Unti-unting nawawala ang mga tinig na nagmumula kina Loki, Rincewind at Luccas. Nag-flash sa utak ko ang mukha ni Prof. Irvin na bago pa man ako tuluyang malunod ay abot hanggang tainga ang ngiti nito. In the first place, balak na siguro niya akong patayin. Pero hindi, binanggit pa niya sa akin ang pangalan ng aking ina. Naguguluhan na ako! Pero, teka teka! Patay na ba ako? Marahan kong iminulat ang aking mga mata, saka ako napasinghap at marahas na bumangon. Tiningnan ko ang aking mga kamay, saka pinisil ang aking pisngi, "W-Wait. I am alive? I'm alive!" maligayang bulalas ko. Pinagmasdan ko ang paligid kung saan dimesiyon ako napapunta. Pero, hindi ako umalis sa lugar na pinuntahan namin nila Loki. Narito pa rin ako sa tabi ng lawa ng botanical garden ng Lunaire. Hinanap ko ang cabin ni Prof. Irvin. Suwerte ko at nandito pa rin ang kaniyang munting tahanan ngunit nag-iba ang histura nito.
Tumayo ako, inayos ang aking sarili saka humugot ng malalim na hininga at sumigaw ng malakas, "May tao ba rito?!? Yoohoo!"
Nanahimik ako ng ilang minuto ngunit walang sumasagot sa akin. Feeling ko talaga kaluluwa na ako at nasa purgatory na yata ako. Tumungo ako, ibinagsak ang aking balikat at bumuntong-hiniga na lamang ako saka may pamilyar na tinig ang tumatawag sa akin.
"Mira..."
Tumunghay ako at nagpalinga-linga sa paligid. Hinihimigan ko kung saan nagmumula ang boses na iyon. Hindi ako nagkakamali, ito ang boses ng babaeng nagpapakita sa panaginip ko. May kung anong enerhiya ang humihila sa akin papalapit sa lawa, kaya hinayaan ko na lamang na sumunod ang aking katawan at mga paa. Here we go again. Kinokontra man ng utak ko ang paglapit sa lawa, pero wala, may sariling isip yata ang katawan ko. Napapikit na lamang ako nang tumuntong ang paa ko sa tubig. I was surprised when I saw myself taking a step on the water's surface. Naalala ko ang pinapanood kong anime na Naruto na kung saan, makakapaglakad ka sa mga anyong-tubig kung maayos mong makokontrol ang chakra mo. Ganito ang nangyayari sa akin ngayon. Napakurap ako ng mata dahil hindi rin ako makapaniwala sa ginagawa ko.
Narinig ko na naman ang misteryoso ngunit pamilyar na tinig, "Mira, Mira," palakas ito ng palakas habang papalapit naman ako sa sentro ng lawa. Tila may kumokontrol sa katawan ko kaya bigla akong huminto sa paglakad. I was standing at the epicentre of the lake then I asked loudly, "Alam ko na ikaw din ang babae na nagpapakita sa panaginip ko. Please show yourself to me. Marami akong gustong ma--."
Naputol ang sanang sasabihin ko nang nagpakita ang mahiwagang babae sa harapan ko. Ganoon pa rin ang kaniyang kasuotan- long and all-white gown. Noong nagpakita siya sa panaginip ko ay kumukinang-kinang siya dahil nababalutan ang buong pagkatao niya ng matinding liwanag, ngunit ngayon, parang maharlikang babae ang kaharap ko-yes, para siyang reyna dahil sa awra niya. Hinawi niya ang aking buhok na tumabing sa aking mukha saka hinimas-himas ang aking ulo habang nakangiti. Parang may bumalot na mainit na bagay sa puso ko habang patuloy niyang hinahawi ang aking buhok at inipit ito sa likod ng aking mga tainga. This warmth feeling. Pakiramdam ko kilala ko na kung sino siya. I smiled warmly at the mysterious lady. Hindi ko rin namalayang pumapatak na ang mga luha ko. Ayokong maging emosyonal lalo pa gusto kong makabalik sa present world na kinalalagyan ko, kaya agad kong pinunasan ang mga luha sa mata ko gamit ang likod ng aking mga kamay, saka malapad na ngumiti sa kaniya. Marahan siyang nagsalita, "Akin na ang kanang kamay mo," inilahad ko ang aking kanang kamay saka tinanggal ang suot kong guwantes mula kay Mrs. Clementine. Hinawakan niya ang kulay pilak na marka ng crescent moon na naka-ukit dito, saka siya pumikit. Nakaramdam ako ng nag-uumapaw na magic sa buong sistema ko. Una, nagwawala ito na tila gustong lumaya mula sa katawan ko, ngunit ngayon, kasing-kalmado na ito ng tahimik na dagat.
"Pa-Paano mo nagawa 'yon? Ang galing!" bulalas ko na may tono ng paghanga. Hindi na mabigat ang pakiramdam ko, at mukhang naki-isa nang tuluyan ang mahika na mayroon ako. Yumuko ako at inilapat ang aking mga kamay sa tubig ng lawa upang subukan kung makakagawa ako ng matinong mahika. Nagulat ako nang biglang kuminang ang buong lawa. The sparkles from the water materialized a bright and luminous light, similar to a moonlight. I felt ecstatic and airy, saka ako lumingon sa maharlikang babae, na mukhang may clue na ako kung sino siya.
