Chereads / Lunaire Academy: Wizards and Witches Saga / Chapter 20 - Lancelot Irvin

Chapter 20 - Lancelot Irvin

Binigyan kami ni Prof. Emmelline ng mapanukso at makahulugang tingin, habang hindi binibitawan ng dalawa ang mga kamay ko. Napalunok din ako ng laway dahil sa alanganing sitwasyon na kinasasangkutan ko dahil walang gustong bumitaw sa kanilang dalawa, kaya mabilis kong binawi ang mga kamay ko at pinagsaklop ito sa aking dibdib saka ako huminga ng malalim para maibsan ang tensiyon na naramdaman ng buong sistema ko. Masama na rin ang tingin sa akin ng mga kapwa ko Lunaireians. Pakiramdam ko masusunog na ang pagkatao ko sa mga klase ng tingin nila sa akin. Goodness! Please, somebody help us! Naulinigan ko ang boses ni Stella na nagsalita, "Prof, I suggest na, kailangan pumunta ni Mira kasama itong dalawa, because, they know her well? I guess so," kumindat sa akin si Stella. Hulog ka talaga ng langit Stella!

"If that's the case, pumunta na tayo sa opisina ni Mrs. Clementine!" bulalas ng propesor. Luminga-linga ito sa buong library na tila may hinahanap. Nang makita niya ang katawang-lupa ni Luccas, sinenyasan niya ito na lumapit sa amin. I noticed Luccas frowned while he motioned toward us. Gagawin na naman siguro siyang medium of transportation para makarating kami agad sa opisina ni Mrs. Clementine. Tila alam na ni Luccas ang ipapa-trabaho sa kaniya ni Prof. Emmelline, kaya sa isang wasiwas ng kamay niya, nakagawa na siya ng isang dimensional portal.

Itinulak kami ni Prof. Emmelline palapit sa portal na ginawa ni Luccas saka niya rin hinila ito, "Alexevich, sasama ka sa amin, whether you like it or not." pananakot pa niya kay Luccas. Napangiwi na lamang kami sa sinabi ng propesor at hindi na rin nakatanggi si Luccas sa kaniya. Sabay-sabay kaming pumasok sa portal. Napapalooban ng matinding magical aura ang dimensional portal na ginawa ni Luccas dahil nanunuot ito sa buong sistema ko. Parang naglalakad lamang kami sa kawalan dahil kulay puti ang paligid. Iwinasiwas ulit ni Luccas ang kaniyang mga kamay sa ere at nakita namin ang pintuan ng opisina ni Mrs. Clementine saka lumakad palapit dito. Kakatok pa lamang si Prof. Emmelline sa pintuan ay kusa na itong bumukas. Tumambad sa amin ang mukhang mataray at istriktong head ng academy habang nakaupo at nakasalumbabang nakaharap sa amin.

"Anong kailangan ninyo, at kasama si Crescencia?" marahan na tanong ni Mrs. Clementine na may tono ng pagtataka.

"Her case was weird madam, sa buong pagtuturo ko sa academy, siya lamang ang na-encounter ko na hindi pa nakakuha ng grimoire after their first exam sa aking subject. I knew she had her magic, because I saw it with my own eyes. I could say that her magic was unique pero, the grimoire thing—kaya pumunta na kami sa'yo for consultation kung ano ang gagawin namin sa kaniya," pagkukuwento ni Prof. Emmelline.

Humalukipkip si Mrs. Clemetine habang nakatingin ng deretso sa akin, saka ibinaling naman ang tingin kay Loki, Rincewind at Luccas, "Ako na ang bahala Emmelline kay Crescencia, at sa tatlong bata. Puwede ka ng bumalik sa klase." kalmadong sinabi nito kay Prof. Emmelline. Tumango na lamang siya kay Mrs. Clemetine saka ibinaling ang tingin sa amin.

"Huwag kayong pasaway, and see you around."

"Opo."

Nang makalabas si Prof. Emmelline, napansin kong tuwang-tuwa si Luccas, habang sina Loki at Rincewind, seryosong nakatingin sa head ng academy- ang kanilang lola. Sumenyas si Mrs. Clementine sa amin na umupo kaming tatlo sa bakanteng sofa na naka-puwesto sa harap niya. Sumunod kami kay Mrs. Clementine at nagkasya naman kaming tatlo sa sofa. Pinagigitnaan ako ni Loki at Rincewind samantalang katabi ni Rincewind si Luccas. Nakatingin ito sa dalawa niyang apo at muli siyang nagsalita, "Maaari ko bang makita kung anong klaseng grimoire ang nakuha ninyo?"

