Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 40 - Chapter 34 - So Dead

Chapter 40 - Chapter 34 - So Dead

A/N

Happy happy new year to all my dearest readers!!! Thank you for making my 2014 awesooome! Please be with me until the next year and many more years! I love you all! Mwaaaah! :*

This is my year-ender chapter. And it’s back on Ynna’s POV! Yay. :D Enjoy! I wraff you! :> Happiest 2015 to each and every one of you! :D See media for my handwriting! HAHAHA! With effort yan! :P

Theme song for this chapter is Maddi Jane's Secret! One of my faves too! Hope you like it! ;*

♥ Achi Mhariz

--

• ALYNNA MARIE PAREDES •

Date! Date! Date!

Naeexcite talaga kapag magde-date kami ni Sky. Kahit pa ilang beses na kaming nakapagdate noon, iba pa rin talaga kapag nagde-date kami ulit. Lagi kasing may bagong pasabog si Sky. Lagi nalang siyang may bagong surpresa sa akin. Lagi nalang niya akong pinapakilig. Mga tingin pa lang niya tunaw na tunaw na ako. Hay, buhay, sana talaga huwag nang matapos ang kasiyahan namin ni Sky. Sana lagi nalang ganito. Yung parang walang problema, walang hassle.

Narito kami ngayon sa La Fiesta Buffet sa Mall of Asia Sea Side. Talagang alam na alam ni Sky ang mga gusto ko sa buhay. Akalain mong dalhin ba nanaman ako sa isang Buffet na ubod ng sarap? Ang laki nanaman tuloy ng isinikip ng damit ko. Buti nalang talaga at hindi ako mahilig magsuot ng fit na damit. Kung hindi, kanina pa siguro pumutok yung suot suot ko sa dami ng kinain ko.  Bondat na ako e. Pero okay lang, at least busog. Busog lusog!

“You really like eating at Buffets huh?” simula ni Sky. Nakasmirk siya.

“Oo naman!” *Chomp* “Sarap kaya!”

“I love you, Ynna.” Sabi niya sabay ngiti. Ang sweet! Biglang gumana nanaman yung mga electric wires sa katawan ko.

“I” *Chomp* “Love you” *Chomp* “Too.” *Chomp* “hehe.”

Kung papapiliin ako kung yung sweetness ba ni Sky o pagkain. Hindi talaga ako makapili kung ano ang aking uunahin. Kaya ayun, sinabay ko nalang. Hahahaha!

“You know what, I really really like you so much, Ynna.”

“Like lang? Hindi mo na ako love?” tinigil ko na muna ang aking pagkain. Bakit like nalang niya ako? Oh no! May nagawa ba akong mali?!

“Of course I love you. But I like the way you are to me and to yourself.”

“Ano? Di ko gets, Sky.” Umiling ako.

“I like that you are just so you. You don’t have to pretend to be someone else. You are simple but very pretty. You are the perfect girl I wanna marry someday.”

Hindi ko sinasadya pero yung iniinom kong mango shake ay biglang nadura ko sa mukha ni Sky nang natapos niya yung sinabi niya. Buti nalang at naka-iwas siya kaya ayun, tumama doon sa lalaki sa likod namin. Patay malisya nalang kami kunwari hindi nalang namin alam kung nasaan nanggaling. Medyo galit kasi eh. Sana marealize niya na mango shake galing langit yun. Blessing ni Lord kumbaga.

Pero grabe! Nagulat talaga ako sa sinabi ni Sky. Nagustuhan daw niya ako kasi hindi daw ako nagprepretend? Hindi man lang niya alam na simula nung nakilala niya ako hanggang ngayon ay puro pagpapanggap lang ang pinapakita ko sa kanya. Parang bigla naman akong naguilty. Parang ang sama ko naman pala kay Sky. Hindi deserve ni Sky ang mga nangyayari sa kanya ngayon. Hindi niya deserve magkaroon ng girlfriend na tulad ko.

Sa ngayon, kung titignan ang lahat ng mga nangyayari ay sobrang saya talaga namin ni Sky. Parang wala kaming problema. Parang kami na talaga ang perfect couple na kinaiinggitan ng lahat ng tao. Pero sabi nga ng matatanda, huwag masyadong magpakasaya kasi kapag sobrang saya mo ay may kapalit yan na masamang balita. Ayoko man sanang maniwala doon pero mukhang totoo rin lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Ang tuloy tuloy kayang kasiyahan namin ni Sky ay may kapalit na hindi maganda? Iyon ba ay kapag nalaman na si Sky ang tunay na ako? Matatanggap pa kaya niya ako o hindi na?