Mahinhin siyang tumikhim, "Sabihin natin na ako ang babaeng lagi kang babantayan at makakatulong sa'yo sa lahat ng oras, kapag kinakailangan," ani ng mukhang maharlikang babae. She smiled sheepishly at me. She was elegant and pretty. And I think, we were somewhat, alike. I smiled genuinely at her, "Salamat."
Marahan siyang tumango bilang sagot sa akin. Damn, her behaviour speaks that she was a royal. Tumikhim ako saka muling nagsalita, "Pero, kailangan kong makuha ang grimoire na dapat sa akin, tulungan mo ako kung paano ko 'yon makukuha." Parang ang demanding ng pagkakasabi ko yata. Pinagdaop-palad niya ang aming mga kamay, "Makukuha mo ang iyong ninanais kapag bumalik ka na sa realidad, ngayon pa na nakokontrol mo na ang mahikang iyong namana." binitawan niya ang aking mga kamay saka niya inilahad ang kaniyang mga palad sa aking harapan. Tila balak niya akong gamitan ng sarili niyang magic.
"Humayo ka Mira Luna at bumalik sa mundong iyong ginagalawan. Magkikita pa tayong muli," wika niya sa akin. Unti-unti akong dinalaw ng pagka-antok. Is this some type of Sleeping magic? Pinipigilan kong pumikit habang inaabot ko ang kaniyang mga kamay, ngunit tinatalo ng nararamdaman kong antok dala ng magic na ginawa niya sa akin ang isip ko, at tuluyang dumilim ang buong paligid.
Marahas kong iminulat ang aking mga mata at natagpuan ang aking sarili na lumulutang sa gitna ng lawa- sa parte kung saan ako nalunod. Nagutla ako nang makita ko ang aking mga kamay na may hawak-hawak na ang isang libro. My grimoire, at last! Nakakapagtaka rin na tuyong-tuyo ang silvery-white grimoire na hawak ko kahit basang-basa ako. It seemed that it was being protected by a certain magic. I bit my lips then I smiled widely, saka ako lumingon sa kinaroroonan nila Prof. Irvin, habang inaawat ng dalawa si Loki dahil mukhang gusto niyang gulpihin ang matandang propesor. Tumigil lamang sila nang itinuro ako ng propesor. Kitang-kita sa mukha nilang lahat ang pagkagulat dahil nakanganga sila habang nakatingin sa akin, maliban sa matandang propesor na walang pakundangan akong itinulak sa lawa. Buti na lamang at mahaba ang pasensya ko, kung hindi. Bumuntong-hininga ako, at gamit ang magic ko, marahan kong ikinumpas ang aking kamay upang tumuntong sa kinatatayuan nila. Sinalubong ako ni Loki ng isang mahigpit na yakap.
"Thank goodness Mira! Akala ko hindi na kita makikita e!" ani Loki sa akin. Humarap siya sa akin, habang nangigilid ang luha nito at nanginginig. I was surprised when he brushed his thumbs against my cheeks, and again, I felt my cheeks burned. So, nag-worry pala talaga siya sa akin. Ang sweet! Pinipigilan kong tumili dahil sa sobrang kilig kaya tumikhim na lamang ako.
Ano ba ang tingin mo sa akin? Hoy, pusa kaya 'to, siyam ang buhay!" pagbibiro ko sa kaniya. Dagliang lumapit sa amin si Rincewind saka hinapit ang braso ko at niyakap din ako. From the corner of my eye, nakita kong nagtagis ang bagang ni Loki sa galit, saka siya humugot ng malalim na hininga. Ikinulong ako ni Rincewind sa kaniyang mga bisig, "Buti at nakabalik ka, hindi na namin alam ang gagawin namin kapag nawala ka." Heavens! Bakit ba ako naipit sa love triangle na'to, puwede na akong bida sa mga K-drama eh.
Marahan kong itinulak si Rincewind saka nagsalita, "Sabi ko nga guys, pusa ako. Okay?" I smiled at him saka nagtatakbo papalapit si Luccas sa akin, "Mira! A-Akala ko talaga, mananagot kasi kami talaga, ayaw ko ma-suspend!" Luccas cried at me.
I cupped my face and sighed deeply. I patted his head saka ko narinig si Loki at Rincewind na sabay suminghap at pumamaywang. Mga isip-bata. Dahan-dahang naglakad si Prof. Irvin papalapit sa amin, halatang naluguran siya nang mapansin niya na may hawak akong grimoire, "Magaling, magaling, mabilis mong nakuha ang Lunar grimoire."
Napakurap ako sa mga sinambit ng propesor, "Lu-Lunar grimoire?" agad kong tiningnan ang front cover ng grimoire. Tama nga siya, may simbolo ng buwan na naka-engrave rito, katulad na katulad ng marka na nasa palad ko. Napatunghay ako nang magsalita itong muli, "Matagal ka ng hinihintay ng mismong may-ari niyan. Mukhang malapit ng maganap ang propesiya. Ang digmaan-magkakaroon na rin sa wakas ng katapusan." ani ng propesor saka tumingala sa bughaw na kalangitan. "Mukhang nagtagpo na rin kayo ng bagong tagapagmana ng sagisag ng araw sa panahon ngayon," ngumisi ito sa direksyon ni Loki saka humalakhak. Buwan at Araw? What the heck! Naguguluhan na ako, baka mag-lecture pa kami ng Solar system. Science lang ang peg?
Nagsalita itong muli, "Oras na para ibahagi ko sa inyo ang aking mga nalalaman."