Habang naglalakad kami ay tiningnan kong maigi si Loki kahit nakatalikod siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na maganda ang hubog ng katawan niya. Wala siyang suot na kapa, na isa sa mga uniform ng Lunaire. Tanging plain and clean white polo shirt ang suot nitong pangtaas at naka-black pants siya. Lalong nangibabaw ang kaniyang kaputian, kakisigan at kaguwapuhan ng natamaan ng liwanag ng buwan ang kaniyang buong pagkatao. Tila isang anghel na bumaba sa lupa ang humihila sa akin at hindi man lang ako makaangal. Gusto ko siyang yakapin patalikod at halikan ang kaniyang mga pisngi.
Nag-init na naman ang mukha ko dahil sa kung ano ang naiisip ko kung kaya't tinapik ko ang kaliwang pisngi ko ng aking kaliwang kamay. Tumigil si Loki sa paglalakad at lumingon sa akin.
"Mira?"
"B-bakit?" Napalunok ako dahil iba ang kaniyang tingin. Nabasa kaya niya ang nasa isip ko? Isa siyang magaling na wizard slash warlock kaya sigurado akong alam niya ang tumatakbo sa isip ko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinigpitan pa lalo ang paghawak sa kanang kamay ko, mahigpit ito ngunit ramdam ko ang sincerity ng pagkakahawak niya sa akin. Narinig kong bumuntong-hininga siya bago pinitik ang aking noo.
"Aray! Ano ba problema mo?"
"Wala naman. Ang cute mo kasi." Natahimik ako sa sinabi niya at iniyuko ko na lamang ang aking ulo sabay inilayo ang tingin mula sa kaniya upang hindi niya mahalata ang pamumula ng pisngi ko.
"Mira? Bakit namumula ang mga tainga mo?"
Shocks! Nahalata niya. "Ah! Wala... Wala ito."
"Nilalagnat ka ba? Tara dadalhin na kita sa clinic."
"Hi-hindi ako nilalagnat ano ka ba." I said while looking elsewhere. Itinulak ko siya ng marahan ngunit hindi pa rin niya ako binibitawan. Narinig kong tumawa siya ng bahagya. Dahil dito, napatingin ako ng hindi inaasahan sa kaniya. He tried not to smile by covering his lips with the back of his left hand and he looked even cuter in this way. Hindi ko namalayan na napangiti rin ako at kusang gumalaw ang mga kamay ko upang pisilin ang pisngi niya. He was shocked ngunit hindi niya ito ipinahalata bagkus hinawakan niya ang mga kamay ko at hinapit ang bewang ko papalapit sa kaniya, akmang yayakapin ako. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko ngunit bigla niya akong itinulak ng marahan at tumikhim nang bigla naming narinig ang isang pamilyar na boses ng babae.
"Mira! Narito ka lang pala." sigaw ni Stella sakin habang kumakaway-kaway, kasama niya ang mga roommates namin, ang mga bago kong kaibigan.
"Aba, nandito din pala si Greyhound. Anong ginagawa ng top student dito kasama si Mira?" ngising tanong ni Verdana kay Loki, sabay akbay ni Verdana sa akin. "May date kayo no?" dugtong nito na may halong pang-aasar.
Tumikhim ako bilang sabad ko sa kanila. "May... May one-on-one training kasi kami ni Loki after class hours ko kay Prof. Beatrix."
"Eh bakit naman sa ganitong oras pa? Malapit ng mag-dinner oh, hinihintay na lang ang pagtunog ng bell." ani Zera.
"Ah kasi..." Naputol ang sanang sasabihin ko ng biglang tumunog nga ang bell. Sign ito na kailangan na namin pumunta sa dining hall. Nagkatitigan kami ni Loki. Mukhang hindi na matutuloy ang sanang "date" namin, kahit hindi naman talaga ito date dahil may ipapakita siya sa akin kung kaya't sumama ako. I saw him make a frown expression, but I managed to give him a gentle smile.
"Next time na lang, siguro?" ani Loki.
"Okay." I responded at him.
We headed back at the academy's dining hall, together with my roommates and Loki. Exactly 7:00 p.m kasi dapat kumakain na kami at 9:00 p.m naman para matulog, so 8:00 p.m dapat lahat ng students ng Lunaire ay nasa kani-kanilang kuwarto nila. Kumbaga, ito ang bonding time ng mga roommates bago sila matulog, although mayroon naman nakalaan na vacant time para sa get together ng mga Lunaireian.