Nang natapos na ang aming buffet ni Sky sa La Fiesta ay naglakad lakad muna kami sa sea side ng Mall of Asia nang magkaholding hands with interwinding fingers. Kung noon ay kinikilig lang ako kapag magkaholding hands kami, iba na ngayon. May halo nang kaba ang aking nararamdaman. At may halo ding pagka-guilty. Lalo na nung may lumapit na batang buntis na babae sa amin ni Sky at nagbigay ng banta. Nagpakilala siya bilang Juliana Fortuna at isa raw siyang manghuhula.

“May isa sa inyong dalawa na hindi nagsasabi ng totoo. Kung ako sa kanya sabihin nalang niya ngayon habang may oras pa siya. Dahil kung pinatagal na niya ito, maaaring huli na ang lahat. Magkakagulo lang ang lahat. Ikaw rin. Baka mag-break kayo.” Ito ang sinabi niya bago siya umalis sa paningin namin ni Sky. Iniwan niya akong nakanganga. Paano niya nalaman na may lihim ako? May lihim din ba si Sky? O ako lang talaga ang pinariringgan?

“A-Ano yun?” sabi ko kay Sky nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nasapul ako ng manghuhula na yun ah.

“Don’t mind her, baby. She’s just crazy.” Pinapakalma ako ni Sky. Pero siya mismo ay balisa na rin, ramdam ko.

“Pero…”

“I said don’t mind her. Nothing can break us up. I promise.”

“Uh...eh...kasi... Okay.”

“We are breaking free, baby.” seryosong sambit ni Sky.

“Sana nga, Sky. Sana nga.”

“Claim it.” nakangiti niyang sinabi.

“Oo. Nothing can break us up.” Pag-uulit ko sa sinabi niya. Kahit na sa loob looban ko ay sobrang kinakabahan na ako. Kahit mismo yung kamay ko na hawak hawak ni Sky ay pawis na pawis na rin. Para sa iyo, Sky, icle-claim ko pa rin.

Habang nasa biyahe kami pauwi sa condo namin ay hindi ko maiwasang isipin ang mga panloloko ko kay Sky. Oo at hindi ko naman sinasadya na ganito, yung hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Anim na buwan. Anim na buwan ko na palang niloloko si Sky sa tunay kong pagkatao. Nagpromise ako sa kanya na mahal ko siya at hindi ko siya iiwan kailanman. Oo at ang lahat ng iyon ay totoo. Pero aanhin ko pa ang mga totoong bagay na iyon kung ang mismong taong nakakasalamuha ni Sky ay hindi naman pala ang inaakala niyang tao.

Naisip ko na siguro ay oras na. Oras na para malaman nga ni Sky ang lahat. Baka tama yung manghuhula kanina. Baka mas lalo pang lumala kapag pinatagal ko pa ito. Baka lalong magkanda-leche leche ang lahat. Mas maiging habang mas maaga ay agapan ko na ang mga maaaring problemang magsilabasan.

Pero may kontrata ako kay Janina. At may pag-aaral akong kailangan kong tapusin. Ahhh! Hindi ko na alam. Kailangan ko na talagang makausap si Shibama tungkol dito. Ayoko na maglihim pa kay Sky. Gusto ko na sabihin sa kanya ang totoo. At higit sa lahat, gusto ko nang mahalin niya ako bilang ako. Selfish man kung selfish pero ito na ang desisyong gusto ko panindigan ngayon.

***

[5th Floor – Millenium Heights Condominium]

Pagpasok ko sa condo ay sinabulong agad ako ni Shibama ng kanyang mga bati. Hindi ko alam pero bigla nalang akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap ko siya habang umiiyak ako.

“What happened dear? Naka-home run na ba si Sky?”

Tumango nalang ako at tinuloy ang pag-iiyak ko sa kanya. Hindi ko naman alam yung pinagsasabi ni Shibama pero sa ngayon, kailangan ko lang talaga ng taong mayayakap na alam ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon. At si Shibama lang iyon.

“Okay lang yan” hinimas himas niya ang ulo ko na parang aso. “Ganyan lang talaga kapag una. Masakit.”

