"Mali! Hindi ganyan!" sigaw ni Loki sa akin. Istrikto pala siyang magturo, kaya siguro pilit niyang tinatanggihan ang obligasyon na ibinigay sa kaniya ni Mrs. Clementine.
Nasa malawak na bakuran kami ng Lunaire kung saan maraming mga puno at halaman na nakapaligid. Presko dahil mahangin ang lugar, kaso nga lang dahil si Loki ang "mentor" ko, ay malamang, kasama ang tatlo pa niyang kaibigan na nakaupo sa bench ng pavilion habang pinapanood kami. Feeling ko pinagtatawanan nila ako. Gustuhin ko man mainis ay pinalampas ko na lamang at itinuon ko ang aking pansin sa pag-eenssayo upang magamit ko ng maayos ang "magic" na sana nga ay mayroon ako.
"Ang sakit na kasi ng katawan ko, paano ko ba mapapalabas ang magic ko kung pinagpu-push-ups at sit-ups mo ako!" reklamo ko kay Loki habang nakanguso. Sumimangot siya sa akin at tinitigan niya ako na may blangkong ekspresyon sa mukha.
"Again, 100 push-ups at 50 sit-ups. Mamaya ko ituturo kung paano makokontrol at mapapalabas ang magic. Ituturo ko na rin ang mga simpleng incantations na maggamit mo, offensive and defensive."
Gustuhin man ng utak ko na hindi sundin si Loki, pero ang katawan ko ang kusang sumusunod. Sige na nga, wala na rin naman akong magagawa.
Parang lantang gulay ang katawan ko matapos ang exercise na pinagawa sa akin ni Loki. Sa sobrang pagod ay lumupasay na lamang ako sa damuhan. Samantalang si Loki, agad na pumunta sa pavilion kung saan naroon ang mga kaibigan niya. Sinulyapan ko sila ng tingin habang nag-uusap at nagtatawanan. Nakakainggit sila dahil ang ganda ng samahan nila. Bigla kong namiss si Chelsea at Brenda.
"Hindi ako nakapagpaalam kay Brenda, at nag-iwan lamang ako ng sulat kay Chelsea. Sana maayos lang sila."
Habang nakatingin ako sa ulap at nagmumuni-muni, ay may naramdaman akong yapak ng mga paa na papalapit sa akin dala ng lagaslas ng mga damo. Sa pagod ko ay hindi ko na ito pinansin, nang may biglang nag-abot ng malamig na bote ng tubig sa akin. Si Rincewind.
"Inom ka na muna, pagpasensyahan mo na si Loki, strict talagang magturo iyan. Kahit noong tinuturuan niya si Gwydion ng floating spells." sabay ngiti nito sa akin at umupo sa tabi ko, habang ako naman ay bumangon at umupo rin sabay kinuha ang tubig na kaniyang inalok. Lalong tumingkad ang luntiang mga mata ni Rincewind nang matamaan ng sinag ng araw ang kaniyang mga mata. Lihim akong sumulyap sa kaniyang mukha. Hindi ko alam ngunit nakakahumaling siyang tingnan.
"Mira", tinitigan niya ako ng deretso at biglang hinawakan ang aking kanang kamay, sabay pumikit. Tumibok ng bahagya ang puso ko dahil sa kaba. Kagabi pa lang kami nagkakilala pero hinawakan na niya agad ang kamay ko, o marahil may iba pang dahilan kung bakit.
"Ikaw nga, hindi ako nagkamali", mahinahon na sabi sa akin ni Rincewind. Sa pagtataka ko sa mga sinambit niya sa akin ay tinanong ko siya, "Anong ako nga? Hindi ko ma-gets", sabay bitaw sa pagkakahawak niya sa aking kanang kamay.
"Malalaman mo rin Mira, pero sa ngayon, ito lang ang maibibigay kong tulong." Idinampi niya ang mga kamay niya sa aking mga kamay at nagliwanag ito, kulay luntian, kasing kulay ng kaniyang mga mata. Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya at dumaloy ito sa buong katawang lupa ko kaya napa-piglas ako sa pagkakahawak ni Rincewind sa aking kanang kamay.
"A-Ano ang ginawa mo?" gulat kong sambit sa kaniya. Kinindatan lamang ako ni Rincewind at tumayo na mula sa kaniyang pagkakaupo. "Inalis ko lang ang sealing magic na pumipigil sa kapangyarihan mo. Kanina pa kasi kita pinagmamasdan at naisip ko lang, kaya ka siguro nahihirapan ay dahil sa sealing magic. Pero makokontrol mo na ito ngayon."
