Chapter 14 - Silver Moon

Maaga kaming nagising, around five in the morning. Dahil nagluluto ako sa café before sa mundo ng mga tao, I volunteered myself that I will cook their breakfast. Abot-tainga naman ang ngiti ng mga kaibigan ko sa sinabi ko, kung kaya't tinulungan na nila ako sa paghahanda ng mga sahog at utensils na gagamitin ko. Ang nakakatuwa lang sa kuwarto namin, parang nasa bahay lang kami. Kumpleto lahat ng pangangailangan namin. From living room, comfort room, dining table at bedroom, pero hindi naman kalakihan ang kuwarto namin, kaysa kina Loki. Their room is exquisite. Bukod pa roon, kahit may restaurants and canteen dito sa loob ng Lunaire Academy, the Council and Management of the academy gave us the opportunity to become independent, and I think, this is also a part of our training. Yes, a training ground indeed. Tama ang sinabi ni Prof. Beatrix during my orientation.

"Mira, ang bango naman ng niluluto mo. I'm drooling!" ani Verdana na tila kumikislap ang mga mata, ngunit parang kinikilig. Siguro nga gutom na talaga siya.

"Pagkain lang pero parang kinikilig ka na, paano kung si Gwydion na kasama mong kumain? Ayiieee" panunukso ni Zera kay Verdana sabay inumpog nito ang kaniyang kanang balikat sa kaliwang balikat ni Verdana. "Kinikilig ako sa gutom. Tse!" sagot nito kay Zera.

"Tama na yan, at mukhang kakain na tayo." Phyra said as she prepare our plates, as well as the spoons and forks.

"Ahm, sana magustuhan niyo itong luto ko. Bale, Garlic Buttered Fried rice yan, cheese omelette, at fried bacon. I also prepared hot chocolate drinks." Inihain ko ang mga pagkain and I smiled at them humbly.

"Gutom na talaga ako, let's dig in!" ani Verdana na sumandok na ng fried rice at kumuha na ng ulam at isang hot chocolate para sa kaniya. Ganoon din ang ginawa namin. Masaya kaming kumakain sa hapag-kainan, at mukhang nalimutan na rin nila ang nangyari kagabi. Buti na lang, hindi ko na kailangan pang magpaliwang sa kanila. Im doomed, if they will learn my real identity.

Matapos namin kumain ay isa-isa na kaming naligo. Of course, isa lang ang banyo kaya pila-pila kami. It's almost an hour when we finished taking a bath, dressing up and grooming ourselves. Alam niyo naman kaming mga babae. Kailangan namin maging "pleasing" sa mata ng mga makakakita sa amin.

Nang matapos na kaming mag-ayos ay lumabas na kami sa aming kuwarto. We are all wearing a black casual western-style blazer in which its left chest pocket were embroidered with the Lunaire's logo-- a silvery white crescent moon embroidered above the yellow-stitched sun at the center of a pentagram. Under our blazer, we also wore our white short-sleeve blouse with a striped black and yellow bow tied under our blouses' collar. Our uniform matches actually with our above the knee plain black skirt and black high-knee socks and shoes. Parang nasa Japanese and Korean Highschool Drama ang style ng uniform namin.

Habang naglalakad kami patungo sa Lunaire hall upang dumalo sa morning ceremony, ay may tinig na tumawag sa akin mula sa likod.

"Mira! Mira!"

Tumingin ako mula sa likod. Si Calum pala kasama rin niya si Gwydion. Luminga-linga ako sa paligid, pero hindi ko siya mahanap.

"Ako ba ang hinahanap mo? Miranggue?"

Ang nakakairitang boses na 'yon. Siya nga walang iba. Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti at hinarap siya. I was surprised by his attire, and his aura as well. Nakasuot siya ng rounded eyeglasses and this suits his handsome face. He is also wearing his uniform-- white long sleeves polo lang ang suot ni Loki na pang-taas na tinernuhan ng striped black and yellow necktie, habang dala-dala niya ang kaniyang blazer at isinampay ito sa kaniyang kaliwang balikat. Ginulo-gulo naman niya ang kaniyang buhok, so his hair went messy. Samantalang, ang ibang Lunaireians na lalaki ay suot-suot ang kanilang blazer. Kahit si Gwydion at Calum din, they wore their Lunaire's blazer. I felt my cheeks blushed because of his pristine and cool look.

"Mukha mo, bakit kita hahanapin?" tanggi ko kay Loki habang iniirapan siya.

"Kunwari ka pa" Loki pinched my left cheek when a familiar voice called him.

"Loki, ang aga-aga inaasar mo si Mira." Lumapit si Rincewind papunta sa amin at inaalis niya ang kamay ni Loki sa kaliwang pisngi ko.

"None of your business, Wind." Loki said at Rincewind nonchalantly. Rincewind gave him a thin smile then he greeted me.

"Morning! How are you, Mira?" Rincewind took my right hand. Shit yung kamay ko pa na may suot na guwantes, at ang kamay kung nasaan nakatatak ang crescent moon's mark ang hinawakan niya. Again, nagreact ang magic na mayroon ako nang hawakan ako ni Rincewind. It's weird and our eyes met. It lasts for five seconds when Loki grabbed my arm and pulled me from Rincewind. He gave Rincewind a smirk and Rincewind just gave him a shrug. Natauhan kaming lahat nang tumikhim ng malakas ang tatlo kong kasama. Muntikan ko na silang makalimutan. Kasalanan ito ni Loki at Rincewind.