“Huh?” inangat ko ng kaunti ang ulo ko.

“Kunwari ka pa, girl. Okay lang yan. Just make sure that you use protection. Nako, Ynna, mahal na mahal na talaga kita. Alam mo anytime kapag bumalik ang reyna ay pwede na akong mawalan ng work dahil sa pagkampi sa sayo pero okay lang yun as long as I get to be on your side.”

“A-Anong reyna? Anong mawalan ng work? Anong sinasabi mo Shibs hindi kita maintindihan!”kunot noo kong sinabi sa kanya.

“Wala. That’s my problem on my own. Ang pag-uusapan natin ngayon ay yung sayo. Bakit ka ba umiiyak?” pag-iiba niya sa usapan.

“A-Ano kasi…”

“Spill it, girl!” inalis na niya ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Kasi Shibs… hindi ko na kaya.”

“Anong hindi mo na kaya?”

“Magpanggap kay Sky bilang Janina Fortaleza. Hindi ko na kaya.” Ayun at nasabi ko na rin.

Katahimikan…

“Are… you… sure?” putol putol na sinabi ni Shibama. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Tumango ako.

“So, gusto mo nang umamin sa kanya?”

“Kung pwede?” tinaas ko ang kaunti ang kilay ko. Simbolo na hinihingi ko ang permiso ni Shibama sa gagawin kong desisyon na pagsasabi kay Sky ng totoo.

“Umm… girl… pwede naman. Pero are you sure about that? I mean, pwedeng maging negative ang reaction ni Papa Sky about this. Dapat handa ka rin doon.”

“Handa naman akong harapin ang kahit ano para kay Sky eh.” Mahina kong sambit.

“Okay…”

“Shibs, hindi ko na rin kasi kayang lokohin si Sky. Sobra na akong nagui-guilty.”

“Okay, then. I understand you. I’ll help you!” masayang sabi sa akin ni Shibama. Nag-shift bigla yung mood.

“Talaga?”

“Oo.”

“Paano?”

“Mag-prapractice tayo ng tamang words na sasabihin mo kay Papa Sky para hindi siya magalit. Nasa tamang paggamit ng salita lang naman yan. Magrorole-play tayo. Kunwari ako si Sky. Kailangan mo ako i-approach, okay?”

“Acting-actingan?”

“Yup!” sabi niya sabay kembot.

Hindi ko alam kung nagloloko lang ba itong si Shibama o ano. Akala ko ay tutulungan niya ako kung paano ko makakausap ng maayos si Sky pero mukhang ginawa lang niyang katatawanan ang lahat. Nagpapanggap siyang si Sky pero hindi naman kasi niya alam kung ano ang ugali ni Sky. Ni minsan hindi ko pa nga sila nakikitang mag-usap ng matino eh. Paano ba naman kasi, ginagawa niya ring bakla si Sky tulad niya sa pagro-role play niya dito. Hindi ko tuloy alam kung tama na ba yung sasabihin ko o hindi.

ROLE PLAY #1:

Ynna: Sky, alam mo namang mahal na mahal kita ‘di ba?

Sky: Hindi noh. Homerun muna. Hihihi.

Ynna: Sky may sasabihin sana ako sayo… huwag sa sanang magagalit.

Sky: Sasali ka sa Miss universe? Ako din girl eh. Ako si Miss Kenya. Kaya okay lang hindi ako magagalit sayo. Hindi sayo, hindi sa akin. Sa KENYA! Hihihi.

Ynna: Shibs naman eh!

ROLE PLAY #2:

Ynna: May sasabihin akong sikreto ko sa iyo, Sky. Pero sana intindihin mo ako…

Sky: Nako Ynna dear, huwag mo akong iiwanan ha. Kung ayaw mong ma-… KAZAKSTHAN!

Ynna: Kahit bakla ka ngayon Sky, hinding hindi kita sasaktan. Mahal kita. Kaya sasabihin ko sayo ang totoo.

Sky: Kahit sabihin mo pa sa akin ang totoo. Hindi magbabago ang tingin ko sa iyo… NORWAY!

Ynna: Shibs naman eh! Hindi ganyan si Sky makipag-usap! He!

ROLE PLAY #3:

Ynna: Sky, kahit anong mangyari sa relasyon natin huwag mo akong iiwan ha?

Caloy: Ynna, Shibama! May dinner na tayo. Pumunta na kayo na mesa at kumain na!

