Chereads / Lunaire Academy: Wizards and Witches Saga / Chapter 24 - Lucia de Sienna

Chapter 24 - Lucia de Sienna

Nangako kami kay Mrs. Clementine at Prof. Irvin na walang kahit katiting na impormasyon ang makakalabas mula sa usapan namin kani-kanina. It was five o' clock in the afternoon nang makalabas kami ng opisina. Nagpaalam si Luccas sa amin na ihahatid niya muna ang kaniyang lolo sa cabin nito bago siya bumalik sa kaniyang silid. Samantalang dumeretso na si Rincewind pabalik sa silid nila ni Loki sa dorm. Hindi siya nagpaalam kay Loki, ngunit nagsabi siya sa akin na mayroon siyang aasikasuhin kaya kailangan niyang makabalik agad, at hindi na rin niya ako maihahatid sa dorm.  Ako naman, mukhang mag-isang maglalakad pabalik sa witches' dorm. Napagitla ako nang may marahas na humaltak sa aking kaliwang braso saka mabilis na naglakad. Nagwala na naman ang puso ko nang makita ko na si Loki ang humaltak sa akin. Simula pa kanina, malamig na ang pakikitungo niya as akin. Parang kinakaladkad na niya ako. I whined as he pulled me, since nasasaktan ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

"L-Loki, nasasaktan ako! Puwede bang bitawan mo na ako." angal ko sa kaniya. Ngunit, walang salita na lumabas sa bibig niya. Sa mga ganitong sitwasyon, palagi siyang may pambatong sagot sa akin.

"Loki!" bulalas ko, ngunit hindi pa rin siya naimik.

Hinila niya ako pababa ng hagdanan, hanggang sa makalabas na kami sa mala-kastilyong gusali at makarating sa mini-park ng academy. Nagka-cramps yata ang mga paa ko sa pagkaladkad niya sa akin. Mamaya gagantihan kita, makikita mo. Namangha ako nang iginala ko ang aking tingin sa mini-park ng Lunaire academy, dahil napapalibutan ito ng maraming klase ng bulaklak, halaman at puno. First time ko rin na makarating dito at tanaw na tanaw ang botanical garden mula sa spot na kinatatayuan ko. Nakatingin ako kay Loki kahit nakatalikod siya sa akin. Ang kaninang bayolenteng pagkakahawak sa braso ko ay naging marahan at maalaga. Umikot siya upang harapin ako, saka deretso niya akong tiningnan ng walang kurap. Napansin ko ang pangingilid ng kaniyang mga luha. Magsasalita pa lamang ako nang muli niyang hinaltak ang aking kanang kamay na ngayon ay hindi na nakasuot ang itim na guwantes na galing kay Mrs. Clementine. Hinila niya ako papalapit sa kaniya saka ako mahigpit na ikinulong sa kaniyang mga bisig upang yakapin, dahilan para mapasubsob ako sa kaniyang dibdib. Nag-init ang buong mukha ko sa ginawa ni Loki. This was the first time that he embraced me. Kung puwede nga na huwag na niya akong pakawalan mula sa mga yakap niya. Isa pa, ang bango-bango niya! Itinago ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib upang pigilan ang kilig at napipintong pagtili ko. I heard him sobbing, kaya itinunghay ang aking ulo upang tingnan siya. Umiiyak siya? For real?

"Mira, I'm sorry. Sorry."

"Wala ka naman dapat ihingi ng sorry. Naiintindihan ko naman, at huwag ka ng umiyak. Pero real talk, nasaktan ako kanina ha," kalmado kong sinabi sabay ngumiti sa kaniya. Then, I brushed my thumbs on his eyes so as to wipe his tears.

"Sorry, nadala lamang ako ng galit. Ang totoo kasi, sinisi ko sa anak ng reyna, at sa reyna ang pagkamatay ng mga magulang ko. Pero, habang nakikinig ako kanina sa mga paliwanag nina lola at Prof. Irvin, napagtanto ko na, ginawa ng mga magulang ko ang lahat para pangalagaan at protektahan ako, at ang kapakanan ng Lunaire city at ng academy."

"So… peace na tayo niyan?" I asked as I smiled sillily at him.

"Yeah," he smiled genuinely back at me then he planted a feather light kiss on my forehead. Biglang umahon ang dugo sa buong katawan ko paakyat sa aking mukha. My cheeks blushed and my ears turned red. Napatulala ako kay Loki habang bumubungisngis siya. Napahawak ako sa noo ko bago sa mga pisngi ko, saka siya itinulak at humiyaw sa kaniya, "Adik, adik, adik! Bakit mo ginawa 'yon?!" bulalas ko, kahit deep inside kinikilig ako.

"That was my way of saying… peace na tayo?" may halong tanong ang pagkakasabi ni Loki. Was he sure about his action?

