko kayang makita.

Nang inilingon ko ang sarili ko sa ibang direksyon ay may nag-ikot ng ulo ko para ibalik muli ang pangingin ko kila Sky at Janina. Umiiyak nalang ako ng walang boses. Wala na akong magawa. Ito na nga talaga ang katapusan ng lahat ng pagpapanggap ko. Ito na nga talaga ang katapusan ko. Gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa.

Kahit gustong gusto kong alisin ang mga labi ni Janina sa labi ni Sky ay alam kong wala akong karapatan. Sino ba naman ako? Ni hindi nga ako kakilala ni Sky eh. Hindi man lang niya alam ang tunay kong pangalan. Kung tutuusin ay wala naman talaga akong karapatan sa kanya. Kung mayroon mang taong may karapatan sa kanya ay wala nang iba kung hindi ang girlfriend niya. At ang kinikilala niyang girlfriend niya ay ang babaeng kahalikan niya ngayon. Wow, happy ending.

Nang natapos ang kanilang halikan ay humarap silang dalawa sa kinaroronan ko. Una kong tinignan ang mukha ni Sky. Pinabalik balik ni Sky ang tingin niya sa mukha ko at sa mukha ni Janina. Tila naguguluhan siya sa kanyang mga nakikita. Magsasalita sana si Sky pero naunahan siya ni Janina.

“So did you like our movie-like kissing scene, lovely sister?” sabi sa akin ni Janina.

Pagkasabing pagkasabi sa akin ni Janina nun ay parang sobrang naging hina ko na. Bigla nalang muling tumulo ang luha ko na parang gripo. Kanina pa ako umiiyak pero ito ang pinakamasakit sa lahat ng iniyak ko sa buong buhay ko.

Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong sabihin sa kanya na wala naman akong masamang ginagawa sa kanya para gawin niya sa akin ito. Gusto ko siyang sitahin. Gusto kong sabihin na bumalik na siya sa pagmomodel niya at huwag na niyang gambalahin ang buhay ko dito. Pero hindi pwede. Wala akong karapatan.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko at sa sobrang pagod na pagod na ng puso at isipan ko ay isang salita nalang ang kinaya ko pang sabihin sa mga oras na iyon. Ang salitang simula ngayon ay ayoko nang marinig o makita. Ang salitang kinamumuhian ko na ngayon ng sobra sobra. Ang salitang nagpa-asa sa akin ng magandang buhay. Ang salitang sumira sa mga pangarap ko. Ang salitang naging sanhi ng katapusan ko…

“Janina…”

--

A/N

Okaaay! Hingang malalim! Whew! Medyo intense! Medyo bitin! Sorry! Haha. Sakit sa heart eh!!! Hayaan niyo, konting chaps nalang babalik na ulit sa feel-good / kilig lang ang story ng MWG. Pero sa ngayon, ganito muna. Kailangan eh. :P

Anyway, babalik na po sa dati ang UDs ng MWG. Every weekend nalang ulit. (Saturday or Sunday only). As we all know, may pasok na kasi tayong lahat ulit kaya less time to write ulit for me. Hope you understand! Wraff youuuu. Hihihi! :3

♥ Mhariz