Sky: Sabat ng sabat naman ‘tong si Caloy, oo. Hindi naman kinakausap. Ang… NEPAL!

Ynna: Hahahaha! Baliw ka Shibs! Ang sama mo!

Caloy: Kukuha nalang ako ng kubyertos. Nakalimutan kong ihanda. Sandali lang.

Sky: Walang kutsara, walang tinidor, mag… JAMAICA!

Ynna: Hahahaha! Shibs naman e! Parang wala tuloy kwenta practice natin!

Sky: I’m Sky. Not Shibs.

Ynna: He! Lumamon na nga lang tayo.

At ayun nga, parang wala rin kaming na-practice na maayos ni Shibama sa role playing game namin. Dapat talaga hindi ko nalang pinatulan si Shibama doon sa iniisip niyang acting-actingan na yun. Wala rin kaming napala. Hindi rin nabawasan yung kaba ko. Bukas ko na nga ba talaga sasabihin ang lahat? Oras na ba talaga para malaman ni Sky?

Nakakainis kasi hindi ko talaga maiwasan na hindi kabahan. Sa sobrang kaba ko ay baka hindi ko pa maituloy. Pero lagi ko nalang iniisip yung sinabi sa akin nung manghuhula sa Mall of Asia sea side. Kailangan ko nang sabihin habang wala pang masyadong gusot. Kailangan kong maging matapang alang alang kay Sky. Alang-alang sa taong pinakamamahal ko.

Pagkatapos naming kumain ay pumasok na ako sa kwarto ko para matulog na at magpahinga. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang may kumatok sa pintuan ko. Sinigawan ko siya na pumasok nalang tutal ay hindi naman nakalock ito. Pumasok dito ang ngising-ngisi na si Shibama.

“Kahit ako'y kabit lang, sweet pa rin ako kay Sir… SWITZERLAND!”

“Shibs! Hanggang dito ba naman?”

“Pahabol lang.. hehe! Goodnight girl! Goodluck tomorrow. I’ll pray for you. Alelluiah pon de Ynna.”

“Huh?”

“Wala. Night.”

*BOOGSH*

Pinagbagsakan ba naman ako ng pinto? Baklang yun talaga. Pero sana nga lahat ay maging okay bukas. Goodluck talaga sa akin.

***

Pag-gising ko kinabukasan ay sobrang kinakabahan pa rin ako. Ewan ko ba pero parang may nararamdaman kasi akong hindi magandang mangyayari.  Siguro epekto lang talaga ito nung sinabi sa akin nung manghuhula na iyon. Inisip ko tuloy kung tamang bang pinakinggan ko pa siya. Hindi rin ako masyadong nakatulog. Nakapikit lang talaga ako magdamag pero patuloy lang akong nag-iisip. Kaya ngayon, medyo masakit tuloy ang ulo ko.

Bumangon ako ng mas maaga sa inaasahan kong oras. Naghanap nalang muna ako ng mapapanuod kung saan mapapagaan nito ang loob ko at mapapalakas din ang loob ko. Napili kong panuorin ang Naruto. Ito yung unang season pa ng Naruto. Yung nagka-kagi bunshin technique palang si Naruto. Paulit ulit ko lang pinanuod ang eksenang iyon kasi hindi ko rin naman maintindihan yung mga nangyayari dahil sobrang okupado na ang isip ko.

Halos isang oras ko ding kinakausap ang sarili ko at patuloy na pagprapraktis na parang tangang ewan. Gusto ko kasi sana maging perfect ang pagkakasabi ko kay Sky. Alam ko naman na kahit gaano ka-perfect ang sasabihin ko mamaya ay magiging reaksyon pa rin niya ang magiging reaksyon niya. Wala lang, gusto ko lang talaga ayusin ito alang alang sa relasyon namin ni Sky. Ayokong magkaroon ng sugat ang pagsasama namin dahil lang sa kasinungalingang ginawa ko sa kanya.

Pagkatapos kong manuod ng Naruto ng pa-ulit ulit ay naging mabilis na din ang daloy ng oras. Bigla nalang kumakatok na si Shibama para ayusan na ako at maya maya pa konti ay nasa sala na ng condo si Sky para ihatid ako sa ECB.