"Sealing magic? May nag-seal ng kapangyarihan ko? Teka paano mo nalaman?". Nagugulumihanan ako. Sino naman ang may gustong magkulong ng magic na mayroon ako?
"Malalaman mo rin sa takdang panahon. Ang mahalaga na-unseal ko na ang dapat i-unseal. Nagawa ko na rin ang dapat kong gawin."
Sa huling sinambit ni Rincewind ay mas lalo akong naguluhan. Kilala ba niya ang buong pagkatao ko? Siya lamang ang makakasagot sa lahat ng misteryo tungkol sa aking pagkatao.
Narito na kami ni Loki sa silid kung saan gaganapin ang pagsusulit. May malaking crystal ball na may hugis bituin ang loob at may iba't-ibang kulay ang naka-puwesto sa gitna ng silid. Magical energy siguro ang mga kulay na iyon. Nasa loob ng silid si Mrs. Clementine, isang babae na may hawig ang kasuotan sa isang literal na "witch", ibig sabihin may suot siyang pointed hat at long sleeve black dress, ngunit maamo ang kanyang mukha, parang nasa mid-twenties palang siya, at isang lalaking na nasa mid-fifties, tila istrikto at may angking kagandahan ang mukha. Maihahambing mo ang hitsura niya kay Edward Cullen ngunit matanda na.
Kinakabahan ako sa gagawing pagsusulit. Hindi rin naman sinabi ni Loki kung ano ba ang patakaran ng pagsusulit na ito, basta na lamang niya ako binigyan ng "training" ng walang formal explanation ng mga gagawin. Hindi rin niya naituro sa akin kung paano kontrolin ang magical energy ko dahil pagkatapos ng isang set ng training namin ay ipinatawag siya ni Mrs. Clementine. Kaya ako nalapitan ni Rincewind ng mga oras na iyon. Buti na lang at kahit papaano ay nalaman ni Rincewind na mayroon nagseal ng magical energy ko kaya hindi ako makapaglabas ng magic. Hindi ko na rin naitanong kung paano niya nalaman ang bagay na iyon. Siguro iyon ang magic niya kaya hinawakan niya ang kamay ko. Pero, salamat kay Rincewind, matapos ng pag-uusap namin ay nakapaglabas ako ng kaunting magic.
"Mira Luna Crescencia, pumunta ka rito sa may harapan ng Star Crystal", sambit ni Mrs. Clementine.
Hindi ko alam kung ano ang puwedeng ipagawa nila sa akin ngunit sinunod ko pa rin ang utos ni Mrs. Clementine. "Ilahad mo ang kanang palad mo at subukan mong maglabas ng maliit na porsyento ng magical energy. Ang crystal ang magbibigay ng resulta kung saang kategorya nabibilang ang kapangyarihan mo."
Sa pangalawang pagkakataon ay sinunod ko muli ang utos ni Mrs. Clementine. Inilahad ko ang aking kanang palad katapat ng Star crystal. Nakaramdam ako ng matinding daloy ng kapangyarihan sa buong katawan ko na tila nagsasasama-sama sila papunta sa aking palad upang makabuo ng maliit na magical energy. Nagliwanag ang aking mga palad. Iba't-ibang kulay ang lumabas, luntian, asul, pula, dilaw at lila hanggang sa maging kulay puti ito na kasing kintab ng perlas habang kumikinang.
Nawili ako sa mga nangyayari dahil ito ang first time na ma-experience ko na matuto at magkaroon ng magical powers, ngunit sa isang iglap, nasira ang lahat. Hindi ko nakontrol ang patuloy na paglabas ng magical energy ko. Hindi ko alam ang gagawin dahil parang nada-drain ang katawan ko at kahit ang mismong kapangyarihan ko ay hinihigop ang buong ako. Narinig ko na lamang ang pagsigaw ni Mrs. Clementine. Nakita ko rin kung paano gumamit ng spells ang dalawa niyang kasama, ngunit tanging nakita ko bago ako tuluyang mawalan ng malay ay si Loki na yumakap sa akin, at nag-cast ng spell. Unti-unti ay nakita ko na ang naguumapaw na "magic" sa palad ko ay parang kandilang nauupos.