Nakabalik na kaming dalawa ni Loki sa aming mga kani-kaniyang silid. Inihatid muna niya ako sa witches' dormitory bago siya pumanhik sa kanilang dorm nila Rincewind. Bukod doon, nangako rin siya na susunduin niya ako before the dinner, at nang makabalik na ako sa tinutuluyan kong silid, sinalubong ako ng mga ka-roommates ko ng isang mahigpit na yakap.
"Mira! Na-miss ka namin, sobra!" maligayang bulalas ni Verdana.
"Pero, na-miss ka nga namin. Totoo, kahit isang araw ka lang lumiban sa klase," dagdag ni Zera.
"So, anong nangyari sa training thing na ginawa ninyo? Nabanggit kasi sa amin yoon ni Prof. Emmilline kahapon pagkabalik niya mula sa office ni Mrs. Clementine," mausisang tanong ni Phyra sa akin.
"Ahm… biglaan lang ito guys, but I can control my magic now, at nakuha ko na rin ang grimoire ko," nag-aalangan kong sagot sa kanila habang hinihila-hila ko ang buhok ko.
"Wow! Puwede ba namin makita ang grimoire mo, Mira?" tanong ni Verdana sa akin na may pagkamangha. Bahgya akong nag-alangan dahil hindi nila maaaring makita ang Lunar grimoire.
Tumikhim si Stella saka nagsalita na tila walang gana, "That's unusual para sa isang araw na training and yet, nakuha mo na agad ang grimoire mo. Anyway, congrats Mira! At least you have your grimoire."
"Bakit parang hindi ka masaya, Stella?" bulalas ni Phyra.
Stella glared at Phyra, at nilabanan din siya ni Phyra ng matalim na tingin. Bigla kaming natakot at nabalisa sa titigan ng dalawa. Biglang iniwas ni Stella ang kaniyang mga tingin kay Phyra saka niya ibinaling ang atensiyon sa bintana ng kuwarto. Muling nagsalita sa amin si Stella ng may kahinahunan, "Sorry guys. There are odd things that makes me feel uncomfortable."
Bumuntong-hininga si Phyra, "Whatever! Mag-ayos na tayo at kailangan na natin pumunta sa dining hall."
Sumang-ayon kami kay Phyra at nagsimula na naming asikasuhin at ayusin ang mga sarili namin. Napansin ko na iba ang ikinikilos ngayon ni Stella, at masasabi ko rin iyon sa facial expression niya. Matapos namin mag-ayos, I saw Stella motioned toward the window. Nakatulala lamang siya sa may bintana saka siya humalukipkip. Hindi ko mawari kung ano ba ang itinatakbo ng isip niya ngayon, but she seemed to be a different person. Nilapitan ko siya dahil nag-aalala ako sa inaasal niya kani-kanina.
"May problema ba?" I asked her in a sincere tone.
"Ayokong magsinungaling lalo na sa'yo. Kaya, oo."
Napaka-straighforward talaga niya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Puwede ka naman magsabi sa amin ng problema." Deretsong tumitig sa akin si Stella saka ngumuso, "Let's talk after dinner sa may greenhouse malapit sa botanical garden, tayong dalawa lang Mira."
Nagtaka ako bakit gusto niya na mag-usap kami ng pribado. Hindi na ako nagdalawang-isip, dahil sigurado ako na mayroon siyang nararamdamang kakaiba, kaya pumayag ako sa kagustuhan niya. Palabas na kami ng dormitory nang impit na tumili si Verdana at itinuro kung sinong Apollo ang nakasandal sa tabi ng pintuan ng witches' dorm. My heart skipped as I turned my face to saw Loki in his fitted v-neck shirt and maong ripped jeans. He's so damn hot!
"Mira, sabihin mo nga, mag-on na ba kayo ni Greyhound or nasa ligawan stage pa kayo?" pabulong na tanong ni Zera sa akin.
"Nililigawan or not, at least tinalo ni Mira ang mga ingratang mga kaklase natin na may pagnanasa kay Greyhound!" bulalas ni Verdana, dahilan para mag-init ang mga pisngi ko saka marahas kong tinakpan ang bibig niya.