Habang naglalakad kami ni Sky papunta sa ECB ay naisipan kong mamayang gabi nalang pagkatapos ng klase ko sa kanya sasabihin ang lahat. Hindi naman sa pinapatagal ko. Mas maigi kasi na kaming dalawa lang ang mag-uusap sa panahong sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Kaya eto ako ngayon, pinipilit ko pa ring umaktong normal pag kasama siya.

“Why is your hand wet? Kahapon pa ito ah.” Panimula ni Sky.

“H-Hindi ko rin alam eh.”

“Are you worried or something?”

“W-Wala ah. Hindi noh.” Pinilit kong ngumiti kay Sky.

“Okay. Just tell me if there’s something wrong, okay? I love you.”

“Okay. I love you, too.”

“I’ll just have a basketball practice with Dwight and Erick until the afternoon. Call or text me.” Sabi niya bago niya hinalikan ang noo ko at umakyat na papuntang gym.

“Okay. Bye.” Sabi ko naman habang kinakaway ang kamay ko habang unti-unti ko siyang nakikitang lumalayo.

Pagkaalis ni Sky sa paningin ko ay napagpasyahan ko nalang na pumunta nalang sa Royals room para magpahinga at para makapag-usap usap din kila Debbie at Karen. Medyo namimiss ko na din kasi sila. Minsan nalang kami makapag-usap ngayon. Busy kasi yata kaming tatlo sa mga lovelife namin eh. Hihi. Ang lalandi kasi naming tatlo eh. Hahaha.

Pero laking gulat ko nang pagdating ko sa tapat ng Royals room ay nakita ko ang sarili ko na nakikipagbeso beso kila Debbie at Karen! Anong nangyari? Bakit ano nandoon?! Lumabas ba ang kaluluwa ko? Anong nangyari? Patay na ba ako?

Tinignan kong mabuti ang sarili ko na nakikipag-usap kila Debbie at Karen. Mukhang sobrang saya nilang tatlo ng aking sarili. Parang matagal na matagal na silang hindi nagkikita. Ngayon ko lang nakita ang sarili ko na ganun makipag-usap kila Debbie at Karen. Kadalasan kasi hindi ako nakakasabat sa mga pinag-uusapan nilang mga movies at series eh. Pero ngayon, mukhang ako pa yung leader.

Nananaginip ba ako? Bakit ako nandoon samantalang narito ang katawan ko sa malayo? Nasobrahan nanaman yata ako sa panunuod ko ng Naruto at pati ako nagkakagi-bunshin technique na rin. Natakot naman akong baka kapag ipinagpatuloy ko pa ito ay pati sila Debbie at Karen ay maging mukha ko na. At pati baka buong ECB ay maging kamukha ko na. Huwag naman sana. Ititigil ko na talaga ang manuod ng Naruto.

Kinuskos ko ang mata ko ng sobrang tagal. Kasi ganun yun ‘di ba? Kapag kinuskos mo ang mata mo ay mawawala na ang mga multo at ang mga guni guni mo? Tinagalan ko nalang ang kuskos kasi natatakot akong baka pagkatapos kong kuskusin ang mata ko ay hindi maalis doon ang sarili ko. Buti nalang at tinagalan ko ang kuskos ko at medyo naging effective naman. Kasi pagtingin ko sa Royals Room ay si Debbie at Karen nalang ang natitira. Masaya pa rin silang dalawang nag-uusap. Buti nalang at nawala na ang doppelganger ko. Kinabahan ako dun ah!

Nang matapos na ang klase namin ay pinuntahan agad ako ni Sky. Ang bilis ng hininga ko ng mga oras na yun. Hindi ko alam kung may sakit na ba ako sa puso o kaya dahil kinakabahan lang ako dahil sa mga nakita ko kanina o sa sasabihin ko kay Sky. Basta ang alam ko lang, kinakabahan ako. Sana matapos na talaga ang araw na ito!

“Baby…” si Sky.

“Ano?”

“You look stressed.” Sabi niya. Umupo kami sa isa sa mga swing sa garden ng ECB.

“Ganun ba? Ang pangit ko na ba?” wow at nakuha ko pa talagang magjoke sa sitwasyon ko eh noh.

“You’re always very pretty to me. No matter how you look like.”

“Sky naman eh. Huwag mo akong pakiligin.” Ngumiti ako ng malandi. Hay! Kainis! Focus, Ynna! May sasabihin ka ‘di ba?!

“Why not?”

“Sky… may sasabihin sana ako sayo.”