Tumikhim ito saka mababaw na humugot ng hininga, "Basta, bati na tayo, at hindi na ako iiyak, hindi na ako magagalit. Promise." Loki chuckled lightly as I gave him my genuine smile. Hindi ko namalayan na idinampi niya ang kaliwa niyang kamay sa kanang bahagi ng pisngi ko at muli akong hinapit papalapit sa kaniya. Tinitigan niya ako ng deretso, saka ibinaba niya ang tingin sa aking mga labi. My heart pounded hard. No. No. Don't kiss me. Hindi pa ako ready! Napapikit na lamang ako saka narinig ang marahan niyang pagtawa.

"Oh? Bakit ka pumikit?" Loki's chuckled turned into a blissful laugh.

Marahan kong iminulat ang aking mga mata saka ako tumikhim. Akmang magsasalita pa lamang ako upang gantihan si Loki nang may marinig kaming nakakabahalang ingay mula sa himpapawid. Tumingala kami saka nakita ang malaki at itim buwitre na kasinglaki ng isang tao na tila may daklot na bagay. Binitawan ng buwitre ang kaniyang dinadaklot dahilan para bumagsak ito sa lokasyon na kinatatayuan namin. Habang papalapit ng papalapit ang bagay na ibinagsak ng buwitre mula sa ere, napasinghap si Loki ng mapansin na isa pala itong babae. Agad siyang bumigkas ng spell dahilan para dahan-dahan bumagsak ang babae sa damuhan. Dali-dali kaming tumakbo papalapit sa babaeng nakabalot ng itim na balabal ang mukha. Lalo kaming nagulat sa nakita namin nang tinanggal ni Loki ang kaniyang balabal.

"Lucia de Sienna?!" bulalas ni Loki.

Naalala ko ang Lucia na kasama nina Alice sa Night Shadow, at siya rin ang Lucia na hindi sumulpot sa Death Match exam at Grimoire's selection ceremony. Marahan na tinapik-tapik ni Loki ang mukha ni Lucia, ngunit hindi siya nagigising. Naisip ko na baka magkaroon ng himala kung gagamitin ko ang magic ko dahil nakokontrol at nagagamit ko na ito kahit papaano. Hahawakan ko pa lamang ang pisngi ni Lucia nang biglang mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay, pero nanatili pa rin nakapikit ang kaniyang mga mata. Pinipilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin nang nagising siya at marahas na bumangon. Ipinihit niya ang kaniyang ulo upang tingnan ako, saka siya ngumisi. Her smirk was kind of weird. Scary. Creepy. Cringey. Nakaramdam ako ng kilabot sa buong sistema ko, dahil parang ibang Lucia ang kaharap ko ngayon, unlike sa Lucia na nakaharap ko sa dormitory. I closed my eyes and shook my hand then I looked at her seriously. I was shocked dahil natural na ang ngiti niya. Am I daydreaming pero, iba ang aura niya ngayon. Inalalayan namin siya ni Loki upang makatayo.

"S-Salamat sa inyo, Loki at Mira."

Loki asked curiously and cautiously, "Anong nangyari sa'yo de Sienna? Bakit dagit-dagit ka ng buwitre na 'yon?!"

"Tinulungan ako ng ibon na yaon para makauwi galing sa misyon. Buti nga at nabuhay pa ako."

"Bakit? Anong misyon ba 'yon?" sabat ko sa usapan nila ni Loki.

"Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ito ngayon," serysong sagot sa akin ni Lucia, "Dalhin ninyo ako kay Cle— Mrs. Clementine upang mailahad ko ang impormasyon na nakalakap ko. Ngayon na." utos niya sa amin.

Wow ha! Bossy. Tumingin siya sa akin saka nagtaas ng kilay sa akin. Tinitigan ko siya ng hindi kumukurap ang mata, saka pumakli lamang ang titigan namin nang mgasalita si Loki.

"Sige, sasamahan ka namin kay Mrs. Clementine. Mukhang importante ang impormasyon na 'yan. Am I right?"

Mapanuksong ngumisi si Lucia kay Loki. Kainis ha! Mukhang balak pa yata nitong agawin si oppa! I crossed my arms and quirked my lips slightly as a sign of mild disgust.

Bandang alas-sais ng hapon ng makarating kami sa opisina ni Mrs. Clementine upang samahan si Lucia. Nang makapasok na kami sa opsina. Binilina kami ni Mrs. Clementine na bumalik sa kani-kaniyang dorm upang makapag-ayos ng sarili dahil malapit na rin maghapunan sa dining hall. Lumabas na kami ni Loki bilang pagsunod sa propesor. But, before the office's door closed, lumingon akong muli sa nakatalikod na si Lucia. Nanlaki ang mga mata ko, dahil parang hindi si Lucia ang kausap ni Mrs. Clementine. Kinusot ko ng aking kamay ang aking mga mata, saka nakita kong muli ang imahe ni Lucia.