Nahimigan kong umalik-ik si Loki, kaya inalis ko kaagad ang kamay ko sa bibig ni Verdana at tumikhim. Pinilit kong ipirme ang aking sarili saka umiwas ng tingin kay Loki para hindi ako lalong kabahan, nang bigla siyang nagsalita.
"I'm here to pick you up girls for dinner, since we're on the same group. Kaya— yeah, let's go?" pag-aanyaya sa amin ni Loki. Mukhang nahalata niya na hindi ako mapakali, kaya gumawa na lamang siya ng palusot.
Nakarating na nga kami sa Lunaire dining hall. Kumaway-kaway si Luccas at Gwydion, saka kami minuwestrahan na sa table nila kami umupo. Kinilig naman ang mga kasama ko, lalo na si Verdana, dahil si Gwydion ang nag-alok sa kaniya na magtabi sila sa upuan. Tumayo si Rincewind nang makita ako ngunit tila lumungkot ng bahagya ang hitsura niya nang makita ako na kasama si Loki. Pina-upo ako ni Loki sa tabi niya, saka lumipat naman ng puwesto si Rincewind at tumabi sa akin. Awkward, ang dalawang guardian ko, todo bantay yata sa puso ko— este sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako. Dumating na rin si Gwen at Calum. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ng destiny ang grupo namin pagdating sa "love", kasi hindi sinasadyang tumabi si Calum sa inuupuan ni Phyra, though we all know that they were ex-lovers. Sadyang tumabi naman si Gwen kay Loki at nakita kong nagtaas pa siya ng kilay sa akin dahilan para magkibit-balikat ako. Samantalang si Luccas naman ay umupo at sumiksik kay Rincewind, and the rest of the gang ay magkakatabi na.
All of a sudden, nagprisinta si Gwydion at Luccas na sila na ang kukuha ng mga pagkain mula sa buffet table at hahatiran na lamang kami. Sumang-ayon kami sa ideya nila kaya agad na silang lumapit sa buffet table at sumandok ng pagkain. Nang makabalik sila sa table at inihain ang nag-uumapaw na pagkain sa bawat plato, nagsimula na kaming kumain. Sa totoo lang, ang awkward ng sitwasyon ko kasi pinagi-gitnaan ako ni Loki at Rincewind. I could felt their skins brushed against mine whenever they touched my fingers or bumped my arms accidentally. Lalo na kapag magsasalin sila ng tubig sa kanilang mga baso, o kaya kapag may ipapaabot sila na putahe sa akin. Binilisan ko ang pagsubo sa aking pagkain upang makaalis na ako sa kinauupuan ko. Both Loki and Rincewind made a special room in my heart, kaya nahihirapan din ako sa ginagawa nilang mag-pinsan. I puffed a breath and focused on eating my food. Nang matapos na akong kumain, tila may kuryente ang mahinang sumalpok sa utak ko, saka ko narinig ang tinig ni Stella habang nakatingin siya sa akin.
"Mira, sundan mo ako, sa may greenhouse."
"Sige."
Tumayo na si Stella at nagpaalam sa mga kasama namin na magpapahangin lamang siya sa labas. Nang makalayo na siya, nagpaalam ako sa mga kasama namin na magpapahangin din ako sa labas since wala pa naman eight o' clock. Nang pumayag sila, tumayo na ako saka agad na sinundan si Stella. Binilisan ko ang aking paglalakad upang makasabay sa kaniya. Nang maabutan ko siya, hinila niya ang kaliwang kamay ko saka narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Bakit ba tayo naglalakad kung puwede naman gumamit ng magic." aniya sa akin.
Stella grinned then she whispered an incantation, then she snapped her fingers. Sa kaniyang pagpitik, nasorpresa na lamang ako at nasa loob na kami ng greenhouse ng academy. Muli niya akong hinila at dali-daling pina-upo sa bamboo chair na nadatnan namin.
"Mira, importante itong sasabihin ko, sa'yo ko lamang ito sasabihin, kasi may kinalaman ito sa'yo," mabilis niyang sinabi sa akin habang napatulala na lamang ako, "Mira!" sigaw niya sa akin, since I left dumb-founded sa mga sinabi niya.