“What is it baby?” inakbayan niya ako at sinandal ang ulo sa balikat ko. Shemay! Kinikilig ako. Bukas ko nalang kaya sabihin? Joke.

“Umm… Sky… Paano kunwari kung malaman mo na masamang tao pala ako, magagalit ka ba sa akin?”

“You are not, Ynna.”

“Kunwari nga lang. Isipin mo nalang totoo. Paano kung may malaman ka na masama tungkol sa pagkatao ko o sa akin, magagalit ka ba? Kamumuhian mo ba ako?”

“Of course not.”

“Wushu, sigurado ka ba diyan?” pagbibiro ko.

“Yes. Because I love you.” Sabi niya bago niya ako hinalikan ng light sa lips. Natunaw naman ako doon pero pinanindigan ko pa din ang aking kailangang gawin. Pigil na pigil na hindi ko siya halikan pabalik.

“Pwes, kung ganun, magkita tayo mamayang 7PM. Sunduin mo ako at may sasabihin akong importante sa iyo.”

“Sure.” Nagsmile siya.

Ito na talaga. Wala nang bawian ‘to. Kailangan ko na talagang lakasan ang loob ko. Goodluck to me. Help me Lord!!!

***

Saktong 7 PM nga ng gabi ay sinundo na ako agad ni Sky sa condo namin. Nakakainis kasi hindi ko man lang naka-usap si Shibama para humingi ng mga last advices. Wala kasi siya doon sa condo namin nung bumalik ako. Sana pala hindi ko nalang pinatagal ang pagsasabi ko kay Sky ng katotohanan kung wala din naman akong aabutan na Shibama. Edi sana pala kanina pa tapos yung mga sinabi ko kay Sky. Si Lord talaga oo, sobrang pa-suspense. Magcocollapse na ako sa sobrang kaba!!!

“You ready?”

“Ako? Ready? Bakit ko naman kailangang magready?” pa-inosente kong tanong. Paano niya nalaman na kailangan kong mag-ready? Waaa!

“Nothing. I just have a surprise for you.”

“Sur-Surprise? Sky naman. Huwag mo na akong surpresahin ngayon. Wag ngayon. Next time nalang.”

“Basta.” Nagsmile nalang siya. Nako. Paano ba ito. Lagot na.

Pumunta kami ni Sky sa isang magandang Chinese restaurant na nangangalang Tao Yuen. Ang gaganda ng mga upuan dito - parang mga sofa. Kung wala lang akong sasabihin ay baka kanina pa ako nagpagulong gulo sa mga upuan dito.

“Surprise.” Sabi niya.

Oh no.

“Janina! I miss you so much, my little girl.” Sabi ng isang lalaki. Hala?! Sino yun? At niyakap pa ako ng sobrang higpit.

“Janina dear, how's life at the dorm?” sabi naman ni… OMG. Ni mama! Kumindat nalang siya sa akin. Alam niya ang lahat! Alam niyang mangyayari ito!

Ibig sabihin, yung lalaking yumakap sa akin kanina ay tatay ni Janina hindi ba? At si Mama ay malamang nanay din siya ni Janina. Hala ka! Anak ng sampung tae naman oh! Baka mahalata ng tatay ni Janina na hindi ako si Janina! Lagot na! kailangan ko makagawa ng paraan para makaalis na dito. Hindi kami pwedeng makapag-usap dahil ni hindi man lang ako marunong magsalita ng straight na English.

“Mama..” bulong ko sa kanya ng medyo nagkatabi kami. Magkatabi naman sa kabilang banda si Sky at yung tatay ni Janina. Nakaupo na kaming lahat ngayon.

“Excuse us, mag-CCR lang kaming girls.” Sabi ni mama sabay tayo at kalabit sa akin senyales para sundan ko siya sa CR.

Nang nakarating kami sa CR ay niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit. Hindi siya galit sa akin? Nagboyfriend ako nang hindi nararapat pero eto siya at niyayakap ako? Hindi ko tuloy lubusang maisip kung anong klaseng pakulo nanaman ang ginawa ni Sky para mapapayag ang magulang ni Janina na makipagdinner sa amin.

“Mama, sorry...”

“Shhh, Ynna, it’s okay. You just have to go.”

“Oo mama kailangan ko na talagang umalis. Baka makahalata yung tatay ni Janina.”

