Chereads / Lunaire Academy: Wizards and Witches Saga / Chapter 2 - Lunaire Academy

Chapter 2 - Lunaire Academy

"Nasaan na tayo?" tanong ko kay Loki na may halong pagtataka habang tinitingnan ang malaking tarangkahan na bumungad sa amin. Pinagmasdan ko ang paligid at bigla na lang may kung anong kaba at nginig ang dumaloy sa buong pagkatao ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa temperature ng lugar. Kung ikukumpara sa "normal" na mundo ng mga tao na walang supernatural powers, hindi hamak na mas masarap tumira dito sapagkat mas maaliwalas dito at walang pollution. Dapit-hapon na ngunit parang hating gabi sa lugar kasi halos kita na ang liwanag ng buwan. Mayroon din mga istatwa ng walong anghel na naka-display sa bawat haligi ng gate. Habang iniikot ko ang aking nga paningin sa paligid ay narinig ko na lamang ang unti-unting pagbukas ng tarangkahan.

"Hey, ano ba Mira? Naglalaway ka na yata sa kagandahan ng Lunaire Academy ah." sabi ni Loki habang bumubungisngis siya.

"Ay ano naman ang tinatawa-tawa mo ha?"

"Actually..." Lumapit si Loki sa akin habang may kinukuha sa bulsa ng kanyang pantalon. "Tumutulo na kasi talaga ang laway mo." Pinipigilan pa niyang ilabas ang sanang hagalpak ng kanyang pagtawa kung kaya't napangiti na lang siya at ngumisi na naman sabay pinunasan ang labi ko ng kanyang panyo na tila may kung anong pabango ng lalaki, nakakahumaling.

Mabilis na naman dumaloy ang dugo ko sa aking mga pisngi dahilan para makaramdam ako ng pagkapahiya habang nakatingin sa mukha niya. Goodness! Sana hindi niya mapansin.

"Uy?" diniinan nya ang pagpunas ng panyo sa mga labi ko dahilan para mairita ako.

"Ano ba? Adik talaga to. Dapat pangalan mo Loko, Loko-Loki!" sigaw ko sabay hinaltak ang kamay niya para kuhanin ang panyo, sabay hagis nito sa kaniyang mukha.

"Kadiri naman, dapat labhan ko tong panyo ko at lagyan ng disinfectant eh. Mahal pa naman tong panyong to no!"

"Wala akong pake kung mahal yan!"

"Kay... Alam kong guwapo ako kaya ka siguro din naglalaway at pumasok na tayo baka ma-fall ka pa sa akin eh."

"Whaaaat????" Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko. Bigla na lamang akong natahimik ng sinabi niya ang mga salitang iyon sa akin at huminga ako ng malalim bago bumuwelta. "Ang kapal mo talaga! Hindi ako mafa-fall sa katulad mong mayabang at hindi kita type! Hmp!" Binigyan na lang ako ni Loki ng tipid na ngiti sabay tumahimik. Hindi ko alam kung nainis ba siya sa mga sinabi ko o pinili na lamang niya na manahimik para hindi na magkahabaan ang diskusyonan namin na parang walang sense at patutunguhan. Pero sa likod ng isip ko, sinisigaw nito na sana, palagi kaming ganito.

Pagkabukas ng gate ay naglakad na kami ni Loki papasok sa academy. Feeling ko nasa Harry Potter movie ako. Mala-Hogwarts kasi ang tema ng Lunaire Academy. In short, isa siyang castle na hindi naman mukhang inabandona ngunit para kang nasa Fairy land. Hindi iisipin na mga witches, warlocks o wizards ang mga pumapasok sa Lunaire. Ngunit, sa totoo lng, naramdaman ko na "feel at home" ako sa lugar na ito. Ewan ko ba, pero iyon ang pakiramdam ko.

Simula ng lumakad kami papasok ni Loki ay hindi kami naguusap. Masyadong napukaw ang atensyon ko sa maganda at malinis na kapaligiran. Puro puno at halaman. Kahit dapit-hapon na ay nakikita ko ang kumpulan ng mga ibon sa mga puno, lumilipad at sumasayaw dala ng maaliwalas na hangin na kahit ako ramdam kong dumadampi sa buong katawan ko. Napangiti ako nang may biglang bumulong sa akin.

"Mira." Nilingon ko ang aking likuran ngunit wala. Tiningnan kong mabuti ang paligid ngunit walang tao. Hindi ko alam kung guni-guni ko ba iyon pero sigurado ako na may tumawag sa akin.

"Mira." Napalingon ako kay Loki. "Halika na, dadalhin na kita sa office ni Mrs. Clementine. Kailangan muna natin ang permiso niya kung puwedeng dito ka sa Lunaire para mapagaralan at magamit mo na din ang kapangyarihan mo." Hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng prestihiyosong academy na ito na para sa mga "weird" people. Pero isa na pala ako sa kanila.

"Loki, sabi mo 'di ba academy to, so that means, school? University?"

"Parang ganun na nga."

"Cool! Sige nasaan ba si Mrs. Clementine na sinasabi mo?" pasulyap-sulyap pa ako sa bawat sulok ng lounge ng biglang may kung sinong nagsalita habang nakatayo siya sa hagdan, nakatingin sa amin ni Loki. Hindi, sa akin. Napakurap ako ng biglang nasa harapan na namin siya.

"Mrs. Clementine" yumuko si Loki bilang pagpapakita ng paggalang sa kaniya. "Sino ang binibining ito, hijo?" tanong niya kay Loki ngunit sa akin siya nakatingin. Kung pagmamasdan maigi, masasabi kong marami ng napagdaanan si Mrs. Clementine. Marami na siyang wrinkles sa mukha at kitang-kita ang mga buhok niyang namumuti na. Siguro nasa 70 taon na siya.

"Mira Luna Crescencia po pangalan niya." sagot ni Loki.

"Crescencia?" may halong pagkagulat ang ekspresyon ng kanyang mukha nang marinig ang apelyido ko. "Ma'am, bakit po? Pamilyar po ba ang apelyido ko?"