I shook my head, "Ha?! Ah, yes. Sorry Stella, medyo naguguluhan kasi ako sa sinasabi mo. Anong may kinalaman sa akin?"
"Nakita ko sa pangitain ko, nakuha mo na ang grimoire. Ang Lunar grimoire, tama ba?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Stella. Oo nga pala, kaya niyang malaman ahead of time ang mangyayari sa hinaharap.
"Oo, pero paano mo—," naputol ang sasabihin ko nang inilabas niya ang kaniyang grimoire sa kaniyang mga palad. May naka-engrave na star symbol dito.
"Ako ang napili ng Astral grimoire. Ito ang grimoire na nagmula pa kay Tala, ang isa sa mga kapatid ni Mayari at Apolaki.
"Paano mo nalaman ang lahat ng ito?"
"From my parents. Matagal ng inilihim ito ng pamilya ko, dahil sigurado na tutugisin kami ni Morgana. Luckily, nakapasok ako sa Lunaire academy. Actually, matagal nang nasa akin ang grimoire na ito. Kaya, hindi ako masyadong excited sa grimoire selection ceremony, and I pretended also using my magic, na nakakuha ako ng grimoire kahapon, kahit hindi."
"So, that means, tayong apat nila Loki ang may ancient grimoire?"
"Apat?"
"Si Rincewind."
"How come? Isa lamang ang Solar grimoire, at nakuha 'yon ni Loki sa selection. I saw it."
"Mahirap kasi ipaliwang Stella."
"Fine. Huwag na natin problemahin pa 'yon, ang problemahin natin ay ang mga posibleng hindi magandang mangyayari sa academy."
"Ano ba ang nakita mo sa vision mo?" I asked Stella enthusiastically.
Humugot ng malalim na hininga si Stella bago nagsalita, "Tama, my visions. Kasi, based on my visions, na-infiltrate niya ang academy. I mean, si Morgana."
"What?!"
"Yes. Hindi ko alam kung paano, pero nakapasok siya sa academy."
I made a frown expression as Stella face-palmed in front of me. May biglang pumasok sa isipan ko at masasabi ko na isa itong hinuha.
"Posible kaya na gumamit siya ng magic para magpanggap bilang isa sa mga student ng academy, para mas mapadali ang pag-infiltrate niya? What do you think?"
Nagutla ako sa malakas na bulalas ni Stella, "Exactly! Posible 'yan dahil notorious witch si Morgana. And, she is your tita, hindi ba princess?"
I gulped and chuckled lightly before I answered Stella, "Sabi ko na nga ba e. Alam mo na sa simula pa lamang?"
"Well, noong una pa lamang malakas na ang kutob ko, dahil hindi ka naman makakarating dito ng walang dahilan. At ikaw ang nakita ko sa pangitain na nakakuha ng Lunar grimoire. I'm happy for you, Mira. Pero…"
"Pero?"
"Pero ang dapat muna natin unahin, hanapin natin si Morgana ng palihim. Tingin mo bukod kay Loki at Rincewind, sino pa ang puwede natin pagkatiwalaan?"
"Si Luccas."
"Alexevich?"
"Oo, apo siya ni Prof. Lancelot Irvin, at alam rin niya ang tungkol sa amin."
"Good. Simulan natin ang imbestigasyon bukas. Sa ngayon, bumalik na tayo sa dining hall."
Tumayo na kami ni Stella at hinawakan ko ang kaniyang kamay. Bumulong ulit siya ng isang spell saka pumitik. Sa isang iglap nakabalik na kami sa harap ng front door ng Lunaire dining hall. Nang pumasok na kami, napansin ko na sa akin nakatuon lahat ng atensiyon ng mga Lunaireians, maging ang mga kasama ko sa Silver Moons. Mahigpit na hinawakan ni Stella ang mga kamay ko. Hindi ko gusto ang klase ng pagtitig nila sa akin na parang lalamunin na yata nila ako ng buhay. Malakas na kumabog ang puso ko. Walang humpay ang pagkabog dahil sa kaba. Nahimigan kong may isang pamilyar na tinig ng babae ang sumambit sa aking pangalan. Hinanap ko siya sa buong dining hall, at hindi nga ako nagkamali. It was Alice.