“Ganito nalang, sasabihin ko na masama ang pakiramdam mo. At sasabhin ko kay Sky na ihatid ka na sa condominium, okay?” sabi  ni mama habang haplos haplos ang mukha ko.

“Sige po. P-Pero mama, paano niyo nakilala si Sky?”

“He has been always visiting us simula nung naging kayo. Nagpapagoodshot yata sa amin. Pero kilala naman namin siya in the first place, anak ng rival natin.”

“A-Ano? HALA! B-B-Bumibisita siya?!”

“Don’t worry, Ynna. Hindi ako haharang sa relasyon niyo. Sa pagbibisita ni Sky ay natiyak ko naman na isa talaga siyang mabuting tao at mahal na mahal ka talaga niya.”

“Pero mama hindi alam ni Sky na ako si Alynna…”

“You have to tell him the truth, darling. The earlier the better.”

“Mama, paano si Janina? Nasa kontrata ko kay Jani—“

“Don’t mind your ate. I can handle her.”

“Thank you mama.” Medyo naluluha kong sinabi sa kanya.

“All for your happiness, my daughter. Always remember that mama loves you so much.”

“Opo, mama.” At nagyakapan muli kami bago kami lumabas na sa girl’s CR.

Paglabas namin ng CR ay mukhang medyo marami na ring napag-usapan ang dalawang lalaki pero hindi ko nalang ito pinakialaman pa. Nagpaliwanag na rin si mama na medyo masama na ang pakiramdam ko kasi magkakaroon na daw ako. It’s a girl thing daw kaya hindi na rin nakaimik pa yung tatay ni Janina at si Sky. Sa huli ay pinagayagan na rin nila akong ihatid na ako ni Sky pabalik sa condominium. Hindi na kami nakakain, sayang naman. Pero at least, safe ako sa pagpapanggap ko. Pero kailangan ko na talagang sabihin ang katotohanan sa mas lalong madaling panahon. Mas nagiging mapanganib na sa bawat oras na lumilipas.

Pagdating namin sa condo ay wala pa rin si Shibama! Nakakainis naman oh! Kung kalian kailangang kailangan ko siya doon pa siya naging MIA. Hay nako!

Hinawakan ni Sky ang noo ko para malaman kung okay na ba ako. Nakakaloko lang kasi hindi naman talaga ako mainit at wala naman akong menstruation ngayon. Walang mali sa akin ngayon. Mali lang sa akin ay ang pagkataong nakikita nila sa akin.

“You didn’t tell me you’re  sick…” seryoso niyang sinabi.

“Sorry, Sky, kala ko okay na eh.” Pagsisinungaling ko. Hay, kalian ba matatapos ang mga kasinungalingan ko kay Sky.

“You have to rest.”

“Pero Sky may sasabihin pa pala ako sayo.” hinawakan ko ang braso niya.

“Save that for tomorrow.” Ngumiti lang siya, inalis ang hawak ko at umalis na sa condo.

Waaa! Bakit umabot pa ito ng bukas?!?! Kainis naman!!!

***

Kinabukasan ay sobrang determinado na akong sabihin kay Sky ang totoo. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Mamaya bago magsmula ang mga klase ko na sasabihin sa kanya ang lahat lahat.

Hindi na muna ako nagpa-make-up kay Shibama kasi tulog pa siya noong nagising ako. Pumunta na ako agad sa ECB ng maaga para hindi na ako ihatid ni Sky. Tinext ko nalang siya na magkita kami sa cafeteria ng eksaktong 7 AM para masabi ko na sa kanya ang lahat ng sasabihin ko. Hindi pa siya nagrereply kasi baka tulog pa siya ngayon. Hinayaan ko nalang muna. Nagdasal nalang ako sa cafeteria mag-isa. Dinadasal ko nalang na sana maging maayos talaga ang kalabasan ng araw na ito.

Nang matapos akong magdasal ay biglang may humawak sa balikat ko. Ang bigat ng pagkakadampi ng kamay niya sa balikat ko kaya alam kong hindi si Sky iyon. Parang may halong galit ang pagkakahawak niya sa akin eh. Sino kaya ito?

Nang lingunin ko kung sino iyon ay parang akong binuhusan ng malamig na tubig. Ito na nga ba ang karma ko sa pagsisinungaling? Ito na nga ba ang katapusan ko? Bakit ang aga naman niyang nakarating?

I’m dead.

So dead.

Paalam, ECB.