Nagkatinginan ang mag-pinsan at inilahad nila ang kanilang mga palad. May kung anong green and golden particles ang lumulutang-lutang sa kanilang palad saka biglang lumabas ang nakuha nilang grimoire. Hindi ko napansin kanina sa library na itinago pala nila ang kanilang grimoire gamit ang kakaibang magic spell. Narinig kong humihikab si Luccas, dahilan para maagaw ang atensiyon ni Mrs. Clementine, "Alexevich, ipakita mo rin ang nakuha mong grimoire."

Napakislot si Luccas sa kinau-upuan niya na mukhang gulat na gulat. Pinigilan kong matawa sa hitsura ni Luccas kaya tinakpan ko ng aking kamay ang bibig ko. Ginawa ni Luccas ang utos sa kaniya ni Mrs. Clementine. Napansin kong ngumiti si Mrs. Clementine. She seemed satisfied with the grimoires that they have got, lalo na nang makita niya ang grimoire ni Loki. May nakaukit sa sun symbol sa kaniyang golden dandelion grimoire. Tumikhim si Mrs. Clementine at nagsalita, "Magaling, puwede niyo ng itago iyan," ipinagsaklop nila ang kanilang mga kamay saka nawala ng parang bula ang mga grimoire nila. Muling nagsalita si Mrs. Clementine, "Kayong tatlo, I need you to help Mira so she can obtain her grimoire."

Nandilat ang mata ng tatlo, "Paano pong tulong?" sabay na tanong ni Luccas at Rincewind. Mrs. Clementine grinned then she said, "Hindi makakakuha ng grimoire si Crescencia kung hindi pa siya bihasa sa taglay niyang magic. Ang ibibigay kong task sa inyo, is to watch over her."

"Iyon lamang po?" magalang at nagtatakang tanong ni Loki. Marahang tinapik-tapik ni Mrs. Clementine ang kaniyang desk, "Yes, dahil bukas, si Lancelot Irvin ang magtuturo sa kaniya, just for one day."

"Si Prof. Irvin? Pero, hindi na po siya nagtuturo at isang araw lang?" angal ni Loki saka tumikhim ako upang ibigay ang aking sagot, "Ahm… Wala naman pong problema kung sino ang magsasanay sa akin at kung ilang araw ang pagsasanay. Willing po akong matuto, kasi gusto ko rin maka-catch up sa kanila. Ayoko pong maging pabigat dito sa academy." ani ko habang mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng t-shirt ko. Ayokong masayang ang hirap at pagod ng mga magulang ko, kaya kikilos ako bilang heiress ng academy.

Mrs. Clementine chuckled lightly, "That's the spirit, Mira. Oh siya, bumalik na kayo sa kani-kanilang dorms niyo. Isang subject ang klase niyo today. Tomorrow, ipapa-excuse ko kayong apat upang bantayan si Mira sa pagsasanay."

"Opo," sabay nilang sagot. I forced a smile at them. Ano kaya ang mangyayari sa akin bukas?

Dumating na nga ang araw ng pagsasanay ko upang makakuha ng grimoire. Hindi gumamit ng spatial magic si Luccas bagkus naglakad kami papunta sa botanical garden. Nagtaka ako kaya nagtanong ako kay Loki kung bakit kami papunta roon.

"Bakit sa botanical garden?"

"Doon lumalagi sa mukhang haunted cabin si Prof. Irvin. He's a magic expert at siya rin ang gumagawa ng mga magical items na mayroon tayo, lalo iyong magical portal disc saka iyong mga magical papers na ginagamit natin kapag magca-cast ng spell," sagot ni Loki saka pinitik ang aking noo. Trip niya yata itong noo ko pero hindi naman ito malapad. I scowled at him saka malakas kong hinamapas ang kaniyang dibdib na ikinangiwi niya saka ako inasar-asar. Tumikhim si Rincewind at Luccas dahilan para pumirme at dumistansya kami sa isa't-isa. Rincewind threw a cold gaze on me. I felt my body froze in an instant, then he turned his gaze on Loki. Narinig ko lamang ang paangil na tanong ni Loki sa kaniya, "What?"