"Oh, nakabalik ka na pala, princess." mapanuksong bulalas ni Alice habang nakangisi. Narinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga Lunireians tungkol sa akin saka ako tinitigan ng mga mapanuyang tingin.
Sumabad si Hyacinth dahilan para tumigil ang ibang Lunaireians, "Papaanong ang katulad niya ang nawawalang anak ng queen? Look at her. Hindi nga magawang gamitin ng matino ang magic."
Sumabad din si Carmilla, "Hyacinth was right, saka kung ikaw ang missing daughter ng incompetent queen, then dapat lamang na ikaw rin ang sisihin sa lahat ng nangyari sa Lunaire for the past years!"
Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa suklam at awa sa sarili, "S-Saan ninyo nalaman 'yan?!" bulalas ko.
"Secret." nakangising sagot ni Alice sa akin.
Ihahakbang ko pa lamang ang aking mga paa papunta kina Alice ngunit pinigilan ako ni Stella, saka ngumuso siya sa direksyon nina Loki at ang iba naming kaibigan.
"Don't blame Mira with the events she doesn't even know. Walang katotohanan ang sinasabi nila, maniwala kayo sa amin," saad ni Loki upang ipagtanggol ako.
"Loki was right. Maling balita siguro ang nakalap nila Whittaker." dagdag ni Rincewind.
"Tama, making kayo sa amin, kasi kami ang legit source of information. Hindi sila," ani Luccas.
"At tigil-tigilan ninyo si Mira, because kami ang makakalaban ninyo!" pananakot ni Phyra sa kanila.
Natahimik ang buong tao sa loob ng dining hall sa mga sinabi ni Phyra. Saktong tumunog naman ang bell, hudyat para bumalik na kaming lahat sa kani-kaniyang dorm namin. Pinalampas namin ang mga sinabi nina Alice, at dali-dali kaming bumalik sa kuwarto namin. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa iba namin kasama dahil sa inis na pumipiga sa dibdib ko. Nang makabalik na kami sa silid, sumalampak ako sa aking kama saka nagtaklob ng unan sa mukha. Naramdaman kong umupo sa tabi ko sina Stella.
"Totoo ba 'yon sinabi ni Alice, Mira?" usisa ni Verdana sa akin. Hindi ako sumagot sa tanong niya bagkus tinanggal ko ang unan mula sa aking mukha, saka bumuntong-hininga na lamang ako at nanatiling tahimik.
"Silence means yes. So totoo nga." ani Zera na marahang hinawi-hawi ang kaniyang bangs.
"Kung totoo man 'yon, hindi naman kami magagalit, matutuwa pa nga kami e," bulalas ni Phyra, siguro para i-enlighten ang mood ko, "Unless, kung alam ni Stella, magagalit talaga kami." dagdag niya sabay tingin kay Stella.
"Actually, yes alam ko girls." sagot ni Stella saka bumungisngis.
"Sabi ko na nga ba. Tama ang hinala ko e, kaya kayo lumabas kanina, right?" tanong ni Phyra sa amin ni Stella para kumpirmahin ang kaniyang hinala.
Nagkibit-balikat si Stella habang lumingon ako kay Phyra saka tipid akong ngumiti sa kaniya. Akmang sasakalin sana ni Phyra si Stella nang may malakas na tili at sigawan ang umalingawngaw mula sa labas ng silid namin. Napabalikwas kami sa aming kinauupuan saka dali-daling lumabas ng kuwarto upang maki-usisa kung ano ang nangyari. Nang makalabas na kami sa aming silid papunta sa lugar sa loob ng dorm kung saan nagmula ang malakas na tili, tumambad sa amin ang walang buhay na katawan ni Hyacinth na naiwang nakadilat ang mga mata at nakasiwang ang bibig. Inilayo namin ang tingin sa kaniyang katawan dahil sa takot at awa. Samantalang naririnig namin sa mga usiserang Lunaireians na nawala raw ng parang bula si Alice at Carmilla. Agad kaming lumapit sa katawan ni Hyacinth saka ineksamin ito ni Stella gamit ang kaniyang magic. Lumuhod naman kami nina Phyra sa tabi ni Violet, Agatha at Phoebe- ang mga roommates nila Alice at kasama sa Night Shadows.
