Chereads / Lunaire Academy: Wizards and Witches Saga / Chapter 5 - Moon Magic's mark

Chapter 5 - Moon Magic's mark

Nang magising ako ay nasa clinic na ako ng academy. Nakatayo si Mrs. Clementine malapit sa pintuan ng clinic habang nasa upuan naman ang dalawang kasama niya na nasa examination room na mukhang mga teacher rin ng academy. Si Loki naman ay naka-upo sa kaliwang bahagi ng kama na hinihigaan ko, halatang nakapinta sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

"Mira", tanging pangalan na lamang ko ang nasambit ni Loki at marahan niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko. Ngumiti ako ng bahagya kay Loki at bilang tugon sa kaniyang ginawa ay hinawakan ko rin ang kaniyang kamay. Sa paglingon ko sa paligid ay napukaw ang atensiyon ko sa aking kanang kamay. Nagulat ako nang napansin ko sa aking kanang kamay na may marka ng crescent moon na nakaukit dito, kulay pilak at nangingintab ito. Tila permanenteng "tatoo" ang nasa palad ng aking kanang kamay. Biglang nagsalita si Mrs. Clementine kung kaya't nakuha niya ang aking atensiyon.

"Mira, dahil sa nangyari, napag-kasunduan namin ni Ms. Beatrix na sumailalim ka sa isang "special class" at "intensive training" para makontrol mo ng maayos ang kapangyarihan na taglay mo. Natulala ako sa mga sinabi ni Mrs. Clementine tungkol sa "special class" at "intensive training". Napatikhim ako dahil rito, "Ba-bakit po ako magkakaroon ng special class at intensive training? Para saan po?" Biglang sumabad ang babaeng katabi ni Mrs. Clementine, si Beatrix.

"Mira, batid kong napansin mo ang tatak na bigla na lamang lumitaw sa kanang palad mo. Iyan ang palatandaan na..." Naputol ang sanang sasabihin ni Beatrix ng biglang nagsalita si Rudolf, "...na, Ikaw marahil ang tagapagmana ng lihim na mahika ng buwan, ang pinakamakapangyarihang mahika sa buong Lunaire na ginawa ni Lady Minerva."

Sa mga sinabi ni Mr. Rudolf ay nagkakaroon ng linaw ang misteryo sa aking pagkatao. Sa mga nalaman ko ngayon ay napansin ko rin ang pagtataka na nakapinta sa mukha ni Loki. Muling nagsalita si Mrs. Clementine, "Mira, alam ko na darating din ang araw na makakarating ka rito sa Lunaire. Ito ang nakatakda, ang propesiya. Batid kong isang malaking palaisipan para sa iyo kung bakit ang isang tulad mo ay napapunta sa mundo ng mga tao. Bukod doon, batid kong gusto mo rin malaman kung sino nga ba ang tunay mong mga magulang, ang iyong pamilya. Masasagot ko ang kahit paano ang mga iyan kung papayag ka sa inaalok namin sa iyo."

Nagningning ang aking mga mata sa mga sinabi ni Mrs. Clementine. "Ta-talaga po? Kung ganoon po pala, papayag po ko sa inaalok ninyo sa akin." Madali naman akong kausap kung kaya't pumayag ako upang malaman ko na rin ang katotohanan sa likod ng pagkatao ko.

"Mabuti kung gayon. Si Beatrix at Rudolf ang magsasanay sayo. Aaralin mo ang lahat ng tungkol sa magic, iba't-ibang klase ng magic, at si Beatrix ang magiging mentor mo. Samantalang sa Physical Education, si Rudolf naman.

"May P.E din pala dito?"

"Oo. Pero nakatuon ang asignaturang Physical Education sa paraan ng pakikipaglaban. More on offensive at defensive." sagot ni Loki sa akin.

"Si Greyhound ang best student natin pagdating sa Physical education. Bukod doon, top student siya ng Lunaire kaya kahit saan siya ilagay, kaya niyang makasunod." ani Rudolf.

Napatingin ako kay Loki. Hindi lang siya nagtataglay ng mala-koreanong mukha at aura, isa rin siyang magaling at matalinong binata, dahil siya ang "topnotcher" ng academy. Napabuga ako ng hininga. Gusto kong maging katulad niya, makasabay sa kaniya, pero, napakalayo ng agwat naming dalawa. Biglang nagsalita si Loki. "Kung isasailalim niyo po si Mira sa special training, maaari ba akong sumama sa kanya para magabayan ko siya?" Nagkatinginan ang tatlong mentors ng Lunaire sa isa't-isa at nakita ko ang makahulugang pagngiti ni Mrs. Clementine bago humarap ito kay Loki.

"Sige, simula ngayon ikaw na muna ang magiging guardian niya dahil ikaw din naman ang nagdala sa kaniya dito sa Lunaire. Siguraduhin mo lang na hindi mo siya pababayaan."

Nag-init ang pisngi at tainga ko sa sinabi ni Mrs. Clementine. Akalain mo iyon, siya ang magiging bantay ko sa lahat ng oras, parang "bodyguard". Ibig sabihin, maya't-maya at araw-araw kaming magkasama.

"Pero... Sa girls dormitory na siya matutulog simula mamaya, at hindi na sa silid ninyong apat nila Aeris." pahabol ni Mrs. Clementine

"O-Opo" sagot ni Loki.

"Ms. Beatrix, Mr. Rudolf, inaasahan ko ang kooperasyon ninyo para matulungan natin si Mira. Maaari na kayong bumalik sa kani-kaniya ninyong mga klase." utos niya sa dalawa at lumabas na rin sila sa clinic.

Naiwan si Loki, tila ayaw pa niyang lumabas ng silid dahil nakatuon lamang ang kaniyang tingin kay Mrs. Clementine habang nakahawak pa rin sa aking kamay.

"Apo, lumabas ka na muna, may mahalaga lang kaming paguusapan ni Mira." Natalimuanan si Loki sa mga sinambit ni Mrs. Clementine at ngumiti ito ng bahagya. "Sige po, lola." Lumabas na si Loki ng silid, at kitang-kita ko sa kanyang mga labi ang kaniyang matamis na ngiti. Marahil, tinawag siyang "apo" ni Mrs. Clementine. Sa kanyang paglabas ay nakatingin si Mrs. Clementine sa kaniya at muling humarap sa akin na may seryosong ekspresyon ang mukha. Kung gaano siya kaseryoso ay ganoon na rin ang naging aura ko. Sa wakas, malalaman ko na rin kahit papaano ang pinagmulan ko.