"So, I think we should fall in line since three minutes na lang at magsisimula na ang morning ceremony." Phyra said calmly then she pouts. Pumila na kaming lahat. Nagsimula na ang opening message ni Mrs. Clementine para sa mga Lunaireians at binati rin niya ang mga bagong enrollees ng academy. Matapos niyon ay ipinaliwanag muli naman ni Prof. Rudolf ang school policies kasama na rin ang sanctions sa mga lalabag ng rules na ito. Habang nagpapaliwanag si Prof. Rudolf ay narinig namin na nagsalita si Calum. Mukhang si Phyra ang balak niyang kausapin.

"Phy... Ahm.. Hi? Kumusta ka na?" Nag-aalinlangang tanong ni Calum kay Phyra habang nakatingin ito sa mala-diyosang ganda ng dalaga.

"Fine. Masaya, noong wala ka." Phyra answered him directly and emotionlessly. Hindi siya nakatingin sa binata nang sinagot niya ang tanong nito. I bet, she is avoiding Calum.

"Ouch naman." Nag-react si Gwydion, habang mapanukso naman nitong tiningnan si Calum na halos naiwang tulala at walang masabi.

"Phy, ang totoo..." Hindi na naituloy ni Calum ang sasabihin nang biglang nagsalita sa mikropono si Prof. Beatrix.

"Ha? Ano yun?" ani Phyra.

"Wa-wala." sagot nito kay Phyra.

"Lunaireians, dahil pormal ng nagsisimula ang klase, gusto ko lang ipaalam na puwede na kayong magpalit ng pangalan ng inyong coven." anunsyo ni Prof. Beatrix.

Nagbubulungan ang mga estudyante sa anunsyo ni Prof. Beatrix. Muli itong nagsalita gamit ang mikropono.

"At, hindi na natin pagbubukurin ang coven ng witches from wizards or warlocks. Pagsasamahin na natin siya para may collaboration ang bawat students. Mas enjoyable kapag ganoon. That's also a part of the new rule. We have now the Gender Equality policy. In short, gender discrimination is not allowed starting today. Actually, we just amended the policies yesterday at ito ang binigyan namin ng pansin kung kaya't inirevise ito."

"Ta-talaga po, professor?" asked by a random Lunaireian girl with excitement painted on her face.

"Yes. At dahil nandito na tayong lahat" Prof. Beatrix showed a broad smile then she added, "Simulan niyo ng maghanap ng mga kagrupo niyo in three... two... one..." Sa pagpitik ni Prof. Beatrix ay nagkagulo na ang mga estudyante sa hall at nagsimula ng maghanap ng mga bago nilang makaka-grupo. May humila sa akin at hindi ko na nakita kung sino iyon dahil hindi na mahulugang karayom ang Lunaire hall because of the students' commotion, kung kaya't napapikit na lamang ako at mahigpit na humawak sa taong humila sa akin.

"We're done, Prof. Beatrix!" sigaw ni Stella. Iminulat ko na rin ang mga mata ko. Laking gulat ko na yakap-yakap ako ni Loki. Siya pala ang humila sa akin. I gazed at his chinky and lovely eyes straightly. He caught me looking at him then he smiled warmly at me. My blood rushed into my cheeks and I smiled warmly back at him. Gusto kong patigilin ang oras para sa aming dalawa. Natalimuanan kaming dalawa ni Loki nang magsalita muli si Prof. Beatrix.

"Oh, ang bilis ha. Let me see kung sinu-sino kayo. Eclair, Blaise, Drake, Flores, Eris, Gwydion and Gwen Randall, Martin, Alexevick, Greyhound at..."

Tumingin silang lahat sa akin ng sabay-sabay nang tinitigan ako ng propesor at binanggit ang apelyido ko.

...at Crescencia."

"Yun oh! Sama-sama pa rin tayo!" sigaw ni Gwydion. Hindi maipinta ang kagalakan sa kaniyang mukha. "Kaso, panira lang 'tong si Gwen at Luccas." dagdag nito na parang nawalan bigla ng gana.

Siniko ni Calum si Gwydion sa kaniyang dibdib. "At least, kasundo natin itong si Luccaboy, pasalamat ka Gwydion at napasama pa ang kapatid mo sa atin." ani Calum at tumawa ng bahagya.

"Anong magiging pangalan ng new coven ninyo?" tanong ni Prof. Beatrix

"Silver Moon!" biglang sigaw ni Verdana.

"What?" muling tanong ni Prof. Beatrix

"Silver Moon po! Professor!" sigaw muli ni Verdana.

"Okay, Silver Moon!" nagpalakpakan ang mga Lunaireians matapos ianunsyo na ang pangalan ng aming "coven" ay Silver Moon.

"Dana, bakit Silver Moon?" tanong ni Stella na may halong pagtataka.

"Naalala ko kasi yung magic ni Mira, masyado akong na-amaze at na-inlove sa pinakita niya sa atin kagabi. Parang nagliliwanag na buwan ang magic niya na napapaligiran ng silvery dusts. Iyon ang inspiration ko kaya nabuo ko ang name na Silver Moon." Verdana explained as she giggles.

Napansin ko na bahagyang nagulat si Rincewind at Loki sa mga sinabi ni Verdana tungkol sa ipinakita kong magic at sabay nila akong binigyan ng makahulugang tingin. I took a grip on my right hand with my left hand and bit my lower lip. Please, huwag niyo akong titigan ng ganito.