Magkakasama ang bawat roommates sa isang round table. Ako, kasama sina Stella, Dana, Zera at Phyra ay nasa bandang dulo nakaupo, malapit sa may staircase. Sina Loki, Rincewind, Calum, at Gwydion naman ay nasa may bandang unahan. Mga tatlong tables lang naman ang pagitan namin kaya nakikita ko sila. Roasted chicken and sauteed vegetables with rice ang dinner namin. Medyo naparami nga ang pagkuha namin ng rice at ulam mula sa buffet table dahilan para mapuno ang ceramic plate na hawak namin. Pumunta na kaming lima sa reserved table namin, umupo at sabay-sabay ng kumain.
Habang kumakain kami ng hapunan at nilalaro-laro ko ang tinidor na hawak ko, pasimple akong sumusulyap kay Loki. Nakikita ko ang nakakalusaw niyang ngiti habang nakikipag-usap sa tatlo niyang kasama. Sa pagngiti niyang iyon ay narinig ko rin ang bulungan at mahinang pagtili ng mga ibang babaeng students sa paligid namin. Siyempre ako, napabuntong-hininga na lang, at hindi ko namamalayan na tinutusok-tusok ko na ang roasted chicken na ulam ko gamit ang tinidor. Napansin ni Verdana ang ginagawa ko.
"Hey Mira. What's wrong? Kawawa na yung chicken eh, kung ayaw mo akin na lang." Akmang aagawin niya ang roasted chicken na nasa plato ko. Tinapik ni Phyra ng malakas ang kamay ni Verdana na aktong kukunin na ang ulam ko, dahilan para mabitawan niya ang tinidor na hawak niya.
"Aray! Eh ayaw na niya Phy eh." Verdana pouts.
"Pagkain niya yan. Kumuha ka na ng marami. Tsk... Wala kang kabusugan. Kung puwede ko lang gamitin ang magic ko dito..."
Sumabad si Stella. "Phy, stop it nasa hapag-kainan tayo. I think may ibang iniisip si Mira." Kinindatan ako ni Stella na tila alam na niya kung ano itinatakbo ng isip ko. Tiningnan ako ni Zera ng diretso sa mata, sabay lumingon ito kay Stella at tumingin muli pabalik sa akin, at dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya papalapit sa akin.
"Zera, just finish your meal. May mga important matters tayong pag-uusapan right after dinner, at kasama doon si Mira." ani Stella.
"Okay!" Sumagot si Zera.
"Guys, right after tumunog ng bell, kailangan natin makabalik sa room natin as soon as possible." ani Stella.
"Fine." sagot ni Phyra habang tumango si Verdana at Zera.
"For what?" tanong ko kay Stella.
"Uhm, just some rules lang naman Mira. It's an orientation na rin para sayo."
"I see."
Ngumiti ako kay Stella at bago ko ipinagpatuloy ang pagkain ay napalingon muli ako sa kinauupuan nila Loki. Muli, I smiled genuinely pagkatapos kong makita na para siyang bata na nakikipagbiruan kay Calum. He was gentle, calm and carefree. Hindi halata sa kaniya na isa siya sa hinahangaang wizard-warlock sa Lunaire at mataas ang expectations sa kaniya ng lola niya, si Prof. Clementine. Sa pagtingin ko kay Loki, ay naramdaman kong may isa pang tao ang nakatingin sa akin. Naibaling ko ang tingin kay Rincewind at nagkatinginan kami. An eye-to-eye contact. Nataranta ako bigla dahilan para maibagsak ko ang kutsara na hawak ko.
"What's wrong Mira?" pag-aalala ni Stella.
"No-nothing. I'm fine. Ahm, medyo nanginig lang kamay ko." pagsisinungaling ko kay Stella.
Muli akong napatingin kay Rincewind, sabay ngumiti ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng dating ni Rincewind pag tinitingnan niya ako. It's odd. It's something na may kinalaman sa kapangyarihan ko dahil parang nagrereact ang magical energy na nagmumula sa loob ng katawan ko. Ngunit ininda ko na lamang ito at ipinagpatuloy muli ang pagsubo ng aking pagkain.