Umiling-iling si Rincewind at ibinalik ang focus sa paglalakad. Nakarating na kami sa botanical garden at natanaw ko ang bahay na nakakuha ng atensiyon ko noong nagpulong kami for the initiation thing. Ang problema, paano kami tatawid sa kabilang ibayo ng garden kung may malawak na lawa na nakapagitan dito. Humakbang si Luccas at marahang iwinasiwas ang kaniyang kamay sa hangin," Abracadabra! Alam kong namomroblema kayo, kaya nga ako ipinasama sa inyo, hindi ba?" Luccas showed a smug smile while giving us a sign to enter the portal. Ang yabang naman talaga. I sighed as I shook my head because of his flamboyant attitude. Lumakad na kami papasok sa portal, at paglabas namin, ay nasa labas na kami ng cabin. Ah, I remember now, ito ang lugar kung saan ko naulinigan na may tumatawag sa pangalan ko. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa pintuan ng cabin. Si Rincewind ang parang tumatayong lider namin, kaya siya na ang nag-volunteer na kakatok sa pintuan. Hindi pa man siya kumakatok ay bumukas na ang pintuan. Bumungad sa amin ang uugod-ugod na matandang lalaki na mukhang nasa 90's ang edad at may hawak-hawak na tungkod. He has gray eyes, aquiline nose, long ash-blonde hair and of course, his face was wrinkly. Nakasuot din ito ng brown cape, cream-colored long sleeves at khaki pants. For sure, he was none other than Prof. Lancelot Irvin. Tiningnan niya si Rincewind mula ulo hanggang paa, saka ibinalik ang tingin sa mukha nito. Sa tingin ko kinikilala pa niya kung sino ang kaharap niya. Tumingin din siya kay Loki, saka kay Luccas. Kanina ko pa napansin na nakatalikod si Luccas mula sa propesor at ayaw niyang harapin, "Hindi mo ako maloloko Luccas, alam kong ikaw 'yan!" bulalas ng propesor, "Hindi mo na dinadalaw ang lolo mo rito, nagtatampo na ako sa'yo." Nagulat kaming tatlo sa sinambit ng propesor. Ah! Grandson naman pala si Luccas, kaya siguro siya ang ipinasama sa amin.

Isinuksok ni Luccas ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon, "Dadalawin ko naman kayo, nagkataon na busy po ako, buti nga ipinasama ako rito ni Mrs. Clementine," sagot niya sa propesor. Ngumiti ang propesor sa kaniya, at nang ibinaling na ang tingin sa akin, mas lumapad pa ang mga ngiti niya sa labi.

"Dekada na ang lumipas, at heto bumalik ka sa tahanan mo. Matagal na kitang hinihintay." nandilat ang mga mata ko sa sinabi ng propesor sa akin. Naalala ko na siya ang naging guro ng aking ina sa Physical Education subject niya dati. Sigurado akong siya ang makakatulong sa akin upang masagot ang mga misteryo na gusto kong malaman. Nagsalita si Loki upang agawin ang atensiyon ng propesor na malapad pa rin ang ngiti sa akin.

"Prof. Irvin, hindi na po kami magpapaligoy-ligoy pa. Actually, ito po si Mira Luna Crescencia, siya lamang po kasi ang hindi nakakuha ng grimoire sa amin lahat. Kaya pinapunta po kami rito ng lola namin ni Rincewind upang humingi ng tulong sa inyo na sanayin siya na kontrolin ang magic niya, kahit ngayon araw lamang po."

Tumingala ang propesor matapos magpaliwanag ni Loki. Kumakabog ang dibdib ko kung ano ang isasagot niya.

"Halina kayo, sundan ninyo ako." sambit ng propesor sa amin na hindi pa rin nawawala ang kaniyang ngiti sa labi. Sinundan namin siya papunta sa may tabi ng lawa saka niya ako sinenyasan na lumapit.

"A-Ako po?"

"Oo, hija."

Lumapit ako sa matandang propesor. Marahan niyang ipinatong ang balikat niya sa akin saka bumulong, "Anak ka ni Minerva, hindi ba? Humihingi na ako ng pasensya sa gagawin ko, ngunit makakatulong ito sa problema mo," aniya na ikinagulat ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya saka ako malakas na itinulak sa lawa. Napasigaw ako sa gulat. Balak ko sanang umahon dahil mukhang mababaw lamang ang parte na kinabagsakan ko, ngunit tila may umaakit sa katawan ko na pumunta sa gitna ng lawa. Shocks! Bakit ngayon pa! Hindi pa naman ako sanay lumangoy! I gasped and flapped my hands on the water surface upang hindi ako malunod, ngunit may puwersang humihila sa akin pailalim ng lawa. Narinig ko na galit na galit si Loki at Rincewind sa ginawa ng propesor ngunit tahimik lamang ito. Pinigilan din ng propesor ang dalawa na iligtas ako. Oh my G! Am I going to die? Tuluyan na akong nalunod at lumubog sa gitna ng lawa.