"Tahan na Agatha." pagpapakalma ni Verdana kay Agatha.
"Ano ba ang nangyari?" tanong ni Phyra kay Agatha.
"H-Hindi ko alam. K-Kasing bilis ng kidlat ang pangyayari naglalaro pa sila ng chess nila Alice tapos—," hindi na tinapos ni Agatha ang kaniyang sasabihin at humagulhol na siya ng iyak habang hinihimas-himas ni Violet ang balikat ni Agatha na umiiyak din.
"Sa totoo lang, pinagsasabihan ko silang tatlo kanina sa kuwarto na mali 'yung ginawa nila kay Mira. Pero, hindi sila nakikinig sa akin," saad ni Phoebe habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.
Humalukipkip si Zera saka ito nagtanong, "Pero ano ang napansin ninyo bago sila mawala, at bago magkaganito si Hyacinth?"
"W-Wala naman kami napansin dahil pumunta kami sa bathroom para maghilamos, pagbalik namin tatlo, wala na sila. Si Lucia lamang ang nakita namin na naiwang mag-isa sa bedroom tapos umiiyak na siya." bulalas ni Phoebe habang humihikbi.
Nagkatingin kaming lima. No wonder. Bakit si Lucia ang naiwan sa kuwarto? Posibleng may kinalaman siya sa nangyari.
Magsasalita pa lamang ako nang may biglang sumabad sa usapan namin. Halu-halong emosyon ang naramdaman ko- kaba, galit at tensyon dahil sa mga katotohanan, na ginawa rin niyang dahilan para hindi namin siya pagdudahan, "Ikaw ang may kasalanan nito, Mira Luna. The heiress of this city, and the future Council head ng academy. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kaya sila nawala. Kaya nagka-ganito si Hyacinth! And guys, I can prove you na totoo ang mga sinasabi ko! I heard the truth mismo sa bibig ni Mrs. Clementine!" Lucia curtseyed her head, knelt down and started wailing. But before she stooped her head down, I noticed that she puckered her lips scornfully at me. Grabe! Best actress of the year!
Ang nakakainis pa, dahil paniwalang-paniwala ang mga utu-uto namin ka-dormmates dala ng emosyon, sinimulan na nila akong bulyawan na dapat ako ang sisihin sa lahat ng nangyayari. They also aimed a strike on me using their magics. Buti na lamang at agad nakagawa ng force field si Stella para depensahan ako. Grabe ha, mapanakit! The gloomy and violent atmosphere diminished as soon as Mrs. Clementine, along with the other professors, have arrived in the scene. Agad lumapit si Prof. Rudolf kay Hyacinth, saka umiling-iling. Lalong humagulhol ng iyak ang mga kasama namin sa dormitory, at wala kaming magawa kung hindi makadama ng awa at maki-simpatiya.
"Is she really… dead?" pagkukumpirma ni Cassy ng Radiant Heart sa propesor.
Tumango lamang si Prof. Rudolf, saka tinakluban naman ng puting tela ni Prof. Beatrix ang katawan ni Hyacinth. Nagtitigan ang tatlong propesor saka tumikhim si Mrs. Clementine upang kuhanin ang atensiyon ng ibang mag-aaral saka nagsalita na may istriktong tono, "Magsi-pasok na kayo sa mga silid ninyo. We will settle this with the persons involved."
Hindi na nila nagawang mag-protesta dahil sa takot na rin sa propesor, kaya sumunod na lamang sila at pumasok na sa kani-kanilang silid. Samantala, gamit ang magic ni Prof. Beatrix, ikinulong niya ang bangkay ni Hyacinth sa isang cube. Iminuwestra ni Mrs. Clementine ang kaniyang kamay sa amin. Ibig sabihin niyon, sumunod kaming mga "persons involved" sa kanila palabas, kaya ginawa namin ang kaniyang kagustuhan. Ano na kaya ang mangyayari sa amin?